Mhorfell Academy of Gangsters...

Door alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... Meer

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 58 - The Real Demon

269K 7.5K 1.3K
Door alerayve


[ A L E X ' S  P O V ] 





"P-pakawalan n-niyo na a-ako parang a-awa n-niyo na." pagmamakaawa ko. Laging sa pagmulat ng mga mata ko sa buong linggo na ito ay ito ang una kong binibigkas. Minsan nga gusto ko ng sumuko at pumikit na lang kaso lagi akong nagigising mula sa mga masasayang panaginip sa oras na buhusan na nila ako ng isang balde ng malamig na tubig. 



Lagi kong nakikita ang sarili ko na nakaupo sa upuang ito na gawa sa kahoy, ginagapos ng mga mahihigpit at makakapal na lubid, at may ilaw sa itaas ko na tila ba mas nagpaparating sa akin ng ideya na isa akong hostage. Ilang beses ko na ngang sinubukan makaalis pero pilit rin akong tinatraydor ng katawan ko dahil lagi akong nabibigo. Gusto ko na ngang tanungin ang katawan ko kung andito pa ba ang lakas na pinagkaloob sa akin ng ESCAPE. Hindi ko na kasi maramdaman ang ni katiting na lakas sa akin. Sa pagkakataon na ito, napagtanto ko na ... tao lang din pala ako. Hindi ako abnormal tulad ng inakala ko noong naiturok sa akin ang kemikal na ito. Hindi ko na nga rin malaman kung luha ba ang umaagos sa mukha ko o ang tubig na ibinuhos sa akin. Kada oras, ningangatog ako. Iba na ang suot ko. Isang simpleng pares ng pajama lang ang bumabalot sa akin kung kaya't malayang pumapasok ang lamig sa katawan ko. Hindi rin nila ako pinapakain o pinapainom. Ni hindi ko nga rin alam kung naririnig pa nila ang usal ko dahil kahit ako hindi ko na rin ito masyadong marinig. Ganito ... ganito lang ang nangyayari sa akin sa loob ng madilim na kwarto na ito. Wala akong kasama at mas lalong walang nakakausap. Oo, natatakot ako pero mas pinili ko na lang na ibalik ang lahat ng nawala sa akin. Hinanap ko sa kasuluksulukan ng sarili ko ang lahat ng tungkol kay Kirsten. Ang pag-iisip, mga pangarap, mga memorya, mga alam niya, lahat iyon hinagilap ko. Para sa muling paglabas ko ng silid na ito, buong buo na akong haharap sa mga taong nagbigay pasakit sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. 



As if a miracle happened, I heard a creaking sound coming from the wooden door, I assume. I lifted my head up a bit to see the person who dares to visit me here. "Bring her out of here. Let her watch her mighty friends die." the only thing I can see was the pair of black shoes he is wearing. That voice filled with authority ... It's from the killer. 



Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang na lumuluwag na ang pakiramdam ko. Sa bawat pagtanggal ng isang ikot ng lubid ay nagbibigay naman sa akin ng hapdi dulot na rin ng sobrang pagkakatali nito sa akin. Ang sunod na lang na naramdaman ko ay ang pagkaladkad sa akin ng sa tingin ko ay dalawang maskuladong lalaki. Nakasayad ang mga paa ko sa sahig habang hinihila nila ako. Unti unti ay nasinagan na akong muli ng liwanag. Mariin akog napapikit dahil para bang hindi na sanay ang mga mata ko sa liwanag. 



I felt the two men drew me again to somewhere. When I open my eyes, that's when I found myself inside a glass cage. A huge one. I was left sitting on this cold surface while I'm watching the two getting this cage's lock active. Nilibot ko ang mga mata ko. Napakaraming mga tao ang hindi magkandaugaga sa mga hawak nilang papeles. Maraming lalaking armado ang nakabantay sa bawat sulok. Nasa harapan ko naman ang mga hindi mabilang na mga monitors. But the only thing that catches my attention was the footage I'm seeing from the biggest and widest among the monitors. 



"Ku-kuya ..." mahinang ungol ko habang nakikita ang kuya Xander ko na may talsik na ng dugo sa maputi at makinis niyang mukha habang pinagpapatuloy ang pakikipaglaban. Nandito ba sila para iligtas ako? 



Sa isip isip ko, para bang mas gusto ko pa na hindi na lang sila dumating. Ayoko ng makita silang nasasaktan. Ayoko ng may mamatay ng dahil sa akin. Ayoko ng may dumaloy na dugo para sa buhay ko. Ayoko na silang makitang nahihirapan ng dahil sa akin. Kung natuluyan na lang sana ako noong nadisgrasya ako noong hinahabol ko ang sasakyan nina Spade ... 



"Give my sister back!" kahit na nasa loob ako ng kulungan na ito ay naririnig ko pa rin ang mga tunog mula sa labas. 



"Ibalik niyo sa amin ang mistress namin!" 


"Uubusin namin kayo hangga't makuha namin si Alexandria!" 


"Don't ever touch her hair or else I'll kill you all!" 


"Huwag na huwag niyo siyang sasaktan, you assholes!" 


"Young miss! Alam kong naririnig mo kami, ililigtas ka namin! Please lang, mabuhay ka para sa amin!" 


"Malapit na kami, Alex! Ililigtas ka namin, 'wag kang mag-alala!" 


"Kirsten, may pangako pa ako sa'yo di ba? Hindi ka pa pwedeng mamatay!" 



And that last call woke me up. Liam ... 



Be safe everyone. Pinunasan ko ang mga bumagsak na palang mga luha gamit ang likuran ng mga kamay ko. Hindi ko na namalayan na bumagsak na ang mga luha ko habang pinapakinggan ang lahat ng kaibigan, nasasakupan, at ang mga malalapit sa akin. Kailangan kong maging malakas. Para sa kanila. Para sa sarili ko. Para sa araw na tutuparin ni Spade ang pangako niya. Para sa araw na makakabalik na ako sa dating buhay ko bilang Alexandria Kirsten Dela Vega Cromello. 



"What a touching scene." napukol naman ang tingin ko sa taong pumapalakpak. Nakamaskara pa rin siya. I can't help but to grit my teeth while scanning the whole of him. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakasalampak. "Too bad, sama sama kayong mamamatay dito." napatigil ako. Napasuntok tuloy ako sa kinalalagyan ko. Pinanlilisikan ko ng mata ang taong natutuwa sa sitwasyon namin ngayon. 



"You monster! I hate you! You killed Lorraine! Mamatay ka na! Hayop ka! Mabulok ka na sana sa impyerno! Arggghhh!" para akong baliw na nagwawala dito sa kulunga habang hinahampas hampas pa ito. Hindi ko mapigilan ang bugso ng nadarama ko. Matapos ang ilang taon, nasa harapan ko ng muli ang lalaking may kasalanan ng mga natitirang paghihirap ko. Bumabalik sa akin ang eksena kung kailan namatay si Lorraine. Dumaloy lang nang dumaloy ang mga luha. 



Inangat niya ang kaliwang kamay niya and he took his mask off slowly. When he took it off, all I can say is 'no way'. 



"Shocked?" he asked. Siya 'yung janitor na nagsabi sa akin noon na may kamukha ako na kakilala niya. 'Yung janitor na madalas na naka-assign sa room ko. 



Humakbang siya nang humakbang hanggang sa nakalapit na siya dito sa kinaroroonan ko. Medyo nakayuko ako dahil mas mataas itong kinalalagyan ko. "Para kayong pinagbiyak na bunga." at hinaplos haplos pa niya ang glass cage na ito. "Alexandra ..." sa hindi malaman na dahilan ay nagtataasan ang mga balahibo ko bawat salitang binibitawan niya. 



"You know what, iha? Isang diyosa ang nanay mo. Napakaganda niya. Masasabi mong bulag na lang siguro ang hindi magagandahan sa kanya. Ang pinagkaiba niyo lang ay masyadong siyang naging mabait. Hindi siya gaanong mapusok katulad mo kaya 'yun tuloy, maaga siyang namatay." nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang pagpipigil ng galit. Hindi ako natutuwa sa tono ng pananalita niya. Na para bang kasalanan pa ng nanay ko ang pagkamatay niya. "Ang tatay mo naman ... ah! Tama, si Kristoffer. Isa pang bastardong anghel. Ayun, namatay din." kung makakalabas lang ako rito, sasakalin ko kaagad ang lalaking ito hanggang sa maubusan siya ng hininga. Demonyo. 



"Pero ikaw. Iba ang kaso mo. Hindi dahil sa kabaitan kaya ka mamamatay. You will die dahil minahal ka ng isang lalaking nagmula sa lahi ng mga Vantress. Hindi pwedeng lumaki pa ang angkan ng pamilya na iyon. Dapat silang mamatay, kahit pa si Clyde na dati kong kaibigan. Pero ihuhuli ko siya. Hahayaan ko muna siya magluksa sa kamatayan ng mga anak niya at baka siya na mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay." mas naguguluhan ako sa mga ekspresyon niya. Ngingiti, sisibangot, magagalit, may problema ba sa utak 'to? O di kaya, nasiraan na ng bait? 



"Are you crazy?" nasambit ko na lang. Napatawa naman siya nang maintindihan niya ang buka ng bibig ko dahil hindi sapat ang lakas ng lalamunan ko para iparinig sa kanya ang boses ko. 



"Alam mo, napakagaling mong magtago. Hahayaan na sana kitang mabuhay nang sampung taon ng walang balita sa'yo eh. Kaso nagkita tayong muli sa Mhorfell Academy. Poor little princess of Alexandra, mamamatay ka dahil nasabit ka pa sa galit ko sa mga Vantress. Huwag kang mag-alala, kapag namatay ka na, i-didisplay ko ang napakaganda mong mukha sa lugar na lagi kong makikita." nanlambot ang mga tuhod ko sa huli niya sinabi. 



Nakanganga na lang akong nakatingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang mga halakhak niya na nakakapagbigay ng kakaibang takot sa loob ko hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Wala na nga siya sa sarili niya. 



"Sir! Sira na ang mga cameras at security portal natin! Senyales lang ito na nakapasok na sila dito sa basement!" tila ba nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang magandang balita na iyon. Di katagalan ay may dumating pa na isang lalaking na may dalang samurai na nababalutan ng dugo para mag-ulat sa master nilang lahat. 



"Malapit na po sila! Masyado silang marami!" nag-aalalang ulat niya. Bigla namang napatitig ang lahat sa isa sa mga malalaking monitors. 



"Cromello, hang in there." namukhaan ko ang nagsasalita bilang isa sa mga kaklase ko. Paanong kasama rin sila sa mga sumusugod? "Have you forgotten our families' powers? We've brought the whole squad just to save you. Kaya kapag natapos na ito, let's graduate together!" huli kong nakita ang ngiti niya bago nasira ang connection sa camera na iyon. 



"Heh, nagsama sama ang mga gangsters, mafioso, spies, rebels, agents para lang sa babaeng ito? Madalang ngang dumating ang mga babae sa pamilya niyo pero laging nagiging maimpluwensya ang kahit na sinong babae na nanggagaling sa angkan niyo. Nakakairita." banggit niya habang sa akin nakatingin. 



"Release all our men and kill those insects. Make sure that they'll not be able to reach the center." he commanded. The man bowed in front of him before he went off with his bloody sword. 



Paisa isang pinapatay ang mga monitors na nasa harapan ko. Pabawas din ng pabawas ang mga taong nandirito. Palakad lakad lang naman ang taong may kagagawan ng lahat ng ito. Mas pinili ko na lang ang manahimik at umipon ng lakas kesa ang magwala. Kailangan kong mag-ipon ng lakas para hindi ako maging pabigat sa oras na makawala ako. May tiwala ako na makakaya nilang makaabot dito sa center. Napayuko na lang ako habang inuusal ang mga mumunting dalangin ko. Ngunit naantala ito. 



"What the ---" unti unting pinapasok ng tubig ang kulungan ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula pero nakakabahala ito dahil baka may balak ang hayop na iyon para lunurin ako habang nasa loob nito. 



"Stay still, princess. This is just a precautionary measure. I won't let the Vantress family to have the continuation of their cursed bloodline." naalarma na ako lalo sa sinabi niya. Agad akong tumayo at naghanap ng paraan para makalabas. May nahanap nga ako ngunit imposible kong maabot. Nasa labas ang controller ng glass cage na ito. At alam ko namang wala ni isang tauhan dito ang magnanais na sumuway sa amo nila para ilabas ako. 



Napatingin tuloy ako sa paanan ko. Mas bumibilis ang pagpasok ng tubig. Ramdam ko ang pangangatog ko nang dahil sa malamig na tubig na tumataas bawat minuto. Papalapit na ito ngayon sa may tuhod ko. 



Guys, where are you? I need you right now.







____________________________________________________________________________________

A/N: Omg, malapit ng matapos T.T Next update will be narrated by another character! This is Alex's last POV! Sa epilogue, si Rennei na ang may hawak doon. The epilogue will not be as long as you are expecting pero mas grabe iyon kaysa sa kahit anong chapter. Sa mga gusto pang makahabol sa mga clues, hints, and all, sumali na kayo sa group namin sa fb! Nasa profile ko po 'yung link :) 


Salamat po sa naging mahaba niyong pagsubaybay sa story ko. And now, malapit na tayo sa ending. Sana matanggap niyo ang napili kong ending at napiling desisyon kung may book 2 ba or wala. May book 2 man o wala, may special chapters akong ipopost at PRIVATE pa rin po iyon. Sana basahin at suportahan niyo rin po ang iba kong stories! Hindi lang po action at SCI-FI ang meron ako. 'Yung iba kasi ay nasa draft pa. 


Vote - Comment - Share - Follow me! Feel free to message me here or on facebook! Don't hesitate to post on my message board ^^ God bless! 



-3:31AM- 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
413K 15.1K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
37.2K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror