When The Bitch Falls

De aryanpel

681K 14.4K 1.4K

The untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She t... Mais

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 44

11.3K 261 52
De aryanpel

Napatitig si Kira sa sariling repleksiyon sa salamin. Hindi na masyadong halata ang namumugto niyang mata na bunga ng ilang oras na pag-iyak kagabi. Maayos itong natakpan ng concealer. Itim na ang kanyang buhok. Taliwas sa kulay ng suot niyang isang puting seamless perfect fit dress. Pinahiran niya ng pulang lipstick ang kanyang labi at mariin itong pinagdikit.

"There." Nginitian niya ang sarili. "I'm off to go."

Mabilis siyang lumabas sa kwarto at bumaba sa sala. Nilihis niya ang tingin sa mahabang sofa. Ayaw na niyang maalala ang narinig mula kay Black kagabi. Presko pa iyon sa kanyang isipan pero pilit niya iyong kinakalimutan. Sobrang sakit kasi. Baon na baon. Punong-puno na siya sa pasakit na dulot ni Black. Nakakasakal na.

Iyon na rin siguro ang nagmulat sa kanyang isipan na bigyang-halaga rin ang sarili. Hindi siya magiging masaya kung magdedepende lamang siya sa isang tao. Tama na ang kabaliwan niya sa binata. Ngayong alam na ni Kira kung saan ang limit niya, hindi niya na hahayaang masaktan ulit siya dahil kay Black.

Dumiretso siya sa pinto at pinihit ito pabukas. Napaatras si Kira nang biglang lumitaw sa kanyang harapan si Heres na nakasuot ng tuxedo. May malapad na ngiti sa mukha ng kaibigan ngunit napawi iyon nang dumapo ang tingin nito sa kanyang buhok. Nagsalubong ang kilay ni Heres.

"You look... weird," komento ng kaibigan.

Lumapat ang daliri ni Heres sa kanyang buhok ngunit agad niyang tinaboy ang kamay nito.

"Don't touch my hair, freak!"

Sinamaan niya ng tingin ang binata at pabirong sinuntok ang balikat nito.

Tinawanan lamang siya nito at muling nagsalita, "Are you for real?"

Inirapan niya ang kaibigan. "Yes, I am for real, Heres. I am still Kira. I just looked different now and you're not used to seeing me like this. Too plain and white."

"White isn't your style." May mapanuksong ngiti sa labi ni Heres.

Humalukipkip ito.

"So, what's with the change? Is this about your Black again?" Mataman siyang tinitigan ni Heres. "Are you in love or are you hurt?"

"Both." She faked a laugh. "Deeply in love and deeply hurt."

Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi ni Heres.

"Come here." Iminuwestra nito ang hintuturo patungo sa kanya. "Let me hug you first before we go to your father's party."

Hindi siya nag-atubiling humakbang palapit sa binata. Mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa beywang ni Heres at ibinaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. She felt no awkwardness. She felt no kilig, either. Yet, her heart lightened up with his comfort. Even just for a while, she has escaped from the suffocating pain.
Unang bumitaw si Kira. May bumara sa kanyang lalamunan nang sumagi sa isip niyang magpasalamat kay Heres. Mahirap iyon para sa kanya. Hindi niya naranasang direktang magpasalamat kay Heres kahit na malapit ang loob nila sa isa't-isa.

"Uhmm... Heres, thank you, " she finally uttered the magic word.

Somehow, it felt great. She felt her ties loosened up. Muling lumitaw ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Heres.

"Really, Kira? Thank you?" panunudyo nito kasabay ng panggagaya sa tono at boses niya.

Napasimangot si Kira.

"Nag-effort ako tapos tatawanan mo lang?" Pinandilatan niya ang binata bago hinigit ang pulsuhan nito. "Let's just go. Male-late na tayo sa party ni Dad."

Hinila niya si Heres sa sasakyan nito. Dito siya sasabay sapagkat tinatamad siyang magmaneho ngayon. Buti na lang at nagpresenta si Heres na susunduin siya dahil pupunta din naman ito sa party ng ama. Birthday nito ngayon at may maliit na salu-salo sa bahay nito kasama ang mga family friends nila, mga katrabaho at kasosyo nito sa negosyo.

Medyo makulimlim na nang dumating sila sa bahay ni Ellino kaya marami na rin ang nagsidatingan. Sumalubong sa kanila ang mga mamahaling kotse na nakaparada sa gilid. Nakahinga siya nang maluwag sapagkat hindi niya nakita ang kotse ni Black. Pasikreto niyang hiniling na sana ay hindi ito magpunta. Pero sino ba ang lolokohin niya? Alam niyang imbitado ang binata at malaki ang posibilidad na dadalo ito sa party. Late lang siguro si Cadmium ngayon. Sana lang ay hindi magkrus ang kanilang landas ngayon. Ayaw niya muna itong makausap.

Nakapatong ang kamay ni Heres sa kanyang balikat nang pumasok sila sa sala. Hinayaan na lamang niya ang kaibigan. Napaawang ang labi ng mga bisitang napapatingin sa kanya. May iilang lalaki't babae na ka-edad niya pero karamihan ay matatanda ang narito.

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Kira nang marinig ang bulong ng isang babaeng nakasuot ng strapless dress 'di kalayuan sa kanya.

"Si Kira iyan, diba? Bakit black na ang buhok niya? At bakit puti na ang suot?"

"Malay namin diyan," masungit na sagot ng isa.

Tumawa si Heres sa kanyang tabi. Mukhang narinig din nito ang usapan ng dalawang babaeng parehong anak ng business partners ng kanyang ama. Nangangati ang dila niyang komprontahin ang dalawang tsismosa pero pinalampas na lamang niya ang usapan. Hindi niya gustong masira ang ambiance ng party ng ama dahil lang sa kanya.

Inaya na lamang niya si Heres na pumunta sa hardin. Pagdating nila doon, sumalubong sa kanya ang iilang round table na may wine glasses sa ibabaw. May okupado, mayroon ding wala. Napatingin siya sa dulo ng hardin kung saan may nagtatawanan. Nakita niya ang ama doon kasama si Geena at ang mga katrabaho nito. Unang bumati si Heres sa kanyang ama nang makalapit sila sa pwesto nito. Gumuhit ang kuryosidad sa mukha ng mga katrabaho ng papa niya. Sabay-sabay itong natahimik at nangunot ang noo.

"Dad..." Napakagat-labi si Kira. This is awkward, but… "Happy birthday. I'm sorry. Hindi ako nakabili ng regalo."

"It's okay, anak. Masaya na ako na nandito ka." Ngumiti ang kanyang ama at pinasadahan siya ng tingin. "You look really good in your white dress."

“Thank you, Dad.”

"Ang ganda mong tingnan sa bagong kulay ng buhok mo, K. Bagay na bagay sayo," nakangiting dugtong ni Geena.

Tila piniga ang puso ni Kira nang mapansing humawak si Geena sa braso ng kanyang ama. Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos ay ngumiti sa kanya.

Nagseselos siya sa koneksiyon ni Geena sa ama pero kailangan niyang tanggapin at unawain ang relasyon ng dalawa.
Imbes na sungitan at ipahiya si Geena, sinuklian niya lamang ito ng tipid na ngiti.

"I changed my style, Tita."

Tinapik ni Heres ang kanyang balikat bago ito bumitaw sa pagkaka-akbay sa kanya, pagkatapos ay walang hiya itong umupo sa bakanteng upuan sa harap nito. Lumipas ang ilang segundo ay may dumating na namang mga bisita kaya umalis ang kanyang ama sa table kasama si Geena.
Bumaling si Kira sa mga lalaking nasa parehong table. Lahat yata sila ay engineers at nasa fifties na. Binati niya ang mga ito. Sampu silang naroon ngunit iilan lamang ang kilala niya. Natuon ang pansin ng mga ito sa kanya.

"Iha, may proyekto ka kasama ni Engr. Harris, ‘di ba?" tanong ng lalaking may bigote sa mukha.

Nagdalawang-isip siya sa pagsagot dahil gusto na niyang magback-out sa proyektong iyon. "Uhm... yes po. I'm currently having a project with him."

"So, you two are close?" sabat naman ng nasa kaliwa. May mapanuksong ngisi sa mukha nito.

Marahang umiling si Kira. "We just work with each other."

"Really? We thought you're close." Bumaling ang tingin niya sa katabi ng lalaking may bigote. Nagsasalin ito ng alak sa wine glass. "Cadmium has beenㅡ"

"You're talking about me, Engr. Reyes?"

Nanlamig ang kanyang kamay nang maramdaman ang presensiya ng binata sa kanyang tabi. Boses pa lang nito, alam na alam na niya. Sumasagi ang balat ni Cadmium sa braso niya. Napakagat-labi si Kira. Hindi niya alam kung sinasadya ba ito ni Black o hindi. Ang tanging nasa isip niya ay ang katotohanang nasa malapit ang binata.

Naramdaman ni Kira ang paghawak ni Cadmium sa dulo ng kanyang buhok. "You changed your hair color."

"Kanina lang. Nagsawa na kasi ako," matabang niyang sagot.

Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang pag-igting ng bagang ni Cadmium. Matalim ang titig na iginagawad nito sa kanya ngunit nanlambot ang ekspresyon sa mukha ng binata nang dumapo ang tingin nito sa kanyang suot. Naging abala na ang mga matatanda sa sarili nilang pag-uusap. Pati si Heres ay nakisali na rin.

"What happened to your dress?" pabulong na tanong ni Black.

"I told you." Namuo ang iritasyon sa boses ni Kira at lalong binigyang-diin ang pagbigkas sa mga sumunod na salita, "Nagsawa na ako sa pagsusuot ng black."

"Are you sure about that, Kira?" nanunuksong tanong ng binata. "I don't think likes can be changed that easily."

Lakas-loob niyang pinihit ang sarili paharap sa binata. Humalukipkip siya. "Are you challenging me, Cadmium?"

Nagkibit-balikat si Black. "I'm just stating the obvious here."

She looked at him blankly before firing her words, "I can simply erase you out of my life. Hindi ka rin naman kawalan. There's a lot of guys out there. That's a matter of fact."

Nangunot ang noo ni Black. Puno ng galit ang mata nito. Biglang kumabog ang puso ni Kira. Ilang segundo siyang nagpigil ng hininga dahil sa paninitig ni Black na para bang sinusukat ang pagmamatigas niya. Doon lamang nakahinga nang maluwag si Kira nang tumalikod na si Black at tuluyang umalis sa table.

Continue lendo

Você também vai gostar

215K 4.5K 55
The original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya nama...
Fix You De DOKY

Ficção Geral

615K 6.6K 27
When you tried your best but you don't succeed-- When you get what you want, but not what you need.. Police Inspector Artemis Ceanne Galang and Dr. D...
187K 4K 52
Five years. Five years have passed since Steffi left the mansion. She didn't say goodbye most especially to her fiance named Flynn. She didn't even w...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...