KathNiel: Young Parents (Comp...

MissPurpleBerry द्वारा

8M 88.8K 9.6K

Kathryn: Daniel Padilla? Tssss.. nakakairitang pakinggan! Bakit? Eh kasi naman sobrang yabang na nga baba... अधिक

KathNiel: Young Parents
Chapter 1: POSITIVE!!!
Chapter 2: Julia's Birthday
Chapter 3: Visitor or Suitor?
Chapter 4: Check Up Day w/ .... Sis?
Chapter 6: It's Obvious
Chapter 7: This is it!
Take Me Now (Special Chapter)
Chapter 8: Lovebites :3
Chapter 9: Amazona?(-,-)
Chapter 10: Himala
Chapter 11: Sweet Revenge
Chapter 12: Guilty
Chapter 13: BWISITA???
Chapter 14: Phone Call
Chapter 15: Visitors :)
Chapter 16: With Padilla Sisters' Part 1
Chapter 17: With Padilla Sisters' Part 2
Chapter 18: Pool Party' Part 1
Chapter 19: Pool Party' Part 2
Chapter 20: Truth or Dare
Chapter 21: The Lioness
Chapter 22: ANGEL
Chapter 23: Dinner :)
Chapter 24: SANDATA
Chapter 25: Her Confession
Chapter 26: Official
Chapter 27: Cheesecake
Chapter 28: Farewell Party
Chapter 29: Exchange of Tweets
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: EVERYTHING
Chapter 32: Wala ngang Nangyari -_-
Chapter 33: WHO?
Chapter 34: She's here.. again.
Chapter 35: Listen Baby
Chapter 36: Surprise Visit
Chapter 37: Sya pala..
Chapter 38: Asan si Lester?
Chapter 39: Dig Deeper
Chapter 40: Valentines <3
Chapter 41: Party
Chapter 42: Kulitan ^_^
Chapter 43: JOKE
Chapter 44: Names
Chapter 45: Yanter (The Story Behind)
Chapter 46: College Plans
Chapter 47: Buhay
Chapter 48: Destiny
Chapter 49: Round 1
Chapter 50: Round 2
Chapter 51: Round 3
Chapter 52: Round 4
Chapter 53: Santa Catalina
Chapter 54: Daughter
Chaptter 55: MB
Chapter 56: Yanter (She's Back)
Chapter 57: Shallow Kisses
Chapter 58: Yanter (Park)
Chapter 59.5: Cleavage
Chapter 59.5: Heaven
The Reward (Special Chapter)
Chapter 60: Yanter (Day 1)
Chapter 61: Coincidence or Destiny?
Chapter 62: Yanter (Day 2)
Chapter 63: LQ
Chapter 64: Yanter (Searching)
Chapter 65: Yanter (Day 3)
Chapter 66: O_O
Chapter 67: Advices
Chapter 68: Halloween
Chapter 69: Unconscious
Chapter 70.5: Paghaharap
Chapter 70.5: Shocking Truth
Finale

Chapter 5: NOSE ;)

169K 1.8K 200
MissPurpleBerry द्वारा

Happy 1k reads!! :)

-----------------------------------------------------------------------

Kath’s POV:

Papunta na ako ngayon sa school. Tahimik lang akong nakasakay sa shotgun seat ng sasakyan ni Dj. Yeah, sasakyan nga ni Dj.. matapos kasi nyang malaman na buntis nga ako ay hinahatid sundo nya na ako. Sinabi ko nga sa kanya na kaya ko namang umuwi mag-isa at isa pa kung gusto ko mang magpasundo eh anjan naman si Kuya Mario (driver namin) na maghahatid at susundo sa akin. Pero he still insist na sya na lang daw dahil obligasyon nya naman daw yun bilang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Almost one week na rin matapos ang pagpapacheck up namin kay Dr. Suarez.  Pero until now hindi pa rin namin nasasabi ang totoo sa mga parents namin. We decided that we will just tell them kapaghanda na kami at pagpaplanohan pa namin ito ng mabuti. Ang akala nga lang nina Mommy eh nanliligaw sa akin si Dj, which is pinanindigan na lang namin para naman hindi sila magtaka kung bakit parating nasa bahay si Dj at may pahatid-sundo pa sa akin. Maybe you are all thinking na magkasundo na kami ni Dj.. but NO! Parati pa rin kaming nag-aaway ng unggoy na to. Pero infairness sya na lang ang nagpapakumbaba kung nag-aaway man kami which is very unusual dahil dito hindi talaga yan nagpapatalo sa asaran o anumang away.

Nakarating na kami dito sa school. Pinatay nya na ang makina at ako naman nakatingin lang sa kanya. He just give me a questioning look kung bakit ko sya tinitingnan, pero bago pa sya makapagsalita ay agad akong lumapit sa kanya..

until our faces are only inches apart..

I cupped his face with my two hands..

and quickly I ...

bite his NOSE :)

before he could react for what i did, i quickly jump off the car and hurriedly walk towards my classroom. “Why did i bite Dj’s Nose?” maybe that question is now popping in your mind, but honestly i don’t know why either? I just had this urge of kissing his nose.. His nose just looks so cute for me and i just can’t help but to stare and bite it. I really find it weird though.

As I enter the classroom, suddenly Julia & Miles run, hugged & both give me a peck on my cheeks.

“How’s the pretty preggy?” nakangiting tanong ni Julia sa akin.

“Hey! Lessen your voice Teh.. baka may makarinig sa’yo” sagot ko kay Julia

“Oopsie sorry teh”

Ngumiti lang ako kay Julia at umupo na kami sa mga upuan namin.

 ---------------------

DJ’s POV:

Nandito pa rin ako sa loob ng kotse ko, still in shock sa ginawa ni Kathryn. Why did she bite my NOSE? Honestly kanina akala ko she would kiss me, pero nabigla ako ng bigla na lang nya kagatin ang ilong ko? Ano ba nangyari sa babaeng yun? Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa salamin ng kotse ko. Agad akong lumabas ng kotse.

“Kuya bat ang tagal mo namang lumabas ng kotse mo?” tanong ni JC

“Ah, may inayos lang ako..”

“Inayos? Ano naman yun?” tanong naman ni Katsumi

“Basta.. wag ka nga usisero tol. Halina nga kayo at malelate na tayo” maglalakad na sana ako papuntang classroom ng bigla akong hawakan at pigilan ni Lester

Bigla naman akong napaharap sa kanya. Nilapit nya ang mukha nya sa akin na parang may iniimbestiga. Napansin ko na nakatutok ang paningin nya sa ilong ko.

“Tol, bakit mapula yang ilong mo?” nagtatakang tanong ni Lester

Agad ko naman syang tinulak palayo sa akin at tinakpan ko ang ilong ko. Shit! panu na to ngayon? Anong sasabihin ko sa kanila? Tsss.. bwisit talaga tong si Lester kahit ano na lang napapansin!

“Ah.. eh sinisipon kasi ako.” Pagkasabi ko nun eh akmang tatalikuran ko na sana sila pero pinigilan na naman ako ni Sed

“Teka lang tol wag ka nga dyang magwalk out.. umamin ka muna sa amin ng totoo” nakangising sabi ni Sed

“Ha? Ano namang aaminin ko?”
 

“Oo nga, ano bang aaminin nya Sed?” tanong ni Lester

“Diba kanina nakita natin ang pagpasok ng sasakyan ni DJ?” patuloy ni Sed. Tumango naman ang iba pang P5 members, habang ako naman ay nagtatakang nakatingin kay Sed

“Tapos diba napansin natin medyo matagal lumabas si Dj at Kath. Pero nung lumabas na si Kath parang nagmamadali sya, tapus hinintay natin na si Dj na ang lalabas.. pera wala. Ang tagal nya pa sa loob bago natin sya kinatok. At heto nga lumabas na sya ng sasakyan na ‘NAMUMULA’ ang ilong. Hindi kaya..” pagpapatuloy pa rin ni Sed at pinukulan ako ng makahulugang tingin

Bigla ring tumawa si Katsumi at JC. Habang ako naman eh nabigla sa mga sinabi ni Sed at si Lester naman eh naguguluhan sa mga sinabi ni Sed.

“Sed! Tumahimik ka nga! Mali yang iniisip mo no!” pagwawalang bahala ni ko sa sinabi ni Sed

Bigla namang sumingit si Lester.

“Teka, teka.. ano ba yun tol? Di ko gets eh!” naguguluhan pa ring tanong ni Lester kay Sed

“Shit! Tol! Ang slow mo naman!!!” natatawang sagot ni Katsumi

“Grabe Les.. traffic ba talaga dyan ngayon sa utak mo?” sagot naman ni JC

“Ano nga kasi yun? Paki-explain na kasi ng mas malinaw!” sagot ni Lester

“Ang ibig ko lang naman sabihin eh baka nag ‘tsup..tsup’ si Kath at DJ kaya matagal silang lumabas at tsaka kaya pumula ang ilong ni Dj! Hahaha” natatawang sagot ni Sed

“Hanep kuya ah! Pati ilong sinama? Haha” natatawa ring sagot ni JC

“Haha.. SYET!! Ang Wild bro!” dagdag pa ni Katsumi

“Mga gago kayo tol! Napaka green naman ng mga utak nyu! Dyan na nga kayo!”

 

Agad na akong tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa classroom namin. Mga loko-loko talaga tong mga kaibigan ko. Nakasunod na rin sila sa akin pero patuloy pa rin sila sa kakatawa. Bigla na lang kaming napalingon ng marinig naming sumigaw si Lester.

“Dj! Tol! Gets ko na! Hahahahaha grabe syet! Hahahaha pati ilong? Hahahahahahahahaha” natatawa at nakahawak pa sa tyan si Lester habang sinasabi to.

Nagkatinginan na lang kaming apat at napailing. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad at iniwan si Lester na natatawa pa rin.

“Shit! Ang slow talaga ni Lester kahit kelan” naiiling na sabi ni Sed

“Sinabi mo pa” sagot naman ni Katsumi

---------------

Kath’s POV:

“Ring!!”

 

Yes! Lunch break na! Kanina pa rin kasi ako nagugutom. Mabilis na akong magutom ngayon, dahil siguro sa baby na nasa tyan ko. Inayos ko na ang bag ko.. napag-usapan kasi namin nina Julia and Miles na sa labas kami kakain. Naayos ko na ang bag ko at bubuhatin ko na sana, ng biglang may kumuha dito.

“Ako na.”

Tumango na lang ako kay Dj.

“Wow! Ang sweet naman!” panunukso pa ni Miles

“Naku teh, sinabi mo pa!” sabi rin ni Julia

“Pareng Juls baka gusto mong ako na lang bumitbit ng bag mo?” pagpiprisinta ni Lester

“Naku Les, wag na.. baka mamaya pag dala mo na ang bag ko bigla kana lang mawala” natatawangsagot ni Julia

“Hoy! Grabe ka ha!” nagtatampo kunwaring sagot ni Lester

“Joke lang! Ikaw talaga di na mabiro hahahaha” natatawa pa ring sagot ni Julia

Naunang maglakad si Julia at Miles kasama ang P4. Kami ni Dj ang magkasabay sa hulihan.

“San mo gustong kumain?” tanong ni Dj sa akin

“Ahmm.. napag-usapan kasi namin nina Julia and Miles na dyan sa bagong open na restaurant kami kakain. Malapit lang dito.” Pag-aatubili ko pang sagot kay Dj

Parati na rin kasi kaming sabay ni Dj kumain tuwing nasa school.

“Ah, okay sige sasama ako” sagot ni Daniel

Tumango na lang ako sa sinabi nya.

Nakarating na kami sa parking lot ng school.

“Oh teh halika na..” pagyayaya ni Julia sa akin na sumakay sa kotse nya. Marunong na rin kasi syang magdrive

“Dito na sya sa akin pareng Juls.. sasama na rin kasi ako sa inyo eh.. okay lang ba?”

“Oh sure! Sige kita na lang tayo dun sa resto ha” nakangiti pang sagot ni Julia

Pumasok na sila ni Miles sa kotse nya.

“Eh kami tol? Sasama pa ba kami sayo?” tanong ni Lester

“Ops.. may lunchdate kami ngayon ng girlfriend ko kaya kayo na lang..” sagot ni JC

“Ako rin tol magkasama din kami ngayon kakain ng gf ko”sagot din ni Katsumi

“At syempre ako magdedate rin kami ngayon ni Anikka” sagot ni Sed

Tumango lang si Dj at umalis na sina JC, Kats at Sed.

Binuksan na ni Dj ang pinto sa shotgun seat at agad akong pinaupo. Nakaupo na rin sya sa drivers seat at si Lester naman nasa likod nakaupo.

“Hay ang hirap talagang maging single.. nagiging chaperone na lang ako sa date ng iba” sabi pa ni Lester

Natawa naman ako sa sinabi nya, gayundin naman si Dj.

Nakarating na kami sa bagong open na restaurant na yun. Nandoon na si Julia at Miles. Lumapit na kami sa table at naupo.

 -------------------

4:30 pm

 Uwian na namin ngayon at nakasakay na ako sa sasakyan ni Dj. Kasama pa rin namin si Lester dahil sasabay daw sya papunta kina Dj at tatambay daw muna sya dun.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana. Bigla kong nakita ang isang fruitstand.

“DJ, stop the car.”

 

Hininto rin ni Dj ang sasakyan pagkatapos ay tumingin sa akin.

“Why?” tanong nya sa akin

“I want green mangoes” nakapout ko pang sabi sa kanya sabay turo sa fruitstand

“Okay sige..”

Agad inilabas ni Dj ang wallet nya at kumuha na dun ng pera. Tumingin sya kay Lester at inabot dito ang pera.

“Les, pakibilhan naman dun si Kath ng isang kilong mangga oh..” utos ni Dj kay Lester

 

“Ayoko nga! Edi sya ang bumili!” sagot naman ni Lester

“Hoy Lester! Alam mong ang init-init tapus papalabasin mo sya? Panu pag nahimatay sya dun sa sobrang init?” galit na sagot ni DJ

“Wala ng init no! Hapon na kaya! Tsaka ikaw na lang kaya ang bumili? Total para naman yan sa asawa’t anak mo eh!” galit din na sigaw ni Lester

"Sige! Ako ang bibili dun ng mangga pero dapat pagbalik ko dito eh wala kana! Magtaxi kana lang! At lumayas ka sa harap ko!” pabulyaw na sabi ni Dj

“Sabi ko nga diba.. ako na nga ang bibili.. mahal na kamahalan” sagot ni Lester kay Dj

Natatawa na lang ako kay Lester. Oo nga pala.. alam na rin ng P5 ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sinabi naman sa akin ni Dj na mapagkakatiwalaan naman daw ang mga kaibigan nya kaya sinabi nya na lang dito.

 --------------------------

Kath’s POV:

Nandito na kami sa bahay. Nakapagbihis na rin ako ng pambahay na damit. Nandito kami ngayon sa garden, meron kasi ditong table. Nakaupo lang ako habang hinihintay na matapos si Dj sa pagbabalat ng mangga. Tinitingnan ko lang sya habang ginagawa ito. Heto na naman ang pakiramdam ko na gusto kong kagatin ang ilong ni Dj. Aishh.. hindi ko talaga alam pero nanggigil ako sa ilong ni Dj.. Tapos na si Dj sa pagbabalat ng mangga kaya binigay nya na yun sa akin. Ako naman takam na takam sa manggang ito na pinares ko pa sa bagoong. Habang kumakain ako eh nagbalat pa ng mangga si Dj.

“Hahahahaha” bigla kaming napatingin ni Dj kay Lester ng tumawa sya ng napakalakas

Tumingin din sya sa amin pero nagpatuloy pa rin sa pagtawa habang nakatingin sa cellphone nya..

“Hoy Lester! Anong tinatawa tawa mo dyan?” naiiritang tanong ni Dj kay Lester

“Hahaha wala tol! Sige na pagpatuloy mo na lang ginagawa mo dyan. Wag mo na akong pansinin”

Napailing na lang si Dj sa sinabi ni Lester. Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ng mangga. Biglang may kumuha ng isang slice ng mangga. Napatingin agad ako kung sino yun, si Lester pala. Ayoko sana syang bigyan kaso nga lang eh kinain nya na to agad. Psshhh.. i just throw him a death glare. Sya naman tumawa lang, pero bigla rin naglaho ang tawa nya at napalitan ito ng “mukhasim” face. Hahaha yan kasi ang takaw! Agad nyang niluwa ang manggang kinain nya.

“Shit! Ang asim! Panu mo  yan nagagawang kainin Kath?” sabi pa ni Lester

Nagkibit balikat na lang ako sabay tumawa. Biglang tumunog ang notification ng phone ko. Nagtext pala si Miles. Inopen ko kaagad ang message nya.

Oy bessy ang sweet ng Hubby mo ha and the way you look at him seems so meaningful :) – Miles

I quickly replied to her message - Ha? Bakit mo naman nasabi?

Ayiee.. deny kapa teh! Kitang kita nga sa picture na inupload ni Lester eh! – Miles

Wait picture? Saang picture naman yun? Agad kong tiningnan si Lester, busy pa rin sya sa cellphone nya. I suddenly grabbed his phone..

“oops Kath! That’s mine!” pilit inagaw ni Lester ang cellphone nya sa akin

Nagtago naman ako sa likod ni Dj para hindi nya to makuha.

“Dj! Lester is trying to hurt me and our baby!” pagsusumbong ko kay Dj

Agad namang tumingin si Dj kay Lester na pilit pa ring hinahablot ang cellphone sa kamay ko.

 

“Lester!” pasigaw na sabi ni Dj

“Tol kasalanan ni Kath! Ayan oh tingnan mo kinuha nya ang cellphone ko” pagtatanggol ni Lester sa sarili

Agad namang tumingin sa akin si Dj. Nagtataka rin sya kung bakit ko hawak ang cellphone ni Lester. Pero bago ko pa sya sagutin eh namilog ang mga mata ko nang makita ang post ni Lester sa Instagram.

Picture (Nagbabalat si DJ ng mangga while Kath is looking into his face)

Caption: Sweet Hubby habang nagbabalat ng mangga, but sweeter si Wifey nakatulala sa mukha ni Hubby!

I also scan all the comments..

Miles: Hubby? Wifey? Haha infairness sweet nga ni Hubby!

Les: Sinabi mo pa pareng Miles! Nilalanggam na nga kami dito!

Miles: Haha.. well that’s Love <3

Julia: OMG! Sweetness overload! @ocampomiles Love talaga teh? Haha Ehemmm @bernardokath Love na nga ba talaga? :)

Katsumi: Oy Kath baka matunaw brader namin ha! Haha naalala ko tuloy yung kanina.. Syet!

Les: Haha oo nga pre! ‘ilong!’

Sed: Tsk! Baka mamaya ulit mga tol? hahaha

Julia: @imsethgothico anu yang pinag-uusapan nyung ilong pre?

Sed: Oops! Secret lang to pareng Juls.. ayaw naming dumihan ang utak mo! Haha

“Shit!!” agad kong tinapunan ng death glare si Lester pagkatapos ng nabasa ko. Susugurin ko sana sya para bugbugin pero sya naman ngayon ang nagtago kay Dj.

“Teka.. ano ba nangyayari sa inyong dalawa? Kath ano bang meron sa phone ni Lester?” nagtatakang tanong ni Dj

Instead of answering him, I just handed him Lester’s phone. Agad namang tiningnan ni Dj ang cellphone ni Lester. After nyang basahin at makita ang pinost ni Lester ay agad nyang hinarap ito. Pero wala na pala si Lester sa likod nya. Nasa kabilang side na ito at halatang natatakot sa amin ni DJ.

“Lester!! bakit ka nagpost ng ganun?!” pasigaw na sabi ni DJ kay Lester

“Hehe ikaw naman tol! I am just sharing your sweet moments to everybody!” pamimilosopo pa ni Lester

Agad naman akong sumabat sa kanila ng maalala ko yung comment nina Sed about sa ilong.

“Wait! Ano yung tungkol sa ilong na pinag-uusapan nyu?” nagtataka kong tanong kay Lester.

 

“Hahahaha yun ba? Yun yung kaninang umaga na namumula ang ilong ni Dj kasi nag—

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Lester, agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Shit ka Dj! Siguro kinuwento nya sa mga barkada nya ang pagkagat ko sa ilong nya kaninang umaga. Waaaahhhh!!!!!! Nakakahiya!

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.

“Ahhh!!! I hate you DJ!! Magsama kayo ng abnormal mong mga kaibigan!” napatigil ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko

“Kath? Can I come in?” malumanay ang pagkakasabi nun ni dj

Agad naman akong sumagot sa kanya ng pasigaw “NO!”

Hinintay ko na sumagot sya pero wala na akong narinig na nagsalita pa. Kinuha ko ang unan ko na nakatakip sa mukha ko, and I was shock nang makita ko si Dj na nakapasok na pala sa kwarto ko.

Agad akong napatayo sa harap nya “What are you doing here? Diba sabi ko wag kang pumasok?!”

 

Napakamot naman si Dj sa ulo nya “Hinatid ko lang naman tong mga mangga mo oh..”

Napatingin naman ako sa hawak ni Dj. Kinuha ko agad yun at nilagay sa bedside table ko.

“Okay you can go now” mariin kong sabi sa kanya

“Ahmm Kath? Galit ka ba sa akin?”

 

“What do you think?” balik tanong ko naman sa kanya sabay ng pagtaas ng kilay ko

“Kath kung galit ka about dun sa ilong hindi ko naman talaga kinuwento yun sa kanila eh. Nakita lang nila kanina na namumula ang ilong ko kaya ayun kung ano-ano na ang inisip nilang dahilan”

Nakatingin lang ako kay Dj hanggang matapos sya sa papaliwanag nya. Ngayon nga pati sya ay nakatingin na rin sa akin. Nananatiling lang kaming nakatingin sa isa’t isa hanggang sa unti-unti nang bumababa ang mukha ni Dj sa mukha ko. Nang sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko ay agad kong hinawakan ang mukha nya at kinagat na naman ang ilong nya.

“Aaaaray!! Kath bakit mo na naman ginawa yun?”

Instead of answering him, I just stuck out my tongue to him and pushed him to go out.

“Umuwi kana! Im tired and I want to sleep!”

Nang nasa labas na sya ng pinto ay hindi ko na hinintay na makasagot pa sya. I suddenly slammed the door. Humiga na lang ako, hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto ko na kinakagat ang ilong ni Dj. Hayyyyy.. hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, siguro pinaglilihian ko din ang ilong nya. Oops! Pwede ba naman yun? Ay ewan!

---------------------------------------------------------------------------

---Grapes

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

15.5K 867 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
163K 1.2K 74
All the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro...
1.5K 81 14
A/N: Before you read this, read I Love You, Kuya Book 1 and 2 first dahil diyan nagmula si Silas. Ilang beses nang nasaktan ng lubos si Silas Marquez...
153K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...