Ang Lihim Ni Amante

RaldsBox által

30.6K 629 87

Kinakailangan ni Amante na mag-abroad dahil na rin 'di sapat ang kinikita niya sa pagiging taxi driver. Gusto... Több

Lihim 1
Lihim 2
Lihim 4
Lihim 5
Lihim 6 2.1
Chapter 6 2.2
Lihim 7 3.1
Lihim 7 2.3
Lihim 7 3.3
Pay To Read "Free1"
The Story

Lihim 3

2.7K 48 2
RaldsBox által

Lihim Ni Amante 

Chapter 3

"No thanks dude wala ako sa mood pumunta sa bar," sabi ni Adhan. 

Tamad na tamad si Adhan ngayon at wala siyang gustong gawin kundi ang humiga sa kanyang kama at matulog. 

Naalingpungatan ang guwapong lalaking si Adhan ng marinig niya tumutunog ang kanyang cellphone. Alam niyang may tumatawag sa kanya ngunit hinayaan lang niya ito. 

Pero sa ikalawang tawag ay sinagot na niya ito. Kinapa niya sa kanyang tabi ang kanyang cellphone at 'di na siya nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag sa kanya. 

Sa pagsagot niya sa tawag ay agad na bumungad sa kanya ang malakas na tugtog sa kabilang linya. Alam agad niya kung sino ang tumatawag sa kanya. 

"Dude c'mon! Punta ka na rito para mawala yang tamad mo," 

Boses iyon ng kanyang matalik na kaibigan na si King Ledesma. Napailing na lang si Adhan sa sinabi ng kanyang bestfriend kanina pa sa university ay pinipilit na siyang sumama sa Altas Bar sa bayan ng Prado. 

Ibababa na sana niya ang kanyang cellphone ng bigla na lang siyang napamulat dahil sa sinabi ni King. Ayon sa kanyang bestfriend ay nakita raw nito ang kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen. 

"What the fvck dude! Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" gulat na sabi ni Adhan. 

Alam ni Adhan na grounded ang kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen dahil na rin sa aksidenteng kinasangkutan nito noong nakaraang linggo. Pinagbawal ng kanilang ama na makalabas ito ng bahay pagkatapos umuwi ng paaralan. 

Napatanong siya sa kanyang sarili kung paano nakalabas ngayon si Waylen kung wala ang susi ng kotse nito. Dahil alam din niyang kinuha ito ng kanilang ama. 

Napatingin na lang si Adhan sa screen ng kanyang cellphone dahil nag-video call na pala si King sa kanya. Napakunot noo siya sa kanyang nakikita ngayon. 

Bukod sa malakas na tugtog ay nakikita niya ngayon ang mukha ni King na parang may tama na ito ng alak. Medyo madilim ngunit may mga iba't-ibang kulay ng ilaw na nagsasayawan sa likuran ng kanyang kaibigan. 

Familiar din ang lugar sa kinaroroonan ng kanyang matalik na kaibigan dahil ilang beses na rin siya nakapunta sa Altas Bar. Alam niyang nasa VIP floor si King. 

Seryoso niyang tinanong ito kung totoo ba ang sinasabi nito na nandoon nga si Waylen? At sa isang iglap ay nag-iba ang kuha ng video. 

"Dude ayun ang kapatid ko nagpapakasarap sa mga babaeng kasama niya," natatawang sabi ni King. 

Hindi nga nagbibiro ang kanyang bestfriend at nakita nga niya sa video call ngayon ang kanyang kapatid na si Waylen na abalang sumasayaw sa gitna ng dance floor ng Altas Bar. May mga kasama itong mga babae na nakikipagsayawan dito. 

Napamura na lang si Adhan sa kanyang nakikita niya lalo ng i-zoom ni King ang video at kung saan nakita niyang nakikipaglaplapan si Waylen sa kasayaw niyang babae. 

Napailing na lang ito at napagdesisyunan niyang pumunta sa Altas Bar para sunduin ang kanyang nakakabatang kapatid. Agad na pinatay ni Adhan ang video call at madali siyang tumayo at nagbihis. 

Habang nagbibihis ang makisig na binata ay napapatanong siya sa kanyang sarili kung paano nakalabas ng bahay si Waylen? 

Suot ang isang white sweat shirt at isang maong na kupas ay tinignan ni Adhan ang kanyang repleksyon sa salamin. Laid back lang ang suot niya ngayob dahil wala naman siyang balak na magtagal doon sa Altas Bar. 

Pagkatapos niyang makasigurado na ayos ang kanyang itsura ay sinuot na niya ang isang puting pares ng paborito niyang white sneakers. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at sa pagkuha niya ng susi ng kanyang kotse sa ibabaw ng side table sa kanang bahagi ng kama ay napakunot noo siya dahil wala roon ang kanyang susi. 

Napamura na lang ang makisig na binatang si Adhan dahil sigurado niyang si Waylen ang kumuha ng susi ng kanyang kotse. 

Muli ay napailing na lang siya sa ginawa ng kanyang nakakabatang kapatid. Hindi na niya mabilang kung ilan beses na ginamit ng walang paalam ng kanyang kapatid ang kanyang kotse. Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil hindi iyon nababangga ni Waylen. 'Di tulad ng kotse nito na makailang beses na nabangga dahil na rin sa kalasingan. 

Sa paglabas ng kanyang kuwarto ay meron agad siyang nakitang kasambahay. Seryoso niyang tinawag ito at tinanong kung sino ang nagpalabas kay Waylen gamit ang kanyang kotse? 

"S-ser, 'di ko po alam" sagot ng kasambahay. 

"What the fvck? Nasaan si Mang Ramon?" pasigaw na tanong ni Adhan. 

'Di mapigilan ni Adhan na tumaas ang boses niya dahil na rin sa nangyayari ngayon. Nakita niyang parang maiiyak na ang kaharap niyang isang kasambahay. 'Di niya ito kilala sa pangalan ngunit familiar ang pagmumukha nito. 

"N-nasa dirty kitchen po siya," 

Seryoso pa rin ang guwapong mukha ni Adhan habang papunta siya sa may kusina ng bahay nila. Alam niyang wala ang kanyang mga magulang dahil sa kung saan-saan pumupunta ang mga ito. 

Simula pa lang bata siya ay nasanay na siyang abala ang kanyang mga magulang sa negosyo. Lumaki siya sa pag-aalaga ng kanyang Yaya Buding. Ang yaya rin niya ang nag-alaga sa kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen. 

Sa pagdating niya sa may likurang bahay kung saan nandoon ang dirty kitchen ay nakita niya ang kanyang Yaya Buding na abalang nakikipagkuwentuhan kay Mang Ramon. 

"Oh? Adhan, nakabalik ka na pala?" tanong ni Buding. 

Isang mapalad na ngiti ang ipinakita ni Buding sa kanyang alaga na si Adhan. Parang anak na ang turing niya kay Adhan at sa nakakabatang kapatid nitong si Waylen. 

Siya na ang nag-alaga sa dalawang anak ng mag-asawang Stella at Douglas Gerronimo. Malaki ang pasasalamat niya sa mag-asawang Gerronimo dahil turing sa kanya bilang parang tunay miyembro ng pamilya. 

"Huh? 'Di ako umalis ngayon yaya," kunot noo tanong ni Adhan. 

Seryoso siyang napatingin kay Mang Ramon na parang nakakita ito ng multo sa katauhan niya. Tinanong agad niya ito kung ito ba ang nagpalabas kay Waylen sakay ng kanyang kotse? 

"A-akala ko po sir kayo po iyong sakay ng kotse ninyo?" sagot ni Mang Ramon. 

'Di alam ni Ramon kung ano ang kanyang gagawin ngayon? Dahil na rin ang akala niya ay si Sir Adhan ang lumabas kanina sakay ng itim na kotse. Alam na alam niya na maselan ito sa mga gamit nito lalo na sa kotse nito. Wala ni sino man ang nakakagamit ng kotse nito. 

Napalunok na lang ng laway si Ramon dahil na rin sa kaba at takot kay Sir Adhan. Alam niya kung paano ito magalit. 'Di na niya namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan nito na takot na takot ang mukha nitong nakaharap sa isa nitong among lalaki. 

"Mang Ramon! Di mo man ba napansin na si Waylen, iyon? 'Di mo nakitang sumakay ito sa kotse ko?" galit na tanong ni Adhan. 

Parang bulkan na galit na galit si Adhan sa matandang lalaking kaharapan niya ngayon. Pinipigilan pa niya ang kanyang sarili na magsalita ng masakit dahil na rin nandito ang kanyang Yaya Buding. 

"Adhan, anak kumalma ka. Ang pagkakaalam namin ay ikaw ang nakasakay sa kotse mo. Alam naman namin na ikaw lang ang gumagamit ng kotse mong iyon," paminahon na sabi ni Buding. 

Kilala ni Buding ang kanyang alagang si Adhan. Alam niyang galit ito dahil na rin sa nangyari ngayon. Alam niyang masyado itong maselan sa mga gamit nito at wala siyang maisip na gawin kundi kausapin ito ng mahinahon. 

"Yaya Buding, please wag kang makialam sa usapan namin ni Mang Ramon," seryosong sabi ni Adhan. 

Tinanong ng makisig na lalaking si Adhan ang matandang kaharap niya ngayon kung nasaan ang susi ng isa pang kotse na pagmamay-ari ng kanyang ama. 

Napayukom na lang ang kanyang kanang kamay ng marinig niya ang sagot sa kanya ni Mang Ramon. Sabi nito ay ipinadala raw ng kanyang ama ang isang kotse nito sa rest house nila para na rin 'di magamit ni Waylen. 

Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at maawtoridad niyang inutusan si Mang Ramon na tumawag ng taxi sa labas ng subdivision nila. Wala siyang choice kundi mag-taxi na lang siya papunta sa Altas Bar para sunduin ang kanyang nakakabatang kapatid na si Waylen. 

 "O-opo sir!" sagot ni Mang Ramon. 

"Bilisan mo! Ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako!" galit na sabi ni Adhan. 

'Di na pinansin ni Adhan ang pagtawag ng kanyang Yaya Buding at muli siyang pumasok sa bahay nila para roon maghintay. 

Sinusubukan niyang tawagin ang cellphone ni Waylen ngunit nakailang tawag na siya ay 'di man lang ito nag-abalang sagutin ito. Sa sobrang inis niya ay naibato niya ang kanyang cellphone. Wala siyang pakialam kung nagkabasag-basag ito. 

Muli ay lumabas siya ng bahay para makapagyosi. Kapag nakakaranas siya ng stress ay nagyoyosi siya kahit papaano ay mawala ang nararanasan niyang stress. 

Napangisi na lang siya ng maalala niyang high school pa lang siya ay natuto na siyang magyosi na 'di alam ng kanyang mga magulang. Lalo siyang napangisi ng mahuli siya ng kanyang ama na si Douglas Gerronimo pero imbes na magali ito ay wala lang itong pakialam. Sinabihan lang siya nito na ayusin ang pag-aaral niya. 

Napatingin na lang si Adhan sa malinis na kalangitan kung saan kitang-kita niya ang maraming bituin. Sa huling buga ng usok na nagmula sa labi niya ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mang Ramon. 

"S-Sir Adhan, nandito na po ang taxi," 

Lihim Ni Amante.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
376K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
1.4M 32.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...