Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

Von kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... Mehr

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 20

23.8K 403 21
Von kisindraaaa

Chapter 20


"You just what?!" bahagyang inilayo ni Lance ang telepono sa tenga nya. Dahil sa tinis ng boses ng kapatid, baka umuwi sya ngayong araw ng hindi na makarinig ng maayos.

"Will you lower your voice, Liz? Ang sakit sa tenga ng boses mo." reklamo nya.

"Ikaw naman kasi. Of all the things, cupcake talaga? Ang cheap ha?"

"Wala na akong ibang maisip. And it's not cheap. Mahal ang cupcake na yun."

"At sa tingin mo, value will matter to her?" naiimagine ni Lance ang mukha ng kapatid. Malamang umirap pa ito. "Sa dami ng nai-date mong babae, ngayon ka lang naguluhan kung anong ibibigay. Maging creative ka naman. Hay naku! Anyway, I have to go. May incoming call ako. Talk to you later." then she dropped the phone.

Lance sighed his relief. Salamat sa tumawag sa kapatid. Kung nagkataon, hindi sya titigilan nito maghapon.

But nevertheless, she's saying the truth. He had dated a lot of girls. Mayaman, maganda, sexy, sosyal. Pero ni minsan, hindi sya nahirapan mag-isip sa kung anong ibibigay nya sa mga ito. He'll just order a bouquet of flowers or a box of chocolate. And it's all set!

But this one's different. Joey's different from those girls. Gusto nya espesyal ang ibigay nya dito. Yung kakaiba. Yung walang katulad. Flowers and chocolates are too mainstream.

Hindi rin naman nya akalain na cupcakes ang maibibigay nya dito. He was browsing the internet when a picture of the pastry came up. The colorfully decorated cupcakes attracted his eyes. Kaya agad agad ay tumawag sya sa kilalang bakeshop and ordered 4 pieces of it. At bakit nga ba 4 pieces lang? When he can order dozens of it.

Actually, pasasalamat nya lang iyon kay Joey. Since ito ang dahilan ng successful deal nila ni Mr. Gallego. Nangako pa ang matanda na susuportahan ang ibang plano ng kompanya.

He sighed.

Tiningnan nya ang oras sa table nya. 6pm. Kailangan nya sigurong umuwi ng maaga ngayon. Lately, palagi syang madaling araw na nakakauwi sa bahay.

He grabbed his attachè case and went out of the room. He glanced at Joey's table. It was empty. Nakauwi na nga pala ito kanina, 30 mins na ang nakakalipas.

He walked through the elevator and called the valet to prepare his car in front of the building.

Umuulan ng lumabas sya. Agad syang pinayungan ng guard hanggang sa makasakay sya sa sasakyan. Pinatakbo na nya ang kotse palabas sa kalsada ng may mapansin syang pamilyar na pigura. Nakatayo sa waiting shed habang hawak ang payong.

BEEEEEEEP!

Halos mapatalon ang dalaga ng marinig ang malakas na busina ng sasakyan. Nagtaka sya. Nasa gilid naman sya ng kalsada, bakit kailangan pang bumusina?

Tumabi na lang sya lalo sa may waiting shed at naghintay ng masasakyang jeep. Kapag ganitong umuulan, mahirap talaga maghintay ng masasakyan. Akala mo may magic at biglang naglalaho ang mga sasakyan tapos dumarami ang mga tao sa sakayan.

BEEEEEEP!

Muling narinig ni Joey ang malakas na busina.

Nasa tabi naman ako ah?

Ano bang problema ng sasakyan na ito?

Lumingon sya sa left side at bahagya syang napatakip sa mata ng salubungin sya ng nakakasilaw na headlights ng sasakyan. Parang spotlight kasi iyon na nakatutok sa mukha nya.

"Joey!" maya-maya ay narinig nyang may tumawag sa kanya kasabay ang pagsilip ng driver ng sasakyan.

Kunot noo nyang inaninag ang tumawag sa kabila ng maliwanag na headlights. Nakita nya kumaway ito at pinapalapit sya.

Sino ba to?

Naglakad sya palapit sa sasakyan at nagulat na lang sya ng makilala ang tumawag.

"Sir Lance?"

"Hop in." seryosong sabi nito.

Agad naman syang sumakay sa passenger side.

"Seatbelt." sabi nito na agad naman nyang sinunod. Pinatakbo na nito ang sasakyan.

"Sir."

"Kanina pa ako bumubusina para mapansin mo yung sasakyan ko. E di sana kanina pa tayo nakaalis." Ano na naman ba ang problema ng mokong na to? Parang sinapian na naman.

"Sorry po, sir. Hindi ko po kasi nakilala ang sasakyan nyo." Iba na naman kasi ang gamit nitong kotse. May warehouse yata ito sa basement parking.

"You should have taken a taxi. Umuulan. Hindi convenient ang maghintay ng jeep dahil mababasa ka pa rin." sabi nito habang busy pa rin sa pagddrive.

"May payong naman po ako. E saan po pala tayo pupunta?" tanong nya. May date ba ulit sila? Joke lang.

"I'll drive you home." sagot ng binata.

Napatango na lang si Joey at napayuko. Saka nya naalala ang cupcakes na binigay nito kanina.

"Sir. Thank you nga po pala sa cupcake. Hindi na po sana kayo nag-abala." nakangiting sabi ni Joey.

"It's nothing." ang tipid naman ng sagot. "Sobra lang yan sa order ni Liz. Sayang naman kung itatapon." napatingin ang dalaga sa boss nya.

Ganon?

"E bakit po may card?" she asked.

"Never mind the card. Trip ko lang." wow! Lakas din naman ng trip.

Maya maya ay natanaw na ni Joey ang kanto ng village nila.

"Sir, pwede na ako dyan sa kanto. Lalakarin ko na lang po papasok. Malapit na din naman." sabi nya. Pero hindi ito nakinig at dire-diretso lang sa pagddrive.

"Sir, medyo out of the way na po kasi yung daan kung papasok pa kayo dyan sa loob. Masyadong inconvenient na po yun." but he didn't listen. Hanggang sa lumiko na ang sasakyan papasok sa village nila. Wala na syang nagawa.

"Salamat po, sir ha? Gusto nyo pong pumasok muna? Coffee lang po." umiling lang ito.

"No. I'd rather go." binuksan na ni Joey ang pinto ng kotse at bumaba na.

"Sige po. Thank you po ulit, sir. Ingat po kayo." tumalikod na si Joey para buksan ang gate ng tawagin ulit sya ni Lance.

"Close all the windows and make sure to lock your door before you sleep. Mahirap na. Baka kung mapaano ka dyan. Wala ka pa naman kasama." pagkasabi noon ay mabilis na nitong pinaandar ang sasakyan.

Leaving Joey with different questions in her mind.

Paano nito nalaman na wala syang kasama sa bahay? Wala naman syang pinagsabihan noon. Kahit si Georgie, hindi nya rin nakwentuhan.

Napapailing na lang ang dalaga at pumasok na sa bahay. Konting ambon na lang ang pumapatak. Pero okay pa rin. Dahil malamig ang panahon. Masarap matulog.

One week has passed. Sa nakalipas na ilang buwan ay nasanay na ang dalaga sa routine nya araw araw. 7:00am pa lang ay nasa taxi na sya at papunta na sa opisina. Mas gusto nya iyon. Para maaga nyang masimulan ang nakatambak nyang trabaho. Makakauwi din sya ng maaga.

Inilapag nya ang bag sa table at kinuha ang binder mula doon. Saka sya naglakad na papunta sa opisina ng amo. Kahit alam nyang wala pa ang binata sa loob, kumatok pa rin sya bago pumasok. Para lang magulat sa naabutan.

"Naku! Sorry po! Sorry. Sorry." panay ang hingi nya ng paumanhin. Hindi nya alam kung yuyuko ba sya o tatalikod na.

Naabutan nya kasi ang amo na may babaeng nakakandong dito. She's not really sure what she just saw. But it seems like they were kissing when she opened the door.

Masyadong maiksi ang suot ng babae kaya halos makita na ang dapat makita dito. Pero parang hindi man lang ito nahiya na may makakita ang sitwasyon nito at ng binata. Ni hindi nga ito umalis sa pagkakaupo sa kandungan ng huli. Samantalang sya, halos matunaw na sa kahihiyan.

"Don't you know how to knock?" mataray na tanong ng babae.

"Ma'am, sorry po. Pero kumatok po ako. Baka lang hindi nyo narinig kasi---"

"At sumasagot ka pa ha?" tumayo na ito at susugurin na sana sya ng pigilan ni Lance.

"Stop it." mariing sabi nito.

"Sorry po talaga, Sir Lance. Lalabas na po muna ako. Tawagin---" but Lance cut her off

"Stay. Sheila is about to leave." he said eyeing the gorgeous girl in front of him. Napuno ng kalituhan ang magandang mukha nito.

"It's Shannon, damn you!" galit na sabi nito.

"Whatever. You may leave now." balewalang sabi ni Lance.

"But... No!" sabi ng babae na halos magwala na.

"Don't you dare cause a scene here, Sheryl." napataas na rin ang boses ni Lance pero halos mapangiti na si Joey. Mas matindi pa pala sa matandang ulyanin si Lance kung makalimot ng pangalan.

"I said, it's Shannon! We're not done yet, Lance. You'll regret this. Choosing her over me? You're sick!" galit na galit na ang babae. Hinablot nito ang bag na nasa table ni Lance at saka naglakad na. Binigayn pa nito ng masamang tingin si Joey. If looks could kill, patay na sana sya ngayon.

"Take a seat." sabi ni Lance sa kanya ng makalabas na ang babae.

Dahan dahan naman syang naglakad papunta sa upuan.

"Sir. Are you going to fire me? Hindi ko naman po sinasadya na---"

"Stop talking, Joey." sabi nito habang may hinahanap sa drawer. Maya-maya ay may kinuha ito envelope at iniabot sa kanya. Ito na ba ang final warning? Papaalisin na ba sya?

"A-ano po ito?" tanong nya habang nakatitig sa envelope.

"Binubuksan yan, Joey. Hindi tinititigan. Find out for yourself." pilosopong sabi nito.

Kinuha ng dalaga ang envelope at binuksan. Her eyes grew wideer when she saw what's inside it.

"Plane ticket? Sa US." Ipinapatapon na ba sya nito?

"You'll be needing that. Go to DFA tomorrow and apply for your passport. I have emailed you the details."

At may schedule na rin pala sya ng passport. Ang advance talaga mag-isip nitong amo nya.

"Now, kindly write this down." sabi ng binata na agad naman binuksan ni Joey ang hawak na binder.

"I'll be attending the Annual Conference Meeting in New York on Friday." agad naman na isinulat ni Joey ang sinabi ng amo. "And you are going with me." napahinto sya sa pagsusulat. Nabitin sa ere ang ballpen na hawak nya at napatingin sa amo.

"Kasama ako, sir?" nagtatakang tanong nya. But deep inside her, masyado na syang na-excite. First time na makakasakay ng eroplano at makakarating sa US.

Huli na ng marealize ng dalaga na para doon pala ang plane ticket na ibinigay ng binata.

"Who else? Ikaw lang naman ang secretary ko. You'll be doing your job there habang nandun ako. Take all my phone calls. And we'll be staying there for 2 to 3 weeks." tuloy tuloy lang sya sa pagsusulat. Wala syang nasabi. Masyado syang na-excite.

"Mag-half day ka na lang ngayon. Umuwi ka ng maaga para makapag-prepare ka pa ng dadalhin mo. Maaga kang pumunta bukas sa DFA, you'll get the passport same day. Then I'll pick you up tomorrow at 7pm. Bukas na rin tayo aalis para may time pa sa preparation." tumango lang si Joey.

"Any question?"

Umiling lang sya bilang sagot.

"Ok. Go may go now."

Tumayo na ang dalaga ay naglakad. Bubuksan na sana nya ang pinto ng tawagin sya ulit nito.

"Yes, Sir?" tanong nya sa amo.

"About what you saw a while ago. Wag mo sanang bigyan ng pansin yun. She started everything. Hindi ko sya pinapunta dito sa office." kahit naguguluhan ay napatango na lang si Joey.

"Wala naman po yun sakin, sir. Sige po." saka sya lumabas ng kwarto

Napapalatak na lang si Lance nang tuluyan ng makalabas si Joey.

Damn! Bakit ba sya nagpaliwanag dito? Hindi naman nya ito girlfriend. Bakit hindi man lang ito nagtanong kung sino ang babaeng yun kanina? Nagsorry pa sya!

ABALA SI JOEY sa computer nang may tumayo sa tapat ng mesa nya. Nakangiting mukha ni Liz ang bumungad nang mag-angat sya ng tingin.

"Hi, Ms. Liz. Kelan po kayo dumating?" agad nyang tanong dito.

"A couple of days ago. Medyo busy lang kaya ngayon lang ako ulit nakapunta dito." paliwanag nito. "By the way, I have something for you!" excited na iniabot nito sa kanya ang dalawang paper bag.

"Naku, Ms. Liz. Nakakahiya po. Hindi ko po yan matatanggap."

"You always decline when I give you something. Regalo ko sayo yan. Or pasalubong na rin. Wala kasi akong mas batang kapatid na gusto kong bihisan. And nung una kong nakita yan sa HongKong, naalala agad kita. So that's for you talaga."

Nahihiyang inabot na lang ni Joey ang paper bags.

"Thank you po, Ms. Liz."

Ngumiti lang ito. "You're welcome. O paano, check ko muna ang boss mo kung buhay pa. See you around."

Napangiti na lang si Joey at bumalik na sa ginagawa. Umuulan ng biyaya sa buhay nya ngayong araw. Dadalhan nya talaga ng pasalubong ang kapatid at tatay nya galing US. And speaking of them, hindi pa nga pala nya ito na-ittext. Naextend ang stay ng mga ito sa probinsya dahil nagsiuwian din ang iba nilang kamag-anak. Sayang nga lang at hindi sya nakasama.

Kinuha nya ang cellphone at nagsimula ng magtype.

Kuya! Guess what? Pupunta ako ng New York! Isasama ako ng Sir Lance. Then she pressed 'send'.

Maya maya lang ay nagreply ang kuya nya. Alam na pala ng mga ito ang tungkol sa pag-alis nya. Kinontak daw ang tatay nya ni Lance para sabihin sa mga ito. Napailing na lang ang dalaga. Wala na pala syang kailangan intindihin. Nakaplano na ang lahat. Kukuha na lang sya ng passport bukas at lilipad na.

Nagbilinna lang ang kuya nya na mag-ingat sila ni Lance sa byahe at mag uwi sya ngpasalubong.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

16.6K 383 38
"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperi...
2.1M 26.7K 66
He is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pw...
11.5M 203K 56
Avery Guevarra Lim, a lady with class and a woman with brain tends to marry a Class-A womanizer, Raven Lim. They quarrel and annoy each other the who...
197K 3.8K 31
Yoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana...