My Heartthrob Ex-Boyfriend (C...

Od KriechelleS

49.3K 1.1K 128

EX BA KAMO? Armelle Reyes isang babaeng inakalang niloko siya ng ex-boyfriend niyang si Dale Ramirez, Simula... Více

Prologue
FLASHBACK #1
FLASHBACK #2
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
FOOTNOTE

Chapter 17.

887 26 2
Od KriechelleS

Ella's POV

Salit-salit ang nararamdaman ko pero ano nga bang karapatan ko? Ako ay ang hamak na ex niya.. na ngayong gustong maibalik ang dating relasyon namin napaka ilusyonada ko 'no? Kahit ito manlang hayaan niyo na ako yung parang tumatanaw ng malayo habang sila ay parang masayang naguusap yung tipong walang tao sa paligid nila yung may sariling mundo.

Siya siguro yung tumawag kay Dale dati at nag sabi ng 'I love you' maganda siya..makinis..maputi at parang ang bait-bait niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya mahal ni Dale tiyak na mas maganda siya kaysa sa akin.

"Hi! I am Princess Mae Buenavista.. I am from Singapore"  Pormal na pagpapakilala niya habang yung kaliwang kamay niya ay nasa bewang ni Dale. Tumingin siya kay Dale at ngumiti sila sa isa't-isa.

Siniko ako ni Micah kaya ngumiti na lang ako "Oh, you're the famous model its very nice to see you Ms. Armelle Reyes" Tinanggap ko ang kamay niya ang rude ko naman diba kapag hindi ko tinanggap? Baka sabihin nilang bitter ako.

"H-Huh? Yeah.. likewise" Ngumiti siya ulit sa akin Wow! Ang tindi mo rin eh ha! Halos mapunit na yang labi mo dahil diyan sa ngiti mo ayos ka rin eh ha?!- *insert Babalu's voice*

Kainis. Ang ganda niya.

"So, there's a party tonight at my house i want to invite all of you" Tumingin siya sa amin at bumaling kay Dale "...I want to celebrate because we're now a couple and since friends kayo ni Dale, friends ko na rin kayo"

Umiwas nalang ako ng tingin nagulat ako ng may naramdaman ako hinga sa tenga ko "Tiisin mo may mas masakit pa diyan sa nakikita mo" Inismid ko lang ang sinabi ni Jon imbis na makatulong siya gusto niya atang umiyak ako at gumawa ng eksena rito ang nakakahiya pa sisigaw ako maglulupasay ano bang meron kami ni Dale? Wala naman diba?

"M-Mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanila hinila ko sina Sheena at Micah sa restroom pagkapasok ko palang sa C.R ay tumingin na ako sa salamin at inayos ang sarili ko.

"NAKAKALOKA! ANG GANDA NUNG BABAE PARANG DIYOSA!" Maganda naman talaga siya mas maganda kaysa sa akin walang-wala ako sa kanya. She's like a Goddess. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto si Dale sa kanya noon pa lang alam ko na maputi talaga mga type ni Dale. Siguro kung magaapply yan sa FAB Magazine makukuha yan agad at ako naman mag aalsa balutan na ayokong mangyari 'yon. "Masaya na si Dale ikaw na lang ata yung hindi kahit papaano maging masaya ka naman live a little." Masaya naman pala siya eh, bakit niya pa ako hinalikan? Bakit naman nilagyan ko ng meaning 'yon? Its just a kiss nothing more nothing less.

At masaya naman ako ah, hindi lang 'ganon kasaya kase feeling ko may kulang pa sa buhay ko.

Tungkol nga pala ron sa party mamaya. "Ano pupunta ka ba mamaya?" Dahan-dahan akong tumango. "Ayaw kong isipin ni Dale na hindi ako pumunta dahil ayaw kong makitang magkasama sila ni Princess"

"Bakit hindi ba?" Sinamaan ko lang ng tingin si Micah nag-kamot ulo lang siya at ngumiti sa akin na para bang pilit na pilit.

"Wala ka ng magagawa desisyon mo yun diba? Desisyon mong pakawalan siya at hindi siya paniwalaan ngayon ikaw itong parang kawawang-kawawa." Napahinto ako sa sinabi ni Sheena tama siya ako yung may kasalanan nito tapos ako pa yung nag papaawa. Ang tanga lang diba? Pagkatapos magsalita ni Sheena ay agad itong lumabas ng restroom.

Pero parehas kaming may mali.

O sinasabi ko lang 'yon. Para linisin ang konsensiya ko?

Pagkalipas ng ilang minuto ay napag desisyunan ko ng lumabas at sumunod na rin sa akin si Micah. 

"Alam mo may point si Sheena" Sabi niya habang nilalantakan ang popcorn ko habang naglalakad kami ay hindi naman kumawala sa paningin ko sina Dale at Princess.

Paano kase na sa harapan ni Dale si Princess nakatayo silang dalawa nakapulupot yung kamay ni Princess sa leeg ni Dale samantalang si Dale naman ay hawak ang bewang ni Princess. Napa-irap na lang ako sa kawalan.

At talagang sa school pa naglalandian? Konting respeto naman sa mga single at sa mga sawi sa pag-ibig maghihiwalay rin kayo walang forever! 

"Wow! Ang sweet" Ewan ko ba kung nambwibwisit itong si Micah kanina pa itong baknitang 'to maganda raw tapos parang ang bait alam ko! Leche. kailangang paulit-ulit? Kinuha niya yung upuan sa tabi ng pinto tapos umupo siya rito sumama rin yung mga kabarkada ni Dale except kay Sheena at Jon na kasalukuyang nag-uusap.

Nang mahalata ni Princess na pinapanood namin sila ay ngumiti siya pinausdos ni Dale yung kamay niya sa kamay ni Princess napatingin ako sa kamay nilang dalawa.

"Ang kulit mo! kung hindi mo ilalagay yung kamay mo sa bewang ko ay aakbayan mo ako tapos ngayon hahawakan mo ang kamay ko adik lang?" Bahagya siyang tumawa tinitigan niya lang yung kamay namin.

"Bagay talaga yung kamay mo sa kamay ko kasyang-kasya" Tinaas niya yung kamay namin at hinalikan ito "Hindi kita bibitawan."

Ngumiti ako ng mapakla. Sabi niya yang kamay niya ay para sa akin lang pero tanggap ko naman ang katotohanan na iba na ang mundo namin hindi kami ang para sa isa't-isa yung pag-ibig namin ay bakas lang ng nakalipas pero lagi nalang akong napapa-isip kung pinaniwalaan ko siya noon siguro kami pa rin hanggang ngayon, Kung sana yung pag-ibig namin perfect timing. Yung ayos ang lahat. Pati decision-making namin maayos. Yung yakap niya simpleng hawak sa bewang at kamay, yung pagnakaw niya ng halik, yung pagakbay niya lahat 'yon ay ginagawa niya hindi natatapos ang araw ng hindi niya ginagawa ang lahat ng 'yon dati nayayamot pa ako sa kanya dahil sa pagiging clingy niya pero ngayon 'yon ang hinahanap-hanap ko. I didn't know that I was Dale's first serious girlfriend. Hindi naman ako nasakal sa kanya eh. Siguro, nung marinig ko na sugal lang ang lahat bumalik yung mga alaala ng pag-aaway namin.

"So I am expecting you to come Ms. Reyes.. I heard a lot of things about you like being one of the famous models here in the Philippines" 

"Y-Yes..pupunta ako" Ngumiti siya sa akin aaminin ko mabait siyang babae gusto niya talagang makipag-kaibigan. Bumaling ako kay Dale nakangiti lang siya habang naka tingin kay Princess na kinakausap ang barkada lumingon na lang ako sa ibang direksyon mas malala pa ang masisilayan mo Ella kaya magpakatatag ka.

"See you later!" Kumaway siya sa amin niyakap niya si Dale tapos hinalikan siya ni Dale sa ulo "Take care.." Bulong ni Dale na medyo malakas kaya narinig ko.

"Tara na!" Lumabas na ako ng kwarto while wearing my floral dress. Light make-up is all i need and I am wearing my valentinos! "Ang ganda mo..pren tara lets!"  Tumango at kanya-kanya kaming sumakay sa sarili naming kotse si Micah sumakay sa sasakyan ni Sheena hindi naman kase mayaman si Micah, scholar nga diba?

Halos 30 minutes yung biyahe medyo malayo-layo kase. 

"Dito po tayo Ma'am"

Habang naglalakad kami ay nakita ko sina Jon at ang barkada sina Dale naman ay kasama si Princess at parang may kinakausap ito mga magulang ata ni Princess naka tuxedo siya naka gown naman na pink si Princess.

What's going on?

Umupo ako sa bakanteng upuan kasama si Micah at Sheena nakakapagtaka simple lang yung suot namin itong si Micah nga ay naka jumper-shorts pa. "Ano bang meron?" Bulong ni Micah.

"Ewan k---"

"So we're here not just to celebrate the homecoming of Princess Mae Buenavista! Proud na proud ako sa aking anak na si Dale dahil finally! Pumasok siya ulit sa isang relasyon!" Tumawa ang lahat napa tiim bagang ako ng mahagip ng mata ko ang singsing na naka suot sa kamay ni Princess. Parang engagement ring. Sino bang karelasyon niya ngayon? Diba si Dale? So, meaning yung singsing na 'yan bigay sa kanya ni Dale.

Ahh, okay bigay lang pala.

Teka, kapag binigyan ka ng engagement ring ng boyfriend mo 'di ba ibig sabihin 'non mahalaga ka sa kanya? Hindi eh. Dahil...

They're getting married?

Agad-agad?!





Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

476K 10K 37
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
412K 14.5K 90
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
174K 5.4K 56
When he denied his own baby calling her a cheater. "This baby is not mine." But why god planned them to meet again? "I would like you to transfer in...
977K 53.1K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Jungkook's ) daughter Mishel...