Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Serialsleeper által

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Több

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XI : If I were you, I'd run like hell

94.5K 4.1K 4.8K
Serialsleeper által


CHAPTER XI:

If I were you, I'd run like hell

DANA'S POV


"So long Botany!" Bulalas ko sabay sara ng laptop ko. I don't know why but I feel so relaxed after finishing my term papers and answering the online examinations my teacher prepared for me as a way to make-up for my absences. Aside from Cielo, science has always been a very good friend of mine—Sort of a stress reliever and I don't know why.


Napatingin ako sa sofa kung saan ako nakasandal at nakita kong nakahiga na rito si Pip na himbing na himbing na sa pagtulog. I've never liked kids since I'm an only child, but it's kind of fun to have someone to take care of.


Pip is the youngest son of the mayor. He's spoiled since birth and I'm pretty sure he was born with a silver spoon in his mouth. For sure he's not cut out to sleep on the sofa kaya tumayo na lamang ako para kargahin siya.


"Ako na."


Napabuntong-hininga na lamang ako nang bigla akong inunahan ni Wacky. May maliit siyang ngiti sa kanyang mukha na animo'y nagmamayabang kaya pabiro na lamang akong ngumiwi. I can't help but to recognize his clothes, it's the same as what he wore when we were being chased off by the skunks—Army green jacket, black shirt and adorably colorful socks. Unlike back then, his clothes no longer have blood or mud.


"Don't you dare drop him Wacky." Pabiro kong pagbabanta habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Pip na ngayo'y nakapatong na sa balikat niya habang yakap ito.


"Wala akong gagawing ikakapahamak niyo... ikapapahamak mo." Sabi niya at nang magtama ang mga tingin namin ay nalito ako... there was something with eyes... he seemed torn...sad.... suffering. I mean, his little gentle smile is there pero parang may mali.


Naninibago ako sa inaasal niya pero kahit ganun, kahit loko-loko si Wacky at parang siraulo, I know that he was a good person. I'm not sure kung ilang araw kaming nagkasama sa bangungot na iyon pero sapat ang mga nasaksihan ko para masabi kong mabuti siyang tao. Behind his crazy, perverted and childish actions lies a gentle personality with principles and undeniable care for the people around him.


Habang pinapanood kong umakyat si Wacky sa hagdan habang karga si Pip ay iba ang nararamdaman ko. Para akong nalulungkot na natutuwa na ewan. I mean seeing Wacky care for Pip is so cute that it gives me such a warm feeling but the way Wacky's eyes met mine, pakiramdam ko may mali.


Pumunta na lamang ako sa kusina at niligpit ang mga pinagkainan namin ni Pip. Naalala kong may bine-bake pa nga pala akong cake kaya naman agad kong nilapitan ang oven at pinagmasdan ang timer nito.


"Dana mali ako... Maari ko kayong masaktan."


Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko at kinukulong ako sa isang mahigpit na yakap. Mabibigat ang hininga at maiinit ang mga kamay, nanibago ako sa Wacky at sa ipinapakita niyang emosyon. Oo nga't nakita ko na siyang malungkot at nagluluksa pero iba 'tong pinapamalas niya ngayon. Niyayakap niya ako sa likuran at nakabaon ang mukha niya sa balikat ko pero sa kabila nito ay damang-dama ko ang matindi niyang kalungkutan.


"No you won't." Bahagya akong tumawa at ginulo ang buhok niyang malapit sa pisngi ko. Imbes na bumitaw ay lalo lamang humigpit ang yakap niya sakin dahilan para lalo kaming maging magkadikit. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya kaya agad ko itong hinawakan ng higpit.


Hindi ko alam bakit pero may kung ano sa sarili kong umuudyok sakin na yakapin siya kaya bahagya kong ipinaglayo ang mga braso niyang nakapulupot sa akin at sa pamamagitan ng maliit na espasyo ay umikat ako paharap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang magkabila kong palad.


"Wacky, wacky tingnan mo ako..." Dahil nakayuko ang ulo niya ay inudyukan ko ng dahan-dahan ang mukha niya upang umangat, sapat para magkatitigan kami.


Labis akong nasaktan nang mapagtanto kong lumuluha na pala siya. Bakas ang labis na hirap na kanyang nararamdaman at mukhang may napabigat siyang inaalala.


"Kahit na ano man 'yan, andito ako okay? Papakinggan kita." Paalala ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang mga kamay kong humahaplos parin sa mainit niyang mga pisngi.


"Ayokong saktan ang kahit na sino sa inyo. Ayokong masaktan ka, ayokong masaktan kita." Aniya habang tinitigan ako pabalik. Wala akong ibang nakita sa kanyang mga mata kundi matinding lungkot at sinseradad.


"Edi 'wag mo akong sasaktan," Bahagya akong tumawa para gumaan man lamang ang tensyon sa pagitan naming dalawa, "Mabuti kang tao, alam ko 'yon at hinding-hindi ka gagawa ng kahit na anong masama sa amin." Sabi ko na lamang.


"Pero siya kaya niya." Sabi pa ni Wacky at ipinaglapit ang mga mukha namin sa pamamagitan ng pagdikit niya sa noo ko. Dahil mas matangkad siya kesa sa akin ay kinailangan pa niyang bahagyang yumuko. Nakita kong pumikit siya at pumatak pa ang luha mula sa mga mata niya.


"Sino?" Tanong ko.


"Dana hindi ko siya kayang pigilan." Nag-aalala niyang sambit kaya lalo pa akong naguluhan.


"Wacky ano bang problema?" Tanong ko ulit habang hawak parin ang mga kamay niya pero hindi na siya sumagot pa. Nanatili lamang magkalapit ang mga mukha namin habang binabalot kami ng masidhing katahimikan.


Weird. Being this close to him is really really weird but I can't deny the fact that I'm comfortable with this. Wacky may not be my favorite person in this world but I really like being around him. I feel comfortable with him lalo na ngayon, sa mismong sandaling 'to.


Namalayan ko na lamang na naglalapat na ang mga labi namin. Malalalim ngunit marahan ang mga halik na ipinapamalas niya at taos-puso ko naman itong tinutugunan. Nakahawak na siya sa bewang ko at nakapulupot naman ang braso ko sa leeg niya.


Wacky isn't the first guy I've kissed. I mean, I've had my teen flings before, pero ito... Itong sa amin ni Wacky, iba ang nararamdaman ko rito at iba ang nararamdaman ko sa kanya.


Sincere; that's the only word I could only come up to and be sure of right now.


Sa lalong paglalim ng pagpapalitan namin ng halik ay napapasandal na ako sa pader. Habang humihigpit ang yakap niya sakin ay napapahaplos naman ako sa batok niya. Unti-unting naghiwalay ang mga labi namin at muling napasandal ang noo namin sa isa't-isa. Habang kapwa marahang sumisinghap ay nanatili kaming nakatitig sa mga mata ng isa't-isa.


"Mapapatawad mo pa kaya ako?" Aniya kaya at unti-unting hinawakan ang magkabila niyang pisngi.


"Wala kang ginagawang masama okay? You're a good person." Sabi ko at bahagyang ngumiti.


"Dana hindi ko na alam anong gagawin, hindi ko na siya kayang pigilan, naliligaw na ako." Sa sinabi niyang iyon ay biglang pumatak ang luha ko at hindi ko alam kung bakit.


"Ang boses mo lang gubagabay sakin. Pinipilit kong hanapin ang daan palabas pero unti-unti akong nilalamon ng kadiliman. Dana, pinapakinggan ko ang boses mo pero natatakot akong dumating ang pagkakataong hindi na kita marinig at tuluyan siyang manaig." Dagdag pa niya kaya pakiramdam ko'y lalo pang dinudurog ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya pero ang alam ko lang, nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nagkakaganito.


"Listen to me, you idiot, please listen to me." Marahan kong pinunasan ang luha sa pisngi niya, "Minsan maliligaw tayo pero lagi nating matatagpuan ang daan pabalik."


"Ang boses mo, gusto kong marinig lagi ang boses mo." Sabi pa niya.


"And so you will." Pabiro kong sambit, "Tigilan mo nang mag-isip ng masama okay? Hindi mo ako sasaktan at hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasakit sa amin. You care for us right?"


Tumango-tango siya at ngumiti bagay na nagpagaan ng pakiramdam ko, "Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo. Gagawin ko ang lahat nang hindi ka niya masaktan kahit kapalit pa nito ang buhay ko."


"Wait what—" Natigil ako sa pagsasalita nang muling lumapat ang labi ni Wacky sakin. Nadadala ako sa bawat halik niya at napapatugon ako ng kusa. Sa gitna ng paghahalikan namin ay nauulinigan ko ang pagtunog ng oven pero hindi ko ito pinapansin. Imbes na bumitaw ay humawak pa ako lalo sa batok niya at mas lalo naman niya akong niyakap palapit sa kanya.



"Dana! Come down here and eat dinner!"


Napadilat ako't napasinghap. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakahiga parin ako sa kama at wala akong ibang nakikita kundi ang mga anchor stickers na idinikit ko sa kisame. Nakita kong hawak-hawak ko parin pala ang hair blower kaya dali-dali akong napaupo at nakita ang hitsura ko sa salamin—Nakasuot parin pala ako ng bathrobe at may tuwalya pa sa ulo. I checked my alarm clock and it's almost 8 in the evening.


"That was one weird dream..." Napahawak ako sa labi ko. Para akong tangang nanatiling nakaupo sa kama at nakatitig sa sarili kong repleksyon. Ewan ko ba pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lecheng panaginip 'yon, sa lahat-lahat si Wacky pa. He looks like a walking perfection pero no thanks coz I know he's an idiot. Bwisit na panaginip, si Wacky pa talaga huh?


"Dana ba't hindi ka pa nakabihis?! You'll get a cold!" Bulalas ni Mommy nang bigla niyang binuksan ang pinto at naabutan akong parang tanga paring nakaupo sa kama.


"Huh?" Napaawang na lamang ang labi ko.


"Ba't ang pula-pula mo? May lagnat ka ba?" Sabi ni Mommy at agad akong nilapitan sabay haplos ng noo ko kaya naman dali-dali akong umiwas.


"Mom I'm okay. I accidentally fell asleep." Sabi ko na lamang dahilan para mapabuntong-hininga siya.


"Dana, nag-aalala ako sa'yo. Ika-cancel ko nalang ang trip namin ng Daddy—"


"Mommy naman! You've been planning this trip since last year, I'm just tired but I'm going to be okay I promise." Giit ko sabay taas ng kamay ko bilang pangangako.


***


I don't usually wear my bra at night lalo pa't andito ako sa bahay pero sa sobrang lamig na nararamdaman ko'y hindi na ako nagdalawang-isip pa. These past few weeks have been incredibly cold—literally. I don't know why pero lagi akong nilalamig kahit tirik pa ang araw. I'd always have to wear my jacket kahit wala namang umaandar na aircon o electric fan.


After I blow-dried my hair, I opened the closet and grabbed my navy-blue tank top and trusted denim jacket. I tried looking for my university-issued jogger pants to no avail, because I'm cold I don't want to wear shorts either so I decided to wear my jeans instead. I feel so cold that I even grabbed my pink blanket too. Its funny how this blanket was with me when my parents became skunks, I mean instead of my phone, this blanket was with me. Yun nga lang ito rin ang kumot na ginamit naming panakip para sa bangkay ni Mira matapos siyang pugutan ni Raze ng ulo.


I expected my Mom to get mad at what I'm wearing pero nagtaka ako kasi para pa siyang natuwa. I also expected na maabutan ko si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin sa sala kasama ang mga bagahe nila kasi ngayon ang scheduled flight nila for Australia. But aside from baggages, I saw a little boy with them; he even has this big grin on his face while waving at me.


Mom grabbed me to the kitchen and explained things. Turns out, hindi pa nakakauwi ang parents ni Pip dahil sa isang out-of-town outreach event at aabutin pa daw sila ng isang araw doon. Nagsasawa na daw si Pip sa nanny niya at gustong ako naman ang mag-babysit sa kanya kaya tumawag pa daw mismo ang mayor para makiusap kay Daddy. Siyempre pumayag si Daddy kasi ibig sabihin din nun ay magkakaroon rin ng security dito at kasali akong mababantayan habang nagbabakasyon sina Mommy at Daddy.


"Dana, can you really take care of yourself while we're away?" Paniniguro ni Mommy kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.


"I'm a lot stronger now. I can take care of myself." Paniniguro ko.


****


"What the heck are they doing?" Hindi ko mapigilang mapangiwi nang sumilip ako sa bintana at makita ko ang dalawang security guard ni Pip sa tapat ng gate namin. Nakatambay ang dalawa sa labas ng sasakyan at pachill-chill lang habang nagtatawanan. I mean, it's okay to have fun on the job pero naninigarilyo kasi silang dalawa tapos ang isa ay umiinom pa ng alak. How incompetent.


"Dapat sina Mang Franco ang nagbabantantay sa'yo. Buti pa sila, matitinong guwardya." Sabi ko sabay tabi kay Pip sa sofa. Abala siya sa panonood ng Phineas and Ferb, nagma-marathon ang Disney.


"They're guarding my Dad." Sambit ni Pip habang hindi tinatanggal ang mata niya sa tv. Enjoy na enjoy siya sa pinapanood habang kinakain ang pie na iniwan sana ni Mommy bilang dessert ko sana. Ang liit ni Pip pero ang takaw-takaw. I'm not a patient kind of person pero natatagalan ko naman si Pip. Kahit kasi makulit at spoiled, halatang disiplinado ang bata.


"Hey, want me to bake you a cake?" Tanong ko at masigla naman siyang tumango-tango.


"Smoothie and Muffin din!" Aniya.


"May isang smoothie sa ref and it will be mine!" Panunuya ko pero siyempre para sa kanya iyon. Sa isang iglap ay bigla kaming nag-unahang magtakbuhan patungo sa kusina.


Nakaupo si Pip sa counter habang iniinom ang smoothie, Isa-isa kong inihanda ang mga ingredient. Para hindi siya mabagot, tinuruan ko siya at pinasubok sa pagbiak ng mga itlog at paghahalo-halo ng mga ingredients. Habang nagkakatuwaan kami sa pagbe-bake ay bigla na lamang tumunog ang doorbell.


****


THIRD PERSON'S POV


"Bwisit!" Napamura si Church ng ubod ng lakas nang bigla na lamang huminto ang sasakyan at mapagtanto niyang naubusan na siya ng gas.


"Dana, shit naman Dana sagutin mo." Muli, sinubukan niyang tawagan si Dana ngunit hindi ito sumasagot kaya naman pinadalhan na lamang niya ito ng text message.


Dahil aligaga at hindi na mapakali sa di malamang dahilan, kinuha na lamang ni Churchill ang backpack na nasa kanyang tabi at dali-daling lumabas ng sasakyan at nag-abang ng kahit na anong masasakyan patungo sa tahanan ni Dana.


****


Nang makarating sa subdivision ay tinakbo na lamang ni Churchill ang natitirang distansya. Hingal na hingal at tagaktak ang pawis, halos madapa si Church nang tuluyang makarating sa tapat ng bahay ni Dana.


"Dana!" Sigaw ni Church at paulit-ulit na pinagpipindot ang doorbell sa bahay nito.


"Sandali!" Bigla namang umalingawngaw ang boses ni Dana kaya tumigil na lamang siya sa pagpindot.


Napaatras si Church at isinandal ang magkabilang palad sa tuhod. Makaraan ang ilang sandali ay napansin niyang bahagyang nakabukas ang gate kaya imbes na maghintay ay dali-dali na lamang siyang pumasok.


Akmang bubuksan na ni Churchill ang pangunahing pintuan ng tahanan nang bigla itong bumukas at tumambad sa kanyang harapan si Dana.


"Oh my G—Church you scared the crap out of me!" Natawa si Dana sa gulat nang magkasalubong silang dalawa ni Churchill sa pangunahing pintuan ng bahay. Nanatiling nakahawak ang dalaga sa doorknob ng pintong bahagya lamang nakabukas.


"D-dana makinig ka sa'kin." Napalunok si Church na animo'y hindi makapagsalita dahil sa labis na pagod, "May mali, may mali." Natatarantang sambit ni Churchill na sa sobrang kaba ay hindi halos matapos ang sinasabi.


"May mali saan?" Naguguluhang sambit ni Dana na hindi naring maiwasan mag-alala para sa kaibigan.


"K-kay Wacky! Si W-wacky habang—" Sa isang iglap ay biglang bumukas lalo ang pintong nasa likuran ni Dana at biglang dumungaw rito ang nakangising pagmumukha ni Wacky.


"Oh andiyan ka pala! Anong mali sakin?" Tanong ni Wacky na animo'y nanunuya. Nakatayo ang binata sa likod ni Dana dahilan para agad manlaki ang mga mata ni Churchill sa sobrang gulat at takot.


"Churchill, you okay?" Nag-aalalang sambit ni Dana.


Papalit-palit ang tingin ng gulat na gulat ni Churchill sa pagmumukha nina Dana at Wacky. Dahil labis na natatakot ay pinilit na lamang ni Churchill ang sarili na ngumiti kahit bakas na bakas parin ang takot at ngiwi sa kanyang pagmumukha.


"M-may mali si Wacky! K-kasi," Labis mang nautal, pinilit ni Churchill na maghanap ng palusot, "Mali ang pangalang sinulat niya sa log-book! Ang bobo bobo mo talaga kahit kailan Wacky!" Sabi na lamang ni Churchill at taas-noong pumasok sa loob ng tahanan ni Dana at nilagpasan pa ang dalawa.


Habang naglalakad papunta sa sofa at nakatalikod mula sa dalawa, napapikit na lamang si Churchill sa sobrang takot sabay kuyom ng kanyang kamao.


***


Sa sobrang takot at kaba ay hindi halos makagalaw si Churchill lalo pa't katabi lamang niya si Wacky sa sofa. Nanatili siyang nakatitig sa sahig, nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga kamay. Samantalang si Wacky naman ay pangisi-ngisi lamang habang nanonood ng telebisyon.


"Churchill nakita mo ba yung security ni Pip sa labas?" Tanong ni Dana kaya umiling-iling na lamang si Churchill.


"Inubos ni Pip yung favorite mo na smoothie na gawa ni Mama. Gusto mo yung cake nalang na binake namin?" Naguguluhang sambit muli ni Dana kay Churchill.


"A-andito si Pip?" Tanong ni Churchill na animo'y lalong mas tumindi ang pag-aalala. Sa puntong ito'y nagawa na niyang mapatingin sa mga mata ni Dana.


"I'm babysitting him." Sagot na lamang ni Dana.


"Pwedeng-pwede ka na talagang maging nanay! Gusto mo, ako ang tatay?" Natatawang sambit ni Wacky na binalewala na lamang ni Dana sa pamamagitan ng pag-irap.


"P-paano na ang project?" Kaswal na bulalas ni Churchill bagay na lalong ipinagtaka ni Dana.


"Tinext ko sa'yo yung details!" Sa sobrang kaba ay hindi na napigilan ni Churchill na mapasigaw bagay na ikinabigla ni Dana.


"D-dude calm down, I left my phone in my room." Sabi na lamang ni Dana.


"D-dana, kunin mo ang cellphone mo at basahin ang details... Please. Dana, please." Kaswal na pakiusap ni Churchill habang mariin ang titig sa mga mata ni Dana. Naguguluhan man, natagpuan ni Dana ang kanyang sarili na tuma-tango.


"Sama ako sa kwarto!" Biglang nagtaas ng kamay si Wacky habang may malapad na ngiti.


"No!" Magkasabay na bulyaw nina Dana at Churchill.


****


Napabuntong-hininga si Dana nang maisara ang pinto ng kanyang silid. Dali-dali siyang humarap sa kanyang salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Napangiwi na lamang siya dahil sa labis na dismaya nang mapansing namumula ang kanyang pisngi at namumutla ang kanyang labi.


"It's just a dream. Stop being weird around Wacky." Mahina ngunit paulit-ulit na sambit ni Dana habang tinatapik ang pisngi gamit ang magkabilang palad.


"He's Wacky. For God's sake, he's Wacky. You don't have feelings for him so stop beating so hard." Muli, mahinang sambit ni Dana at napahawak sa kanyang dibdib.


Dahil hindi na mapakali, kinuha na lamang ni Dana ang pulang lipstick mula sa maliit na tokador at nilapatan ang kanyang labi. Matapos maitago ang pamumula ng kanyang pisngi ay itinali na lamang niya ang kanyang buhok, at muling pinagmasdan ang sariling repleksyon.


"Madami ka pang problema okay? 'Wag ka munang—" Natigil si Dana sa pagsasalita nang mula sa repleksyon ay makita niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang kama. Dahil naguguluhan ay agad niyang tiningna ang kanyang cellphone at labis siyang naguluhan nang malamang napakaraming beses siyang tinawagan ni Churchill.


"What the heck?" Agad na lumabas si Dana ng kanyang silid habang nakatitig parin sa kanyang cellphone.


Binuksan niya ang isa sa mga mensahe ni Churchill habang bumababa ng hagdan.


Habang nasa kalagitnaan ng mga baitang ay napako siya sa kinatatayuan nang mabasa ang isa sa mga ito.


From Church:

MAY SUMANIB KAY WACKY! HINDI NA SIYA SI WACKY! BAKA MASAKTAN NIYA TAYO KAYA WAG MONG SASAGUTIN ANG MGA TAWAG NIYA AT WAG MONG HAHAYAANG MAKALAPIT SIYA SAYO! DANA LAYUAN MO SI WACKY!!!


Nanlaki ang mga mata ni Dana sa sobrang gulat lalo na nang biglang bumalik sa isipan niya ang nangyari kay Wacky sa katedral at ang mga binitiwang kataga ng binata nang mapanaginipan niya ito. Tila ba bigla siyang naubusan ng lakas dahil sa sobrang gulat at takot dahil sa napagtanto, biglang nanginig ang kanyang mga kamay at nabitawan ang kanyang cellphone. Aligaga man, tinangka niya itong pulutin ngunit bigla niyang napansin sina Wacky at Churchill na nakaupo sa sofa.


Hindi namalayan ni Dana na nakatayo na pala siya sa baitang kung saan maari na siyang makita nina Churchill at Wacky mula sa sofa. Napalunok na lamang si Dana nang makitang ngayo'y nakatingin na sa kanya sina Churchill at Wacky.


Sa sobrang kaba ay dali-daling pinulot ni Dana ang kanyang cellphone at sa huling pagkakataon ay napalingon sa direksyon ni Churchill.



END OF CHAPTER 11!

Author's Note: Comments are highly appreciated haha :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Olvasás folytatása

You'll Also Like

Runaway Reynald által

Rejtély / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...
1.7M 99.5K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...