Surrender

بواسطة sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... المزيد

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 50

135K 2.9K 244
بواسطة sweet_aria

Chapter 50

Umupo si Phoenix sa aking tabi at pinagmasdan ang mukha ni Preston. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi.

"I'm sorry if I wasn't there when you were born..."

Tumungo ako.

"But don't worry... starting today, daddy would never leave you."

Muli ko silang tinignan. Nakadikit ang kanyang ilong sa ilong ni Preston at may matamis na ngiti sa labi. Naglikot si Preston.

"P-Phoenix?" Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Please, wag mo siyang kunin sa akin." Humikbi ako at hinawakan ang kanyang braso.

His smile was altered by seriousness. Bumagsak ang mga mata niya sa aking kamay.

"I'm going to get him, Millicent. I have a right on him."

Nanginig ang aking mga kamay. Inalis ko ito sa kanyang braso, tumayo ako.

"I want my son to have my surname. He deserves it."

"Hindi ako makapapayag na basta-basta mo na lang siyang ilayo sa akin!" Inagaw ko sa kanya si Preston at bigla itong umiyak.

Nagtungo ako sa balcony at tinahan si Preston. Naramdaman ko ang kanyang pagsunod.

"Millicent, hindi lang ikaw ang may karapatan sa bata-"

"Shut up!" Asik ko. Tinignan ko siya nang masama.

Lumapit siya sa amin at nakipaglaban ng titigan sa akin. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok at malungkot na ngumiti.

Dumiretso ang tingin niya sa mga naglalakihang kabahayan at tumuon ang dalawang kamay sa railing. "Isang taon at ilang buwan na napagkaitan ako ng karapatang maalagaan at bigyan siya ng magandang buhay-"

"You're telling me I'm not capable on giving him a good life? Ganun ba?"

Nilingon niya ako at tumitig sa akin. "Ang sinasabi ko ay mas maganda ang magiging buhay niya kung parte ako nito at magagampanan ko ang mga responsibilidad ko sa kanya."

"Napaka makasarili mo talaga!" Sigaw ko. "You have a girlfriend right? Why don't you take her instead?"

Muli ko siyang tinalikuran at lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Kaitlyn at ibinigay sa kanya si Preston. Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ang itsura ko.

"Sa iyo muna siya." Umikot ako para muling balikan si Phoenix ngunit sumunod pala siya.

Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa kanyang mukha.

"Sumunod kayo, miss." Nilingon niya si Kaitlyn at hinawakan ang aking braso. Hinigit niya ako patungo sa labas.

"Ano ba? Saan mo ako dadalhin?!"

"Dela Vega, saan mo dadalhin ang apo ko?" Tanong ng lolo na nasa veranda.

Pilit akong kumakawala ngunit hindi ako magtagumpay. Nilingon ko si Kaitlyn na sinunod ang utos ni Phoenix. "Kait, bumalik kayo sa loob!"

"No... you should follow me. Not this woman." Malamig niyang sabi.

"Where are you going to take them?" Muling tanong ng lolo. Nakatayo na siya at tila balak kaming sundan.

"Wag po kayong mag-alala. Hindi ko siya sasaktan. Masyado kong mahal ang babaeng 'to para gawin 'yun, lo."

Natigil ako sa pagpiksi dahil sa sinabi niya at sa itinawag sa lolo ko. Binuksan niya ang backseat at pinapasok si Kaitlyn. Pinasakay niya ako sa passenger seat. Pagkasara niya ng pinto ay hinanap ng aking mga mata ang lolo. Nanatili siya veranda at seryosong nakatingin dito sa Chrysler.

Nang makapasok siya ay sinamaan ko siya ng tingin. Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok.

"You know what? I really hate you!"

"You don't hate me. If you do, there's no Preston." Umigting ang kanyang panga at pinaandar ang sasakyan.

Lumabas kami ng gate.

Kumalat ang init sa aking mukha. "N-nababaliw ka na!"

"Matagal na." Tugon niya.

Nanahimik na lang ako dahil sa mas lumalang pag-iinit ng mukha. Tinignan ko sa rearview mirror si Kaitlyn. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin ni Phoenix.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay tumungo siya at nilaro bigla si Preston.

"Binibini..." Paos ang boses niyang usal.

Nagtaasan ang aking mga balahibo. Kinagat ko ang labi at hindi nagsalita.

"You're still beautiful when crying or even when fuming with anger. Everything about you is beautiful, don't you know that?"

Lumunok ako at mariing pumikit. Humilig ako sa bintana. Mabuti na lang ay tumigil na ang aking luha. Hindi ko alam kung saan tutungo itong ginagawa niya. Hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng pagkailang dahil may ibang taong nakakarinig ng pinagsasabi niya!

"T-tumigil ka diyan." Iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag kinuha niya sa akin si Preston.

Tumigil naman siya. May nakakabit na sa kanyang tenga at nang mapagtanto kung ano iyon ay muli, mariin akong napapikit.

"My... nasa bahay na kayo? Ang dad?"

Gusto kong magwala dahil sa narinig. Matindi ang naging reaksyon ng aking dibdib.

"Okay... we're on our way." Tumigil siya saglit. "Basta... malalaman niyo rin kung sino ang kasama ko. Kung pwede pakitawagan na rin ang mga tito at tita. I'm driving. I can't call them all."

Matapos ang tawag ay saktong tumigil kami sa drive thru ng isang fast food.

Umorder siya ng mga pagkain at nilingon ako. "Kumain ka muna." Aniya. Sinulyapan niya si Kaitlyn. "What is your name?"

"Kaitlyn po." Nahihiyang sagot ni Kaitlyn sa likod.

Matapos umorder ay iniabot niya kay Kaitlyn ang iba ngunit hindi nito nagawang abutin dahil sa naglilikot na si Preston.

"Okay lang po ako. Kakain ko lang po."

Itinabi niya sa akin ang mga inorder niya.

"Ayokong kumain..." Malamig kong sabi. "Anong balak mo? Bakit mo sila tinawagan? Can't you really give me enough time huh, Phoenix?"

"Eat. It's already 12." Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Inirapan ko siya. Siya kaya itong hindi pa kumakain!

Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Hawak ng kanan niyang kamay ang burger, mukhang nahihirapan siya. Inagaw ko ito at humarap sa kanya.

"Di pa kasi kumain kanina!" Naiinis kong sabi. Mahina lang iyon pero alam kong narinig niya.

Inilapit ko sa bibig niya ang burger. Napasulyap siya sa akin, halatang nagulat sa ginawa ko.

"Kainin mo na-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil marahan siyang kumagat dito. Nanginig ang aking kamay nang maramdaman ang pagdampi ng labi at ngipin niya sa aking daliri.

Lumunok ako at nagkunwari na wala lang iyon. Inayos ko ang pagkakahawak sa burger at muli itong inilapit sa bibig niya matapos niyang ngumuya.

"Ang sarap..." Aniya at tinignan ako.

Kinunotan ko siya ng noo, saktong tumigil ang sasakyan dahil sa stop light.

Bumaba ang tingin niya sa aking labi. "Too delicious..."

Tumikhim ako at dinampot ang coke. Pinainom ko siya, nakatingin lang ako sa kanyang labi dahil hindi ko magawang tignan muli ang kanyang mga mata. Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa mga labi ko.

"I want fries..." Ngumisi siya at nginuso ang fries na inilagay ko sa aking kandungan.

Kumuha ako at muli siyang sinubuan. Kahit naiinis ay wala akong nagawa kundi pakainin siya. He didn't eat breakfast. Saka ko lang napagtanto na kumakain na rin pala ako.

Muling umandar ang sasakyan at nagpokus na muli siya sa daan.

"They'll be there." Aniya matapos kumain.

Alam ko. Hindi man ako pabor sa ginagawa niya ay wala akong choice. Kailangan kong ihanda ang sarili sa mga Dela Vega. Ngunit, kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ako magtagumpay. Tila lalabas na ang puso ko dahil sa matinding kaba.

"Wag ninyo siyang kunin sa akin..." Kahit ilang beses pa akong magmakaawa sa kanya ay gagawin ko. Kinagat ko ang labi at dumiretso ang tingin sa daan. "Gagawin ko ang lahat wag lang kaming magkahiwalay."

"I know..." Buntong-hininga niya. "I have conditions later. You have to deal with those."

Kung ano man ang gusto niyang mangyari ay kailangan ko itong lunukin.

Pumasok ang aming sinasakyan sa gate. Ang kaba ko ay tila papatayin na ako. Bumaba kami ng sasakyan. Pinagapang niya ang bisig sa aking baywang, bumagsak ang tingin ko dito.

"Isa ba ito sa mga kundisyon mo?" Mabuti na lang ay napigil ko ang sarili sa pagkautal. This closeness was dangerous than the nerviness I was feeling.

"What do you think?" Tanong niya na hindi ako nilingon.

Naglakad kami patungo sa bahay. Muli kong sinulyapan ang mga nagmamahalang sasakyan katabi ng Chrysler. Sa tabi namin ay si Kaitlyn.

"A-are you okay Kait? Akin na muna si Preston." Pilit kong pinapaniwala ang sarili na kakayanin ko ito.

"Pagpasok na po natin ma'am." Sagot niya.

Binuksan ni Phoenix ang pinto. Nanginig ang mga tuhod ko at awtomatikong napahawak sa kamay niya sa aking baywang. Ilang hakbang pa ay nakita ko ang mga Dela Vega na nag-uusap-usap sa sala.

Awtomatiko nila kaming nilingon. Hindi ko makayanan ang kanilang tingin sa akin lalo na ang mga pinsan niya. Ang mga magulang nila ay tila walang ideya sa nangyayari. Maybe Tamiya broadcasted what she had seen to her cousins only.

"They're here, finally!" Tumayo si Tamiya. Her face was serious. Pinagdikit niya ang mga kamay at bigla akong hinila palayo kay Phoenix. Ipinulupot niya ang braso sa akin at bumulong, "I'm not mad at you, binibini. I just wanna let you feel the consequences of hiding a Dela Vega to us."

Pinaupo niya ako sa single sofa kung saan siya nakaupo kanina. Nilingon ko si Phoenix na ngayon ay karga na si Preston. Umalis si Kaitlyn, mukhang papunta sa kusina. Siguro ay sinabihan siya ni Phoenix.

"P-Phoenix..."

Nilingon ko ang nagsalita, si Natalia Dela Vega. Titig na titig sa batang hawak ng anak. Iginala niya ang paningin at nang tumigil sa akin ay kusang nag-init ang aking mga mata.

There's coldness in her eyes. Ang lamig sa mga mata niya na nagpapaalala sa akin kung gaano kalaki ang kasalanan ko.

"What is the meaning of this, Phoenix?" Tanong ng daddy niya na nakatabi ng kanyang mommy. "Sino ang batang 'yan?"

Nakatayo na si Phoenix sa aking gilid. Ibinigay niya sa akin si Preston. Hinawakan niya ang kanan kong kamay at pinagsalikop ang mga ito. Matamis niya akong nginitian bago muling tignan ang mga Dela Vega.

"The baby is so handsome..." Sabi ng maliit na boses ng batang babae, mahaba ang buhok niya at may magandang mukha. Nasa kandungan siya ni Zen Eulysis Altamirano. "Daddy... who is he?"

"Serenity... keep quiet baby." Si Hera ang nagsalita.

"Dad... mom... everyone..."

Tumingin ako kay Phoenix.

"I want you to meet Preston Eury, my son." Niyakap ko nang mahigpit si Preston at napalunok. "Anak namin ni Millicent."

Natahimik sila. Tumingin ako kay Cassia na malayo kay Hiro. She smiled at me trying to ease my tension.

"Malaki na ang bata. Ano't ngayon mo lang ito ipinaalam?" Tanong ni Mr. Dela Vega, pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Why don't you ask Dela Vegas dad?" Malamig ang ibinatong tanong ni Phoenix kesa sagutin ang tanong ng ama. "Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na anak siya ng dati nating driver. For sure, mom had already told you that before."

"Don't generalize. We have no objection 'bout your relationship with her. Why would we be objecting?" Nakakunot ang noong sabi ni Tamiya.

"We like her for you, P. Alam ko ang paghihirap mo makuha lang siya. Kahit noon pa man ay gusto ko na rin siya para sa'yo. Even after the accident. You know that." Singit ni Conrad.

"Ask mom, daddy." Singit ni Jemimah. "Maybe she has to say something."

Iginala ko ang paningin. Si Averie Dela Vega ay titig na titig sa akin. I couldn't read anything on her mien. Muli kong inilibot ang mga mata hanggang sa tumigil ito sa mukha ng ina ni Phoenix.

Her eyes started to water as she stared at me.

"I-I'm the one at fault..." Malungkot siyang ngumiti at awtomatikong tumulo ang luha. "I... I told her to stay away from Phoenix. Accepting her was never easy for me. She's his daughter. Miro's daughter!"

Pinisil ni Phoenix ang aking kamay. Nilingon ko siya na titig na titig sa kanyang ina.

"You were not the only one who hated her, tita Averie too." Nilingon niya ang kanyang tita. "I don't wanna be seemed impertinent. But you might want to hear this out... all of you..." Nilingon niya ako at madamdaming tinitigan. "This woman beside me wasn't just my girlfriend way back two years ago. She is the woman whom I love. The one who completed and taught me how life should be appreciated." Muli niyang iginala ang tingin sa kanyang pamilya. "And yes, I still feel the same. Nothing changed. Nothing would change even if you f ucking tell me again that she's not the one for me." Umigting ang kanyang panga. "We have a son now. I don't want my child to feel he's unwanted. I don't tolerate objection."

Tumayo siya at kinuha sa akin si Preston. Hinawakan niya ang kamay ko. "This is my life. She is my life." Sabi niya bago ako hilahin palayo sa kanila.

Nakakailang hakbang pa lamang kami nang muli kaming mapatigil dahil sa tawag ni Lurk Dela Vega, ang daddy niya.

"Phoenix..."

Nilingon niya ito. "What is it?"

Tumikhim si Mr. Dela Vega. "M-may I hold your son?"

Lumapit siya sa amin at nginitian ako. Napalunok ako.

"Pwede ba, Millicent?" Tanong niya sa akin.

Ilang segundo bago ako makatango. Nang tignan ko si Phoenix ay titig na titig na naman siya sa akin.

"You really have a beautiful heart." Hinayaan niya ang kanyang daddy na kuhanin si Preston.

Humaplos ang sinabi niya sa aking puso. Hindi ko na nakaya ang pagpipigil at umahon ang luha sa aking mga mata. Lumandas ito sa aking pisngi na agad naman niyang pinunasan.

"Hija..."

Nagulat ako sa pagtawag na iyon sa akin. I couldn't be wrong, it was his mom's voice.

Ipinulupot ni Phoenix ang bisig sa aking baywang. Muli kaming humarap sa direksyon ng pamilya niya. Tumayo ang mommy niya at nilapitan kami.

She hugged me which made me stunned. Hinalikan niya ang aking pisngi na mas lalong nagpa-agos ng aking luha.

"I'm sorry... I'm sorry Millicent." Aniya. "Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa'yo noon."

Ilang sandali bago ko maibuka ang bibig. "'Wag na ho kayong umiyak." Kahit malaki ang kasalanan niya sa amin ay hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng awa. "H-hindi ko naman ho kayo masisisi kung inayawan ninyo ako." Kinagat ko ang labi sa pagpipiit ng hikbi.

"Phoenix is right, you have a good heart." Kumawala siya at pinunasan ang sariling luha. Tumingin siya sa bata na hawak ng asawa at malungkot na ngumiti. "Apo-"

Hindi ko na narinig pa ang susunod na sasabihin ni Mrs. Dela Vega dahil hinila na ako ni Phoenix palayo sa kanila.

Sa kwarto niya ako dinala at agad itinulak sa pinto nang maisara ito. He wiped my tears away and smiled genuinely.

Idinikit niya ang noo sa aking noo. "Stop now. Hindi naman mawawala sayo si Preston."

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at dinala ang daliri sa aking labi. Marahan niya itong hinaplos at nakangiting pumikit.

"I won't get Preston alone, I'm gonna get his mom too."

Tumakas sa bibig ko ang mga hikbi. Dinala ko ang nanginginig na kamay sa kanyang dibdib.

"Ayokong patagalin ang paghihirap ko na wala ka sa akin. Living without you is f ucking traumatic. Nakakapanghina. Nakakamatay. Ayoko nang mamatay ulit ang puso ko tulad noong maghiwalay tayo."

"Phoenix..." His words were penetrating into my heart... into my soul.

"I'm scared for tomorrow without you by my side. I'm scared that you might be stolen or taken away by some other guys."

Hindi ko na kayang pigilin pa ang mas lalong pagtindi ng nararamdaman ko sa kanya. "I... won't be stolen. I had only let myself be stolen by one guy." Nanginginig ang mga labi kong sabi. "And it's you. A-alam mo bang... miss na miss kita?" Pag-amin ko.

"R-really?" Nanginig ang kanyang mga labi.

Hindi na ako nag-alinlangang tumango. Tinatagan ko ang sarili. "There's no day or night that I wasn't thinking of you. Maybe... that was the reason why I didn't able to move on."

I said that I had really moved on, but no. Lying to yourself was really hard. You're like playing a game that the opponent was your own self. Truly, heart couldn't lie. Its rhythm would always remind you the person who owned it. It's hard to fake out feelings. Hard to control it. Hard to keep the wall you once had built because you, yourself couldn't make it strong as you wanted. Your heart would melt for that person again and again just like how that made up wall would be razed inevitably.

"Binibini..." Walang pakundangang tumulo ang kanyang luha.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit todo-todo ko siyang minahal. He's the man who's not afraid to cry in front of me. With his attitude and tough mien, it was really heart-melting that he's not afraid to show that he couldn't lose me for a lifetime. That he would do everything even if he might look puny in others' eyes.

"I'm sorry for everything." Ang kamay ko na nasa kanyang dibdib ay marahan kong pinagapang pataas. Gamit ang index finger ay hinaplos ko ang kanyang ibabang labi tulad nang ginawa niya. "I love you."

Gumapang pa ang aking kamay patungo sa kanyang batok. I claimed his lips while our tears were gushing down. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba. Bibigay ka rin. I just need to scare you." He murmured and deepened the kiss. "I love you, binibini."

Narinig ko ang pag-lock niya ng pinto. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa aking baywang at binuhat ako. I encircled my legs on his waist.

Naglakad siya at dinala ako sa kama. Inihiga niya ako at tumigil sa paghalik sa akin. Our eyes stared at each other until he kissed my eyelids.

"Let's stop hurting each other." Aniya at bumaba ang halik sa tungki ng aking ilong. "Are you finally handing over yourself to me?"

Tumango ako at hinalikan niya ang magkabila kong pisngi. Pababa na ang kanyang halik sa aking labi nang dalhin ko ang dalawang daliri sa kanyang mga labi.

"Ginoo..." Muling tumulo ang aking luha. "I surrender."

----------

Thank you guys for being so awesome! I'd always be gratified because you have accompanied, smiled and cried with me until this part. Thanks for your unrelenting support! Next update will be the epilogue. :)

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

90.2K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
3.1M 1.8K 2
Vida live her life in luxury since her mother lived in with a rich haciendero in the province. Later on, her mom was left with nothing after the man...
30.5K 823 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy