SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

135K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER TWENTY

5.9K 117 10
By AgaOdilag

HINDI pa nakakalabas ng Kaila Ranch si Delaney, but she missed Prince already. A bleak emptiness filling her body and her heart. Higit na masakit ang paglalayo nilang ito kaysa noong una. Kung noon ay naroon ang tahimik na pag-asam na balang-araw ay magkakasama pa rin sila, ngayon ay tuluyan nang naglaho iyon.

Their lovemaking was the best thing that ever
happened to her. Naging kanya ito kahit sa sandaling panahon. At walang makapag-aalis niyon sa kanya. Dinama niya ang tiyan. Kung sakaling magbunga ang nangyari sa kanila ay hindi niya ikahihiya. She was still married to him when they made love. Her child would bear Prince's name.

Pinahid ng kamay niya ang tagaktak na pawis sa noo. Nasa kainitan ang panghapong araw. Halos kalahating oras na siyang naglalakbay. Hindi nìya makuhang bilisan ang pagpapatakbo dahil kinakabahan siya sa madamo at hindi patag na daan. Bukod pa sa iyon ang unang pagsakay niya sa tiburin.

Ang mga tumutunghay na punong-kawayan sa magkabilang daan ay hindi sapat upang harangan ang araw. Sandali niyang pinahinto ang kabayo nang matanaw ang boundary ng Rancho Gonzalo at Kaila Ranch. Kung magmumula sa bayan ay pakanan ang patungo sa Rancho Gonzalo at pakaliwa naman ang sa Kaila Ranch.

At kasalukuyang nasa kabilang rancho si Prince kasama si Cleo. Ang sakit na nararamdaman niya sa kaalamang iyon ay tila patalim na humihiwa sa puso niya. And tears started to well in her eyes. At bago pa niya mapigil iyon ay malaya nang pumatak ang mga iyon.

Nasa ganoon siyang tahimik na pag-iyak nang
makarinig ng mga yabag ng kabayo. Agad niyang pinahiran ng kamay ang mga luha sa pisngi niya. Itinuon ang paningin sa dulo ng magkasangang-daan.

Sa road bend mula sa Rancho Gonzalo ay lumitaw ang malaking stallion at ang sakay nito. Tuluy-tuloy ito, at nang marahil ay mahagip siya ng mga mata nito ay lumingon. Agad nitong hinatak ang renda ng kabayo upang huminto. Saglit lang itong nag-atubili at pagkuwa'y tinawid nito ang pilapil at madamong bahagi ng daan patungo sa kanya.

Pinahinto nito ang kabayo sa mismong malapit sa kanya."Delaney!" bati nito. I am surprised to see you here. Nasaan si Prince?"

"N-nasa kural, Teresa," sagot niya. Hindi niya
magawang aminin ditong magkasama sina Prince at Cleo.

Nagdududang umangat ang kilay nito. "Natitiyak mo?"

"Ofcourse. Why?" The lie made her wince inside. "Paalis na ako kanina nang makita kong kausap ni Cleo ang driver ng Papa at nag-utos na ihatid siya sa pupuntahan niya. Inaasahan kong sa inyo siya patungo."

"What gave you the idea?" she asked innocently.

"Dahil harot ang babaeng iyon! At habang naririto siya ay si Prince ang pinagtutuunan niya ng pansin," wika nito sa naniningkit na mga mata. "Walang lalaking hindi pinatulan si Cleo. Tulad mo rin."

Napahugot ng hininga si Delaney sa narinig. At bago siya nakaisip ng isasagot ay nagpatuloy ito.

"Nang bumalik si Cleo sa Australia ay natuwa ako. Wala nang makasasagabal sa amin ni Prince. He would have married me! Hindi niya kayang tanggihan ang inaalok ng Papa sa kanya. At mananatiling akin ang rancho na ito na buong buhay ko'y inukol ko rito... at magiging akin din si Prince."

Delaney was confused. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito maliban sa matinding galit na nakikita niya sa mukha nito.

"Katuwaang iglap mong pinatay nang sabihin ni Prince na nagpakasal kayo. Hindi ako makapaniwalang pinakasalan ka niya. Tiniyak niya sa akin sa maraming pagkakataong para lamang kayong magkapatid. Pero pinikot mo siya, Delaney!"

"S-sinabi sa iyo ni Prince iyon?"

"Oh, no. Hindi nagsasalita si Prince. Ako na ang
gumawa ng sarili kong konklusyon nang patuloy na lumilipas ang mga buwan na hindi lumuluwas sa Maynila si Prince at hindi ka rin naman umuuwi rito sa rancho. Subalit malaki ang naging pagbabago ni Prince. Laging tahimik at nag-iisa. We used to be happy together, Delaney. I loved him and he loved me. I know that for a fact. At sana'y kami ang mag-asawa ngayon. Pero sinira mo ang buhay niya. Ang masaya naming relasyon. Higit kang masama kaysa kay Cleo! Kailangang mawala ka upang makalaya si Prince mula sa iyo!" Her face turned ugly in hatred.

Unti-unti na ang pag-ahon ng kaba sa dibdib ni Delaney. Nilinga niya ang paligid, umaasang kahit papaano ay may makitang tao. Pero nasa ilang na lugar sila. Malibang may maligaw na nagbibiyaheng tauhan sa kabilang rancho.

Isang imbing ngiti ang pinakawalan ni Teresa. May dinukot sa bulsa. "Mula noong magkausap tayo ay lagi ko nang dala ito, Delaney. Umaasang magagamit ko ito sa tamang pagkakataon. At ibinigay mo sa akin ngayon ang pagkakataong ito."

"Ano'ng gagawin mo, Teresa?" naguguluhang
tanong niya. Ang nakikita niyang hawak nito ay isang dart.

"Sa gagawin ko ay si Cleo ang mapagbibintangan, Delaney. Sabay kayong mawawala sa aking landas!" Nag-echo ang halakhak nito sa buong paligid kasabay ng pagpapalakad nito sa kabayo nito sa mismong tabi niya. Pagkatapos ay tumaas ang kamay nito at mariing isinaksak ang hawak nitong dart sa mismong leeg ng kabayo.

Humalinghing at umalma ang kabayo. Subalit inagaw ni Teresa ang renda mula sa kanya at pinigil ito. Delaney was shock at the strength Teresa showed. At kung hindi siya nakatukod sa kabayo ni Teresa na halos nakadikit na ay baka nahulog na rin siya.

"Kumapit kang mabuti, Delaney," wika nito, isang nakakalokong ngiti ang binitiwan. Pagkuwa'y tumaas ang isang paa nito at malakas na diniinan ng boots nito ang dart na nakabaon sa leeg ng kabayo.

The horses whinnied, bolted and ran. Ang sigaw ni Delaney habang mahigpit na yumakap sa leeg ng kabayo ay nilunod ng halakhak ni Teresa.

KUNG posible lang na paliparin ni Prince ang motorsiklo pabalik sa Kaila Farm ay ginawa na niya. Subalit sa gubat siya nagdaan dahil iyon ang shortcut pabalik sa farm at may mga ugat ng kahoy na nakaharang sa dinadaanan niya.

Hindi niya ninais na umalis kanina kung hindi lang kailangan niyang ihatid si Cleo pabalik sa kabilang rancho. Gusto niyang naroon siya sa tabini Delaney sa sandaling magising ito. He wanted to make love to her under the sun--to exhaustion.

How he missed her. Sa loob ng mahigit isang oras na nawala siya'y tila katumbas ng panahong nawala sa kanila.

How could he be so foolish to have wasted almost two years of their lives. The pain of wanting and loving her for so long almost destroyed him. Ifonly he weren't so damned noble. At kung sana'y pinaniwalaan niya si
Delaney na iniibig siya nito.

But he vowed to himself that he would make it up to her... burahin sa alaala ang nakalipas na halos dalawang taon. Magsisimula silang muli. Dito sa rancho sila bubuo ng pamilya.

Mula sa madilim na loob ng gubat ay lumabas patungo sa clearing si Prince. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa motorsiklo at humahampas sa mukha niya ang malakas na hangin. Nang mula sa sulok ng mga mata niya ay may nahagip siya ng tingin, sa kanang bahagi ng clearing at siyang grazing ground ng mga baka.

Ang isa sa mga kabayo sa kuwadra! Paanong
nakarating ang kabayo roon? Sino ang sakay niyon?

Inilihis niya ang motorsiklo sa daan at sinuro ang mahahaba at makakapal na damo at paekis-ekis na tinungo ang kabayo na may tatlumpong metro pa ang layo mula sa kanya.

Malapit na siya sa kabayo na nakayuko sa damuhan at nanginginain nang matanaw niya sa unahan ang taong nakalatag sa damuhan ilang yarda mula sa kabayo.

The figure that was lying on the grass was terrifyingly familiar!

No. Umaandar pa ang motorsiklo nang bitiwan niya iyon sa damuhan. Tinakbo ang nakahandusay na si Delaney. Tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makita niyang nakataob ito sa damuhan.

"Delaney!" Tumalungko siya sa tabi nito. Gustong sumabog ang dibdib niya sa matinding takot at kaba. Hindi niya malaman kung hahawakan ito o hindi. Natitiyak niyang nahulog ito sa kabayo. She could be terribly hurt.

Umungol si Delaney. “P-Prince..."

"Oh, god, darling, are you all right?" He was
panicking. He had never been this scared in his whole life. Ang kamay niya'y dumapo sa balikat nito upang iangat din lang pagkatapos. Kung gagalawin niya ito at may nabaling buto ay baka lalo lang mapahamak si Delaney.

Muling umungol si Delaney at kumilos.

"Oh, no, don't move, Lana!" awat niya at hinawakan ito sa mga balikat.

"I-I'm.. all right-"

"You are hurt, oh, god! Nahulog ka sa kabayo... there might be some broken bones. Kung kikilos ka'y baka lalong-!"

"Stop rattling, Prince," she said, a faint of humour laced her voice. Tumihaya ito. "Hindi ako nasaktan. Pinalilipas ko lang ang takot ko kaya nanatili akong nakadapa sa damuhan nang ilang sandali."

He looked down at her with apprehension. Tumaas-baba ang dibdib nito sa banayad na paghingal. Under the afternoon sun, her hair shone like gold. She was so lovely he could make love to her on the grass. But Delaney's bluish-purple eyes still held remnants offear.
At ang takot na hanggang ngayon ay nananatili pa sa dibdib ni Prince ay nagpaalala ng katotohanang muntik na itong mapahamak.

Bumaba ang mga kamay niya at maingat na
dinadama ang iba't ibang parte ng katawan nito na inaakala niyang maaring napinsala.

"Prince, hindi ako nasaktan," muling paniniyak ni Delaney. "Just a little bit shaken."

"You scared me to death." The relief that Delaney was unhurt made him feel weak. Tuluyan na siyang napaupo sa damuhan at nagpakawala ng isang mahabang hininga.“Ano ang nangyari?"

"The... horse bolted and ran-"

Marahas ang pagyuko sa kanya nito.“At sinabi mong hindi ka nahulog!"

"I did not." Her voice quivered. "N-natakot at
nagtitili ako. But when I thought that I am going to die and then my baby would die with me-"

"What baby?" He frowned at her.

"Oh." May ilang sandaling hindi ito kumibo. Then she looked away but the sadness that crossed her eyes didn't miss him. And then ina small voice said, "We made love. I'm sure there's a baby."

"Oh, darling..." With extra care, inangat niya ito mula sa pagkakahiga sa damuhan, he rested her head on his chest and tightened his arms around her protectively. Then he kissed her hair. "Forget about the baby for a while. Tell me what happened."

"I could have died, Prince," she said, trembling a little. "I screamed and held on to the horse's neck. Nang makapa ng kamay ko ito ay naisip ko ang dahilan kung bakit ito umalma at tumakbo..." Inilahad nito mula sa mahigpit na pagkakakuyom ang palad at ipinakita sa kanya ang dart. May bahid pa iyon ng dugo, ganoon din ang loob ng palad ni Delaney. "I pulled this from his neck. Nang bumagal ang kabayo sa pagtakbo ay nagpatihulog ako sa damuhan."

"That's Cleo's dart!" Kinuha nito mula sa kamay
niya ang dart. "Paanong-"

Humarap si Delaney sa kanya. "Why would Teresa want to kill me, Prince?"

His body went rigid."Si Teresa? Ano ang kinalaman ni Teresa rito?" he asked in a harsh tone.

"Nakasalubong ko siya sa sangang-daan. She was mad, Prince! Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. But she was intent on killing me. Isinaksak niya ang dart na iyan sa leeg ng kabayo.. " Pagkalito at ang muling pag-ahon ng takot sa nangyari ay nagsama-sama sa mukha ni Delaney.

Nagtagis ang mga bagang ni Prince. The savage anger on his face would have scared anyone. Pagkatapos ay tumayo itong kasama siya.

Natitiyak nmo bang hindi ka nasaktan?" Umiling si Delaney. "luuwi na muna kita at pagkatapos ng aayusin ko ay mag-usap tayo. Sabihin mo sa akin kung paano kang nakarating sa sangang-daan!" There was anger and threat in his voice. At alam ni Delaney na sa pagkakataong iyon ay nakaukol iyon sa kanya.

Meekly, nagpaakay siya rito patungo sa motorsiklo nito.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 224 10
Nang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his b...
220K 5K 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lam...
411K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
62K 1.2K 13
Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong buhay niya'y noon lamang niya nakita ang...