Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Av Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mer

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

EPILOGUE (Part 1 of 2)

94K 4.2K 4.7K
Av Serialsleeper


(EPILOGUE TRACK ABOVE)

DISPAREO 3

EPILOGUE (PART 1 OF 2)

END OF TRILOGY



CIELO'S POV



Nagising ako sa isang pamilyar silid. Mula sa amoy hanggang sa bawat detalye ng dingding, siguradong-sigurado na ako kung nasaan ako. Tatlong taon rin ako dito, tatlong miserableng taon na punong-puno ng kalungkutan at pag-iisa.


Naupo na lamang ako sa gilid ng kama at napabuntong-hininga. Napakaraming tumatakbo sa isipan ko hanggang sa namalayan ko na lamang na pumapatak na naman ang luha ko. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa, may sapat naman akong lakas pero ang puso ko ang problema. Natatakot ako. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, natatakot akong malaman kung ano ang nangyari, natatakot akong malaman kung anong ginagawa ko rito sa mental institution na nagsilbi kong tirahan sa loob ng tatlong taon.


Biglang bumukas ang pinto kaya naman napalingon na lamang ako rito at nakita ko ang nars na siyang naging tagapangalaga ko mula nang mapasok ako dito. Bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap ni Raze kaya naman pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti. Siguro kung pipilitin kong ngumiti ulit gaya ng dati, masasanay ako hanggang sa mabalik ang dating ako.


"Sa tatlong taon mo dito, sa wakas nakita narin kitang ngumiti." Tuwang-tuwa niyang sambit at dali-dali akong nilapitan ngunit agad na naglaho ang ngiti niya nang makitang umiiyak ako. Being the kind-hearted woman that she's always been, agad siyang lumapit sa akin at inalo ako kaya naman dali-dali kong pinunasan ang luha ko.


Sa loob ng tatlong taon ko rito, wala akong ibang ginawa kundi magpakamiserable. Ngayon ko lang napagtanto sa sa loob ng tatlong taon na 'yon, may mga tao parin namang nagmalasakit sa akin gaya niya. Inalagaan niya ako at pinakitaan ng kabaitan pero ngayon ko lang ito napansin at napagtanto.


"Thank you po sa lahat." Sa unang pagkakataon, nagawa kong magpasalamat sa kanya. Hindi ko alam bakit pero pagkatapos ng mga nangyari sa amin ng mga kaibigan ko, parang may nahawing napakalaking ulap sa puso at isipan ko.


"Batang 'to, ginagawa ko lang ang trabaho ko," Aniya at agad na pinunasan ang luha ko, "Alam mo kanino ka dapat magpasalamat? Sa papa mo na halos araw-araw kang binibisita pero hindi mo kinakausap."


Dahil sa sinabi niya, nagbalik sa alaala ko ang lahat; kung paano ko laging pinagtatabuyan si Papa, kung paano ko siya laging pinagsasalitaan ng masama dahil ipinasok niya ako dito at kung paano ko siya ituring na isang masamang tao. My dad... he wasn't perfect. He was never good at making decisions but he loved me with his whole heart.


"'Wag ka na ngang umiyak, dapat masaya ka kasi mas mapapaaga 'tong labas mo. Sige na, magbihis ka na at kanina pa naghihintay ang mga kaibigan mo sa'yo."


So that's it huh? We went back in time again... Another do-over... Axel made a wish in exchange for his soul. I wonder what he wished for but I don't want to know because it will only break my heart more.


****


Panay ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko, napakalakas pa ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapalagay habang naglalakad patungo sa visitor's area dala ang mga bagahe ko. Sabik na sabik akong makita ulit sila ngunit natatakot ako sa sitwasyong madadatnan ko. Axel made a wish, alam ko kasi nangyari narin to nang si Dana rin ang humiling. Ganitong-ganito ang nangyari noon pero si Dana ang wala.


"Cielo!"


Bigla kong narinig ang napakalakas na boses ni Dana at nang sundan ko ito ng tingin, nakita ko siyang tumatakbo na patungo sa direksyon ko kasama si Raze.


Muli, hindi ko na napigilang maiyak nang magkaroon uli ako ng pagkakataon na mayakap si Dana ng mahigpit at sa pagkakataong ito'y hindi na siya isang malamig na bangkay. Matagal bago kami bumitaw sa isa't-isa, nagyakapan lamang kami at nag-iyakan, hindi nagpapalitan ng salita at pinapahalagahan ang sandaling magkasama na uli kami.


Nung una naiiyak lamang ako dahil sa dami ng pinagdaanan namin ni Dana pero kalauna'y sumagi na sa isipan ko si Axel at bumalik ang labis na sakit ng katotohanang wala na siya. Gaya ng dati, si Dana na naman ang naging sandalan ko.


"Come on Snowy, it's okay now." Sambit ni Dana sabay himas ng likod ko. Pinunasan niya ang luha ko kaya pinunasan ko rin ang sa kanya gaya ng lagi naming ginagawa mula pagkabata.


"Yung palangiting Cielo yung gusto naming bumalik, hindi yung iyakin." Biro naman ni Raze.


Napabuntong-hininga ako. Pinilit kong ngumiti ngunit sadyang ayaw talagang huminto ng luha ko. Ibinaling ko na lamang kay Raze ang atensyon ko at siya naman ang niyakap ng mahigpit.


"Tumahan na nga kayo, mamimili pa tayo ng regalo para kay Jejelord." Biro sa amin ni Raze dahilan para mapahagalpak si Dana kakatawa.


"Dana gusto mo ipasok kita dito tutal andito pa naman tayo sa mental? Bakante na yung kwarto ko ngayon." Biro ko na lamang rin kay Dana habang pinupunasan parin ang luha ko.


Napabuntong-hininga si Dana at pinunasan muli ang kanyang luha, "Naalala ko parin kasi yung nangyari... Sa sobra pagka-Jejemon ni Churchill, pati demonyo nireject siya. Let's gift him with something that will make him more manly."


"Dana." Biglang sambit ni Raze na para bang sinisita si Dana. Siguro napansin ni Raze na natahimik ako nang mabanggit ni Dana ang demonyong 'yon.


Lumapit si Dana sa akin at inayos ang scarf kong natabingi, muli niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi niya man sinasabi, alam kong paraan niya ito upang humingi ng tawad.



****


"Go Ramonsito!" Biro ni Dana kay Raze na siyang may bitbit ng mga bagahe ko. Halatang nahihirapan na si Raze sa mga bagahe ko pero kami ni Dana, heto at patawa-tawa lang habang magka-akbay na naglalakad sa parking lot. Just like the old days...


"Pucha ba't ko ba kayo naging kaibigan?!" Pabiro namang reklamo ni Raze.


Gaya ng nakagawian namin mula pagkabata, panay na naman ang biruan at asaran namin. Miss na miss ko 'to, tatlong taon rin naman kasi ang lumipas.


Habang inaayos nila ang mga bagahe ko sa sasakyan, bigla kong napansin ang isang kotseng nakaparada hindi kalayuan mula sa amin. Kahit lumipas na ang maraming taon, tandang-tanda ko parin ang sasakyang ito. Mula pagkabata, ito ang laging nagpapasaya sa akin lalo na sa tuwing nakikita ko itong dumarating sa bahay. Mula pagkabata, araw-araw kong inaabangan ang pagdating ng sasakyang ito kasi alam kong si Papa na ang nasa loob nito.


Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad kong nilapitan ang sasakyan ni Papa. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit, lumabas na agad si Papa mula sa kotse nang mapansing papalapit ako.


Sure I'm still mad at how he confined me to this mental institution and not believing me but at the end of the day, he only did it thinking it would help me heal. He may suck at making decisions but his intentions are always good. I was so blinded with anger and despair that it took me years to finally realize that he's always been there and it was I who always pushed him away. Parents aren't perfect, but at the end of the day, they're the only people who will surely love us no matter what happens.


"I love you, you know that right?" Tanong ko kay Papa at ngumiti naman siya at tumango-tango. Itinaas niya ang dalawang kamay niya kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. We may outgrow our parents' arms and lap but at the end of the day, no matter how old we are, we will always be their precious kids.


Despite of everything that happened, I'm still thankful that I was given another chance to fix my life, to thank the ones who have always been there, to say 'I love you' to the ones I love. But unfortunately, not the chance to say goodbye to him.


****


Gabi na nang makarating kami sa Drayton. Matagal ang byahe pero mas natagalan kami dahil sa mga kalokohan naming tatlo. Kung saan-saan kaming drive-thru huminto at bumili, palibhasa iniwan sa akin ni Papa ang credit card niya para daw makabawi. Pumayag pa siya nang nagpaalam sina Raze at Dana na magro-road tour kami ng fastfood chains, akala niya siguro nagbibiro lang 'tong mga 'to.


"At talagang dito pa talaga ang Birthday party?!" Hindi ko mapigilang mapabulalas nang makarating kami sa dating bahay ko at makita kong napakaraming tao. It's as if my house became a night club for crazy teenagers.


"Tutulungan ka naman naming maglinis." Paniniguro ni Dana kaya napabuntong-hininga na lamag ako.


"Ako hindi." Humahagikgik na sambit ni Raze kaya agad ko siyang binatukan. I can't believe this dumb boy used to be my boyfriend.


"Pero seryoso, hindi tayo nakabili ng gift para kay Jejelord." Pag-uungkat ko na lamang sa nalimutan namin. Buti pa si Shem nabilhan ni Dana ng regalo pero si lord of the jejemons hindi.


"Raze bigyan mo nalang ng condom." Biro ni Dana kaya siya naman ang binatukan ni Raze tutal magkatabi sila sa front seat. I couldn't resist the urge of dumbness kaya binatukan ko narin si Dana. Dahil sa nangyari naghampasan kami nang hampasan sa isa't-isa, it was more like slapping each other's hands in the air, none the less, we ended up laughing like the dumb kids we've always been.


****


Pakiramdam ko umaalog ang bahay dahil sa lakas ng dagundong ng musika. Neon lights are coming out from the house, it's like they dimmed all the lights inside just to achieve the club-like atmosphere. Don't tell me may beer? Ugh, if anyone throws up I'm gonna blow a fuse.


Sa pagpasok ko ng bahay, pakiramdam ko isa akong kandidato sa eleksyon. Oo nga't nalulunod sa rock song ang buong bahay pero ang atensyon ng lahat ay nasa akin, binibigyan nila ako ng daan, ang iba ay niyayakap pa ako at sinasabihang 'long time no see Nyebe' o 'Welcome back Cielo'.


I grew up in this small town, so small that almost all of these faces around me have become familiar. Although I'm not friends with everyone, it's like no one's a stranger. It feels good, it's feels like I am really home again. Welcome home Cielo indeed.


"That blue scarf really looks good in you." I can't help but to smile like an idiot when it was Mira's turn to hug me. Dahil sa lakas ng musika, kinailangan pa niyang magsalita malapit sa tenga ko. Ngayon ko lang napansin na ang laki pala ng pinagbago niya after three years. From a demure outcast who's always pushed around, she's now this pretty lady who can fight on her own. I didn't notice how pretty she got nang unang beses kaming nagkita after three years, I mean she was dying at that time with a knife still stuck on her bloodied stomach.


"You're wearing a skirt! Dalaga ka na talaga!" Biro ko na lamang sa kanya nang makitang nakasuot niya ng kulay pink na tennis skirt at pinaibabawan ito ng simpleng black shirt.


"Nagpapapansin kasi 'yan sa akin!" Biglang lumapit sa akin si Churchill at niyakap ako ng mahigpit kaya naman agad ko siyang binati ng malakas na 'Happy Birthday'. As always, mukha na namang may nagbuhos ng mustard at ketchup sa buhok niya but atleast he's no longer wearing his jejecap and bling-blings. Yes, this boy used to wear bling-blings and bandana around his head like he's some albularyo.


"As if naman papatulan kita!" Sigaw ni Mira. Hindi ko alam kung sumisigaw na siya dahil galit siya or dahil lang sa hirap kaming magkarinigan.


Hindi ko alam anong nangyari, bigla na lang kasing lumingon si Churchill kay Mira at ngumisi na parang timang, tipong parang nang-aalaska. Pagkatapos nun wala na, naghabulan na sila at para bang handang-handa nang kalbuhin ni Mira si Churchill.


"Is there something going on between them?" Tanong ko kay Dana pero ngumiwi lamang siya na para bang nandiri sa tanong ko. Lumingon ako kay Raze para itanong rin ito sa kanya pero pareho lang din sila ng reaksyon ni Dana. Come to think of it, if those two would be together, it would be a lethal combination, matatalino pero kapwa maluwag ang turnilyo.


Napalingon ako kay Dana at napansin kong para siyang may hinahanap, tatangungin ko sana kung sino kaso napansin ko ang suot niya... We've been together since this morning pero ngayon ko lang napansin na suot niya pala yung blue dress at jacket niya na siyang suot niya nang una kaming magkita after three years. Actually lahat kami, we're all wearing the same clothes we wore on the night we began to fight the skunks.


"Hohoho! Cielo sali ka!" Nagulat ako nang bigla kong mapansin si Shem sa harap ko na humahalakhak. He's wearing this huge blue sunglass while holding a red cup. He's not alone kasi may mga taong nakapila sa likod niya at sumusunod sa bawat galaw niya. It's like they're creating this train—A conga line to be exact and Shem is at the front. They're shouting happily while dancing like a bunch of idiots, pero nakakabilib kasi ni isa sa kanila ay walang humihiwalay sa line.


"I can't resist the call of stupidity! Hold my beer Ramonsita number 2." Biglang bulalas ni Raze at inabot sa akin ang red cup niya. Dali-dali siyang kumapit sa balikat ng nasa pinakalikuran at nakisali narin sa kalokohan. But wait, did he just call me Ramonsita number 2?!


Dana and I kept on laughing as we saw their Conga Line leave. It looks like everyone's having a great time except for me. I'm glad to see everyone happy but there's still this gaping hole in my heart knowing there was a price for all of this.


"Is it okay if pupunta muna ako sa kwarto ko?" I leaned close to Dana just so she could hear me.


"No way Cielo Snow." Dana tugged me in closer to her just so that I can't get away. May tinuro siyang isang direksyon at napansin kong may live band pala talaga dito. Mabuti nalang at malaki-laki 'tong bahay nila Lolo at Lola kaya naman nakagawa sila ng improvised na stage sa sala.


Napabuntong-hininga na lamang ako at napalingon sa direksyon ng hagdan. It's starting to get uncomfortable, everything's too loud and the neon lights are making my eyes hurt. Everyone's jumping around and singing along to the songs but my mind's just focus on one thing and that's going to my room.


As Dana was about to say something, bigla na lamang kaming binangga ng Conga Line nila sa pangunguna ng parang baliw nang si Shem. Literal nila kaming pinaghiwalay ni Dana. They were no longer dancing and chanting, they're already running around na para bang umaarteng tren. Nakakainis pero hindi ko mapigilang matawa dahil kung mukha silang tanga kanina, mas nagmukha silang tanga at siraulo ngayon. Mas humaba pa nga ata ang conga line nila at sadya nilang binabangga ang mga humaharang sa kanila.


"Mukhang ang saya nila ah? Di ka sasali?" I looked back and I saw this tall guy who looked familiar but I don't really know his name. I'm pretty sure we went to the same high school though.


"Mamaya nalang siguro." Sabi ko na lamang kaya ngumiti siya.


"My name's William but you can call me anytime." He said with a wink and offered his hand para makipagkamay ngunit bigla kong napansin ang biglang pagtahimik ng paligid. The loud music from the band disappeared and everyone fell silent, teka baka naman nabingi lang ako?


Bahagya akong napabalikwas sa gulat nang bigla na lamang may marahas na nagwakli sa kamay ni William palayo sa akin. Galit ang agad na rumehistro sa mukha ni William nang mapatingin siya sa likuran ko ngunit hindi na niya nagawang makapagsalita pa. Paano ba naman kasi, bigla siyang binangga at kinaladkad ng Conga Line sa pangunguna parin ni Shem na kung makatawa ay para na talagang yung mga kasama ko sa mental.



Lilingunin ko sana kung sino ang gumawa nun kay William kaso bigla kong naramdamang may umakbay sa akin, "Nawala lang ako saglit, may lumalapit na agad sa'yo."


Ang boses na 'yon...


Agad akong napalingon at nag-angat ng tingin sa kanyang direksyon. Ang ngiti at ang mga mata niyang nangungusap, hindi ako nagkakamali.


Hindi ko na nagawang makapagsalita pa, napatulala na lamang ako nang muli kong masilayan ang mukha ng taong akala kong tuluyan nang nawala sa'kin.



"Hoy Axel bumalik ka muna dito! Di pa tapos ang kanta!" Narinig kong may sumigaw sa mikropono kaya pabirong sumimangot si Axel at napakamot sa ulo niya.


"Hintayin mo ako, sa mga kaibigan ka lang makipag-usap." Sabi niya at bigla na lamang akong hinalikan bilang paalam. It was just a quick peck on the lips, I didn't even had the chance to react at all. He smirked as he stared at my face. Unti-unti siyang bumitaw mula sa akin at nagsimulang maglakad palayo pero hindi niya inaalis ang tingin sa akin.


He smiled sweetly at me, constantly waving goodbye while walking backwards while I just stood there, still motionless, still in disbelief.


Ngayon ko lang napansin na nakatingin parin pala ang lahat sa amin pero nang muling makatungtong si Axel sa stage at hawakan uli ang gitara niya, muling bumalik ang atensyon nilang lahat sa stage. Well except sa conga line na rumuronda parin at nambubundol ng mga tao.


The music filled the house once again, this time I'm finally paying attention to the band playing at the stage. Yung si Gino pala ang vocalist tapos si Axel ang bassist, hindi ko na alam sino 'tong iba nilang kasama.



"I don't want to fall asleep without you

I don't want to take one breath without you

I don't even know one thing about you

But give me everything about you

It's only been a moment, it's true

But I could never live this life without you"


As they continued the song, I just kept on staring at Axel. It's hard not to look at him as he keeps looking at me with this smile on his face. We're in a crowded place but it's as if we're both alone, the distance didn't matter, we only had each other in mind.


I kept on staring at Axel but I can't bring myself to smile. Instead, I can't help but to cry in silence. I'm scared that this might be just another illusion, that this is untrue, that somehow I'll wake up again and this time, he's no longer around.


"He planned all of this for you. He asked us to distract you for the entire day." Lumapit sa akin si Dana at kumapit sa braso ko.


"I want this to be real...." Napapikit na lamang ako upang mapigilan ang sarili ko sa pagluha.


"Axel made it real." Narinig kong sambit ni Dana kaya naman napalingon ako sa kanya.


"Our 778 is real." Ngumiti si Dana at pinunasan ang luha ko.


Muli, ibinalik ko ang paningin kay Axel. His sweet smile is still there at sa pagkakataong 'to, napangiti na ako habang nakatingin sa kanya. We kept looking at each other, not minding the distance, with smiles on our faces.


****


"Everything will be okay and you will end up happy." Pangako ni Axel nang makita ang unti-unting paglalaho ni Cielo.


Nang tuluyang maglaho ang dalaga, napabuntong-hininga na lamang si Axel at napapikit. Unti-unti siyang humarap sa direksyon ni Wena na ngayo'y nagsisilbing sisidlan ng demonyong si Astaroth.


Unti-unting idinilat ni Axel ang mga mata, pinilit niya ang sariling tingnan ang mukha ng kapatid, "Kahit na anong hiling tutuparin mo?"


"Otomatikong natupad ang hiling ni Dana nang humiling siya, wala kang dapat ikabahala. Madali ang transaksyon dito sa impyerno." Pagmamalaki pa ni Astaroth dahilan para maikuyom ni Axel ang kanyang kamao.


"Madali rin akong kausap," unti-unting kumurba ang ngisi sa mukha ni Axel, "Kapalit ng kaluluwa ko, hinihiling kong ang kapalit ng naging hiling ni Dana noon ay ang iyong katapusan."


Unti-unting naglaho ang ngisi sa mukha ni Astaroth nang marinig ang naging hiling ni Axel.


"Putang—" Hindi na natapos pa ni Astaroth ang kanyang mura nang bigla na lamang dumagundong ang isang napakalakas na pagyanig at nagsiguho ang mga gusali sa buong paligid kasabay ng unti-unting pagliwanag ng kalangitan. Dahil sa labis na liwanag, nasilaw si Axel hanggang sa napapikit na lamang siya.


Nang muling maidilat ni Axel ang kanyang mga mata, natagpuan niya ang kanyang sarili sa kanyang silid, sa kanyang sariling tahanan. Tagaktak man ang pawis habang hinahabol ang kanyang hininga, agad na napabangon si Axel at tiningnan ang orasan at kalendaryo.


"Kuyaaaa!" Biglang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw kaya naman agad na lumabas si Axel sa kanyang silid at nakita si Wena na may napakalaking ngiti sa mukha habang tumatakbo sa kanyang direksyon.


****


"So that's what you wished for?" Hindi ko mapigilang mapangiti nang maipaliwanag sa akin ni Axel ang lahat ng nangyari matapos akong makaalis sa impyerno.


"Galing ko diba? Minahal mo ako lalo." Pagmamayabang ni Axel kaya napasandal na lamang ako sa railings at pabiro siyang inirapan.


Dahil hindi namin magawang makapag-usap ng maayos sa labas dahil sa ingay ng banda at mga tao, mas pinili nalang naming manatili dito sa balkonaheng konektado sa kwarto ko.


"Noong una, nalito pa ako kung ano ang hihilingin. Kung hihilingin ko lang kasi na mawala si Astaroth, hindi parin magiging maayos ang lahat kasi kung may namatay man, mananatili silang patay. Kung hihilingin ko naman na maging maayos ang lahat, mapupunta kami ni Wena sa impyerno. Pero bigla kong naalala ang naging hiling ni Dana, perpekto na sana ang naging hiling niya kaso sila ni Wacky ang naging kapalit kaya naisip kong ayusin na lamang ito." Paliwanag ni Axel at gaya ko'y sumandal rin siya sa railings. Hinilig niya ang ulo niya sa direksyon ko para lang ngitian ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong muling mapangiti sa kanya.


"Wala na talaga si Astaroth? Hindi na niya tayo guguluhin?" Paniniguro ko.


"Wala na tayong dapat katakutan pa." Paniniguro ni Axel at humakbang siya papalapit sa akin para yakapin ako. Ngunit bago pa man siya makalapit, agad akong humakbang paatras at pinatigil siya sa kinatatayuan niya.


"Before you take another step, let's have a deal." Bulalas ko dahilan para agad makunot ang noo niya.


"Ano?" Tanong na lamang niya.


"We'll forget about everything." Walang pag-aalinlangan kong sambit.


"Oo naman." Ngumiti si Axel at tumango-tango, "Ituturing natin ang lahat na isang masamang

panaginip."


"Hektor and Amelia too." Giit ko dahilan para muling makunot ang noo niya.


Napabuntong-hininga na lamang ako at muling napasandal sa railings, "I don't want to base our relationship on people from the past. I want to know you as Axel, not just the guy I remember from the past. No Amelia or Hektor, just Axel and Cielo."


Ngumiti si Axel at tumango-tango, inabot niya sa akin ang kamay niya, "Hi, ako si Axel Legarda."


Pabiro ko siyang inirapan pero nakipagkamay rin sa kanya, "Cielo Snow... My friends call me snowy sometimes."


Biglang hinigpitan ni Axel ang hawak sa kamay ko at laking gulat ko nang bigla na lamang niya akong hinila patungo sa kanya. Muntikan pang magbanggaan ang mga mukha namin, mabuti nalang at napahawak ako sa balikat niya.


"Manghe-headbutt ka ba?!" Reklamo ko pero tumawa lamang siya at idinikit ang noo niya sa noo ko at kinulong ako sa isang yakap.


"Chansing lang." Natatawa niyang sambit kaya pabiro ako naman ang pabirong nang headbutt sa kanya.


"Thanks for keeping your promise." Sambit ko na lamang at yumakap sa kanyang pabalik.


Ngumiti siya at muli akong hinalikan, "Everything's okay now and you're happy."


Axel used to be just a face that I can only see in my sleep, it felt as if he's part of a memory that isn't even mine. But it all changed the moment he saved my life from a skunk that almost slaughtered me.


From two people who disappeared, got separated by death, to now two different people who found each other in the midst of a catastrophe, Axel and I are lucky to have a second shot at life.



END OF EPILOGUE (PART 1 OF 2)

Note: Kalma may karugtong pa 'to hahaha. Since this is the conclusion of a trilogy, epilogue's gonna be long haha unfortunately, hanggang dito pa lang ang kaya ko kasi college responsibility is yanking me off my writing lol.

Also guys, nawa'y walang mag-post ng spoilers sa social media sites. Or sa previous chapters' comment section. I'm writing for free and all I ask in return is for everyone to have a spoiler-free reading experience. If magba-back read man kayo, please don't post spoilers or hints, let's practice common decency. Salamat :)

THANK YOU FOR READING!

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
KAHIMANAWARI Av talesofdemi

Deckare / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...