The Wedding Contract (Prologu...

De blueberrymilkshake

807K 1.1K 86

Wedding Contract 1. No skinship or physical contact, if my grandmother and the others are not around. 2. Do n... Mai multe

The Wedding Contract
CHAPTER 1
CHAPTER 3

CHAPTER 2

15K 209 9
De blueberrymilkshake

CHAPTER 2

Brian's POV

It's eight in the evening, halos hindi ko na napansin ang oras, masyado kaseng marami ang dapat gawin dito.

Wait.

"Oh sh*t! Nakalimutan ko, pupunta pala ako ngayon sa resort!"

Ini-ayos ko na agad ang mga gamit ko, at nagmadaling lumabas sa Hotel, d*mn it! Sa dinami-dami kong pwedeng kalimutan ang dinner pa namin ng lola ko, sh*t!

Bakit ba kasi pumayag ako na sa resort pa kami mag dinner? Usually pag nagdi-dinner kami ni lola, dun kami sa bahay niya, pero bakit niya naman kaya naisipang pumunta sa resort? Though it's good for her health since it's far away from the City, na kung saan exposed sa pollution, but it's a three hours' drive for pete's sake!

And after three hours of driving, nakarating na ako sa resort, it's eleven in the evening, I'm so late.

"Magandang gabi po sir Brian." bati sa akin ni Rafael at ng mga katulong.

"Gising pa bas i Lola?"

"Opo Sir, ayaw niya pong matulog hangga't hindi niya kayo nakikita."

"I see, thanks." At pumasok na ako sa loob, kung saan si lola kaagad ang sumalubong sa akin.

"Lola!"

"Hijo!! Bakit ngayon ka lang? Nag-alala ako sayo."

"I'm so sorry for being late."

"It's okay apo, alam kong busy ka lang sa trabaho." at nginitian niya ako.

"Thank you lola."

"Kumain ka na ba?"

"Not yet, I'm actually starving."

She smiled, "then let's go, pina prepare ko ang mga paburito mo."

"Awesome." hinawakan ko ang tulakan ng wheel chair niya at sabay na kaming pumunta sa dining room.

Nang makarating na kami sa table, marami ngang ipinahanda si lola, punong-puno ang lamesa ng iba't ibang pagkain, at yung mga paburito ko pa, si lola talaga.

"Kailangan mong ubusin lahat ah? sa itsura mo ngayon, habang tumatagal pumapayat ka, kumakain ka pa ba apo?" worried na tanong niya.

Nilunok ko muna yung kinakain ko.

"Don't worry lola, I'm fine. Pero hindi niyo naman po siguro papatabain itong macho at gwapo niyong apo?" pagbibiro ko sa kanya na sinagot niya naman ng isang malakas na tawa.

"Hahaha! Apo talaga kita, pareho kayo ng dad mo."

Nginitian ko naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain

"nga pala apo.."

"hm?"

"You'll be staying here for one week." utos niya na siya namang dahilan para mabilaukan ako, inabot ko ang basong mat tubig sa mesa at ininom ito.

"Oh hijo? Are you alright?"

"Ah-ahem! Lola, what do you mean I'm staying here for a week?"

"You're gonna have one week off from work."

"Ha? But-"

"No buts! Nasa room mo na ang mga damit mo, pinakuha ko sa assistant mo kanina."

"Pero pano ang co-" di niya na ako pinatapos.

"Don't worry Brian, sila na ang bahala sa company, that's why we have other employees, sinabi ko na na my vacation ka."

"Pero Lola, I can't." sabi ko, I still don't trust any of those people to take care of my company.

"No."

"Why?"

"Because it's December Brian! and I want to spend Christmas with you."

"December?? Christmas?"

"Yes, sa sobrang busy mo di mo na alam kung anong buwan na."

Of course I know what month is, this is why I'm so busy, hotels are fully booked during this seasons, and I have to do something to promote the hotel more this holiday.

"Apo, it's okay kung sa new year hindi na kita kasama, basta payagan mo sana akong mahiram ang 1 week mo para makapag pahinga at makapag relax ka."

I sighed, I can never say no to her.

"I guess wala na akong magagawa once na ikaw ang himiling sa akin." at nginitian ko siya.

"Thank you apo." She smiled.

Pagkatapos kong kumain dumeresto na ako sa kwarto ko, this is one of the private resorts that we owned and the oldest, I was still young when my parents bought this. We stay here every time we want to unwind and get away from the noisy and polluted city.

Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

"Brian!"

It reminds me of how my mom called me from this room.

Right, this place has so many memories.

"Ugh!"

I can't sleep!

Na upo ako at tumingin sa orasan ng kwarto, its 2am.

Makapag-jogging nga sa labas, tumayo na ako at naghanap ng maisusuot, all I found is a white sleeveless and a pants, is this even mine? Anyway, I don't mind wearing this.

Pagkalabas ko ilinagay ko ka agad sa tenga ang earphones at nagsimulang tumakbo.

Hindi ko na alam kung na saan ako, pero I think malapit pa rin naman ako sa resort kaya patuloy lang ako sa pagtakbo, at nung nakarating ako sa isang park naupo ako sa isang bench para magpahinga.

It's been so long nung huli akong pumunta rito, I can't even remember na may park pala dito.

Tumingin tingin ako sa paligid, madilim pa rin, after ten minutes na pagpapahinga, nagsimula na akong maglakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko mamaya na ko babalik sa resort.

Sa mahabang paglalakad, I'm just listening to some music para hindi ako ma bore, napansin ko na lang na nasa isang street na ako, hindi ko alam na may mga shop rin pala dito, maraming tao ang naglalakad sa daan, hindi ba sila natutulog? Ang mga tindahan 24 hours open, may mga restaurants, bars, game zone, at iba't iba pang shop, nagbago na ang lugar na to, sa natatandaan ko dati walang mga ganitong shops dito.

I was looking at the shops when suddenly, someone bumped me.

"Hey! Watch where you're going!"

"Pasensya na boss." sabay takbo niya palayo.

Pumasok ako sa isang convenience store para bumili ng tubig, at kahit dito, marami ring tao. Kinuha ko ang bote ng tubig sa fridge at isang chocolate bar bago nagpunta sa counter.

"Hello po sir, fifty po lahat." sabi ng cashier.

Pero nang kapain ko ang bulsa ko para kunin ang aking wallet...

Wait... What the hell?! Where's my wallet?!

That's when I remembered the guy who had bumped me! D*mn it!

"I'm sorry miss, I'm not going to take it anymore."

Agad akong lumabas sa shop, at nag baka sakaling makita ko pa ang magnanakaw, pero sa dami ng tao, hindi ko na siya nakita. Sh*t. I called my secretary to suspend all my cards, luckily, I didn't put my license there.

At pagkatapos ko lang makipag-usap sa secretary ko, namatay na ang phone, wow, I'm so d*mn lucky today!

Hindi ko alam kung na saan na ko, ang masama pa, walang dumadaang kahit anong sasakyan, mga taong naglalakad lang, sabi ng isa sa mga natanong ko, mas gusto ng mga taga rito ang maglakad kesa sumakay ng sasakyan, I tried asking for direction pero napansin kong parang pa ikot-ikot lang ako, ang gugulo nilang kausap. Kaya naupo na lang ako sa isang bench sa labas ng isang bar, nakakapagod maglakad, ang dami pang tao, kaya mabuti pang hintayin ko na lang lumiwanag, saka na ako uuwi.

"Hoy!"

Alam kong ako ang tintawag nila, pero wala akong balak na pansinin ang mga lalakeng to, lalo pa't galing sila sa loob ng bar, naamoy ko pa ang amoy ng alak at yosi na nagmumula sa loob ng bar at sa kanila.

"HOY!KINAKAUSAP KA NAMIN!!" at hinigit ako sa kwelyo nung isa sa mga lalakeng lasing.

"AKIN NA ANG PERA MO!" paguutos niya, pero hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ako sa ibang direksyon, ang baho ng hininga niya.

"BINGI KA BA?!" sigaw naman nung kasama niya.

"Please turn your head away from me. Your breath stinks." Sagot ko.

"ANONG SABI MO?!" galit na sigaw ng lalakeng nakahawak sa akin.

"Ang sabi ko, ang baho ng hininga mo."

"ANG YABANG MO AH!" itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa lupa.

So annoying. I'm so tired and thirsty, wala na bang mas mamalas pa sa araw na to?

"ANO?! LALABAN KA?!" I'm not the type of person who'll go down to their level, I admit, I should've kept my mouth shut, but I can't help it, his breath smells so bad.

"HOOOOOOOOOOY!!"

Pare-pareho kami napatigil nung makarinig kami ng sigaw. Tumakbo siya papalapit at tumayo sa pagitan namin.

"AT SINO KA NAMAN?!"

"Ah-eh haha! Bili kayo nito oh!" at iniabot niya ang mga hawak niyang pakete ng biskwit.

"Ayoko! Tabi jan." tinapik niya ang kamay nitong babae dahilan para maitapon ang ang biskwit na hawak niya.

"ARAY NAMAN! HOY! BAKIT KA BA GANYAN?! BAYARAN MO YAN!"

"AT BAKIT KO BABAYARAN YAN?! PAKEALAMERA!" at tinapak-tapakan niya pa ang mga natapong biskwit.

"HOY!!"

"YAN ANG NARARAPAT SAYO!"

"AH GANUN?! KUNG ANONG KINA-BAHO NG HININGA MO GANUN RIN ANG UGALI MO!"

She's crazy, why is she picking a fight with these hoodlums?

"ANO?!"

"SABI KO ANG BA-HO NG HI-NI-NGA MO!" and she even mouthed the words slowly.

Funny.

"INIINIS MO KO AH! KALA MO PORKE'T BABAE KA DI KITA PAPATULAN?!"

"Sige subukan mo, mamang bad breath!"

"ABA'T--" akmang hahawakan pa lang siya nang bigla siyang tumili.

"KYAAAAA!! TULONG! MAY BASTOS NA LASING PO DITO!!!!!!" at nakuha niya naman ang lahat ng atensyong hinihingi niya.

"Hoy! Binabastos niyo ba ang dalagang to?" a concerned citizen asked.

"H-hinde ah! Sinungaling yan!"

"Sa tingin niyo po ba nag-sisinungaling ako? Tinapik niya ang kamay ko kaya natapon tong tinitinda ko! Tapos tinapak-tapakan niya pa! Diba ka-bastusan yun???"

"ANO?!"

Hindi nagtagal nagsimula nang lumapit ang mga tao para tumulong, pero dahil mukhang hindi na ako ang biktima, tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko nang biglang, "halika na bilis!" nagulat na lang ako nang may humila sa akin papalayo.

"BILIS!" sigaw niya habang ako naman, naguguluhan kung bakit ako tumatakbo kasama siya.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami pareho.

"Namamasyal?" sarcastic niyang sagot.

"..."

Huminto ako sa pagtakbo at hinila ang kamay ko dahilan para mapahinto rin siya.

"Eh?"

Pinagpag ko ang kamay kong hinawakan niya.

"Arte, oh ano? Okay ka lang ba?" bigla niyang tanong.

"Do I seem like I need your help?"

"Hoy! Ikaw na nga jan tinulungan, sungit mo pa."

"I didn't ask for your help." I was about to leave when I felt a hand on my shoulder.

"Hoy teka lang!"

"What?!" What's her problem? Does she need money?

"Hindi ka ba marunong magpa-salamat?"

What?

"Like what I've just said, I didn't ask for your help."

"Ha? Eh ibang klase ka rin noh? Ngayon lang ako nakakilala ng isang katulad mo."

"Same, this is the first time I met a woman who..." should I say it?

"Na ano?"

"Nothing."

"Ano nga???"

"Never mind, by the way, wala bang taxi dito? O kahit anong sasakyan?" tanong ko.

"Hm. Wala."

"Fine." aalis na sana ko nang bigla nanaman niyang hinila ang braso ko, this girl is getting on my nerves.

"Teka!"

"What?!"

"Uhm, walang taxi dito pero matutulungan kitang makahanap ng masasakyan." At nginitian niya ako.

Weird, but why do I suddenly feel that I can trust her?

"Ano?"

"Fine."

I'm so tired, I don't even care anymore.

"May pang bayad ka?"

"Of course, but my wallet was stolen, so I'll just pay you when we get to my house."

"Naku! Luma na ang palusot na yan!"

"Kung hindi ka naniniwala, then forget it, I can go home on my own."

I was about to leave, but she suddenly stopped me again. What now?

"Oy teka! Naniniwala na ako sayo, tara na!" at muli niya nanaman akong hinila.

What the f*ck is wrong with this woman?! Why is she dragging me along like this? To make matters worse, why am I even allowing her to drag me in the first place?

Inalis ko ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak, "Stop dragging me, I can walk on my own." She just laughed.

Sinundan ko na lang siya, I don't even know why I'm following her, she might be a kidnapper or whatever but... maybe I'm just tired.

"Teka lang hah, dito ka lang hintayin mo ko." sabay alis niya at linapitan ang mga lalakeng nakatambay sa isang tindahan.

Right, she might sell me to those guys.

"Hi pogi, mag-isa ka lang ba." napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin.

"No."

"Ah ganun ba? Sino kasama mo?" sabay hawak niya sa balikat ko, if I have the energy right now, I might've pushed this disgusting woman away from me, but I'm so tired that I want to sleep the moment I get home.

"That girl" at itinuro ko yung babaeng nagdala sa akin dito.

"Oh, pwede bang ako na lang isama mo?" and then she caressed my chest. This is sexual harassment.

"Hoy! Layuan mo siya."

This is the first time I'm grateful she arrived on time.

"Ang damot mo naman!" inis nitong inalis ang kamay na nakayakap sa akin at unti-unting lumayo.

"Anong madamot? Diba may asawa ka na? Wag ka nan ngang lumandi jan!"

"hay nako! Panira! Tse!"

"..."

"Hoy ikaw! Wag ka ngang basta na lang diyan tatayo! Di mo man lang pinigilan ang babaeng yun."

"I'm too tired to do that, so what are we going to do now?"

"Too tired, inenjoy mo eh nakita ko." She whispered.

I heard it, but I didn't say anything back.

"Ah okay na, may masasakyan ka na."

"Okay then let's go."

"Okay!"

But when we got there.

"What?! Dito ako sasakay?!" inis na tanong ko.

"Oo, wala ka nang choice, yan lang ang sasakyang pwede mong sakyan dito."

"Wala na bang iba?"

It's a truck. A rusted-out farm pick-up truck that smells bad and appears to be worthy of a museum display.

"Eh kung meron edi sana hindi ito ang sasakyan natin."

Kung nagawa kong makapunta dito nang naglalakad, siguro magagawa ko ring maka-uwi nang naglalakad. I was about to leave when she stopped me again.

"Ang arte mo, sa lugar na toh magliliwanag lang pag alas siyete na, alas singko pa lang kaya madilim pa rin ang daan, sige ka, maraming mamamatay tao dito, di na ko magtataka kung makaka-uwi ka sainyo, na malamig na bangkay na, sige bye ingat ka hah!"

Yeah right! Like I would believe her! I was about to say that I'm leaving pero..

Nasaan na yun?! Nakita ko na lang na papaalis na rin siya.

Sh*t, pagod na pagod na ko, I guess I have no other choice.

"WAIT!" tinawag ko siya pero di niya ko nilingon.

"BINGI KA BA?! HOY!" she didn't even bother to look back.

"I said wait! MISS!.."

"..."

I hate to say this but,

"MISS POLKADOTS!" napahinto siya at agad napa lingon sa akin, it was the only way.

"ANO?! ANONG SABI MO?!" at padabog siyang naglakad palapit sa akin.

"Nothing."

"ANONG NOTHING?! NARINIG KO KAYA YON!"

"So, hindi ka pala bingi."

When she started blushing, I found myself amused. I'm not sure if she was embarrassed, angry, or both at the same time.

"Bahala ka jan hindi na kita tutulungan!"

"What? Why?"

"Ewan ko sayo! Bastos!"

"Excuse me, it was an accident..."

I didn't mean to see it, and I had no intention of peering at her; it just so happened that as I looked up, I noticed what was underneath her skirt.

"BASTOS!"

"... Bigla kang tumayo sa harap ko, at alam mo namang hindi pa ako nakakatayo. You should've helped me stand up first, so I wouldn't have seen it...

... It's not even worth looking at." I added.

"Anong sabi mo?! At kasalanan ko pa?! Hoy! Baka nakakalimutan mo! Hinayaan kong masira yung mga paninda ko para lang tulungan ka! Tapos gaganyanin mo lang pala ako? I feel so molested!" at niyakap niya ang sarili niya.

"You're over reacting."

"WAAAAH NANAY! BAKA HINDI NA KO MAKAPAG ASAWA! WAAAAH!"

"What? Why? It's just underwear, and don't blame others if you're unattractive. "

"WAAAAAH! TAMA NA! BASTOS! MANYAK!" and then she started kicking me.

"Hey! What the h*ck is your problem?!" She's not just nosy and annoying, she's also violent.

"TSE! BASTOS! BASTOS!"

"Will you stop kicking me?! The more you do that, the more I can see your polka-dotted panty!"

"BAT MO PA TINITINGNAN?! MANYAK!" and now she's hitting me.

"It's not my fault!"

"Kahit pa! Nagpanggap ka na lang sana na hindi mo nakita!!!!"

"Because you weren't looking back when I called you."

"Tama na nga!!!! Bat mo ba kasi ako tintawag?! Akala ko ba ayaw mong sumakay jan?!"

"Payag na ko."

"Sus, dami pang arte papayag rin naman pala."

"I have no other choice. I don't want my..family to get worried."

"Sige na, tara na!" at naglakad na kami pabalik dun sa truck, sumakay na ako at naupo sa my passeger's seat at tinawag niya na rin yung magmamaneho.

"Saan ba to?" tanong nang malaking lalake habang ngumunguya pa ng bubble gum.

"Fort's Private Resort." I said.

"Aah, madyo malayo-layo rin nga yun."

I can't believe how much time I wasted wandering about.

Bigla namang binuksan nitong polkadots girl yung pintuan.

"Hey! Do you mind?!" how annoying.

"Usog ka." Utos niya.

"What?! Kasama ka pa?!"

"Ay hinde, kaya nga kita pinapa-usog kase sasakay ako." I'm too tired to argue, kaya lumabas na lang muna ako para pasakayin siya.

This girl is getting on my nerves! Sumabay pa ang mabahong amoy ng truck at ang nakaka-inis na tunog ng makina nito na parang bang konti na lang at magsisikalasan na.

F*ck. I've already been in an accident. Maybe this time it will be the end of me.

Sigh.

First, I almost forgot my dinner date with Lola, and then I found out that I had to stay here for a week! So I had a hard time sleeping. I decided to jog to freshen up, but I ended up getting lost. My wallet got stolen by a thief, so I couldn't even buy myself a bottle of water. I also got harassed and pushed by drunkards. Now, I'm in a smelly old truck with an annoying woman beside me who wears polka-dotted underwear!

Ugh.

What great start for a vacation!

Continuă lectura

O să-ți placă și

297K 5K 24
Dice and Madisson
35.3K 3K 44
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...