Living with these Cute Little...

Від x1seungyounie

54.6K 1.3K 156

What would it be like when you're living with these kids? Read and find out ツ Більше

Prolouge
Characters
O1 : Meeting Minguk
O2 : Meeting Manse
O3 : Meeting Daehan
O4 : Different Reasons
O5 : Date
O6 : Funny Assistant
O7 : Jealously
O8: Friends.
O9 : Thanks
10 : Bonding with the Triplets PART 1
11 : Bonding with the Triplets PART 2
12 : Bonding with the Triplets PART 3
13 : Good News
14 : Jokes
AUTHOR'S NOTE!
15 : Babysitting
16 : First Date
17 : Love U Like U ♡
18 : To Seoul Enchanted City!
19 : They're lost?!
20 : His Past and His plans
21 : A day with him
AUTHOR'S NOTE!
22 : Jjajjang & Dangju
23 : Yoon Family
24 : Staying in his house
25 : Guilt
26 : Her First Kiss
27 : Minguk in the House
28 : Saranghamnida, Jagiya
29 : Expect the Unexpected
30 : When you look me in the eyes PART 1
31 : Letting Her Go PART 2
32 : Affected
33 : Destiny?
34 : Welcome Home, Kurt
35 : Jalgayo, eomma..
36 : His Guest
37 : Someone
38 : Minguk's Appa
39 : 지나간 (Gone)
Author's Note ツ
40 : Encounter
41 : Rest
42 : Sing for you
Author's Note
43 : ALL
44 : Awake
45 : Needles
46 : Side Effects
47 : Kim Family
48 : All about his mom
49 : Blood Donation
50 : First try
51 : Tired.
52 : Relieved
53 : Voice
54 : Invitation
55 : Truth behind the lies
56 : Broken
57 : Forgiveness
58 : He won't or he will?
59 : Left
60 : When he was gone
61 : Small talk
63 : What he wants
64 : Daehan's choice
Epilogue

62 : Hiding the pain

291 11 1
Від x1seungyounie

~~
( Jasmin's POV )

Nagring ang phone ko dahil sa snooze ng alarm. Anong oras na pala? Hindi ko namalayan na napasobra na ang tulog ko. Sobrang stress at problemado ko kasi.

Kinapa ko ang katabi kong si Daehan para tignan kung natutulog pa siya, pero wala ng nakahiga sa tabi ko. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa kaba. Nasaan na yung batang 'yun?!

Tumayo ako, siguro nasa sala siya. Hays, wag masyadong magpanic Jas, nandiyan lang siya, tiwala lang.

Nang sumilip ako sa sala, nadatnan ko siyang nakatingin na naman sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang tinitignan niya doon, basta ang pagkakaalam ko, mga halaman lang ni manang ang makikita diyan.

"Good morning baby! Ang aga mo namang nagising?"
Naupo ako sa tabi niya at inayos ang magulo niya pang buhok.

"Eomma, kilala mo ba thi Daehan flower?"
Tanong niya bigla sa akin. Napatingin ako sa bulaklak na tinuturo niya mula sa labas. Kulay dilaw ito na may kulay violet sa gitna. Maliit siya kumpara sa ibang bulaklak na kasama doon.

"Thi Daehan flower, malayo kay Lanthe hyung flower"
Tinrace niya ang salamin papunta sa isang bulaklak na mas malaki na katapat lamang nito. Magkakulay sila pero mas malaki iyon.

"Hindi magkakathama thi Daehan flower at Lanthe hyung flower kathi magkalayo thila"
Kahit na bulol siya, naintindihan ko pa din ang sinabi niya.

Even now, he's still thinking about him. Lahat na lang ng sinasabi niya, tungkol kay Lance. Parang si Lance ang magulang niya at hindi ako.

Nakaramdam ako ng selos dahil siya na lang ang iniisip ni Daehan, ako na nandito sa tabi at eomma niya, hindi niya napapansin. Kasama na nga niya ako, mas hinahanap niya pa yung wala dito.

"A-anong gusto mong gawin ni eomma flower?"
Tinuro ko ang bulaklak na katabi nung Daehan flower na sinasabi niya. Alam kong may pinararating siya sa akin, pero dito niya na lang inihahalintulad.

"Thabi ni Daehan flower, gutho niya lumapit doon kay Lanthe hyung flower. Ayaw niya malayo thila kathi nalulungkot thiya. Thana, thi eomma flower, payagan thi Daehan flower na pumunta doon, kahit thaglit lang"
Yun na ata ang pinakamahabang sinabi ng anak ko sa buong buhay niya. Ngayon ko lang siya narinig na magkwento ng mahaba. Siguro nga, ganun na lang ang nagawa ni Ravenn para sa kanya kaya siya nagbago, at nagpapasalamat naman ako doon.

"Daehannie, tumingin ka nga sakin. May itatanong si eomma sayo"
Hinarap ko siya sa akin at nakita ko ang maamo niyang mukha. Ewan ko ba, pero feeling ko lahat ng features niya nakuha niya sa appa nila ni Ravenn. Kada pagtitig ko sa mukha niya, nakikita ko ang mukha ni Ravenn at ni Mr.Kim. Sa unang tingin hindi sila magkamukha, pero kapag tinitigan mo na, doon mo makikita ang pagkahawig nila. Sadyang malakas ang genes ng appa niya hays

"Baby, kapag ba pinayagan kitang bumalik kayna hyung mo, may chance ba na hindi ka na ulit babalik sa akin?"
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. He's all I've got. Kung mawawala siya, mag isa na lang ako sa buhay kaya hindi ko kayang mawalay sa kanya. But I can't stand it when he act like this. Para bang hindi na siya ulit magiging masaya, kahit na nandito ako sa piling niya. Alam ko naman kasi na si Ravenn lang ang magpapasaya sa kanya ng sobra e, kaya kahit na labag sa loob ko, kung sa ngalan naman ng kasiyahan niya, papayag ako.

Hindi niya ako sinagot, sa halip, tumayo siya at binigyan ako ng yakap. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko, eto na yung last na pagyakap niya sakin? Bakit pakiramdam ko, mawawala siya?

"Daehan, may last wish si eomma sayo ha?"
Sabay sabay na tumulo ang mga luha ko. Nanatili akong nakayakap sa kanya dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak. Iiyak din kasi siya at ayaw ko namang mangyari yon.

"Pwede ba, kahit ngayong araw lang.. wag mo munang hanapin si Lance hyung? Pwede bang ako na lang muna ang isipin mo? Pwede bang sulitin mo tong araw na to kasama ako?"
Yes, bukas pupunta kami kayna Ravenn. Ibibigay ko na ulit siya doon sa kanila dahil alam ko namang yun ang gusto niya. Hindi ko matiis si Daehan kahit na alam ko sa sarili ko na masasaktan ako sa gagawin ko, pero desisyon kong ibigay ang kasiyahan niya, after all, I'm his mom.

"Ne, eomma"
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango sa balikat ko. I smiled, susulitin namin tong araw na to. Para kung sakaling iwan niya ako bukas, hindi na ganun kasakit, kasi kahit papaano, pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

( Third person's POV )

Kulay pink ang mga dahon sa puno ngayong araw, maliwanag ang kalangitan at maganda ang sikat ng araw. Tamang tama sa pamamasyal ng mag-ina sa isang amusement park. Hindi pa niya kasi nadadala si Daehan sa ganito kaya naisipan niyang ito na lang ang puntahan nilang dalawa.

Nakahawak lamang ang kamay nito sa kamay niya habang naglilibot libot sila. Madaming tao ang naroroon dahil na rin sa maganda ang panahon. Mayroong magkakaibigan, lovers at pamilya. Sila man lamang ang magkasama, feeling niya kumpleto sila. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi mangyayari ang gusto niya na magkaroon ng buong pamilya, dahil una sa lahat, hindi niya pwedeng ipakilala ang appa ni Daehan sa kanya. Ayaw niyang malaman nito na isang kriminal ang ama niya, baka mas malungkot lang ito.

Binilhan niya ito ng cotton candy at corndog. Mahilig kasi sa matamis si Daehan at paborito naman niya ang corndog.

"Eomma, ano yun?"
Tanong nito sa kanya habang tinuturo ang ferris wheel sa harapan nila. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench sa tapat nito. Maraming nakapila dito kahit na hapon pa lang dahil na rin sa malaki at makulay ang itsura nito.

"Ferris wheel ang tawag diyan Daehannie. Bakit gusto mo bang sumakay?"
Tanong niya dito. Secured naman ang rides na iyon kaya pwede silang sumakay doon dalawa.

"Umiikot yan eomma?"
Nagtrace ito ng bilog sa hangin na para bang umiikot. Napangiti na lamang siya sa kacutean ng anak.

"Oo, pero mabagal lang. Kapag sumakay ka diyan, makikita mo yung mga bahay tsaka building sa ibaba"
Gusto nitong maranasan man lang ng anak na masakyan ang Ferris wheel kahit na takot si Daehan sa matataas. Lahat halos ng bata, nakakaranas sumakay niyan kaya ayaw niyang mahuli ito sa mga ganyang bagay.

Nang maubos nito ang pagkain, pumila na din sila. Hindi nagtagal at nakasakay na din sila. Pinauna niya si Daehan sa loob bago siya sumunod. Tinabihan niya ito para mabantayan at maalalayan.

"Diba, hindi naman nakakatakot?"
Nakita niya kasi ang tense na mukha nito. Gusto niyang pagaanin ang loob ng bata.

"Mabagal lang ikot eomma?"
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong sumilip sa may bintana.

"Oo, kaya wag kang matatakot sa ganito ha? Brave boy ka kaya"
Hinaplos niya ang buhok nito at napatingin din sa labas. Nasa gitna pa lamang sila pero kita mo na agad ang kalahati nung amusement park.

"Eomma, dati punta kami tha ganito nila Minguk at Manthe pati thi hyung"
Pag oopen nito. Hindi niya akalaing magkukwento ito sa kanya ng nangyari nung mga panahong wala siya.

"Nawala Minguk at Manthe, pero hanap ko thila. Thaya nga e!"
Napapalakpak pa ito sa sobrang tuwa. Kapag bata talaga, tanda pa din ang mga nangyari.

"Wow. Ang bait mo naman"
Kinurot niya ng slight ang pisngi nito. Mataba kasi at makinis, nakakagigil lang.

"Eomma, bukath makikita ko thi Lanthe hyung?"
Sumulyap ito sa kanya. Nalungkot uli siya ng matandaan ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon.

"Oo, pero kahit anong piliin mo Daehannie, ayos lang kay eomma"
Kita niya sa mga mata nito ang pag aalala.

"Bakit ako pipili?"

"Kailangan mong pumili kung kanino ka sasama. Kay eomma ba o kay Lance hyung"
Napasimangot ito bigla.

"Eomma, bawal ka thama tha akin doon?"

"Hindi pwede baby"

"Wae?"

"Kasi bahay iyon ng hyung mo"
Masyado pang bata si Daehan para malaman ang lahat. Saka niya na lang ikukwento sa kanya kapag malaki na siya at kaya na nitong umintindi.

Hindi na siya ulit nagtanong pa. Paglingon nila sa labas, nasa pinakatuktok na pala sila. Sobrang ganda ng tanawin kaya nakatitig lang silang dalawa doon habang paunting unting gumagalaw ang ferris wheel pababa. Medyo madilim na sa labas kaya siguro pagkatapos nito e uuwi na sila.

Paniguradong hindi siya makakatulog nito mamaya. Magdamag niyang iisipin ang mangyayari bukas at napaparanoid siya dito.

"Daehan-ah, saranghae"
Sabi niya sa anak ng nakangiti. She'll hide the pain just for now. Ngingiti muna siya at mamaya na lang iiiyak ito. Alam naman niyang si Ravenn ang pipiliin ni Daehan kaya ganito na lamang siya kung masaktan.

"Nado saranghae, eomma"
Her heart breaks when she hear that.

Продовжити читання

Вам також сподобається

2.9K 654 138
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
9.5K 283 38
#1 Be Yourself Series Montreal High School: A School for Tough Students Revised: March 2021 - April 2021
132K 3.7K 49
A place where death is everywhere a girl who have a pure heart and a monster who killed and make people's life miserable what if they met it each oth...
38.4K 2.2K 54
D E A T H S E R I E S I I She was everyone's DEATH. He was everyone's THREAT. So when you face them both, you'll have your deadliest DEATH THREAT.