H.E.L.L.I.S.H LOVE ♥

De sassyabhie05

35.9K 1K 488

INAH SHANEISHA HEIMZ, isa sa MEAN GIRLS ng HARTNER UNIVERSITY... she's tough,impulsive and spontaneous... per... Mai multe

H.E.L.L.I.S.H LOVE <3
[1] MEAN GIRLS !
[2] OH-SO-SWEET TRAVIS ^__________^
[3] BABE, I LOVE YOU !
[4] ALL YOU ARE IS MEAN !
[5] WHAT THE H.E.L.L ??
[5] WHAT THE H.E.L.L ?? [bonus chapter] >PART 1<
[5] WHAT THE H.E.L.L ?? [bonus chapter] >PART 2<
[6] IT'S THE END... WHERE "THEY" BEGIN... >PART 1<
[6] IT'S THE END... WHERE "THEY" BEGIN... >PART 2<
[7] BATAAN HAS FALLEN >PART 1<
[7] BATAAN HAS FALLEN >PART 2<
[8] HOWARD, COWARD?
[9] HEVN, THE ANOTHER GIRL??
[10] PRIDE.
[11] THE MEAN GIRLS(AYA / SAM)
[12] JEALOUSY.
[13] UNDENIABLY JEALOUS.
[14] GOODBYE TRAVIS.
[15] OBLIGATION? RESPONSIBILITY?
[16] SIGNS.
[17] THINK NEGATIVE.
[18] CONFUSED.

[19] HER CONFESSION.

1K 31 32
De sassyabhie05

Maiksi lang to, I know. pagpasensyahan na po. bawi na lang sa susunod >3<

Enjoy reading padin. hihi ^^

--abhiesaur <3

PS: palike naman po nung nasa gilid. KPOPShop po yan. Hoho, salamat ^^

*************************************************************************** 

INAH’S POV...

Tahimik kami ni Mommy na kumakain ng Breakfast. Kagabi nang ihatid ako ni Dave sa bahay, hinayaan niya lang akong gawin kung ano ang gusto kong gawin. Pero, noong inakala niyang tulog na ako, naramdaman kong niyakap niya ako. Ang akala ni Mom, si travis padin ang dahilan ng mga nangyayari sa akin... Haaaay. Kung alam lang sana ni Mommy kung gaano kabigat ang dinadala ko. Pero, hindi padin akong handang ipaalam sa kanya ang tungkol dito. Hindi padin ako handang aminin sa kanya kung anong kalagayan ko. Hindi pa ako handang ipaalam sa lahat ang mga nangyayari sa akin, dahil ako mismo, hindi padin ako makapaniwalang totoo ang mga nangyayari. Hindi padin ako makapaniwalang buntis ako.

“Inah, kung ayaw mo na dyan sa kinakain mo ay tumayo ka na’t maghanda sa pagpasok. Masamang nilalaro ang pagkain.” Sabi ni Mommyy habang patuloy ito sa pagkain. Ibinaba ko ang Kubyertos na hawak ko. Wala na naman akong ganang kumain. Ang tamlay na naman ng aura ko. Nanghihina padin ako.

“Mom, una na po ako.” Tumitig muna sa akin si Mom bago nakakaunawang tumango.

tumayo ako sa kinauupuan ko, pero agad akong napahawak sa upuan. Sandaling umikot ang paningin ko, parang nandilim ang buong paligid. “Ok ka lang ba Inah?” agad na dinaluhan ako ni Mommy. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.

HINDI. Hindi dapat makahalata si Mommy. Hindi pwede to.

“M-mommy. Ok lang po ako... medyo nabigla lang po ako sa pagkakatayo, pero Ok lang po talaga ako.” Sagot ko sa kanya.

“Sigurado ka ba? I think kailangan na nating magpacheck up. Namumutla ka na oh. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Inah? Katapusan na ba ng mundo ng mawala si Travis? Anak. Ikaw lang din ang naaapektuhan sa ginagawa mo. Wake up Inah. Kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo, kailangan mong ituloy ang buhay mo kahit wala na kayo ni Travis. Marami pang iba dyan Anak. Please lang, let him go. Maawa ka sa sarili mo.” Naiiyak nang sabi ni Mommy. Napatungo ako. Naglandas sa magkabilang pisngi ko ang mga luha ko. Kinabig ako ni Mom para yakapin. Tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha ko.

Sorry Mommy. Sorry Mom.

**

SAMMY’s POV...

“Sassy Abhie Malliari. Magang maga mata mo oh, halatang halatang nagmukmok ka magdamag. Tsk.” Sabi ni Aya habang iiling iling na iniinspeksyon ang mata ko. -_______-

“Sorry naman sa pagiging BH ko hah.. palibhasa ikaw, hindi ka pa tinatamaan kaya lakas mo makakantyaw. Nakuuu. Baka mas malala ka pa nga sakin if ever na ikaw nasa kalagayan ko ee.” Pairap na sagot ko sa kanya. Tapos, isinuot ko na iyong shades na dala ko. Buti nlang mataas talaga ang sikat ng araw ngayon -.- hindi mahalay magsuot neto, kundi, magmumukha lang akong ewan, mas kakantyawan ako ng baliw na kaibigan kong to.

“Naks. Prepared. HAHAHAHA. Ano ka ba naman Bes. Stop Emote ka na dyan, Start the Happiness.” Nakangiting saad niya sa akin saka pinat ang balikat ko.

“Parang andaling gawin hah!” sarcastic na sagot ko sa kanya.

“You should.” Pahayag niya tapos bigla siyang tumayo. “tara na. Enough na sa Emote. Mag-aral ka muna. Wag puro Love-Love, hindi ka mapapayaman niyan.” Tapos hinila niya na ako. -_______-

“Weird mong magsalita. Mukha kang ewan. Kuuuuh. Ganyan na ba talaga kapag ikakasal na.” Pagkasabi ko nun. Bigla niya binitiwan kamay ko tapos inirapan ako. PIKON =_=

“BAHALA KA NA NGA SA BUHAY MO!” tapos padabog na umalis na sa harap ko at nagderederetso. Tingnan mo yung taong yun -.-

Napapailing iling na lang ako. Habang napapangiti. Sa tingin ko... may katapat na si Aya Danica Fortalez. Tatamaan din yan sa lalaking iyon. Masaya to. ^^

Magtutuloy na sana ako sa paglalakad kaya lang, pagtalikod ko...

“Sam.” Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Eto na naman. Eto na naman ang nararamdaman ko. Lagi na lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-iwas ako ng tingin. Humakbang na ako pataliwas sa dinadaanan niya ng bigla niyang hablutin ang braso ko at hatakin ako papunta sa kung saan.

Nabigla ako sa ginawa niya, nakaramdam ako ng parang kuryenteng umaakyat mula sa braso ko paakyat sa buong katawan ko.

“S-saan mo ako dadalhin? A-ano ba? B-bitawan mo ako.” Sabi ko sa kanya. Kahit anong pagpupumiglas ko, lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hanggang sa tumigil kami sa may Likod ng School. Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“Seriously Sam. Anong Problema mo sakin hah? Alam ko na hindi na to tulad ng dati na pagkaasar mo lang sa akin, umiiwas ka na talaga at hindi ko maintindihan kung bakit.” Sabi ni Dave. Mababakas sa mata niya ang frustration at pagkalito. Umiwas ako ng tingin para hindi ko masalubong ang mga mata niya.

“W-wala.” Simpleng sagot ko.

“Liar. Ni hindi ka nga makatingin ng diretso sakin ee. I know you Sam. Kilalang kilala kita. Ano bang problema mo hah?” nagulat ako ng ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya sa may pader. Napatitig ako sa kanya.

“You know me huh. really? Kung ganoon naman pala, bakit mo tinatanong sa akin kung ano ang problema kung kilala mo naman pala akong mabuti.” Tapos marahan ko siyang itinulak, aalis na sana ako pero, hinagip nya ang balikat ko at hinawakan ito.

“Look Sam. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano yang tumatakbo sa utak mo. Mabuti pang sabihin mo sakin para maintindihan ko. You’re acting strange lately, at hindi lang ako ang nakakapansin non. Pati sina Tito at Tita. May problema ba tayo?” tanong na naman nya. This time, sa mas mataas na boses na.

Naiiyak na ako. Nag-iinit na ang mga sulok ng mga mata ko. Bakit ba ayaw niya na lang akong tigilan? Ngayong nalalaman kong apektado siya sa pag-iwas iwas ko, lalo akong nasasaktan. Lalo akong naguguluhan.

“Hayaan mo---”

“NO. HINDI KO HAHAYAAN NA NAGKAKGANYAN KA! Habang buhay mo na lang ba akong iiwasan hah? Puro na lang ganito? Look Sam. Kilala na kita simula bata pa, bata palang kasama na kita, oo nga’t halos buong buhay natin nag-aasaran lang tayo. Pero Sammy, higit pa sa kaaway lang ang turing ko sayo. You’re a friend. My childhood friend, my---”

“NO. WE ARE NOT. YOU ARE NOT MY FRIEND!” pasigaw na sabi ko sa kanya. Natigilan si Dave. Maging ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Ni hindi ko din alam kung bakit ko nasabi iyon. Pero, bahala na. Kesa magmukha akong tanga sa harap niya.

“Ganyan ka kagalit sa akin?” napatitig ako sa mata ni Dave. Tama ba tong nababasa ko? He seems to be hurt. Pero, agad ding nawala iyon, napaltan ng blangkong expression. Baka nga nagkakamali lang ako.

“hayaan mo na lang ako. Kung pwede nga lang iwasan mo na lang din ako. Parang awa mo na. Kung pwede lang hayaan mo na lang din ako.” Tapos naramdaman ko na lang na may tumulong luha mula sa mga mata ko. Agad ko itong pinahid.

“Lalo kitang hindi maintindihan Sammy. Lalo mo akong pinag-iisip. Ano ba kasi talagang problema? Kung sinasabi mo na lang kase para tapos na at---”

“MANHID. Manhid ka *sob* Ang manhid-mandhid mo *sob* naiinis ako sayo.” tapos hinahampas hampas ko siya. Sumabog na talaga ang emosyon ko. Hindi ko na nakayang pigilan. Ang bigat bigat na sa pakiramdam . sobrang sakit na. Mas mabuti na lang din sigurong malaman niya, para iwasan niya na ako.

Maagap niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at pinigilan ako sa ginagawa ko, kahit anong pagpupumilit kong makawala, wala akong magawa. Nanghihina ako dahil sa nararamdaman ko. Nakakapanghina.

“Anong sinasabi mo Sassy Abhie?” kunot noong tinitigan niya ako. Tumigil ako sa pagpupumilit na makawala sa kanya. Napayuko ako. “Anong sinasabi mo!? SAM!” ulit niya sa sinabi niya sa mataas na tinig habang niyuyugyog ang balikat ko.

Tinulak ko siya gamit ang buong lakas na meron ako ngayon... tiningnan ko siya. Litong lito na siya. Alam kong may Idea na siya pero ayaw niyang tanggapin kung ano ang tinutumbok ng mga sinabi ko kanina.

Hindi ko kayang sabihin. Tingnan ko pa lang siya, rejection na agad ang nararamdaman ko. And it hurts like Hell.

Agad akong tumalikod upang umalis na. Pero hindi pa man ako gaanong nakakalayo, hinawakan na naman niya ako.

“Mahal kita...” tapos unti-unti akong tumingin sa kanya. Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin, at mas tumitindi ang kirot na nararamdaman ko.

“A-anong... sabi mo?” gulat na sabi niya sa akin.

“Mahal kita, at ang sakit-sakit dahil alam kong mahal mo siya. Kaya kung pwede lang, maawa ka sa akin. Hayaan mo na lang din akong iwasan ka. Iwasan mo na lang din ako dahil *sob sob sob* ang sakit sakit na. Ang sakit sakit na Dave. Ayoko na.” Mabilis na nagpatakan ang mga luha ko. Agad kong binawi ang braso ko na hawak niya tapos ay nagtatakbo palayo.

Yeah. Ganito nga talaga dapat. Para mas madali akong makalimot, mas madali ko siyang maiiwasan. Mas maiintindihan niya kung bakit ako nagkakaganito. Sana makalimutan ko na siya....

Kase, Ang sakit sakit na.....

***********************************************************

Continuă lectura