Childhood Sweetheart | STALKE...

De riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... Mais

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

16

44 1 0
De riyazyn

Chapter 16

Daren

"Engineer, it turned out na may galit sa inyo si Engineer Amarillo kaya sinabotahe niya ang project niyo." Napakunot-noo ako sa narinig.

"What? I barely know him, bakit siya galit sakin? And it's so childish of him to do such stupid thing dahil lang galit siya na hindi ko alam ang dahilan!" I said while looking at the papers kung saan nakalakip ang naging problema namin.

"Um... may narinig lang po akong sabi na kaya galit sa inyo si Engineer Amarillo dahil daw nagkagusto sayo ang girlfriend niya."

Napailing ako. "Tss! It's now my fault, huh? Kaya mahirap maging gwapo." Nakuha ko pang magbiro. "But please let him know he has nothing to worry about. As if I'm interested in other girls where in fact I have my girl already."

"Yes, engineer. And don't worry we will be sure this time na hindi na ito mauulit." Umalis na ang assistant kong lalaki kaya napabuntong-hininga ako.

I need this to be done! I have to go to Athena. Kailangan kong bumawi sa isang araw na wala ako sa Maynila kasi nga na-busy ako dito.

Kagagaling pa naman niya sa ospital kailangang nasa tabi niya ako palagi.

Kinabukasan

"How is it going?" Tanong ko habang sumimsim ng kape.

"It's slowly getting better, engineer. Kaya na po namin to. Honestly, ayos na po kami dito kaya pwede na kayong bumalik sa Manila."

"I really want to but I know I can't. I still have to monitor the project."

Habang kumakain ako for breakfast ng may nagtext sakin. At nakaramdam ng excitement ng makitang galing kay Athena.

Pero ang excitement na iyon ay agad ding napalitan ng takot nang mabasa ko ang text niya.

From: My Baby♥️
Maghiwalay na tayo.

My hands trembled as I read her message. Wala sa sarili akong napatayo at agad kinuha ang susi ko. Tinawagan ko rin ang number niya pero di ko siya ma-contact.

W-Whatㅡoh fvck! She's kidding, right? Fvck! She's not serious, yeah, she's not serious.

Pagkapasok sa kotse ko ay agad ko yung pinausad. Hindi na ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali ko.

"Babe, please answer your phone! I know, I know you're making fun of me." Napamura nalang ako ng muntik pa akong may masagasaan. Buti nalang nakapreno agad ako.

Grabeng kaba ang nararamdaman ko na parang nakipagkarera sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

****

"Babe! Babe? Athena, where are you?" Katok ako ng katok sa unit niya habang nagsisigaw. "Please open the door. Babe!"

"Ay ser, bakit ngayon lang kayo?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang janitor na may dala pang mop.

"Why? Um... alam niyo po ba kung saan nagpunta ang nakatira dito, manong?"

"Naku umalis po kanina. Nakaimpake po e. Gerlpren niyo po yung babae diba?"

Mas dumoble ang kaba ko. "Y-Yes, she's my girlfriend. Do you knowㅡI mean, alam niyo po ba kung saan ang punta?" Alam kong tinanong ko ang tanong na imposibleng masagot ni manong pero nagbabakasali pa rin ako.

"Sa tingin ko papunta iyong ibang bansa. Kung hindi ako nagkakamali, may dalang passport ang kasama ng gerlpren niyo. Nagmamadali pa sila habang may dalang mga bagahe. Ay sege po, maglilinis pa ako."

Nanghihinang napaupo ako sa sahig dahil sa narinig. Why? Why, babe? M-May nagawa ba ako? Dahil ba... hindi kita nasasamahan palagi? Napailing ako. Hindi siya mababaw na tao kaya hindi yun ang dahilan.

Kinontak ko ulit ang number niya pero hindi parin ma-contact. "Aaahhhhhh!!!!" Mababaliw ako sa kakaisip kung ano bang dahilan ng ito!

No! B-Baka, babalik pa yun. Baka bukas andito ulit siya. Baka, gusto lang niyang pumunta sa ibang bansa o di kaya pinauwi tapos babalik rin bukas.

Alam kong kinukumbinsi ko lang ang sarili ko pero anong magagawa ko? Wala akong maalalang may nagawa ako sa kanya. O baka meron hindi ko maalala. Shit! Nakakabaliw!

Dahan-dahan akong tumayo at pumasok sa unit ko na kaharap lang ng unit ni Athena. Nakaramdam agad ako ng pagod kaya ng humiga ako ay hindi ko namalayang nakatulog agad.

****

"K-Kuya?" Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang gulat na boses ni Kaede. "What the hell are you doing?" Natawa pa ako ng bahagya ng magmura siya.

Agad niya akong nilapitan at inagaw mula sa kamay ko ang baso. Gabi na ngayon kaya nagtaka ako kung bakit andito si Kaede.

"Ba't ka naglalasing? Where's Athena?" Napahigpit ang kapit ko sa baso. "Nag-away kayo? Kaya ka naglasing?" Mabuti nga kung ganyan lang eh pero hindi! Umalis man lang siya nang hindi ko alam ang dahilan.

"HolyㅡDaren?" Akala ko ang kapatid ko lang mag-isa kasama pala asawa niya. "Bro?" Patanong na tawag ni Zares.

"Don't mind me..." Mahinang usal ko.

"Anong don't mind me? Naglalasing ka which is unusual para sayo tapos sasabihin mo don't mind me?"

Bumuntong-hininga ako. Ayokong pag-alalahanin ang kapatid ko kaya nginitian ko siya. "I'm okay, may m-misunderstanding lang, but we'll be okay." Pagsisinungaling ko. Napatingin ako kay Zares at nakita kong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. He stared at me as if he was saying 'Mag-usap tayo mamaya.' "Anyways, why are you here?"

"Binisita ka. Matagal-tagal ka rin namin hindi nakita. Busy ka masyado sa trabaho mo. We brought pizza pala. Babe!" Inilapag ni Zares ang pizza kaya kumain kami.

Lumalim na ang gabi, nakatulog na rin si Kaede sa sofa kaya inilipat muna siya ni Zares sa kwarto ko. Pagkatapos lumabas ni Zares at tumabi sakin. Tumungga rin siya ng alak saka tumingin sakin. "You know, you can always count on me."

"I'm okay, really. Maaayos din namin to." I said to him.

His stares at me flatly. "Wag ako, Daren. Seriously? Magsisinungaling ka talaga sakin? Baka nakakalimutan mong mula pagkabata magkasama na tayo? Now, spill it! Is it about Athena, right?"

Minsan, nagsisisi din ako kung bakit ang dali niya akong basahin. Oo nga pala, mula pagkabata magkasama na kami kaya kilalang-kilala na niya ako.

Suddenly, my tears flow down in my right cheek. "I know you, Daren. Hindi ikaw yung tipo na tutunganga lang rito at magpapakalasing kung nag-away lang kayo. Pupuntahan at pupuntahan mo siya kahit pa nasa malayo ka." I want to burst into tears but I don't want Zares to see me as a weak man. "Ilabas mo lang yan. Hindi porke lalaki ka ayaw mo ng maging mahina at umiyak. Ganyan din ako noon, remember? When your sister found out the truth, she got mad at me, right? I cried and you saw it. Tao parin tayo kaya ilabas mo lang yan."

That's when I burst into tears. "She... left me." I tried to talk while crying. Fvck! Wala pang nakapagpaiyak sakin kundi ikaw lang, Athena. Please, bumalik ka na!

"Do you know where she goes?"

Umiling-iling ako. "I don't know. Lumabas siya ng Pilipinas. She left me already." Ginawa ko ang makakaya ko para pigilan ang hikbi ko. "Iniwan niya ako habang nasa trabaho ako, ni hindi ko alam ang dahilan. Sa pagkakaalala ko wala akong ibang babae, wala nga akong kinakausap na ibang babaeㅡbakit niya ako iniwan? Fvck!"

"Hindi naman sa kinakampihan ko siya, bro, pero baka naman ibang rason. Pwedeng personal na ayaw niyang malaman mo. Sometimes people leave for the sake of the both. Hindi sa lahat ng ganitong bagay, may ibang tao na involve." He tapped my shoulder.

Naalala ko naman bigla nang makontak ko kanina si Athena. Narinig kong may tumawag sa kanyang babe bago niya pinatay ang tawag.

Mapakla akong tumawa. "Nope. May.... iba na siya. I tried contacting her earlier and I succeeded pero para lang pala iparinig sa akin na may ibang tao pa ang tatawag sa kanyang babe. I heard the man call her babe vividly in the background pagkatapos nun pinatay na niya ang tawag." Sabi ko sabay tungga. "Pagkatapos niyang guluhin ang buhay ko, iiwan rin pala ako!" Bigla kong naalala yung mga panahong naiinis pa ako sa kanya. Yung mga panahong palagi niya akong sinusundan kahit saan ako magpunta. "Sana sinabi niya sa akin. Palalayain ko naman siya eh, kahit masakit palalayain ko siya kung ayaw na niya sa akin. Hindi yung nangangapa ako dahil bigla-bigla nalang siyang umaalis." Humikbi kong turan.

Zares sighed deeply. "Sige, iinom lang natin yan."

"Wag ka ng sumali baka magalit asawa mo." Suminghot-singhot pa ako.

"Hindi naman ako maglalasing. Sasamahan lang kita." Kaya ayon uminom kami. "Will you forget her?" Mahinang sabi niya.

"Kung hindi ko siya kakalimutam, para saan pa? I'm sure hindi na yon babalik. And... I guess she's not the right one... yet. Pinagtagpo pero di tinadhana, tsk!" Tumungga ulit ako kaya tumungga rin si Zares.

Makakalimutan rin kita... Mahal na mahal kita pero yokong ikulong ang sarili ko sayo. Hindi ka naman na babalik eh. Kahit masakit ang ginawa mo.... I'm still praying for your happiness.

I know it will take time to move on, to heal, pero susubukan ko ang makakaya kong hindi maaapektuhan ang pamilya at trabaho ko.

I love you.... goodbye...


***

After six months...

"Congratulations! Engineer!" Palakpakan ng lahat. "Wow, kaya pala maraming kumukuha sayo pagdating sa mga malalaking projects. Ikaw na, Engineer!" Natawa ako sa sinabi ni Alson. Isa siya sa mga architect na nakasama ko sa isang napakalaking project. "I've heard may gustong kumuha sayo abroad?"

"Nah pinag-iisipan ko pa. May iba pa kasi akong pinagkakaabalahan kaya medyo busy din ako." Sabi ko nalang.

Napailing siya. "Tsk. Tsk. Ikaw na talaga! Kay gandang oportunidad, pinag-iisipan pa. Hahaha sige, alis na ako."

"Ingat ka." Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang tawag ni Zares. "Yo!"

["Wow! Pagkatapos mong hindi sumipot, yo lang ibubungad mo sa tawag ko?"]

Natawa ako. "Sorry na nga diba? Bro, I'm busy, you know!"

[Tss! Nagbago na ang isip kong kunin kang Ninong."]

"What? You can't do that, bro! Hahaha baka nakakalimutan mong ako ang dahilan kung bakit nalaman mo na buntis ang asawa mo! Sana pala di ko sinabi sayo." Labas sa ilong na sabi ko.

["K, fine! Bukas magdala ka ng gift, pambawi sa hindi mo pagsulpot kanina."]

Napanguso ako. "May magagawa pa ba ako?" Kunyareng malungkot na turan ko.

["Wala! Bye!"] Rinig kong sigaw ni Kaede sa background kaya napangiwi ako.

Napapailing na binulsa ko ang phone ko. Oo nga pala, kanina ay may importanteng selebrasyon ang nagaganap sa bahay nina Zares at Kaede. Sex reveal daw.

Yes, Kaede's pregnant. Six months pregnant. Nung nalaman ko nga eh hindi pa alam ni Zares. Ayaw kasi ipasabi ni Kaede kasi i-surprise lang daw niya pero nang magkausap kami ni Zares, nadulas ang dila ko kaya nasabi ko kay Zares. 3 months na ang tiyan ni Kaede nun nang malaman ko.

Kaya ayun, sinabihan ko na lang siya na magpanggap at kunyare ma-su-surprise siya sa surprise ni Kaede. Ang magaling kong kaibigan, nagpanggap din at may pa-shock-schock pang nalalaman. Tsk! Ako ang naiipit sa mag-asawang yun!

"Athena, wait!" Napatigil ako sa paglalakad sa parking lot nang marinig ko ang pangalang yun.

"Bagal mo kasi!" Lumakas ang tibok ng puso ko at agad na napalingon sa tinawag na Athena pero agad din akong nanlumo ng makitang ibang tao yun.

Ano bang pinanggagawa mo, Daren? It's been 6 months already! Bakit naaapektohan ka pa rin sa twing naririnig mo ang pangalan niya? Nakamove-on kana diba?

Napabuntong-hininga akong pumasok sa kotse ko. Sa loob ng limang buwan, pinilit kong maging okay, pinilit kong kalimutan siya. Kaya naging tutok ako sa trabaho ko. Nagtagumpay ako sa malaking project na ginawa ko pero kapag wala na akong ginagawa, hindi ko mapigilang maalala siya.

Pinahid ko ang luha na pumatak sa pisngi ko. Ito na ang panghuling beses na tutulo ang luha ko dahil sayo. Bukas, ibang Daren na ako na tuluyan ka ng burahin sa buhay ko. Pinapangako ko sa sarili ko na kalilimutan na talaga kita at hindi na maapektuhan sa twing maririnig ko ang pangalan mo sa paligid ko.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela bago pinaharurot.

***

"Hey!" Mom kissed my cheek as I enter our house.

"Good evening, gorgeous!" Natatawang bati ko sa kanya.

"Hmp! Nambobola pa. Nag dinner ka na ba?"

"Hindi pa." Ngumuso ako. "I'm craving for my favorite dish right now." Pabebe kong sabi.

Piningot naman ni mommy ang ilong ko. "Sus, buti nalang pala naluto ko ang paborito moㅡhey!" Hindi ko na pinatapos si mommy, agad kong tumakbo papuntang dining at naabotan ko si dad.

"Dad!" Maktol ko ng makita kong nilamon niya ang sisig na paborito ko.

"Huli ka na, ble!" My childish dad stick his tongue out at me.

Naiiyak na lumingon ako kay mommy. Napailing lang si mommy at may kinuha sa kusina. "Tsaran! Kilalang-kilala ko na kayong mag-ama."

"Yey! Thanks, mom, you're the best!" Dali kong sinunggab ang sisig at agad na kumuha ng kanin. "Hmmm! Craving satisfied!"

Natawa ang dalawa sa sinabi ko. "I'm happy that you're okay now, Daren. I'm so worried about you." Madamdaming usal bigla ni mom.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm now okay, mom, don't worry about me. Saka paano ako hindi magiging okay? You're always cooking my favorite and I love it!" I kissed her cheek again.

"Basta andito lang ako palagi, okay? Please, always bear that in your mind." Napangiti nalang ako. Kaya ko to....



**
A/N: Hi, sorry for the delayed update. Nasira phone ko kaya kinailangang ipaayos hehe. Anyways, I'm back! Happy reading :))

Continue lendo

Você também vai gostar

100K 1.4K 50
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
212K 4.9K 55
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
202K 10.2K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
16.2K 436 50
ok guys di ko alam kong paano magsisimula hytss kase first time ko pong gumawa ng story!! d ko alam kong tama ba yung ginagawa ko!!! ahh basta ita-tr...