Your Guardian Angel

De Ellisire

311 8 0

Mais

1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22

4

11 1 0
De Ellisire

Mackenzie's POV

Pagkatapos palitan ni Kai ang mga bandaid sa kamay ko ay sumali na kami sa kanila sa sala.

"Doon na lang kayo sa sofa sa dulo, wala na kayo space dito," sabi ni Oli sa akin at kumindat. Inirapan ko naman siya.

"Sama ako!" Narinig kong palag ni Suzy pero nakita ko ring hinampas siya ni Claire sa kamay at hinila pababa.

"Pumirmi ka," bulong nito at nakasimangot namang umupo ang isa.

"Gusto mo kumain?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako sa kanya.

"Hindi ba kayo iinom dyan?" Tanong sa amin ni Jay.

"Pass muna ako," sagot ko at hindi na rin naman sumagot si Kai kaya tinalikuran na kami ni Jay.

"Himala, pass ka?" tanong niya sa akin at ngumiti naman ako.

"Bukas na lang ako inom ulit. I wanna remember all of this," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Landi mo ah," pambabasag niya kaya naman napasimangot ako at tumawa siya.

"Kenzie so pretty kahit angry," nakangiti niya pang sabi while tracing my face with her fingers.

Kung sa iba niya nilalagay yang finger niya.

"Tapos ako ang malandi," sabi ko sa kanya at umirap.

"But you are!" masigla niyang sabi that changed her voice.

Nag baby talk pa nga.

"You cute," sabi ko sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

"Ano ginawa mo? Nung 3 months na hindi tayo nag-usap?" tanong niya sa akin at nagkibit balikat ako.

"Uminom," natatawa kong sabi sa kanya. "Wala na akong maalalang ginawa ko for the past 3 months. Ang huling naaalala ko was our first night together. Pagkatapos non, wala na," sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Are you serious?"

"Yup, it's either I'm always so drunk to remember, or I disassociate so I can't remember at all. I was told earlier by Eli na nakasalubong namin kayo sa hall. I didn't know. I didn't see you.  Ang naaalala ko lang, nagkikita kami sa entrance ng Uni the next thing I know, naka upo na ako sa classroom. The same
thing goes with me cutting my hair. I remember going to the CR wanting to cut my hair and that was it. Parang nagkamalay na lang sobrang ikli na ng buhok ko and I didn't even notice I was bleeding until they screamed at me," sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan. Diretso lang ako sa TV kahit na hindi ko na naiintindihan ang pinapanood namin dahil ang dami na naming na-miss na part.

"Do you want to talk about it?" tanong niya sa akin at umiling ako.

"Not really. I don't really want to talk about my issues. It gets tiring," malumanay kong sabi at tumango naman siya.

"I understand. You wanna hear about me instead?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Sa balcony tayo," yaya ko sa kanya at dahan-dahan naman kaming naglakad papunta sa balcony ni Jay kung saan kami lang ang tao.

Humiga kami sa sofa rito sa balcony at tumingin kaming dalawa sa langit habang nagkkwento si Kai.

It's around 3AM nang makatulog siya. Not me. I'm still full of excitement. Tuwang tuwa pa rin ako. Gustong gusto ko magtatalon.

I looked at her while the moon is shining down on her.

"You're really precious," bulong ko while caressing her face.

I lied. The past 3 months sure, most of it I forgot. But I didn't tell her what I remember. Or why I drank so much.

It was her. All I could remember was me remembering her. Some days, I'd want to forget her so I'll drink. Some days, I'd miss her, so I'll stalk her accounts. I'll watch from afar. It made me happy seeing her happy and enjoying her life.

One night with her. Everything changed.

The morning I woke up after we've done it, I didn't regret it. I didn't feel forced. I felt afraid. Because that night, she looked at me the way no one has ever looked at me before.

It felt like to her, I was just not someone to do the deed with. I was someone. I am me. I am a person. And I was afraid. I was so afraid of being looked at like a person because for the longest time, the only ones who did that were my friends.

Ang drama, but its true. She was like my saving grace.

"I hope I don't mess this up," bulong ko pa at hinalikan siya sa pisngi.

Dahan-dahan namang bumukas ang mata niya.

"You wont," bulong niya pabalik sa akin at hinalikan din naman ako sa pisngi.

"Let's go to sleep, you're so tired. I'll see you tomorrow," nakangiti niyang sabi at mas ibinalot ako sa comforter at hinila ako papalapit sa kanya.

I can still feel her thumb rubbing against my back as she kisses the top of my head.

"I got you," bulong niya pa ulit bago ako tuluyang makatulog.

-

Napabalikwas ako nang may biglang bumusina nang malakas.

Umaga na. Wala na si Kai sa tabi ko at kinabahan naman ako.

Was it all a dream?! Was I dreaming?

Agad akong tumayo at bago pa ako makapasok sa loob ay nakasalubong na ako ni Kai.

"Why? What's wrong? Did you have a bad dream?" nag-aalala niyang tanong sa akin nang makita niya ako.

I don't know what I look like right now but I'm sure really horrible for her to assume that I had a bad dream.

"Was I dreaming? Last night?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya.

"No. Last night was like a dream, but it's real," sabi niya at niyakap naman ako.

"Why did you leave me while I was sleeping?" tanong ko sa kanya.

"I was trying to get you breakfast. Nag-order sila," sabi niya at tumango lang ako sa kanya at hindi na sumagot.

Ewan ko ba. Ang sama ng loob ko na nagising ako ng wala siya sa tabi ko. Kahit wala pang lagpas na isang minuto na hindi ko siya nakita, I'm so upset.

"Saan mo gusto kumain? Dito?" tanong niya at umiling ako.

"Sa loob na tayo, maingay at mainit na dito," sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob without looking back.

Hindi ko alam. Parang ganon pa rin. As much as how excited I was to see her this morning, nung nakita kong wala siya sa tabi ko, nawalan na lang din ulit ako ng gana. I'm disappointed to be here again. Just like yesterday.

Pagkapasok ko sa loob, nagtinginan sila sa akin.

"Akin na 1k ko," mayabang na sabi ni Eli at kumunot ang noo ko.

"What's up?" tanong ko.

"Nagpustahan kami kung di pa rin okay mood mo paggising kahit katabi mo si Kai matulog," nakangiting sabi ni Oli sa akin at para naman akong sinaksak.

"Pinagpustahan niyo kung gusto ko pa rin mamatay paggising ko?" tahimik kong tanong sa kanya at nawala naman ang mga ngiti nila.

I looked at them with pain at nagtunguhan naman sila. Dapat hindi ko na lang sinabi, sana masaya pa sila.

"Who won?" tanong ko, changing my mood at nagliwanag din naman ang mga mukha nila.

"Ako," taas kamay na sabi ni Eli at naglabas ako ng pilit na tawa. Kagaya ng ginagawa ko ng ilang taon.

"So si Eli lang nakakakilala sakin?" kungwaring offended kong tanong sa kanila at sumimangot sila.

"Hindi pa to ang tapos, gaganti ako sa sunod nating pustahan," sabi ni Ady at ngumiti lang ako.

"Ano ginagawa niyo dito? Ayaw niyo don kumain?" tanong ni Claire at itinuro ang lamesa kung saan nakaupo na sila.

Pagtingin ko, naka pulupot na si Suzy kay Kai. Edi wow.

"May Alfonso pa?" tanong ko kay Jay at huminga naman siya nang malalim bago maglabas ng Alfonso at Coke sa ref niya.

"Kenzie," mahinang sabi ni Oli sa akin at tinignan ko naman siya habang nagsasalin sa baso.

"Ano?" Iritable kong tanong.

"Ang aga pa," pirming sagot ni Ady sa akin pero tinignan ko lang siya.

"Pabayaan niyo na," sabi ni Eli at hinila ako papunta sa lamesa.

"Aga mo magsimula ah. Fiesta ba here?" tanong ng isang babae sa kanila. Hindi ko talaga alam mga pangalan nila.

Hindi ko siya pinansin at uminom lang ako habang tinitignan ang pagkain sa harap ko.

"Sino nagluto?" tanong ko.

"Me. You should try the pancakes, I'm great with them," sabi ni Suzy sa akin na naka sandal sa balikat ni Kai at tumango lang ako sa kanya.

"Nasan phone ko?" tanong ko at itinaas naman ni Eli.

"You have 21 missed calls," sabi niya at kumunot naman ang noo ko.

"It's from my Mom. Uwi na ako. I think she wants me to attend the mass with her," sabi nito at naghalungkat na ng gamit niya.

"I'll come with you," sabi ko sa kanya at dumiretso sa kusina ni Jay.

"Pahiram ah," sabi ko at iniumang sa kanya ang tumbler niya at isinalin doon ang Alfonsong iniinom ko.

"Wait lang," sabi ni Eli sa akin at pumasok sa kwarto ni Jay kaya naman naiwan akong nakatayo lang dito.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Kai na nakalapit na pala. Pano siya nakawala sa pulupot ng Suzy niya?

Tumango lang ako sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Galit ka ba sa akin? Or wala ka lang sa mood? Para alam ko," maamo niyang tanong. There she is again, trying to communicate.

"I'm good," sabi ko sa kanya at ngumiti pero bumuntong hininga lang naman siya at tumayo sa tabi ko.

"Ako na lang maghatid sayo?" tanong niya na naman at umiling ako.

"No need. Nandyan si Eli. Ayoko maka abala," sabi ko sa kanya. Bago pa siya makasagot ay lumabas na si Eli at lumabas na ako ng unit.

Sa labas na lang ako naghintay para makuha ni Kai na ayokong makipag-usap.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Eli paglabas niya.

"Bakit ba lagi niyo na lang ako tinatanong niyan? Can't you leave me alone for like 5 minutes?" Iritado kong tanong and it was his cue to shut up.

Tahimik lang ang buong byahe namin ni Eli at hindi na niya ako tinangkang kausapin. Pagkahatid niya sakin sa unit ko ay sinaraduhan ko lang din siya ng walang kibo.

Why would I feel guilty? Siya naman nanalo ng 3k at my expense.

Pagkasalampak ko sa kama ay bumuhos kaagad ang luha ko.

Bakit naman sila ganon? Hindi lang ba nila na-realize kung gano kasakit yung pustahan nila? Hindi ba nila naisip na masasaktan ako?

Hindi ko alam kung gano ako katagal nag-iiyak, ang alam ko rin nakakatulog ako in between my cry sesh.

Tanginang buhay to. Araw-araw na lang talaga umiiyak. Mukhang pekpek na mata ko.

I looked at my phone at pagtingin ko ang dami kong missed calls galing kila Oli. None from Kai.

"I'm fine. I just woke up." Text ko sa GC naming lima at nag react naman sila kaagad ng puso sa chat ko bago ko ibaba ulit ang phone ko.

"I won't be going to school tom. I'll be home. Don't disturb me," sabi ko pa at nag-like lang naman sila.

Sobrang sama ng loob ko. Matutulog na lang ako.

Isinara ko muna ang blinds ko para walang sinag ng araw na pumasok sa kwarto ko. I put my phone on DND tapos nagbukas ng fan bukod sa bukas na AC sa kwarto ko para may white noise at natulog na.

Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding uhaw. Pagtingin ko sa wall clock ko alauna pa lang.

Ilang oras pa lang pala akong natutulog.

Kinuha ko ang tumbler ko na may lamang Alfonso at ininom ito at bumalik ako sa pagtulog.

Ilang beses pa akong nagising dahil uhaw na uhaw na ako. Noong pakiramdam kong wala na akong itutulog, matagal lang akong tumulala sa kisame bago lumabas sa kwarto ko.

Pagtingin ko sa wall clock ko alauna na.

"Ng madaling araw?" gulat kong tanong at nakita ko naman sa ilalim ng blinds ko na may sumisilip na liwanag, ibig sabihin tanghali.

Isang buong araw na ba akong natulog? Huh.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong apat na araw na ang lumipas.

4 days?

Habang nagbabasa ako ng notifications ko, may biglang pumukaw ng mata ko.

Program ni Kentaro ngayon.

Agad akong naligo at nagbihis bago manakbo palabas ng unit ko.

Dala ko naman ang badge ko kaya hindi ako masyadong natakot sumakay ng elevator.

Dumiretso ako kaagad sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa Uni.

Nanakbo ako papunta sa events hall dahil naririnig ko nang nagsisimula ang program.

"Kenzie!" Narinig kong tawag sa akin nila Eli pero hindi ko sila nilingon at diretso lang ako sa pagtakbo papunta kay Kentaro.

"I'm here!" Sabi ko at nagtaas nang kamay nang hinanap nila ako at nagliwanag naman ang mukha ni Kentaro.

"Bakit ka naka black?! Kalaban namin yon!" bulyaw sa akin ni Kentaro at sumimangot naman ako at tinalikuran siya.

"Joke lang!" Sabi niya at hinila ako.

"Here, wear mine. May heels din dito saka yung skirt mo. Dala nila kuya Oli," sabi ni Kentaro at kinaladkad na ako papuntang CR para magpalit ng damit.

Tangina. Mukha ba akong nasa lugar para maging muse nila? Di man lang ako kinamusta!

Pagkalabas ko ng CR ay sinalubong ako ng mga ka-team ni Kentaro at may isang baklang humila sakin.

"Ito naman si bading, gusto palaging clutch. Pasalamat ka maganda ka, di mo na kailangan ng ilang oras para ayusan," sabi niya sa akin at sinimulan naman na akong ayusan.

"Tignan niyo, si Mon naman yong nawala! Andito na si Kenzie eh!" pagdadabog naman ng isang kaibigan ni Kentaro.

"Hoy Nikolai, maka Kenzie ka ah!" galit na sabi ko sa kanya at nawala naman ang galit niya at napalitan ng gulat.

"Sorry Ate Tenz," sabi niya sakin at inirapan ko naman siya bago hablutin ang damit ni Kentaro.

"Si Mon escort?" tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Oo. Botohan kasi, ayaw ko naman maging escort mo that would be weird," sabi niya at kumunot ang noo ko.

"It's more weird if he's the escort! Gusto mong mag-resurface yung rumor that we fucked when he was still a minor?" galit kong sabi sa kanya at umiling siya.

"You're all good. He has a girlfriend now," sabi niya at umiling naman ako.

He's so unaware of how creative people's minds are.

"Sabihin mo sa event org siguraduhin niyang hindi siya magpapasayaw ng tiktok dances bubutasin ko ng takong ko mata niya," galit kong sabi at tumawa naman siya.

"Oo wala. Basta rampa ka lang, hindi na need magpakilala e," sabi niya at tumango ako.

"Pre, sino yan? Ganda ah," tanong ng isang lalaking bagong lapit sa amin kay Kentaro.

"Ate ko yan, tigilan mo sasapakin kita," sabi ni Kentaro sa kanya at hindi ko naman na sila pinagtuunan ng pansin at maya-maya pa ay pinapila na kami.

"Hi ganda," bati sa akin ni Mon pagkalapit niya at inirapan ko naman siya.

"Grabe! Maldita pa rin!" reklamo niya at hindi ko naman siya pinansin.

"Pogi na ako oh, silent treatment pa rin? Saka hindi na ako minor! Pwede mo na ako patulan," nang-aasar niyang sabi sa akin at tinignan ko naman siya with disgust.

"Don't you have a girlfriend?" tanong ko sa kanya at natawa naman siya.

"Who doesn't? Saka, say the word, I'm all yours," sabi niya at natawa ako.

Sounds familiar.

"Ganon ba ko kaganda?" tanong ko at tumango naman siya habang naka pikit pa at kagat ang labi.

"Too bad you can't have this," sabi ko at sumampa na sa stage dahil saktong kami ang candidate number one.

Tamang rampa lang kami sa stage. Nothing exciting, nothing embarrassing. Ilang taon na rin kasi akong ginagawang muse nila Oli sa bawat liga at bawat sports fest sa school, kaya hindi na bago sa akin.

Baka nga ang calling ko lang talaga mag Muse, nag-uubos pa ako ng oras ko sa PolSci.

"Baka ate ko 'yan!" Sigaw ni Kentaro pagbaba namin ng stage at nagtatatalon pa siya.

"Mackenzie!" Narinig kong sigaw ni Oli kaya naman napatingin kaming dalawa ni Kentaro.

"Layo," sabi ko kay Kentaro at agad naman siyang sumunod sakin. He knows better than to disobey me when I'm like this.

"What?" Tanong ko sa kanya at nakita kong kasunod niya sila. Nakikita ko pa lang sila naiirita na ako.

Hindi ko alam kung pano ko sila kakausapin ulit. Punong puno pa rin ako ng galit. Akala ko pagkagising ko wala na.

"Anong what? Apat na araw kang walang paramdam, what?! Sabi mo you'll be at your home! Akala namin safe ka nandon sa bahay niyo, tapos biglang tatawag ako sa inyo wala ka pala?" galit niyang sabi sa akin at tinignan ko naman sila looking all disappointed at me.

"You don't know where my home is?" tanong ko sa kanya at tila napalitan ng guilt ang galit niya.

"Sino pumusta ngayon na pangit gising ko ngayong umaga?" tanong ko sa kanila.

"Go collect your goddamn money cause im still fucking miserable," tinignan ko si Oli nang may pandidiri sa mukha at naglakad palayo pero bago pa ako makalapit kay Kentaro ay may humigit sa braso ko.

"What do you want?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya at ngumiti naman siya. That damned smile.

"I missed you," nakangiti niyang sabi pero kita mong nahihirapan siya.

Pangatlong beses pa lang namin halos magkita, nahihirapan na siya.

Ito na nga ba sinasabi ko. May nahihirapan na naman.

"Ate, sige na. Okay na kami dito. If may kailangan ka pa puntaham you should go. Basta akin prize mo kapag nanalo ka ah," sabi sakin ni Kentaro at niyakap ako nang mahigpit.

"Kami rin pa-hug!" sigaw ng iba niyang kasama at pinakyu naman sila ni Kentaro at hinila na niya ang mga ito palayo sa akin.

"Come on, I'll get you something to eat," mahinahon niyang sabi sa akin at tinignan ko lang naman siya.

"Halika nga rito," sabi ni Jay at hinatak ako sa braso.

"Bitaw," naiinis kong sabi sa kanya.

"Kenzie!" Bulyaw niya sa akin at nagtinginan naman ang mga tao.

"Jay, wag ka nang sumigaw," mahinahon na sabi ni Kai sa kanya at tinignan naman niya ito nang masama.

"Bakit ba? Ano ba't nakikigulo ka samin? Ano bang pake mo?" Galit na baling ni Jay at tinignan ko naman siya nang masama.

"Makikigulo na talaga ako. Si Kenzie na sinisigawan mo eh. Hindi mo naman kailangan magsisigaw," kalmado pa ring sabi ni Kai sa kanya.

Umigting ang panga ni Jay at halatang pikon na pikon na siya.

"Ano 'yan, Jay?" tanong ko sabay turo sa kamao niya. "Gusto mo ipakita ugali mo?" tanong ko ulit at nawala naman ang gigil sa mukha niya.

"Gusto mo pakita ko rin gano kapangit ugali ko?" tanong ko sa kanya at natulala lang siya.

"Wag niyo kong sinisimulan ah. Pikon na pikon na ko," galit kong sabi at naglakad sa kanila palayo.

Habang nasa parking lot ay may humawak sa kamay ko. Na naman! Tangina.

"Galit ka sa akin?" tanong nito at tinignan ko lang naman siya.

"Ano bang nagawa ko?" tanong niya pa ulit at nag-iwas lang naman ako ng tingin.

Ano ba bakit ba nakikipag-usap to? Eh sa hindi nga ako sanay.

"Ayaw mo ako kausap?" maamo niyang tanong and I nodded.

"Ano gusto mo?" isa pang tanong niya habang may masusuyong mga mata. Hindi ko siya tinitignan kasi alam kong lalambot lang ako lalo na kung ganyan niya ako titignan.

"Asan car mo? Don tayo," sabi niya at tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sasasakyan ko. Dahil kung makikipag sigawan din ako sa kanya, mas gugustuhin kong kaming dalawa na lang makarinig kesa ang buong Uni.

"Your car is dope, bat hindi mo ginagamit?" tanong niya pagkapasok sa passengers seat.

"I don't like driving," simpleng sagot ko sa kanya at tumango naman siya.

"Alright, switch with me. I'll drive," sabi niya at nakipag palit naman ako. Wala rin talaga ako gana umangal pa kay Kai. Wala pa kong kalahating araw na gising gusto ko na lang bumalik sa pagkakatulog ko.

"Saan tayo kakain?" tanong niya while fixing my seatbelt at tinignan ko lang siya.

"Gusto mo rice? Burger? Pizza?" tanong niya pa at napapikit naman ako nang mariin.

"Kai," pagsusumamo ko sa kanya na manahimik.

"I'll shut up once I get something down your throat. Apat na araw kang walang kain. God knows how you managed to walk that way earlier," sabi niya at napasilip naman ako ng tingin sa kanya.

She saw me? That's so embarrassing!

"Yup, I saw you. And my girl was good!" She said all hyped up while she was showing me the video she took while I'm on stage.

"Ikaw yon?" tanong ko sa kanya nung sumigaw siya sa video. I remember that scream earlier dahil iyon ang nangibabaw sa lahat. I didn't know that she can scream that loud.

"Duh. Who else would be your biggest supporter? Hindi ako magpapatalo no," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Come on, let's get you something to eat. Gutom na rin ako," sabi niya at nagsimula nang magmaneho habang hawak ang isa kong kamay.

Nag drive through lang kami sa McDo at kinain namin sa parking lot din ng McDo. I don't know but it felt like what I needed and she knew.

"Ketchup?" pag-alok niya sa akin at umiling ako habang kumakagat sa burger ko.

"Ano ginawa mo nitong mga nakaraang araw?" tanong ko sa kanya at tinapos naman muna niya ang nginunguya niya bago umusap.

"I danced. Um-attend ng classes tapos sayaw ulit. Nagyaya rin sila mag museum non pero wala ko so naglaro na lang ako Valo. Then I danced some more," sabi niya at tumango naman ako.

She really does love dancing. Her IG feed is so full of it and I'm not gonna complain. Ang complain ko lang ay ang comments section niya. Ang daming lumalandi eh.

"With you being gone for 4 days was harder when you didn't acknowledge me existing for months," nakangiti niyang sabi at nakaramdam namana ako ng guilt.

"Kasi alam mo 'yon, for those months I still got
to see you. You were posting pictures so may update ako from you kahit na hindi for me. You hang out with your friends who's courting my friend so I would know that you were eating with your friends, you were swimming, or whatever. But for the past days? Wala. Wala ako mapagtanungan. Wala kang new posts. You were active on Facebook like 5 days ago," natatawa niyang sabi and I pouted.

"I'm sorry. I just got so upset with them. Nalaman ko that morning na nag pustahan sila to see if I'd still be in a terrible mood after I woke up. How fucked up is that? Alam nila gano kahirap ako bumangon everyday. Tapos malalaman ko they would make bets about it?" pagsasalita ko at tumango lang naman si Kai at tinignan ako. Waiting for me to keep going.

So I kept going.

"Tapos, ewan ko ba. Sobrang pikon ako nung nagising ako ng wala ka sa tabi ko. Kahit na alam ko na ikinuha mo lang ako ng food, naiinis ako. Gusto ko pagdilat ng mata ko ikaw sumasalubong eh. Kaso I got faced with my doubts if that night ever happened kasi I woke up alone," pagsasalita ko pa.

"Ngayon, what I don't understand, bakit sila pa ang galit? Bakit ako pa ang sinisigawan nila? Ano bang ginawa ko? Sinabi ko sa kanila I'll be home! Bakit nila iisipin na tatawagin kong home iyong bahay na kinalakihan ko? That's not my home. I don't even feel safe there. Alam nila yon so bat nila naisip na I would be there?" Salita ko pa.

"Drink your coffee," singit sa akin ni Kai dahil halos mabulunan na rin ako sa pagsasalita ko habang kumakain at sinunod ko naman siya.

"Do you get why I'm so mad? ALSO! Who the fuck does he think he is to talk to you that way? Ang kapal ng mukha ni Jay to act all pissed off while clenching his jaw and fist na parang mananakit siya. What is his problem? You were just trying to de-escalate the issue!" sabi ko pa at tumango tango naman siya.

"Tapos mamaya, galit sila kasi nagalit ako sa kanila dahil "concerned" sila? No! Galit ako dahil sinasabi nilang concerned sila but look at their actions! The moment na they saw me they were mad and screaming at me. I just needed to rest! Hindi ba nila naisip yon? Hindi ba nila na-appreciate na buti marunong na ako magpahinga unlike before na I push myself so much that I always end up being hospitalized?" pagtataas ko ng boses at huminga nang malalim at nagpahinga sa kakatalak.

"Okay. I'm done talking," sabi ko at tumango naman siya bago umayos ng upo.

"I'm sorry for letting you wake up without me. It won't happen again," nakangiti niyang sabi sa akin at nginitian ko naman siya pabalik.

How the fuck did she manage to make me speak up? Feels nice.

Continue lendo

Você também vai gostar

460K 6.6K 52
❗Contains strong sexual scenes❗ Read at your own risk. SPG!! Warning: For those people who doesn't like NTR, unfortunately this is, so I'm just givin...
26.7K 553 27
BADA LEE | Bada au [ dark romance | psychological thriller ] - Bada Lee as your college professor na may dark secret 🔒 #badalee #badaleeau #ericka...
114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
4.8K 220 27
really random short stories note: don't read if you're uncomfy this is purely from imagination don't take it seriously