Cuts and Bruises

By kweenlheng

2.9K 205 73

This is a work of fiction. Please don't take the story seriously. If you aren't a fan of vicerylle, feel free... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

606 42 15
By kweenlheng


"Who is Anne gonna be with?" tanong ko pagkabalik na pagkabalik namin ni MC sa hotel. He stayed with me for almost an hour, helping me feel at ease dahil hindi ako pwedeng bumalik at magpakita sa mga hosts na mahina.

"Anne's staying with Vice and Jackie." sagot ni Kuya Ogie nang walang pumansin sa tanong ko.

Anne, Jackie and Vice are no longer here so I assumed na pumasok na ang mga ito sa unit kung saan sila magsstay sa loob ng apat na araw na pamamalagi namin dito.

"Karylle, you're staying with Tiyang Amy."

"Nandito na ba si Tiyang?" I talked to her this morning and she told me na bukas pa ang flight niya pa-Hongkong.

"Bukas pa, but iisang unit lang kayo."

"So wala muna akong kasama tonight?" that's no problem naman with me, but with all the things running through my head— parang hindi ko yata kakayanin mag-isa ngayong gabi.

"Pwede akong sumama muna kay Karylle," MC offered. I just tapped him sa balikat dahil ayoko namang madamay pa siya dahil lang sa kaartehan ko.

"Paano ako?" pati ako ay natawa dahil bakas sa mukha ni Lassy ang takot.

"Lassy, matanda ka na. Kaya mo na sarili mo."

"Seriously, I'm good. Kaya ko naman mag-isa. Besides, Tiyang will be here tomorrow naman so isang gabi lang ako walang kasama."

"What if kaming dalawa na lang ni MC magstay with you habang wala si Tiyang?" lumapit si Lassy. "Kahit sa sofa o sa baba kami."

"Para kayong sira. Kinuhanan nga kayo ng hotel room tapos mas pipiliin niyong matulog sa sofa or sahig?" if they're really willing to do that for me, hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko.

"Karylle, naranasan kong matulog sa karton. Huwag ka nang maarte. Dun kami sa room mo matutulog. Safe ka naman sa amin,"

"Huy! Si Karylle 'yan. Bakit sinasabihan mong maarte?" umakto pa si MC na babatukan si Lassy na para bang nasa harap pa rin sila ng camera.

"Ay, sorry."

"That's fine," natatawa kong saad. "But if you insist to stay with me tonight, I appreciate."




































"Grabe 'no? Iba pala feeling nung magbabakasyon ka pero wala kang gagastusin ni piso," Lassy said as soon as they entered Karylle's room. MC's carrying her luggages while the latter's holding his small bags. Tulungan ba.

"Hoy, bakit si Anne nanaman ang kasama ko sa room?"

"Wakla, wag ka nang maarte. Wala naman akong gagawin sa 'yo."

"No! Ikaw na ang kasama ko sa room the last time we went out of the country. Gusto ko si Karylle naman this time,"

"Aysus! Gagawa ka pa ng dahilan. You just really want to be with Karylle. Sabihin mo na lang ng diretso. Maiintindihan ko naman."

"Gumawa ba ako ng dahilan? I already said it. Gusto ko nga kasama si Karylle. Laki ng bunganga, hina ng tenga."

A sad smile plastered on Karylle's face as she remembered Vice and Anne's petty argument. Parang noon lang, halos makipagtalo pa si Vice para lang magkasama sila sa iisang room— it's completely different now.

"Tulala," napukaw ang atensyon ni Karylle nang marinig ang boses ni MC. She heard Lassy's laugh ngunit kasabay noon ay ang paglagapak rin ng palad ni MC sa batok nito.

"Huy," pagsaway niya sa dalawa. "Ano ba'ng ginagawa niyo? You guys always fight,"

"Hindi naman kami nag-aaway. 'Yung sampal na 'yon, way namin 'yon of expressing our love for each other. Diba, Las?"

"Hindi, Karylle. Wag kang maniwala. Mabibigat lang talaga kamay nila kaya lagi nila akong sinasaktan. Walang kasamang pagmamahal 'yon,"

"Huy, baka maniwala si Karylle."

"Kayong dalawa talaga,"

Kahit paano'y nagpapasalamat si Karylle na hindi na niya kailangan pang makipagtalo sa sarili ngayong gabi. She has MC and Lassy with her and she knows that they would be a big help.

"Eh, Karylle? Seryoso ka ba talagang okay lang na nandito kami?" paninigurado ni MC. "Si Lassy kasi masiyadong epal,"

"It's completely fine, I swear. Mas marami, mas masaya." she then gave them a reassuring smile. "Besides, I don't think I can really sleep nang walang kasama."

"Para ka palang si Vice e. Hindi rin 'yon nakakatulog nang— arayku, MC! Kanina ka pa batok ng batok."

Natahimik si Karylle nang marinig ang pangalan na 'yon.

Kailan ba siya mapapagod?

Kailan ba siya hindi masasaktan sa tuwing maririnig ang pangalan ng taong akala niya'y isa sa mga masasandalan niya?

Kailan ba siya masasanay na ganito na lang sila?

MC looked at Lassy at pinamulatan ito ng mga mata upang patahimikin ito sa pagsasalita. Hindi ito agad naintindihan ng huli dahil wala naman itong nalalaman sa gusot sa pagitan nila Vice at Karylle.

"Oh," Lassy uttered habang salitang tinitignan ang dalaga at kaibigan. "M-may nasabi ba akong mali?"

"Vice will surely have a good sleep tonight. He's with Anne and Jackie, his best girls." sa likod ng matatamis na mga ngiti ni Karylle ay nagtatago ang pait at inggit.

"Tangina kasi nito ni Lassy e," hindi na napigilang sabi ni MC. Napuno naman lalo ng pagtataka ang kaibigan. After everything that he heard from Karylle earlier, alam niyang lalo lang bumigat ang nararamdaman ngayon ng dalaga, the reason why he offered of keeping her company tonighy.

"MC, it's fine. Wala rin namang idea si Lassy sa lahat nang nangyayari." tinapik pa nito ang balikat ng binata to assure him na walang problema.

"Gets ko na. Sorry," paghingi ng paumanhin ni Lassy.

Saglit nitong tinitigan si Karylle and her eyes show nothing, but sadness. Mahusay lang talagang artista ang dalaga kaya't sa tuwing humaharap ito sa camera ay hindi mababanaag ang lungkot na nararamdaman nito.

"Hindi ko talaga alam, pasensya na."

"Kanina pa kayo humihingi ng pasensya. There's no need to apologize dahil hindi naman kayo ang dahilan kung bakit ganito kami ni Vice ngayon,"

"Gusto mo bang kausapin namin?" Lassy offered.

"No, please. Ayokong madamay kayo. Kung magkaka-ayos man kami, it will happen without anyone's help."

MC and Lassy both nodded as their response to what she said. Totoo nga lahat ng naririnig nila about her. She's so selfless. Hindi baleng siya na lang ang bumuhat sa lahat ng bigat, masigurado lang na walang madadamay na iba.

"Pero kung kailangan mo ng kausap, nandito lang kami ha?"

"Thank you, Lassy." she sincerely said bago ito lapitan upang yakapin. "I'll help you guys fix your stuff na para mabilis tayong matapos. Baka hindi nila tayo hintayin for dinner,"




































Karylle

"When are you coming back? Papers are already waiting for you."

I didn't hesitate setting my phone to silent mode after reading the latest chat from Tito Carlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba niya akong na-chat today. I also received several calls from him na sinadya kong huwag sagutin dahil hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko.

Well, I have already made a decision two weeks ago— but that was out of anger at sa nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang planong 'yon o magbaback out ako.

I'm leaving Showtime, probably after our Magpasikat week as I can't just let my team perform without me. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Well, I'm not sure if they still need my goodbye or should I just go without telling them? Tutal wala rin namang magbabago.

"Earth to Karylle," nilingon ko si Anne who's seated beside Vhong. "Are you okay? Kanina ka pa nakatitig sa phone mo."

"I'm good," halos pabulong ko nang sagot bago ko bawiin ang tingin ko. Everyone's now looking at me including him, alam ko dahil nakikita ko siya mula sa gilid ng mga mata ko.

"You sure?"

"Pagod daw siya," that's Lassy. "Hindi kasi siya nakatulog kanina bago kami bumaba."

"Ayaw na nga niyang sumama sana rito, pinilit lang namin." segunda ni MC to support Lassy's explanation.

"You should've just let her rest. Pwede naman tayong mag-take out na lang ng foods for her e."

"I'm okay, Anne. Mauuna na lang siguro ako bumalik sa hotel after dinner so I can rest."

Tinanguan niya ako then everyone went back to eating their foods na. Bago ko muling iyuko ang ulo ko, saglit kong nilingon si Vice and I saw him looking directly at me. Ilang segundo ring nagtama ang mga mata namin pero siya rin ang unang nag-iwas. Kung okay kami, alam kong kakamustahin niya ako. Alam kong hindi niya ako titigilan unless I tell him what's bothering me.

"Karylle, you're not okay."

"Vice, okay nga lang ako."

"Magaling kang artista, pero hindi ka sanay magsinungaling so you better tell me what's bothering you or else— dalawang buwan na walang pansinan 'to."

"Grabe naman!"

"You have 10 seconds to decide kung magsasalita ka or hindi. Sinasabi ko sa 'yo, Kurba. Two months walang chikahan 'to."

"Hindi mo naman na kailangang magbilang. I'll tell you. Takot ko lang na totohanin mo 'yang two months no chika na 'yan,"

"So what now? Bakit maghapon kang nakabusangot?"

"I can't decide,"

"Saan?"

"Kitchen Musical 2," Vice didn't speak and just waited for her to continue what she was saying. "They still want me to be part of it."

"Shouldn't you be celebrating? You've been waiting for this call since last year. Ngayong nandito na, bakit parang hindi ka sigurado kung tatanggapin mo?"

"If I'm gonna accept it, I'll be gone for a year."

"I-isang taon? Bakit ang tagal naman yata?"

"The contract has two projects for me. Bukod sa Kitchen Musical, I'm also gonna be doing TV Series with Mr. Lye."

"That's... that's too long. Ang tagal ng isang taon,"

"Kaya nga pinag-iisipan kong mabuti. What do you think? Should I accept it? Or huwag na lang?"


Two projects. I declined two projects for him. He didn't ask me to decline it, but based on his reaction— alam kong hindi siya sasang-ayon kung sakaling tanggapin ko ang trabahong 'yon.

The only thing he told me was, "Sobrang tagal ng isang taon, Karylle. Hindi kaya ng Showtime kung mawawala ka nang ganoon katagal."

I may be stupid or delusional to think that he didn't want me to leave pero noong mga panahon na 'yon, sigurado ako sa nararamdaman ko. He just couldn't say it directly to my face pero alam kong ayaw niya akong umalis.

Ngayon kaya?

Kung sasabihin ko bang aalis ako, pipigilan niya ako?

Kung sasabihin kong iiwan ko ang Showtime, malulungkot ba siya? Is he gonna ask me to stay or hahayaan niya lang akong mawala?

I was in the middle of these thoughts nang makita kong umilaw ang phone ko. It's Tito Carlo again and again and again. Kahit hindi ko pa nababasa ang chat niya, alam ko na agad na tungkol nanaman sa pag-alis ko 'to.

I just stared at my phone and consciously counted how many times it lit up. Four. Sa huling beses na pag-ilaw ng phone ko ay minabuti kong buksan na ito to check his messages.

Wait— three messages are from Tito Carlo and one is from... Vice?

Kasabay ng paglingon ko sa kaniya ang ang paglapag niya ng phone sa mesa. Bumalik din siya sa pagkain na para bang walang nangyari. Did he really send me a message or it was just by mistake?

Tito Carlo: I already called Direk John. He told me that you guys will be back by tuesday afternoon. I'll meet you once you get enough rest.

Tito Carlo: I also received a call from Mr. Hong. He wants to set a meeting with all the casts of Private Investigator. Sinabi ko na lang na you're currently in a vacation and I'll just send him a message once you're back.

Tito Carlo: At bago ko pa makalimutan, may letter din from Direk Lauren. It's for the upcoming PBB Celebrity Edition. Baka lang gusto mong i-try before you leave?

Tito Carlo has always been so supportive of me. Alam niya lahat ng gusto kong gawin, lahat ng gusto kong marating at ni minsan ay hindi siya pumalyang tulungan ako.

All those contracts, meetings, and other things related to me getting these projects— lagi siyang naroon. Full support, kaya hindi biro ang utang na loob ko sa kaniya.

"Karylle, I know what you deserve so please don't settle with something unworthy of your time and talent." naaalala ko pang sabi niya sa akin when I declined the Kitchen Musical 2.

Well, wala naman anong pinagsisihan when I chose to stay— when I chose to be with the family who accepted me during my darkest times. It was my decision and I was happy with that.

Anne was there when I needed someone whom I could share my secrets with. Girls code, kumbaga. Maaaring may tiwala ako sa ibang hosts, but it's just really different when it comes to Anne.

Vhong and Billy served as my body guards. As someone who just came from a heart break, they made sure that no press or media could go after me. Kung meron mang makalusot, agad silang gagawa ng paraan para mailayo ako.

Teddy and Jugs, their songs and those unexpected 'tambay turned gig' with the hosts helped me recover from all those pain I got from my last break-up.

Jhong's laugh has always been the best music to my ears na sa tuwing naririnig ko ang tawang iyon, automatic na nawawala ang bigat sa dibdib ko. His laugh is just so genuine.

Ryan, his hugs are one way to calm me down.

And Vice, he has always been my saviour. Kahit wala siyang ginagawa, tignan niya lang ako— alam kong safe na ako.

Their names are already carved in my heart at alam ko na kahit anong gawin ko, hinding hindi na sila matatanggal dito.

I shook these thoughts off bago pa ko maging emosyonal ulit. At least not in front of these people. Ayoko namang isipin nila na may problema ako.

At bago ko pa makalimutan, I then again checked my phone to read Vice's message.

Vice: Dockside. 1am.



Kung para sa akin 'to? 'Yon ang hindi ko alam.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 62
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
189K 3.9K 46
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
1M 64.4K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1M 25.2K 23
Yn a strong girl but gets nervous in-front of his arranged husband. Jungkook feared and arrogant mafia but is stuck with a girl. Will they make it t...