Miss Astig

cursingfaeri द्वारा

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... अधिक

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Fifteen

60.2K 868 54
cursingfaeri द्वारा

_____________________________________________________

Nang dumating ang Lunes ay kating-kati na ako maglunch para makausap si Charlie.

Kinaladkad ko agad si Chan-Chan sa canteen. Kaso parang tila wala naman 'to sa sarili ngayon si Charlie. Mukhang puyat at ang laki lang ng eyebags. Galing daw ito sa clinic at natulog. Eh?

 

"Bespren, nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Mukha kang namatayan eh. Ampangit mo lang ngayon. Wuyyyyyy!" Kunot-noong tanong ko dito. Tiyak akong may bumabagabag dito.

 

"Ayos lang. Ansakit ng ulo ko eh, hehe." Paos pa din ang boses nito at kinusot-kusot pa ang mga mata.

 

"Ano bang ginawa mo kagabi? May problema ba? Mukha ka lang ewan dyan. Parang... wala ka pa yata sa sarili?" Tinignan ko 'tong mabuti.

 

"Hehe, nag-inuman ulit kami nila Kuya, hehe."

 

Hindi ko napigilan ang batukan 'to sabay ang pagmugalat ng mga mata ko. "Gara! Yabang mo pang magsalita ha?! Kailan kapa natuto niyan? Bakit ka uminom? Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong masaktan. Pumapatol ako... pumapatol ako ng.." Banta ko ditong nanantiya.

 

Kinamot lang nito ang ulong binatukan ko. "Wala, pinapasaya lang ako ng mga kuya ko, hehe. Pero ok na ko," ngiting-ngiti pa 'to. Pero hindi eh. Alam kong may problema. Nagflashback yung scene na nakita ko si Nile na may kausap na magandang babae.

 

"Si Nile ba?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.

 

"HA?! Bakit naman napunta sa kanya? ‘Yaan mo lang ‘yun. Masaya na ‘yun, hehehe. Gusto kong kumain ng halo-halo." Sabi na nga ba. Napabuntong-hininga na lang ako.

 

"Hayss. Tara. Yun lang ba gusto mo? Wala ka na ibang gustong gawin? O kainin?" Tanong ko dito. Gusto ko kasi siyang libangin. Ewan ko lang. Kahit hindi niya sabihin, alam ko, gusto niyang maibsan ang lungkot na nadarama niya.

 

"Ahhh.. gusto ko ng.. special halo-halo. Tas... Timezone tayo mamaya hehehe." Bilib pa rin ako kasi pinipilit niyang ipakita na okay lang siya.

 

"Sige. Hintayin mo ko sa labas ng room mamaya. Papahatid na lang kita sa bahay niyo. Okay lang sayo gabihin tayo? Papaalam na lang kita ah," ngumiti ako dito.

 

"Yahey!!!! Tenkyu!" Niyakap ako nito at ngumuso para akmang hahalikan ako sa cheeks.

 

Syempre tinulak ko siya. Ew ha. "Anuba?! Naalibadbaran ako. Hahahahaha."

 

"‘To naman! Parehas naman tayong babae ah!"

 

"Hindi ako sanay kaya tumigil ka diyan."

 

"Tss. O di wag. Si Chan-Chan na lang.. HAHAHAHA," sagot nito.

 

"MAS LALONG HINDI PWEDE!"

"Ay onga pala. Di pala pede, si Krystal lang gusto nun makahalik sa kanya. Hehe. At ikaw naman... panigurado si Aidan lang naman ang gusto mong humalik sayo. Ayieeeee," panunukso nito.

 

"Ingay mo. Di na kita lilibre," banta ko dito. Tumahimik naman 'to sabay ng pagpeace sign.

 

Bumalik na kami sa classroom para sa panghapon na klase.

Ewan ko ba, hindi ako mapakali kaya nagpaalam ako lumabas ng classroom para mag-CR. Nagkataon naman kasing sira ang CR sa classroom namin nun. Pero balak ko talagang lumabas.

Hinanap ko si Nile. Nakita ko siyang kasama ang magandang babae na nakita ko nung pabalik ako sa high school department. Sweet na sweet sila kaya nanilim ang paningin ko... Lintek lang talaga ang walang ganti. Saan ko nga narinig na palabas 'yun? Haha. Sandaling huminga ako ng malalim at pinilit na ikalma ang sarili.

 

"Oy ‘tol. Pwede ka bang makausap saglit?" Nakangiti kong tanong dito paglapit ng makita kong umalis na yung babae.

 

"Oo naman tol. Anong meron?"

 

"Sa gym tayo? Laro tayo basketball. Na-bobore ako sa klase eh, ano?"

 

"Di ako kasing galing ni Aidan ah, pero sige," sagot nitong may gana pang ngumiti. Kumpara ba naman kay Aidan na varsity sa college? Syempre alam ko 'yun noh! Duh.

 

"Ano ka ba.. ayos lang ‘yun. Badtrip ako eh. Tara," sabi ko at nauna ng naglakad.

 

"Bakit ka naman badtrip?"

 

"One on one ha?" Tumira na ako at pasok naman. "Wala lang. Girlfriend mo ‘yun?" Sabay pasa ng malakas ang bola dito. "Paki-hold nga."


"Ahaha. Oo eh." Pasimple nitong kinumpas ang kamay na lihim ko lang na inismiran. Tatawa ka pa ha.

 

"AHAHAHA!" Panggagaya ko sa tawa nito. "TALAGA? KELAN PA?" Nang itira ko ang bola ay sumablay ito. Sinalo naman nito ang bola at pinasa sakin pabalik.

 

"Mga... eight months na," nakangiti pa rin ito.

 

"Ba’t mo pinasa?! One on one nga!" Pasigaw kong tanong at pinasa ng malakas sa dibdib niya ang bola.

 

"Aray! Teka, bakit ba galit na galit ka? Ano bang nangyari?" Mahinahon pa ring tanong nito.

 

"Sorry. I’m just pissed."

 

"Bakit nga?"

 

Bumuntong-hininga na naman ako bago nagpasyang kumprontahin 'to. "Kay fine. Naiinis ako sayo," kasabay ng paghampas ng malakas ng bola sa sahig.

"Ha?! Bakit naman? May nagawa ba ako?"

 

"Gusto kitang bug.. Grr. Tell me! Anong status sayo ni Charlie?" Ang hirap lang magpakahinahon. Naiimagine ko kasi ang itsura ni Charlie kanina habang siya naman ay masayang-masaya. Alam mo yun?

 

"Ha? Anong status ba ang sinasabi mo?? Magkaibigan kami."

 

"Gusto kong magmura. Excuse ha, pero paksyit naman Nile oh! You’re leading her on!"

 

"San mo naman nakuha yan? I never led her on!" Nge. Nagulat ako dun. Nakiuso din ng English? Hahaha.

Itinirik ko na lang ang mga mata ko. "Stay away from her. Just... just stay away. Kung pwede pati anino mo wag mong ipakita sa kanya. Pwede ba ‘yun? Kinakausap kita ngayon ng mahinahon. Kanina pa ako tinatamad makipag-usap sayo KAYA PWEDE BA?"

 

"Bakit ko naman gagawin yon? Sino ka ba para sabihan ako niyan?"

 

"SINO KA DIN BA PARA SAKTAN SIYA?? KAIBIGAN KA DI BA?? BAKIT SIYA NASASAKTAN NGAYON?? SIGE NGA NILE!"

Hindi ko na talaga napigilan ang pagtaas ng boses ko. Kanina ko pa siya gustong sampolan sa totoo lang. Ba't ba ang kulit at ang hina ng kukute nito? Gaaaahd.

 

"Ha? Nasaktan si Charlie? Kelan? Sino nanakit sa kanya?" Nakakainis pa kasi parang totoong nag-aalala nga ito.

 

"IKAW! GAGO KA NGA KASI," marahas kong sagot.

 

Akmang kukwelyuhan ko na si Nile ng dumating si Charlie..



Patakbo itong pumagitna samin. "O-oy!!!! Anyayare dito?"

 

Hinila ko naman palayo si Charlie. "W-Wala bespren.. Lika na.. di ba maghahalo-halo pa tayo at Timezone?"

 

"Teka sandali! Charlie! Okay ka lang ba?" Sabad naman ni Nile.

 

Tinignan ko ng masama si Nile bago hinila palayo kay Charlie at binulungan. "Tatak mo sa kukute mo ang sinabi ko. Pag nakita pa kita, babangasin ko na yang pagmumukha mo," sabi ko at nilingon ulit si Charlie. "Bes--"

 

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Charlie--" sagot din ni Nile.

 

"WALA AKONG PAKIALAM KAHIT nanay mo pa kausap mo. Asikasuhin mo na lang ang girlfriend mo, baka gusto mong agawin ko yun sayo?" Nagbabanta na talagang tanong ko dito. Desperate moves na talaga ako. Hahaha.

 

"TEKA NGA LANG SANDALI. ANG GULO NIYONG DALAWA. Ano ba kasing problema dito? Louie?" Tanong ni Charlie sa garalgal at paos na boses.

Kinaladkad ko na talaga si Charlie. "Tara na sabi eh. Naglalaro lang kami ni Nile. Talo na siya. Tapos na kami. Na-bobore na ako.."

 

Sumunod pa rin si Nile at tila walang pakialam. "CHARLIE! Sino ba yung nanakit sayo? Parang ako kasi ‘yung pinagbibintangan ni Louie. May nagawa ba ako?"

Wala na. Napatid na talaga ang pasensya ko kaya inisang lingon ko si Nile at binigyan ng upper cut. Isa sa technique na natutunan ko sa Saturday class ko na self-defense. Bumulagta na lang 'to sa gitna ng court.

 

"LOUIE!!!!" Gulat na sigaw nito at napaupo kay Nile.

 

"Ang ingay eh. Tara na nga Charlie. Umalis ka diyan!" Bago ko hinila si Charlie palabas ng gym.

Nakasalubong pa namin ang girlfriend nitong nagulantang sa nakita at halos takbuhin si Nile na nakahandusay at tila walang malay.

Pasensyahan muna kami ngayon.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Cheer Up, Captain beeyotch द्वारा

किशोर उपन्यास

102K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
32K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
18.2K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
FEIGHT (Famous Eight) Mac द्वारा

किशोर उपन्यास

631K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...