In Love And War (War Series #...

Door overthinkingpen

31.2K 2K 774

War Series #4: Ida Mishal Zavala Meer

In Love And War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 25

627 45 2
Door overthinkingpen

Chapter 25

Hope and Misery

It's been a couple of years since and I probably lived as though I am walking on a runway with my eyes closed. My life has been as empty as my eyes look. My paintings have been as cold, as lonely, and as meaningless as my life has been. After graduating college, I spent two years trying to make myself better.

People say that the eyes are the windows to one's soul. They probably see nothing in my eyes—just like how I feel. Soulless. Lifeless.

Whenever I look in the mirror, I get reminded of how my lolo's eyes always looked. It's unfair that the recent memory I had of him is his miserable life. Ni hindi ko man lang nakita nang matagal na masaya siya. All my life, I just had my eyes looking up at him. Ngayong wala na siya, sino pa ang titingalain ko sa langit? No one. He's not with me anymore. He left me.

Artists say that feelings are the best medium for a masterpiece. It may have caused the feeling of emptiness people feel when looking at my paintings. They yearned for it. My paintings gained recognition more than how they did before.

Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpinta. Sa tuwing nagpipinta, pakiramdam ko, nailalabas ko ang mga bagay na hindi ko masabi at mga bagay na ni ako, hindi ko alam tungkol sa sarili ko. Noong una, akala ko, mawawalan na rin ako ng gana roon. Minahal ko ang pagpipinta dahil kay lolo. Nang mawala siya, akala ko, mawawala na ang pagmamahal na iyon. But I had nowhere to go. I had no one to hold on to. What was left were my brushes, paints, and blank canvases. Pinili kong magpinta ulit.

Tahimik ang buong mansyon—just like how it always has been. Pero mas malamig ang pakiramdam ng buong mansyong ito kaysa noon.

"It's cold. . . lonely," si Agnes habang pinagmamasdan ang mga paintings na natapos ko na at nakalagay sa mga easels sa gitna ng studio ng mansyon. Nakaupo lang ako stool habang tinititigan iyon. "Just like the painter herself."

I don't react.

"It's black and white too," dagdag niya.

"I used different shades of black and white, Agnes," I say, matter-of-factly.

I know she's just trying to add more comments. Alam ko namang wala talaga siyang interes sa mga ganito.

"Okay! Sorry! Nursing ang tinapos ko, okay? Why did you even get me as your manager?" aniya pero tumawa naman. "I love this job. I am sure this painting will sell well. Nakikita mo ba ang mga mata ko?"

Ipinakita niya sa akin ang mga namumula at naluluha niyang mga mata. I stare at her and I almost roll my eyes. Tinalikuran ko siya at naglakad na papalapit sa isa pang canvas na tinatapos.

"You still have to go to the fashion week, you know?" aniya at humalukipkip sa tabi ko habang pinapanood akong nagpipinta.

"I won't go this year."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Bakit? People are expecting you to be there!"

Hindi ako nagsalita kaya naman humalukipkip siya at hinuli ang tingin ko. She widens her eyes at me.

"Just accept projects I can do here. I don't want to go out of the country."

"Is that what you really want?" tanong niya. "You know that Rinnah expects you to be there on the seats watching her walk on the runway, right? With Hiel, of course. And your other friends."

"Rinnah will understand."

Napaangat na lang ang mga kamay ni Agnes sa hangin dahil alam niyang hindi na siya makakaangal pa.

She is so used to me leaving the country during the holidays. I would accept any project so long that I wouldn't spend Christmas in the Philippines. That's just how I want it to be. I don't like to pity myself for not having a family to come and bond with. Mabuti nang maalis ang isipan ko roon at magtrabaho kaysa tinitiis ko ang lahat nang mag-isa.

But this time, I want to spend some of my time alone and take a break. Pagkatapos kong matapos ang mga paintings, ilalagay ko ang mga iyon sa isang exhibit, pagkatapos, mawawala ako ng sandaling panahon.

I figured I might have exhausted myself in the past years and I may have reached my limit. Kailangan ko na nga sigurong magpahinga. I'm handling my emotions better now. I think.

"Are you okay?" si Agnes, mukhang napansin ang pananahimik ko.

How do you even answer that question? I am not okay. I know it. Even if I do want to lie and say that I am fine, I know myself so much and I also know that I am not like my usual self—or how I used to be.

Yet because I don't have the energy to explain how complicated my feelings are, I settle with just answering a "Yes."

Hinayaan na ako ni Agnes. May bago akong sisimulang painting.

Kung pwede ko lang bigyan ng solusyon ang nararamdaman ko, ginawa ko na. It's tiring to feel this way and I know I have to move on from a lot of things. How do you really get rid of sadness, anger, and pain? Paano mo ba luluwagan ang kapit mo sa bagay na hindi naman nahahawakan pero hindi mo mabitaw-bitawan? Hindi ko alam.

I thought it was always easy to let go, move on, and live. Hihinga ka lang naman. Magpapatuloy lang naman. But that's what it is. You just breathe. Gumuguho na ang mundo mo pero ang kaya mo lang gawin ay huminga. It's no different from death.

When Agnes found me years ago, inside my room, hopeless, she brought me to therapy. It probably helped me quite a bit. With medicines and therapy sessions, I was able to stand back on my feet a year later. I can't say that I am fully healed. The world still looks too dim. But it was better than years ago.

I graduated college and continued the career I almost lost. Luckily, people took me back. Although, I did gain a lot of negative comments. I don't really mind. Gusto ko lang ipagpatuloy ang mga bagay na gusto kong gawin, sinusuportahan man ako ng iba o hindi.

Dahil sa dumadagsang mga proyekto, sinunod ko ang payo noon sa akin na kumuha ng manager. Si Agnes ang inilagay ko sa posisyong iyon.

After lolo died, she was supposed to work at one of the largest hospitals in the country. Pero nang alukin ko siya nang makita kong nahihirapan siya sa trabaho niya sa ospital, nag-alinlangan man siya ay pumayag din naman.

It's been a year since. Kumpara noong unang taon nang mawala si lolo, I've been better. But sometimes I wonder if I just concealed the heavy feelings, ignored them, and made myself believe I felt better. Because at times when I'm alone, without the distraction of my work, friends, or fans, the feelings of pain and loneliness still linger.

Like this night.

Bumubuhos nang tahimik ang mga luha ko habang yakap ang may basa pa ring pinturang canvas at nakaupo sa sahig sa gilid ng malawak na kama. An almost empty bottle of wine is sitting beside me. I feel slightly dizzy and sleepy. Napangiti ako at lalong humigpit ang yakap sa basa pa ring painting. I guess I can sleep tonight.

Nagising ako kinabukasan na yakap pa rin ang painting. Tumatama sa akin ang sinag ng pang-umagang araw mula sa terasa ng kwarto ni lolo. I gasp and I try standing up. Agad na sumakit ang ulo ko kaya sinapo ko iyon at dumiretso na sa banyo para maligo.

Pagkababa ko ay si Agnes kaagad ang naabutan ko sa sala, umiinom ng kape.

"You have a full schedule today. I made sure to make an appointment with—Why is your face so puffy?" Naibaba ni Agnes ang kapeng iniinom at sinundan ako ng tingin.

I take a hairstick from the coffee table in front of her and twist my hair up in a messy updo—some of the strands of my messy bangs falling on my forehead and the sides of my face.

"I drank wine last night. I will put on a cold mask later to depuff. Don't worry."

Dala ang mga gamit ay lumabas na ako ng mansyon. Sumunod naman sa akin si Agnes.

"How much did you drink?" tanong niya.

Inabutan niya ako ng bottled water na hindi ko sigurado kung saan niya kinuha. Tinanggap ko naman iyon.

"Just enough to make me sleep."

Natahimik siya at patuloy na sumunod sa akin. Sumakay na kami sa van na nakaparada malapit sa fountain ng mansyon.

"RJ is back in the country, by the way. Inaaya niya tayong magkita sa isang bagong bukas na club ng kaibigan niya," sabi ni Agnes habang bina-browse ang iPad na dala. She's probably looking at my schedule.

I recline my seat and place a cold sheet mask on my face, closing my eyes and sighing afterward. "Do you wanna go?"

"Do I wanna go?" nagtatakang ulit ni Agnes sa tanong ko at napatingin ako sa kaniya.

"For sure, Darwin will be there." I smirk, closing my eyes after seeing her more confused expression.

She's so clueless.

Hindi na lang pinansin ni Agnes ang sinabi ko. Ginawa na namin ang mga nakalagay sa schedule para ngayong araw. Photoshoots, meetings, and many more.

Sobrang bilis lang na lumipas ng araw dahil sa dami ng ginagawa. Kahit si Agnes ay nakikitaan ko na rin ng pagod sa mga mata nang matapos ang huling meeting namin para sa araw na iyon. Kaya naman nang tumawag si RJ, ako na ang sumagot.

"I will go next time," sabi ko sa kabilang linya ng tawag habang humihilig sa bintana ng van.

The windows are moistening. Blurred tuloy ang tingin ko sa nasa labas. There is slight rain. Gabi na pero dahil sa liwanag mula sa mga establisyemento ng syudad ay hindi naman madilim. Naka-park ang van sa gilid ng malawak na kalsada. The city is so alive even when it's almost midnight.

"Promise?" tanong ni RJ. "You're always out of the country nowadays. It's so hard to see you."

"I just have too many commitments."

Napatulala ako sa labas ng bintana nang maaninaw ko ang mga taong tumatawid sa pedestrian lane na malapit. Blacks, blues, yellows, and whites. The night looks pretty.

"Darwin has been nagging me too! Alam mo naman iyon. Gustong-gustong nakikipagkita sa iyo."

Umangat ang kilay ko. Darwin and I have become closer. Hindi ko rin inasahan iyon. I thought I'd hate him forever because he gives me ick. But in the past years, he has been a good friend.

"I see." Sumandal na ako sa upuan at iniwas ang tingin mula sa labas. "I promise to go next time."

"And bring Agnes!" pahabol niya.

"Of course."

Mabilis din kaming nakauwi ni Agnes. Madalas na siya kung mag-stay sa mansyon dahil na rin siguro nakasanayan niya nang doon natutulog. Isa pa, masyadong malayo sa syudad ang tinutuluyan ng pamilya niya.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nakasunod kaagad si Agnes sa akin.

"Ida, I just want to remind you that you shouldn't be too dependent on alcohol, alright?" aniya habang hinahabol ang paglalakad ko. "Okay na ang nainom mo kagabi. You know that it's bad for you."

Tumango ako. "Yes. Sorry. I just couldn't sleep last night. I needed to wake up early."

"Okay. If you can't sleep, tell me."

Tumango na lamang ako at dumiretso na papaakyat sa kwarto ko. Agnes knows I don't want to talk about it. Maybe that's why she's letting me off the hook so easily. I rarely drink myself to sleep. There are just certain nights that I am extra lonely.

Naligo ako at nagsoot na ng pantulog. Pagkabagsak ko ng sarili sa kama, akala ko ay makakatulog din ako kaagad dahil sa pagod pero nagkamali ako. I can feel my body aching from exhaustion but I still can't sleep.

Bothered, I stand up and take a robe to cover myself. Naalala ko ang nakitang pedestrian lane kanina at ang mga taong tumatawid. Bumaba ako sa first floor ng mansyon at dumiretso sa studio na naroon.

Tahimik na dahil tulog na ang mga kasambahay at si Agnes. Madilim at hindi ko na pinagkaabalahang buksan ang mga ilaw maliban sa loob ng studio. Kumuha ako ng blankong canvas at itinayo iyon sa easel na nasa gitna ng kwarto. I prime the canvas, prepare everything I will need, and start squeezing oil paints on a metal palette.

Black. Blue. Yellow. White.

I start with painting the base color. Nilagyan ko ng background iyon at inalala ang nakita kanina. The blurry scenery from behind the moistened window. The rain. The tiny water drops on the glass.

And the image I remembered earlier when I was immersing myself in the moment.

A large figure of a tall man. The massive shoulders. The shy slight crouch. One hand brushing through his hair, the other sinking inside his pocket.

Loss, regret, and misery—all in shades of black, blue, yellow, and white.

Wala akong pakialam sa pinturang nagmamantsa sa robang gawa sa silk na soot. Hindi ko na rin namalayan ang oras na lumipas pero pakiramdam ko, mabilis ko lang na naipinta ang lahat.

Naibagsak ko ang palette at ang brush. Hinayaang kong kumalat ang mga gamit sa sahig. Pagod akong umupo sa upuang gawa sa kahoy at tinitigan ang painting.

Every day I would imagine him in different places and sceneries. Feelings like hope carry a feeling of misery. Aasa ako at masasaktan. Mananaginip ako at manghihinayang.

Ilang beses kong inisip kung gaano kaya kagandang makita siya sa bawat sandaling lumilipas. Ang makita siya sa gabi. Makita siya sa umaga. Makita siya sa tag-ulan o tag-araw. Ano kaya ang pakiramdam nang makita siya nang malapitan?

Napapikit ako.

Nalimutan ko na kung ano ang pakiramdam ng maging masaya.

But it's fine.

It's fine.

As long as I don't hurt him any longer.

Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon. Sa nalalagas na mga alaala. Sa abo ng sayang naramdaman noon.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.9M 87.6K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.1M 32.1K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
843K 19.5K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
1.3M 49.6K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...