Disguise Inlove With You Pare...

By kyleellorin

170K 5K 612

NOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you... More

Author's note
Cast
Disguise inlove with you pare
I. Not my typical lame day
II. Cute love story
III. Letters and green tea latte
IV. Mr. Smith
V. Blue Smith
VI. Shit just got real
VII. Fraternities and other necessities
VIII. Shoot
IX. Try-outs and Layouts
XI. A day in the carnival
XII. The feeling's mutual
XIII. Friends with a frog
XIV. Just my luck
XV. My first kiss
XVI. This is so not happening
XVII. Closer
XVIII. Clark
XIX. Stuck with this beautiful jerk
XX. Crazy for you
XXI. Puzzle
XXII. Feelings
XXIII. Greentea and strawberry syrup
XXIV. Playing spy
XXV. You snore like a pig in a barn
XXVI. Tattooed on my mind
XXVII. Confessions and Misconceptions
XXVIII. You give me the whole damn zoo
XXIX. A recipe for disaster
XXX. A recipe for disaster part 2
XXXI. Rainbow after the rain
XXXII. Don't you
FILIPINO CAST!!
XXXIII. You light up my whole world
XXXIV. Late night visit
XXXV. First date
XXXVI. Beach bum
XXXVII. Beach bum part 2
XXXVIII. Sparks Fly
XXXIX. Home
XL. Outdoor Project
XLI. Celebration
XLII. Birthday Dinner
XLIII. Letting go
♂ Epilogue ♀
SEQUEL!!
The Last Pure Soul

X. The story behind the snow globe

3.1K 85 6
By kyleellorin

AN: Yikes! Sorry sa mga nakapagbasa na up to this chapter or yung mga umabot na sa chapter 18. Sorry talaga guys. Binasa ko uli yung story and ngayon ko lang napansin na yung first version yung napublish on this chapter. So medyo magulo dahil sabi dito walang nanay si Alex pero sa chapter 18 meron. Okay, so eto na nga. Nung una talaga ganun balak ko pero I decided na why not give him a mother instead then put some major plot twist in the story. Kaya sorry talaga if may na confuse man. Anyway, this version has been edited already so you can just re-read it if you like. Again, sorry uli.

"A-alex?" Sabi ko habang nakatitig ang pantay naming mga mata. Doon ko lang din narealize na onting dikit nalang ay magdidikit na ang aming mga labi, tatayo na sana ako ng bigla akong itulak ni Alex paalis sa katawan nya.

"Aray ah!" Sigaw ko sakanya. Ang lakas kaya ng pagtulak niya.

Sinimangutan niya ako.
"Napaka clumsy mo, no wonder di ka nakapasok sa team!" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Teka, di ako nakapasok. Hay. Well ano pa nga ba ineexpect ko. Medyo expected ko na din talaga to. I sighed. Pero di padin ako maniniwala hanggat di ko nakikita yung listahan bukas gamit ang sarili kong mga mata, mahirap na mamaya nang aasar lang pala to eh.

"Hindi naman sayo nang galing ang desisyon, kaya sa listahan sa bulletin board lang ako bukas maniniwala" pagmamalaki ko dito.

He smirked. "You're really that naive aren't you?" May pailing iling pa siyang nalalaman. "40% ng evaluation niyo sakin nanggaling. And since i wont be giving that to you, goodluck makapasok dahil for sure di full 60% ang ibibigay sayo ni coach." Saka siya tumalikod at naglakad papuntang shower room.

Namumuo na yung luha ko sa mga mata ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Pero pinigilan ko padin yung sarili ko na umiyak dahil ipinaalala ko sa sarili ko na di dapat nagpapatalo sa mga kagaya ni Alex. At dahil pikon na pikon na ako kumuha ako ng bola at binato ito papuntang direksyon niya,

'TUG!'

Nanlaki naman mata ko nang nakita ko na tinamaan si Alex sa ulo. Tsk, hala wala naman talaga kasi akong balak mapalakas yun saka hindi dapat sa ulo yun. Hala, pano na ko neto? For sure kakatayin na ako ng buhay ni Alex neto. Think Ahliv think! Kailangan mong magisip ng paraan.

"Ahhhh!-" sigaw ni Alex at humarap sa direksyon ko. "You stupid son of a bi-"

"Ops ops! Teka teka.-" pag aattempt ko na pakalmahin siya. "Di ko sinasadya, sa paa lang dapat yun- hehe- ano kasi- ah-" sabay kuha dun sa paper bag "-eto kasi oh may nagpapabigay sayong chic kanina."

Nagbago naman agad ang expression ng mukha niya from super galit to annoyed.

"You're really full of trouble aren't you? Hawakan mo muna, kung gusto mo sayo nalang." Sabi niya sabay pasok sa boys shower room.

"Pero--" hay salbahi talaga

----------------------------------------------

Nang matapos maligo ang buong team nagtungo na kami sa cafe upang kumain. Katabi ko si Tyler at Lyroi kung kaya't kinwento ko yung sinabi sakin ni Alex kanina na di daw ako pasok sa varsity team.

"What?!" Nakakunot na tugon ni Lyroi sa kinwento ko.

"Tsk. Kung ganun isang choice nalang ang meron tayo." Dagdag ni Tyler.

Lyroi sighed. Then he patted my shoulders. "Hey man, sorry kung di ka nakapasa sa team. But were still brothers! We'll make sure na sa frat pasok ka na."

Nginitian ko naman si Lyroi. Sobrang bait kasi nito at malaking tulong din yun pag napasok nila ako sa frat nila. Di lang sa pangbubully ni Alex kundi sa academic grades ko na din.

"Thanks man." Sabi ko dito at saka ko tinapik ang bakikat niya.

Pagtapos ko kausapin si Lyroi binalik ko yung tingin ko sa potato chips na inorder ko, upang kainin sana ito. Pero laking gulat ko ng iisang piraso nalang ang nasa lalagyan nito.

"Anong nangyari sa potato chips ko?" Tanong ko sa mga kasamahan ko

Napatingin naman ako sa katabi ko na si Tyler na sobrang lakas ng pag nguya.

-____________________-

Napatingin naman siya sakin.

"What? Kala ko di mo na kakainin eh. Hehe. Labyu bro!" At tinaas pa nya ang balikat niya. Ay. Tss buraot talaga tong mokong na to.

"Buraot!" Sabi ko sakanya ng natatawa. At saka niya kinuha yung natitirang potato chip at kinain.

I giggled. "At talagang di mo pa pinatawad yung isa ah! Hahaha."

Nang matapos ang lahat kumain nagpasya na kaming lahat na umuwi na sa kanya kanyang mga dorm.
Habang naglalakad minabuti kong tumakbo sa pinaka harap ng grupo namin kung nasaan si Tommy at Alex na naguusap. Mukhang di kasi sa dorm ang uwi ni Alex ngayon kasi iba ang way na dinadaanan nila ni Tommy kaya minabuti ko na habulin sila upang ibigay yung paperbag.

Nang maabutan ko sila agad ko hinawakan ang balikat ni Alex upang tumigil siya sa paglalakad. Napalingon naman ito sakin.

"The fuck?!" Bungad nito sakin at saka inalis ang pagkahawak ko sa balikat nya.

*hingal* *hingal* "Yung- *hingal* -paperbag mo" sabi ko sabay abot ng paperbag

Kinuha naman niya ito.
"Tss ano ba to?!" Sabi niya ng nagmamasungit

"Eh di tingnan mo para malaman mo diba?!" Hay sarap irapan

He shrugged. At kinuha ang nasa loob ng paper bag.

Napangiti naman ako ng nakita ko uli yung snow globe. Pero onti onting nawala ang ngiti ko ng makita ang naging expression ni Alex. Parang nanglumo siya ng makita niya ito himbis na matuwa. Nakita ko din ang nangingilid na luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"San mo to nakuha?!" Buong buong boses na tanong nito sakin na puno ng authoridad. Nakakatakot. Napalunok ako ng bahagya.

"May nag bigay ngang chic. Hinahanap ka kanina."

Nagulat naman ako ng magkatinginan kami mata sa mata. Paiyak na ba siya? Wow, may pag asa din palang umiyak ang isang Alex Craid? Bago yun ah. Pero teka ang gulo bakit siya naiiyak?

Huminga siya ng malalim at hinawakan ng mahigpit yung snow globe at saka ito binato ng buong pwersa at ilang minuto pa ay naglanding na ito sa lapag at tuluyan nang nabasag.

Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. How can he destroy something so beautiful?

"Why did you do that?!" Tanong ko dito

"WALA KA NANG PAKIELAM DUN!" Sigaw niya sakin kung kaya sobrang nagulantang talaga ako. Dahil ramdam ko ang sakit sa boses niya.

Pero di na ako nakapagsalita pa dahil tinapik na ako ni Thomas sa balikat.

"Bro, i think you better go. I can handle him. Sige na." Sabi nito sakin ng may tipid na ngiti.

Tumungo naman ako ng bahagya at saka naglakad palayo. Grabe pati kay Thomas nanibago ako, hindi naman kasi siya tipid ngumiti. Napabuntong hininga ako at napatananong ako sa sarili ko.

Who is really Alex Craid?

----------------------------------------------

Alex P.O.V

"Tss ano ba to?!"

"Eh di tingnan mo para malaman mo diba?!" Sagot ng patpating room mate ko. Tss, the nerve of this guy. May gana pa talaga siyang maging sarcastic ah.

I shrugged. Kinapa at kinuha ko ang laman ng paper bag. Nang makita ko ito, agad sumikip ang dibdib ko. My hands are trembling as i held the snowglobe that i gave her on her 5th birthday. Pero bakit nakay patpatin to?

"San mo to nakuha?!!" Nanginginig padin ang kamay ko. Sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman ko kaya di ko na napigilang mataasan ang boses ko. Nakita ko namang napalunok ng bahagya si patpatin. Tss bakla talaga.

"May nagbigay ngang chic. Hinahanap ka kanina." Sabi nito.

Kung ganun sakanya nga galing, after all the things that happened. She'll return this to me? For what? Para ipamukha sakin lahat over and over again. Shit. I sighed at saka ko binato yung hawak ko.

Napapikit ako ng marinig ko itong nabasag. Ruining it was like burning hundreds of good memories and it felt like shit, but i have to do it in order to move forward.

"Why did you do that?!" Pasigaw na tanong ni patpatin.

What the hell? Sino ba to para sigawan ako? Im Alex Craid and no one has ever shouted at me. And no one should, especially at a time like this.

"WALA KA NANG PAKIELAM DUN!"
Napaka pakielamero. Nagtitimpi lang ako dahil ayoko nang bigyan ng disappointment si dad pero gustong gusto ko nang sapakin yung patpatin na to.

Mabuti nalang at pumagitna na si Thomas, at pinaalis na yung asungot na yun. Maswerete siya cause my friends are protecting him. Even si Thomas magaan ang pakiramdam sakanya. I don't get why. Pero sinusubukan ko padin siyang pakisamahan dahil kaibigan siya ni Thomas. Thomas is like a brother to me, he's been there for me when all the people turned their backs against me. He witnessed all of what happened, pati ang pag evolve ko into this douche. Malaki ang tiwala ko kay Thomas kaya alam kong hinding hindi niya gagawin ang ginawa sakin ni Nate.

Thomas sighed. "Geez, bro what was that about?"

Napayuko naman ako. "It's Chloe"

"Shit." Thomas cussed.

I shrugged. "Funny, she gave that back to me. I thought it meant so much for her. I guess she's not the same person i met 15 years ago." I sighed.

"Come on let's go to the club." I told Thomas

Nagkunot naman yung noo niya.
"No. Weve been drinking for straight 3 days already man, you should give your body rest. If you want to talk about it im always here to listen even when you ditch the liquor. I mean come on man Im your best friend. And as your brother im telling you to rest." Then he patted my shoulders

I cracked a small smile. "Thanks man."

He smiled back. "Gusto mong pagusapan?" Tanong nito sakin.

I sighed deeply. "Sa ibang araw nalang siguro bro, sa ngayon magpahinga na tayo kagaya ng sinabi mo. Gusto ko nang makalimot, ayoko na munang pagusapan o isipin yung mga nangyari." At saka ako ngumiti, a fake one. Sa ngayon, di ko pa maiikkwento sakanya ang tungkol dun ng walang alak na dumadaloy sa katawan ko, hindi ko pa kaya. Kaya minabuti ko nalang to tell him na magpapahinga na ako, kahit ang totoo ay balak ko talagang magpakalugmok sa alak.

Thomas shook his head. "Are you really sure?" Then he looked at me. "Don't do anything foolish Alex, if you're planning to drink alone don't. Remember what happened the last time you went to the club alone. I know you so well, and i can sense na nagpplano ka." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hay wala talaga akong lusot dito. Siguradong sasama to sa frat house kapag doon ako tumuloy ngayon, pero may naisip akong isang paraan.

"Ano ka ba. I won't be stupid enough to do that again" yes i am sabi ko sa sarili ko

"Okay if you say so. Tara." Ata nito papatungo sa frat house namin. At dito ko na ipinasok ang plano ko.

"Um actually i think i'll just head to my dorm." Sabi ko kaya naman parang nagtaka siya

"I thought you hate sharing rooms with Blue?" Gusto ko itong sagutin na OO SOBRA. Pero it won't work according to my plan.

"Well, siguro pagtritripan ko nalang siya para makalimot pansamantala." Pagdadahilan ko dito

Sa reaction nya, mukhang di siya naniniwala. "Well- okay bro. Go ahead." He said then he patted my shoulders.

Phew! Naniwala siya. Wow, I think my plan really worked! Ngayon pwede na akong magpakalunod sa alak.

"Oh and btw can you give this to him? I forgot to give it to him kanina." Thomas said while handing me his i-pad.

I shrugged. Alam ko namang naninigurado lang tong si Thomas eh.

"Okay bro. Sige, i'll go ahead." Sabi ko at saka ako umalis.

----------------------------------------------

Blue

Malapit ko na sana maabot ang masarap na pagtulog ng may maramdaman akong matigas na bagay na humampas sa abdomen ko. Napamulat ako.

"Aray!" Agad kong tinignan kung ano yung tumama sakin. Napakunot ang noo ko? I-pad? Pero di naman sakin to ah. Bakit binato sakin? Nilibot ko ang mata ko hanggang sa mahagip nito ang di kanaisnais na nilalang na nagngangalang Alex Craid.

"Problema mo? Bakit ka namamato neto sa dis oras ng gabi? Kitang natutulog yung tao!" Inis na sabi ko dito

Wala naman siyang naging reaction at ibinaba lang ang dala niyang mga gamit. Aba! Namumuro na talaga to.

"KINAKAUSAP KITA!" Sigaw ko sakanya. Wala eh, punong puno na ako eh. Sabi nga nila mag biro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising! Pero in this case let me rephrase it. Mag biro ka na sa lasing wag ka lang mang gising! Bwisit. Hirap hirap kaya kuhanin ng tulog kong yun.

Tingnan naman niya ako ng masama. Napalunok naman ako. Ayan, natauhan na ako. Buhay na diwa ko. Maliwanag sakin na di ko dapat ginawang sigawan siya, nako baka kung anong gawin neto sakin. Naglakad siya papalait sakin at saka ko ipinikit ang aking mga mata. 12345? Wala padin? Nakapikit padin ako naghihintay ng suntok o kahit anong ganti mula sakanya. Pero wala kaya binuksan ko ang aking mga mata. Nakita ko siya na pinulot ang susi niya na nasa lapag malapit sa kama ko, siguro nahulog kanina nung binato niya sakin yung I-pad. Pagkapulot niya ay agad din siyang dumiretso sa pinto at lumabas. Kumunot naman ang noo ko. Himala ata di siya gumanti ngayon? Ano nakain nun? Bigla nanaman tuloy pumasok sa isip ko yung pangyayari kanina. I sighed. Kung ano man ang nangyayari kay Alex sigurado akong hindi yun maganda. Nagulat ako ng biglang mag vibrate ang phone ko. New text message.

From: Thomas

Hey Blue. Can you keep an eye on Alex? Don't let him go out alone, he's going through something right now and he might get into trouble. Thankyou.

Pagkabasang pagkabasa ko neto dali dali na akong lumabas ng dorm at nagkakaripas ng takbo para sundan si Alex. Hay, wrong timing naman kasi humingi ng pabor itong si Tommy. Gabing gabi na oh. Saka im sure kaya naman ni Alex ang sarili niya. Base sa susing nakita ko kanina, susi ito ng kotse kaya mukhang sa parking ang punta nito. Saan naman kaya balak pumunta ng asungot na to? Siguradong lalabas siya ng campus pupunta dahil magkokotse pa siya.
Anong oras na kaya. Tss. Abnormal talaga. Naghagdan nalang ako para mapabilis ang paghabol ko sakanya. Pagdating ko ng parking agad kong nilibot ang paningin ko upang hanapin siya. Nakita ko siya saktong kakadating lang sa tapat ng itim na audi r8. Gusto kong mamangha sa kotse pero mas pinili kong tumakbo nalang papunta sakanya upang maabutan ko siya.

"ALEX!" Hingal na hingal na bati ko sakanya ng makarating ako sa pwesto niya.

Napakunot naman ang noo niya at napapatong ng braso sa hood ng kotse nyang magara.

"What the fuck are you doing here?"

Napabuntong hininga nalang ako. Hay. Napakasalbahi talaga neto. Siya na nga ang sinasamahan ganyan pa kaganda ang bungad. Galing! Clap clap.

"Ibinilin ka sakin ni Thomas?!" Sabi ko sakanya and now it's his turn to sigh.

Binuksan nya ang pinto ng kotse niya.
"Sakay"

"H-ha?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko. Is he for real? Pinapasakay niya ako sa kotse niyang magara? Tumingin ako sa paligid upang tingnan kung may ibang tao bukod samin. Hehe alam nyo na baka mamaya nag assume lang ako na ako ang inaya.

Umiling naman siya. "Just get in the car stupid" sabi niya at saka umikot sa ibang gilid upang sumakay sa drivers seat. Oh wow so ako nga talaga ang inaya niya dahil kami lang naman ang tao dito ngayon, kaya ginawa ko ang sinabi niya. Pagsakay ko agad na bumungad sakin ang amoy ng pabango ni Alex, di ko alam kung ano ang pabango niya pero nakabisado na ng ilong ko ang amoy nito sa halos ilang araw na nakasama ko siya sa iisang dorm. Light scented masculine fragrance ang amoy. Makipot yung sasakyan niya, 2 seaters lang kasi ito pero sobrang ganda at elegante. Mabilis naman niyang pinaandar ang kotse. Nang makalabas kami ng campus, nabigla ako ng humarurot siya ng pagmamaneho sa kotse. Grabe parang nasa rocket ship kami, sobrang tulin ng takbo namin.

"P-pwede bang bagalan mo naman?" Pakiusap ko sakanya

Hindi siya umimik at nagpatuloy padin sa pagpatakbo ng matulin.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko uli sakanya.

Ngunit di padin siya umimik at lalong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse. Aba siraulo talaga to eh. Magpapakamatay ata.

"ALEX ANO BA! MAGPAPAKAMATAY KA BA HA?! Sigaw ko dito. Para sana kahit papano matauhan siya.

He smirked. "Pwede din." Mahinahong sagot nito. Kaya nanlaki ang mga mata ko. Aba siraulo nga talaga.

"HOY ALEX! KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG MO AKONG IDAMAY!" Sigaw ko na may halong kaba sa boses ko.

He smirked and then turned the car around causing the car to drift. Muntik nang mahulog mga lamang loob ko sa ginawa niya. Halos manginig ako sa takot. Gusto ko siyang sigawan pero di ko padin magalaw ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.

"You should've seen yourself. You look pathetic." Sabi nito sakin. Kaya naman dali dali akong napatingin sakanya. Nagkatinginan kami mata sa mata. This time punong puno na talaga ako sakanya. I shouldn't have accompanied him. Mapapahamak pa ako dahil sa recklessness ng asungot na to eh.

Umiiling iling pa siya. "Relax. Hindi ako magpapakamatay, kaya makakauwi ka padin ng buhay." Dagdag pa neto. I sighed in relief. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Phew! Atleast. Sakanya na nanggaling na may balak pa pala siyang umuwi ng ligtas.

Tumungo lang ako in response. Nagpatuloy siyang magmameho hanggang sa pumarada kami sa tapat ng isang sports bar. Agad din naman kaming pumasok dito. Chill ang ambiance dito, may mga nagbebeerpong din sa kabilang dulo ng bar. Umupo kami ni Alex sa counter table.

"1 glass of whiskey and--" sabay tingin ni Alex sakin.

Nilakihan ko naman siya ng mata.

"What are you getting stupid" irritableng tugon nito sakin

"Ahhh. Um, tubig. Tubig nalang kuya." Sabi ko sa dun sa bartender.

Natawa naman ng bahagya si Alex.

"Make that 2 whiskey on the rocks with ice." Sabi ni Alex sabay abot ng pera sa bartender. Nilakihan ko naman siya agad ng mata.

"What? Pinasamahan ako ni Thomas sayo. Might as well make yourself useful."

"Pe-pero di kasi ako umiinom. Baka- baka pwedeng non alcholic drink nalang?" Pagpapaliwanag ko dito

Natawa naman siya. "Dont you get it? You dont have a choice but to drink. SO DRINK." Sabi nito with full authority ang boses. Sakto namang lapag ni kuyang bartender sa dalawang basong may alak.

Napalunok ako ng bahagya. Sabay tinging kay Alex. Tingin uli sa baso. Tapos tingin uli kay Alex. Do i really have to drink this? Baka naman pwedeng idistract ko si Alex tapos pasimpleng itapon to? Hehe.

"DRINK!" Utos ni Alex

"Ay nanay mo!" Nagulat ako dahil medyo pasigaw yung pagsabi niya. I gulped. Huhuhu grabe wala akong lusot. "Oo na eto na!" Kinuha ko yung baso at saka ito ininom.

"Burktthfl" sabay takip ko sa bibig ko. Agh. Ew. Kadiri, muntik na akong masuka sa lasa. Partida isang higop palang yun ah.

Alex raised his eyebrows at me. At saka umiling iling. Kinuha niya ang baso niya at ininom ang alak na laman nito nagulat ako dahil paglapag ng baso ubos na ang laman nito. Grabe? Isang lagukan? Buti di nasusunog lalamunan neto no. Tss.

He looked at me. "Ganun uminom stupid" he raised his hands para umorder uli. At binigyan naman siya uli ng alak ng bartender.

Isang oras pa ang lumipas, at halos di ko padin nakakalahati yung alak sa baso ko samantalang nakaka sampung baso na agad si Alex. Grabe, di ko alam kung saan niya tinatago ang alak sa katawan niya.

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Kanina pa kasi siya inom lang ng inom.

He chuckled. "Why does she have to return that stupid snow globe? Okay na eh, umiiwas na ako. Tanggap ko na. Pero bakit kailangan niya uling ipaalala?" Sabi nito na halatang lasing na.

I sighed. Problema ba kasi nito dun sa snow globe?

"Lasing ka na Alex. Give me your keys. I'll drive." Sabi ko while lending my hands. Nako nako buti nalang di ko talaga inubos yung laman ng baso ko kundi baka dito pa kami abutan ng umaga.

Umiling siya. "No no. You listen to me. Ikaw ba? What would you do when you thought that the one girl that you cared about who you thought loved you back is actually inlove with your bestfriend?--" suminok siya. "Tapos tangina wala ka kaideidea na nagkakamabutihan na sila? Yung pagmumukain ka na tanga thinking that everything's okay but the truth is ginagago ka na pala." He chuckled. At saka umiling at lumagol uli ng alak.

Agad ko namang siyang pinigilan. "Enough. Youve drank too many already." Sabi ko dito. Di ko mapigilang isipin kung sino yung mga sinasabi nito ni Alex eh. Napabuntong hininga nalang ako, naiintindihan ko kasi siya dahil nangyari na din yun sakin. Yun nga lang wala akong pake dun sa lalaki. Naging masakit lang dahil nabetray ako ng inakala kong bestfriend. Yun palang masakit na. What more pa kaya yung sakanya? Mukhang mahal na mahal niya yung babae.

"No. Kaya ko pa kaya ko pa" sabi ni Alex. At tinabig ang kamay ko at saka pinagpatuloy ang paginom.

I sighed. Wala akong magawa.

----------------------------------------------

Alex

Medyo magbblur na yung paligid ko, alam kong lasing na ako. Pero gusto ko pang uminom. Alam kong di nito mababago ang problema pero eto lang ang paraang alam ko para makalimot kahit saglit.

Dumukot ako sa bulsa ko at nilabas ang mga mumunting tao sa loob ng snow globe. Pinulot ko ito kanina ng madaanan ko ito pabalik ng dorm.
Nakita ko namang napatingin dito si Blue.

"You know, she always had a passion to dance. But she cant. Shes a terrible dancer" I chuckled as i had a glimpse of my memories of her. "So i gave her this, sabi ko when we got older isasayaw ko siya lagi and she wont have to worry anymore dahil parehas kaming di marunong sumayaw. She's the first girl in my life because I grew up na wala lagi si mom. Lumaki ako na si grandma ang nagaalaga sakin both my parents were always busy, so Chloe was always the one who's there for me. She's my bestfriend and i really cared about her and I loved her. Pero things happened at nabalitaan ko nalang na nagkakamabutihan sila ng taong pinagkatiwalaan ko ng lubos pero they betrayed me. That's why i changed. I-I dont want to be that same loser who can be betrayed again." Nagulat ako ng may inabot sakin si patpatin. Tiningnan ko ito. Panyo?
I looked at him. Then he gestured my eyes and cheeks. Agad kong pinunasan yung mata ko gamit ang kamay ko, I've been crying and i didnt even felt it.

He patted my shoulders. "Iiyak mo lang. Makakatulong yan." Then he smiled. I shooked my head. There is really something bout this Blue guy. I dont know yet, pero malalaman at malalaman ko din yun.

"I'll just go to the restroom." Sabi ko but as soon as I got up from my seat, everything turned black.

----------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 1.5K 53
THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sino nga ba sya? Anong klaseng buhay ang ma...
65.7K 2.1K 37
The Supernatural do exist, they blend in with us, some even act as human. Allen Walker knows all about these Supernatural creatures. Living with his...
253K 12.9K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
124K 244 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report