Prof / Devil ... If that isn't complicated enough, tapos dadalhin nya pa ako soon dun sa impyerno. So ano? Enjoyin ko nalang nalalabing oras ko dito sa mundo? 😭
Di nga din sure kung makakagraduate, pambasag trip naman to si Kali. Technically she's not a real professor so bakit ko pipigilan yung sarili ko? Bada is even giving me signs bringing me to a club where they collect souls, letting me do anything with her. Baka nga kukunin nya na ako anytime 🥹
Nakadapa ako sa bed ko when I felt another weight on the other side of my bed. Now she can casually come in and out of here without me getting shocked, nasanay nalang ako.
"Di ka ata nagdala ng sasakyan today"
"I have somewhere to go to kaya I need to send you to the university faster" sagot nito na nakapikit pa habang nakahiga.
"San naman?" Tanong ko sabay lapit sa kanya.
"Your principal wanted me to join this 'Expo' and represent your university, ang dami namang teachers dun ako pa pinili" medyo inis nyang sabi.
"Pwede mo namang imanipulate yun ah tapos iba yung papuntahin" suggestion ko sa kanya, napamulat naman sya saka tumingin sakin.
"You're getting smarter too I'm impressed, but I can't do that. Your principal is a devil too why do you think we can go in and out of the university without getting questioned?" Natatawa nya na namang sabi, napanganga nalang ako.
Kaya pala dun ko sya unang nakita, tapos sila Eunji, Haechi and Gayoung parang tambay lang kung makapasok sa loob. Now I know.
Napaisip tuloy ako kung ilan pa sa nakakasalubong ko ang tao at hindi. Our Principal / Head of school definitely looks very normal for us.
Nung ready na ako ay agad namang hinila ako ni Bada and just a blink ay nasa school na agad kami.
"Stay put while I'm away Naomi" pagpapaalala ni Bada bago ako iwan. San naman ako pupunta e mag-aaral lang naman ako ng mabuti.
Nung nawala na sya sa paningin ko dun lang ako nakahinga at nakakilos ng maayos. I still remembered that night when we did a more intimate sexual act in her bedroom. I almost confessed my feelings for her but she cut me off.
Namimiss ko tuloy agad sya *sighs* sana kasi diba nirequest nya na isama ako dun sa expo edi sana dalawa kami dun. Baka lumandi na naman yun dun hay nako.
Alam ko na gagawin para di sya madistract ng ibang babae! Kukulitin kita Bada mwehehe
Feeling ko ang landi-landi ko ngayon 😭 Tama ba tong ginagawa ko? Direct masyado ni hindi pa ko pa nga maamin na gusto ko sya, or itanong sa kanya if she feels the same for me.
Ilang beses na ba akong nagbuntong hininga hindi naman malalim yung problema ko, mahirap lang solusyunan.
"Naomi" napaangat naman ako ng ulo when I heard Kali call me.
"Ow? Bakit?" Tanong ko sa kanya as she approaches me sa desk ko.
"Wala lang just checking on you, baka dinamdam mo sinabi ko kanina ha. Just giving you a wake up call" pagpapaliwanag nya sakin.
"Ok lang yun, I admit I was stepping over the line. Bait mo naman ngayon dapat anghel ka nalang e" pabiro kong sabi pero di sya natawa. Dalawang puntos para sayo Naomi, bebengga ka na kay Kali.
"Hehehe sorry ulit" paiyak nako nyan habang nagsasabi. Kali was not smiling still but I don't feel she was disappointed about what I said, hindi ko lang sadyang mabasa yung iniisip nya.
"Akala mo wala akong pangbalik sa pang-aasar mo ha. Eto bubuo ng araw mo ay talaga naman pag nakita mo to matutuwa ka" nabigla ako nung para syang naging excited habang nagbabrowse ng phone nya.
Sinamaan ko agad sya ng tingin habang tawa sya ng tawa sa tabi ko. Hindi ka nakakatulong talaga kahit kailan Kali.
"Natahimik ata Naomi? Hahahaha" patuloy nyang pang-aasar. Hindi ko na sya kinibo dahil hindi ko din alam kung ano pang masabi ko dito baka hilahin ako bigla pailalim ng lupa. Buti nalang di na nila naririnig thoughts ko si Bada nalang.
"Are you serious though? About your feelings for Bada?" Tanong nya pagkatapos na tumawa ng napakahaba.
"Oo seryoso, I don't know Kali she knows me well and I don't feel scared at all. Sobrang comfortable ako kay Bada, di gaya sayo *coughs* And she never fails to protect me like she means something" sagot ko sa kanya, this time tumawa na sya.
"Well hmm I will admit na unique case ka kasi Naomi that's why Bada is like that. Who knows? She might or she might not have feelings for you" mas lalo lang ginulo ni Kali, chaos talaga sya pinandigan nya na.
"So wala lang yung kanya? She just finds me different from her other subjects kaya nya ako pinoprotektahan from YOU?" medyo mapang-asar ko uling tanong, Kali smirked while staring at me na akala mo may binabalak ng masamang gawin.
"P-promise last na yun Kali sorry hehe" pagbawi ko sa sinabi ko.
"We can figure out what's on Bada's mind, kailangan mo nga lang makipagcooperate" sabi nya na nakasmirk pa din. Anong --? Pano daw?