How to Seduce a Hunk Again [B...

由 xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... 更多

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 43: Adventure of a Lifetime

10.2K 377 26
由 xxxRavenJadexxx


Mick's POV

Flashback (at Guadalupe Regis Haus)

"'Wag na tayong maglokohan iho. Ibigay mo na sa 'kin ang tunay na Mapa para matapos na ang paghihirap nating lahat."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko inaasahang sambit ng Auntie ni Jace na nagngangalang Jacky. Nakuha pa niyang ngitian ako kahit dama kong sa loob-loob niya'y kabaligtaran ang kanyang ipinapamalas.

"Anong Mapa? Ibinigay na namin sa inyo ang tunay na Mapa," medyo nangangatal kong sagot.

"Uulitin ko sa iyo iho, wag na tayong maglokohan! Alam kong peke ang ibinigay niyo sa 'kin. Kung sa tingin niyo'y mabibilog niyo ang utak ko.... nagkakamali kayo!" tila pagbabanta niya.

Kanina'y ibinigay na namin sa kanya ang Mapang ginagamit namin sa paghahanap ng kayamanan matapos naming matagpuan ni Jace na wala nang malay tao ang mga kasamahan namin. Alam kong peke ito upang lituhin sila ngunit hindi ko inaasahang malalaman niyang hindi iyon tunay. Kung gayu'y sino ang nagsabi sa kanyang hindi yun ang orihinal na Mapa?

Napipi ako nang panandalian dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Kung magsasabi ba ako ng totoo o gagawa na lang ng ibang kwento para mas lalo pa silang malinlang. Nasa akin ang orihinal na Mapa na ipinagkatiwala ni Ten-Ten nang ilatag niya sa 'kin ang plano niyang linlangin ang mga Aunties niya sa paghahanap ng kayamanan.

"A-ayan lang ang Mapa. Hindi naman kami magpapakahirap na puntahan ang bawat destinasyon sa Mapang iyan kung wala naman kaming mahihita," medyo hindi ko kumpyansang sagot.

Humakbang nang malapitan ang matanda sa 'kin at tinitigan ako nang buong seryoso. Nag-aalab ang kanyang mga titig pero nakuha pa nitong ngumiti nang pasarkastiko.

"Naiintindihan kita iho kung hirap kang umamin sa 'kin, pero hindi ibig sabihin no'y aalis ako sa lugar na ito na hindi ko nakukuha ang dapat na makuha sayo."

Humakbang muli siya ngunit papalayo sa 'kin at sumilip sa pintuan kung saan makikita ang kusina. Narito kami ngayon sa likod ng bahay upang mag-usap nang masinsinan na hindi kailangang marinig ni Jace na nuo'y punong abalang gisingin ang mga nabiktima ng pampatulog ng matandang ito.

"Mick tama ba?" pagsabi niya sa pangalan ko ngunit hindi naman ako tumugon. "Namangha ako sa effort niyong magsagawa ng masusing panlilinlang sa isang tulad kong matanda na. Lubos talaga akong nasorpresa sa kakayahan niyong gawin ang isang bagay na mas mabuting iwan na lang sa imahinasyon. Ang masama lang, ginawa niyong mas kumplikado ang lahat ng bagay para madali naming matukoy kung ano talaga ang intensyon niyo sa misyong sa katunaya'y hindi ka naman dapat kasali..."

Napasalubong ang kilay ko sa matalinhagang sabi ng matanda.

"Alam kong ang isa sa inyo, si Joaquin, na nagtratrabaho sa pamilya namin, ang ipinadala ko para magsilbing mata ko sa mga ginagawa niyong plano. Pero hindi niyo alam, sinadya ko talagang gawin iyon dahil alam kong mas matimbang ang UTANG NA LOOB niya sa yumao kong kapatid kaysa sa pagiging huwarang manggawa niya sa pamilya namin."

"Pinapadalhan niya ako ng mga eksaktong impormasyon sa bawat destinasyong naroon kayo. Hindi pa kayo nakakapunta sa mga lugar kung saan makikita ang mga bagay na hinahanap niyo.... Napuntahan ko na ang mga iyon. At nang dahil du'y minabuti naming magmatyag at magimbestiga."

"At kung tingin niyo'y patatapusin namin kayo sa pekeng ekspedisyon niyo.... huh? Naririto ako upang sabihin sa inyo na TAPOS NA ANG PALABAS! Dahil ang ending ng mga pinaggagawa niyo'y walang patutunguhan. Papaniwalain niyo kaming tunay ang Mapa at sa dulo'y wala naman talagang kayamanan...... Para sabihin ko sayo iho, tumanda akong nananalig na TOTOO ang KAYAMANAN NG MGA SAAVEDRA. Ilang dekada na akong nalinlang hanggang sa pumuti na ang buhok ko. Pero ngayon, sinasabi ko sa iyo, ito na ang huli. At ikaw ang susi para makita ko na ang matagal ko nang hinahanap."

May awa akong nararamdaman sa mga pahayag ng matanda ngunit hindi ko maaaring ibigay sa kanya ang orihinal na Mapa dahil ipinagkatiwala sa 'kin ito ni Ten. Ayokong sirain ang tiwala niya kahit malapit na akong mahulog sa patibong.

"Wala akong alam sa sinasabi niyo. Oo, alam kong isa ako sa mga taong tumutulong ngayon kay Aling Corazon para maprotektahan ang mga pag-aari niya, ngunit hindi ibig sabihin nun alam ko na kung saan nakatago ang kayamanang sinasabi mo," sambit kong may diin para maramdaman niyang hindi ako nagsisinungaling.

"Kahit kailan hindi naging pagmamay-ari ng kapatid ko ang kayamanang dapat ay akin!"

"Ano hong ibig niyong sabihin?" nalilito kong tanong.

Napatawa naman siya nang pasarkastiko. "Napakahabang kwento na hindi dapat malaman ng isang katulad mong pilit na nanlilinlang sa isang tulad ko. You're not a Best Actor Mick but you're good enough to be such."

"Kapag hindi mo ibinigay sa 'kin ang kayamanan, para mo na ring sinabing hahayaan ko na lang mamatay ang pamangkin ko!"

"Ano???????"

"Naubos ng pamangkin mo ang isang plato ng Carbonarra na hinaluan ko ng kemikal na nakamamatay pag maraming naipasok sa katawan. In just a span of 48 hours, maaaring ikamatay iyon ng pinakamamahal mong pamangkin. But the good news is..... I have the ANTIDOTE!"

Nanlaki ang mga mata ko at pinagpawisan na ako ng malamig. Napakamao na rin ako dahil ako'y nasa sitwasyon ngayon na kailangang magdesisyon ng nararapat. Mas matimbang siyempre sa akin ang buhay ng pamangkin ko kesa sa kung ano pa man kaya willing akong ibigay sa kanya ang kahilingan niya.

"Napakasama mo talaga!" himutok ko.

"Believe it or not Mick, I'm not as bad as you think. Kailangan ko lang gawin 'yun dahil alam kong sing tigas ng puso mo ang ulo mo. Well you choose... ibibigay mo sa 'kin ang TUNAY NA MAPA o IBIBIGAY KO SAYO ANG ANTIDOTE PARA MADUGTUNGAN PA ANG BUHAY NG PAMANGKIN MO?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at ibinigay ko na sa kanya ang Orihinal na Mapa na ipinakatago-tago ko sa loob ng Maong Pants ko sa bandang likuran.

"Madali ka rin naman palang kausap iho," at iniabot na rin niya sa 'kin ang Antidote na magpapagising kay Alex at sa iba pa.

Binuklat niya ang Mapa na animo'y iniinspect pa niya kung tunay ito o hindi. Kahit idispute pa niya na pakiramdam niyang PEKE iyo'y hindi ko na 'yun saklaw. Dahil 'yun at 'yun ang TUNAY NA MAPA na ipinatago sa 'kin ni Ten.

"MAGALING IHO! Malaking tulong ito para sa 'kin."

********

"Sorry Ten kung binigo kita," pagpaumanhin kong muli sa magandang kapatid ni Jace.

Narito kami ngayon sa isa sa mga tuktok ng islang hugis tatsulok upang maghanda sa napipintong pagdating ng mga kapatid ni Aling Corazon.

"'Yung totoo Mick? You'd apologized a Million Times already. Enough na, atsaka hindi mo naman kasalanan na ibinigay mo 'yung Mapa. If I'm in your situation, ibibigay ko rin yun, syempre mas matimbang sa 'kin ang buhay ng mga mahal ko sa buhay. Kaya don't feel sorry on something that you need not to feel sorry for," paliwanag niya.

Tama naman si Ten pero hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Minumulto pa rin ako ng kumprontasyong 'yun kay Jacky. Kung sana'y naging maayos ang pag-iisip ko no'y maaaring nakaisip pa ako ng mas magandang plano kaysa ura-uradang magpabitag sa patibong ng matanda.

"I think we need to take a rest Mick, kanina pa tayo naghuhukay," si Ten habang pinupunasan ang pawis gamit ang kanyang kamay.

"Sige!"

Gumagawa kami ng isang malalim na hukay na magsisilbing patibong sa mga panauhin. Medyo mahirap lang maghukay dahil hindi ganun kalambot ang lupa sa islang ito.

Naupo kami ni Ten sa ilalim ng isang malaking puno habang sabay na nagpapaligsahan sa paglanghap ng hangin dahil sa pagod.

"Water?" alok niya sabay hagis nito sa 'kin. Naubos ko ang isang bote ng mineral water na ibinato niya.

"Kailangan lang natin ng sampung talampakang lalim then we will create a way para madali silang makatapak sa PIT. Then after that we will plant those firecrackers sa mga dadaanan nila....."

Remote Firecrackers! Ang galing lang... pipindutin lang namin ang remote then bigla na lang puputok ang mga ito. Ewan ko na lang kung hindi pa sila matakot.

"Napaka advance na talaga ang Technology ngayon," – ako.

"Exactly, pero hindi ko alam kung eepek ito sa mga Aunties namin knowing na.... Hindi natin sila nakumbinsi sa ginawa nating DISTRACTION PLAN."

At bigla ko nanamang naisip na kasalanan kong iyon. Epektibo sana ang plano kung hindi lang ako basta-basta nagpabitag nang husto.

"Sana lang talaga Ten mag-work ang mga ito, sana magtagumpay ka?"

"Ano ka ba Mick, this is OUR MISSION. 'Pag nagtagumpay ako, tagumpay tayong lahat. And I'm grateful na handa kang tumulong sa 'min. Hindi ako magsasawang mag say thank you to all of your efforts helping us."

Heto nanaman si Ten, nagte-thank you nanaman. Medyo kinikilabutan na ako sa kanya. Kung ayaw niya akong magsay sorry e mas ayaw ko namang maya't maya siyang nagte thank you sa 'kin. Napaka ironic kaseng magpasalamat pa siya kahit alam ko namang mas malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.

"Ten, last thank you mo na 'yan ha? Magsosorry ulit ako sayo pag nag thank you ka pa," biro ko sa kanya.

"Ikaw talaga Mick...."

Ten is a very beautiful and smart lady. Hindi ko maiwasang humanga sa taglay niyang kagandahan. Napaka edukada niyang magsalita na hindi minsan maabot ng ordinary kong utak. Pero kahit medyo intimidating siya, may sense siyang kausap. Nakakatuwang may pagkakalog din siya kaya masarap siyang kasama.

"Mick, I have a question..."

"Ano 'yun??"

"May Girlfriend ka na ba? I think you have....."

Bigla akong napangiti sa napaka interesanteng tanong niya. "Wala... wala na..... ?"

"Anong wala na? You broke up with your GF?"

"Parang ganun na nga"

"Oh, I'm sorry!"

"Okay lang... matagal na 'yun. Naka move on na rin.... E ikaw? Sa ganda mong 'yan sigurdong may BF ka na?!"

Bigla siyang napatawa. "Hahaha. I'm 2 years single. Wala pang nagkakamali ulit."

"Weh? Imposible..."

"Ano ka ba Mick. Posible nga e. Siguro intimidated ang mga lalaki sa 'kin atsaka, wala akong bet sa mga nanligaw sa 'kin for the past years. Cancel lahat. Ewan ko ba medyo mataas ang qualifications ko pagdating sa mga boys..."

"Bakit? Ano bang qualifications ang hinahanap mo pagdating sa lalaki?"

"Well? Ayoko yung masyadong nagpapakita ng desire. 'Yung feeling mo minamanyak ka. Gusto ko 'yung Gentleman na medyo bastos. Ayoko rin ng masyadong matalino kase.... gusto ko ako ang mas matalino. Atsaka, of course, like every girl wants..... GWAPO, Ma-appeal... uniquely appealing... PARANG IKAW!"

Napasingkit at nangiti ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ikaw talaga TEN," sambit kong medyo natatawa.

"Hahaha. Pinapatawa lang kita Mick, masyado ka kaseng seryoso. Gusto ko rin pala yung guy na may sense of humor...."

Masarap atang ligawan itong si Ten. Total package siya. Mula ulo hanggang paa. Inside OUT. She's very beautiful and it's hard to ignore. At higit sa lahat, ramdam kong may gusto siya sa 'kin.

"Ikaw pala Mick, what's your type of Girl?"

Bigla akong napaisip. Ano daw ang tipo kong babae? I've always liked pretty girls, HOT GIRLS. I'm attracted to women with big boobs and COCA COLA BODY. More on outside appearance ako na tipong madali mong ikama. Pero ngayon, ano ba ang tipo kong babae?

"Hoy Mick, I'm asking you...."

"Oh, sorry," tila nagising ako sa malalim na pagde-daydream.

"Anong tipo mo sa babae?"

"Tipo ko? Maganda.... mabait.... sexy... matalino... magaling magluto....."

Honestly, I'm out of focus. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga adjectives na 'yan na what every man likes. Ang naiisip ko kase is Jace. Gusto kong maglista ng mga adjectives na gusto ko sa kanya, but he's not a woman. Lalaki siya. How can I even describe him? Oo wala akong girlfriend pero.... BOYFRIEND? IMAGINARY LOVER?"

"Give me something unique that you like for a Girl Mick. I know those are every man's characteristics of an ideal girl. I want to hear something out of the box."

Ano ba 'tong tinatanong sa 'kin ni Ten? Paano ko masasagot ang tanong niya in the most honest form. Sa totoo lang, hindi ako nagseset ng standards in terms of girl na gusto ko. All I know is GWAPO AKO AT MANLY kaya all types of girls are drooling over me. Lumaki akong habulin ng chicks, oo may pagkamanyak ako pero lumalabas lang 'yun kapag ang girl is a hard to get type.

Nawiwirduhan ako sa sarili ko sa napakasimpleng tanong ni Ten, na napakahirap sagutin dahil iba ang tinitibok ng puso ko.

"Siguro Ten, ang gusto ko lang.... YUNG MAHAL KO. Regardless kung sino pa siya o ano pa siya BASTA MAHAL KO. Aanhin mo naman ang tao kung hindi mo mahal diba? Nasa tao na 'yun ang lahat pero MAHAL MO BA? Dun ako sa mahal ko.... Siguro 'yun ang sagot ko... OUT OF THE BOX BA 'YUN?"

Napaka GENERAL ng sagot ko, or masasabing PLAY SAFE pero napangiti ko naman si Ten sa sinabi kong iyon. Hindi ko kayang idistinguish ng specific ang mga bagay na gusto ko sa babae pero sa TAONG MAHAL KO.... it best explains LOVE beyond feelings.

"It's too generic Mick but you have a POINT. I go for someone I truly LOVE also. It's what you call MAGIC. You love because you love and not because you are different from him/her. 'Yan ang turo sa 'kin ni Mama nung nabubuhay pa siya. LOVE IS MAGIC AND THE GREATEST ADVENTURE OF A LIFETIME."


繼續閱讀

You'll Also Like

13.8K 386 15
JD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, c...
72.1K 2.6K 132
When the famous Playboy in Adamson University named Bright received a message from a stranger, but the thing is he's a guy.
111K 4.9K 72
This is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wr...
85.9K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...