K-12 War Series #1: Academic...

By ZipMouth

4.2K 375 119

ACADEMIC SEASON #1: (STEM, ABM, HUMSS, and GAS) K-12 curriculum is currently implemented in the Philippines a... More

AUTHOR'S NOTE
Meet the Characters
Prologue
Chapter 1: SHS Outbreak
Chapter 2: Flag Ceremony
Chapter 3: Big Issue
Chapter 4: Enrollment
Chapter 5: Cut-off
Chapter 6: Private VS. Public
Chapter 7: Tea
Chapter 8: Humanista
Chapter 9: Lockdown
Chapter 10: Day Ends
Chapter 11: Marites
Chapter 12: Special Program
Chapter 13: HUMSS
Chapter 14: ABM
Chapter 15: STEM
Chapter 16: GAS
Chapter 17: Campaign
Chapter 18: Ayuda
Chapter 19: Pork Barrel
Chapter 20: Campus Idol
Chapter 21: Mini Bus
Chapter 22: HUMSS VS. STEM
Chapter 23: Debate
Chapter 24: Tattooed Eyes
Chapter 25: Gossips
Chapter 26: Discrimination
Chapter 27: USG President
Chapter 28: Exclusive Dropout
Chapter 29: One Table
Chapter 30: Machiavellian
PART TWO
Chapter 31: ZSU
Chapter 32: Relationship
Chapter 33: Executive Order
Chapter 34: Accounting Title
Chapter 35: Subject
Chapter 36: Strands (Part 1)
Chapter 36: Strands (Part 2)
Chapter 37: Trash Money
Chapter 38: Accounting Equation
Chapter 39: Liability
Chapter 40: Fake News
Chapter 41: Nutrition Month
Chapter 42: Competition
Chapter 43: Apple
Chapter 44: The Past
Chapter 45: The Ex-president
Chapter 46: Boyfriend

Chapter 36: Strands (Part 3)

33 4 1
By ZipMouth

"We are in hierarchy."

Napakunot kami ng noo at lumapit pa sa kaniya dahil binulong niya 'yun. Whispering is an indication na branded ang in-o-offer niyang tsismis.

"Anong ibig sabihin n'on, dzai?" Intriga agad ni Ehseng na tila uhaw sa tsaa.

"Nasa tatsulok tayo. Nasa tuktok ang Acads while nasa baba kaming mga TVL. Matataas ang tingin sa inyo ng mga tao at basura naman kami. Ang nangyayari tuloy, palagi kaming binubully ng mga Acads at naagrabyado sa sistema ng paaralang ito."

"Wala kaming nababalitaang ganon!" Sigaw namin.

"'Yon ang problema! Ang problema sa ZSU ay ang politika at pamantayan nila! Kaming mga TVL ang napag-iiwanan ng USG at maging ang school. Walang may pakielam sa amin dahil mga bobo't malas kami at hindi kami nakatapak sa highest strand ng Academic Track. TVL students aren't the privilege ones for receiving primary needs, education, and also for our student rights."

Hyrana both teared upon her eyes and sniffed to clear her throat.

"Kawawa kami, sa totoo lang. Wala kaming cafeteria rito. Wala rin kaming libraries at kulang kami sa secondary sources for studying and references. Halos sira na ang mga appliances sa HE at mga computers sa ICT strand. Bihira lang kami mi-ni-meet ng mga instructors namin sa klase bagkus pinapahirapan pa nila kami sa ibinababang task nila. Ang epekto nito ay maraming salimuot ang nangyayari rito sa TVL area. Sari-sari ang gulo at labanan kaya lahat ng nadawit sa nangyaring rebelyon nung nakaraang linggo, lahat sila ay nalipol at bumagsak. Kung iisipin niyo ang sitwasyon namin, wala talagang may pake sa amin. This isn't the ZSU I had been wishing before. Nagkamali ako ng pinasukang paaralan."

Humagulgol siya at niyakap namin siya.

Nagsalita ako.

"Porket agrikultura at pangingisda ang pangunahing itinuturo sa strand ninyo, dapat bang mababa ang tingin namin sa inyo?! Hindi dapat ganon! Kahit nga nasa Acads din kami, mga butaw pa rin kami since elementary. Walang kinalaman ang strands sa katalinuhan ng tao!"

"Dapat sirain na iyang tatsulok na iyan eh!" Sabi ni Bhea.

"Sino ba kasi nagpauso niyang triangle? Dapat kasi circle o square na lang eh! Bet ko pa." Ignoranteng reklamo ni bayot.

Sumabat ako.

"Bakit kasi AFA strand ang kinuha mo, Hyrana? 'Di ba pasok sa banga ang grado mo?"

That's the ideal query I must ask to her.

"Yes, I passed the STEM and ABM requirements. Pero pinili ko ang AFA strand para sa pamilya ko. Gusto ko silang tulungan para mapadali ang pagsasaka at pagtatanim nila dahil 'yun lang ang ikinabubuhay namin subalit...parang ako pa yata ang magbibigay pasakit sa kanila."

"Dapat kasi the school should make patas-patas lang sa treatment nila sa atin eh and not the other way around. Why naman kasi ganon? They must reach out for our needs talaga eh." Panayam ni Yshie.

"I think I have an idea."

Napatingin kami kay Denver nang magsalita siya.

"Denver, may alam ka bang makakatulong sa kanila para makamit nila 'yung equality at magkaroon din sila ng magandang edukasyon?" Tanong ni Bhea.

Humarap si Denver sa amin.

"Si Zuleen. We need her." He concluded.

"Sa dami ng tao na puwede mong maisip, bakit si Zuleen pa?! Hindi ba puwedeng dumiretso na tayo sa chancellor? Kaniya 'tong school eh, dapat siya ang mamroblema at magbigay ng solusyon!" Sabat ko.

"If that's what you're suggesting, Porkchop ko, do you think you have any connection with the chancellor to discuss this case? If not, wala tayong mapapala para kausapin siya. He's a busy and aloof person. All we got to do is to have the power in this campus state. And that brings us the USG. The election is upcoming and we need Zuleen to take the highest position as she aims the presidential throne. Kailangan natin siya para mabago ang sirkulasyon ng hierarchy."

"Ang ibig mo bang sabihin, we need to support Zuleen to become a USG President so in the near future, she can help us to eliminate discrimination against all TVL students. Is that what you were planning?"

"Precisely. At ako na ang bahala para kausapin siya."

Napangiti si Hyrana na tila nabigyan ng pag-asa.

"Makakaasa kayo sa amin! We will vote for her. I'll be taking that us a gratitude to all of you. Maraming salamat sa inyo. Masaya akong naging kaibigan ko kayo at nakakasama ngayon." Pasasalamat niya.

We hugged her tightly. Hindi namin lubos isiping malala ang pinagdadaanan ng mga ka-batchmate namin rito. We are not aware and we are not the only one who was deprive and discriminated. Kaming lahat pala ay nakukulangan sa pamamahala ng nasa sa itaas. We need good implementation of education.

Ano bang nangyayari sa paaralang ito?


__(=_=)__


TUMUNGO NA kami sa pinakadulong part ng TVL area.

Ito na ang last na pupuntahan namin. The most end and cliff-edge of ZSU. Maraming sign boards na nakapaskil sa bawat daanan namin. Ipinagbabawal pumasok ang mga Acads dito. May mga buildings pang nakatayo rito and that would be the IA (Industrial Arts) Department Buildings. Medyo masukal ang daan bago makapasok dito dahil sa mga tanim at bakuran ng mga AFA students.

I can say na maingay rito. Not because of people's audible verbal sounds but the screeching of metal bars as they clanging and ripping inside the storey buildings.

"Sakit sa tenga!" Sigaw ko.

"Nasa IA tayo, mga bes. Kaya i-expect niyo nang maingay rito. Siguro nagpuputol sila ng mga bakal."

"Wala akong ma-sight here na guwapo. Akala ko mga hot boys sila, nagmukha lang silang sunog!" Pintas ni Lando sa mga kalalakihan sa tabi-tabi.

Maraming napapadako ang tingin sa amin dahil dayo lang kami rito. Masasama ang tingin nila sa amin na tila isang kasalanan ang mapadpad ang tulad naming mga Acads.

Biglang may bumagsak na lalaki sa harapan namin at tumalsik ang mga dugo nito sa aming mukha at damit.

Sh***t!!!

"KYAAAAAHHH!!!"

Binulabog namin ang lugar sa nangyari. We were so hysterical na makakita ng taong duguan. Patay na ito dahil kita naming bumulwak ang mga mata nito at bituka sa tiyan. Nanginginig pa ang katawan nito.

I think he's electrocuted.

We gazed up. At nakita namin ang mga estudyanteng nasa itaas na nag-i-install ng electrical components sa hibla ng mga kuryente. Isa-isa silang bumaba gamit ang mga tali sa kanilang beywang at nagsilapit sila sa bangkay.

"Itapon niyo na 'yan." Utos ng lider sa kanila.

"Bakit niyo na lang siya itatapon?! Tao yan hindi basura! Wala ba kayong mga konsensiya o awa man lang sa namatay?!" Pigil ko sa kanila.

"Ilan na rin ang namatay rito. At bukod d'on, walang may pakielam sa buhay namin para kaawaan pa kami ng kahit na sino, maging ang school na ito o pamilya namin."

"B-Bakit?"

"Dahil mababang uri lang kami. Hindi kagaya niyo na mataas ang pagkakakilanlan sa lipunan, mga Acads."

Lumapit siya sa amin. Pumagitna si Denver para mag-set ng boundary.

"My name is Harem. Grade 11 IA student majoring in EIM. An aspirant leader of EIM specialists." Pagpapakilala niya. EIM stands for Electric Installation and Maintenance.

He offered his hand to shake.

"Ang hot niya, mga bitch! I can't get rid of my eyes off of him. Nalalaspag agad ang peslak ko kapag tinitingnan ko lang siya."

Napatingin ako kay Harem. Nakakahumaling nga siya. Lalaking-lalake. Makapal ang kilay, seryosong mga mata at maayos ang porma. Siya lang ang natatanging maputi at makisig sa grupo nila.

"My name is Denver, Grade 11 STEM student, major in high intelligence and handsomeness. The Idol of the many. Nice meeting you."

Woah. Kumakasa rin ang Kuya niyo! Ibang Denver ang nakikita namin ngayon. Vulnerable siyang tao pagdating sa amin pero palaban pala kapag sa ibang tao.

They shook hands. Kita ko ang higpit nilang dalawa sa pagkakuyom-palad. As I compared them both, mestiso si Denver while pogi at maputi lamang si Harem.

"Ang lakas naman ng mga amats niyo para pumasok dito matapos ang nangyari." Pranka ni Harem.

"Are you talking about the rebellion they were referring?"

"Tama. Matapos ang isang linggo, nagluluksa pa rin ang mga tao rito buhat sa nangyari. Kung iisipin, katulad lang ito sa masaklap na naganap noong enrollment. Kaya sa tingin ko, mali ang araw ng pagpunta niyo rito. Hindi ito nakakatulong para magbigay simpatya sa amin." Turan niya sabay kamot sa ilong ng hinliliit.

"My apologies, if you were seeing our visit as an offense. We're not here to seek any troubles, 'cause we want to reach out to others. We have a concern about the disruption of provision in education and welfare in this area. We just want to know what will be the possible things we can offer to all of you."

"Ganon ba? Kung sa tingin niyo makakatulong kayo na mapabago ang sistema at hidwaan ng student government at sa mga kilusang aktibista, imposibleng mangyari iyon. Hindi niyo magagawang maialis sa isipan ng mga tao ang away na matagal nang umiiral. Ang mas magandang gawin na lamang ninyo ay ipatupad na sarhan ang bawat departamento upang walang sinuman dayuhang estudyante ang nais manghimasok at manggulo rito." Suwestyon niya.

The ground shook every now and then.

"Anong nangyayari?!"

"May lindol?!"

Natahimik kaming lahat. We gaze from a far. May isang dambulahang lalaki ang pumapalapit sa amin at halos tingalaan namin siya ng aming ulo. Mayroon din siyang mga kasama na tila alagad niya. Ang kaniyang mabibigat na paa ang siyang gumagawa ng pagyanig sa lupa.

"HAREM! ANONG GULO ITO?!!!" Tahol niya na magaspang ang boses.

Sinenyasan kami ni Harem na umalis na. Ayaw niya yata kaming mapahamak sa mga mabibigat nilang kamay. Ngunit hindi kami natinag sa aming kinatatayuan dahil matigas ang ulo namin para sumunod sa kaniya.

"Wala naman, Rene. Naligaw lang sila." Dahilan ni Harem.

His name is Rene. Nahahawig siya sa isang matabang gorilla dahil sa kaniyang mala-higanteng katangkaran. Kumbaga mas matangkad pa siya kaysa kay Denver at Harem. Matapang ito at bakas sa asta niya ang nag-uumapaw niyang kayabangan.

"Aahh, naligaw lang pala sila kaya naghahanap ng gulo! Sige, ituturo ko sa kanila kung saan talaga ang kaguluhang hinahanap nila!" Turan niya at pinatunog ang kamao nito.

Harem eyed at us to give us a cue to leave.

"Acads, tumakbo na kayo. Ako na ang bahala rito."

"Bakit mo sila papatakbuhin? Mga talunan ba sila?! HAHAHAHA!" Hamak ni Rene sa amin. "Kung sa bagay, marurunong lang sila sa pang-akademikong talastasan hindi sa rambulan, HAHAHA!" Halakhak niya.

"Let's go back. We have no intentions to have a fight here." Hinila na ako ni Denver para umalis pero hindi ako naalis sa puwesto ko.

"P-PORKCHOP!!!" He barked as I confronted the leader of the gang.

"Oh, ano, bata? Gusto mo ng away, ha?!" Yumuko siya para mapansin ang kaliitan ko.

"Ayaw."

Bumugak ang tawa nila. "Sabi ko na nga ba eh, mga talunan sila!"

"Dahil mas gusto namin ng gulo."

"A-ANOOO?!!!" Natigilan sila.

"HUMSS, ATTAAAACK!!!" Bigay-hudyat ko.

"KYAAAAAHHH!!!"

Lumusob ang mga kasama ko. Tumalon sila Ehseng, Bhea, Yshie, at Lando nang mataas sa ere at sinipa ang higanteng lalaki para patumbahin. Tila yumanig ang lupa sa malakas na pagbagsak ni Rene sa sahig. Gulat ang mga IA students sa kanilang nasaksihan at hindi sila nakagalaw. Hindi nila inaakala na mga bayolente rin kami tulad nila.

"Mga public kayo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Harem sa amin. He thought we were just private weaklings.

Napatingin kami kay Rene.

"A-Ayos ka lang, master?!"

"D-DISPATYAHIN NIYO SILAAA!!!" Utos na sigaw ni Rene na hirap makabangon sa pagkakabagsak.

Dito nagsimula ang labanan.

Maraming lumabas na mga estudyante sa sulok-sulok. We spotted them in every corners. Pinapalibutan nila kami. They were wearing black handkerchiefs on their heads and necks. Pumarisan sila ng takbo papunta sa gulong nagaganap dito.

"Ako na bahala, dzai!"

Bago pa sila makalapit sa amin, pumagitna si Ehseng at tumapat siya sa sinag ng araw. Tinakpan agad namin ang aming mga mata. Ehseng used her shimmering forehead to blind their sight. Nakasisilaw ang noo niya. The light striked them all in one blast.

"Ang s-sakit sa mata!"

"Anong nangyayari?!"

"Tinatawag na ba tayo ng langit?!"

Habang nabulag sila sa liwanag na dala ng noo ni Ehseng, kumilos ang mga ibang kasama ko para kunin ang pagkakataong patumbahin silang lahat. Yshie had those long legs to kick their abdomen and quickly scratched their flesh with her keen nails as a furry cat. Halos ng mga kalalakihan ay natumba at napahiyaw sa sakit. Bhea held a long piece of metal bar from the ground and swifted onto the air for them to withdraw back. Lando tried to chase those boys but all of them was too scared to be under in his malicious act.

Halos lahat sa kanila ay natumba at mayroong mga iba ay nanatiling lumalaban at nagmamasid sa amin. Denver got into troubles too and he used his fist to fight those enemies. Marunong din pala siyang makipaglaban.

"Ako na bahala rito, Porkchop. Stay there. I'll protect you. No one's going to hurt you."

I was astonished by his words. He's protecting me like an elder brother to his sister.

Humarap si Harem kay Denver.

"Pasensya na kaibigan. Hindi ko na kayo matutulungan pa sa lagay na ito." Isang kamao ang dumapo sa tyan ni Denver at natumba ito at namimilipit sa sakit. Iniwan ni Harem ito na nakalumpasay sa sahig.

"EIM students, take charge!" Sigaw ni Harem sa mga kasamahan niya.

Dumating ang mga EIM students. May hawak silang mga faulty wirings na puwedeng ikakuryente at ikamatay namin. Delikado ang hawak nila. I helped Denver out to get up and brought him to our circle. Pinapalibutan nila kami. Kukuryentehen na sana nila kami pero pumagitna ako.

"Guys, takpan niyo mga tainga ninyo." Atas ko.

They covered their ears. Humigop ako nang maraming hangin na pumuno sa lungs at bellies ko.

"KYAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!"

Isang malagim na bulyaw ang rumagasa sa kanila. Tinapat ko ang bunganga ko palibot sa kanila at tumilapon silang lahat at nagsilipol. Tila isang hurricane ang dumapo rito sa lugar namin. Sa lakas ng sigaw ko, alam kong umalingawngaw na ito sa buong campus. Ang sigaw na iyon ay nagbigay tanda na may gulong nagaganap dito. Maraming nagsilabasan na mga kalalakihan at may mga pirasong bakal sa kanilang mga kamay. Naalarma ako.

Kaya nilang pumatay ng kapwa-estudyante nila.

"Tara na, mga bes! Umalis na tayo rito!" Sigaw ni Bhea.

We run altogether while IA students chased us behind. Maaabutan na sana nila kami pero may isang mapulang bagay ang bumagsak mula sa itaas at napahinto ang mga taong humahabol sa amin.

"Leave this place."

That was the guy who hides in a red cloak.

Hindi ko na siya nilingon pa sa kabila ng aming pagmamadali. Nag-atubili kaming umalis sa IA Department Area nang walang humahabol sa amin sa likod. Akala ko matatapos na ang aming kalbaryo pero nagkamali ako. Nandito ang mga AFA students. May hawak silang mga palaso, itak, kalaykay, kahoy, at martilyo.

"Takbo!!!" Sigaw ni Bhea.

We anticipated to persuade her. Kumaripas ulit kami ng takbo.

"Why are they chasing us?!" Tanong ni Denver patungkol sa mga taong humahabol sa amin.

Lahat ng mga TVL students ay hinahabol kami: AFA, HE at ICT. Humaharang sila sa aming daraanan. Para silang mga zombies na gusto kaming kainin nang buhay. Sa pagkaripas namin ng takbo, na-corner kami sa isang palikong daan. Walang lagusan paalis rito. Patay!

"We're doomed, guys!"

"Pa'no na yan, dzai?!"

"Ano nang gagawin natin, mga bes?!"

"Don't ask me. I don't make alam, gurl."

"We're so literally dead, bitches! But it's okay, being a lifeless virgin really matters."

"Acads! Dito!" Sigaw ng kung sino.

Si Hyrana!

She guided us the way out from this place. We took the shortcut where no one is around. Maraming pasikot-sikot ang aming nadaanan. Nalagpasan na namin ang HE Department Buildings pati na ang ICT. Nakita na namin ang bukana ng TVL Area. Maraming guards ang nakapatrolya roon, inaasahan na nila ang paglusob ng mga TVL students sa estasyon nila.

"Papasara na ang gate! Bilis!" Pang-aapura ni Hyrana.

Binilisan pa namin hanggang sa nakalampas kami sa gate. Hingal na hingal kami sa paghinga.

"Umaasa ako sa magagawa ninyo, mga Acads! Bring back the peace in our area." Huling mensahe ni Hyrana.

Bago pa ako makabaling at makatugon, isang malakas na ugong ang nilikha ng pagsara ng malaking gate. Sinarado na ito ng mga guards. Bumuga ito ng malakas na alikabok sa amin na halos ikapuling namin at tuluyan na itong nawala. The gate was now locked.

Hindi na namin nasilayan pa si Hyrana.

Our eyes roamed the place. Maraming mga tao ang nakapaligid sa TVL gate para sumubaybay sa paparating na gulo. Nandito rin ang mga Academic students.

Suprisingly, the Supreme President is here. Medyo natakot kami nang sumalisi si USG President Almira sa amin. She was holding a microphone as she about to speak publicly to the crowd.

"To all ZSU students, from now on, I hereby declare that the gate of TVL Area is now closed and unaccessible to all non-TVL students! We have to set boundary so we can meet the security and safety to all students. Hence, the area of TVL will now remain separated to the campus until my sovereignty ends. Let my supreme power prevails upon my word! So ordered! Everyone adjourned!"

Ilang mga tauhan ang nagpukpok ng mga kahoy at naglagay ng mga alambre sa paligid ng gate para walang magtangkang pumasok pa roon. Nagsialisan na ang mga estudyante rito pero nanatili kami sa aming kinalalagyan.

"Ibig bang sabihin nito, hindi na puwedeng pumasok ang mga hindi taga-TVL sa TVL Area?!" Tanong ko.

"Absolutely." Tugon ni Denver at malungkot na nakatingin sa akin.

"Tama lang naman na saraduhan ang mga iyon! Mga mamamatay-tao sila! Mas bagay nga nilang makulong dyan kaysa sa maghasik pa sila ng lagim dito." Katuwiran ni Ehseng.

"Mabuti na lang, they make sara-sara na nila 'yung gate! Because, gosh! They're so nakakairita like why would they make patay me if I am just living here being so beautiful!" Pagbigay bangko ni Yshie sa sarili.

"That's not so true, bitch! I'm the fabulous one who lured to those creeps. They wanted to kill me 'coz they don't wanna suffer forever for being ugly just because of my sassiness!" Epal ni Lando.

"Hindi dapat tayo matuwa. Naging malala lang ang sitwasyon dahil sa ginawa natin."

"Anong ibig mong sabihin, Bhea?" Baling ko sa kaniya.

Seryoso siya at tulala sa gate.

"N-Nahiwalay na ang Mindanao sa mapa."

Napatingin siya sa amin. That was a metaphor. Natahimik kaming lahat at natulala. Masamang senyales ba iyon? Ano ngayon kung hindi na sakop ang TVL Area sa campus ng ZSU? May maidudulot ba itong maganda?

Ano bang nagawa namin?

__(=_=)__

All of the new characters mentioned in these 3 parts may no longer inclusive in the book of Academic Season. I just introduced them for you to know the difference of seasons in K-12 War Series.

Hope you read it until the end!

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 466 125
Notification. Message request. Chats. Interactions. Like. Misunderstanding. Block. Unblock. Love. Seen. *** COMPLETED | TAGALOG Date Started: April 8...
404 68 26
(UNEDITED) La Manera Series#2 -her wish- Being engaged with her first love that doesn't show any affection to her after an incident happened to him...
The Crimson Painter By avy

Mystery / Thriller

1.9K 70 18
complete | unedited As the saying goes, "To see is to believe." Amarylis Castellaños doesn't believe in people or things readily in life; she only tr...
FADEN By  

Mystery / Thriller

76.1K 6K 57
十角形 @𝙮𝙤𝙪𝙧𝙥𝙖𝙨𝙨_𝙞𝙨𝙞𝙣𝙘𝙤𝙧𝙧𝙚𝙘𝙩 ❞ ⋮ #babe ❏ ; » FADEN ➳ an app where you can post threads of messages that you want to share...