Better than words (Tagalog lo...

由 lovethewayithurts

2.9M 24.2K 5.4K

Highschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang... 更多

Better than words
Chapter 1 (First Day)
Chapter 2 (Rude Boy, New friend?)
Chapter 3 (Ang sama mo/ Acquaintances)
Chapter four (I'm here for you)
Chapter 5 (Blush/Anong number mo?)
Chapter 6 (Jealousy)
Chapter 7 (One Thing)
Chapter 8 (Almost)
Chapter 9 (Smile)
Chapter 10 (surprise, surprise)
Chapter 11 (I need you)
Chapter 12 (Confession)
Chapter 13 (Ako na lang)
Chapter 14 (Ako na lang part2)
Chapter 15 (Kiss me)
Chapter 16 (So Close)
Chapter 17 (I love you)
Chapter 18 (The Plan)
Chapter 19 (Hurt)
Chapter 20 (hidden feelings)
Chapter 21 (Just a little bit of your heart)
Chapter 22 (Why Try)
Chapter 23 (Wanted)
Chapter 24 (Speed Limit)
Chapter 25 (Step up)
Chapter 26 (Risk It All)
Chapter 27 (I don't know)
Chapter 28 (broken)
Chapter 30 (done)
Chapter 31 (New Life)
Chapter 32 (Him)
Chapter 33 (Him Again)
Chapter 34 (Only one)
Chapter 35 (Protective)
Chapter 36 (Effort and Heartbreaks)
Chapter 37 (You're my...)
Chapter 38 (Little Things)
Chapter 39 (Better Left Unsaid)
Chapter 40 (Fool For You)
Chapter 41 (Blind)
Chapter 42 (Never Enough)
Chapter 43 (Regrets)

Chapter 44 (Love you goodbye)

5.5K 112 84
由 lovethewayithurts


"Cause I can love you more than this"

Mich's POV

Mga ilang minuto ako umiiyak sa braso ni Liam at hinayaan lang niya ko. Di siya kumikibo. Umalis na ko sa yakap ni Liam at pinunasan yung mga luha ko.

"Oh ano? Gumaan na ba pakiramdam mo?" tanong sakin ni Liam at nag shrug lang ako ng shoulders. Sa kakaiyak ko parang napagod na ko at naging numb yung pakiramdam ko.

Biglang tumayo si Liam kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sakin.

"Alis na ko uh hatid na kita sa dorm?" tumayo na din ako

"Uh, andun yung kotse ko, nakaparada sa baba" sabi ko at tumango na lang siya.

"Liam?" sabi ko habang pababa kami sa hill

"Ano?" sabi niya. Walang halong emosyon yung boses niya kaya di ko alam kung ano nararamdaman niya ngayon. Huminga muna ko ng malalim

"I'm sorry" tumingin ako diretso sa mga mata niya pero nakapokerface pa rin siya. Ba't siya naging ganito? Parang kanina lang binubuhos na niya lahat lahat ng nararamdaman niya sakin.

"Ayoko... Mich, wag muna please. Wag muna natin pag usapan yan." Sabi niya sabay tungo sa kabilang direction. Naiintindihan ko kung bakit naging ganto si Liam pero sana naman maiexplain ko lahat lahat.

Wala akong magawa kung hindi sumakay sa kotse ko at bumalik sa dorm.

Liam's POV

Kumatok ako sa pintuan at binuksan naman ni Avan yun. Muhang gulat na gulat siya pero hinayaan niya kong pumasok sa bahay nila.

"Gusto mo kumain or uminom?" alok niya sakin pero tumanggi ako. Umupo ako sa sala at umupo naman si Avan sa harapan ko.

"So ba't hindi mo inamin?" tanong ko sa kanya at halatang naging tense si Avan.

"Simple, dahil sayo" sabi niya with a hard expression

"Dahil sakin? Jusko Avan, pinapakawalan ko na nga si Mich para sayo!" sigaw ko at tumayo kagad si Avan

"Liam diba sabi mo all this time, ikaw yung nauuna? Edi bilang mabuting kaibigan pinakawalan ko na din siya! Sayo na siya Liam kasi alam kong mas mapapasaya mo siya. Tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit naging ganito kami eh! Mas pinili ko si Claire kaysa sa kanya at sobra kong nireregret yun every single day. Ang tanga ko kasi pinakawalan ko ang taong sobra kong mahal para lang sa taong akala ko mahal ko nung time na yun. Liam please umalis ka na. Bawiin mo siya." Sinabi ni Avan. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya at nakita ko na may halong galit, lungkot at sakit. Tumayo ako at nag cross arms naman si Avan.

"Sige, babawiin ko siya uli. Kasi alam mo kung bakit mas deserve ko si Mich?" lumapit ako kay Avan at tiningnan ko siya diretso sa mga mata.

"Kasi mas kaya ko siyang ipaglaban kaysa sayo." Madiin kong sinabi sa kanya at bigla akong umalis sa bahay nila papunta sa dorm nila Mich.

Hinigpitan ko yung paghawak sa steering wheel habang nagd'drive.

Mas deserve ko si Mich.

Mich's POV

"Gurl, sino ba kasi talaga?" sabi sakin ni El na mukhang naiirita at naguguluhan na sakin.

Di ko siya masisisi, pati nga ako naiirita na sa sarili ko eh.

"Mahal ko si Avan, di na niya ko mahal. Mahal ako ni Liam, pero di ko na alam kung deserve ko pa rin siya."

"To be quite honest with you, I think its best if mahalin mo muna sarili mo" umupo sa tabi ko si Mich at inakbayan ako. Napatingin ako sa kanya at nag comfort smile siya sakin.

"Mich, bago kasi pumasok sa relasyon ang isang tao, kailangan muna nila mahalin sarili nila bago magmahal ng iba. Ngayon Mich, tatanungin kita: Mahal mo ba sarili mo?" seryosong tanong ni El at hindi ko alam kung ano sasagot ko.

"Hindi ko alam" sabi ko sa kanya at tumango siya na para bang naiintindihan niya ko.

"Love yourself, first. Gawin mo muna to para sa sarili mo." Di ko alam kung susunduin ko si El pero may sense yung mga pinapayo niya sakin.

"Pahinga ka na, May pasok pa tayo bukas" remind niya sakin at humiga na lang ako sa kama ko.

El's POV

"So, napag isipan mo ba lahat lahat kagabi?" tanong ko kay Mich habang naglalakad kami sa campus. Parehas kasi kami ng schedule ngayong araw kaya naman may vacant kaming time na dalawang oras.

"Oo" sabi niya pero wala siyang sa mood. Halatang lutang siya at medyo mapungaw yung mga mata niya na sign na umiyak siya kagabi.

"Ano na gagawin mo?" tanong ko sa kanya habang umupo kami sa isang bench na malapit sa field.

"Ewan" matipid niyang sagot at naguluhan ako dahil dito.

"Huh? Kala ko ba...." Di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko si Louis na tumatakbo papunta samin na may hawak hawak na bouquet of roses. Aww sweet.

"El" ngumiti siya sakin at namula ko.

"Hey" OMG contain your feelings El. Remind ko sa sarili ko pero naguluhan ako at nawala yung ngiti ko nang binigay ni Louis yung bouqet kay Mich. Pati si Mich mukhang naguluhan pero kinuha din niya yung bouquet sa kamay ni Louis.

"Okay well punta lang ako dun" turo ko sa cafeteria sabay alis kagad.

Naiirita ko sa sarili ko. Bakit ako nag expect na bibigyan ako ng bouquet ni Louis?! Siguro pinasabi ni Avan o ni Liam na ipabigay kay Mich yung bouquet.

"Tanga mo" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.

"El!" may tumawag sakin at napalingon ako nang Makita ko isa sa mga soccer players na may hawak hawak na isang sunflower.

"Oh hey John" bati ko sa kanya. Binigay niya sakin yung sunflower at biglang umalis

"Uy teka" sigaw ko pero biglang umappear yung isa kong blockmate. Inabotan din niya ko ng sunflower

Sunod sunod ang mga lumalapit sakin at inaabutan nila ko ng isang sunflower.

"Woah wait teka" mga 20 na sunflowers na ang hawak hawak ko pero kinuha ko pa rin yung isang sunflower na inabot sakin ng isang soccer player

At dahil dun naging 21 na.

Ako na lang mag isa ang natitira sa hallway. Nakakatawa yung sitwasyon dahil ang dami nakapila kanina para iabot sakin yung sunflowers tas ngayon ni isang tao wala sa hallway.

"You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much"

Narinig ko yung kanta na gustong gusto ko. May kumakanta sa other end ng hallway at palapit ng palapit yung boses niya sakin.

"At long last love has arrived

And I thank God I'm alive"

Nakita ko na yung figure nung kumakanta. Obvious naman sa boses niya na lalaki pero matangkad siya.

May hawak hawak din siyang sunflower at unti unti siyang lumalapit sakin.

Medyo malapit na siya sakin at nakita ko na kung sino siya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you."

Tinuro ako ni Louis pagkatapos niyang sabihin yung last part at napangiti ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang inabot niya sakin yung sunflower.

Kinuha ko pero biglang may bumagsak na isang tali sa end ng sunflower. May naka attach na isang maliit na papel dun na may nakasulat.

"Crossing the line between hatred and love"

Napatingin ako kay Louis na nakangiti.

"Do you really think na di kita kayang ipag-effortan? El, kaya kong patunayan na ako ang pinaka ma-effort na lalaking makikilala mo. Ako kaya nag set up sa first date ni Liam at ni Mich." Tumawa ako at lumapit uli siya sakin.

"So do you think na kaya mo ko bigyan ng chance?" tiningnan niya ko with hopeful eyes at niyakap ko siya.

"Yes" bulong ko at binuhat niya ako at inikot.

Binitawan niya ako at sobrang laki yung ngiti niya.

"Great so dinner tonight? Text na lang kita kung anong oras at kung saan tayo pupunta" tumango ako at nagulat ng bigla niya kong hinalikan sa cheeks bago umalis.

Iniwan ako sa hallway na nag-iisa, kinikilig at nakangiti.

Mich's POV

Naglakad ako papunta sa dorm namin na may hawak hawak na bouqet. Absent pala yung prof namin kaya naisipan ko na pumunta na sa dorm at magpahinga pero bago dun, ay dumaan muna ako sa isang coffee shop.

"Hi isang Mocha Frappe to go" sabi ko sa cashier at ngumiti siya sakin. Inabot ko yung bayad at binigay niya sakin yung order ko.

Aalis na sana ko sa coffee shop ng nakita ko si Avan na nag iisa. Umiinom siya ng kape at nakatingin sa cellphone niya. Mukhang may iniintay.

Hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng mga paa ko sa table ni Avan.

Tumingin siya sakin at mukhang nagulat pero nginitian niya ko.

"Hi" bati niya sakin.

"Uh may iniintay ka?" tanong niya sakin at mukhang nag aalinlangan siyang sagutin yung tanong ko.

"Hindi okay lang uh tinatanong ko lang naman eh. Sige, I have to go, bye!" mabilis kong sinabi sa kanya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kamay niya na hawak hawak yung kamay ko.

"Stay?" alok niya sakin at mabilis akong umupo sa harapan niya

"Sino iniintay mo?" tanong ko sa kanya.

Uminom muna siya ng kape bago niya kong tingnan at sagutin

"Sino nagbigay sayo niyan?" turo niya sa bouquet na nakapatong sa lamesa.

"Uh si Louis sabi niya pinabibigay daw ni..."

"Liam" si Avan na nagtapos ng sagot ko at tumango na lang ako.

"Sinagot ko na tanong mo, ikaw naman. Sino iniintay ko?" tanong ko uli sa kanya

"Liam" simple niyang sinabi sakin at nagulat ako dahil dito. Di ko alam na nag-uusap pa pala sila ni Liam.

"Oh..." yun lang nasabi ko bago may lumapit samin.

Bigla akong tumayo at kinuha yung flowers and yung coffee ko

"Aalis ka na?" tanong ni Avan

"Oo magpapahinga muna ko. Sige kita na lang tayo bukas" sabi ko sa kanila sabay alis sa coffee shop.

Di ko kayang makasama sila sa iisang table.

Nakarating na ko sa dorm namin at nakita si El na nakasuot ng isang green dress.

"Saan ka pupunta?" tanong ko at ngumiti siya sakin.

"Niyaya kasi ako ni Louis na makipag date" sabi niya na mukhang naeexcite. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Enjoy" sabi ko sa kanya at niyakap niya muna ko bago umalis.

Humiga na ko sa kama ko at natulog

3 WEEKS LATER

"So ba't mo naisipan na makipag kita?" tanong ko kay Avan ngunit alam ko naman kung bakit. Bukas na yung flight niya at pupunta na uli siya sa Canada... ibig sabihin makikita niya uli si Claire.

"Bukas na flight ko" sabi niya habang umupo kami sa bench na malapit sa park. Nakatingin siya sa mga bata na naglalaro sa slide at naghahabulan.

"Have a safe flight" sabi ko at nag thank you naman siya. Halatang awkward yung atmosphere namin.

"So, friends na uli kayo ni Liam?" tanong ko sa kanya at nag shrug lang siya ng shoulders.

Huminga muna ako ng malalim bago lakasan yung loob ko na sabihin lahat ng mga bagay na di ko masabi sabi sa kanya. Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko na eto na yung huling pagkikita namin ni Avan. And bago pa mahuli ang lahat, sasabihin ko yung mga bagay na di ko masabi sabi sa kanya dati.

"So ba't ang cold mo sakin?" sabi ko habang nakatingin ako sa kanya at biglang naging tense yung katawan niya. Di pa rin siya nakatingin sakin at nakafocus pa rin yung tingin niya sa mga bata na naglalaro.

"At bakit di ka makatingin sakin? Avan please" naging desperada na yung tono ng boses ko at sa wakas, napatingin na siya sakin.

"Gusto mo talaga malaman kung bakit?" sabi ko at tumango ako.

"Liam" yun yung sagot niya sakin at naguluhan ako

"Bakit?"

"Nagkakaayos na uli kayo diba? Ayoko na uli siraan relasyon niyo. Kaya yun." Paliwanag ni Avan sakin pero alam ko may tinatago pa rin siya.

"Pero kung di kami magkakaayos ni Liam? Avan, mahal mo pa ba ko?" mukhang nagulat si Avan sa tanong ko

"Please, karapatan kong malaman yung sagot mo" nagmakaawa na ko sa kanya. Napabugtong hininga siya at tumingin diretso sa mga mata ko. Hinawakan niya yung kamay ko at unti unti niyang nilapit sa bibig niya.

"Oo. Mahal pa rin kita." Inamin niya na mahal pa rin niya ko... Pero bakit pa niya babalikan si Claire? At bakit mas sasakripisyo pa rin niya yung kaligayahan niya para kay Liam?

Magsasalita na sana ako ng bigla niya yun dinugtungan.

"Pero hindi na pwede, Mich. Masyado nang complicated." Sinabi niya ng mahinahon at binitawan na niya yung mga kamay ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Maraming masasaktan" iniisip niya yung mararamdaman ni Claire at ni Liam.

"Pero pano yung nararamdaman mo?" Hindi niya sinagot yung tanong ko at bigla na lang tumayo.

"Kailangan ko na ata umalis." Tumayo na rin ako at nagulat bigla dahil bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

Umalis ako sa pagkayap niya at tiningnan ko na lang siya.

"Mamimiss kita" sabi niya at tumango lang ako. Pinipigilan ko umiyak at umalis na sa park.

Hindi ko sinabi ang mga salitang gustong gusto ko sabihin.

"Mahal na mahal pa rin kita." Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan si Avan na naglalakad palayo.

Biglang nag ring yung phone ko kaya naman sinagot ko to

"Hello?" sabi ko

"Hi Mich" boses ni Liam.

"Hey" sabi ko ng mahina

"Natanggap mo ba yung bouquet?" tanong niya sakin at tumango ako na para bang nakikita niya ko

"I was thinking if you want to go out with me? may bagong bukas na restaurant na malapit sa dorm mo; and pwede natin pag usapan kung saan ako lulugar sa buhay mo at hihingi na rin ako siguro ng sorry sayo?" sinabi niya sakin at pinunasan ko muna yung luha ko bago tumayo. Huminga ako ng malalim

"Sige see you later" sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Kinagat ko yung labi ko at naglakad na papunta sa dorm. Bibigyan ko pa ba ng isa pang chance si Liam? Pano ko siya bibigyan ng isa pang chance kung mahal ko pa rin yung taong sinaktan ako ng sobra dati? Andaming tanong ang pumapasok sa utak ko pero isa lang ang sigurado ako na dapat kong gawin at maramdaman.

Deserve kong sumaya.

-

Like I said before may epilogue pa po yung better than words! Sa mga nagshiship kay Avan and Mich, don't worry, abangan niyo na lang yung epilogue! QUESTION TIME

1. Thoughts on Liam? Tingin niyo okay lang na bigyan pa niya ng chance si Mich?

2. Thoughts on Avan leaving Mich? Okay lang ba na mas inuna niya yung feelings ng iba kaysa sa kanya?

3 Thoughts on Louis and El?

YUN LANG! OH AND VOTE AND COMMENT PO! 2O VOTES AND 15 COMMENTS FOR THE LAST CHAPTER (OMG)

-F Xxx

繼續閱讀

You'll Also Like

123K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
305K 32.3K 23
Kim X Jeon (Season I)
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.8K 258 16
AshMatt fanfic