DG Series #3: Never Gonna Let...

De lhiamaya

795K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Mais

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 13

14.8K 522 57
De lhiamaya

Jolene

"LUMAYAS ka! Wala akong anak na malandi!" Sigaw ni mama at kinaladkad ako pababa ng terrace sabay tulak sa akin. Napasalampak ako sa semento.

Umiiyak na tumingin ako kay mama. Namumula ang mukha nya sa galit. Nakuha nya sa kwarto ko ang pt na ginamit ko na nakalimutan kong itapon at kinompronta nya ako. Kaya ngayon ay galit na galit sya.

"Ma.."

Hindi  masakit ang pagkakasalampak ko sa semento. Ang masakit ay ang mga salitang binibitawan nya na hindi ko kayang lunukin.

"Wag mo kong matawag na mama! Yan ang napapala mo dyan sa pagpasok mo sa bar. Ilang beses ko ng sinabi na umalis ka dyan pero di ka nakinig. O ngayon ano? Nabuntis ka ng kung sinong poncio pilato! Sino ang inang matutuwa ha! Kaya lumayas ka!" Hinagis nya sa akin ang bag ko pati ang mga damit.

"Ma, please.. w-wala akong mapupuntahan."

"Eh di pumunta ka doon sa lalaking nakabuntis sayo! Ginusto mo yan di ba? Kaya pumunta ka sa kanya at wag ka ng babalik dito! Nakakahiya ka!" Dinuro duro pa ako ni mama.

Lalo naman akong napahagulgol. Ang lalaking tinutukoy ni mama ay parang kinalimutan na ako. Hindi na sya kumukontak sa akin. Out of coverage area ang laging sagot kapag tumatawag ako. Sumasama ang loob ko dahil parang wala na syang pakialam sa akin.

"Honey, wag mo ng palayasin ang anak mo. Baka lalo lang mapariwara yan." Sabi ni Norman. Pero di ko ramdam na sinsero sya base sa klase ng tingin nya sa akin.

"Wala akong pakialam! Lumayas ka ha! At wag ka ng babalik dito." Mariing sabi ni mama at tumalikod na. Pumasok na sya sa loob ng bahay.

Naiwan naman si Tita Emie na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. Wala akong awa na nakikita sa mukha nya.

"Yan kasi, ang tigas ng ulo mo. Bunga yan ng kayabangan mo." Sabi nya at pumasok na rin sa bahay.

Si Tito Rene ay umiling iling lang at sumunod na kay Tita Emie. Nakatingin lang sa akin ang mga pinsan kong maliliit. Pero sinigawan sila ni Tita Emie at pinapasok sa bahay. Sinarado nila ang pinto pati ang mga bintana. Naiwan ako dito sa labas na luhaan.

Umiiyak na pinulot ko ang mga damit at gamit ko. Siniksik ko ang mga ito sa bag. Nagpalinga linga ako. Napansin ko ang ilan naming mga kapitbahay na nakatingin sa akin at nagbubulungan pa. Malamang ay pinagtsitsismisan nila ako.

Tumayo na ako at sinukbit ang bag. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Binigyan ko ng huling tingin ang bahay at umalis na. Wala rin namang mangyayari kung magpipilit ako. Kilala ko si mama matigas ang loob nya.

Habang naglalakad ay nag iisip ako kung saan ako pupunta. Tumataas na ang araw at masakit sa balat. Di nga ako nakapasok ngayon sa school dahil sa nangyari sa akin ngayon.

Kung pupunta ako sa bahay nila Leah ay siguradong patutuluyin nila ako. Pero sa liit ng bahay at sa dami ng bata doon ay nakakahiyang makisiksik pa ako. Wala si Leah, nasa Manila sya ngayon. Kung nandito lang sana sya.

Pinara ko ang traysikel na papadaan na walang pasahero. Huminto naman iyon. Nagpahatid ako sa bahay ni Atlas..

Inayos ko ang mga damit ko sa closet ni Atlas. Mabuti na lang nandito ang ilan kong damit. Napatingin ako sa mga damit ni Atlas na maayos na nakatupi at nakahanger. Hinaplos ko iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko. Sobrang ko na syang namimiss. Halos isang buwan na kaming hindi naguusap. Ni text o chat wala. Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakali bigla syang bumalik dito sa Zambales. Pero paano ko sasabihin yun di ko na sya makontak.

Sa kabila ng pagpapalayas sa akin ni mama sa bahay ay nagpatuloy pa rin ako sa normal kong buhay. Pumapasok pa rin ako sa school at sa bar. Mas ngayon ko kailangan kumayod dahil pinalayas ako ni mama. May pera naman sa atm na binigay ni Atlas. Pero di ko yun gagamitin. Siguro sa ibang pagkakataon ko yun magagamit lalo na buntis ako at wala pang kasiguraduhan kung babalik pa si Atlas. Wala namang kaalam alam ang mga kasamahan ko sa bar sa nangyari sa akin. Di ko kinukwento sa kanila. Nahihiya ako. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa bahay namin pero lagi lang akong tinataboy ni mama at minumura. Parang wala na syang pakialam sa akin at di na anak ang tingin sa akin. Umiiyak na umaalis na lang ako.

Nakatulala ako sa harap ng vanity mirror. Parang wala ako sa mood kumanta ngayon dahil sa dami ng iniisip ko.

"Ayos ka lang Jess?" Untag sa akin ni Ate Lucille.

Doon lang ako tila bumalik sa katinuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ayos lang ako ate. May iniisip lang."

"Si Atlas na naman?"

Di ako sumagot at yumuko na lang.

"Kung ako sayo wag mo na syang masyadong isipin. Di pa naman siguro ganun kalalim ang feelings mo sa kanya. Maiksing panahon lang kayo nagkakilala. Mas mainam na kalimutan mo na lang sya kesa istresin mo ang sarili mo." Payo ni Ate Lucille habang nagreretouch.

Sana nga ganun lang kadali. Pero hindi. Sobra ko na syang mahal. Lalo na ngayon na nagbunga ang ginawa namin.

Nag excuse si Ate Lucille dahil kakanta na sya. Sya ang unang sasalang. Mamaya naman ako pagkatapos ng lima nyang kanta.

Palakad lakad ako sa sala habang nakatapat ang cellphone sa tenga. Pero iisa lang ang sinasabi sa kabilang linya. Puro out of coverage area. Nakailang dial pa ako pero ganun pa rin.

Napufrustrate na umupo ako sa sofa. Saktong isang buwan na na wala pa syang kontak sa akin. Talaga yatang kinalimutan na nya ako.

Sumandal ako sa backrest at tumingin sa paligid ng bahay. Sa tuwing nandito ako ay palagi syang sumasagi sa isip ko. Ganun din kapag nasa bar ako. Lagi akong tumitingin sa dati nyang pwesto.

Hinawakan ko ang impis kong tiyan at hinaplos haplos iyon.

'Baby, sana kontakin na ako ng papa mo. Siguro matutuwa sya kapag nalaman nyang magkakababy na kami.'

Lumipas pa ang mga araw ay wala pa rin akong kontak at balita kay Atlas. Gusto ko sanang puntahan yung site na hawak nya dito at magtanong tanong doon. Pero di ko naman alam kung saan. Di rin nabanggit sa akin ni Atlas.

Nagpacheck up na rin ako sa ob. Dalawang buwan na akong buntis. Wala pa rin nakakaalam sa mga kasamahan ko sa bar na buntis ako. Mahirap ang sitwasyon ko pero minsan di sumagi sa isip ko na ipalaglag ang bata sa tiyan ko. Di pa man sya lumalabas ay mahal ko na sya.

Napapitlag ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng magring ang kabilang linya. Di matatawaran ang pananabik ko na marinig muli ang boses ni Atlas. Pero naubos na ang ring ay hindi ito sumagot. Dinial ko ulit. Nakatatlong dial ako pero puro ring lang. Baka may ginagawa sya. Sinubukan ko pa ng isa hanggang sa may sumagot na. Pero hindi boses ni Atlas ang narinig ko kundi boses ng isang babae.

"Hello who's this?"

Napakunot noo ako sa mataray na boses ng babae. Baka kapatid sya ni Atlas. Nabanggit kasi nya sa akin noon na may kapatid syang babae.

Tumikhim ako habang mahigpit ang hawak sa cellphone.

"Ah si.. Atlas?" Tanong ko.

"Anong kailangan mo sa fiance ko? Sino ka?"

Nahigit ko ang hininga sa sinabi ng babae sa kabilang linya. Pagalit na ang boses nya.

"F-Fiance?"

"Oo, fiance. Malapit na kaming ikasal ni Atlas. Kaya kung sino ka mang babae nya tigiltigilan mo na ang fiance ko!"

Nanginginig ang kamay na binaba ko ang cellphone kasabay ng pagpatak ng luha ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Parang may isang daang punyal ang sumasaksak sa puso ko.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa at sinubsob ang mukha sa palad. Bumalong ang masaganang luha sa mata ko.

Ikakasal na pala sya kaya hindi sya kumukontak. Kaya parang wala na syang pakialam sa akin. Pero ang sabi nya noon sa akin wala syang nobya. Ang sabi nya single sya. Niloloko lang pala nya ko. Inisahan nya lang ako. Walanghiya sya!

Padaskol na tumayo ako at malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto. Binuksan ko ang closet at kinuha ko ang bag. Nilagay ko ang lahat ng mga gamit ko at ilang mga damit. Parang di ko kayang magtagal sa bahay na ito lalo na at nalaman ko ngayon na ikakasal na pala sya. Di ko maintindihan kung bakit nakipag relasyon pa sya sa akin gayung may fiancee na sya. Bakit? Ano bang balak nya sa akin? Gagawin nyang kabit? Ang kapal ng mukha nya!

Zinipper ko na ang bag pack at sinukbit sa likuran. Binitbit ko na rin ang shoulder bag. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto. Siguro ay doon muna ako sa bar ngayong gabi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi at tumingin sa bahay. Wala ng dahilan para manatili ako sa bahay na ito.

"Kung hindi nga lang dumating ang kapatid ko pwede kang matulog sa bahay. May ekstrang kwarto pa kasi doon." Sabi ni Ate Lucille habang nag aayos ng gamit nya. Pauwi na rin sya at nasa labas na ang partner nya.

"Ayos lang ate, ok naman ako dito." Sabi ko habang inaayos ang unan sa folding bed. Alas dos na ng madaling araw at nagsasara na ang bar.

"O paano maiwan na kita. Kita na lang tayo bukas." Ani Ate Lucille at sinukbit ang shoulder bag sa balikat.

Hinatid ko naman sya palabas ng dressing room. Nilock ko na ang pinto at humiga na sa folding bed. Tumitig ako sa kisame ng dressing room. Pinunasan ko ng daliri ang luhang tumulo sa gilid ng mata ko. Di ko alam kung ano ba ang nagawa kong masama at parang pinaparusahan ako ng ganito. Ngayon di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Di ko alam kung saan na pupunta.

Nakaramdam na ako ng antok kaya pinikit ko na ang mata..

Naalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pinto at parang may tumatawag sa pangalan ko.

"Jessica! Jessica! Gising!"

Dinilat ko ang mata. Di ko alam kung malabo ang mata ko pero parang naguulap ang paningin ko. Mainit din dito sa loob sa dressing room dahil nakapatay pala ang electric fan. Napaubo ako ng sunod sunod. Para akong kinakapos ng hininga. Dinig kong binabayo ng kung sinong nasa labas ang pinto.

"Jessica gumising ka may sunog!"

Doon na ako nagising ng tuluyan at nanlaki ang mata ng marealize na umuusok ang loob ng dressing room. Mabilis akong bumangon kasabay niyon ang pabalibag na pagbukas ng pinto. Tumambad ang dalawang bouncer ng bar na inuubo. Matindi din ang usok sa labas.

"Halika na! Lumabas na tayo! Kumakalat na ang apoy baka di na tayo makalabas!" Lumapit ang isang bouncer at hinawakan ako sa braso.

"S-Sandali lang kuya." Mabilis kong hinablot ang shoulder bag ko.

"Halika na!" Hinila na ako ni kuyang bouncer palabas ng bar.

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot ng makitang kalat na ang apoy sa loob. Naglaglagan na ang mga kahoy sa kisame. Para kaming nasa loob ng pugon sa init. Makapal ang usok sa paligid at halos wala ng makita.

"Dito! Dito!" May lumapit sa aming bumbero at inalalayan kami palabas ng bar.

"Kuh! Mabuti na lang at nakalabas ka jusko! Akala ko di ka na makakalabas ng buhay at tuluyan ng matutusta sa loob!" Sabi ni Madam Luz na naabutan ko sa labas. Naroon na rin ang iba pang mga tauhan ng bar na naiwan. Bakas sa kanilang mga mukha ang panlulumo at pag aalala.

"Ano po bang nangyari madam? Bakit po nagkasunog?" Tanong ko habang pinapanood ang mga bumbero na inaapula ang apoy. Pero sa tingin ko kahit maapula na ang apoy ay wala ng matitira sa bar.

"Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari. Basta parang may putok sa taas tapos yun na, nag aapoy na ang kawad ng kuryente hanggang sa kumalat na ang apoy. Naku, paano na kaya ito?" Nag aalalang sabi ni Madam Luz.

Bumuntong hininga ako. Pasalamat pa rin ako at nakalabas ako ng buhay kahit naiwan ang bagpack ko sa loob. Salamat sa dalawang bouncer na tumulong sa akin.

*****

Continue lendo

Você também vai gostar

2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
489K 35.7K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...