Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 12: Weird Dreams

107K 3.8K 257
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

WEIRD DREAMS

□◇◇♡◇◇□



Pinatawag kami kanina sa Guidance Office dahil sa nangyari. Pinatawag din si Mama at ang parents ni Altrina. Nagulat nga kami dahil napakabait ng mga magulang niya. Sila pa nga ang humingi ng paumanhin sa akin. Alam nila na si Altrina ang nagsimula ng gulo dahil alam nila ang kamalditahan ng anak. Sinabi naman ng mga kaibigan ni Altrina, tinulak ko raw siya kaya nagkagano’n ang kalagayan niya. May nabali raw na buto sa likod niya at wala pa rin daw malay. Really weird.

Pinagtanggol naman ako ng mga kaibigan ko pati sina Neithan. Sinabi nilang aksidente ang lahat at si Altrina ang tumulak sa akin. Kahit na gano’n man ang nangyari, kicked out pa rin ako. Kahit na maraming nakakita sa totoong nangyari, pinili nilang magsinungaling para mapagtakpan ang ginawa ni Altrina. Pinalabas nila na kasalanan ko ang lahat at kung hindi dahil sa akin, hindi madadala sa hospital si Altrina.

Pagkatapos no’n ay inuwi na ako ni Mama. Hindi naman niya ako pinagalitan. Nag-alala pa nga siya dahil nasabi ni Dara na sinabunutan ako ni Altrina. She loves me more than herself. That’s what she is.

“Ang sama talaga ng mga taong ’yon!” Nandito kami sa sala at nakahiga ako ngayon sa sofa. Nakaupo lang sa tiyan ko si Faye at busangot ang mukha.

“Faye, they just want to protect theirselves. Baka sila naman ang mapahamak kapag nagsabi sila ng totoo, alam mo naman si Altrina.” Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi maproseso ng utak ko ang lahat.

“Kahit na!”

“Faye, sino sa tingin mo ang gumawa no’n kay Altrina?” Tumitig naman siya sa akin at napabuntong hininga.

“Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na ikaw—”

“Faye naman! Nakita niyo naman na wala akong ginawa.” Naglakad naman siya sa katawan ko papunta sa harap ng mukha ko. Lalo ko tuloy nakita ang cute niyang mukha.

“Hindi pa kasi ako tapos! Ikaw ay iniligtas ko! Ako ang may gawa no’n! Isa rin sa mga ability ko ’yon!”

“Ang dami mo namang ability! Pero hindi naman tama ang ginawa mo, Faye.. Malubha—”

“Sendy! Hindi na ako makakapayag na saktan ka niya ulit! Kung hindi ko ginawa ’yon, hindi siya magtatanda! Hindi ko kayang nakikita na nasasaktan ka!” I let out a heavy sigh.

“Naiintindihan kita, Faye. Ayaw ko ng maulit pa ’yon, ah? Huwag kang mananakit.”

“Basta’t hindi ka nila sasaktan! Sige! Magpipigil ako!” Napangiti ako sa kaniya. Mabuti na lang at dumating siya sa buhay ko. Kahit na may abilities siya, minsan napapaisip ako kung paano niya nagagawa ’yon. Creepy yet amazing!

□◇◇♡◇◇□


Nagising ako nang may marinig akong iyak ng batang lalaki. Nakatulog pala ako kanina. Nasaan na si Faye? Nakahiga lang siya kanina sa tiyan ko, ah? Nagpalinga-linga ako.

“Te—Teka! Nasaan ako? Anong lugar ’to?!” Paano ako napunta rito?! Tumayo ako at pinagmasdan ang tinatapakan ko.

Marbled floor na may white carpet sa gitna. Parang nasa mansion ako dahil hallway pa lang ay sobrang laki at lawak na. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga chandelier sa taas. Teka, bakit dito ako sa hallway natutulog? Nasaan ba talaga ako? Last time na naaalala ko ay kasama ko pa lang si Faye kanina! Alam ko sa sofa ako nakahiga! What am I doing here?!

“Faye! Nasaan ka?! Bakit tayo nandito?! Faye!” sigaw ko ngunit nag-eecho lang ang boses ko hanggang sa dulo ng hallway. Hala! Ano ba’ng ginagawa ko rito?!

“Why is that, Eve! I am their son too! Bakit si Daryll lang ang napapansin nila?”

Naglakad-lakad ako at napatigil sa harap ng pinto na nakabukas ng kaunti. Parang dito nanggagaling ang boses ng batang lalaking ’yon. Bakit kaya siya umiiyak? Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang malawak na kwarto. Malinis, mabango, marbled floor din at parang napakayaman ng nakatira rito dahil sa mga babasagin na gamit at mga naglalakihang painting. Nakita ko ang batang lalaki na umiiyak at may kasama itong batang babae rin. Nakaupo lang sila sa kama. Mukhang magkaibigan sila dahil nakayakap ang batang babae sa kaniya at pinipilit na patahanin siya. Lumapit naman ako sa kanila.

I don’t know. Basta ang alam ko ay mahal ka rin nila, Prince Gulo.” sambit ng batang babae. Ano ba naman ’yan! Ang panget naman ng pangalan! Bakit kaya hindi na lang ginawang Prince Gulong, ’no?

“Hello sa inyo!” Naghintay ako na tumingin sila sa akin at batiin din nila ako ng hello pero wala. Hindi nga nila ako tinitingnan. Snob sila! Baka iba ang language nila?

Annyeonghaseyo! Gracias Señorito and Señorita! Konichiwa! Bueno embotido!” Ay mali yata nasabi ko sa huli. Pero wala pa rin epekto sa kanila. Naubusan na nga ako ng sasabihin.

Pero patuloy pa rin sa pag-iyak ang batang si Prince Gulong—este Gulo. Hindi alam ng batang babae kung paano niya patatahanin ang batang lalaki. Bakit hindi nila ako pinapansin? Hindi ba nila ako nakikita? Hindi kaya..

Kinapa-kapa ko ang sarili ko. “Patay na ba ako?! Ito na ba ang sinasabi nilang kaharian?”

Nagulat ako nang unti-unting maglaho ang lahat pati na ang mga bata. Ano’ng nangyayari sa paligid?! Bakit naglalaho ang lahat? Tinakpan ko ang mukha ko at pinipilit na gisingin ang sarili. Hindi totoo ang lahat ng ito! Wake me up!

“Prinsipe! Sandali lang naman! Ikaw naman ang nanalo, ah!”

Mabilis kong inalis ang mga kamay ko sa mukha ko nang marinig ko ang boses ng babae. Pinagmasdan ko ang paligid at nasa ibang lugar na naman ako! Malawak na lupain at ang natatapakan ko ay malinis na berdeng damo. Maraming mga nakakalat na kabayo. Natatanaw ko rin sa malayo ang napakalaking puting kaharian na nababalutan ng niyebe?! Mukhang doon ako pumunta kanina! Pero paano ako napunta rito?!

“Leave me alone!”

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ng isang parang makisig na lalaki. Mabilis akong tumabi at muntik niya na akong mahagip dahil tuloy-tuloy lang siya sa mabilis na paglalakad.

“Hoy! Hindi mo ba ako nakikita? Gwapo ka nga, bulag ka naman!” sigaw ko sa likod niya. Nalampasan na niya kasi ako. Pero parang may kamukha siya! Hindi ko lang maalala kung sino.

Napatingin din ako sa magandang babae na nilampasan din ako at mukhang sinusundan niya ang gwapong lalaki. Paanong hindi susundan, eh gwapo! Mukhang kasing edad ko nga lang sila. Aba’t snob din sila?! Sinundan ko naman sila. Ano ba kasing pinag-aawayan nila?

“Hoy! Prince Gulo! Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago!” My eyes widened. Prince Gulo? Siya si Prince Gulo? Bata pa lang sila kanina, ah? Ilang oras lang naging binata na siya?

“I said leave me alone!” sigaw pa rin ng gwapong si Prince Gulo at mas lalong binilisan ang paglalakad. Halos tumakbo na nga ako para masundan lang sila!

Grabe! Magkakaroon yata ako ng crush kay Prince Gulo!

Tumawa lang ang babae. “Sus! Style mo! Balik na tayo roon! May next round pa kayo ni Prince Daryll at sigurado akong ikaw pa rin ang manana—”

“Bakit ba lagi mo akong pinapakialaman?!” Napatigil ang babae nang harapin siya ni Prince Gulo.

Napatigil din ako at tahimik na pinapanood sila. Galit na galit si Prince Gulo at mukhang mananapak na ng kabayo anytime. Huwag naman sana ako ’yong sapakin niya.

“I told you to leave me alone! Pabayaan mo na ako! I don’t need you! Get out of my fucking life! And I don’t wanna see your face ever again!” Tinalikuran na siya ni Prince Gulo at mabilis na naglakad.

Hindi naman kumibo ang magandang babae at mukhang nasaktan ito sa mga sinabi ni Prince Gulo.

Namumuo na kasi ang mga luha sa mga mata niya at nagbabadiya nang tumulo ang mga ito. Nasaktan nga rin ako at gusto ko nang umiyak sa mga sinabi ni Prince Gulo pero naalala ko, wala pala ako sa posisyon para umiyak. Kawawa naman siya!

“You’re always like that ever since when we were young. Lagi mo akong pinagtatabuyan at sinasabihan ng mga masasakit na salita. Hindi lang masakit, masakit na masakit na parang dinudurog mo na ang puso ko. At alam mo ba kung ano ang nakakatawa? Still, I did not leave you after all! Kahit na sabihan mo pa ako ng mga masasakit na salitang paulit-ulit! Hindi pa rin kita lalayuan!”

Napaiyak na ako nang makita ko ang patuloy na pag-agos ng mga luha sa mga mata ng babae. Huhu! I need tissue! Parang sa bawat salitang binitawan niya ay may diin at hinanakit doon. Na parang matagal na siyang nagtitiis at matagal niya ng gustong ilabas ang lahat ng mga saloobin niya. Dahil doon ay napahinto sa paglalakad si Prince Gulo.

Tumakbo naman ako papunta kay Prince Gulo at hinarap siya dahil wala siyang karapatan na magpaiyak ng magandang babae! Tinulak ko pa siya sa braso pero lumusot lang ang kamay ko sa braso niya. Hayss! Hindi bale na!

“Ikaw! Ang Prinsipe ng Gulong! Wala ka bang konsensiya? Paano mo nagawang manakit ng babae?! Sinabihan mo na nga ng mga masasakit na salita, pinaiyak mo pa! Ikaw na nga itong sinusuyo niya tapos pabebe ka pa?! Ano?! Natauhan ka kase nagsasabi ako ng totoo, ano?! Baka siguro bakla ka kaya naiingit ka sa beauty niya? Hindi mo na siguro kayang makipagplastikan sa kaniya kaya tinataboy mo na siya gano’n? Bakla ka pala, eh! Ano?! Sumagot ka!” Sa hinaba-haba ng mga sinabi ko ay hindi niya man lang ako pinansin. Nag-aalab na ang dugo ko!

“Forgive me, Eve. I’m sorry for being weak. I am so stupid and you don’t deserve a weak man like me. I did not mean to hurt you so bad, Eve. I’m very sorry. I love you, Eve.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Umiiyak din siya! Si Eve pala ang babaeng ’yon?! Hanggang ngayon sila pa rin ang magkasama? Pero bakit niya pinapaiyak ngayon si Eve?! Mahal niya pala pero sinaktan niya? Ano ba ang dahilan Prince Gulo? Tumakbo ako papunta kay Eve para sabihin na may dahilan si Prince Gulo kaya niya nasabi ang mga masasakit na salitang ’yon ngunit bigla na namang lumindol kaya napaupo ako. Napatingin ako sa paligid at ganito rin ang nangyari kanina. Unti-unti na namang naglalaho ang lahat! Sandali lang naman! May sasabihin pa ako kay Eve, eh! Kailangan niyang malaman ang mga sinabi ni Prince Gulo! Napapikit na lang ako dahil sa liwanag.

“Lapastangan ka! Dinungisan mo ang kaharian ko! I treated you like my own child! Naging kang Prinsipe ng kaharian ko ngunit nagkamali ako na tinanggap pa kita sa kaharian ko! Wala kang kwenta! Get out of my kingdom! Don’t ever comeback!”

Napamulat ako nang ibang boses na naman ang narinig ko. Nagulat ako dahil nandito ako sa labas ng kaharian na napapalibutan ng niyebe. Niyebe rin ang tinatapakan ko ngayon.

Nakapaligid ang mga kawal sa buong kaharian at sa mga taong nandito. Lumapit ako sa kanila at nakita ko si Eve na may katabing lalaki. Umiiyak si Eve kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nagulat ako nang makita si Prince Gulo na nakaluhod sa kanila at may dalawang kawal na nakabantay sa kaniya ngunit walang mababakas na emosiyon sa mukha ni Prince Gulo. Ano bang ginawa ni Prince Gulo at bakit siya nakaluhod?

“Huwag mong paalisin ang anak natin, King Darion! I’m begging you! Please! Forgive him! Give him another chance!” Lumuhod pa ang babae at hinawakan ang kamay ni King Darion. Sila ang mga magulang ni Prince Gulo? Bakit tinatakwil ng hari ang anak nila?

Kaya pala noong bata pa si Prince Gulo ay umiiyak siya dahil parang nararamdaman niyang hindi siya mahal ng mga magulang niya? Pero nararamdaman kong mahal siya ng Ina niya.

“He’s not our real child, Queen Yllane! Nararapat lang sa kaniya na paalisin siya rito. He’s a killer!” may halong diin na pagkakasabi ni King Darion kay Prince Gulo. At ano? Hindi siya tunay na anak?! What?! Really! I can’t believe!

“Prince Daryll! Tell them the truth! Please! Help your brother!” sigaw ni Eve habang nakatingin sa katabi niyang lalaki. Ngunit parang wala namang naririnig si Prince Daryll dahil nakatingin lang ito kay Prince Gulo.

“Sendy!”

Nagulat ako nang banggitin lahat nila ang pangalan ko. Parang kaboses nila si Faye! Nanlaki naman ang mga mata ko nang humarap silang lahat sa akin at lahat sila ay kamukha ni Faye!

“WAAAHHHHH!!”




Napabangon ako. “WAAAHHHHH!! WAAHHH!!”

“Waaahh!! Sendy! Huwag kang sumigaw! Nananaginip ka lang!” Hinihingal na napatingin ako kay Faye.

Nandito na ulit ako sa sofa! Pawis na pawis ako at hinihingal pa rin. Nakakatakot naman ’yong huling nangyari! Napatingin naman ako sa bintana at gabi na pala. Weird dreams...









Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 1.1K 63
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
451K 1.2K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...