Miss Astig

cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... Еще

About the Book
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Three

93.7K 1.3K 165
cursingfaeri

____________________________________________

To be a transferee? Nakakastress.

 

Ang hirap pala mag-adjust. Madami ang nagsasabi na suplada daw ako. Maarte,  brat, snob at mayabang. Ayos lang. Sa lakas mang-asar ng mga Kuya ko sa bahay magpapaapekto pa ba ako sa kanila? Wala silang narinig sakin. Hindi ko rin kasi feel makipagkaibigan.

Minsan dinaanan ako ni Kuya Kurt sa room namin. Kakatapos lang namin ng PE class nun kaya nakajogging pants ako at plain t-shirt. Nagpalit na din kasi ako ng damit. Barber's cut pa rin ang buhok ko tulad ng dati. Nakasanayan ko na kasi. Tapos inaya akong magbasketball sa gym. Andun daw sina Kuya Justin, Kuya J at Kuya K. Alam kong nagulat yung mga kaklase ko. Narinig ko pang nagbulungan sila.

"Basketball? Nagbabasketball si Louie? Cool ah. At ang cute ng nag-aya, ano niya kaya yun? Db nasa high school dept na yun?" si Jenny kausap si Lorie.

"Boyish pala ni Louie eh, kita ko din yan minsan sinundo, may tatlo pang boys na kasama aside kay Mr. Cute. Ang gugwapo din. Nasa high school dept din yata. Baka mga kapatid niya. Ang swerte niya naman noh?" sagot naman ni Lorie.

"Nood tayo?" tanong ni Jenny.

Hindi ko na narinig ang ibang pinag-uusapan nila dahil pinagmamadali ako ni Kuya Kurt. Kanina pa daw sila sa court.

Malay ko ba kung anong cute sa kanila? Di ba cute maliit? Pero sabi ng english teacher ko nung grade three, cute daw is ugly but presentable. Tsaka depende din daw sa nagsasabi. Kumbaga, minsan daw may sariling pagkakahulugan yung ibang tao na sila lang nakakaalam o nakakaintindi. Gusto ko nga itanong kung saang dictionary niya nakuha yun eh. Papakita ko kina Kuya J. Sabi niya kasi madami nagsasabing cute siya. Hahahaha.

Ibig sabihin ugly si Kuya Kurt but presentable?

Pasimple kong binuklat ang pocket dictionary ko at tinignan ang meaning ng cute. Nagdadala na ako nito dahil minsan bigla-bigla akong tinatanong ni Kuya K sa spelling. Badtrip. Hindi pa rin ako magaling. -.-

Ayun. Cute. Attractive in a pretty or endearing way. Attractive si Kuya Kurt? Hehehehe. Narinig ko din minsan yung biruan nila Kuya kung sino daw pinakagwapo sa kanilang apat. Andami daw kasi nilang admirers. Hindi ko nga alam bakit sila pinagkakaguluhan ng mga babae. Kung alam lang nila kung ano totoong ugali ng mga to sa bahay ewan ko lang kung gugustuhin pa sila. Ang yayabang lang.

Medyo strict pala sa UST. Napansin ko lang. Unlike sa Brent at iba pang school na pinanggalingan ko kung saan mga bratty yung mga students, dito masyadong disciplinary. Madami din yung nagpapanggap na good student pag kaharap yung mga strict teachers. In short, mga silent naughties. Hindi ko din masisisi ang mga to. Pati sa paglakad sa corridors ay may rules. Dapat daw always walk on the white line after following the customary: Arms forward, Arms down, Zipper your lips, Arms at the back then Pass.

Hindi ako sanay sa totoo lang. Hindi naman sa maluwag sa dati kong school pero at least parang may free will kami dun. Medyo nahihigpitan lang siguro talaga ako. Tapos nahirapan din akong magcatch up ng subjects. Madami din kasing matatalino dito. At yung mga feeling matalino din. Parang usung-uso yung competition. Sabagay masyado kasing madami yung students compare sa mga schools ko dati. Hindi masyadong laganap ang favoritism.

Tahimik lang ako. Hindi naman ako mahilig makipagkompetensiya eh. Gusto ko lang talaga na mataas ang grades ko. Kasi narinig ko minsan sa kaklase ko yung Ate niya, nag-aaral daw sa Philippine Science, may stypen (allowance) daw yun at scholar daw siya dun. Kaso masyado daw mahigpit dun. Kailangan magaling ka sa Math at Science. Kaya naman pinipilit kong maging attentive sa dalawang subjects na yan. Wala naman sigurong spelling di ba? Hehehehe.

"Louie! Ang tagal mo. Siguro nakikipagchismisan ka sa mga kaklase mo noh?" sabi ni Kuya Justin.

"Hindi. Nagbabasa lang yan ng libro," sagot ni Kuya Kurt.

"Ba't po ako sasali? Kumpleto naman na kayo ah?" sabi ko ng mapansin na kumpleto naman ang apat kong pinsan. Ano yun, lima kami?

Nakita kong may tinawag si Kuya J na lalaki.

Kaklase siguro.

"Si Aidan, kaklase ko. Si Louie, pinsan ko," pakilala ni Kuya J.

Inilahad ko ang kamay ko kay Aidan. Kasi sabi ni Tita nun pag may nagpapakilala daw na lalaki, dapat yung babae ang unang naglalahad ng kamay. Iyon daw ang formal.

Nakita kong natigilan si Aidan pero inabot niya din ang kamay ko.

"Hello Louie. Grade four ka di ba? Ang cute mo naman. Ang tangkad mo. May nililigawan ka na ba sa mga kaklase mo?" sabi nito in a friendly manner sabay tapik sa balikat ko.

Nagulat ako ng bahagya. Ba't biglang nananapik to?

"Ah, eh.." napakamot ako ng ulo.

Narinig kong nagtawanan ang mga pinsan ko.

Bakit naman? Wala namang masama na sinabi si Aidan diba?

"Hoy Aidan, babae yang si Louie ha?" sabi ni Kuya K habang sapo sapo ang tiyan kakatawa.

Huh?! Ano yun? Nilingon ko si Aidan at nakita kong nanlaki ang mga mata nito.

"Ha? Naku sorry Louie ha? Kasi naman eh, hindi nila sinabi ni J na babae ka eh. Akala ko talaga lalaki ka, kasi Louie name mo, sorry talaga!" sabi nito na tila hiyang hiya.

Pinagkamalan akong lalaki?! Nakakainisssssss!

Hindi ko siya pinansin. Nakakabadtrip ka. Pakainin kita ng bola eh.

"Kuya laro na tayo," sabi ko at tumalikod na.

Balak ko pa sanang tawagin tong Kuya dahil kaklase ni Kuya. Syempre matanda sakin ng limang taon halos. Kaso wag na lang. Nawalan na ako ng gana.

Ngiting-ngiti pa rin ang mga pinsan ko. Alam ko naman na hindi nila ako maasar dito. Sinabihan na sila nina Tita na wag akong asarin sa school.

Kalaban ko sa Team si Aidan. Kasama nito si Kuya K at Kuya Justin. Kasama ko naman si Kuya J at Kuya Kurt. Almost fair. Nagsimula kaming maglaro. Si Kuya J nagshoot ng first shot para malaman kung kanino ang first in bound. Pasok. Lumabas si Kuya Kurt para simulan na. Up to 10 daw. One is to one ang counting. Ibig sabihin, kahit three point shot ay counted as one. Nagulat si Aidan na magaling akong magdribble ng bola. Sa height nito na 5'7", alam kong tatangkad pa to. 5'2" pa lang ako nun although isa na ako sa pinakamatangkad sa klase, lalaki pa rin sila syempre, lamang sila sakin sa height. Pero hindi hadlang yun para hindi ako humusay maglaro. At alam kong alam nila Kuya yun. Nakita kong nagulat si Aidan sa bilis kong gumalaw. At alam kong aware siya na small forward ang play ko.

I score, I rebound, I pass and defend as well.

Minsan sumesenyas si Kuya J na magshooting guard ako. Lalong naguluhan si Aidan. Akala siguro nito ako ang point guard dahil ako pinakamaliit sa amin. Si Kuya K ang nagbabantay sakin. Halos alam na nito ang galaw ko kaya  medyo nahirapan din akong dumiskarte.

"Lay up! I'm open Louie!" sigaw ni Kuya Kurt. Pinasa ko sa kanya ang bola. One on one sila ni Kuya Justin. Nagdribble ito habang hinihintay akong dumiskarte. Lumigid ako sa side ni Kuya J para maback-upan ako saka ko hinintay ang signal ni Kuya Kurt. Ngumuso na ito. Napag-usapan na namin yun dati tuwing magkakasama kami sa laro. Signal iyon na ipapasa na niya sakin ang bola. Mabilis akong nagpivot para lituhin si Kuya K at kinuha ang bola kay Kuya Kurt saka nagjump shot.

Pasok!

"Nice one Louie!" ginulo ni Kuya J ang buhok ko at ngumiti. Brofist. Tumango lang ako.

Tinignan ko si Aidan. Tulala. 6-3 pa lang ang score. Lamang kami. Napansin kong tila nagseryoso ito. Bumulong ito kay Kuya K.

Akala siguro nito masisindak nito ako sa laki ng katawan nito kumpara sakin. Ilang beses na din akong madapa, magalusan at mabalian ng buto sa basketball. Syempre part na ng laro yun. Hindi ako takot masaktan sa basketball. Asar lang aabutin ko sa mga pinsan ko kung mag-iinarte ako.

Hindi ko na napansin na madami na pala ang nanonood sa amin nun. Tapos na kasi ang klase. Talagang hinihintay lang namin nila Kuya ang sundo namin dahil naabisuhan na kami na malelate si Tatay Tonyo, yung family driver namin.

Naghihiyawan na ang mga estudyante.

Hindi ko pinapansin ang sigawan. Ganun ako maglaro. Para walang distraction. Focus. Parang wala akong naririnig at nakikita. Hindi ko tuloy napansin na nagche-cheer na mga kaklase ko.

"Louie! Louie! Louie!"

"Go go go Louie! We love youuu na!"

Para lang akong nagtayo ng fans club. Kamusta naman yun?

Nagpatuloy ang laro. Nakita ko ang pagkabadtrip sa mukha ni Aidan. Alam ko naman kung bakit. Kasi 8-5 na ang score. Dalawang puntos na lang at mananalo na kami. Napangiti ako. Pinakita ko talaga na nangingiti akong nakakaloko. Isa sa mga technique na nakuha ko ay ang mang-inis sa court. Lalo kung pikon ang kalaban mo. Isa ito sa kanilang kahinaan. Nawawala ang konsentrasyon nila sa paglalaro.

"Louie box out ka!" Sabi ni Kuya J.

Pumuwesto na ako para makadiskarte si Kuya bago ito nagpower play. Sinubukan ni Aidan na iblock si Kuya J, but failed. Nadelay ito ng ilang segundo. Pasok ang shot. Score: 9-6.

Hiyawan na naman ang mga babae.

"Crush ko yan! Crush ko yan! Woooo! Idol!"

Binigyan naman ito ni Kuya J ng flying kiss na halos ikahimatay nito.

I almost rolled my eyes.

Isa din sa mga natutunan ko kay lolo ay ang huwag masyadong maging kampante kahit pa malapit ng maubos ang time. Focus. Bilog daw ang bola kaya anytime ay maaaring magbaliktad ang score. O maungusan.

"Kuya, tapusin na natin to, gusto ko ng umuwi," sabi ko kina Kuya Kurt at Kuya J.

Tumango ang mga 'to. Tinuro ni Kuya Kurt ang rainbow line (three-point shot area). Alam ko na ibig sabihin niya. Umikot ikot ako. Binulungan ni Kuya K si Aidan. Na-gets kong sinabihan nitong i-block ako sakaling magthree points. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon.

"Kuya Kurt!" sigaw ko para ipasa na nito ang bola bago ako nagfake kung saan tumalon si Aidan para iblock ako. Saka ako tumira smoothly ng three point shot.

Swak!

Palakpakan ang mga tao. Hiyawan ang mga fans ng iyong lingkod.

Naglakad na ako patungo sa bench at kinuha ang tumbler ko ng tubig at saka uminom. Hindi ko pinansin ang mga tao. Nahihiya kasi ako pag aware ako sa palibot kaya mas pinipili kong magbingingihan at magbulagbulagan.

Lumapit sakin si Aidan.

"Louie," sabi nito.

Tinignan ko lang to.

"Nice game. Idol na kita ha?" sabi nitong nakangiti.

Ano daw?!

Tumango na lang ako. Expressionless.

Nakita ko si Tatay Tonyo na kumakaway sa labas ng Gym. Kumaway din ako at tumatakbong nakangiti.

"Tatay! Ang tagal mo," sabi ko dito at niyakap ko ang bewang nito.

Tatay ang tawag ko dito. Wala lang. Mabait kasi si Tatay Tonyo. Halos doon na din sa amin tumanda. Tsaka pinagtatanggol ako nito sa mga bully kong pinsan minsan. Kaya mahal na mahal ko si Tatay.

"Naku! Na-miss mo agad ako anak?" sabi nitong nakangiti.

"Opo. Saan ka ba galing? May pasalubong ba ako?" paglalambing ko dito.

"Aba syempre naman! May dinaanan lang si Tatay. Utos ng Lolo mo. Eto may dala akong Knick Knacks, milk flavor. Okay na ba yan?" sabi nito sabay abot sakin.

"Salamat Tatay!" sabi kong tuwang-tuwa. Paborito ko kasi yun. Hehehe!

"Pawis na pawis ka na naman. Baka pagalitan ka mamaya pag natuyuan ka ng pawis ha may extrang t-shirt ka pa ba? Galing mo dun anak ah. Hindi ka man lang na-block ng kalaban mo eh matangkad sayo yun. Akala ko nga hindi ka na titira eh," sabi nito habang pinupunasan ang likod ko.

Ngumiti lang ako.

"Sa bag po. Sa kotse na ako magbibihis gusto ko na pong umuwi eh," sabi ko at inaya ko na tong umuwi. Sinenyasan nito ang mga pinsan kong nakikipag-usap pa kay Aidan. Sumunod naman ang mga ito.

Kinabukasan usap usapan ako ng mga kaklase ko. Sikat na daw ako sa school dahil sa nangyari kahapon. Pinapatawag din daw ako ng coach ng basketball team para sumali sa intramurals. Doon na nagsimula ang pagdagsa ng tagahanga ko. Mapababae man o mapalalaki. Kung sino man sila. Hindi naman nagpapakilala yung iba eh. Sabi ng isang kaklase ko nahihiya daw. Yung iba takot. Hindi ako sanay sa mga ganun kaya siguro akala nila snob ako. Ayoko kasi yung nagbibigay ng attention.

Sina Tita Ayessa lagi nakakabasa ng mga letters na palihim na nilalagay sa bag ko. Minsan may mga tumatawag din na hindi nagpapakilala. Tinatawanan na lang ni tita. Alam kasi nito na naiinis lang ako. Isa din yun sa kinakantiyaw ng mga pinsan ko sakin. Malapit na daw akong magka-girlfriend. Duh? Ambata ko pa nga eh! Tsaka bakit girlfriend? Hindi naman ako tomboy ah. Nakakainis talaga. Minsan naiiyak pa rin ako sa panunukso nila. Minsan hindi na rin. Siguro nasanay na ako.

Pero kahit nasa basketball team na ako, puspusan pa rin ang pag-aaral ko. Gusto ko kasi talagang kumuha ng exam sa Philippine Science. Nasabi ko na din kay Tita ang plano ko. Sabi daw niya tatanungin niya muna si Mama. Hays. Si Mama na naman. Hindi naman umuuwi yun. Simula nung umalis ito hindi pa ito kailanman bumabalik. Dati iniiyakan ko pa gabi gabi yun, hanggang sa napagod na ako. Napagod kakahintay. Napagod kakaiyak. Napagod kakaisip tungkol dito.

Pagtapak ko ng grade six mas naging active ako. Contributor lang ako ng school paper dahil nakafocus ako sa pagbabasketball. Nasa honor lists din ako. Madami pa ring admirers. Madami pa ring haters. Inisyuhan na din ako nilang tomboy. Hindi ko pa rin pinapansin. Hindi pa rin ako nagpapaapekto. Sanay na nga ako di ba? Paulit-ulit na lang? Walang bago? Sana bakla naman itawag niyo noh? Hahahaha.

Minsan may nakasalubong akong babae. Nakasandal siya sa puno na parang may hinihintay. Sa likod ako ng school nun. Galing kasi ako sa science garden. Doon ako minsan nag-aaral. O kapag hinihintay si Tatay Tonyo. Wala lang. Trip ko lang. Ang iingay kasi ng mga kaklase ko sa classroom. Hindi siya pamilyar sakin kaya naisip ko baka transferee. Half-japanese siguro to. Kasi singkit ang mata, matangos ang ilong, maputi at bagsak na bagsak ang buhok na parang layered cut. Mukha itong anime. Parang kamukha si Yuna sa Final Fantasy. Kaso... ang lalim nitong makatingin. Nanunuot sa buto. Kung may ballpen nga lang akong dala nun baka tinusok ko na mata niya eh. Joke lang. Hindi ako ganun kabayolente noh. Hahaha.

"Ikaw pala si Louie," sabi nito. Hindi ako inaalisan ng tingin.

Napakalambing ng boses nito. At hindi ko masyadong gusto ang pamamaraan ng tingin nito sakin. Hindi ko tuloy napigilang tignan ang suot kong school uniform. Pano kung makatingin akala mo isa akong palaka na ini-examine. Hindi ko to pinansin.

"Teka," sabi nito sabay hawak sa braso ko.

Tinignan ko to sa mata sabay tingin sa braso kong hawak nito. Tanga na lang ang hindi makakagets nun. Tinaas nito ang kamay saka ngumiti.

Hmmm. Hindi naman pala mukang suplada pag nakangiti.

"Masyado ka ngang snob katulad ng naririnig ko," sabi nito.

Tinaasan ko to ng kilay.

Marunong na ako nun. Nakuha ko kay Genevieve ng minsang magkwentuhan kami tungkol sa kinaiinisan nito.  Kasama ko to sa school paper at kaklase ko rin. Lagi daw niyang tinataasan ng kilay pag naiinis. Pinagpraktisan ko tuloy sa bahay ng isang linggo. Hahahaha.

"Whoah. I just want to be your friend. Sabi ng marami aloof ka daw. Pero I don't think so. I'm Keira. You probably haven't heard anything about me. New student kasi ako. I'm from other section pero magka-batch tayo. I've read your writings sa school paper. Ang galing mo," sabi nitong nakangiti.

Again, hindi ako sanay sa compliment kaya tinignan ko lang siya.

"Hi-hindi ka ba nagsasalita?" sabi nito. Nag-uumpisa na din itong pagpawisan... sa awkwardness.

Doon na ako natawa. Parang ewan na kasi ang itsura nito.

"Hahahahaha! You look like a fool back there. Hahahaha!" sabi ko.

Nakita kong tila nakahinga ito ng maluwag.

"So friends?" sabi ni Keira sabay lahad ng kamay nito.

Nag-isip muna ako. Why not? Graduating na rin naman ako. Maybe it's about time na i-open ko din sarili ko sa ibang tao di ba?

Finally, inabot ko ang kamay niya.

"Friends."

"Louie ano yan?!" sabi ni Kuya Justin.

Mabilis kaming nagbitaw ni Keira. Alam mo yung minamalas? Eto yun eh. Nakita ko si Bea sa likod nito. Siyanga pala. Baka nakalimutan niyo si Bea? Yung kaklase ko ng grade three sa Assumption na sa iisang subdivision lang din namin nakatira. Nagtransfer din pala ito. Hindi ko din naman to masyadong pinapansin dahil nasa ibang section ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ngtransfer ito dahil sakin. Hindi ba't may letter pa itong binigay? Teka ba't magkasama sila ni Kuya at ba't nila alam na nandito ako? Sinusundan ba ako nito?

"Si Keira, Kuya Justin, bagong kakilala. Transferee siya," sabi ko na lang.

"Hi Louie! Hi Keira! I'm Bea pala," singit nito at nakipagkamay kay Keira. Bakit parang hindi bukal sa loob ang pakikipagkamay nito? Masyado talaga tong epal kahit kailan kaya hindi ko talaga to gusto. Hindi ko pinansin ang presence niya kaya narinig kong bumulong siya.

"Sungit talaga."

"Hello po Kuya Justin," sabi ni Keira.

"Hindi mo ko Kuya, tara na Louie," sabi nito at hinila na ako pauwi.

"Teka Kuya Just! Hintayin niyo ko, bye-bye Keira!" sabi nitong may nakakalokong ngiti sa labi at humabol samin.

Lumingon ako kay Keira at binigyan ito ng apologetic look. Ngumiti lang ito at tumango. Anong problema ni Kuya? Tsss. Mood swings. Mas nainis tuloy ako kay Bea. Wala lang, tingin ko lang may sinasabi siya kay Kuya Justin na hindi maganda.

Pag-uwi namin ay niyakap ako ni Tita. Hindi ko alam kung bakit pero kinausap niya ako.

"Anak, tumawag dito yung principal niyo sabi niya running for salutatorian ka daw, galing naman ng baby ko!" sabi nito. Makikita ang saya sa mukha.

"Tita, sa Philippine Science po ako magha-high school ha? Pag pumasa ako," sabi ko dito.

"Anak, alam mo ba sabi din ng principal niyo, exempted ka daw sa High School ng tution kapag doon ka pa rin nag-aral," sabi nito.

"Tita, gusto ko po sa Philippine Science eh," sabi kong nakayuko.

"Nangangayayat ka na kakaaral anak, baka pagalitan tayo ng Mama mo pag umuwi siya," sabi nito.

Nagulat ako. "Uuwi si Mama?" tanong ko.

"Oo. Manonood daw ng graduation mo," sabi nitong ngiting ngiti.

"Bakit pa? Okay na naman ako ah. Si Lola sasabit ng medal ko ha?" sabi ko dito.

Hindi ko na rin tinanong kung kailan ang uwi nito. Pero bakit ganun? I still feel a bit.. hopeful and longingness? -.-

"Galit ka pa rin ba sa Mama mo Louie? May mga reasons siya bakit niya nagawa yun," sabi ni Tita Ayessa sa seryosong tono.

"I don't want to talk about it Tita. Basta po sa Philippine Science ako mag-aaral, please," giit ko dito.

"Ayaw ng Mama mo. Kaya niya namang bayaran ang tution mo ah. Kaya nga yun nagpapakahirap para ibigay lahat ng gusto mo. Kapag sa PhiSci ka mangangayayat ka lalo kakaaral," paliwanag nito.

Yumuko ako at kinagat ko ang aking mga labi. Hindi ako iiyak.

"Gusto ko lang pong makatulong," sabi ko.

"Anak ang bata bata mo pa. Mga kaedad mo paglalaro pa ang iniisip ikaw mga ganyan na? I-enjoy mo ang childhood mo. Minsan ka lang maging bata. Baka pagsisihan mo yan sa huli," sabi nito.

Hindi ako sumagot.

Gusto ko sa PhiSci eh. Hays.

Kontrabida talaga si Mama kahit kailan. Naiinis lang ako lalo sa kanya.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Rebel Hearts HN🥀

Подростковая литература

1.8M 76.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
Crimson University (Completed) epione

Детектив / Триллер

84K 2.6K 41
Paaralang hindi ordinaryo. Iba't ibang ugali, hindi natin alam kung totoo ang mga nakakasama natin. Maraming mukha ang nakatago sa maskara. Paaralang...
40.4K 1.6K 24
Casa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki n...
Mismatch With The Playboy Kim Bi Sol

Подростковая литература

81.4K 5.3K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...