My GF Is So Panget (Various F...

Von PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... Mehr

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Epilogue

Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You

11.4K 192 235
Von PrinceofBanat

Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You

Maggie 

Matagal ko 'tong hindi naranasan. Matagal ko na rin 'tong hindi inasahan. Matapos ang napakatagal na panahon na halos katumbas na ng Great Wall of China sa sobrang haba, nag-text siya sa akin uli! Ibig sabihin, hindi niya binura ang number ko. Hindi niya talaga ako kinalimutan. Higit sa lahat, sobrang okay na talaga kami.  

Dave: Hi. 'Yung white envelope na may red hearts <3<3<3 sa likod, 'yun ang una mong basahin, ha! Btw, thank you kanina. :)  

Hinga nang malalim, 'yung halos kasing lalim ng Lake Baikal! Ay, huwag pala. Super lalim nun--baka matagalan, masobrahan naman ako sa hangin. Oh, my! Kailangan ko talaga ng air. Kinakain ako nang buo ng text sa'kin ni Dave. Okay, relax, Maggie. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magre-reply ba ako o isi-seenzone ko na lang? Kung magre-reply ako, anong sasabihin ko? --Opo kamahalan. Masusunod. Eto na naman ako, atat na atat. No way. Hindi na pwedeng lagi na lang akong mabilis bumigay. Eh, what if umarte ako na kunwari binura ko na ang number niya? Tapos reply-an ko siya ng, "Hu u?" E-effect kaya? Kaso baka isipin naman ni Dave na sobra naman ako. 

Bigla kong na-tap ang 'reply'. Hindi ako makaisip ng sasabihin. Basta nakangiti lang ako ngayon na lampas pa sa tenga ko sa sobrang taas. Muli kong binasa at inintindi ang text niya. Naisip ko, kailangan cool lang. Kailangan hindi ako magpahalata na tuwang-tuwa ako sa text niya kaya isang makamandag na letra lang ang ni-reply ko: "K"  

"K" daw ang isa sa pinaka-annoying reply ng mga Pililipino--pero ngayon, ito na siguro ang pinakamaarteng reply na nagawa ko. 

Pagpasok ko ng bahay ay inasikaso ko na agad ang mga kapatid ko. Pagkatapos ko  namang gawin ang lahat ng duties ko bilang 'Ulirang Ate' ay nag-switch naman ako sa pagiging 'Dakilang Ewan'. 

'Dakilang Ewan' kasi hindi ko alam kung anong itatawag ko sa ginagawa ko ngayon. Para akong teacher na nagche-check ng attendance ng lahat ng bagay na galing kay Dave. Pasado rin ata ako bilang doktor na chine-check ang kalagayan ng bawat isa. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang okay pa silang lahat--kumpleto at walang galos. Mabuti na lang hindi ko na-reach ang Middle Stage of Being A Bitter Ex kung saan sinusunog ang lahat ng bagay na galing sa ex niya. 

Kinuha ko ang ten-peso coin sa bulsa ko at tinitigan muna bago itago sa box ko. Kinikilig na naman ako sa 'Sukli Banat' ni Dave kanina. Pagkatapos naman ay kinuha ko naman ang envelope na white na may tatlong red hearts sa lower right-hand corner ng likod nito. Siksik sa excitement ang dibdib ko na feeling ko, hindi ko na size ang suot kong bra ngayon. Hindi ako makahinga nang maayos at sa tuwing mararamdaman ko 'to, palagi ko na lang sinisisi ang bra ko. Dapat siguro nag-34A bra na ako para naman medyo lumuwag ang paghinga ko. Eh, kasi naman, 'Dear Maggie' pa lang parang ikamamatay ko na.

Dear Maggie, 

Hi! Someone told me that men by nature are the writers, while women are the readers. That's why most numbers of literary pieces like poem and prose in the world were made because of women--the inspiration of men. I don't know exactly why I am telling you this trivia--maybe because I want you to know that through this letter, another master piece of love was made by a man for a woman. Okay. I'll be honest, I just don't know how to begin my letter. 

Anyway... Maggie, remember the first day I noticed you? It was a magical lull. It was your angelic voice that enchanted me since then--making my ears captive in your dominion. However, I kept on guarding my heart to prevent it from being your slave. I did it by blinding my eyes from your hidden beauty. But apparently, my falling for you became inevitable. I woke up one day, being afraid to lose you--because I love you. 

Then, I told you were not beautiful, yet I love you. To be honest, that was just all made up--but not this time--because I love you, whether you look good or not, sound good or not, smell good or not, feel good or not, or even taste good or not. 

You are beautiful. Yes you are--at least in my eyes, because it's me who's loving you, so it's what my eyes see that matters. 

Maggie, I've caused you so much pain that it turned out hurting me, too. They say, "Actions speak louder than words," so if I say sorry, it would not be enough, right? This is one of the reasons why I am writing you my apologies, because writing is a product of words and actions. 

Sorry, Maggie. Sorry Ube. Sorry Ms. Physics. I'm a born asshole. I'm one of the worst people that unfortunately takes Oxygen in, and takes poisons out in this world, but please, forgive me. I do love you, Maria Grace Isidro Evangelista. And if it takes anon for you to forgive me, then I'll be patiently waiting. But if it takes never, then I'll be undauntedly trying. 

Truthfully Lovingly Yours, 

Dave/Ube/Mr. Physics 

PS: Please, don't move on. I'm gonna win you back. Okay? Okay. :) 

Last PS: 1243

Naninigas ang panga ko. Hindi ko matanggal ang ngiti ko. At ang tibok ng puso ko, bakit hindi ko maramdaman? Binasa ko ulit nang isa pang beses ang letter niya, pagkatapos, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko--tumindi pa nga, eh. 

Binasa ko ulit. 

Naaalala niya pa rin pala ang moment na 'yun. Honestly, hindi 'yun ang unang beses na napansin ko siya. First day of school pa lang, nang pumasok siya kasabay ni Daniel--natulala na ako sa kanya. Para akong nakakita ng anghel nang dumating siya. Actually, si Gonzales ang una kong crush pero nang makita ko siya, nabawi niya na agad ang puso kong na-kidnap ni Gonzales. 

Binasa ko ulit ang letter. Binasa ko ulit. Binasa ko hanggang sa ma-realize kong marami pa siyang letters na hindi ko pa nababasa. Kumuha pa ako ng isa na nakasulat naman sa Tagalog. 

Nahiga na ako para matulog matapos kong ma-abosorb ang lahat ng mga salita ni Dave sa mga letters niya. Feeling ko tuloy, isa akong Disney Princess at si Dave ang Prince Charming ko. 

Kung isa nga akong Disney Princess, sino ako? Si Cinderella? Kung oo, sino ang members of wicked step family at fairy godmother ko? At nasaan ang glass slippers ko? Um, hindi tugma ang buhay ni Cinderella sa'kin. Kung si Jasmine kaya? Pwede kasi magkakulay kami. Kaso baligtad, prinsesa si Jasmine at si Alladin, ordinaryong tao lang. Eh, kung si Snow White kaya? Wow, ha. Nahiya naman ako sa kaputian niya, at saka wala akong seven dwarves at witch stepmother, kaya hindi rin pwede. Lalong hindi pwede dahil kapag tinanong na ng witch ang Magic 'Echusera' Mirror ng, "Mirror, mirror on the wall, who's the fairest of them all?"--malamang sa alamang, hindi ako ang isasagot nun. Um, Beauty and the Beast kaya? Ay teka. Erase! Hindi naman pwedeng ako si Beast, 'no?! Kung si Sleeping Beauty naman, hindi rin pwede. Wala na nga akong tulog, wala pa akong beauty. Haay! Natatawa ako sa sarili ko. Lahat na yata ng Disney Princesses hindi ako pwede pero kahit ganun, sobra pa rin ang saya ko. Haba ng hair ko. Grabe! Haba ng hair! Tama. Ako si Rapunzel. 

Damang-dama ko ang lambot ng kama at unan kong mahigpit kong niyayakap. Ang ding-ding ng kwarto ko, nagmistulang bughaw na langit na punong-puno ng puting cotton candy. Nai-imagine ko ang mukha niyang nakangiti. Nagpapabalik-balik sa isip ko ang mga salita niya sa kanyang mga liham para sa'kin. Gusto kong umiyak dahil sa saya, pero wala akong mabuong luha. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang pangitiin ang mga labi, pati na ang mga mata ko. 

Napakatagal ng bagyong nanalasa sa utak at puso ko. Ngayon ko lang uli naranasan ang tunay na saya na dala ng matingkad na rainbow. Oo, rainbow ang nakikita ko sa buong paligid ko kahit balot na ng dilim ang buong kwarto ko. 

Dave 

Ginawa na marahil ng kapatid kong si Jaime ang lahat para asarin ako, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagagalit. Kanina pag-uwi ko, sinalubong niya ako habang kinakain ang natira kong Toblerone na iniwan ko sa ref kahapon, pero hindi ako nagalit. Sa dinner kanina, nakatitig siya sa'kin na may kasama pang pagpo-produce ng kung anu-anong annoying sounds, pero hindi ako nagalit. Kinalabit niya ako sa ulo kanina habang nakaupo sa living room at nanunuod ng TV, pero hindi ako nagalit. Ngayon, hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa kwarto ko, pero hindi pa rin ako nagagalit. Hindi ko na nga ata alam kung paano magalit. Ang alam ko lang, dumadaloy sa dugo ko ang salitang 'happy' kaya marahil ang lahat ng nakikita, naamoy, natitikman, naririnig, at higit sa lahat, nararamdaman ko ay pawang happiness lamang. Sa sobrang saya ko, maaari nang ma-impeach si Caloy bilang President of Happiness, dahil sa totoo lang, di hamak namang milya-milya ang layo ng tindi ng kasiyahan ko kumpara sa kanya. 

Kung mapapasali siguro ako sa Amazing Race: The Happy People Edition, hindi pa ako nakaka-move forward, ako na agad ang nasa 1st place, dahil pakiramdam ko, ako ang happiest people alive. Kung sakali mang isa akong obese at sa Biggest Looser ako mapapasali, malamang hindi pa ako nakakapag-warm up, 100 pounds na agad ang nabawas sa timbang ko dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko, lumulutang na ako. 

Kung sa Who Wants To Be A Millionaire naman ako mapapasali, at ang one-million-peso question ay, "Are you Happy?", at ang choices ay ang mga sumusunod: a) oo, b) yes, c) sy, d) no--marahil 'D' ang maisasagot ko dahil kahit anong negative pa ang iharap ng sinuman sa akin, tanging kasiyahan lang ang aking maiintindihan. 

Pakiramdam ko pa nga, kung sakali mang mahoholdap ako ngayon, buong puso't kaluluwa kong iaalay ang lahat ng meron ako. Ang wrist watch kong nagpapatakbo ng time na happy; ang jersey kong may pangalang happy; ang phone kong puno ng emoticons na happy; ang brief kong nagtatago ng bird na happy--lahat kusa kong ibibigay because I'm so happy. 

Sa dami at tagal ng pang-aasar ng kapatid ko sa'kin, nakuha niya lang nang buo ang atensyon ko nang sabihin niyang, "Dalawa lang talaga ang ibig sabihin ng saya mo, it's either may bago kang chick, or nagkabalikan na kayo ni ube mo." 

Nagmistulang sirang-plaka ang utak ko na paulit-ulit pinatutugtog ang huling sinabi sa'kin ni Jaime: NAGKABALIKAN NA KAYO NI UBE MO.  

NAGKABALIKAN NA KAYO...  

UBE MO...  

NAGKABALIKAN NA KAMI...  

UBE KO... 

Ganito pala ang pakiramdam na maranasang unti-unting nabubuo ang bagay na nasira mo at inakalang hindi na maaayos. Napakasaya. Napakasarap. Hindi pa kami nagkakabalikan pero sa mga nangyari nitong mga huling araw at kanina sa Jollibee kasama siya, katumbas na rin ng ligaya ng pakikipagbalikan ang nararamdaman ko ngayon. Tunay ngang sa Jollibee... Bida ang saya. 

Naalala ko ang mga tawa niya kanina. Sobra kong na-miss ang tunog ng tawa niya. Kung pwede lang sigurong ma-download ang mp3 format ng tawa niya, malamang nagawa ko na--sigurado pa nga na ang tunog ng tawa niyang 'yun ang gagawaran ng music player ko ng "Most Played Song", kung sakali. 

Maging ang pasimple niyang pagtatago ng kilig kanina, sobrang nakakakiliti sa'king memorya. Saydang masarap magpakilig ng minamahal, kasi nakakadala. 

Hindi ko namalayang iniwan na pala ako ng kapatid ko. Napagod na siguro siya sa pang-aasar sa'kin. Ngayon ko napatunayang ang pinakamatinding pantaob sa taong nang-aasar ay hindi lang ang matigas na pambabalewala, kundi pati na ang wagas na kaligayahan. 

First time kong narinig ang kaptid kong banggitin ang tawagan namin ni Maggie: Ube. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. May pinakialaman ba siya sa mga gamit ko kaya niya nalaman? May pinagtanungan ba siya? May nalaman ba siya sa mga social networking accounts ko? Wala akong pakialam. Hindi ako nagagalit kahit ano pa ang dahilan kung paano niya nalaman. Basta--happy ako. 

Bago ako matulog, nag-post muna ako sa lahat ng social media accounts ko ng: I AM HAPPY. Wala pang isang minuto ay nagdagsaan na ang mga likes at comments sa'kin, ngunit hindi ko na pinansin. Nagbukas na lang ako ng inbox ko sa Tumblr at nabasa ang FM sa'kin ni September. 

Hey! :) How's your day? Mine? Oh, it's gracious! This could be the reason why I have started writing you this. Okay. I'm gonna hit the bull's eye. Everybody commits mistake, but there are three basic things that are important to be forgiven: apology, remorse, and repercussion. You've said your sorry, you've shown your guilt, and you've started doing the right things to rectify yourself. Hence, my applause for you. 

I am happy, Dave, to say that you have indeed grown as a beautiful man. That's why you are worthy of love. 

Always remember that whatever happened and not happened between us (including Maggie) is just a statement of fate saying, "Our life is an ongoing story without a concrete plot. No one knows what's exactly gonna happen." Agree? Oh, just agree. It may or may not be favorable for us, but just let bygones be bygones. Let's proceed on the next episode. Get it? I bet you do.  

Dave, we're done on considering the feelings of other people around us. This time, let's consider our own feelings. Consider your feelings for Maggie. I know she still feels the same way. So as a man, be a man, Dave. Love my bestfriend more than you did to me. You've treated me like a princess in a discreet way, so treat Maggie like a queen--this time--in a very  liberal way. Love her and don't you ever try to hurt her again, or else, I myself will rip off your skin, and then shower you with lemon juice. Kidding and not kidding. Now, do we have a deal? Of course, we have. :)

Pakiramdam ko hawak ko na ang Guiness Book of World Records' Happiest Man Alive. Imagine: Okay na kami ng ex ko na nagawan ko nang malaking pagkakamali. Tapos ngayon, ang isa ko pang ex, supported ako sa pinsan niya na ex ko RIN? Is this a dream? A movie? Or what?

Punong-puno na ang buong katawan ko ng saya--nadagdagan pa nang sobra-sobra nang mabasa ko ang FM ni Sep, kaya naman pakiramdam ko pagod na pagod ako. Posible pala ang ganito: Mapagod sa pagdala ng sobrang saya. Dahil sa hindi ko maipaliwanag na pagod, ni ganang mag-reply ng simpleng 'thank you' ay hindi ko nagawa kay Sep, except na lang sa isang smiley :) na mas cute pa sa'kin.

Sa kabila ng tindi ng sayang bumabalot sa'kin na dahilan para mapagod ako, nanatili pa rin sa utak ko ang isang linya mula sa FM ni Sep: She still feels the same way. Ganun din ang sinabi sa'kin ni Chloe. Above all, gaya lang ng mga sinabi nila ang nararamdaman ko. I still love her, and I feel she still does love me, so this time, I am decided. I am confident. I am in love again.

I'll get her back. If my dad wants me to be an Engineer, then I will build the strongest love story in the world. May it take fast or long, easy or hard--I'll win her back. Kung noon, niligawan ko siya nang may masamang intensyon at madalian lang; ngayon, liligawan ko siya uli nang may mas malinis pa sa labang Ariel na intensyon--gaanoman katagal o kabilis--basta, gagawin ko ang best ko, maging kami lang uli. Kaya gusto kong mag-sorry kay Taylor Swift dahil ang kanta niyang 'We Are Never Ever Getting Back Together' ngayon ay mas wala pang silbi kaysa sa relong walang battery, phone na walang load, at message na na-seenzone. Because Maggie and I--we're gonna get back together.

*** 

Kanina pa kaming masayang naghahabulan ni Maggie dito sa hill na nababalot ng grassfield. Nang mapagod kami ay sumilong at naupo kami sa ilalim ng puno. Nakasandal kami sa likod ng isa't isa--walang tigil na nagtatawanan habang hinihingal. 

Ramdam ko mula sa likod ko ang mabilis niyang paghinga at paggalaw ng ulo niya dahil sa pagtawa. Alam ko, maging siya, nararamdaman din ang sa akin. Napapikit ako saglit at huminga nang malalim. Pagkabukas ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang napakagandang kalangitan na mas bughaw pa sa dugo ni Queen Elizabeth at punong-puno ng ulap na mas maputi pa sa milk teeth ng baby. Nakakatuwa. Napakaganda ng tanawin--kasing ganda ng nararamdaman ko. 

Ang buong paligid namin ay nabalot ng huni ng mga ibon at tinig ng hangin nang mahinto ang tawanan at paghingal namin ni Maggie. Ilang saglit ang lumipas, naramdaman kong ngumingisi na si Maggie at palihim nang kinikilig. Nang lumingon ako sa kanya, nalaman kong nagbabasa na pala siya ng mga love letters na sinulat ko para sa kanya. 

Lumipat ako ng pwesto sa harap niya. Saglit niya lang akong tinignan at muli niyang itinuon ang sarili sa pagbabasa. Hindi ko matanggal ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang kinikilig sa pagbabasa. Hindi rin ako makalikha kahit man lang tunog para maagaw ang atensyon niya. Tinignan niya ako uli. Ang ngiti niya, umaapaw sa buhay at ganda. 

Naisipan kong humiga sa lap niya at pumikit. Nagkunwa-kunwarian akong natutulog ngunit nang buksan ko nang bahagya ang kaliwang mata ko, naaninag kong patuloy pa rin siyang nagbabasa. Nakangiti. Kinikilig. 

Pumikit akong muli... 

May daliring naglalaro sa ilong ko ngayon. Hinahaplos at pinipisil-pisil ito nang marahan. Dahil dito, napagtanto kong nakatulog pala ako. Nang maramdaman kong pinipindot-pindot na ng daliri ang magkabilang pisngi at mga mata ko ay tuluyan na akong nagising. Pagmulat ko, siya agad ang nakita ko. Nakangiti. Kinikilig. 

Ngumiti rin ako. At kinilig... 

Pagmulat ko, 6:30am mula sa digital clock na nakapatong sa bedside table ko ang nag-welcome-back-to-reality sa akin. Late na ako, pero nakangiti pa rin ako--at kinikilig dahil sa panaginip ko. 

***

Ang alam ko, part ng katawan ko ang pagiging mayabang. Kumbaga sa Anatomy, kung 206 ang normal number of bones, sa'kin naman 207 dahil may extra bone ako na ang name ay Conceited. Pero siguro, dahil sa kakulangan ko sa Calcium of Achievements at Vitamin D of Good Deeds--samahan pa ng sobrang dami ng kasalanan ko kay Maggie--naging brittle ang Conceited bone ko at tuluyan nang nadurog. Ang gusto ko lang malaman, BAKIT HINDI KO MAGAWANG ULITIN KAY MAGGIE KUNG NABASA NIYA NA ANG MGA LETTERS KO? AT BAKIT HINDI KO MASABI KAY MAGGIE NA GUSTO KO SIYANG MAGING PROM DATE AT BINABALAK KONG LIGAWAN SIYA ULI? HIGIT SA LAHAT, BAKIT HINDI KO MASABING GUSTO KO PA RIN SIYA--MAHAL KO PA RIN SIYA? BAKIT PARANG NATOTORPE NA AKO? NGAYON PA? NAAAYYY.... BAKET?

"Uy..." bati sa'kin ni Maggie sabay upo sa tabi ko. Nagulat ako pero napangiti ako instantly at inalis ang kamay sa baba ko. Sakto lang talaga, eh, 'no? Kung kailan siya ang iniisip ko, saka siya darating.

Sumasabay na uli sa'min si Maggie sa lahat ng oras. Mukhang kumpleto na talaga kaming lima uli. Wala na ang awkwardness sa pagitan naming dalawa, except nitong mga huling araw, napansin kong medyo ilang si Maggie at Chloe sa isa't isa. Nang alamin ko kay Chloe ang dahilan, sinabi niyang inamin niya na kay Maggie ang fib na nagawa niya. Sa kabila nun, nakikitaan ko pa rin naman ng effort si Chloe para ibalik ang tightness nilang dalawa ni Maggie, kaya naman nasiyahan din ako nang makitang magkasama sila ngayong dalawang dumating dito sa basketball court.

"Bakit hindi ka naglalaro, Dave?" tanong ni Chloe. Sina Don at Daniel kasi ay naglalaro ngayon ng basketball, habang ako, nadatnan nilang nakaupo dito sa bleacher, nakatunganga, nakahalumbaba, at nanunuod kunwari  ng laro, pero ang totoo nagbababad sa sarili kong mundo.

"Wala lang. Wala ako sa mood," tugon ko na mas lanta pa sa lahat ng gulay sa bahay kubo.

Ngunit nang tanungin na ako ni Maggie ng, "Okay ka lang?" ay biglang naging makulay ang lanta kong buhay kaya naman isang maningning na ngiti ang nagawa ko sabay sabing, "Oo naman." Kung hindi lang siguro ako naiilang o nahihiya sa kanya, baka naidugtong ko pa ang: Kasi nandito ka na.

Dahil sa ingay ni Chloe kaka-cheer sa boyfriend niya, pati ako at si Maggie ay nadamay na sa saya ng pagchi-cheer. Naging masaya kaming tatlo na parang mga batang walang iniisip na problema at may di-pagkakaunawaang naisulat sa dalampasigang binura na ng alon.

*** 

Tumatakbo ang oras. Lumilipas ang panahon. Pero ako, umaastang tuod. Kailangan ko nang kumilos. Ngayon alam ko na kung paano sisimulan. Nagpasama ako kay Maggie sa library pero ang totoo, gusto ko lang siyang masolo. Habang naglalakad kami papuntang library ay hinaharot ko na siya. Pasimple ko siyang kinikiliti, dindali ang buhok, at binibiro, pero binigla ko siya nang tanungin ko siya ng, "'Yung ano pala--'yung letters ko sa'yo noon, nabasa mo na ba?"

Maggie 

Lordie! Oh, maaayyy! Ilang araw ko nang pinangangambahan ang pagtanong niya o pag-follow up niya sa'kin nito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayoko namang ipahalatang kinilig ako nang sobra-sobra sa lahat ng letters niya. Baka kasi isipin niya na namang easy girl ako. Minsan niya na akong nakuha nang sobrang dali, at hindi maganda ang nangyari. Pero mahirap umarteng supladang maganda kung tulad ni Dave ang duma-damoves. 

Mahinhin ko na lang siyang sinagot ng, "Hmm-mm..." 

Napatigil siya sa paglakad at napangiti, saka sinabing, "Really? Lahat?" 

Tumango lang ako at pinilit isara ang aking bibig dahil nangangamba ako sa kung anong pwede kong maidagdag. Talo ko pa ngayon si Maria Clara sa pagiging mayumi, pero kaunti na lang, matatalo ko na rin si Sisa dahil malapit na akong mabaliw dahil sa ganda ng ngiti ng lalakeng kaharap ko ngayon. 

"So? Ah.." aniya sabay hawak ng kaliwang kamay niya sa batok niya. Halatang nahihya siya--ako rin. "So... Ano? How--kamusta? Ah, anong... 'Yung..." hirap na hirap niyang pagsambit. 

My Lordie! Hindi siya makapagsalita nang maayos, kaya ako na ang nagpatuloy. Gets ko namang gusto niyang alamin kung anong masasabi ko sa mga letters, kaya ako na ang nagkusang magsabi ng, "Okay." 

"Okay--'yun lang?" 

"Sweet..." 

"Aah... Gaano ka-sweet?" 

Nag-shrug lang ako, at naglakad uli papuntang library saka sinabing, "Tara na sa lib!" Iniwasan ko ang huli niyang tanong dahil hindi ko naman pwedeng sabihin kung gaano katinding kilig ang dulot ng mga letters niya kasi baka singilin niya pa ako.

 Bago kami makapasok sa library, hinila ni Dave ang kanang kamay ko at sinabing, "Maggie, library ka ba?" 

Lordie, patawad pero hindi ko mapigilan, kailangan po ng utak kong magmura dahil sa sobrang intense ng kilig sa dibdib ko. SHIT! HAWAK NIYA ANG KAMAY KO. AT TEKA! PUMI-PICK-UP LINE BA SIYA?! Kay tagal na nang huling beses siyang bumanat sa'kin kaya sobra ko 'tong na-miss. 

Maggie, kalma. 

Konting ngiti lang. 

Hindi ka kinikilig. 

Steady lang. 

Hinga nang normal. 

"Bakit?" tugon ko. 

"Kasi--you always keep me aLIB!" 

Ah, okay. Korni. Pero the fact na bumanat siya sa'kin at hawak niya ang kamay ko ngayon, sapat na para pakiligin ako. 

Dave 

Ngumiti na naman siya kahit sobrang korni ng huli kong banat. Wala na talaga kasi akong maisip. Ang gusto ko lang, pakiligin siya. 

Pumasok na siya ng library, at sumunod naman ako. "Ano ba kasing kailangan mo dito? Kanina pa kitang tinatanong, hindi ka naman nasagot," aniya habang iniikot-ikot ang ulo sa paghahanap ng mapepwestuhan. Hindi ko pa rin siya sinagot. Alangan naman kasing sabihin ko sa kanyang wala talaga akong adya dito, at ang gusto ko lang, eh, makasama siya. 

Agad naming pinuntahan ang bakanteng lamesang nakita namin malapit sa may bintana. Pagkaupo namin, tinanong niya na naman ako ng kaparehong tanong kaya napilitan na akong mag-isip ng sagot. 

"Hm, ano--kailangan ko ng--kailangan ko lang magpalamig. Lakas ng aircon dito, eh." Ang cool ng rason ko, grabe! Sana maniwala siya. 

"Aircon? Meron sa classroom, ah?!" 

Okay. Failed. Idinahilan ko na lang ang wifi, kaysa naman aminin kong gusto ko lang talaga siyang makasama nang kaming dalawa lang. 

"Ah... Tsaka ano--wifi! Yeah. Wifi," sabay kuha ng phone ko para kunwari kailangan ko talaga. 

"Sige. Mag-wifi ka muna. Maghahanap lang ako ng mababasa," aniya sabay tayo. 

"Ah, samahan na kita?" agad kong tugon. 'Yung mga rason ko naman kasi ngayon puro sablay. 

"Hindi na. Ano ka ba? Diyan ka na muna. Mag-wifi ka na diyan." 

Hindi ko na napilit ang sarili kong sumama kaya naghintay na lang ako sa kanya at nag-wifi. Pero nang mainip ako't hiindi na nakatiis sa paghihintay sa kanya, tumayo na ako para hanapin siya. 

Ilang book shelves na ang napuntahan ko pero hindi ko pa rin siya makita. Nang makarinig ako ng bulungan ng mga babae sa isang hanay ng mga libro ay napahinto ako. Nakaagaw ng atensyon ko ang pangalan ni Maggie. Nagtago naman ako para walang makakita sa'king nag-i-eavesdrop. 

"Maggie's so haba ng hair! Sarap kalbuhin!" boses ng babae. 

"Yeah, right. Ganda ng lahi. Sarap gawing extinct," boses naman ng isang bading. 

"Girls, ano ba? She's an endangered specie. Exotic. Be kind to her. Be kind to animals," sabi naman ng isa pang babae. Sumunod kong narinig ang tawanan nila. Pagkatapos, may isa pang babae na nagtanong ng, "Why? Sila na ba uli?" 

"I bet," tugon ng bading, "They're always together na uli kaya. Swerte nung Maggie, ha. Nakagayuma siya ng prince like Dave de los Santos." 

Hindi ko napigilan ang init ng ulo ko kaya mula sa pagtatago ko habang nag-i-eavesdrop ay nagpakita ako sa kanila. Apat sila. Tatlong babae, isang bading. Mas masama pa sa dugong nanalaytay sa mga Ampatuan ang tingin ko sa kanila, pero dahil mga babae sila, hindi ko magawang sugurin sila at patikimin sana ng massacre. Nagulat silang apat, pero nagulat rin ako nang mapansin kong may isa pang tao sa peripheral view ko na nakatingn din sa kanila. Pagtingin ko kung sino, nakita ko ang mukha ni Maggie na may pinaghalong inis at hiya. Lalo tuloy tumaas ang presyon ng dugo ko kaya binalak kong lapitan ang apat na deserving ng massacre, ngunit agad akong nahawakan ni Maggie at naitulak palayo. 

Bumalik kami sa lamesa namin. Ani Maggie, "Tignan mo 'tong magazines na nakuha ko." Anime magazines featuring Naruto ang mga kinuha niya, pero hindi nito napakalma ang mainit kong ulo. Hinahanap ko pa rin kung nasaan ang grupong 'yun kanina. Ang nagpapalala pa ng galit ko, nangangamba ako na baka pati si Maggie, narinig lahat ng mga pangungutya nila. Okay lang na ako ang makarinig, huwag lang si Maggie. 

Sa asta ni Maggie, parang wala siyang narinig. Masaya lang siya. Pangiti-ngiti. Pilit na kinukuha ang atensyon ko papunta sa Naruto magazines. Ramdam kong pinakakalma niya ako kaya pinagbigyan ko na siya. Pinag-usapan namin si Naruto. Hindi siya fan pero pinakita niyang interesado siya sa pagkukwento ko tungkol sa favorite ninja ko. 

"Maggie--" sabi ko pero nag-alangan pa ako bago ko tinuloy ang, "Narinig mo 'yung kanina, 'no?" Masakit para sa'king isiping iniinda niya na lang 'yun. 

"Ha? Ang alin?" 

"'Yung apat kanina na nagdadaldalan tungkol sa'tin..." 

"Hm? Apat? Daldalan? Uh, tungkol sa'tin? Hindi. Bakit?" 

Hindi ko na ipinilit. Tumahimik na lang ako at sinubukang kalimutan ang apat na sugo ng impyerno. Masaya kaming magkasama ngayon ni Maggie, kaya hindi ko na dapat isama pa ang mga extrang 'yun na wala namang maidudulot na maganda. 

Ilang saglit pa ang lumipas, naka-gain ako ng sapat na chakra para imbitahin si Maggie. "Uh, a-attend ka ng JS?" tanong ko. Gusto ko sanang imbitahan siya na maging prom date ko, pero dahil sa TV at movie lang naman talaga nangyayari ang ganun, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'yun sa kanya. Akala ko enough na ang chakra ko, bitin pa pala. 

May katagalan bago ako sinagot ni Maggie ng, "Hm, hindi, eh." 

"Ha?" tanging lumabas sa bibig ko. 

"Hindi ako a-attend ng JS," inulit niya pa. 

Biglang bumagsak ang excitement ko down to disappointment. Para akong athlete na nakapag-warm up na, ready to fight, and yet maka-cancel bigla ang game. Pakiramdam ko, bata ako na nakahanda nang maligo sa ulan, ngunit paglabas ko, bigla namang tumila. Excited na kasi ako--na makasama siya sa Prom bilang ka-date ko, then bigla ko na lang malalaman na hindi naman pala siya a-attend. Dahil sa disappointment ko, hindi ko na nagawang tanungin siya kung bakit o kaya pilitin siyang um-attend. 

Pareho kaming nabawasan ng energy pagbalik namin ng classroom.

*** 

Bumabalik na naman sa memory ko ang mga narinig ko kanina sa apat na sugo ng impyerno at deserving ma-massacre, at gaya ng kanina, naiinis pa rin ako. Nang maalala ko ring hindi pala a-attend ng JS Prom si Maggie, nadagdagan pa ang inis ko. Nag-isip ako ng paraan. What if I ask Chloe to persuade Maggie to join the prom? Pero parang hindi tatalab lalo na ngayon na Chloe's still rebuilding their closeness. Eh, kung ako kaya ang pumilit sa kanya? Baka isipin niya gusto ko lang siyang maka-date. Eh, ano ngayon? 'Di ba, ito naman talaga ang gusto ko: To court her and be her boyfriend again. 

Kinuha ko ang phone ko at hinanap siya sa contacts ko. Ube ko pa rin ang pangalan niya dito. Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko siya o ite-text. Kung text, baka matagalan ang reply niya or baka hindi talaga siya mag-reply. Kung tawag, baka naman mahalata niya agad ang intention ko, at isiping atat na atat ako. Masyado na akong naging straightforward at pabigla-bigla kay Maggie noon, and everything went wrong. Kailangan smooth lang this time. Kailangan, one at a time. Easy lang. Cool lang. Fuck! I can't calm down. Ang dami ko na namang iniisip. Be a man, Dave! Decide! So I dial her number and call her--maybe? 

"Low!" pambungad niya. 

"Hi?" bati ko. 

"Mm, hello?" 

"Busy?" 

"Bakit?" 

"May sasabihin lang." 

"Ano?" 

"Wala..." Fuck, Dave! You're a! Fuck your answer! 

"Ha?" Naguluhan si Maggie, I know. Pucha naman kasi talaga 'yung sagot ko. May sasabihin, tapos wala naman pala. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, dumeretso na nang kusa ang bibig ko sa pagsabing, "I mean--Maggie, be my Prom date!" 

Natahimik ang line. Tanging paghinga ko na lang ang naririnig ko, hanggang sa sumagot na siya ng, "Dave... Ah, hindi nga ako a-attend." 

"Bakit?" 

"Hm..." 

"Come with me." 

"Eh..." 

"Please?" 

"Dave?" 

"Maggie?" 

"Okay..." 

"Okay what?" 

"Payag na'ko." 

"God, thank you! I love you!" bigla kong nasambit. Para akong naka-candy crush sa level nang mapapayag ko siya. 

Pero wait. Did I just tell her I-love-you? 

Natahimik kami uli. 

 

Maggie 

Hindi ma-process ng utak ko ang mga nangyayari. Magkausap kami ngayon sa phone ni Dave. Ang boses niya, ang paghinga niya, ang paghinto niya, at ang pabigla niyang saya at ang pinaka-highlight: ang pag-I-love-you niya. Lahat ng mga 'to ay niyayakap ako nang napakahigpit--kaya nahihirapan akong huminga. 

Gusto kong maglupasay sa sahig dahil nanghihina ako sa tindi ng kilig na nararamdaman ko. Pinilit kong magbiro at ibaling ang atensyon niya. Sabi niya kasi, "God thank you, I love you!" nang pumayag akong maging prom date niya, kaya naman sumagot na lang ako ng,"God loves you too!" 

"Yeah. Yeah. I love God," tugon niya. Mukhang na-get niya 'yung punchline, pero nawala ako sa sarili ko nang idagdag niya ang, "Maggie, I still love you."  

Hindi ko na alam kung makakaya ko pa, kaya lumabas na lang sa bibig ko ang mga katagang, "Dave, bye na. May gagawin pa kasi ako," sabay baba ng linya. 

Sabi ko sa kanya na may gagawin pa ako. Ano nga bang gagawin ko? Tatalon? Hihiga at magpapapadyak? Tatawa nang malakas? Lilipad? Ano? Pwede bang magkaroon ng isa lang common reaction kapag sobrang kinikilig o happy? Para naman hindi nakakalito kung paano magre-react! Ang hirap dalhin nito. 

*** 

Mula kagabi matapos naming mag-usap sa phone, iniisip ko na kung anong gagawin kapag nagkita kami ngayon, at hanggang ngayon, wala pa rin akong matinong maisip. Natatakot akong pumasok ng classroom. 

"Maggie, I still love you," aniya kagabi. Paano kung pagpasok ko, sumalubong siya sa'kin na may dala-dalang bulaklak at i-announce, this time hindi sa family ko, kundi sa buong klase, na nililigawan niya na uli ako? Tapos paano kung tanungin niya ako agad kung gusto ko siyang maging boyfriend uli? Paano kung umoo ako agad? So ang mangyayari, gaya lang ng dati? 

No, Maggie. Mind over heart. Heart supplies blood to the brain, but it's the brain that commands the heart to do so. Ito ang natutunan ko kakabasa ko ng Anatomy. Ika pa nga nila, "Ang babaeng pinaghirapang makamit ng lalake ay ang babaeng mahirap pakawalan." Kaya kung totoo mang mahal niya pa rin ako at gusto niya uli akong maging girlfriend, kailangan niya akong paghirapan o pagtyagaan. 

Biglang nabuksan ang third eye ko at nakita ang pagkalaki-laking double yu, ow, double yu: W-O-W! Oo. Wow talaga! Wow ang kaartehan ko. Astang Anne Curtis na naman ako. Annebisyosa. Pero babae ako--normal lang naman na mag-inarte ako, ah. Normal lang na magpakipot ako. Normal lang na maging maingat ako. Kahit sabihin pa nilang, "Ang kaartehan, dapat iayon sa mukha," wala akong pakialam. Babae ako. Period. 

Kung tutuusin, masyado akong maagang namulat sa love at nasaktan dahil dito. This time, gusto ko nang maging mas mapagmahal sa sarili, at maingat sa lahat ng bagay. 

Pagpasok ko ng classroom, sumalubong sa'kin ang dalawa kong classmate na natural ang pagiging early bird na sina Nice at Edith. Bukod sa kanila, sinalubong din ako ng katotohanang isa talaga akong dakilang assumera. Walang bulaklak. Walang malaking audience. Walang surprise. Walang announcement. Walang Dave. Dapat talaga, isama ko na sa listahan ko ang itakwil na ang pagiging assumera, feelingera, at daydreamera.

Dave

Busy si Maggie sa pagsusulat ng reviewer niya nang dumating ako sa classroom. Kaya nag-ninja moves ako makarating lang sa likod niya para takpan ang mga mata niya, like what we used to do. Na-miss ko 'to. Na-miss ko lahat ng ka-immature-an namin. 

"Sino 'to?" sabi ko gamit ang caveman voice ko, habang pinipiringan ng kamay ko ang mga mata niya. 

"Dave, ano ba?" tugon niya. 

Agad ko namang pinakawalan ang mga mata niya at tumabi sa kanya. Hinayaan ko lang siyang ituloy ang ginagawa niya habang minamasdan ko, ngunit nako-conscious siya sa atensyon ko sa kanya kaya maya't maya niyang tinatabig ang pisngi ko upang mailayo ang paningin ko, saka sinasabing, "Ano ba? Ee. Dun ka tumingin." 

Natutuwa ako sa pagiging conscious niya kaya hindi ko siya tinigilan. Suddenly, naipaalala ko sa kanya ang gift ko sa kanya last christmas party. Sabi ko, "Dalhin mo 'yun bukas, ha! You sure hindi mo pa na-open?" 

"Oo nga. Paulit-ulit? Ano ba kasing laman nun?" 

"Basta, hintayin mo na lang. Okay?" 

"Oookay." 

Dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.

*** 

Naalala ko na naman ang Fan Mail ni Sep sa'kin: Consider your feelings for Maggie. I know she still feels the same way. So as a man, be a man, Dave. 

Niyaya ko uli si Maggie na samahan ako nang kaming dalawa lang. Nagtataka na nga ang mga kaibigan namin kung ano nang status namin kahit malinaw namang para sa'aming dalawa, we're friends. 

Nagtungo kami sa playground ng elementary. Maraming memories ang playground na ito, lalo na sa'min ni Sep. But the reason why I brought Maggie here is not actually Sep, but the place itself. Dito ko unang napanaginipang Maggie's breaking up with me, at dahil dun, nagising ako feeling deeply in love with her. Kaya naman ngayon, gusto kong gumawa ng bago at mas magandang memory dito kasama si Maggie. 

Umupo kami pareho sa pang-toddler na Merry-Go-Round. Hindi lang kami basta naupo, umiral na naman ang pagiging bata namin kaya nagpaikot-ikot kaming dalawa. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang bata dahil anlalaki na namin, inaagawan pa namin sila ng karapatang matikman ang saya ng pagpapaikot sa Merry-Go-Round. Naupo kami sa bench nang makaramdam kami ng pagod at kahihiyan.  

Nagtatawanan na naman kami. Kagabi, binigla ko siya nang ayain ko siyang maging prom date, tapos nag-I-love-you pa ako sa kanya. Ngayon, handa na ako. Buo na ang chakra na kailangan ko para magawa muli ang Wooing Technique ko. 

Plano ko, babanggitin ko muna ang pangalan niya pagkatapos tititigan ko siya. Sunod niyon, bubulong ako sa kanya ng, "Ano ba tayo?" Sigurado ako, it's either matatahimik siya at iibahin ang usapan or matatahimik siya then sasabihing magkaibigan kami. Pagkatapos nun, sasabihin ko na sa kanyang gusto ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya. Liligawan ko ulit siya. 

"Maggie," panimula ko. Ngumiti siya sabay sabing, "Saan ka ba sa college?" 

Whoa! Heto na naman ang tanong niyang lagi kong iniiwasan. Kung kailan naman ready na akong mag-the moves, saka naman niya ako biglang ililihis. 

Nawala tuloy ako bigla sa tiyempo. Ibinalik ko naman sa kanya ang tanong. "Ikaw ba? Saan mo balak mag-college?" 

"Ah... Baka dito na lang," aniya. 

"Nursing?" tanong ko kasi 'yun ang nasabi niya noon na course na gusto niya. 

"Hm-mm. Ikaw? Anong balak mo?" 

"Balak ko?" pag-ulit ko sabay tingin sa malayo. Napabulong pa ako ng, "Baka balak ni Dad." 

"Ha?" 

"I-I'm taking up Engineering," walang kagana-gana kong sinabi. 

"Saan? Bale 'yan ang pre-law mo?" 

"Pre-law? Paano mo nalamang?" Napaisip ako bigla. Wala akong pinagsasabihan except kay Don at Mommy ng profession na tunay kong gusto kasi nga wala rin namang assurance na mapu-pursue ko 'yun dahil na rin sa nakita kong experience ni ate Erika. 

Choice talaga ni Dad na ipadala kami abroad para mag-aral pagdating ng college. He wants us, according to Mommy, to be independent. Ipinadala si ate sa France para mag-aral sana ng Architecture pero dahil paborito siya ni mommy at likas na persuasive ang ate ko, nagawa nilang ipaglaban kay Daddy ang gustong course ni ate. 

Sinubukan ko ring ipaglaban ang gusto ko kay Daddy, pero pagdating sa kanya, fragile ang tapang ko--kunwari matibay, pero wasak agad kapag natira na ni dad. Sabi ni Dad, kulang daw sa'kin ang isa sa mga essential qualities ng pagiging lawyer. At first, I'm eager to win, but eventually, I easily get tired, hence, easily give up. Hanggang ngayon, I'm still confused if my dad is right or wrong. 

Napatingin ako uli kay Maggie at sinabing, "I'll be studying abroad." Tumingin ako uli sa malayo kasi hindi ko kayang ipakita ang pagkadismaya ko. Isa pa, ayokong makita ang reaksyon niya. Napaisip pa ako na kung itutuloy ko pala ang muling panliligaw sa kanya, magkakahiwalay din kami, kaya ano pang saysay nito? Oh, 'di ba? Urong na naman ako. Mukhang tama talaga si dad.

Maggie

Natahimik si Dave nang mapag-usapan namin ang mga balak namin para sa college. Parang may pumipigil sa kanya o something na ayaw niya tungkol sa topic, kaya umiiwas siya sa tuwing tatanungin ko siya. Gusto kong malaman kung ano ang mga plano niya--kung saan siya papasok, at anong course ang kukunin niya. Bakit? Dahil curious ako? Usisera? O baka naman natatakot ako sa ideyang malaki ang posibilidad namagkakahiwalay na kami. 

"I'll be studying abroad," ani Dave sabay layo ng tingin. 

Natameme lang ako. May part ng isip ko na naniniwalang magkakahiwalay talaga kami pagdating ng college, pero bakit ganito naman katindi? Abroad pa? Hindi ba pwedeng sa kabilang baranggay lang? Bakit ibang bansa pa? May alam ba ang ibang bansa na hindi alam ng mga tagarito sa Pilipinas? 

Oo na talaga. Magkakahiwalay na nga kami. Eh, ano kung magkahiwalay kami? Magkaibigan lang naman kami. Hindi ako dapat matakot at malungkot. Magkaibigan lang kami. Pero nag-I-love-you siya sa'kin kagabi, ah. Inimbitahan niya pa ako na maging prom date sa nalalapit na JS. Hindi lang kami basta magkaibigan--mag-ex kami. Sabi nga sa GM quote, "Kapag ang dalawang dating nagmamahalan, naging magkaibigan pagkatapos maghiwalay, dalawa lang ang dahilan: 1) hindi sila tunay na nagmahalan; o 2) mahal pa rin nila ang isa't isa. Makapal na ang mukha kung makapal, pero ramdam ko, 'yung pangalawang dahilan ang nagpanatili sa'min ni Dave na maging magkaibigan. 

Naiilang na ako sa katahimikan naming dalawa ngayon. Nag-iisip ako ng pwedeng mapag-usapan pero walang pumapasok sa isip ko maliban sa kagustuhan kong sana huwag na lang siyang umalis. 

Napatingin ako sa kanya. 'Yung peklat sa ibaba ng kanang mata niya na naman ang una kong napansin. Sa tuwing makikita ko ang peklat niya, nakakaramdam ako ng mini heart attack. Natitigil saglit ang pagtibok ng puso ko kapag naiisip kong bahagi ako ng peklat niya. Tumingin na lang uli ako sa malayo para maiwasan ding makaramdam ng guilt. Nalulungkot na nga ako kapag iniisip kong magkakalayo na kami, dadagdagan ko pa ng guilt? Ayoko na. Mag-iisip na lang ako kung anong kulay ng gown ang bagay sa'kin sa JS. 

All of a sudden, nagyaya na si Dave bumalik ng classroom. 

***

Dave 

Matagal na akong hindi nakakatambay dito sa rooftop nang mag-isa. Katulad nang dati, kasama ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin, maliwanag na buwan, nagniningningang mga bituin--at siyempre ang hindi mawawala sa casting ng "David at the Rooftop"--ang mga die-hard fans ng dugo ko: Mga lamok. Kaya kapag tatambay ako dito sa gabi, hindi pwedeng hindi ako naka-sweater at pajama. Pero may bago nga pala akong kasama sa show ngayon dahil dala ko ang bagong biling mosquito racket na pamatay ng lamok. Tuwang-tuwa ako sa tuwing nagmimistulang fireworks ang mosquito racket sa tuwing may mapapatay itong lamok. Nang wala na akong mapatay, naisipan ko nang mahiga sa sahig at pagmasdan ang buong langit. Pagkatapos, naisip ko na naman si Maggie. 

I told myself no matter how long and hard will it take, I'll court her again to win her back, pero kanina, napaurong ako hindi dahil kulang ako sa confidence or what, kundi dahil sa thought na eventually, we'll be going on to our separate ways. I'll be studying abroad. Siya naman, she's staying. Nafo-foresee ko na ang paparating na kontrabida sa buhay namin: Distance.

I wonder how those stars shine at the moment. Wala akong ibang magawa except to admire them from a distance. I can't reach for them. Just like her, it'll be hard for me to reach her after high school. 

"You lack flair to be a lawyer. You easily get tired. You easily give up," ani Daddy na nag-playback sa utak ko. 

"Consider your feelings for Maggie," sabi naman ni Sep sa FM na kasunod kong naalala. 

Napaupo ako bigla nang manaig sa utak ko ang tapang. Daddy's right--but not always.

Maggie 

Kanina pa akong nakatunganga dito sa may bintana habang pinagmamasdan ang langit na hayok na hayok sa mga tala. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin ng gabi, hindi ko pa rin magawang mamangha at sumaya. 

Mabigat ang loob ko. Magkakalayo na kami ni Dave, at walang paraan para mapigilan ang kinatatakutan ko. Sa dami ng stars, may isa ba sa mga 'yan ang pwede kong hingan ng wish? Kung meron man, anong iwi-wish ko? Sana magkaroon ng gyera sa bansang pupuntahan ni Dave para hindi siya matuloy? What if i-wish kong sana pareho kaming bumagsak this school year at maging repeater para maging classmates kami uli? Eh, kung i-wish ko na sana manalo kami sa lotto para may budget kami sa pag-aaral ko sa ibang bansa para magkasama pa rin kami ni Dave. Teka, lotto? I-wish ko kaya muna na sana tumaya kami sa lotto? 

Agad kong kinuha ang phone ko nang marinig ko ang message tone ko. Akala ko si Dave ang nag-text, si Chloe pala. "Mags, u hav ur gown n for JS?" text niya. 

Marami na nga akong iniisip, dinagdagan pa ni Chloe. Wala pa. Wala pa akong isusuot. Gusto ko nang umiyak. Paano na 'to? Kailangan ko na talagang maghanap ng marerentahan bukas. Hindi na ako nag-reply kay Chloe kasi hindi ako unli. Humalumbaba ako uli at dumungaw sa bintana. Mabuti pa ang langit, mayaman sa stars. Ako, mayaman sa problema. 

Ang ganda naman ng jet na dumaan bago lang. Teka! Jet? Sa gabi? 'Tsaka bakit nawala nang ganung kadali? Isang minuto pa ang lumipas bago ko na-realize na--oh, my! Napatayo ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, at napangiti nang napakalaki. Hindi jet ang nakita ko bago lang. Shooting star! Nataranta ako kaya lumabas ako agad ng kwarto ko. Gusto kong tawagin ang mga kapatid ko at si mama para ibalita at ipagyabang na nakakita ako ng shooting star, pero paglabas ko ng kwarto, dilim ang una kong nakita. Oo. Gabi na, Maggie. Tarantada rin talaga ako, eh. Nakakita lang ako ng shooting star, mambubulabog na agad ako. Eh, grabe naman kasi ang feeling ko ngayon. Sobrang saya ko. First time kong nakakita ng shooting star. Grabe talaga! 

Napahawak ako bigla sa magkabilang pisngi ko nang ma-realize kong nakakita nga ako ng shooting star, pero ang tanong, nakapag-wish ba ako? Instant 'hindi' ang sagot. Hindi ako nakapag-wish. Bumagsak ako sa kama ko dahil sa disappointment. Bakit ganun? Bakit wala man lang nagsabi sa'king may darating na shooting star? O bakit hindi man lang nagbigay ng Notice of Falling ang shooting star na 'yun? Nakakasama ng loob. 

Ilang saglit pa, na-realize kong kanina, bago ako makakita ng shooting star, nag-iisip na ako ng wish. Hindi kaya 'yun na 'yun? Inalala ko ang mga wish na iniisip ko kanina. Sana naman 'yung tungkol sa lotto ang i-consider ng shooting star. Nakakatakot naman kung 'yung tungkol sa giyera o kaya sa pagbagsak namin ang ma-consider. My Lordie! Huwag naman po sana. 

Bago ako tuluyang makatulog, tumunog uli ang phone ko. Lalong tumindi ang saya ko dulot ng shooting star nang mabasa ang text ni Dave: Good night :*  

May kiss emoticon? Napatakip ako ng mukha sa sobrang kilig. Nag-reply ako ng good night din pero with smiley lang, hindi kiss emoticon, para naman hindi obvious na easy girl pa rin ako. 

***

Pagpasok ko pa lang ng gate ng university, napansin ko na ang ambience na bumabalot sa buong campus. Love is in the air. Nakadikit sa mga pader ang mga red at pink heart at cupid-shaped papers, pati na ang greeting na 'Happy Valentine's Day'. 

Actually, ilang araw ko na 'tong hinihintay. Single ako, technically. Pero may isang taong nagpaparamdam sa'kin ngayon para ma-appreciate ang Valentine's day. Dali-dali akong naglakad papunta ng classroom, pero hindi ibig sabihin, excited ako. Wala naman akong ine-expect. Wala. Alam ko namang walang mangyayaring surprise para sa'kin mula kay Dave kahit na special heart's day ngayon, kasi wala namang 'kami'. Basta, excited lang akong pumasok at makita siya. Bakit? Hindi ko alam. 

Pagpasok ko, binati agad ako ni Edith. Binati ko rin siya. Nakaramdam naman ako ng kaba habang naghihintay sa pagpasok ni Dave. Kinuha ko ang libro ko para magbasa, nang sa ganun, mabawasan ang kaba ko--at siyempre, para magmukhang busy para mabigyan ng opportunity si Dave na i-surprise ako. Surprise? I know, walang surprise. 

Nakapasok na sina Chloe at Dan, pati na ang regularly late na si Don. Nagkabatian na rin kami ng 'Happy Heart's Day' pero si Dave, hindi pa rin pumapasok. Nahihiya naman akong tanungin sila kung papasok ba si Dave o hindi kasi baka asarin lang nila ako kapag nahalata nilang excited akong makita si Dave. 

Nagdaldalan kami ni Chloe about sa JS. Sabi niya, siya na raw ang bahala sa isusuot ko sa Sabado, pero tumanggi ako. Mamayang hapon kasi ay maghahanap na ako. Pinipilit talaga ni Chloe ang gusto niya pero mariin ang pagtanggi ko. Iniba ko na lang ang usapan namin. Minention ko na nakakita ako kagabi ng shooting star. 

"OMG! Really? As in for real?" aniya, "I'm so inggit. I haven't seen one, like in real life." 

"So what was your wish?" tanong ng lalake mula sa likod ko. Kilala ko ang boses na 'yun. Nilingon ko si Dave. Nakangiti siya kaya wala akong ibang nagawa kundi gantihan din siya ng ngiti. 

"Kanina ka pa?" tanong ko. Pinilit kong itago ang excitement ko, pero at least pinilit ko. Kasi naman 'yung pitch ng tanong ko, malapit na sa soprano level. 

"Bago lang. I heard you saw a shooting star last night?" 

"Hm-mm..." 

"Really? So ibig sabihin, you're looking up in the sky last night?" 

"Ah, may shooting star ba sa lupa?" sabat ni Don. Natawa naman ako, pero naasar lang si Dave. 

"Gusto mong makakita ng umiikot na stars sa ulo mo kapag sinuntok kita?" banat naman ni Dave. 

"Happy Heart's Day!" sabat ko sa kanilang dalawa matigil lang ang barahan nila. Bigla naman kaming nagkatinginan at nagkangitian ni Dave. 

"Happy Heart's Day," bati niya sa'kin. Tumalikod na lang ako uli at pinigilan ang sarili sa pagsabog ng kilig. 

Kinalabit niya naman ako at nang lingunin ko siya uli, sabi niya, "Naka-tingin din ako sa langit kagabi. Pareho pala tayong nakatingin sa langit kagabi." 

"Coincidence?" sabi ko. 

"Meant to be," aniya. 

Tumalikod uli ako, dahil isa pang banat at ngiti niya, sasabog na talaga ako. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin. 

***

Kaming dalawa lang ni Chloe ang sabay nag-lunch. Nagpaalam kasi ang 3D na magdo-dota raw. Kami naman ni Chloe, puro girl talk para sa JS. Dahil hindi ako mapilit ni Chloe na sagutin ang magiging gown ko, pinilit niya na lang na samahan niya akong maghanap mamaya after school. Tutal dinner date pa naman ang valentine celebration nila ni Dan. 

Pagbalik ko ng classroom, sinalubong ako ni Dave. 

"Oh, kumain na ba kayo?" agad kong tanong. 

"Yep. Um, Maggie? Ah, samahan mo ako mamaya. Please?" ani Dave. 

Kapag nagpi-please siya, napaka-cute niya kaya mahirap tanggihan. 

"Sige, saan ba? Anong oras?" 

"Pagkaawas natin." 

"Okay." 

"Mags, ano ba?" sabat ni Chloe kaya napatingin ako sa kanya. "We're gonna look for your gown!" paalala niya pa. 

Napatingin uli ako kay Dave at sinabing, "Ay? Sorry. May pupuntahan pala kami mamaya." 

Tumingin lang siya kay Chloe at sinabing, "Chlow, pwede ba bukas na lang kayo?" 

Parang may sariling wika ang mga mata nilang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan. Pumayag naman agad si Chloe kay Dave. 

"Paano 'yun? Sa Sabado na ang JS, ah?! Last minute na bukas ako maghahanap ng damit?" 

"Maggie, don't worry. Hindi kasing bigat ng problema mo ang problema ng bansa natin," sagot sa'kin ni Chloe. 

Okay, fine. Hindi na ako umimik pa. Talo ako sa kanilang dalawa. 

Saan ba kasi kami pupunta ni Dave? Maaga pa naman ang awas namin mamaya, kaya sayang 'yung time ko para maghanap ng damit. Pero hindi ako nakatanggi sa kanya. Hindi kaya magse-celebrate din kami ng Valentines? Kaya ba wala sila sa lunch kanina kasi nagpe-prepare sila for our date? Wow, ha. Hindi naman kami, ah. Hindi kami. Hindi kami. Maggie, feelingera mode ka naman, eh. Haay! 

Nagsimula na ang klase namin sa hapon at ang isip ko, alipin pa rin ng tanong na: Saan kami pupunta at anong gagawin namin? Palihim kong chine-check ang oras. Naiinip na ako sa totoo lang. Gusto ko nang mag-awasan para makauwi ako nang maaga. Charot lang. Nae-excite ako. Ano ba? Magde-date ba kami? Pinipigilan ko ang sarili kong sulyapin siya kung anong ginagawa niya. Pinipilit ko ring ituon ang atensyon ko sa klase pero para bang nakakadena na ang utak ko sa mundo ng imahinasyon. 

Kumabog ang dibdib ko nang sumapit ang alas tres ng hapon. Ibig sabihin, 3 o'clock prayer na. Pagkatapos, awasan na namin. Pagkatapos? Oh, my! Lalabas kami ni Dave? Ngayon. Oo. Ngayong Valentine's. Hindi. Stop it, Maggie. Nagkataon lang na Feb. 14 ngayon, nag-I-love-you siya last time, at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon--pero hindi ibig sabihin, magde-date na kami. Hindi kami. Friends lang kami. Anong malay ko? Baka magpapasama lang naman pala uli siya Jollibee? 

"Huy! Tara na," ani Dave. Hindi ko alam kung gaano katagal niya na akong niyayakag umalis, kaming dalawa  na lang kasi ang natira sa loob ng classroom. 

"C.R. lang ako," sabi ko. 

Punong-puno ang C.R. pagdating ko, kaya mukhang matatagalan si Dave sa paghihintay sa'kin. Napansin kong malapit sa'kin ang tatlong babaeng narinig naming nagchichismisan tungkol sa'min ni Dave last time sa library. Mga sophomores sila based sa baller na suot nila--kulay yellow na may naka-embossed na  Sophomores * Bitch Perfect.  

Hindi ko na lang sila pinansin kahit medyo nai-intimidate ako sa kanila. Sobrang gaganda kasi nila at nado-dominate ng boses nila ang buong C.R. dahil sa ingay nila. 

Habang naglalabas naman ako ng pampakilig na tubig na may kulay mula sa aking katawan ay narinig ko ang komentong tumusok sa tenga ko: Wala, bitch. Wala tayong laban sa witch. Gayuma talaga ang weapon. Kasunod ko nang narinig ang tawanan nila. Magaganda sila--kahit 'yung bading, magandang lalaki sana. Ako, ano? Never mind na lang. 

Pinakiramdaman ko muna sila bago ako lumabas ng cubicle. Wala na sila nang lumabas ako. Kunwari na lang wala akong narinig. Kunwari na lang okay lang ako. Sana lang kahit kunwari, maramdaman ko ring maganda ako. 

Naabutan kong naghihintay si Dave sa labas at napansin kong mula sa malayo ay na nakaabang pa rin ang tatalong babae kasama ang isa pang bading. Nang mapatingin ako sa kanila, napansin kong kami ni Dave ang pinagmamasdan nila na parang nangungutya na naman. Ewan ko ba sa university na 'to--nagkalat ang bitches. 

Hinawakan agad ni Dave ang kamay ko at naglakad na kami palabas ng campus. Sa kamay niya, naramdaman kong ligtas ako. Naisip ko bigla, dahil sa kanya, kahit kunwari lang, nararamdaman kong maganda ako. Magandang-maganda. Ini-sway, sway ko pa ang hawak-kamay namin nang mapadaan kami sa Bitch Perfect para ipakita sa kanila ang eksenang magpapasakit sa mga mata nila. Ganti-ganti na lang din. Parang ang sarap tuloy nilang sigawan ng 'Mamatay kayo sa inggit', at siyempre, may kasamang belat. Oh, 'di ba? Kung bitch sila, ako rin, 'no! 

May naramdaman akong bago sa kamay ni Dave. Right hand niya ang hawak ko ngayon kung saan niya suot ang sing-sing na may crescent moon sa gitna--pero ngayon, wala akong nararamdamang sing-sing na suot niya. Sabi niya noon, tanda ko, may sentimental value raw ang ring na 'yun, pero ngayon, hindi niya na 'to suot. Gusto kong itanong 'yun, pero parang wala akong lakas ng loob. 

"Saan tayo?" tanging natanong ko sa kanya. 

"Basta," sagot niya naman. Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin. Nahihirapan na rin kasi akong mag-isip dahil occupied na ang buong utak ko ng kilig na nararamdaman ko habang naglalakad kami ng magkahawak-kamay. 

Sumakay kami ng tricycle para pumunta sa lugar na ayaw pang sabihin ni Dave. Habang nakasakay naman kami ay kinukulit niya ako tungkol sa wish ko sa shooting star na nakita ko kagabi. Siyempre hindi ko siya sinasagot. Alangang sabihin kong gusto kong magkagyera sa bansang pupuntahan niya, o kaya maging repeater kami, o manalo sa lotto at sumama sa kanyang mag-aral sa ibang bansa? Ayoko nga. Ayokong sabihin sa kanyang ayokong magkahiwalay kami. Nakakahiya. 

Pagkababa namin, agad kong naramdaman ang lubhang pagkabalisa. Nagulat ako sa lugar na pinagdalhan niya sa'kin.

Dave

"Bakit? Anong gagawin natin dito?" tanong ni Maggie habang inaayos ang buhok niyang iniihip ng hangin papunta sa kanyang mukha.

Sinubukan kong magbiro para maikubli ang kaba ko. "Maggo-ghost hunting," biro ko na may kasamang ngiti. Hindi siya ngumiti, bagkus ay sumimangot pa at sinabing, "Seryoso kasi ako. Tena nga. Uwi na tayo."

"Wait," sabi ko sabay hawak sa forearm niya. "Seryoso rin ako. Sorry. Kinakabahan lang ako kaya ako nagbiro, pero totoo, I'm serious."

Hindi siya sumagot. Hindi rin niya ako tinignan. Halata sa mga kilos at mukha niya na hindi siya komportable sa lugar na 'to.

Niyaya ko na siyang pumasok. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero hindi ko 'yun nakuha nang bigla niyang yakapin ang mga braso niya at naunang pumasok.

Hindi ko in-expect na ganito ang magiging unang reaksyon niya sa pagdala ko sa kanya dito kaya lalo tuloy nadagdagan ang kaba ko. Naisipan kong umurong at huwag nang ituloy ang eksenang gusto kong mangyari pero dahil nandito na kami at nauna na siyang pumasok, wala na akong nagawa kundi sumunod.

Hindi ko sinabi sa kanya na dito kami pupunta, hindi ko rin sinabi sa kanya kung anong balak kong gawin, pero tila may sariling pag-iisip ang mga paa niya na kusa kaming dinadala ng mga 'to sa pakay namin kahit ang totoo, pareho kaming hindi komportable dito.

Umihip ang malakas na hangin nang makarating kami sa pakay namin. Parang pinagkaitan ng upuan ang mga balahibo ko nang sabay-sabay silang nagtindigan. Ibinaling ko ang tingin ko mula kay Maggie patungo sa tinitignan niyang lapida kung saan nakaukit ang pangalang Julian P. Salvador | Born: January 15, 1996 | Died: March 17, 2011.

Ito ang mismong lugar kung saan inalok ko noon si Maggie na maging girlfriend. Dito umiral ang kakapalan ng mukha ko. Isinakatuparan ko ang napakamakasarili kong palabas nang pasagutin ko siya dito mismo sa puntod ng taong mahal niya. The moment I had remembered it, I felt like I was a selfish snatcher. Now, I feel so guilty. This is why I thought of bringing Maggie here this Valentine's day, so I can closely say my sorry to Julian, and show him that this time, I have the most sincere feelings for her Maggie. I want him to be the witness of the promise I'll tell later. I want him to know that I want Her Maggie to be My Maggie.

Kinuha ko ang kandila sa bag ko at sinindihan ito. Tahimik pa ring pinagmamasdan ni Maggie ang puntod ni Julian nang tignan ko siya pagkatapos kong magtikirik ng kandila.

Nang muli ko siyang sulyapin, nakapikit na siya. Marahil ay nagdarasal din siya. Ilang sandali, napansin kong may namumuong luha sa mga mata niya na akma nang tutulo. Pinunasan niya ito agad at iminulat ang kanyang mga mata.

Sinalubong ng mga mata ko ang mga mata niyang puno ng lungkot at tanong. Masakit para sa'kin ang ganito--isipin kung ano ang iniisip niya. Mahal niya pa rin nga ba si Julian? Kung oo, gaano? Kung hindi na, ako kaya, mahal niya pa rin? Naiisip ko rin kung sino sa amin ni Julian ang mas matimbang sa puso niya.

Gaya niya, may first love din ako, pero eto ako, tuluyan nang ni-let go ang pag-ibig na 'yun nang maramdaman kong mas mahal ko siya kahit kanino; kaya nga ngayon, wala na sa daliri ko ang ring na regalo sa'kin ni Sep noon. Siya kaya? Nai-let go niya na nga ba ang nararamdaman niya para kay Julian?

"Dave? Bakit? Bakit tayo pumunta dito?" tanong niya.

Hindi ako nakahanda sa tanong niya kaya natigilan ako saglit. Huminga ako nang malalim at tinignan muli ang grave ni Julian bago ko siya sinagot ng, "To--so I can personally say sorry to Julian, your first love."

Tinignan ko siya uli. Hinintay ko kung may sasabihin siya pero wala. Nang akmang magsasalita uli ako, tinanong niya naman ako ng, "Sorry? Para saan?"

"I-I snatched you. I deceived you--here--in front of him."

"Dave..."

"Maggie. Right here, I offered myself to be your boyfriend. I said, let's not take a cycle. Let's take a road--'yung walang dead end, walang crossing--'yung diretso lang. Maggie, I was wrong--"

Pinutol niya ako nang sabihin niyang, "Kasi hindi 'yun totoo. Hindi totoo ang road na walang dead-end, walang crossing, diretso lang. Hindi totoo ang forever. Ang totoo, may beginning at ending, up and down, prologue and epilogue, start and finish. Dave, love is a sentence. It has subject and predicate. It conveys a complete thought. And it needs a punctuation mark--may it be period, question mark, or exclamation mark--to be complete. Like love, it will never be complete without an end."

Maggie

Nagmimistulang blender na naman ang dibdib ko na magkakahalong ginigiling ang nararamdaman kong inis, hiya, guilt, kaba--at--okay, pati na kilig. Naiinis ako kasi hindi ko inasahang dito niya ako dadalhin kay Jules. Nahihiya ako kasi nandito na naman kami kung saan ipina-witness ko kay Jules kung paano ako nahulog sa bitag ni Dave noon. Nagi-guilty ako kasi naging mahina ako that time pati na rin yata ngayon. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung saan tutungo ang nagaganap sa'min ngayon. At higit sa lahat, kinikilig ako. Bakit? Ewan!

"Yes, Maggie. Hindi naging maganda ang simula at katapusan ng una nating kwento. T'was a mess," ani Dave sa harap ko. Pagkatapos kong magsalita, hindi ko na siya matignan nang mata sa mata. Aniya pa, "Pwede naman ang part two, di ba? Pwede namang i-rewrite ang kwento natin, right? Magkaroon man ng obstacles or bumps and humps or lumps sa gitna, magkaroon man ng pause at ending, ang mahalaga, we form a sentence--'yung love-is-a-sentence na sinasabi mo. Sa tuwing magkakaroon ng period, question mark, or exclamation point ang love-is-a-sentence na sinabi mo, pwede pa ring dugsungan ng bago at related na sentence, 'di ba? Eventually, it'll be 'Love is a paragraph.' Then, kapag dumami na, it will be 'Love is a story.' We will collect events. We will enact scenes. Maggie, let's forget about the 'Road na walang dead end, walang crossing, diretso lang. Love is not just a journey, but also, as I've said, love is a story. Let's make a new story--'yung walang sinusunod na plot or script--'yung spontaneous lang--'yung kahit magkaroon ng ending, basta happy ending lang."

Feeling ko babagsak na ako kung hindi lang ako hawak ni Dave ngayon. Nanghihina na ako. Akala ko kanina, sapat na ang linya ko. Minsan lang ako makapag-english, pero taob pa rin ako sa dami at ganda ng mga sinabi ni Dave. Pakiramdam ko nadadala na naman ako ng mabulaklak niyang mga labi. Pakiramdam ko, bibigay na naman ako agad. No. Maggie, kalma. 'Di ba? Sabi ko sa sarili ko, kailangan maging mas maingat na ako. Kailangan alam ko ang priorities ko. At kailangan huminga ako nang malalim!

Love is a story. Ito ang pinakatumatak sa'kin. Kung walang plot at script na susundan, okay, pero anong genre? Romance? Drama? Comedy? Horror?

Bakit kahit ano pa ang isipin ko, kahit magbiro pa ang utak ko, hindi pa rin nito matabunan ang kagustuhan kong isigaw sa kanyang: Oo mahal pa rin kita. Pero kailangan ko 'tong pigilan. Kailangan kong manindigan. Hindi lahat ng sinisigaw ng puso, dapat madinig at manaig. May mga bagay na mas tama. Iyon ang mga bagay na mas mahalaga. Sa ngayon, mas mahalagang protektahan ko ang sarili ko.

Lumakad ako palabas ng sementeryo nang hindi iniisip na kasama si Dave. Aalis na lang ako kaysa naman sa hindi ko mapigilan ang sarili ko na kaunting kyeme na lang, parang bibigay na naman sa lalakeng 'to. Ngunit hindi siya nagpaiwan. Sinundan niya ako agad at patuloy na hinirit ang mga sinisigaw ng damdamin niya.

"Maggie, wait. Maggie! Y'know what? Dad told me I don't have the flair to be a lawyer," aniya habang sinasabayan ang mabilis kong paglalakad. Eh, ano namang connection ng opinion ng daddy niya sa nararamdaman naming dalawa? At saka ano ba 'yung flair? Ewan ko sa kanya. Kailangan ko nang umalis. Duduguin ako sa kaka-English niya.

"Yes, I'm brave. I'm witty. I'm persuasive," pahabol niya pa. "But. Lahat," aniya sabay hawak sa braso ko. Napahinto kami sa paglakad. Hindi ko nakuhang magpumiglas nang maramdaman ko ang balat niya sa balat ko.

Tinuloy niya ang litanya niya pero hindi ko pa rin magawang tignan siya nang mata sa mata. "Lahat sa simula lang. Mabilis akong sumuko, mapagod, umayaw. All this time, I thought he was right. I admit, he is. But not always. Maggie, ang hindi niya alam, I have a case that I'm persistently trying to win: You."

Tuluyan nang nanakaw ng "You" niya ang mga mata ko. My Lordie! Nagsasabi siya ng totoo. "I will not give up on you. I love you, Maggie. I do love you."

Nahihirapan na akong huminga pero hindi ko pinahahalata.

"I'm going to court you no matter how long and hard it may take."

"Dave..." bulong ko. Gusto kong sabihing huwag niya na akong ligawan dahil sinasagot ko na siya. Gusto kong sabihing mahal ko pa rin siya. Pero hindi ako dapat matalo ng gusto ko. Kailangan manalo ang dapat. Gusto ko nang umirit dahil sa nararamdaman ko. Feel na feel kong masarap maging babae. Liligawan niya ako uli. At ngayon, seryoso at totoo na siya.

Pinunasan niya bigla ang tumulong luha sa kanang mata ko at sinabing, "This time, Maggie, pahirapan mo ako," ika niya. Tuluyan na akong umiyak.

"Tears of Joy is not actually tears of joy. You shed tears because of pain. You remember pain during the joy. Hence, it's called tears of joy," paliwanag ni ate Beng noon na pumasok bigla sa isip ko. Tama siya. Naiiyak ako hindi dahil sa saya. Sabay-sabay pumasok sa'kin ang sakit na dala ng love, pero kahit ganun, masarap pa rin siyang damhin. Nakakaiyak--kasi tapos na talaga ang unos. May rainbow na uli.

"Oh, ba't umiiyak ka?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Pinilit ko na lang tumahan. Sabi pa niya habang hawak ang dalawa kong kamay, "Pero please, huwag mo akong pahihirapan masyado, ha. Palagi mo rin akong bibigyan ng chance maramdaman na may pag-asa ako--para naman mapanindigan ko ang kanta nina Jason Mraz na 'I Won't Give Up'  at ang kanta ni Jennifer Love Hewitt na I'm Gonna Love You," natatawa niya pang dagdag.

Napakayabang talaga ng lalaking 'to, pero in fairness, ang cute niya talaga. Hindi na lang ako umimik para safe. Siguro naman sapat na ang expressions at actions ko para maintindihan niyang kino-consider ko ang application niya sa puso ko. Pero 'yung reservation niya--siyempre secret ko na 'yun.

Dave

Akala ko sasablay ako this time, pero based sa mga nakita kong reactions niya, I believe I have the best chance to win her back.

Lumabas kami ng sementeryo nang magkahawak kamay. Suddenly, nang ma-realize ko kung gaano ka-weird na nasa sementeryo kami ngayong Valentine's, naalala kong muli ang exchange gift ko sa kanya last christmas party na balak ko talagang pabuksan sa kanya noon.

"Wait, 'yung gift ko sa'yo?" paalala ko sabay hinto nang makalabas na kami ng gate ng cemetery. "Nasaan na? Ilang araw ko na 'yung pinadadala sa'yo, ah."

"Hm, eh, dala ko naman, eh."

Nang marinig kong dala niya 'yun ay biglang nabarahan ang baga ko pero mabilis naman itong natunaw ng excitement ko. "Akin na, dali," ika ko.

Agad kong sinira ang gift wrapping nang iabot niya sa'kin.

"Teka," ani Maggie sabay hawak sa gift. "Bakit ikaw ang magbubukas? Para sa'yo ba 'yang gift?"

"Ay?" Napahiya ako sa sinabi niya kaya ibinalik ko ang gift at sinabing, "Oh, sige, buksan mo na."

"Notebook?" pagtataka niya pagkatapos niyang masira ang gift wrapping. Nang akmang bubuklatin niya na ang notebook ay agad ko 'tong hinablot na parang professional snatcher.

"Oh?" aniya nang hablutin ko.

"Huwag mo munang tignan. Ah, maaga pa naman. Tara muna sa Cafe Love. Dun mo na basahin ang laman nito," sabi ko. Hindi ko na pinansin ang reaction niya--pumara na lang ako ng tricycle at isinama siya sa Cafe Love.

Punong-puno ng mga nagde-date ang Cafe Love nang datnan namin. Mabuti na lang kilala kami ng manager at ang reserved table ay pinaubaya na lang sa'min. Medyo awkward para sa'min ang bilang ng mga tao pero umaalingasaw ang bango ng pag-ibig dito kaya ininda na na lang namin ang nararamdaman naming awkwardness. Isa pa, kami lang ang naka-uniform at mukhang teenager dito kaya medyo safe kami sa palagay ko mula sa mga mata ng mga taga-SHU. 'Yun nga lang, kita ko pa rin kay Maggie na hindi siya komportable.

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw?"

"Ako, gusto mo?"

"Tange! I mean, Ikaw, ano bang gusto mo? Para kang ano," agad niyang sagot na parang nahihiya at kinikilig at the same time.

"Wooshoo... O-order na ako. Ano ngang gusto mo?"

"Hmm...cheesecake at Berry Pretty Frappe."

"Okay. So akin, ano, um,"

"Super Choco Shake at Hershey's cake!" aniya para unahan ako at ipaalam na alam niya ang palagi kong ino-order.

"Weh? Mali ka. Hindi ako magke-cake, shake lang, meron na kasi akong ube cake."

"Ube cake? Sa'n?"

"Ikaw," sabi ko sabay point ng nguso ko sa kanya. Kinilig naman siya agad.

Bumalik ako agad pagka-order ko. Muli niya na naman akong kinulit about sa notebook.

"'Di ba, para sa'kin 'yan? Ba't ba ayaw mo pang ipabasa?"

"Oh, ayan na. Basahin mo na kamahalan."

Binuklat at binalasa niya ang notebook.

"Ano 'to? Bakit--anong ibig sabihin nito? Iba-iba?" komento niya.

"Akin na nga,"sabi ko sabay kuha sa kanya ng notebook.

"Ganito kasi. May first page, 'di ba? Kaya nga first para ito ang unang basahin. Oh, read,"sabi ko nang ipakita ko sa kanya ang first page.

Pinagmamasdan ko siya habang nagbabasa. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya habang binabasa ang sinulat ko. Maaari ring hindi ko lang maintindihan. Kinikilig ba siya? Natutuwa? Nagtataka? Naguguluhan? Ewan. Ang sigurado ako, langit ang nararamdaman ko everytime I sip Cafe Love's Super Choco Shake.

Nalaman kong tapos niya nang basahin ang introduction nang tignan niya na ako. Parang walang epekto sa kanya ang mga sinulat ko kung pagbabasehan ko ang mukha niya. Para bang sinasabi ng mga mata niyang, "Okay naman." At ang pilit na ngiti niya, parang nagpahaging ng, "Oh, tapos? Eto na 'yun?"

"Ano? W-what can you say?" tanong ko. Bakit parang pakiramdam ko hindi niya na-appreciate? If she only knew what I was feeling when I wrote everything on that notebook, and if she only knew how hard to fill it... Ugh!

"Dave," aniya sabay tingin sa paligid na para bang natatakot na marinig siya ng iba. Siguro nga, this place isn't right for this. Dapat 'yung kaming dalawa lang.

"Okay," sabi ko nang kunin ko uli ang notebook sa kanya. "I... I get it. You feel awkward here."

She cover her face with her palm so I paused. After awhile, I said, "Ako rin. I feel awkward here." Inalis ko ang kamay niya sa mukha niya at nakitang nahihiya nga siya. Kung bakit, hindi ko alam. Basta sabi ko, "This notebook, Maggie," sabi ko habang hawak ang dalawa niyang kamay, "Pinaghirapan ko 'to. And this--this is more honest than me. Sabi nila, 'di ba? Actions speak louder than words. But I believe, 'Actions without words are not completely valid, because words move stronger than actions." I lift the notebook and emphasize to her, "So, eto nga. This notebook is the product of both actions and words--lahat ng letters ko para sa'yo, actually.

Nabigla ako nang hablutin niya ang notebook.

"Akin 'to, 'di ba?" aniya, "So ako na ang bahala dito."

"Pero--kailangan kong i-explain 'yan sa'yo. Bawat variation, bawat page, may meaning. Akin na. Ie-explain ko," sabi ko sa kanya habang pilit inaagaw ang notebook.

"No! Saka na! Babasahin ko muna lahat," sagot niya sabay tago ng notebook sa bag niya.

Nang matapos kaming mag-merienda at nang mapansin naming gumagabi na, hinatid ko na siya pauwi.

Maggie

"Okay lang ba na dito na lang ako?" ani Dave nang bumaba kami sa may kanto.

"Ah... Okay. Pero sure ka? Ayaw mong pumasok?"

Shinake niya lang ang ulo niya bilang pagtanggi. May bigla naman akong naalala na maaaring dahilan kaya ayaw niya nang pumasok sa bahay namin.

"Bakit? Natatakot ka, 'no?"

Bahagyang lumaki ang mga mata niya at ang ekspresyon ng mukha niya, pilit na nagmamayabang na hindi siya natatakot kahit halata naman.

"Ang liit-liit ni Mavid. Hindi ka kaya nun. Hindi ka makakagat. 'Lika!" pabiro kong paanyaya sa kanya.

Dahil sobra akong na-cute-an sa pagtanggi at pagtago niya ng takot sa chow-chow namin, ilang beses ko pa siyang pinilit at hinila papasok, pero hindi ako nagtagumpay.

"'Yung notebook ha, dalhin mo uli bukas," paalala niya bago siya umalis.

Nadatnan ko sa bahay ang mga kapatid kong tuwang-tuwang nanunuod ng Ogie, pero hindi ko na sila sinita kahit pinagbabawalan na namin sila ni mama. Dumeretso ako sa kwarto ko, humiga at muling binuklat ang notebook na regalo niya.

Una, akala ko kwintas ang laman, or something na jewel at isusuot niya 'to sa'kin kapag binuksan ko na. Naisip ko ring baka isa 'tong frame na may picture naming dalawa. Hindi ko in-expect na notebook pala 'to.

Kanina nang mabasa ko ang unang pahina, buong lakas ko talagang pinigilan ang sarili ko sa pagsabog ng kilig na naramdaman ko. Pucha! Yes. Napamura na naman ako sa isip ko kanina. Napakahirap pigilan 'yung kanina kaya ngayon babasahin ko uli at hindi na ako magpipigil ng kilig.

 

Gaano Karaming Beses Ko Ba Kayang Sabihing Mahal Kita?

 

Nais kong bilangin kung gaano karaming beses ko kayang sabihing mahal kita. Siguro sa isang araw, kaya kong sabihing mahal kita nang limang beses. Kasi sa paggising ko agad kong sasabihing, "Magandang umaga. Mahal kita," at sa tanghaling tapat naman, dahil mainit at tapat, sasabihin ko pa ring mahal kita—hanggang sa pagsapit ng merienda, sasabihin ko pa ring mahal kita. Pagkatapos, sa hapunan sasabihin ko pa ring mahal kita. At dahil nga mahal kita, pagpupuyatan kita, kaya magugutom ako at magmi-midnight snacks, at sasabihing mahal kita.

 

Paano kung bilangin ko na lang kung gaano karaming beses ko kayang sabihing mahal kita sa kabuuan ng aking buhay? Malamang tatlong beses lang, kasi mahal kita kahapon; mahal pa rin kita ngayon; at sigurado ako, mahal pa rin kita bukas.

 

Iniisip ko kung gaano karaming beses ko kayang sabihing mahal kita. Nasabi ko kaninang limang beses kung kada araw, habang tatlong beses naman kung pagbabatayan ang kabuuan ng aking buhay, ngunit kung bibilangin mo nang husto mula nang simulan kong isulat ito, labing-apat na beses ko nang nasabing mahal kita. Ayan, labing-lima na pala. Uy, bibilangin niya 'yan! He he. H'wag na nga nating bilangin, dahil mapapagod lang tayo. Sa totoo naman kasi ay mahal kita, hindi ko mabibilang. Dahil kahit maumay ka pa, hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihing mahal kita—masarap kasi sa pakiramdam, eh—na mahal kita.

Matapos kong basahin ay nakipag-away ang buong katawan ko sa kama ko nang magpagulong-gulong at magpapadyak-padyak ako nang nakahiga mag-isa. Ang sarap gumalaw. Ang sarap tumawa. Ang sarap ng nararamdaman ko.

Nang mapaupo ako sa kama ko ay nagulat ako nang makita kong nakatayo ang dalawa kong kapatid sa may pinto ng kwarto ko. Nakalimutan ko palang mag-lock, at marahil ay naingayan sila sa'kin. Napahiya ako sa blangkong mukha ng mga kapatid ko. Nakita kaya nila ang ginawa kong kabaliwan?

"Baliw," bulong-kuno ni MJ.

"Bati na yata sila ni kuya Dave. Tara na kuya. Nakakatakot si ate," sabi naman ni Marian. Iniwan nila ako at muling sinarhan ang pinto.

Hindi ako nagalit o napikon sa kanila. Napahiya, oo, pero natatawa na lang ako.

Kinuha ko uli ang notebook at binasa ang mga sumunod pang pahina.

Dave

Hindi na naman ako makatulog. Kanina pa akong tulala kahit madilim na. Kanina ko pang iniisip ang lahat ng nangyari kanina pati na ang mga susunod na pwedeng mangyari.

Naguguluhan ako kay Maggie, sa totoo lang. At first, I thought I'm gonna fail kasi parang nagalit siya nang dalhin ko siya sa puntod ni Julian. Napansin ko rin kanina na mukha ngang may nararamdaman pa rin siya kay Julian. Mabigat sa pakiramdam. Mabigat damhin ang ideyang may ibang mahal ang taong mahal mo, buo man 'yun o kalahati o kakarampot.

Nasabi ko na sa kanya na I'm going to court her, pero her reaction, it was not clear to me. I saw her cried. I even saw the glimpse of joy in her lips. Pero bakit ganito? I feel that I have the best chance to win her back, pero feeling ko kulang pa rin? Ang gulo. Kanina rin when I let her open the notebook I gave her, parang uncommon ang reaction niya. Usually, madali siyang kiligin, pero mas nangibabaw ang awkwardness sa kanya as I see. Mahirap 'to. Actions is not really enough without words. Its meaning, like beauty, is in the eyes of the beholder--nakadepende sa interpretation ng nakakakita. What if mali ako? I need her words. I do.

Bukas, magkikita uli kami. What will I do? Paano ko paninindigan ang mga sinabi ko kanina? Naalala ko ang notebook. I'll explain its content tomorrow. I hope...yeah... I hope to see her usual self when I finally explain everything. Just be positive, dude! Everything is gonna be alright.

 

***

Nagulat ako. Para akong na-snatch-an nang hablutin ni Don-Don bigla ang Toblerone na inilabas ko after naming mag-lunch.

"Fuck! Akin na nga!" sabay bawi ko sa kanya.

"Whoa! Sa'yo lang 'yan? Ha? Ha?" maangas niyang tugon as if nilikha ang Toblerone na dala ko para lamang sa kanya.

"Course not," sabi ko sabay bigay kay Maggie. "For you."

"Huh? Sa'kin? Um, thank you," nahihiyang tugon sa'kin ni Maggie.

"Oh, eh, 'yung sa'min?" tanong ni Don na para bang requirement na merong para sa kanya kapag nagdala ako ng chocolate.

"Bakit? Nililigawan ba kita?" nasabi ko nang bigla, kaya sina Dan, Don, at Chloe ay sabay-sabay na napasabi ng, "Nililigawan???"

Sa lakas ng boses nilang tatlo, pati mga tao sa paligid ay napatingin sa'min. Nadulas ako. Okay. Pero totoo naman, eh, so I see no problem with it. Napasulyap ako kay Maggie at mukhang lalo siyang nahiya. Nahiya rin tuloy ako.

"So you mean, you're courting Maggie?" nanggigigil na tanong ni Chloe.

"Oo," medyo nahihiya kong sagot.

"Ooohhh, maaay Goood!!!" ani Chloe na parang adik sa mahabang vowel, at parang mas kinikilig pa sa'min ni Maggie. "I knew it! I really knew it! You, guys, are really meant for each other! I've been sooo tama talaga!"

I don't know exactly why I suddenly feel awkward. Kahit si Maggie, napansin ko, awkward na rin ang reaksyon. Marahil ay dahil pinagtitinginan na kami ng iba.

Naging ice-breaker namin si Don nang bigla siyang mag-aya. "Ay! 'Tol, may time pa naman, samahan niyo muna ako. Kukunin ko 'yung tux ko para sa JS bukas."

Pumayag naman kami ni Dan na samahan ang kaibigan namin. Nagpaalam kami sa girls ngunit bago namin sila iwanan ay sumenyas pa ako kay Maggie kung dala niya ang notebook.

Maggie

"'Yung notebook? Hm-mm, nandito," sagot ko sa senyas sa'kin ni Dave.

"Okay. Mamaya na lang. Bye," pahabol niya pa na may kasamang matamis na ngiti at wave bago tuluyang umalis.

Mamaya? Anong mangyayari mamaya? Shit! Parang may nagaganap na fiesta sa dibdib ko ngayon. Binigyan ako ng Toblerone ni Dave. Sinabi niya pa sa mga kaibigan naming nililigawan niya na ako uli. Tapos, mamaya, may mamaya pa? Oh, my!

Napansin ko na lang na wine-wave na ni Chloe ang kamay niya sa harap ko para i-check kung nakabalik na ako sa tunay na mundo. Nawala na naman kasi ako.

"Grabe, Mags! You're lost na naman. Anyway, what's with the notebook? 'Yung movie ba or the literal notebook thing?"

Sa totoo lang, since aminin ni Chloe 'yung kagagahan niyang ginawa noon, naging alanganin akong magtiwala pa sa kanya, pero sa tuwing iisipin ko lahat ng ginawa niya for me, for us ni Dave, positive pa rin ang nangingibabaw. Kung tutuusin, kung magka-love team talaga kami ni Dave, kung hindi si mama, baka itong si Chloe ang presidente ng fans club namin ni Dave. Dahil sa nararamdaman kong fiesta ngayon, inilabas ko ang notebook ko at ipinakita kay Chloe. Ngayon ko nalaman na si Chloe rin pala ang nag-suggest kay Dave about the longhand love letters. Sa totoo lang, maswerte kami ni Dave sa mga kaibigan namin.

"So how do you feel?" tanong ni Chloe nang nakangiti habang patuloy na binabasa ang laman ng notebook.

"Feeling? Sa'n?"

"About this--this notebook, anong feeling mo?"

"Feeling ko? Um, feeling ko," hininaan ko nang kaunti ang boses ko kasi nahihiya ako sa sasabihin ko, "Feeling ko ang ganda-ganda ko," sabay tawa ko.

Natawa rin si Chloe, pero lalo pa kaming natawa nang sabihin ko sa kanyang, "Feeling ko mas maganda pa ako sa'yo!"

"Echusera ka! Ha ha ha -- Anyway, let's go na. Hanap na tayo ng gown mo para bukas," paanyaya niya.

"Ha? Eh, malapit nang mag-time."

"So? Let's ditch!"

"No way! Ngayon pa na nakakabawi na ako sa grades ko, magdi-ditch pa'ko?"

"Maggie, wala namang importante ngayon sa first two classes natin for this afternoon. Babalik tayo agad, promise."

"Chloe--"

"Shut up na! Let's go. Kapag hindi ka pumayag, kakaladkarin kita," aniya sabay tayo't hawak sa kamay ko.

Sumama na ako kasi sa totoo lang, atat na rin akong maghanap ng masusuot ko bukas. Basta sinigurado ko lang kay Chloe na kailangan makabalik kami ng 3pm kasi--excited din ako sa sinabi ni Dave na 'mamaya'.

Daldal nang daldal si Chloe, as usual.Powder pink daw ang kulay ng damit niya bukas at idinetalye niya pa ang nakaplano niyang look para bukas, maging ang gusto niyang look ko para bukas ay dinaldal niya pa--pero to be honest, hindi ko siya naintindihan except sa silver at white ang color ng gown na gusto niya para sa'kin.

"This! I have a feeling this gown is born to be yours!" ani Chloe na may napakalaking smile nang makita namin ang isang  white long-sleeve turtle-neck long gown. Napangiti rin ako sa ganda nito na pinaningning ng maliliit ng crystals sa buong dibdib at iba pang bahagi. Wholesome ang istilo pero hindi maikukubli ang ka-sexy-han nitong taglay.

"So, ano na? Try it na! So we can go back to school early pa," pamimilit ni Chloe.

Tinanong ko muna ang presyo ng gown bago isukat, ngunit napaurong ang loob ko nang malamang sobra siya sa budget na ibinigay sa'kin ni mama. Hindi naman ako nagpahalata kasi baka mag-offer pa si Chloe ng financial support--mas nakakahiya kapag nagkataon.

Sinuri ko ang damit at nang makita ko ang likod nito, napanganga na lang ako. My Lordie! Backless siya! I repeat: BACKLESS! Kung gaano siya ka-wholesome sa harap, ganun din siya ka-liberating sa likod.

"Backless. Ayoko," sabi ko.

"OA ka! Hanggang gitna lang ng likod 'yan and it's still respectfully looking pa rin naman, Mags. Eto na lang!"

"Chloe. Ayoko. Hindi ako komportable sa ganyan."

"Mags, backless lang 'to. Hindi 'to swimsuit. Anong gusto mo, mag-Baro't Saya sa JS bukas?"

"Seryoso kasi ako Chloe."

"Me too, Mags, I'm serious. Just try mo muna, then kung hindi maganda sa'yo, saka mo ayawan."

Napilit ako ni Chloe na sukatin ang gown. Hindi ko in-expect na ang gown na 'to ay tamang-tama sa katawan ko. Umikot-ikot ako sa loob ng dressing room na parang tunay na prinsesa, mapagmasdan lang kung paano ito bumagay sa'kin. Paglabas ko suot ang gown ay sumalubong sa'kin ang ngiti ni Chloe.

"Oh, my God! Mags, that's it na! Bagay na bagay sa suot ni Dave bukas," ani Chloe. "And the backless? May purpose 'yan. That will help you get your date's jacket," pabulong niyang dagdag.

Nang marinig ko ang lahat ng sinabi ni Chloe ay nawala ang pagkaalangan kong kunin ang gown. Kinuha ko na lang sa ipon ko ang pinandagdag ko sa budget na binigay ni mama para sa gown ko. Nakaramdam tuloy ako ng excitement para bukas.

Nagmadali kaming bumalik ni Chloe sa school para makahabol sa ikatlong klase namin sa hapon, pero pagdating namin, wala pa rin sina Dave. Nang alamin ni Chloe kung nasaan sila ay nalaman kong nasa shop pa rin ang tatlo dahil nagpapa-alter pa rin ng damit si Don.

Malapit nang mag-awasan pero matamlay pa rin ang hapon ko. Parang mas maigi pa na tuluyan na kaming lumiban ni Chloe ngayong hapon. Kung alam ko lang sana na wala pa rin sila dito, sana niyaya ko na lang si Chloe na puntahan sina Dave sa shop. Nakakainis. 'Yung 'mamaya' na sinabi niya kanina baka maging 'bukas' na.

Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Chloe. Bukas daw ay maaga niya pa akong susunduin para sabay kaming mag-ayos. Tiwala ako sa pagkakababae ni Chloe kaya hinahayaan ko lang siya sa lahat ng gusto niya para sa'kin. Madalas kasi, hindi ako sure kung babae ba talaga ako.

Habang naglalakad ako papuntang paradahan ay may biglang kumalabit sa'kin. Paglingon ko sa likod ko, ngiti ni Dave ang bumungad sa'kin. Feeling ko bumagal bigla ang ikot ng mundo. Feeling ko sumabog ang iba't ibang kulay sa aking paligid. Sumaya agad ang feeling ko nang makita ko uli si Dave.

"Uwi ka na?" aniya.

"Ha?" Oo sana pero kung sakaling yayayain niya ako, pwedeng hindi muna, pero wala, hindi ko mabuka ang bibig ko nang maayos.

"Merienda muna tayo," alok niya sa'kin sabay hawak ng kamay ko. Oh, my! 'Yung mamaya na akala ko magiging bukas na, eto na, naging ngayon na. Hindi na ako nakatanggi, kaya sumama na ako sa kanya sa langit...

At ang langit: Fishball-an.

Ipinagdala niya ako ng bag, nilibre ng squidballs, at pinaalala sa'king, "Nililigawan kita, 'di ba?" Hindi naman ako nakasagot dahil dun. Pagkabili namin ng squidballs at kikiam ay bumalik kami ng campus at kumain sa may bench kung saan kami laging tumatambay. Kaunti na lang ang tao at karamihan ay mga college na ang nandito.

"Aah..." ani Dave. Gusto niya akong subuan ng kikiam. Nahiya ako kaya hindi ko sinubo ang inaalok niya. Nag-focus na lang ako sa sarili kong squid balls. Subo. Subo. Subo.

"Suplada naman nito. Baka mabulunan ka niyan. Palamig mo, oh," komento at alok niya sa'kin.

Nauna akong natapos kay Dave, at nang matapos na siya, ipinaalala niya uli ang notebook.

"Wait lang," sabi ko bago ko kunin ang notebook sa bag ko. Agad niya naman itong hinablot sa'kin nang mailabas ko.

Dave

"Maggie, itong notebook na 'to, this, is one of the hard evidence of my feelings for you," panimula ko.

"Nabasa mo na 'to, 'di ba?" tanong ko na tinutukoy ang prose sa unang pahina ng notebook. Tumango lang siya bilang tugon.

Inilipat ko sa next page at sinabing, "'Di ba I'm courting you? These are the various ways of saying I love you, kaya I assure you na kapag tayo na uli, hindi ako magiging boring boyfriend."

Ngumiti lang siya--at ang ngiti niyang 'yun ay pag-asa para sa'kin.

Sa buong page ay nakasulat ang paulit-ulit na all-capital "I LOVE YOU" in three columns hanggang sa likod. Sabi ko, "This, I love you--"

Pinutol ako bigla ni Maggie at sinabing, "Capslock para intense?"

"Nope. Hindi 'to basta capslock lang, shift plus letter 'to para intense na, with effort pa."

Ngumiti lang siya at nagpatuloy naman ako.

Sa sumunod na page ay nakasulat naman ang 'I love You' at sinabi kong, "Eto, oh: I love You--capital 'Y' kasi proper noun, specific, ikaw lang. This one, I love you :)--with smiley para cute."

Mas tumindi 'yung ngiti niya kaya lalo akong ginanahan ipagyabang sa kanya ang iba't ibang paraan ko ng pagsabi ng I love you.

Each page is filled back-to-back with my various ways of saying I-love-you. I flip the next page at binasa ang mga sumunod: "I loved you--past tense kasi mahal kita kahapon. I love you--simple present tense kasi permanent. I am loving you--present progressive tense kasi ang pag-ibig ko sa'yo, tuloy-tuloy lang. I have loved you--present perfect tense, kasi at present my love for you is perfect. I will love you--future tense kasi sigurado ako, bukas mahal pa rin kita. I do love you--"

Inunahan na ako ni Maggie sa pagsabing, "May 'do' para may emphasis! Oha!"

"Uuyy, naalala niya pa."

Hinampas niya lang ako sa balikat ko. Nilipat ko naman sa sumunod na page at muling nagpatuloy.

"I love you with eyeliner--para emo. Hehe. I love you with eyes closed--" tinignan ko muna siya nang mata sa mata bago ako pumikit at sinabing, "Kasi damang-dama ko."

Bigla niya na lang tinulak ang mukha ko pagkamulat ko. Kitang-kita ko nang kinikilig siya sa lahat ng I-love-you ko.

"Wait. 'Yung kanina eyes-closed, ito naman," sabay lipat sa next page, "I love you with eyes wide open--kasi sabi nila ,eyes is the window of our soul', kaya open para makita mo ang soul ko na soulmate mo."

"Weh?" aniya pero halata talagang pinipigilan niya ang kilig niya.

"Oh, eto pa, I looove yooou ooohhh--malanding I love you para seductive," sabay kindat ko. Umariba na naman ang mala-Hitler niyang kamay at pinaghahampas ako. "Landi mo! Hmp!" ikaw pa niya.

"Er lerv yer--conyo para sossy."

"Chloe ang peg, ganun?" komento niya na ikinatawa ko naman.

"Okay. Moving on. Eto, um, I love you!--may exclamation mark kasi strong feeling. I love you.--may period kasi ito lang 'yun, wala ng ibang kasunod. Hep! Wait! Kung 'yung isa may period, eto naman, I love you--walang period kasi walang   katapusan. Then, this one, I love you I love I love you--walang comma, kasi walang pahinga. IloveyouIloveyouIloveyou--walang space para wala nang sisingit."

Huminto ako saglit para tignan ang reaksyon niya. Nakangiti pa rin siya at halatang pinipigilan ang kilig. Lalo akong ginaganahang magmapahanga sa kanya sa tuwing makikita kong nagugustuhan niya ang lahat ng sinulat at paliwanag ko.

Nagpatuloy ako. "Ito naman, I... Love... You... Dahan-dahan lang kasi sabi nila, slowly but surely... Eh, sure na sure akong love kita!" sabay tingin ko uli sa kanya with my killer smile.

Bigla niyang inagaw ang notebook sa'kin. "Oh? Hindi pa ako tapos. Meron pa!" sabay agaw ko rin sa kanya.

Hinanap ko ang page kung saan ako nahinto. "Ikaw bad ka. Marami pa 'to."

"Eh, kasi naman..."

"Kasi ano?"

"Wala! Sige na. Ano na 'yan?"

"Ito: Aku cinta padamu"

"So multi-language naman? Naubusan ka na ng style, 'no?"

"Huh? Ako? Naubusan? Asa! You'll see. Piling language lang kaya 'tong mga 'to. Oh, sige, hulaan mo, ano 'to?"

"Ba! Malay ko!"

"Got it! Tama!"

"Huh? Ngee? Paanong?"

"Aku cinta padamu is a Malaysian word. Sabi mo, malay mo. This is Malay--kasi may malay man ako o wala, love pa rin kita!" sabay pout ko ng lips ko sa kanya bilang pang-asar.

"Tseh! Oh, next na!"

"Uuyyy, nag-e-enjoy! Geh, eto, oh, ano 'to?"

"Te amo? Hm, Spanish! Bakit Spanish?"

"Nope. This is not Spanish, kasi ang pag-ibig ko sa'yo, hindi sPANIS!"

"Korni ka na, ha. Sige, um, Portuguese 'yan?"

"Portuguese? Ang pag-ibig ko sa'yo ay hindi mura, hindi portuguese!"

"Huh?"

"Slow lang? Portuguese, putragis!" sabay tawa ko.

"Bakit ang korni-korni mo?"

"Gustong-gusto mo naman?"

"Eee, ano 'yan?"

"Te amo--Italian kasi ang puso ko, gusto ko sa'yong ITALY!" In-emphasize ko ang 'Italy' na parang pang-Miss Universe.

Tuwang-tuwa siya nang mag-ala Miss Universe contestant ako kaya tinuloy ko.

"Oh, eto, Je t'amie--FRENCH! Kasi ang puso ko, ikaw ang ka-PARIS! Miluji te--Czech kasi ang pag-ibig ko sa'yo ay walang X kundi CZECH na CZECH! Sarang heyo--Korean kasi para tumagos sa'yong Seoul."

Medyo nasobrahan ako sa energy kaya nag-tone down na ako, pero tuloy pa rin. "Hm, this, I love you--English para maintindihan ng buong mundo. Mahal kita--Tagalog para maintindihan mo. Asdfghjkl--Naintindihan mo ba?"

"Ito?" sabay turo niya sa asdfghjkl, "Ano 'yan?"

"Hindi mo maintidihan, hindi ko rin maintindihan, kasi ang pag-ibig ko sa'yo, hindi ko maintindihan."

Nakangiti pa rin siya at kinikilig. Kahit ako, nakangiti pa rin at kinikilig.

Kinikilig ako kapag kinikilig siya dahil sa'kin. 

Maggie

Feeling ko mamatay na ako sa kilig. Lahat ng banat niya, bentang-benta sa'kin. Bawat ngiti, kindat, tabig, at salita niya--Kryptonite ang effect sa'kin. Nanghihina ako.

Ibinalik niya na sa'kin ang notebook at sinabing, "Oh, ikaw naman ang maglipat."

"Ako?" Nag-alangan pa ako pero talagang nasa ilalim na ako ng sumpa ng kalandian ni Dave kaya sumunod lang ako nang kusa. Nilipat ko sa next page. "Capslock? Ito na rin 'yung kanina, 'di ba? May bago ba dito?"

"Lipat mo sa next page," ika niya.

I love You. Capital Y. Ito rin 'yung kanina. Nilipat ko uli. Naulit na lang 'yung lahat ng style niya kanina kaya na-realize kong wala ng iba. "Wala na. Nasabi mo na 'to lahat kanina, eh," komento ko.

"Yep! Right! Paulit-ulit. Inulit ko na lang kasi nga, mahal kita, paulit-ulit, ulit!" banat niya uli.

Matutunaw na talaga ako. Hindi ko na kaya, kaya sinarhan ko na ang notebook.

"Oh! Hindi pa tapos! Meron pa," pahabol niya nang isara ko ang notebook.

Nagulat ako at hindi nakaimik. Anong ibig niyang sabihin?

"Napansin mo 'to?" sabay buklat uli ng notebook at sinabing, "Handwritten 'to kasi ang pag-ibig ko sa'yo, hindi copy-paste. And this, back-to-back bawat variant ng I-love-you, kasi nakaharap man ako o nakatalikod sa'yo, mahal pa rin kita. Ito, notice this? Panget na ang sulat ko dito. Pagod na kasi ako pero kahit ganun, tinuloy ko pa rin. Ibig sabihin, pumanget man ako at mapagod, patuloy pa rin kitang mamahalin." Iniharap niya sa'kin ang likod ng notebook, binuklat ang second to the last page at pinakita ang isang kiss mark.

"Kiss ko 'to, kasi nga actions speak louder than words." 'Yung ngiti niya talaga, isa na lang, mawawalan na ako ng malay.

"Ito, last page," aniya nang ilipat niya sa last page kung saan nakasulat ang Dave <3 Maggie, "Pangalan nating dalawa na may puso sa gitna, kasi para sa'kin ito ang tunay na mukha ng pag-ibig.

Hindi ko na siya tinignan. Tumingin ako sa malayo, kahit saan, kahit ano, huwag ko lang makita ang napakaganda niyang ngiti na samahan pa ng nangungusap niyang mga mata. Mamatay na ako. Cause of Death: KEY-AY-EL-AY-GEE... KILIG!

 

Dave

Natahimik siya sa pinakahuli kong banat, pero bakas pa rin sa mukha niya ang wagas na saya at kilig. Hindi na rin ako umimik. Minasdan ko na lang siya kung paano siya tumingin sa malayo. Hindi siya maganda, pero mahal na mahal ko talaga siya. Saanman tumungo ang Love is a story naming dalawa—anuman ang maging plot or script—ang gusto ko lang, sa happy ending pa rin kami matapos. Sa ngayon, looking at this not so beautiful girl is enough to make my feelings so beautiful—so happy.

 --End of Book 1

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

123K 1.8K 54
a girl who she thought he already find the ONE pero mali pala sya , one day he'll meet the campus PRINCE that will turn her life upside down. smile t...
1.3M 18.5K 75
Ang storyang ito ay masyadong komplikado kaya siguraduhin mong maiintindihan mo bago mo ito basahin. Haha.
267K 8.7K 56
(WARNING: written during 2016-2017, cliché and cringey af) Dalawang magbestfriend. They promised each other that they won't fall inlove with each oth...
68K 1.9K 59
*Tagalog and English Georgina Sapphire Earnhart. A lady in her name, but a boyish girl in heart. A Gangster Queen of Black Tetta gang, one of the mos...