Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy...

Por JayceeLMejica

10.8K 564 295

Hindi inakala ni Miguel na maisasama siya sa isang malaking isyu -- ang maging kahati sa pagmamahal ni Willia... Mais

Schedule
Story Cover & Description
Spotify Music Playlist
Season 1: Trailer
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6 🔞
Episode 7
Episode 8
Episode 10
Episode 11
Episode 12: The Night on the Roof
Season 2: Trailer
Episode 1
Episode 2
Episode 3 🔞

Episode 9

395 26 11
Por JayceeLMejica

N/N: 


Henlo!!!  Pasensya na sa sobrang late update sobrang dami kong ganap this past week dahil na rin sa bakasyon na meron ako kaya ayan nasobrahan na ako sa pagre-relax!  Hahahaha.  By the way highway, sobrang maraming thank you sa nagbabasa nitong kwento na ito pero favooooor share niyo naman ito sa mga friends ninyo siyempre para marami pang magbasa.  Sa mga nagtatanong kung sino ang model natin for William check nathadej sa IG. :) 


Dedicated ang chapter na ito kay JaycelGemida thank you sa pag-comment sa message board ko.  Ito na ang special mention hehehe.  


Episode 9


"Do you ever wonder if we could be a perfect picture?"


MIGUEL:


Natapos ang gabi nung magkasama kami ni William sa kotse at walang nangyari sa aming dalawa dahil na rin may sakit ako at ayaw ko siyang mahawa. Heller? Mabuti na lang at gumaling ako matapos ang dalawang araw ng pagkakalagnat. In fairness naman kay William at talagang pinuntahan niya ako sa dorm para lang dalan ng pagkain at gamot.


Alam ko naman na kahit sino sa atin mapapataas ang kilay sa sinagot ko kay William na I am willing to risk it with him lalo na at mayroon siyang boyfriend (na mukhang Tiktoker) at ako na bigla na lang pumasok sa buhay niya.


"Ngayon na raw yung nomination ng Mr. Architecture?" Tanong ni Gio. Matatapos pa lang ang klase namin at meron daw emergency meeting ang klase namin para nga raw magpadala ng representative sa Mr. and Miss Architecture competition. Tatlong section lang ang first year kaya ewan ko kung paano ang gagawin nila.


Lumabas na ang prof namin at biglaang tumayo ang presidente ng class namin para sa announcement, "Oh ano? Wala munang aalis!" Saway nito sa mga mokong na lalaking classmate ko rin. Pwe! Mga hindi naman pogi.


"Need lang natin mag-nominate ng dalawa nating classmates para maging representative natin for Mr. and Miss Architecture. Bali yung pagpili for Mr. and Miss University judges lang ang mamimili sa B. Building 1607. May gusto bang mag-volunteer or nominate?" Habang litanya ng class president namin na si Jane na parang makakatulog na ako sa haba.


"Si Violet gusto mag-register!" Sigaw ng mga merlat sa harap.


"Hoy! Si Jenjen gusto sumali!" Sigaw naman nung dalawang lalaki sa harap at nagtawanan kami nung biglang sumagot si Jenjen, "Gago tibo ako!"


"Si Violet na lang? Payag ba lahat?" Tanong ng class president namin at wala namang umalma.


Siyempre proud si Violet na siya ang napili, "Sa Mr. Architecture? Sino ang may gustong sumali?" Tanong ulit ni president at wala nang nagsalita. Majority kasi ng nasa section namin ay puro lalaki kaya marami ring takot na masama sa ganitong competition dahil nga dagdag trabaho rin at siyempre magastos!


"Si Gio!" Sigaw ko para matapos na.


"Hoy gago! Ayaw ko sumali bakit hindi na lang si Miguel, 'di ba classmates?" Nanlaki ang mga mata ko sa patutsada ni Gio at siyempre nag-cheer na rin ang iba kong mga kaklase. Hindi ba nila alam na bakla ako at hindi ako magpapatalo sa mga pageant? Hahaha!


"Ayaw ko!" Pabebe kong sagot sa kaklase ko at maraming umiling, "Pogi ka naman Miguel kaya ikaw na lang." Suhol pa ng president namin at sumimangot na lang ako kunwari bago tumango.


Biglang pumasok sa isip ko si William at ang pagiging Mr. Architecture niya. Gusto ko lang rin pumasok sa standard ng ibang tao para matanggap nila ang maaring mangyari sa relasyon namin. Sobrang gwapo ni Yuan at alam ko na hindi ko kayang pantayan 'yon kaya kapag may chance na ganito siyempre iga-grab ko.


"Super late ngayon ng pageant 'no? Dati raw kasi first sem pa lang may Mr. Architecture na mukhang nagmamadali tuloy tayo para makasali sa Mr. University. Bali Miguel and Violet ang pageant daw ay next week need niyo lang magsuot ng one formal and casual at sabi meron daw short na question and answer." Explain ng class president namin at tumango na lang ako.


Pagkalabas namin ng klase ay agad kaming pumunta ng mga tropa ko sa cafeteria kung saan sobrang mahal ng pagkain. Wala naman kaming choice dahil mabilis lang ang break namin ngayon tapos nabawasan pa dahil sa pag-nominate ng contestants. Maraming tao sa cafeteria pero pumukaw agad sa mga mata ko ang poging mukha ni William na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.


Biglang lumayo si Gio nung makita niya ang lamesa nila William. Tangina? Anong meron? Si Jan naman ay lumayo na at naghanap na ng pagkain. Maghahanap na rin sana ako ng pagkain pero bigla akong sinalubong ni William at may dala itong lunchbox.


"Hello, love!" Bulong nito at tumaas ang kaliwang kilay ko at natawa ako, "Anong meron?" Balik ko rito nang pabulong rin at natawa kaming dalawa. Iniabot niya sa'kin ang isang lunchbox na may lamang pagkain.


"Sinobrahan ko yung niluto kong almusal kanina para sa'yo. Kanina pa kita hinahanap pero late yata kayo lumabas ng classroom." Normal na ang boses na gamit nito, kinuha ko ang lunchbox na may pagkain.


"Thank you. Balik ko na lang sa'yo yung lunchbox later."


"No need, disposable naman 'yan."


Hawak pa rin ni William ang kamay ko pero bigla kong nakita na papalapit si Jan sa amin kaya agad kong binawi ang kamay ko.


"Sige kakainin ko na 'to." Ani ko at agad na naghanap ng upuan sakto naman na nakasunod na rin si Jan sa akin.


Walang namutawing usapan sa'ming magkakaibigan dahil nga nagmamadali kaming kumain. Nakita rin naman ni Jan kanina na binigay sa akin ni William ang pagkain kaya wala na rin siyang say at sinabi na lang kay Gio kung saan galing ang hawak kong pagkain.


"Bibili ka ba mamaya ng damit sa contest?" Tanong ni Jan habang naglalakad kami pabalik ng classroom.


"May mga damit naman ako pero baka yung accessories ang bilin ko para sakto lang sa damit na susuotin ko. Sasamahan niyo ba 'ko?" Tanong ko at umiling na agad si Gio.


"Hindi may plano kaming laro mamaya ng mga classmates natin." Sagot ni Jan at 'di na ako sumagot.


✎﹏﹏﹏﹏


Dahil solo flight ako sa pagbili ng mga gagamitin ko sa Mr. Architecture na competition ay agad akong lumabas ng classroom at nag-book ng motor papunta sa mall kung saan ako bibili. Mabilis lang rin at dumating na ang na-book kong rider.


Tinext ko na rin ang mama ko para padalan ako ng pera pambili. Ever since naman ay supportive ang mama ko sa mga ganitong bagay pati na rin ang isa ko pang kapatid na nasa high school pa lang. Naka-receive agad ako ng pera sa app na ginagamit namin. Sakto naman at malapit na ako sa mall kaya nag-ready na ako bumaba.


"Thank you po, Kuya." Sagot ko tapos kong magbayad at nagmadali na akong pumasok sa mall.


Nagpunta ako sa isang accessory shop na alam kong mura at magaganda ang mga binebenta. Kakaunti lang ang tao pero pumukaw sa atensyon ko ang poging lalaki na nagtitingin ng mga kwintas. Anak ng teteng! Sobrang pogi!


Biglang pumasok sa isip ko si William at para akong natauhan. Kailangan bang maging loyal kung alam mong wala naman kayo?


Nagtingin din ako ng mga kwintas at nagulat ako ng bigla itong tumingin sa akin.


"Miguel from Archi?" Tanong nito at napaturo ako sa sarili ko.


"Ako ba?"


"Hahaha, yup! Sino bang hindi makakakilala sa'yo?" Malamang sagot nito at natawa ako.


"Uhm paano mo naman ako nakilala?"


"Sa Univ Chismisan! Napost ka na 'don sa page dati kaya tumatak lang yung mukha mo sa'kin." Sagot nito at natawa ako.


"Grabe naman yung tumatak? Ano 'ko t-shirt print?" Patawa ko at natawa siya.


Hinarap nito ang kanang kamay nito sa harap ko, "By the way, I'm Joaquin from Civil Eng." Siyempre at nakipagkamay rin ako dito. Ngumiti si Joaquin at kita agad ang mapuputi at pantay niyang ngipin. Magsasalita pa sana ako pero biglang may pumatong na kamay sa mga braso ko.


"Dito ka lang pala, Migs! Tara na." Tumingin ako sa may ari ng braso at nakita ko ang isa pang poging mukha at walang iba kung hindi si William.


Tumango si Joaquin at hinila na ako palayo ni William. Wala pa akong nakikitang accessory, shuta naman!


"Magtitingin pa ako ng mga bibilin ko!" Singhal ko rito pero hindi pa rin nito pinapakawalan ang katawan ko sa pagkakaakbay niya.


Nang mapunta kami sa isang secluded area ng mall ay hinarap ako ni William sa kanya, "Ano 'yon? Sino 'yon?" Galit na tanong nito sa'kin. Ilang beses ko nang nakita si William na ganito pero iba ngayon parang nag-aapoy ang mata nito.


"Nakipagkilala lang kasi nakikita niya raw ako sa Univ. Chismisan!" Sagot ko at tumawa siya nang pagak.


"Nakipagkilala, huh? Talaga lang?"


Medyo nag-iba ang timpla ko kaya huminga muna ako ng malalim, "Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko at pinakita niya sa'kin ang cellphone niya na nagtatanong sa kaibigan kong si Jan kung saan ako pumunta.


"Pwede ba kalma lang?" Dagdag ko pa at hinawakan ko ang sentido nitong nakakunot. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa'kin at wala na akong pakiaalam kung nakikita ako ng ibang tao.


"Tangina, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Hindi ko na yata kaya na mawala sa mga mata ko. Kung alam mo lang Miguel kung anong nararamdaman ko pati ikaw maguguluhan." Aniya at unti-unti itong kumalma.


"Sa tingin mo ba hindi ko alam? Sabi ko sa'yo last time na I'm willing to risk it with you kaya ito ako ngayon titiisin ko muna dahil mahirap ang sitwasyon mo." Mahina kong wika dito at unti-unting gumuhit ang mga ngiti sa labi nito.


SOMEONE:


Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong binato ang bag ko. Hindi ko matiis ang nakita ko kaya agad kong tinawagan ang nagbigay sa akin ng picture kamakailan tungkol sa relasyon na tinatago ni Miguel at William.


"Hello, kailan mo ba ipopost?" Iritang tanong nito pagkasagot pa lang ng telepono.


"Wala pa akong planong ipost." Sagot ko rito. Hawak ko ang isa sa pinakasikat na page ng University namin. Na-reach ko ang popularity dahil sa mga usap-usapan sa univ. Dumating pa sa point na mas dumami ang followers ng page ko kaysa sa totoong page ng Univeristy namin.


"Sabi ko naman sa'yo ipost mo na, tangina! Sisikat lalo ang page at magkakaroon ka pa ng chance para sa taong crush kuno mo!"


"Pakiaalam mo ba? Tsaka malaking problema 'yan paano kung bumalik 'yan sa'kin?" Balik ko at natawa siya.


"Blame it sa Admins mo. Tsaka sigurado kang crush mo 'yong isa sa kanila? 'Wag ka na 'don pare boring sa kama 'yon. Hahahaha!"


Hindi ko na ito sinagot bumalik ang layout ng cellphone ko sa picture ng sinasabi niyang crush ko... at 'yon ay walang iba kung hindi si Miguel. 


//COMMENTS - VOTE - FOLLOW// 

PS:  comments naman pleaaaase hindi ko alam kung tama ang flow na ginagawa ko.  Salamat! :) 

Continuar a ler

Também vai Gostar

79.7K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...