Tatlong araw na ang nakalipas ng ma meet ko ang parents ni Miss Cleo gusto nga ng Mom niya kami ngayon papunta dun sa Mansion nila pero dahil busy si Ma'am ngayon ay hindi muna sumang ayun sa gusto ng Mommy niya
Buti nga at busy siya ngayon dahil ganun din ako simula ng break namin sa school ay tadtad naman na papeles galing trabaho ang inaasikaso ko
Habang inaasikaso ko yong mga papeles dito sa office ko sa condo ay biglang nag ring yong phone
Agad ko naman itong sinagot ng makita yong caller
"Hello?" Patanong kong sambit sa kabilang linya
"Hello po Ma'am, meron po kasi tayong isang client na gustong-gusto mag invest" sabi ng nasa kabilang linya
"What do you mean by that?" Tanong ko
"Halos mag iisang taon na po kasi siyang pabalik balik dito sa company niyo, dahil po gusto niyang mag invest and hindi po siya basta-bastang tao" paliwanag ng nasa kabilang linya
"Okay, can you tell me some information about that person" muli kong tanong
"Siya po ang C.E.O ng SCC company at yong company niya po ay isa sa pinakamalaking company dito sating bansa she's also a Professor sa sarili niyang University" paliwanag ng nasa kabilang linya
She?
So, she's a girl.
"Diba nasabi mo na halos mag iisang taon na siyang gustong mag invest sa company ko bakit hindi pa siya nag-iinvest? " tanong ko muli sa kabilang linya
"Kasi po Ma'am gusto niya pong personal kayong mag usap" sagot ng nasa kabilang linya
"Hmmm, what's her name?" I asked
"Miss Safa-" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla akong mag salita
"Okay Precious, set the meeting after lunch tomorrow, I have to go, "pagpapaalam ko sa kabilang linya dahil may sunod-sunod na nag do-doorbell sa labas ng condo ko
Nang babaan ko na ng tawag si Precious ay agad na akong tumungo sa pinto at pagbuksan kong sino man yong tao sa labas
Nang makalapit na ako sa pinto ay agad ko ng binuksan ang pinto dahil hanggang ngayon ay panay pindot parin ng doorbell ang tao sa labas
Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sakin ang lima kong kaibigan
" HELLOOO!"sigaw na sambit ni Natasha
Grabe itong babaeng to ang ingay ingay buti nalang dalawa lang unit sa floor na ito tapos bakante pa
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila
"Grabe ha, hindi mo ba pwede muna kami papapasukin? "Kunyaring nag tatampong saad ni Nathan
"Sige na sige na, magsipasok na kayo" naiinis kong sabi sa kanila
"Ang ganda naman ng condo mo anteh, ikaw lang dito mag isa?" Tanong sakin ni Jenny na tinanguhan ko lang
"Hoy! wag niyo akong libangin sa tanong-tanong nyong yan, bakit ba talaga kayo andito? " Tanong kong muli sa kanila
"Guin" tawag sakin ni Natasha kaya tumingin ako sa kanya saka tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa mukha palang nito ay mukhang may gusto ng gawin nakalukuhan
"Inom tayo" sabi niya sakin saka ngumiti ng napakatamis
"Ayaw ko" maikli kong sabi sa kanya
"Dali na Guin ngayon lang naman eh" pamimilit naman ni Nathan
"Hindi ako pwede dahil may lakad pa ako bukas" muli kong pagtanggi sa kanila
Totoo naman na may lakad ako bukas dahil may meeting ako
"Oo nga naman Guin ngayon lang naman e" Ngayon naman ay si Marco na ang nagsalita
Bumuntong muna ako ng hininga bago muling mag salita
"Papayagan ko kayong dito mag inom, pero wag niyo akong guguluhin sa kwarto ko dahil meron pa akong gagawin" mahabang sambit ko sakanila
"Hindi narin masama andito ka din naman e, okay deal"pagsang-ayon ni Jenny sa sinabi ko
Unti-unti na nilang nilagay ang alak sa table ko dito sa sala pagkatapos nila ay nag si pwesto na silang lima palibot sa table saka nag simula ng mag-inom
Pumunta na ako sa kwarto ko saka dumeretso sa office ko
Lumipas na ang apat na oras at 10pm narin ng matapos ako sa trabaho, bigla akong nakaraam dam nang uhaw kaya napag-isipan kong kumuha sa kusina ng maiinom
Naglalakad na ako pa tungo sa kusina ng wala na akong ingay na nakikinig sa sala kaya pumunta ako dun, nangmarating ko ang sala ay hindi ko napigilan ang tumawa dahil sa nakita
Halos lahat sila tulog na pero yong posisyon nila ay parang kakagaling lang sa gera
Si karla at Jenny ay nakahiga sa sahig si Natasha naman ay nakatihaya sa long sofa habang yong dalawang lalaki ay nasa sahig nakahilata
Imbes tuloy na kumuha ako ng tubig ay isa-isa kong pinapasok yong lima sa guest room
Si Jenny, Karla at Natasha ay sa iisang guest room lang at yong dalawa naman na lalaki na si Nathan at Marco ay sa kabilang guest room buti nalang talaga may dalawa akong guest room dito
Kakatapos ko lang ihatid yong lima sa kwarto, kaya naisip ko nang ligpitin yong mga pinag inuman nila
Nagmumukha akong katulong sa sarili kong condo, hmp.
Pagkatapos kong magligpit ng mga pinag-inuman nila ay kumuha muna ako ng tubig sa kusina bago ako tumungo sa kwarto ko
Pagpasok ko sa kwarto ay dumeretso ako sa banyo at nag half bath, pagtapos ay nagbihis na ako ng pantulog
Pagkahiga ko sa kama ay agad namang tumunog ang phone ko na naka lagay sa ibabaw ng drawer ko na katabi lang ng kama ko, agad ko naman na kinuha yun at tinitignan
Nag message pala sakin yong girlfriend ko, kinikilig ako bwesit
Love❤:
Why aren't you a sleep?
Pano niya nalaman na gising pa ako? Baka nakita nyang may green pa sa profile ko hehe.
Baby❤:
Patulog na po
Love❤:
I'm out side your condo.
Dahil sa message niya ay agad akong napabangon sa pagkakahiga
Bakit siya andito?
11:30 na ng gabi tapos andito siya?
Pumunta na ako patungo sa pinto at pinag bukasan siya
"Love!" Pasigaw niyang sambitin sakin
"A-ano pong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
"I missed you" sagot niya saka pumasok sa loob ng condo ko
Pag pasok niya ay agad ko namang sinarado ang pinto
"Who's shoes are those?" Tanong niya habang naka tingin sa mga sapatos na nasa kalapit ng pinto
Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na andito yong mga kaibigan ko
"Ah kila Natasha po yan" sagot ko
"Why didn't you tell me that you have a friends over?" Tanong niya at humarap sakin
Napakamot ako sa batok saka nagsalita
"Nakalimutan ko po eh" sagot ko
"K. I'll be sleeping in your room then" sabi niya saka naglakad papunta sa kwarto ko, habang andito parin ako sa pinto iniisip parin kong anong nangyare
Huh?
Pumunta ba siya dito para lang makitulog?
Ang laki-laki ng bahay niya, hindi nga bahay eh, Mansion
Pati pano kong makita siya bukas nila Natasha?
Baka malaman nila na girlfriend ko si Ma'am, knowing her hindi niya iyon itatanggi
Nong umiyak nga siya sakin sa parking lot ng university wala siyang paki kong may dadaan mang studyante or may makakita samin
Lumipas ang ilang minuto na pag iisip ay napag desisyonan ko ng bumalik sa kwarto ko
Naabutan ko naman siyang nasa kama at nakasandal sa headboard, bumagay sa kanya yong pajama ko medyo malaki sa kanya kasi mas gusto ko talaga ang maluwag na pantulog kisa si fit
Mukhang iniintay niya ako
Sinarhan ko na ang pinto ng kwarto ko at tumingin sa kanya
"What took you so long? "She asked using her cold voice
Lumunok muna ako bago magsalita
"Nag-inom pa po ako ng tubig sa kusina"I lied.
Tumango naman siya sa sinabi at tumingin sa mga mata ko
"Come here, love" sabi niya sakin habang tinatapik yong space sa kama na katabi niya
She's signaling mo to go there
Agad naman akong pumunta sa tabi niya
Nang makapwesto na ako sa tabi niya ay agad niya akong niyakap mula sa tagiliran
"I miss you love" she whisper
Grabe si Miss parang isang araw palang kami hindi nagkikita miss na agad ako, sabagay ako din naman sa kanya eh, hehe.
"I miss you too.... " mahina kong sambit
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinarap niya ako sa kanya, nang magkaharap na kami ay mabilis niya akong hinalikan sa labi,dampi lang.
Nang ihiwalay na niya ang labi niya sa labi ko ay sabay na kaming humiga
"Good night love" she softly said while her eyes close
"Good night" sambit ko
Nang ipikit ko na ang aking mga mata ay agad na akong nilamon ng antok
Nagising ako dahil sa may nararamdaman akong mahihinang tapik sa pisngi ko
Nang-imulat ko ang aking mata ay bumugad agad sakin ang kulay berde niyang mga mata
"Good morning love" sambit niya sabay dinampian ang labi ko ng halik
"Good morning"sabi ko sa kanya habang kinukusot ko pa ang aking mga mata
"I woke you up because I just wanna say that I'm leaving, and also to tell you that we have a date tonight, okay? " sambit niya sakin
"Okay, mag iingat ka I love you" ito nalang ang nasagot ko sa kanya dahil inaantok pa ako
"I love you too love, I'll see you later" nang masabi niya yun ay agad na siyang umalis sa kwarto ko
Nang akmang tutulog na ulit ako ay tinignan ko muna ang oras sa phone
6:20am palang pala after lunch pa ang meeting ko
Nang makita ang oras ay muli akong natulog dahil 12 na ako na tulog kagabi