Yo te Cielo

Von mugixcha

46.4K 2K 1.7K

{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was br... Mehr

Prefacio
1895 - La Carta
PrĂłlogo
CapĂ­tulo 1
CapĂ­tulo 2
CapĂ­tulo 3
CapĂ­tulo 4
CapĂ­tulo 5
CapĂ­tulo 6
CapĂ­tulo 7
CapĂ­tulo 9
CapĂ­tulo 10
CapĂ­tulo 11
CapĂ­tulo 12
CapĂ­tulo 13
CapĂ­tulo 14
CapĂ­tulo 15
CapĂ­tulo 16
CapĂ­tulo 17
CapĂ­tulo 18
CapĂ­tulo 19
CapĂ­tulo 20
CapĂ­tulo 21
CapĂ­tulo 22
CapĂ­tulo 23
CapĂ­tulo 24
CapĂ­tulo 25
CapĂ­tulo 26
CapĂ­tulo 27
CapĂ­tulo 28
CapĂ­tulo 29
CapĂ­tulo 30
CapĂ­tulo 31
EpĂ­logo
Author's Note // INAH x YTC

CapĂ­tulo 8

1K 58 59
Von mugixcha

Miho woke up feeling better—Hindi na masyadong masakit ang ulo niya kung ikukumpara kahapon. It was a Sunday, so she didn't force herself out of the bed at 8 in the morning. Pumikit muna siya at nanatiling nakahiga hanggang sa narinig niya ang intercom na tumunog. She reached for the phone on her bedside table and answered it. Isa lang naman ang madalas na dahilan kung bakit nag-r-ring ang intercom: may bisita siya.

Nang marinig sa guard ang pangalan na Gregorio del Pilar, agad siyang nataranta. She wasn't expecting him to come; ang nabasa lang naman niya ay ang "I'll see you tomorrow" na message nito pero walang sinabi na sa apartment niya ito didiretso.

She knew she looked horrible— bedhead at hindi pa nakakaligo, pero wala siyang nagawa kung hindi ang payagan itong makaakyat dahil nakakahiya naman kung pagaantayin pa niya ito sa baba.

She was in the middle of brushing her teeth when she heard a knock on the door. Pagbukas niya, anduon si Pat na naka-plain black shirt, khaki shorts, slip-on shoes at may bitbit na paperbag.

"Morning, Emily," He smiled at her. She tried to smile back but it looked more of a smirk; nakapasok pa kasi ang toothbrush sa bibig niya. Sumenyas na lang siya na pumasok ito at maupo.

Pagkatapos magtoothbrush at pagkalabas ng banyo, nakita niya si Pat na may inilalagay sa loob ng kanyang refrigerator. Palapit pa lang siya dito nang bigla itong nagsalita bago pa siya magtanong.

"Ready-to-cook sisig at leche flan. Pasalubong ng ate ko— What's this?" Pat showed her one of her canned drinks with Japanese characters on it. "Alcoholic beverage from Japan? Chu-hi?"

She nodded in response. Nahalata niya ang good mood ni Pat, malayo sa mood nito nuong nasa library sila nuong nakaraan.

"Nice shirt," Tumayo ito sa harap niya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. She looked down and realized that she was wearing her oversized Coke shirt. Natatakpan nito ang short shorts na suot kaya mukha siyang walang pangibaba. Hinatak niya ang laylayan pababa dahil sa hiya at naglakad papunta sana sa cabinet para kumuha ng damit, pero pinigilan siya ni Pat.

"No need to be conscious. I don't mind at all," He assured her.

"Hindi pa ko naliligo! Nakakahiya naman sa'yo. Mabango ka na tapos ako dito amoy.. Amoy ewan." Pinantakip ni Miho ang buhok niya sa kanyang mukha. Tinanggal naman ni Pat ang mga kamay niya, at tinitigan siya.

"Were you surprised?" She noticed him bit his lip, as if trying not to smile.

"Oo naman! Kung alam ko lang, naligo na ko ng maaga!" She said with a laugh. "Wala ka naman sinabing pupunta ka dito."

"Of course. If you knew, you would have probably ran away from me again," He moved closer to her. Hindi na siya nakaiwas dahil naramdaman na lang niya ang mga kamay nitong mabilis na humawak sa kanyang baywang at ang ilong nito na tumama sa leeg niya.

"A-anong—"

"Your scent—"

"'Wag mo kong amuyin! Amoy kama pa ko!" At tinulak niya itong palayo. She wanted to hide, but unfortunately, there's no place to hide. Sa sariling kwarto, kahit sa banyo ay wala siyang takas dahil sira ang lock nito.

"Yun ba ang tawag d'on? Amoy kama?" Ang sabi nito bago ngumisi. "You smell good actually."

Nag-iwas na lang siya ng tingin dito at itinuro ang upuan para yayain itong maupo. He laughed and when she asked what's funny, he just shrugged. Umupo si Miho sa kama at naupo si Pat sa upuan na malapit rito.

"So, why did you keep on ignoring me for the past few days?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Miho. Simple lang naman ang sagot sa tanong na iyon, ang problema lang ay kung dapat ba siyang magtapat o magsinungaling.

"Kasi mali na—"

Natigil siya sa pagsasalita nang marinig na naman ang ring ng intercom. Kung mayroon man siyang bisita, wala siyang ideya kung sino. Paulo never visits her without sending a message, ganuon din naman si Francis. Sumenyas siya ng saglit lang kay Pat, at kinausap uli ang guard.

"Si Mrs. Elena Huang, nandito raw po. Paakyatin na ho namin?"

Halos mabitawan niya ang teleponong hawak at napatingin siya agad kay Pat na sa kasalukuyan ay tinitignan ang Taylor guitar niya sa tabi ng kanyang kama. She knew she was doomed.

"Ah.. Opo, sige po.."

Yun na lang ang nasabi niya dahil wala siyang choice. Pagkababa ng telepono, nagsimula siyang magpanic. She ran towards Pat and held his arms tightly.

"Kailangan mo magtago!" Niyugyog niya ito at tumitig lang ito sa kanya na tila ba naguguluhan sa sinabi niya. Bumitaw siya dito at nagsimulang maglakad kung saan-saan na mistulang natataranta. "Hindi pala, walang mapagtataguan! Lagot na!"

Lumapit si Pat sa kanya at ito naman ang humawak sa braso niya para tumigil siya sa kakaikot.

"Ano bang nangyayari?"

"Nandyan si Ma—tapos—tapos may kasinungalingan kasi—wala na kong oras—Hindi ko alam paano— Iisipin niya ikaw si Goyong! P-pero pano ko sasabihin na wala na si Goyong? Hindi niya alam— Wala siyang alam—" Napapapikit siya sa inis at napakapit na sa buhok niya na gusto niyang sabunutan pero pinigilan siya nito.

"I don't clearly understand what's happening, but please, calm down. Mukhang mapapatay mo na sarili mo sa kaba. You look like you're about to pass out." Hinawakan nito ang mga magkabilang pisngi niya para patigilin ang paglingon niya kung saan-saan. "Relax, Miho."

Maamo na naman ang boses nito na kung walang ibang iniisip ay malamang natunaw na siya. Sinubukan niyang kumalma; she took a deep breath and exhaled pero nang may kumatok na, gusto na niya lalong himatayin.

The easiest solution she could think of is to tell her mom the truth: Wala talaga si Goyong at hindi sila nagkabalikan. However, the timing of her arrival was wrong. Kung alam lang niya na uuwi ito ng mas maaga, sinabi na niya siguro agad na nag-break na sila para hindi pagmukhaing sinungaling si Paulo. Pero paano niya ngayon ito babawiin basta-basta kung nandyaan ang kamukha nito? She clearly needs to give her Mom more explanation if she would tell her the truth.

She knew that decisions influenced by stress and panic would normally end up in foolish actions; wala na rin kasi siyang oras para mag-isip pa. These thoughts made her so nervous that when she opened the door and saw her mom looking at her, she couldn't even say "Hi.".  Pumasok ito ng dire-diretso at mukhang nakita na ang dapat sanang itatago niya rito.

Pat was standing a few feet behind her; napansin na lang niyang lumapit ang nanay niya rito. She watched in disbelief as the palm of her mother's hand came in contact with his left cheek. Mabilis ang pangyayari at hindi na niya ito napigilan. Nakarinig siya ng isang malutong na tunog at nakita niya ang mukha ni Pat na walang reaksyon kahit na sigurado siyang nabigla ito sa nangyari.

"Ma, teka lang," Humarang siya sa harapan nito. "Wala po siyang kasalanan, magpapaliwanag po ako, hindi siya—"

"Kailangan ko lang gawin 'yon para mapatawad kita sa nangyari dati at sa pagsisikreto niyo na naman sa'kin ni Miho." Mahinahong strikto ang pananalita nito habang ang mga mata ay diretsong nakatitig kay Pat. "Greg, mag-usap tayo."

"Ma," Hinawakan niya ang kanyang ina at dinala sa may upuan para maupo. She decided to tell her the truth.

"Yung sinabi ni Pau, yun kasi, hindi—"

"Tita, I apologize for what had happened. Sa nangyari dati at sa pagsisikreto."

Natigil siya nang marinig ang sinabi ni Pat. Napatingin siya dito at napansing seryoso ang mukha nito bago ilipat ang tingin sa kanyang ina, na napataas naman ng kilay sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Pat at kinabahan siya nang maisip na may kasunod pa. He's acting as if he was the Greg Sempio that her mom had met a few years back! Naisip niyang mas lagot na kapag nabuking sila dahil sa ibang paraan nito ng pagsasalita at paggalaw.

"Mag-uusap muna kaming dalawa ni Greg," Ang sabi ng kanyang ina na alam niyang ibig sabihin mag-uusap sila ng masinsinan na wala siya. She didn't want to leave his side— Alam niyang mas mabibisto sila. She should have immediately told her mom the truth. Ngayon, si Pat pa ang babahain ng mga salita at mga tanong na wala naman talaga siyang kinalaman. Pero bakit niya kasi inako ang hindi naman niya problema? She thought Pat must be insane to apologize in behalf of her parted lover.

"Ma, sama na lang po ako.. Please?" She pleaded.

"Miho, I'll talk to her first," Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Sa gulat, binitawan niya rin ito, pero nang mapansin na nakatingin sa kanila ang ina, kinuha niya ang kamay ni Pat at hinawakan ito. He looked at her and smiled, pinisil nito ang kamay niya as if it was an assurance that everything will be okay.

Nang niyaya na ng nanay niya si Pat para lumabas, hindi na huminahon ang puso niyang kanina pang mabilis na tumitibok dahil sa kaba. She took advantage of the time by taking a bath, pero kahit nabasa na siya ng malamig na tubig ay hindi parin siya nahimasmasan. She wanted to cry because of fear and guilt. She didn't want to blame Paulo—his intention was good,
nagkataon lang talaga na bigla na lang ito nangyari. Her mom had already hurt Pat and he never deserved that slap; the scene played over and over again inside her head, halos patayin na siya ng konsensya.

She took a deep breath again and exhaled while feeling the cold sprinkle of water over her body and the warmth of her own hands holding her arms tightly in an attempt to comfort herself. She closed her eyes and thought of his assuring touch while praying to the heavens that these lies won't lead to a huge inconvenience in his life. She'll never forgive herself if this would happen.

---

Miho was lying on her bed, embracing her pillow, when she heard a knock on the door. Dali-dali niya iyon binuksan at pumasok ang kanyang ina na sinundan naman ni Pat.

Tinawag siya nito na maupo sa may dining area para makapag-usap silang tatlo; her mom sat facing them across the table. Miho was expecting her to shout at her for being a liar; halos napapikit siya nang buksan nito ang bibig para magsalita.

"Binigay na ni Greg yuong address kung saan kayo tumitira ngayon. Sa susunod na mga araw, duon na ko dadaan," She said calmly, without any hint of anger from her voice.

"P-po?" Nanlaki ang mga mata ni Miho at napatingin siya kay Pat na mukhang kalmado lang din.

"Sinabi ko kay Tita na kaya wala akong gamit dito kasi duon tayo nakatira sa unit ko. Sabi ko nga sa kanya, ayaw mong pakawalan 'to dahil mahal mo 'tong kwarto mo, kaya minsan dito tayo natutulog. Starting tomorrow, I told her that we'll stay there again," He said with a smile. Kung kinakabahan man ito, hindi halata; his lying skills are probably excellent.

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Titira sa apartment ni Pat?— She wanted to laugh at the same time, drown in guilt. He was so far, doing a good job in acting; mukhang naniwala na nga ang nanay niya sa live-in lie na inumpisahan ni Paulo. Wala na siyang ibang choice kung hindi ang sundin ang flow ng kasinungalingan na ito.

"Ahh.. Opo. Mas nasanay na po kasi ako dito..kaya minsan mas gusto ko pa din dito.. Umm.."

"Greg, kagaya ng sabi ko kanina, hindi parin ako palagay sa ganito na nagsasama kayo na hindi pa kayo kasal. 28 years old na 'yang anak ko pero kapag nabuntis—"

"Ma!" At hindi napigilan ni Miho na mapasalita ng malakas. Nag-init bigla ang pakiramdam niya at gusto niyang magtago sa narinig.

Nakarinig siya ng mahinang tawa galing sa katabi kaya lalo siyang nahiya.

"Don't worry, Tita, ako pong bahala kay Miho. Pipigilan ko po siya para hindi po iyon mangya— Ouch! What the—"

Tinadyakan niya ito ng pagilid at sinamaan niya ng tingin. Pat stared angrily back at her but chuckled afterwards. Narinig niyang tumawa ang ina sa napansin at bumawas ang takot at kaba niya dahil dito.

"I promise I'll take care of your daughter."

Upon hearing those words, she felt a sudden pain in her chest. Dapat matuwa siya sa pangako nito, dahil lalong convincing pakinggan ang mga sinasabi nito. Nakita niyang wala ng bakas ng galit sa mukha ng kanyang ina at nakangiti na lang ito bilang tugon sa sinabi ni Pat, pero imbis na ikatuwa, mas nangibabaw parin ang pangit na pakiramdam. Masarap pakinggan ang pangako, pero isa lang naman itong parte ng isang kasinungalingan.

"O siya, maiwan ko na kayo. Miho, inaya ako ni Greg kanina na mag-agahan kasama ninyo, pero may pupuntahan pa 'ko," Tumayo ito at sinundan naman nilang dalawa para ihatid sa pintuan. "May dadalhin ako sa inyo pagbisita ko uli. Medyo marami. Nag-commute lang ako ngayon kaya hindi ko muna binitbit."

"Feel free to call me if you need anything, Tita." Narinig ni Miho na nagpresenta pa si Pat na ihatid ang kanyang ina kung saan man ito pupunta, pero umiling ito at nagpasalamat.

"Ma, salamat.. at sorry.." Ang pabulong na sinabi ni Miho sa ina. Sorry sa kasinungalingan, She wanted to say.

"Ayos na anak, nag-usap na kami ni Greg ng masinsinan. Umaasa ako sa mga pangako niya sa'kin." Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit. "Dadalawin ko kayo duon ng ilang araw. Hindi pa naman ako aalis, baka hintayin ko si Tristan."

At paglabas nito, pakiramdam ni Miho ay nabunutan siya ng tinik pansamantala. Pat sat on the edge of her bed. Nanahimik ito na parang nag-iisip. Lumapit siya dito at umupo sa sahig, sa may harapan nito.

"Masakit ano?" She lightly touched his left cheek with her fingers. "I'm sorry.."

"No need to apologize," He took her hand and rubbed his thumb gently across her palm. Kaagad namang inalis ni Miho ang kanyang kamay at nilagay sa kanyang gilid.

"Anong nangyari sa usapan niyo ni Ma? Paano naging ganon? Paano yung kwarto mo? E kung sabihin na lang natin na—"

He placed his index finger on her lips.

"I'll tell you about it later. Don't overthink, Miho. Mag-breakfast muna tayo," He stood up and extended his hand to help her stand up. "After breakfast, I'll be leaving. Pack some of your things later. Starting tomorrow, duon ka muna kasama ko."

She lazily took his hand and forced her body to move when suddenly, his other hand swiftly pulled her closer to him—Close enough to feel her cheek against his chest. For the first time, she was able to hear his heartbeat and her own, playing the same fast rhythm— a probable indication that the series of desired and unwanted events from both truth and lies has now begun.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

913K 38.3K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...
71.1K 2.6K 51
[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of November 2017 in Historical Fiction! Check thi...
49.6K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
393K 1.9K 2
How do you deal with a boss like Zhang Yixing?