Loving the Beast in You

Av jsusies

2M 30.2K 1.2K

(ROM/COM) What if isang araw magising ka na lang na kailangan mong pakasal sa isang pangit na lalaki to save... Mer

Asiana's Profile
I. Bankruptcy
II. Argon's Scheme
III. Meet the Shrek
IV. Suddenly... Date?
V. Dinner and Marriage?
VI. He calls the shots and she's intoxicated
VII. She said Yes .....
VIII. A not so bad marriage
IX. I've Heard it all
X. She loves the Shrek?
XI. His PSS and Her Confession
XII. He loves her,.. She loves him
XIII. His Unconditional Love?
XIV. His Present meets His Past
XV. His Promise
XVI. He Cheated... She hates him?
XVIII. What the hell is happening?
XIX. A Love worth fighting (Ending)
XX. Epilogue (final ending na)
SPECIAL CHAPTER: FRESH BUKO JUICE (SPG)
Special Chapter: Malaki at matigas

XVII. I Love You... Goodbye

71.6K 1.1K 61
Av jsusies

Pambawi sa maikling UD noong una ^_^ 

Enjoy reading..

*********************************************************************************

<ASIANA>

Kalalabas ko lang ng NAIA terminal dalawang linggo din akong nawala sa Pilipinas. Pansamantalang tinakasan ang sakit na naramdaman ko sa panloloko sa akin ng aking mahal na asawa. Hindi ko kinaya ang sakit kaya pansamantala muna akong lumayo at nagtungo sa Greece para mag-isip. Kahit paano ay na-disappoint ako na walang Argon na sumunod sa akin. Kahit paano naman ay umasa akong susundan niya ako pero walang Argon na dumating. Malungkot akong napangiti. Paano nga ba naman niya ako susundan kong may Evelyn na siya?

Pagkalabas ko ng airport ay agad akong kumuha ng taxi. Walang nakakaalam na ngayon na ako babalik. Tinawagan ko naman sila mommy para ipaalam kong nasan ako upang hindi sila mag-alala. Pero ang alam nila ay hanggang tatlong linggo ako sa Greece pero biglang nagbago ang isip ko. Maaring tanga na ako pero mahal ko ang asawa ko at hindi ko kayang mawala siya sa akin sa kabila ng panloloko niya.

“Saan ho tayo maam?” tanong ng taxi driver pagkapasok ko.

“Forbes po kuya.” Sagot ko.

Hindi ko maiwasang kabahan habang patungo sa mansion ng mga Montefalcon. Maraming katanungan sa aking isipan kagaya nang:

 May asawa pa ba kaya akong babalikan?

Kakayanin ko bang mawala siya sa akin ng tuluyan?

Makakalimutan ko pa kaya ang ginawa niya sa akin?

At higit sa lahat, mahal pa ba kaya niya ako o si Evelyn pa rin hanggang ngayon?

Ito ang mga tanong ko na hindi ko masasagot hanggang sa makaharap ko ulit si Argon.

Halos hindi na ako makahinga sa kaba nang malapit na ako sa mansion nang mga Montefalcon. Nandon ang excitement na makita ulit siya pero nandun din ang takot na baka wala na talaga akong asawang babalikan.

“Pakihinto lang po diyan kuya.” Sabi ko.

Bago pa ako makalabas ng taxi ay may pumarang sasakyan sa unahan namin at inilabas noon si Evelyn. Natutop ko ang aking bibig at nanginginig ako dahil sa iba’t-ibang emosyon na aking naramdaman. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng aking mga luha ng lumabas mula sa gate si Argon. Nakita ko ang pagdampi ng labi ni Evelyn sa labi ng aking asawa. Andun na naman ang pamilyar na sakit.

Napaiyak ako sa loob ng taxi. Alam ko na ang mga sagot sa tanong ko. Wala na nga akong babalikan pa sa bahay na ito. Obviously hindi sapat ang pagmamahal ni Argon sa akin para gustuhin niyang ako ang makasama. Hanggang ngayon si Evelyn pa rin. Nakatingin lang ako kay Argon na pareho silang nakangiti ni Evelyn na sumakay sa sasakyan at umalis. 

“Maam, bababa na po ba kayo?” tanong ng driver na may bahid pagtataka.

Umiling lang ako sa kanya habang pinupunasan ang aking mga luha.

“Taguig ho tayo kuya.” Sabi ko.

oOo_____________________

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni mommy ng yakap.

“Asiana, oohh baby bakit hindi mo sinabing darating ka. Sana ay nasundo ka namin ng daddy mo sa airport.”  Sabi ni mommy matapos niya akong yakapin.

“Mom—“ my voice broke. Hindi ko na maitago ang sakit na pinagdadaanan ko.

“Asiana what’s wrong? Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya.

“Mom si Argon, wala na siya sa akin. Hindi na niya ako mahal.” Umiiyak kong sumbong sa kanya.

Niyakap ako ni mommy. It’s what I need right now to lessen the pain of my heart. “sshhh it will be alright baby. Everything will be fine.”

I cried in her shoulder. Si mommy lang ang nakakaintindi talaga sa akin. “No mom, it won’t be alright anymore. He loved someone else, his not mine anymore and I’m broken.” I said crying.

“Don’t say that. I know Argon loves you.” She said in her most comforting tone.

I smile weakly habang pinapahid ang aking luha at kumalas sa yakap niya. “No mom, he still loves Evelyn. I saw them again today and they were—they were happy together.”

“Why don’t you let him explain first before you conclude anything.” Sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

“What is there to explain mom? I saw it—I saw them. And right now I have this terrible feeling that I’m being replaced and there is nothing I can do about it.” I sob when I remember the scene I saw earlier. My heart aches badly because of that.

“So what do you plan to do now?”

 “I will set him free. I know how much he wanted to have a child and Evelyn can give it to him and he loves her even before. I love him so much that I I want him to be happy even if it will kill me. This really sucks mom. I’m so damn hurt that it sucks.” Napahagulgol ako and again I feel my mother’s embrace.

“So ganun na lang iyon? After nang mga pinagdaanan niyo ay basta ka na lang maduduwag? If you really love him then fight for him anak.” Sulsol ni mommy.

Hindi ko siya maintindihan ako ang anak niya ako ang nasasaktan pero gusto niya ipaglaban ko pa rin si Argon. Oo mahal na mahal ko siya pero sobrang sakit na ang idinudlot ng pagmamahal na iyon.

Napailing na lang ako. “I’m tired mom, I want to rest.” Sabi ko at tumalikod na sa kanya at muling humarap nang may maalala akong sabihin. “Mom, paano ko ilalaban ang taong ayaw akong ipaglaban? Pag ganun kasi sigurado na akong uuwing talunan.” Sabi ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot. Umakyat na ako sa kwarto dahil pakiramdam ko sobrang pagod na pagod na ako.

oOo_______________________________

Alam kong namumugto na rin ang mga mata ko. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak. Habang tinitingnan ko ang kama ko iniisip ko kung magkasama ba si Argon at Evelyn. Mapait akong napangiti sa sarili ko habang pinupunasan ang luhang naglandas na naman sa aking pisngi. Noong nasa Greece pa ako naisip ko na baka may chance pa na maayos namin ni Argon ang lahat at kahit sa akin pa manggaling ang pakikipag ayos ay okay lang. Lulunukin ko ang pride ko para sa aming dalawa kaya nga umuwi ako at hindi ko na tinapos ang three weeks. Pero huli na siguro talaga para maayos pa ang lahat sa pagitan namin.

Kinuha ko ang remote ng tv at ini-on iyon para magkaroon ng ingay ang silid ko. Ayaw ko nang tahimik dahil maiisip ko lamang si Argon. Pagkabukas ng tv ay nasa cinema one pala iyon at kasalukuyang no other woman ang palabas. Napangiwi ako. Ayaw ko iyong panoorin dahil nakakarelate ako ngayon.

I switch the channel and put on my favourite music channel. I smile and feel glad nang kanta ni James Blunt ang nasa screen. He is one of my favourite singer. But my smile fade away nang marealize ko ang lyrics ng kanta niyang iyon. Napailing ako ang title ng kanta ay goodbye my lover. Di yata ay patama din sa akin ang kantang ito.

Did I disappoint you or let you down?
Should I be feeling guilty or let the judges frown?
'Cause I saw the end before we'd begun,
Yes I saw you were blinded and I knew I had won.
So I took what's mine by eternal right.
Took your soul out into the night.
It may be over but it won't stop there,
I am here for you if you'd only care.

I don’t think he will care anymore. He is happy now with the real love of his life.

You touched my heart you touched my soul.
You changed my life and all my goals.
And love is blind and that I knew when,
My heart was blinded by you.

Yeah love is blind talaga mantakin mo ma-inlove ba naman ako sa pangit. Sa isang lalaki na sa una ay nilait-lait ko lang pero ito ako ngayon at iniiyakan ang pangit na iyon. Yes Argon have changed my life in so many aspects at aaminin ko lahat ng changes ay puro maganda. Pero wala lang yata talaga permanente sa mundo kahit pagmamahal.

I've kissed your lips and held your hand.
Shared your dreams and shared your bed.
I know you well, I know your smell.
I've been addicted to you.

At miss na miss ko na siya ang kanyang halik at yakap. Ang kanyang mga mga kwento ang kanyang tawa ang lahat sa kanya.

Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.

As much as I want to fight alam kong wala na akong laban. Talo na ako. Paano mo ipaglalaban ang taong hindi ka naman inilalaban? Siguro nga tulad ng kantang ito hanggang dito na lamang kami at kailangan ko nang mag goodbye dahil siya matagal na yatang nagawang ako’y kalimutan.


I am a dreamer and when I wake,
You can't break my spirit - it's my dreams you take.
And as you move on, remember me,
Remember us and all we used to be
 

Hindi ko na kinaya ang mensahe ng kanta. My tears keep falling as I remember him and the happy memories we used to have. I remember every detail, every moment and piece of the memories with him. I let out a sigh at inilipat ang tv sa ibang channel kesa sariwain ang mga bagay sa kanya na nakakasakit lang sa akin.

 But to my dismay mga romantic movies ang pelikula at wala ako sa mood manood ng ganung tema. Inilipat ko sa ibang local na music channel at ganun na lamang ang aking tawa habang umiiyak. Kung may makakita lang sa akin baka isiping baliw na ako. Paano ba naman at nananadya yata talaga ang tadhana. Humanap ka ng panget ni Andrew E. and nasa screen kung hundi ka ba naman mabaliw lalo na sa pinagdadaan ko sa ngayon.


Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay 
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay 
Isang pangit na talagang 'di mo matanggap 
At h'wag ang lalaki na iyong pangarap 

“Mali ka Andrew E. pati pangit ngayon manloloko na rin.” Malakas kong sabi sa pagitan ng aking pagtawa at pag-iyak. Pangit na nga ang napili ko pero sa una lang ako sumaya dahil ngayon sing lungkot ng madilim na gabi ang pakiramdam ko.


Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali 
Na ikaw ay wala nang ibigay, 'di ba? 
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo 'day 
Kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak 
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak 

“Sinungaling,. Anong hindi iiyak? bwisit ka Andrew E. bakit ako umiiyak ngayon dahil sa pangit na iyon? Bwisit ka. Sinungaling ka… sinungaling ka ….. sinungaling ka.”Umiiyak at galit kong kausap sa screen ng tv habang ibinabato ko ang mga gamit ko sa aking silid. Iyon ang nadatnan na eksena ni mommy.

She hugs me tightly. “Baby tama na anak. Tama na.” naawang umiiyak na pag-alo sa akin ni mommy.

“I hate him mom. I hate him for hurting me this much but I still love him and I hate him for that. Why does he have to let me feel I was the only important woman in his life kung iiwan din lang niya ako? He betrayed me. Tinuruan niya akong magmahal at ako naman si gaga I gave him my heart but he just crashed it without a care in the world. He broke my heart into pieces. I don’t think I can still put it back together.” Umiiyak kong sumbong sa kanya. I cried and cried in my mother’s arm.

“You will heal baby. Trust mommy with that. You may have deep wounds right now which will take a lot of time to heal but nevertheless it will heal. Time is a great healer.” Sabi niya at madami pa siyang sinasabi na hindi ko na maintindihan. I was just crying hanggang sa makatulugan ko ang pag-iyak.

oOo___________________________________

I woke up in the morning feeling so alone in my old room. I sigh upon thinking of Argon. How I missed waking up with him by my side. My tears fall in an instant upon remembering the man I loved so much. Buong gabi ko ulit siyang iniyakan dahil sa paulit-ulit na eksenang nakita ko siyang kasama ni Evelyn.

Gusto ko mang bumangon ay hindi ko rin magawa. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang matulog upang hindi ko na maramdaman ang sakit. Napa-upo na lang ako at sumandal sa headboard ng aking kama. Nang tingnan ko ang aking alarm clock sa bedside table ay past ten na nang umaga.

“Asiana, gising ka na ba?” boses ni manang Luz sa labas ng kwarto ko.

“Opo nanay Luz, bakit po?” walang gana kong sagot.

“May naghahanap sa iyo sa baba abogado daw. Importante daw ang sadya sa iyo.” Malakas nitong sabi upang marinig ko.

Napakunot ang noo ko. Sinong abogado ang maghahanap sa akin? Kinabahan ako kaya agad kong tinugo ang pinto at binuksan.

“Ano daw po ang kailanga niya manang?” kinakabahan kong tanong.

“Hindi sinabi eh basta importante ka daw niyang maka-usap.” Sagot niya.

“sige sabihin mo sa kanya na bababa na ako. Magbibihis lang ako saglit.”

Tumalikod na si manang Luz nang may maalala ako. “manang sina mommy po nasaan?”

“Sabay na umalis sila ng daddy mo at may pupuntahan daw. Pinapabantayan ka nga at pakainin ka daw baka hindi ka na naman kumakain. Kaw na bata ka ang payat payat mo na.” naninitang wika ni manang Luz.

Tipid akong ngumiti sa kanya. “pakisabi nalang po sa bisita na bababa na ako. At mamang pakibigyan nalang  siya ng maiinun.” Sabi ko at agad pumasok sa kwarto para ayusin ang aking sarili.

Pagkababa ko ay agad na tumayo ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa early 50’s ang edad.

“Good morning hija alam kong hindi mo ini-expect ang pagdating ko. By the way I’m atty. Ramil Marquez.” Sabi niya at nakipagkamay. Agad ko namang inibot ang kamay niya.

“Mrs. Asiana Mo-Montefalcon” I almost choked when I said it. Hindi ko alam kong dapat ko pa bang gamitin ang apelyido ng asawa ko.

“It’s nice meeting you Mrs. Montefalcon although I’m afraid hindi maganda ang sadya ko sa iyo.” Sabi niya na may simpatya sa mukha.

“Bakit po? Ano po ba ang sadya niyo sa akin?” kinakabahan kong tanong. Hindi ko gusto ang presensiya niya at pakiramdam ko ay hindi ko gusto ang maririnig ko mula sa kanya.

May inabot siyang envelope sa akin at tumikhim muna bago nagsalita na wari ay tinatantiya ang magiging reaksiyon ko. “Pinapapirmahan po ng kliyente ko Mrs. Montefalcon.”

Nanginginig kong inabot ang envelope. “What’s this atty.?” Tanong ko at kinukuha ang mga papeles na nasa loob.

Kasabay ng pagbasa ko sa nakasulat ay ang nakakatulig na boses nang abogado. “Annulment papers po ninyo ni Mr. Argon Montefalcon.”

SHOCK. Kulang ang salitang iyon para ilarawan ang naramdaman ko. Saglit akong nawala sa aking sarili at pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan. Nag-uunahan na namang maglandas ang aking mga luha. Ganun lang ba talaga kadali iyon para sa kanya? Akala ko naiyak ko nang lahat. Akala ko ay wala nang sasakit pa sa panloloko ni Argon pero ito ay hindi ko inasahan. Andun na naman ang sakit. Wala na bang katapusan ang sakit na ibibigay niya sa akin?

“Mrs. Montefalcon--?” untag niya sa akin.

“Leave atty. Marquez. Hayaan mo muna akong i-absorb lahat ng ito.” Sabi ko habang pinapahid ko ang mga luha ko.

Nakaunawa namang tumingin siya sa akin. “okay if that is what you want.” Sabi niya at may inabot na calling card. “Tawagan mo ako kapag napirmahan mo na ang mga pape na iyan para ako na ang mag-ayos.”

Tumango na lamang ako at tiningnan siyang umalis ng bahay. Muli akong pumanhik sa aking silid at nag-iiyak. Ngayon ko iiyak at ilalabas lahat ng luha ko. Ang lahat ng sakit na dulot ng pagmamahal ko sa kanya. Sa ngayon hahayaan ko munag maubos ang aking luha.

 Ilalabas ko muna ang lahat ng sakit ng tuluyang pagkawala niya sa akin dahil bukas kakalimutan ko na siya. Bukas mabubuhay ulit ako na wala nang Argon na iisipin. Bukas pipilitin kong ngumiti at maging masaya para sa kanya. Bukas ay ibibigay ko na ang kalayaan na hangad niya kasama ang babaeng talagang mahal niya at iyon ay gagawin ko dahil sa mahal ko siya.

oOo_____________________________

Ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga empleyado ni Argon nang pumasok ako sa AGC. Simula ng ikinasal kami ay hindi na ako tumuntong sa kompanya niya at hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin ako sa ganda ng structure nito.

“Di ba si maam Asiana iyan? Ang asawa ni Sir Argon.”

“Ang ganda pa din niya.”

“bakit ngayon lang siya pumunta dito ulit?”

“Iyan ba ang asawa ni Sir Argon, ang ganda pala.”

Iyan ang ilan sa mga naririnig kong sabi ng mga empleyado niya. Sino nga ba naman ang hindi magandahan sa akin. I have a sophisticated face at magaling ako magdala ng damit. Nakasuot ako ng blue neck skater dress na hindi umabot sa tuhod ang haba na pinarisan ng aking stylish jimmy choo stiletto. At hindi ko kinalimutang mag-suot ng itim na sunglass na halos matakpan na ang aking mukha sa laki nito. Sinadya ko itong isuot upang itago ang namumugto kong mga mata

Mahigpit na kipkip ko ang envelop na naglalaman ng annulment paper namin ni Argon. Napirmahan ko na rin ito kanina bago pa ako umalis ng bahay. Labag man sa loob kong pumirma pero ginawa ko pa rin dahil ayaw ko nang pahirapan si Argon. Tinungo ko ang elevator na maghahatid sa akin sa pinakataas ng building kong saan sakop siya nag oopisina.

Kinabahan ako ng malapit na ako sa floor niya. Masokista nga siguro ako dahil imbes na sa abogado ko nalang ito ibigay ay mas gusto kong personal na ibigay sa kanya. For the last time I want to see him. Kahit gaano pa kasakit na ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya ay mas gugustuhin ko pa rin siyang makita kahit sandali lang.

Agad akong lumabas ng elevator at kahit parang tinatambol sa kaba ang puso ko ay pinilit kong maglakad ng maayos. Agad kong nakita si Lanie na naka-upo sa mesa niya at may tinitipa sa computer. Naramdaman marahil niya na may ibang tao kaya nag-angat siya ng tingin. Her smile freezes ng makita niya ako at para siyang namutla.

“maam Asiana.” Kinakabahan niyang sabi.

“Is-is Argon inside?” tanong ko.

“Yes—No. I mean maam ano kasi.” Napakamot siya sa batok.

 I find it weird pero alam kong nasa opisina si Argon. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Agad akong pumasok sa opisina ni Argon without knocking at huli na para magsisi ako. Akala ko tanggap ko na pero masakit pa din pala kahit gaano ko pa inihanda ang sarili ko.

Pinigilan kong umiyak nang mga sandaling iyon habang nakatingin kay Evelyn na nakakandong kay Argon. I put a smile and I silently thank my sunglasses for hiding the pain in my eyes. Nakita ko rin ang pagkabigla ni Argon na makita ako pero saglit lamang iyon dahil agad niyang nabawi ang composure niya. Agad siyang tumayo sa pagkaka-upo at naglakad palapit sa akin hanggang sa magkaharap na kami at isang dipa na lang ang layo niya mula sa akin.

God how I missed him. Masasabi ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya at gusto kung itapon ang sarili ko patungo sa kanya at magpakulong sa kanyang mga bisig. Pero alam kong hindi na kami tulad ng dati. Wala na ang Argon na dati ay halos sambahin ako.

“What are you doing here?” he said coldy.

I feel that familiar pain sa uri ng coldness na pagtanggap niya sa akin. I clear my thought and reminded myself not to cry infront of him. Ayaw ko namang magmukhang kaawa-awa sa harap nila ni Evelyn. Atleast pride na man lang ay matira sa akin.

“I just came here to personally give you this.” Sabi ko sa kanya habang inaabot ang envelope.

Kunot-noo naman niyang inabot sa akin ang envelope habang matamang nakatingin sa akin. He is looking at me as if he is trying to read me pero alam kong wala siyang makukuha. I remain my poker face and the sunglass is helping me doing a great job masking my emotion.

“What’s this?” tanong niya ng makuha mula sa kamay ko ang envelope.

I bit my lips bago ako nagsalita. “Annulment paper natin.” Mahina kong wika. “ I already signed it kaya ikaw na ang bahalang umasikaso niyan alam kong mas mapapadali iyang maayos with all your connections. I will be leaving to Florida tonight and I’ll be staying there for good. I just came here to say goodbye.” Sabi ko sa kanya.

At bago pa ako traydorin ng aking sarili ay agad na akong tumalikod at hindi ko na siya tiningnan.

I love you Argon but goodbye I said to myself

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

162K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
812K 13K 60
Skyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and wor...
1.7M 26.9K 42
What will you do if you found out na yung taong matagal mo nang kinakalimutan ay biglang babalik sa iyong buhay ehh ang feelings mo pa naman sakanya...