Ang Biyenan Ni Mrs. Garcia

Von SexyStrawberries

1.2K 7 0

Huwag basahin kung hindi matibay ang pananampalataya sa Diyos at sa pag-ibig sa iyong kasintahan o asawa. &q... Mehr

Ang Biyenan ni Mrs. Garcia

Ang Biyenan Ni Mrs. Garcia

1K 4 0
Von SexyStrawberries

"Natatakot ako sa mama mo, hon," nasa likod si Jaymee ng kanyang fiance na si David. Kasalukuyan nilang tinatahak ang madilim na patio ng villa ng mga Garcia sa San Juan, Batangas kung saan nakatira ang ina ng lalaki. "Dito ka ba talaga lumaki at nagkaroon ng childhood memories? Parang settings sa isang horror movie."




Napahinto ng paglalakad si David. Unti-unti itong lumingon kay Jaymee at nagsabi, "Sigurado ka ba na ako si David? Baka isa akong maligno. Boooooooooo!"




Imbes na matakot ay hinampas ng palad ni Jaymee ang balikat ni David. "Hindi ka po nakakatuwa."



"Relax ka lang, 'ney! Kasama mo kaya ang pinakamacho sa buong branch ng Fitness First Makati tapos natatakot ka. Besides," bahagyang nagseryoso si David, " mom will be the happiest to meet you."



Napabuntong-hininga naman ang babae. Hindi nga naman siya ipapahamak ng lalaking naging nobyo niya sa loob ng limang buwan at ngayon nga ay ikakasal na sila sa susunod na kabilugan ng buwan.



Everything is going to be alright.



*****


Isang malaking villa ang bahay ng mga Garcia dito sa San Juan, Batangas. Mayroon itong malawak na taniman ng niyog na halos hindi mo na matanaw sa taas at tumatakip naman sa mga ulap ang mga dahon nito. Sa paligid ay maaamoy mo ang tuyong mga dahon at tila isang siga ng mga kahoy sa di kalayuan. May mga mangilan-ngilang matatanda na manginginyog ang nakita nila habang nasa sa saksakyan. Ngunit dito sa loob ng villa, wala pa siyang nakikitang tao o hayop.



*****



"David!" Malumanay at mahina ang tinig na narinig ng dalawa mula sa isang sulok ng sala. "Iho, ikaw na ba iyan?"





"Hon, --" kalabit ni Jaymee. May babae sa may kanang veranda. Nakasakay sa wheelchair at may parang piring sa mga mata. "Ayun, ata ang mama mo."




Lumingon si David at nang mapagtanto na tama ang kasintahan, tumakbo ito at lumuhod sa harap ng ina. Ginagap nito ang mga kamay ng matandang babae at nagsimulang humikbi. "Mama!" Kay tagal nilang hindi nagkita. Isa o dalawang dekada na halos simula noong naaksidente ang kanyang mama at siya naman ay nag-aral sa Maynila at pagkatapos ay sa UAE. Sa kanyang pagbabalik ng bansa, itinago naman ng kanyang ama ang matandang babae sa hindi naipaliwanag na dahilan.



"Tumahan ka na, Dabey. Nandito na ang mama at hindi na tayo magkakahiwalay pang muli." Bakas sa mukha ng ina ang kaligayahan na maramdaman ang mga haplos ng anak. "Tapos na ang ating paghihirap."



Hindi naman makalapit si Jaymee. Hindi niya alam kung paano ang gagawin sa mga sandaling ito. Narito ang kanyang nobyo sa piling ng ina nito at tila ba naging sampung taong gulang ang matikas na lalaki. Naroon siya, literal na nasa kandungan ng kanyang ina, humikbi at tila nagsusumbong na may kalarong nang-agaw ng paborito nitong laruan. Maya-maya pa'y hindi na niya maulinigan ang sinasabi ng dalawa.




*****



"Ineng, ikaw ba ang nobya ni Dabey?" Isang paos na tinig ang gumulantang kay Jaymee. Isang lalaki na tila kuba na sa pagkakatayo sanhi ng hindi mabilang na oras sa mundong ibabaw. Ang amoy ng lalaki ay tila ba nanggagaling sa tabacco nito. Nakaputing kamisa Chino at pajama na gaya noong panahon pa ata ni Rizal. "Ako ang lolo ni Dabey. Ako ang tatay ng tatay ni Dabey."




Mabilis na itinago ni Jaymee ang pagkagulat. Pinilit n'yang ngumit kahit naiilang siya sa naninilaw nitong mga ngipin. Siguro ay ngumunguya din ng nga-nga ang matandang lalaki, "Mano po, lolo."




Iniabot ng matanda ang kanang kamay na may malapad na ngiti na lalong nagpakilabot kay Jaymee. "Ay, nakagalang ng batang are, hane. Ikaw nga ba ang nobya ng aking apo? Ay, kaawaan ka ng Diyos, ano."




"Salamat po."



"Huwag kang mag-aala't mabilis lamang, are!"



"Ano po ang mabilis lang, lolo?"




Tumanaw sa mag-ina ang lalaki bago nagwika, "Ang seremonya ng kasal ay saglit lamang. Nguni't ang obligasyon sa asawa at sa pamilya ay panghabang buhay."



Napalingon din si Jaymee sa nobyo at ina nito saka napatango. "Sana po kapag naging ganap na kaming pamilya, ang aking anak ay maging kagaya ni David sa paraan ng pagmamahal. Nakakatuwa po silang pagmasdan."




Nabighani na ng husto si Jaymee sa ipinamalas na pagmamahal ng nobyo sa ina. Hindi na nito nakita ang tila pagkislap ng mga mata ng lolo ni David.



*****




"Tatapatin kita, iha, hindi kita gusto para sa anak ko," madiin ang pagkakasabi ni Aling Cecilia taliwas sa ipinakita nitong pagiging malambing at malumanay noong unang mga sandali ng pagtapak n'ya sa villa. "Malayong malayo sa suot mong maiksing palda at tila panloob na pang-itaas ang aking imahe noong ako ang napiling maging Ginang Garcia."




"Mama!"




Sinaway ni Jaymee si David. Puno ng determinasyon ang mga mata ni Jaymee. Alam niya na magiging mabuti siyang asawa at ina sa kanyang magiging pamilya. Magiging mabuti rin siyang in-law sa lahat ng mga kamag-anak ng mapapangasawa. Lumuhod si Jaymee upang mas matingnan n'ya ang mukha ng ina ni David.



Malalaki ang mga mata ng ginang tanda ng pagiging mapagtanong at maaring kapusukan nito noong kabataan. Bagama't sa mga oras na ito ay tila blangko ang tingin ng ginang dahil sa katarata nito, ayon kay David. Prominente ang matangos nitong ilong at aakalain mong hindi purong Pilipino. Manipis at mapula mga labi ng matandang babae at lalong numipis sa pagkakadiin ng mga salitang binitawan nito. Marahil nga, higit tatlumpong taon na ang nakalilipas, isa ito sa pinakamagagandang dilag sa kanilang lugar.



"Mrs. Garcia, makabago man po ang aking pananamit at siguro po pati na rin ang aking pagsasalita pero ang aking pong values, masasabi ko pong ginabayan po akong mabuti ng aking ina upang maging mabuting maybahay gaya niya. Hindi po kami pinalalo at pinalayaw ng aming ama. Lalo po, nagsumikap po akong makapagtapos ng pag-aaral, makapagtrabaho ng sapat at makapagpatayo ng sariling negosyo. Alam ko po, hindi ko po kayo kayang higitan bilang unang babae sa buhay ng aking pinakamamahal. HIndi ko po kayo hihigitan. Magmamahal lang po ako hanggang sa takdang oras."



"Nalalaman mo ba ang sinasabi mo?"




"Opo," mabilis pa sa kidlat ang sagot ni Jaymee at kumidlat nga.



Tinitigan ni Mrs. Garcia ang susunod na Mrs. Garcia ng matagal bago nito tiningnan ang anak. Tila naman na-out of place si Jaymee. Parang may mental telepathy ang mag-ina. Siguro maiintindihan n'ya ang sitwasyon kung magiging ina na rin siya.



Unti-unting ngumiti si Aling Cecilia. "Magpapahinga muna ako. Tawagin n'yo na lamang ako sa oras ng hapunan." Iyon lamang at pinatunog ng matanda ang munting kampana na nasa sabit sa wheelchair nito.



Niyaya na siya ni David na lumabas ng silid ng ina. Ngunit bago tuluyang ipinid ni David ang pinto, nakita ni Jaymee ang higit sa lima na nagtulong-tulong na mag asikaso sa ina ng binata. Saan galing ang mga iyon? Sa laki ng villa at sa kalumaan nito, pwedeng may mga secret passage dito kagaya ng mga napapanood niya sa TV.  Nakakaexcite naman. Yayayain ko si David na maglibot bukas ng umaga.



*****




Hindi na namalayan ni Jaymee kung paanong lumipas ang oras at kung paano siya napahiga sa kamang ipinakita sa kanya ni David kanina. Alas nueve na ng gabi at kinakatok siya ni David sa pinto upang maghapunan. 




"'Ney, may dala akong damit. Kung pwede sana magpalit ka muna ng damit. Pasensya na, 'ney, gusto ni mama, eh."




Napataas ang kilay ni Jaymee. Hindi kaya Mama's boy ang kanyang mapapangasawa?




Binuksan ni Jaymee ang pinto ng kanyang silid at hindi na inabutan ang nobyo. Nasa sahig ang kahon ng damit. Sosyal, sa isip isip n'ya, kailangan nakakahon eh pambahay lang naman.



Excited na binuksan ni Jaymee ang kahon at agad ding isinara sa pagkadismaya. Napabugtong hininga muna siya bago muling binuksan ang kahon. Hindi pa man niya nalaladlad ang damit, alam na niya na ito ay isang mahabang saya kagaya ng sa ina nito at may manggas at mataas na tabas ng leeg. Iisang sastre siguro ang gumawa ng damit na ito at damit ng ginang. Manang na manang at parang sinaunang damit pangkasal. Pero wala siyang magagawa sa houserules. Hindi pa siya ang main na Mrs. Garcia.



Mabilis na naligo si Jaymee at isinuot ang damit. "Wow, ang ganda. Para akong diwata. Kung magiging mahaba lamang ang manggas nito, para na akong nakadamit pangkasal. "




Umikot ikot si Jaymee sa loob ng silid at saka niya napansin ang isang life-size na salamin. Ang ganda ng salamin na antigo! Para itong salamin ng stepmother ni Snow White. Nagpaikot ikot sa harap ng salamin si Jaymee. Isa. Dalawa. Tatlo.




Shit! May babae sa salamin.




Tinitigan ni Jaymee ang reflection n'ya sa salamin. Marahil ay namalik-mata lang siya o nahilo kakaikot. Hindi naman siya naniniwala sa multo.


"'Ney? Tapos ka na ba? Mag-te 10PM na po." Nasa labas uli si David. Agad namang lumabas ng pinto si Jaymee. Gaya ng inaasahan, literal na nagulat si David sa hitsura ni Jaymee. "Saan mo nakuha ang damit na iyan?"



"Huh?"





"I mean, ang ganda mo, 'ney. Nagsisisi na ako ngayon pa lang."




Napakunot ang noo ni Jaymee, "Saan ka nagsisisi?"




"I mean, sana noon pa lang, pinakasalan na kita." Matamis na ngumiti si David sa kasintahan.



"Halos wala pa tayong isang taon magkakilala, hon," napangiti rin si Jaymee, "masyado naman yatang pabigla-bigla kung magpapakasal agad tayo eh wala pa tayong sixth monthsary."



"Alam mo naman na hindi ako naniniwala sa monthsary-monthsary na iyan. Mas gusto ko na ang selebrasyon natin ay tuwing kabilugan ng buwan." Si David.



Alam na ni Jaymee ang kasunod. "That way, mas special. That way, magbibilang talaga tayo kung kailan bilog ang buwan. That way, lagi akong nasusurpresa sa 'yo."



"Jaymee Llanera, do you take me as your lawfully wedded husband sa kahit anong sitwasyon mayroon sa aking buhay?" Tanong ni David.



"Isinusumpa ko sa bilog na buwan na kagaya ngayong gabi at sa mga gabi pang darating na ikaw lamang ang aking mamahalin, aalagaan ko ang ating magiging pamilya at iaalay ko ang aking mga nalalabing mga araw upang pagsilbihan ang iyong mga magulang at angkan. Oo, mahal ko. Paulit-ulit na 'Oo.'"



Biglang kumidlat!


*****



Ehem! Biglang nasa likod pala ni David ang lolo nito. "Mamaya na kayo magbolahan. Naandito na ang mga bisita."




Bisita? Pagsabi niyon ng matandang lalaki ay tila nagliwanag ang paligid. Naka-costume din pala si David at ang lolo nito katerno ng kanyang saya. Maliwanag na maliwanag ang buong kabahayan at tila buhay na buhay ang mga kuliglig. Ano'ng okasyon? Engagement party? Ang sweet naman ni David.



*****


Mala-pelikula ang paglalakad ng tatlo papuntang kusina kung saan malalakas ng tawanan at pag-uusap ang maririnig mo. Maliban sa mga serbidora at kay Mrs. Garcia, lahat ay pawang mga lalaki na naka-costume din.



"Narito na pala sila." May isang nagsalita na hindi na nakita ni Jaymee kung sino dahil sa dami ng tao.



Binilang ni Jaymee kung ilan ang tao sa dining area. Mga labinlimang kalalakihan ang bisita at apat na serbidora ang nagpapalakad lakad sa silid.



"Iha, iyan ang mga lalaking Garcia," sabi ng lolo ni David. Isa-isang nilapitan ng tatlo ang mga lalaki upang mag-mano ang magkasintahan sa mga bagong dating. Malalapad na ngiti at walang sawang 'Kaawaan ka ng Diyos' ang narinig ni Jaymee. "Ang mga babae ay hindi lumalabas ng bahay kapag lagpas na ng alas-sais ng hapon. Bukas mo na siguro sila makikilala."



"Ang ganda n'ya," naulinigan ni Jaymee ang isang katulong. "Sayang naman siya."


"Magtigil ka, Sonia! Huwag mong panghinayangan ang pagiging Garcia!" Saway ng halos kasing edad siguro ng mama ni David na serbidora.



Tumunog ang kampana ni Aling Cecilia. "Mga kapatid at mga barako ng buong angkan, bukal sa aking puso na ipakilala sa inyo ang susunod na magiging Garcia."


Masigabog palakpakan ang umalingawngaw sa buong kabahayan.



Sana huwag nang matapos ang gabing ito, sa isip isip ni Jaymee.




*****



"Cecilia, tigilan mo 'yan!" Malakas ang boses ng lolo ni David. "Makakasama para sa 'yo ang ginagawa mo!"




"Pero hindi ako matatahimik! Isa lang ang Mrs. Garcia sa bahay na ito! Ako lang!"




"Hindi ka naman palalayasin ni Arnulfo sa bahay na ito kahit hindi na kayo nagsasama. Masisigurado ko 'yan sa 'yo," madiin pa rin ang mga salita ni lolo. "Alam na alam nating hindi ka paalis sa bahay na ito!"




"Iyon na nga, papa! Hindi kailangan ng isa pang Mrs. Garcia!"



"Tahan na, mama," si David iyon, tila inaalo ang ina, "ikaw pa rin ang nag-iisang babae sa buhay ko. Ikaw pa rin ang pinakamagaanda. At kaya siya nandito ay para sa 'yo. Pumayag ka na, di ba?"




Blag!



*****



Tumatakbo si Jaymee papalabas ng kabahayan. Hindi na niya alam kung may ilang beses na siyang nagpaikot ikot sa una at ikalawang palapag ng bahay at kung ilang beses na n'yang nadaanan ang dining area kung saan naroon pa rin ang mga barako ng Garcia.




"Akala ko ba, willing? Bakit nawawala?" Sabi ng isa.




Ako kaya ang tinutukoy nila?




"Sabi ni Arnulfo, binayaran daw ang buong pamilya kaya napapayag. Kaya sigurado na." Sabi ng isa.




Huh?



"Ay, hindi pwede iyon. Dapat tapat na pag-ibig para makalaya tayo sa sumpa!"




Anong sumpa?



"Kung hindi ba naman gago iyang pinsan mong si Arnulfo, may ikatatlumpong birhen na sana sa Garcia. Mapapalaya na sana natin ang ating mga asawa!"




Ano daw?




Biglang nahulog si Jaymee sa loob ng salamin. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!




*****



"'Di ba, Jaymee ang pangalan mo," bungad sa kanya ng isang babae. Nagulat si Jaymee dahil napakaaliwalas ng mukha ng babae na tila isang diwata. Suot suot din nito ang damit na kagaya ng sa kanya. "Ako si Minerva, ang ikadalawampu't siyam."




Naguguluhang napatingin sa paligid si Jaymee. Nasa isang tila paraiso siya na napapalibutan ng magagandang babae.




"Dalawampu't siyam kami lahat," sabi ng isa. "Ikaw at si Cecilia na lang ang hinihintay namin para mapalaya tayong lahat sa sumpa. Si Cecilia bilang ikatatlumpong kaluluwa ng maybahay ng mga Garcia at ikaw bilang susi sa pagbubukas ng kulungang salamin."




Anong sumpa? Walang tinig na lumabas sa mga labi ni Jaymee.



"Isang salinlahi lang ang nagagawa ng mga Garcia. Ang ama ay magkakaanak ng isang magiging ama na magiging ama na magiging ama. At ang bawat magsisilang ng sanggol ng mga Garcia ay kukunin ng salamin hanggang sa isa lang ang matira habang naghihintay ng susunod na ina. Pero bakit wala pa dito si Minerva pero nandito ka na?" 



"Hala!"



"Bakit, Ason?" si Minerva.




"Nasaan ang singsing mo? Nasaan ang wedding ring mo?" Si Ason.



"Wedding ring? Hindi pa kami---" Si Jaymee.



"Ikinasal na kayo! Hindi makakarating ang isang babae sa loob ng villa kung hindi pa siya isang Garcia. May kung anong sumpa sa buong angkan na kung hindi sila mag-aalay ng isang babaeng Garcia, magpapabalik balik sa loob ng villa ang lahat ng mga lalaki, buhay man o patay!"



Nagsimulang magbulungan ang mga babae. Suot pa ni Cecilia ang singsing para sa bride ng mga Garcia. Sapat na ba ang sumpaan nina Jaymee at David sa bilog na buwan kanina bilang balidong kasal?



Nasaan nga ba ako? tanong ni Jaymee. Dito sa loob ng salamin ay tila isang napakagandang paraiso na napapaligiran ng mga nakaputi samantalang unti-unti naaalis ang pagbabalat kayo ng villa Garcia. Sa hapag kainan kung saan naroon ang mga kalalakihan ay tila mga zombie itong kinakain ang kanyang katawang lupa!





"Ganyan din ang sinapit ng aming katawang lupa," paliwanag ni Minerva.




"Kinakain ng mga lalaki ang aming katawang lupa habang ang aming mga kaluluwa ay nakabilanggo dito sa salamin. Bawat isa sa amin ay mga portrait diyan sa villa. Gusto sana kitang balaan kaninang umiikot ka sa salamin bago magpunta sa hapag kainan," sabad ni Asuncion o Ason.




"Pero bakit ka narito gayong naroon naman si Cecilia?"



*****



"Cecilia," mula sa salamin sa silid ng mama ni David ay nakikita ng mga babae ang dalawa, "ikaw lamang ang aking pinakamamahal. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo."



"David, anak kita!"


"Cecilia, patawarin mo ako," nakaluhod ang binata sa paanan ng kanyang ina. "Hindi ka mawaglit sa aking isipan. Ikaw na nakakulong dito sa villa upang pagsilbihan ang mga bangkay at naaagnas ko ng mga kamag-anak."



"David!"


"Hindi ako si David, Cecilia, mahal ko," nakangiting sabi ni David, "dalawang kabilugan ng buwan na ang nakararaan, nagtagumpay ang iyong ama na pagpalitin ang aming mga katawan ng ating anak. Ang aking mahina ng katawan na si Arnulfo ay naging bilangguan na ng ating suwail na anak."




"O, Diyos ko!"




"Oo, Cecilia, sa tulong ng karunungang itim na ipinama ng iyong ama, pinagpalit ko ang aming mga katawan at ikinulong ko ang ating anak sa matanda kong katawan at dinala ko siya sa mental hospital."




"Pero matanda na rin ang aking katawan at puno na ng nakaraang pasakit."




"Hindi katawan ni Jaymee ang kinakain nina tiyo! Isa iyong katawan na binili ko sa morgue para sa kapistahan ng sumpa."




"Arnulfo!"




"Magagamit mo ang katawan ni Jaymee bilang bagong katawang lupa gamit ang mahika ng iyong ama. Tatlumpong maybahay ang kailangan ng salamin. At sa kamatayan ng iyong lumang katawang lupa, hindi na muli pang magagambala ang mga bangkay ng aking kapatid, tiyuhin at kanunu-nunuan. Nagawa natin iyon, mahal ko. Mabubuhay tayong dalawa!"



Isang pagkasa ng shot gun ang narinig ng dalawa. "Iyon ang akala n'yo!"


Isang bala para kay David/Arnulfo. Ikalawang bala para sa paghihiganti. Ikatlong bala para makasiguro.



"Tatay!" Gulat na gulat na nasambit ni Cecilia. 



"Hindi man lang nahalata ng ungas na ito na hindi ako ang kanyang Lolo Javier! Tutuparin ko na ang huli mong kahilingan, anak."



Isang bala pa para kay Cecilia. Isa pang bala para sa salamin. Isa uling bala para sa sentido ni Lolo Javier.




Tapos na ang sumpa! Ang huling apo ng mga Llarena na sumumpa sa lahat ng anak na lalaki ng angkan ng Garcia ay patay na. Patay na rin ang lahat ng anak na lalaki ng mga Garcia pati na si Arnulfo na sinapian ni David na nasa mental hospital ay nagtagumpay sa pagpapakamatay ilang oras bago ang piging.



*****



"Hindi ka ba naniniwala sa kwento ko?" tanong ng isang lalaki sa wattpad author na si Amor. "Noong panahon ng mga Kastila, isang marikit na dilag ang kilala sa San Juan, iyon ay si Julia Llarena. Sa malagim na sinapit na panggahasa ng kasintahan nitong si Jose Garcia sampu ng mga kaangkan nito, isinumpa sila ng ama ni Huling na ang bawat babae na mamanugangin ng mga Garcia ay magsisilang lamang ng isang anak na lalaki upang patuloy na makapanghingi ang salamin ng kaluluwa ng isang babaeng may lubos na pagmamahal sa kanyang pamilya. Magpapatuloy ang sumpa hanggang sa ikatatlumpung babae at sa huli, ang bagong asawa ng isang Garcia ay dapat paslangin ang lalaki at basagin ang salamin upang maputol ang sumpa at makalaya ang tatlumpung biyenan."



"Interesting siya, mare," tatango-tangong sambit ni Amor. Nahulog ang notebook ng kausap ni Amor at dinampot n'ya ito saka nagsabing, "True to life ba 'yan?"




Pag-angat ng mukha ni Amor, wala na ang lalaki. Weird. Binuksan ni Amor ang notebook. Nakasulat doon ang pangalan ng kausap: Jaime David Llarena Garcia! 




Isang malamig na hangin ang naramdaman ni Amor kasabay ng samyo ng bulok na dahon at amoy ng sinigaang mga tangkay ng punong-kahoy.



-The End-


If you like it, please do vote and comment, and suggest to your friends. ^_^





Weiterlesen

Das wird dir gefallen

207K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
1.8M 103K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
340K 22K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...