K-12 War Series #1: Academic...

Bởi ZipMouth

4.2K 375 119

ACADEMIC SEASON #1: (STEM, ABM, HUMSS, and GAS) K-12 curriculum is currently implemented in the Philippines a... Xem Thêm

AUTHOR'S NOTE
Meet the Characters
Prologue
Chapter 1: SHS Outbreak
Chapter 2: Flag Ceremony
Chapter 3: Big Issue
Chapter 4: Enrollment
Chapter 5: Cut-off
Chapter 6: Private VS. Public
Chapter 8: Humanista
Chapter 9: Lockdown
Chapter 10: Day Ends
Chapter 11: Marites
Chapter 12: Special Program
Chapter 13: HUMSS
Chapter 14: ABM
Chapter 15: STEM
Chapter 16: GAS
Chapter 17: Campaign
Chapter 18: Ayuda
Chapter 19: Pork Barrel
Chapter 20: Campus Idol
Chapter 21: Mini Bus
Chapter 22: HUMSS VS. STEM
Chapter 23: Debate
Chapter 24: Tattooed Eyes
Chapter 25: Gossips
Chapter 26: Discrimination
Chapter 27: USG President
Chapter 28: Exclusive Dropout
Chapter 29: One Table
Chapter 30: Machiavellian
PART TWO
Chapter 31: ZSU
Chapter 32: Relationship
Chapter 33: Executive Order
Chapter 34: Accounting Title
Chapter 35: Subject
Chapter 36: Strands (Part 1)
Chapter 36: Strands (Part 2)
Chapter 36: Strands (Part 3)
Chapter 37: Trash Money
Chapter 38: Accounting Equation
Chapter 39: Liability
Chapter 40: Fake News
Chapter 41: Nutrition Month
Chapter 42: Competition
Chapter 43: Apple
Chapter 44: The Past
Chapter 45: The Ex-president
Chapter 46: Boyfriend

Chapter 7: Tea

79 7 2
Bởi ZipMouth

Sahee's POV

MAY SUMUGOD na lalake sa akin. Isinaklot ko agad sa pagmumukha ng lalaki ang spaghetti na nakalagay sa tray at doon ko kinuha ang pagkakataon na sampalin siya na tila isang bakal sa sobrang tinis na tunog. I licked my fingers with red sauce on it as I turned my back to see my opponent lying on the floor.

The spaghetti sauce was savory sweet.

Hindi lang ako ang nakikipaglaban. Nanabunot si Ehseng na tila kinakalbo ang anit ng mga masasagupa niya. She gripped the hair of a girl with two hands as she hit her wide bulky forehead to the girl's head. She left her lying unconscious. Iba talaga ang manoo.

Si Yshie naman ang nangangalmot gamit ang mga matutulis niyang kuko. May mga lumapit sa kaniya na mga lalake. "Don't try to make lapit sa akin or I will tear your flesh apart."

"Even you were a lovely girl, papatulan ka pa rin namin!" Sabi ng mga kalalakihan.

"Lalaki lang ba pinapatulan ninyo? How gay." Kutya niya.

Nainis tuloy sila at sumugod. Biglang iwinasiwas ni Yshie ang kaniyang kamay na animo'y may hawak siyang kutsilyo papunta sa kanila. Namilipit sa sakit ang mga kalalakihan dahil nasugatan ni Yshie ang kanilang mga balat.

Si Bhea naman pinaghahampas sila ng tray kapag lumalapit sila sa amin. She used the edges of the tray to imprint a bruise mark on their faces. Minsan pinapasubo niya pa sa bibig ng kalaban ang hawak-hawak niya.

Babae kami pero marunong kaming makibasag-ulo.

I noticed the cafeteria got filled up in a while. Nagkaroon na ng digmaan. The public students were now attacking the private students. Hindi na sila nakapagtimpi sa ugali ng mga ito. Akala ng mga privates ay makakaya na nila kami pero hindi nila alam napapalibutan na sila ng mga publics mula sa labas ng cafeteria. Marami silang dumayo rito hindi katulad sa bilang ng mga nandirito. Hinalukay na nila ang mga tao para dumaluhong sila sa pagsalakay. Kaya tinawag ko na ang mga kaibigan ko para umalis na agad kami sa gulo.

"Walang napala ang mga privates sa atin. Mahihinang nilalang." Panghahamak ko.

"Gano'n talaga kapag lumaki lang sa aircon at baby cologne." Kutya ni Bhea.

"Alam mo ba, dzai, muntik nang maging straight 'yung buhok ko sa sabunot nung babae kanina. Sa kaniya na lang sana ako nagparebond. Sayang. Libre na 'yon!" Dismayado ni Ehseng.

"Cr muna tayo! I feel so dugyot na." Sabi ni Yshie. Puno na ng mantsa 'yung mga damit namin.

"Tara!"

Sa paglalakad namin, napaisip ako. ZSU is a prestigious school in which has a high disciplinary practicum. Ano na kaya ang ginagawa ng mga namamahala sa paaralang ito upang resolbahin ang gulo? May digmaan na nga ang nangyayari sa labas, mayroon pang nagaganap na away sa loob ng campus. Hindi ba nila ito aaksyunan? Walang patutunguhan ang kanilang pag-upo kung hahayaan nilang gumuho ang paaralang ito.

They're letting the students ruining the name of ZSU.

__(=_=)__

PAGKAPASOK namin sa CR ay lumabas ang mga private students nang makita kami at 'yung iba naman ay nanatili. We're facing the higher level. Mga Grade 12 students sila dahil mukha silang matured. Hinarangan nila kami.

"Excuse me, matanong ko lang. Bakit dito pa kayo nag-enroll?" Intriga nung lider.

"Luh, sa'yo 'tong school?" Sagot kong pabalang.

"Hindi niyo ba alam, nang dahil sa inyo nawalan ng buhay ang mga classmates namin sa kasagsagan ng pagpunta niyo rito?! Wala na ba kayong bait sa sarili? Wala kayong mga konsiyensya!" Naiiyak niyang lintanya sa amin pero she kept her posture.

"It is not our fault if they choose to die enrolling here." Tudyo ko. Wala naman kaming kasalanan. Isa rin kami na biktima lang sa nangyari.

"Hindi mo ba ako naaalala?"

Lumapit ang lider sa akin nang harapan.

I remembered her now. She was the mysterious one who leave from the bus with another girl. Siya ang napagtanungan ko at ang nagsabi sa akin na ang seremonya ng watawat ay pinakadahilan kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante. She knew how to be deceptive.

"Why would I forgot an ideal person who has such high patriotism to attend a flag ceremony? Wala pa akong nakitang ni isang tao na pipiliiing ipahamak ang sarili dahil lang sa pagmamahal sa watawat." I chuckled at my affirmation.

"Napakasama ninyong lahat!"

Sasampalin na sana niya ako pero pinigilan siya ng mga kasama niya.

"B-Bitiwan niyo ako! I had enough of them!"

Nagwala siya sa harap namin na parang baliw.

"'Y-Yong stepsister ko na kasa-kasama ko lang sa pagluwas papunta rito, marami siyang pangarap na gustong maabot! Masaya akong natulungan ko siyang makapag-enroll dito dahil may mithiin akong tutulungan ko siyang makamit ang mga iyon. Excited siyang umalis ng bahay habang kakuwentuhan ko dahil sa wakas ay makakapag-aral na siya sa pinakapaborito niyang paaralan pero...h-hindi ko siya nailigtas."

She cried in despondency as she kneeled down. Hinahapo siya ng mga kasama niya habang humahagulgol siya.

"N-Nabitiwan ko siya at naanod sa mga tao. Matagal ko siyang hinanap. Nagbabasakali na ayos lang siya ngunit nakita ko na lang ang bangkay niya na parang basura na nakakalat sa daan at tinatapakan lang ng mga tao. Tila nawalan ako ng katinuan sa oras na iyon. Napakawalang-kuwenta kong ate para pabayaan ko siyang sapitin niya iyon. H-Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa mga magulang ko."

Ibig sabihin kinakapatid niya pala 'yong kasama niya sa bus? Kaya pala aligagang bumaba silang dalawa at humabol sa enrollment dahil gusto niyang matupad ang pangarap ng stepsister niya na maka-enroll dito. Now I know the reason behind her condition.

Tumayo siya at hinarap ako na tila nawawalan ng bait.

Kinilabutan ako.

"At hindi lang iyon, pati ang mga kaklase namin na walang muwang sa nangyayari ay binawian ng buhay dahil sa mga walang kuwentang katulad ninyo! They're all gone because of your selfish deeds! Hindi makatarungan ang pagkamatay nila. Bakit niyo pa pinagsiksikan ang sarili niyo rito? Marami pa kayong school na maaaring mapasukan pero ito 'yung pinili niyo! Ano? Bakit?!"

"Bakit nga ba?" Napatanong din ako sa sarili ko.

"Dahil maraming pogi rito." Sagot ni Ehseng na siyang ikinagulat ko.

"Sosyal daw rito eh." Sagot naman ni Yshie.

"Kapag private, may aircon daw." Sagot din ni Bhea.

"HUH?!"

Naguguluhan sila sa dahilan ng mga kaibigan ko kaya ako na lang ang mag-e-explain.

"Ang ibig naming sabihin, gusto naming maranasan ang magkaroon ng mataas at dekalidad na edukasyon na hindi namin natatamo sa ibang pampublikong paaralan. Gusto naming makaapak sa private school na ito hindi sa gusto naming mapahamak ang kahit na sino kundi maranasang makilala kaming tunay na mag-aaral na hindi tinatrato na parang mga hayop."

"Kahit umapak pa kayo sa university na ito, mga animal pa rin kayo. Wala kayong pakielam sa mga namatay!" Sabi niya.

"Mga beh, sinasabi ko sa inyo. Hindi niyo deserve ang mag-aral dito. Mahiya kayo sa kapal ng pagmumukha ninyo!" Ani ng kasama niya.

Aalis na sana sila sa harapan namin pero pinigilan ko sila.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." I said coldly. I feel myself sensing the unusual yet familiar dark aura.

"Wala na tayong pag-uusapan pa. Lumayas na kayo sa harapan namin!"

"I have a tea for you."

Gulat na napatingin ang mga kaibigan ko sa akin dahil sa sinabi ko. They known the definition of the phrase. They already anticipated what will be the tea. Ito ang pinagbabawal na gawain sa amin. This is the rare case that I will served this vicious drink.

"I know who's behind all of this." Simula ko.

"What?" Nagitla sila.

"I heard a gossip that the school is entitled for the current turmoil. Biruin mo sa kabila ng kastriktuhan ng school para tumanggap ng mga matatalinong estudyante, hindi ba kayo nagtataka na tinanggap kaming mga inutil na public students without any restrictions?"

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nila.

I smiled as they took the bait.

"Didn't you know we got vouchers?" I gave them a bulb idea.

"Hala, true! Binigyan sila ng Mayor ng vouchers for tuition fees kaya maraming public students ang nag-enroll dito."

"Tapos ano pa, beh?"

"Ang Mayor ang nagbigay ng limpak-limpak na pera sa ZSU para magbigay ng vouchers sa mga kapus-palad. Malaking pera ang inilaan nila para sa aming lahat na maka-enroll dito ngunit sa kasamaang palad, the money was corrupted. Pinag-ukulan nila ng pansin ang pera kaysa sa mga estudyanteng nangangailangan kaya limited slots lang ang vouchers nila. Dahil dito, nagbunga ito ng malaking kaguluhan. Wala silang ginawa, kundi tumunganga na lang. They just forsake us hopelessly dying in the middle of the road."

"That means, there was a corruption existing in our school?!"

Nagkatinginan silang magkakaibigan.

"Oo, at sila ang pumatay sa mga kaibigan ninyo! Kami ang nagsakripisyo ng buhay namin para makakuha ng vouchers at makatuntong sa paaralang ito pero mga gahaman ang paaralan ninyo sa salapi! Ganyan ba kayong mga mayayaman, masyado niyong ginigipit kaming mga mahihirap at parating isinisisi sa amin ang lahat? Gumising na nga kayo sa katotohanan!" I gave them a false conclusion.

Natahimik sila sa sinabi ko.

"I still can't imagine our prestigious school did that!" Sabi ng kasama niya.

"That's impossible-!"

"She's right."

Napatingin kaming lahat sa lider nila.

"It is very logical that the school causes this problem. How dare them to neglect their responsibility for our safety because of money. They kill innocent people only for their evil scheme!"

"Ipagsabi natin ito sa iba, beh!" Wika nila.

"Tara!"

Umalis na sila.

I sighed in relief.

"What did you sabi-sabi to the girls?!" Nag-aalalang tanong ni Yshie na lumapit sa akin.

"Tama naman ang sinabi ko. Limited slots lang ang kaya ng vouchers nila, meaning kinorupt nila ang ayuda. It is expected na sila ang may kasalanan ng lahat in spite of their kindness."

Pinalo ako ni Ehseng.

"Sahee, hindi kita pinalaking sinunggaling. Saan mo natutunan 'yan?! Puro good news at imported na tsismis ang pinapakain ko sa'yo! Tingnan mo nga oh, bundat ka na." Pangangaral ni Ehseng sa akin at kinukurot pa niya ang kyot kong bilbil.

Tumungo ako sa sink at naghugas na ako ng sarili at gayundin sila.

"Inaapakan kasi nila ang pagkatao natin kaya nagawa ko 'yun."

"Baka kumalat iyon, Sahee, at pag-initan ng mga tao ang ZSU. Wala naman silang masamang intensyon sa atin eh. Sila pa nga ang nagbigay sa atin ng pagkakataong makapasok dito sa mamahaling school." Lintanya ni Bhea.

"Oo nga, dzai. Kung wala 'yung vouchers na 'yan, ang bagsak natin ay sa CIF. Ayoko ko nang bumalik doon." Sabi ni Ehseng.

"There's no one's fault. Even they make bintang it to us, they had no karapatan for accusation because we were also the victims here." Explain ni Yshie.

I regretted to what I did back then. Hindi ko napigilan ang bibig ko na magsinunggaling.

"Mas mabuti na iyon, para hindi isisi ng madla sa atin ang nangyayaring kaguluhan sa ZSU."

__(=_=)__

PAGOD NA PAGOD kaming nakabalik sa room namin after lunch break. Sana sa baba na lang 'yung pinili nilang room kaysa sa pagurin pa namin 'yung sarili namin na umakyat sa mataas na hagdanan.

"Ang init ng room natin!" Sabi ko pagkaupo pa lang namin at tila nasusunog ang balat ko.

"Kasalanan ito ni Ehseng eh! Kinaladkad niya tayo papunta sa impyerno! Marami kasi siyang minus points sa langit!"

"Boynas ka, Bhea!"

May gana pa silang magtalo.

"Try kaya nating mag-shift."

Napatayo kami sa sinabi ni Yshie.

"OO NGA NOH!"

"Tara, dali!"

"Hep, sa'n kayo pupunta?!" Interrupt ng babae sa amin. Maitim at mapayat ang anyo nito. Siya 'yung napaghiraman namin kanina ng pulbo na naubos at nasimot kaya nangingitim siya ngayon.

"Lilipat na kami!"

"I'll be telling you this. Hindi na kayo maaaring makalipat. Nakuha na nila 'yung name lists ng HUMSS."

We groaned in aggravateness at sumalampak sa sahig. Ibig sabihin, buong school year kaming magdudusa sa kulob at mainit na room na ito?!

"Bakit nag-iinarte pa kayo dyan? Ang pogi na nga ng adviser natin! Dakdak pa kayo nang dakdak diyan!" Dagdag niya.

Bigla kaming sumigla sa narinig at lumapit kami sa kaniya. Chinika namin agad 'yung babae.

"Talaga?! Bakit hindi niyo agad sinabi?!" Ako.

"Pogi 'yung adviser natin, dzai?!" Ehseng.

"Napicturan niyo ba, bes? Patingin!" Bhea.

"Anong time ba siya pumunta rito, gurl? Is he going to make balik-balik sa room natin like legit?!" Yshie.

"I can't tell. Dumating lang siya kanina para kunin 'yung name list natin. Maraming nag-shift na rin dito nang malaman ng iba na ito 'yung hahawakan niyang klase."

"Sayang hindi natin siya naabutan!" Tampururot namin.

"And by the way, if you still curious, my name is Thelmy. If you have a tea, just tell meee!" She introduced herself with her lousy motto.

Pake namin sa kaniya.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

8.9K 466 125
Notification. Message request. Chats. Interactions. Like. Misunderstanding. Block. Unblock. Love. Seen. *** COMPLETED | TAGALOG Date Started: April 8...
VOZ DE LA VERDAD Bởi Jcena Mortiff

Tiểu Thuyết Lịch Sử

6.2K 433 8
"The power of deception reigns throughout the land, but no one cares to give help. If standing in the light is a heinous crime, for the truth I am wi...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...