My New Professor Is My Husband

Door smiledevilish

908K 19.2K 506

Ano ang magiging reaksyon mo kapag ang bagong professor mo ay ang iyong asawa? Ano kaya ang mangyayari? Subay... Meer

My New Professor Is My Husband
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12: I Love You
Chapter 13: Confrontation
Chapter 14: Her True Bestfriend
Chapter 15: Lady's Vision
Chapter 16: Text Message
Chapter 17: LQ?
Chapter 18: Unexpected
Chapter 19: Twin Side
Chapter 20: Revelation
Chapter 21: Broken
Chapter 22: Welcome Back
Chapter 23: Annulment
Chapter 24: Present
Chapter 25: Transferee
Chapter 26: Brent Justin Fajardo
Chapter 27: Good bye and Take Care
Chapter 28: All because of Her
Chapter 29: Letter?
Chapter 30: This is ...
Chapter 31: 4 moves
Chapter 32: XOXO
Special Chapter
Chapter 33: Red Lipstick
Chapter 34: Tsk
Chapter 35: One Win
Chapter 36: Indirect Kiss
Chapter 37: Bullied
Chapter 38: His Point Of View
Chapter 39: Alone
Chapter 40: The Story Behind
Chapter 41: Mathew's Side
Chapter 43: He's mine!
Chapter 44: Affect
Chapter 45: Mistress
Chapter 46: Proposal
Chapter 47: Goodbye Mathew Justin Scott
Chapter 48: Amazing
Chapter 49: Thanks Mom
Chapter 50: Nuptial
Epilogue
Promote

Chapter 42: Tears

11.5K 268 16
Door smiledevilish

Khazandra's Pov

"Kath, ano ba ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami rito sa kwarto n'ya. Hindi siya sumagot sa halip ay kinalkal n'ya ang bag n'ya at inabot sa akin ang isang paper bag.

"Gamitin mo 'yan." Utos n'ya sa akin. Napakunot ang noo ko tsaka kinuha 'yong inaabot n'ya. At sinilip iyon. WTF?

"Pregnancy test? At hindi lang isa kung hindi tatlo? Anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko. Umiling-iling siya at nagsalita.

"Kainin mo Khaz para malaman natin kung buntis ka. Tapos share mo sa akin pag nakain mo na kung ano ang lasa." Pamimilosopo n'ya. Sira ulo 'to ah. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Joke lang 'to naman. Punta kana sa CR dali para malaman natin, basahin mo nalang ang instruction kung paano gamitin. Lahat 'yan gamitin mo ah." Sabi n'ya habang tinutulak ako ng mahina papunta sa CR nila. No choice ako. Hay!

Wala na akong magawa kaya nang maisara na n'ya ang pinto ay kinuha ko na ang PT at binasa ang instruction. Sabi patakan ko lang daw ng urine.

Edi ganun ang ginawa ko. Pagkatapos ng isa ay 'yong isa naman pati na rin yung isa. Pero silang tatlo pare-pareho ng nakalagay. Inayos ko na ang sa-

"Khaz, okay na?"

"Shit naman Kath, eto na palabas na!" Iritang sabi ko. Hindi makapag antay ang loka.

Nang makalabas na ako bitbit ang tatlong PT ay agad iyong kinuha ni Kath mula sa akin at tinignan. Napahawak siya sa bibig, nanlaki ang mga mata na para bang gulat na gulat sa nakita.

"OHMYGEE Khaz! Pare pareho ang result. Walang palya ni isa." Gulat n'yang sabi. Inagaw ko sa kanya ang PT at tinignan ito.

"Oh? Anong problema eh puro dalawang guhit naman ang lumabas ah." Naguguluhang sabi ko. Napatampal naman sa noo si Kath.

"Hindi mo binasang mabuti?" Tanong n'ya, umiling-iling ako. Napabuntong hininga siya.

"Khaz, pag dalawang guhit ang lumabas meaning positive." Halos nag hi-hysterical n'yang sabi. Naguguluhan pa rin ako.

"Positive na?" Naguguluhang tanong ko. Pumamewang muna si Kath bago sumagot.

"Positive na buntis ka." Kalmado n'yang sabi

"Ah, 'yon pala so meaning positive na... OH.MY.GOSH! Buntis ako? Teka, ano? Bakit? Paano?" Taranta kong tugon. Napa paypay ako ng sarili ko gamit ang mga kamay ko. Oh Gosh! This isn't true! I'm not pregnant! I'm not.

"Teka Khaz, kalama lang, makakasama 'yan sa bata." Pagpapakalma ni Kath.

"Bata? Kaninong bata? W-walang bata rito, Kath. Hindi ako buntis, okay! Hindi talaga. Nagkamali lang yang mga PT mo. Hi-hindi yan totoo, peke 'yan." Sunod-sunod kong sabi. Hindi pwedeng buntis ako. Napaupo ako sa kama ni Kath dahil sa panlalambot. Gosh. Naiiyak ako.

Naramdaman ko namang niyakap ako ni Kath.

"Okay lang 'yan, Khaz. Pero ang tanong, sinong tatay n'yan?" Bulong n'ya. Natigilan ako saglit. Si Ma-Mathew.

"Hi-hindi ko alam." Pagsisinungaling ko at tuluyan ng naiyak. Hinigpitan lang lalo ni Kath ang yakap nya.

Kahit i-deny ko ng paulit-ulit, hindi mababago nun na buntis ako. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Mathew? Ano nalang ang sasabihin ni mommy at daddy pag nalaman nila ito. Gulong-gulo na ako plus ang kabang gumagapang sa buong sistema ko.

"Kath, sa atin muna 'to ah." Sabi ko ng makarating na ako dito sa bahay. Hinatid n'ya ako.

"Okay Khaz, kung 'yan ang gusto mo. Basta mag-iingat ka palagi ah."  Paalala n'ya. Tumango ako.

"Sige mauna na ako." Paalam n'ya.

"Ingat at salamat." Sabi ko. Ngumiti s'ya at tumaas ang bintana ng kotse nya at umalis na. Nag-wave pa ako.

Pagpasok ko sa bahay, agad sumalubong sa akin ang mga magulang ko na nagtatalo.

"Go! Leave! I don't care! Pero hindi sasama sa'yo ang anak ko! Sa tingin mo sasama s'ya sa'yo pag nalaman n'ya? Huh? Wake up, Leandro!" Sarkastikong sabi ni mommy kay daddy.

"You want this right? Why don't you just let Khazandra choose? In fact she's on the right age and I think she can decide by herself." Giit naman ni daddy. Nakita ko namang napahawak sa sintido si mommy na parang nahihirapan na at wala nang masabi.

Ewan pero bigla nanamang nag-init ang ulo ko kaya nakisawsaw na ako sa usapan nila.

"Fighting again?!" Inis na tanong ko. Napatingin sila sa akin pareho na halatang gulat.

"Why the two of you can't stop fighting?" Pag dudugtong ko pa. Napatingin sila sa isa't isa. Pero 'di maalis sa mukha ni mommy ang galit habang si daddy naman ay seryoso lang.

"Ask your dad, Khaz." Sagot ni mommy at ibinaling ang tingin sa akin. Kaya inilipat ko ang masamang tingin kay daddy. Napa iling-iling pa s'ya.

"I'm out of this!" Sagot naman ni daddy. Tumalikod na siya at aalis ng pigilan ko s'ya.

"No one is out of this dad. Stay here and tell me what the problem is." Inis kong sabi. Natigilan s'ya saglit at humarap sa akin. Napa iling ulit s'ya.

"Fine. Wanna know why?" He said in sarcastic tone na s'yang nagpainis ng husto sa akin.

"C'mon dad. Don't be sarcastic. Just go straight to the point. " Sabi ko at pumamewang. Napabuntong hininga siya.

"I- I don't love your mom anymore." Diretso n'yang sabi na s'yang ikinabigla ko ng husto.

"Wha-what do you mean?" Nauutal kong tanong at napalunok.

"I don't love her. And I want you to come with me. With my ... " hindi n'ya naituloy ang sasabihin n'ya dahil nagsimula nang humukbi si mommy. Nanginginig akong naglakad papunta sa kanya at yinakap s'ya ng mahigpit. Napa baling ulit ako kay daddy na ngayo'y hindi maipinta ang mukha sa lungkot.

"Come with your mistress? Really daddy? So you think that I'll come?" Tanong ko habang nakatingin ng masama.

Paano n'ya nagagawang tignang nasasaktan si mommy? Paano n'ya nagagawang tignang nasasaktan ako? Ganon n'ya ba kamahal ang kabit n'ya? Nagsimula ng maglabasan ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko maatim na nakikitang nasasaktan si mommy at walang pakialam si daddy.

"Khazandra, please stop calling her like that." Puno ng pagsusumamo n'yang sabi. Binitiwan ko saglit si mommy at hinarap si daddy at tinaasan ng kilay tsaka ngumiti ng pilit.

"Like what? Mistress? Tatawagin ko s'ya sa kahit anong gusto ko. Kabit, pumupatol sa may asawa, makati. At kung ano-ano pa." Sabi ko at pinunasan ang luha ko. Lalong lumungkot ang mga mata n'ya. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ako sa braso pero agad kong binawi. Agad akong nakaramdam ng hilo. Parang umikot ang paningin ko pero nanatili akong nakatayo.

"Don't you dare touch me again. Nandidiri ako sa'yo." Sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni daddy at waring hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

Hindi ko na kinaya ang hilo kaya iyon ang naging dahilan kaya ako natumba.

"Khazandra anak! Oh my gosh! What happened? Look what you've done Leandro! Pag may nangyaring masama sa anak ko ipapakulong kita kasama ang kabit mo! Mark my words. Call our doctor now!" Mga huling salita ni mommy nang masalo n'ya ako. At tuluyan na akong nawalan ng malay.

"What happened to her doc? Is she okay?" Rinig kong tanong ni mommy.

Iminulat ko ang mga mata ko. Kulay pink na kwarto. Tama nasa kwarto na ako. Napatingin ako sa pwesto ni mommy nakatalikod sya sa akin, malapit sila ni doc sa pintuan ng kwarto ko.

"Well, based on my observations madame Guevara, your daughter is just stressed. Bawal pa naman sa kanya 'yon." Agad akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni doc at napalunok.

"What do you mean, doc? I don't get it. Wala naman syang sakit 'di ba?" Alalang tanong ni mommy. Tsk!

"Congrats madame Guevara! Your daughter is one month pregnant." Nakangiting sabi ni doc.

"Oh my gosh!" Gulat na bulas ni mommy at napahawak sa bibig n'ya. Tumingin s'ya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin pero agad akong nag-iwas ng tingin, kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko at napapikit nang mariin.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

388K 7.3K 47
Sometimes being inlove wity someone is hard..lalo na kapag yung taong mahal mo ay di nakakakita ng halaga sayo..I experienced many challenges with hi...
356K 24.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
23.6K 609 20
There are 3.7 billion male species in the world but you choose to love a childish boyfriend.
78K 2.1K 28
A short story na talagang iiyak kayo❤ Sana suportahan niyo ulit 'to💛