Ghost Attendant

Autorstwa Bluver_Z

810 33 0

Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang... Więcej

GHOST ATTENDANT
GA 01 USOK NG MATA
GA 02 ANG MATA
GA 03 PAGTANGGAP SA MISYON
GA 04 BLACK KARMA?
GA 05 WRONG PERSON?
GA 06 BLACK OUT
GA 07 ENNEY
GA 08 GHOSTS' BATTERY LIFE
GA 09 THE KILLERS
GA 10 CORPSE
GA 11 BULLY
GA 13 THE CHILD GHOST
GA 14 RED LINE
GA 15 TRUE IDENTITY
G16 GOODBYE
GA 17 NEW FRIEND?
GA 18 KARMA'S POWER
GA 19 HIM AGAIN
GA 20 CLOSENESS
GA 21 PERMISSION TO CONNECT
GA 22 THE PHOTO
GA 23 THE SECRET
GA 24 CONFRONTATION
GA 25 HIM AS GHOST
GA 26 MEETING
GA 27 HER DECISION
GA 28 OPERATION IS NOW ON!
GA 29 SAVE HIM!
GA 30 MISSION FAILED?
GA 31 SAVIOR IS BACK
GA 32 THE END OF THE 1ST MISSION AS GHOST ATTENDANT
GA 33 MISSED OUT
GA 34 SUSPICION
GA 35 FUN DAY!
GA 36 THE REAL VILLAIN
GA 37 GHOST SERVANTS
GA 38 HINT
GA 39 FIND OUT THE TRUTH
GA 40 STRANGER'S WARNING
GA 41 FOUND HER
GA 42 SMALL WORLD
GA 43 THE INVITATION
GA 44 THE COMEBACK
GA 45 GHOST FOR GHOST?
GA 46 SOUND OF MADNESS
GA 47 DISCOVERY
GA 48 HEAVY PRESENCE
GA 49 NEW DISCOVERIES
GA 50 RISK
GA 51 RIGHT HERE
GA 52 THE FORMER
GA 53 SIN
GA 54 FORGOTTEN CLIENT
GA 55 FAREWELL
GA 56 UNREAD REVELATION
GA 57 AWAITED TIME
GA 58 SAVIOR AND WITNESS

G12 FEELINGS

13 1 0
Autorstwa Bluver_Z

SU CHAY
╰(◣﹏◢)╯



"ALAM mo Iajay, kaysa magmukmok ka riyan sunduin natin si Enney. Out na yata niya," aya ko sa kaniya. Nauna na akong lumabas ng café nang makitang hindi siya sumunod kaya binalikan ko.





Tulala at kanina pa siya hindi makausap hanggang sa ibagsak ko ang kamay sa lamesa na ikinasira ng mukha niya. "Su Chay!"





Bumalik ako sa upuan at masama siyang tiningnan. "Pang-6th time ka na ni-reject ng kaibigan natin, hindi ka pa rin sanay?"
Napangiwi at hindi ko alam kung saan na titingin, minsan nakararamdam ako ng pagkainis sa ginagawa nilang dalawa.





Parang mga elementary.





"Anong gusto mong gawin ko, magsaya ako dahil nasasaktan ako? O magliwaliw sa labas dahil masakit?" malamig na wika niya.





Umikot ang mata ko sa narinig. "As in? Until now masakit pa rin? Hindi ka ba na-immune sa ginagawa niya? Bruh! Kahit naman anong sabihin ko mapapanis lang sa ere. Alam mo, kung ako sa 'yo sumama ka sa akin ngayon at please lang, kahit isa o dalawang oras man lang kalimutan mo na muna ang lahat."





Pagkatapos ko magsalita ay nakatitig lang siya sa akin hanggang sa dumaan na lang ang uwak sa paningin namin, calm self... Calm.





Dahil wala siyang balak tumayo ay hinatak ko siya, aangal pa sana pero mas binilisan ko ang lakad na muntikan pa niyang ikadapa. "Saan ba tayo?"





Agad kaming nakarating sa sasakyan niya at ako na ang nagmaneho nito. Wala pang 30 minutes ay narating namin ang hindi gaanong kataasan na bundok. Lagi akong nagpupunta rito sa tuwing stress ako dahil maliban sa-dito nakalibing ang lola ko, nakakatanggal sakit at pagod ang hangin dito.





"May alam ka palang ganitong lugar?" Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko.





Tumingala ako sa kaniya at hinatak muna siya paupo. Sakto pa lang palubog na ang araw, nagsisimula na ring magsindihan ang ilaw sa city. "Duh, dinala na kita rito no'ng mga bata pa tayo."





Hindi na siya umimik, lumingon lang siya saglit sa akin at natulala sa city kalaunan. Sa bawat oras na magkasama kami laging sumasagi sa isip ko ang dalawang question na gusto kong itanong mismo sa kaniya pero hindi ko magawa dahil naduduwag ako.





Paano niya nakalimutan agad ang feelings niya para sa akin? Gano'n ba talaga ang mga lalaki?





At bakit hindi na lang ako?





"Su Chay..." Panimula niya, nabuhayan agad ako nang banggitin niya ang pangalan ko. "May alam ka ba kung bakit obsessed sa corpse si Enney? Matagal na kaming magkaibigan pero wala s'yang binabanggit sa akin."





Napawi ang saya ko nang marinig ang pangalan ni Enney, so it's all about her na naman. Kahit saan kami magpunta, kahit sino ang kasama n'ya laging siya ang nasa isip niya.





"Hoy," pagpapabalik niya sa akin sa katinuan.





Walang gana kong binalik ang mata sa kalangitan. "Hindi siya sa bangkay obsessed, alam nating pareho kung kanino." Binalik ko ang mata sa kaniya.





"Y-yeah? Pero bakit?" Naniningkitang matang tanong niya.





Kumikirot ang dibdib ko tuwing curious siya sa kaibigan namin, no'ng wala pa sa buhay niya si Enney, hindi siya ganito ka-curios sa akin. How I wish na ako na lang sana si Enney, na kaya kong kontrolin ang puso niya at bumalik sa akin.





"It was 8 years ago."





"8 years ago? Junior high kayo no'n, right?"





Tumango ako bilang sagot. "Muntikan siyang—" hindi ko naituloy ang sasabihin nang tumunog ang phone ko at agad itong sinagot. Inabot lamang ng tatlong minuto ang pakikipagusap sa client ko na tumawag.





"Why?" Tanong agad niya nang ibaba ko ang cellphone dahil hindi na yata maipinta ang mukha ko.





Bumuga ako ng hangin at malapit na maihagis ang phone. "Nagsumbong sa parents ko."





"For what?"





Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago sumagot. "Hindi kasi pictures nila ng asawa niya ang pina-frame at ipinadala ko sa kanila... Photo ng asawa at kabit nito."





Napahalakhak na lang bigla si Iajay at hinagod ang likod ko para kahit papaano ay gumaan ang loob ko. "Uso talaga kabit sa Pilipinas ngayon 'no?" He clear his throat bago tumayo. "Edi, ihahatid kita ngayon sa bahay nina tita?"





Bagsak balikat kong tinanggap ang kamay niya para tulungan akong tumayo. "Ano pa ba? Kung no'ng bata hanger ang nakaabang sa akin sa bahay, ngayon flyers na ng seminars at programs na may kinalaman sa ugali ng tao."





Dahil sa patuloy niyang pagpigil sa tawa ay nauna na akong pumasok sa sasakyan, lalo lang akong naiinis. Tinulungan ko na ngang malaman niya ang katotohanan, sa akin pa nagalit. Wala naman akong masamang nakikita sa ginawa ko, ang bait ko pa nga.





Nagsimula na agad magmaneho si Jay. Buong byahe wala akong iniisip kung 'di paraan para mabola sina mama at papa, Unica hija nila ako kaya hindi nila ako matitiis. May pera man ang parents ko, ang bahay, kotse ang maliit na studio ay galing sa naipundar ko bilang photographer.





Sa likod nitong nakaka-stress na problema, masaya ako dahil mula nang magka-mission si Enney samahan pa ng kahahabol niya sa serial killer, madalas na kaming magkasama at lumabas ni Iajay.





Speaking of mission.





How is the child ghost? Where is he now? After ma-accomplish ang mission na ibinigay ng senior high student sa kaniya hindi na niya nababanggit ang bata. 'Di kaya naglaho? O kaya ay may bago na naman siyang nadiskubre na nangyari sa bata?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.1M 268K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
157K 1.5K 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang...
55.7K 2.1K 15
Wattpad Writing Battle of the Year 2015 Finale Entry Isang hindi inaasahang tagpo ang nagpabago sa buhay ni Amari Ellis Santiago tatlong taon na ang...
15.1K 509 10
Nangarap ka na ba na sana magkaroon ka ng third-eye? Yung tipong makakakita ka ng mga kaluluwa? Mga bagay na hindi makikita ng pangkaraniwang tao...