Boulevard to Polaris (Virago...

Por catarchiv

53.4K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... Mais

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
each of their past
the bliss ignites
the memories last
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
intentionally shatters
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
with ours adrift
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

just as the unseen

576 15 0
Por catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━ 
CHAPTER THIRTY-EIGHT 
just as the unseen
 ━━━━━━━━━━━━━━━━

Gazer decided for me to stay in his house after what happened. Hindi na ako nakapagpaalam kay Paris dahil sa halingling na narinig ko sa kwarto niya nang kakatok sana ako, kina Aya at Avi na lang ako nagpaalam na aalis panandalian tapos nag-send na lang ako ng text kay Paris na kung maaari ay doon muna mga pinsan ko. 

I was about to decide not to leave because I'm worried for Aya's pregnancy, but Avi told me not to and she'll take care of our cousin at once. Ganu'n din ang sabi ni Paris sa text pagkatapos ng ilang oras kaya medyo napanatag naman ako. 

Gazer, on the other hand, also told me that he went on leave two days ago after the event with his employees, but that wouldn't equate to how much work he'll tend to after being in vacation - speaking from experience. Still, he assured me not to worry dahil 'yung nakakatandang Denuevo naman daw sasalo ng trabaho niya.

I wonder if the Denuevos have some kind of debt to him and they're doing all of this. Sobra-sobra na 'ata 'yung tulong nila lalong-lalo na ang pagpapalaki kay Gazer at Caliem.

I sighed heavily when Gazer stopped by a huge three-storey house. It's already night and even though it's dark, I can still see his house's exterior design which is a mixture of gray and white, his lawn is filled with lights accompanied by a lot of flowers and bushes, and everything around his house is so minimal yet so elegant at the same time. Mukhang sobrang mahal ng bahay na 'to lalong-lalo na't may kalakihan din siya at 'yun din 'ata ang pinakamalaking bahay sa pinasukan naming villa.

"Besides the ones you bought last time at the mall, I don't have any clothes for you aside from the ones I didn't use yet. Feel free to use it." Ani Gazer habang tinatanggal ang seatbelt bago lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.  

He smiled at me. Iniwas ko lang ang tingin ko ro'n at tinanggal din ang seatbelt ko para lumabas. Doon ay mas lalong lumiwanag ang view ng bahay niya sa'kin. Sobrang ganda at sobrang laki pala talaga nu'n ngayong hindi na siya natatakpan ng tinted car window ni Gazer mula kanina.    

Iginiya na rin ako ni Gazer papasok at hindi ko maiwasang hindi mapakurap sa disenyo ng buong bahay niya. Unlike the exterior design, the interior design of the house is filled with a scandinavian motif. Sobrang simple ng loob, puno ng mwebles, salamin, at mga mamahaling painting ang bahay. Sobrang minimal din ng mga gamit at mula rito ay kitang-kita sa glass doors sa likod ang isang infinity pool at bar counter sa gilid. 

Rinig kong pumalakpak siya ng dalawang beses at lumiwanag din ang pangalawang palapag ng bahay na ang railings ay salamin. Mas lalo akong napamaang at nahiya na inimbita niya ko rito. This is like my dream house na prinopose ko as a project sa mga high-end engineers noon pero hindi ko na natuloy dahil ang dami kong trabaho.

I also have my own house in Paris' exclusive subdivision, but I rarely went there dahil mas prefer ko ang services ng condominium units. Walang-wala rin naman ang bahay kong 'yun sa bahay niya ngayon.

Unbelievable. Just how rich did he become in a span of four years?

"I should cook for dinner. Do you have anything you would love to eat? Anything." He emphasized 'anything' as he walked passed me para ilagay ang hinubad niyang coat sa sofa. Nilingon niya ako, nagtatanong ang mukhang nakangiti.

Isang lunok ang ginawa ko dahil hindi ako makapag-isip ng kakainin habang nakatingin sa postura niya. 

Isang puting turtleneck na nakatuck-in sa slacks lang naman suot niya pero umaapaw pa rin ang karisma niya lalo na't gumulo ang buhok niyang bahagyang tumatabon sa makapal niyang kilay. 

Ni hindi ko 'yun napansin kanina dahil sa sobrang paglamon sa'kin ng emosyon pero ngayong nandito siya sa harap ko at tinatanong ano gusto kong kainin? Baka sagutin ko siya na siya ang gusto kong lamunin.

Napakurap ako bago ngumiti, "How about honey garlic chicken wings? If you have any chicken wings in stock."

Ngumisi siya, "I do. I remembered you munching on the chicken wings I bought last time so I bought a bit more. And, if you want to, you can take a bath while I'm cooking. My room's on the farthest part. It's actually password-generated, 0829 'yung pass." 

I panicked, "Gaze! Wala ka bang ibang kwarto?"

Kunot-noo niya akong nilingon, "I do have a lot sa third floor. Why?"

"Doon ako matutulog."

"Are you crazy? You can sleep in my room. It's cozier than the other ones."

Napakamot ako ng ulo, "Saan ka matutulog?"

"Room next to yours unless you offered for me to stay with you in my room." Isang ngisi ang namutawi ulit sa labi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"We shouldn't share a bed then." Alma ko.

"But we already did that. The headboard of my bed in my office even nearly broke kaya bumili na lang ako ng bago. I just have to make sure na 'di na masisira 'yun sa susunod nating pag-share ng kama ko."

Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na si Gazer sa harap ko dahil ngising-ngisi siya habang inaasar ako. 

"I'll sleep in the room next to yours. Pwede ba 'yun?" I asked again.

"I don't use electric fans. Mainit do'n dahil walang aircon." 

"Ba't do'n ka matutulog kung gano'n?"

"I only wear boxers when I'm asleep. It's colder that way, but you? You can't wear just your panties kaya ro'n ka matutulog sa kwarto ko kahit i-full temp mo pa 'yung aircon. Besides, baka hindi ako makatulog kakaisip na naka-panty ka lang habang natutulog sa kwarto ko." Humalukipkip siya. 

Uminit ang mukha ko dahil agad na pumasok sa isip ko 'yung time na natulog ako sakanila sa Siquijor at wala akong panty nu'n dahil nakalimutan ko bilhin. Halos magpalamon ako sa lupa dahil lang du'n pero buti na lang at hindi nalaman ni Gazer. 

"Ayoko pa rin," Tumikhim ako, "Hindi tama na magsama tayo sa iisang kama ngayon."

"Pero naging isa na tayo. Makailang beses na rin. Do you want to do that again?" Umiwas siya ng tingin pero kagatin ang buong labi't pigilan ang pagtawa. Tinagilid niya rin ang ulo kaya't mas lalong nadepina ang panga niya sa ilalim ng liwanag.

Halos hindi ko naman maabsorb ang sinabi niya dahil napakurap-kurap lang ako at napaawang ang bibig. Sobrang init ng mukha ko at 'yun marahil ang dahilan ng pagtawa niya.

Sa inis ko ay kinuha ko ang suot na tsinelas at tinapon sakanya. Tumama 'yun sa dibdib niya pero parang wala lang na nginisihan niya ko ulit. 

"Sumagot ka nga nang maayos!" Anas ko.

Tumikhim naman siya. Nawala ang tawa niya pero ando'n pa rin ang ngisi.

"Astra, just sleep in my room. Bakit ba ayaw mo ro'n?" Kalmado niyang tanong.

Hindi naman sa ayaw ko sa kwarto niya. In fact, I want to sleep there but the idea that he will sleep in a room where he's not comfortable doesn't sit right with me. I don't want us to share a bed pero siguro naman ay may foam siya para sa sahig 'di ba? Doon na lang ako matutulog kasi 'di ko naman bahay 'to. 

Tinuro ko ang sofa, "I'll sleep there. That's final. No buts."

Kumunot ang noo niya pero kapagkuwan ay bumuntong-hininga na lang at tumango. 'No buts', after all, is like a magic word for him not to reasonate anymore before. I'm glad he agrees.

Malapad ang ngiti na tumalikod ako at pumataas sa second floor. Pumasok ako sa kwarto niya at sandaliang napamaang nanaman sa linis ng paligid at pagkaka-neutral ng mga kulay. 

Dumeretso na rin ako sa banyo para maligo. Buti na lang at may tub do'n kaya sa lukewarm na tubig ako naligo dahil nananakit ang balakang ko. 

Doon ko rin sinubukang isipin kung ano ba gagawin ko sa investor na 'yun. Nawawalan na ko ng oras at kung hindi ko pa siya makikilala ay malabo ring makuha ko ang mga kumpanya ko sa madaling panahon. 

Naisip ko rin na huwag hayaan si Gazer na tulungan ako sa paghahanap pero dahil marupok ako ay alam kong tutulungan pa rin niya ako. I just hope that investor won't get mad that he's helping me minimally dahil sinisigurado ko pa rin namang ako ang gagawa ng mga trabaho mostly. 

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nagbanlaw. Naisip kong bisitahin ulit 'yung doktor ko sa panga bukas at sasamahan ako ni Gazer do'n lalo na't magkakilala sila.

In that way, I can investigate easier. 

Pumanaog ako sa baba suot-suot ang malaking brown na t-shirt ni Gazer. Wala akong suot na panloob o underwear pero suot ko ang boxer niyang maliit na nakita ko sa pinakagilid na cabinet ng walk-in closet niya. 

Wala kasi akong mahanap na kasya sa'kin dahil sa laki ng mga gamit niya lalong-lalo na ng mga underwear niya. Hindi naman na ako magtataka bakit ang laki nu'n pero buti na lang at mukhang may napaglumaan siyang boxer na maliliit. 

"I'm almost done. Are you hungry?" Nang malingunan niya ako sa may bukana ng kusina ay tinanong niya 'yun pero hindi ako sumagot dahil kumalam na ang sikmura ko sa matamis na amoy ng niluluto niya. 

Nasa hapag na rin ang iilang freshments. May kimchi pa ro'n, fried diced garlic, at maki sushi na sa tingin ko ay nasa stock na niya. Nandoon na rin ang kanin na mukhang mainit pa kaya mas lalo akong natakam.

Sa gutom ko ay umupo na ako sa lamesa niya. Hindi ko nga lang pinansin ang pagkain dahil ayokong isipin niyang patay-gutom ako. Hihintayin ko muna siya para sabay kami. 

"This might not be a perfect time to talk about the investor, but I have a lead on who she is, Ast." Sabi ng nakatalikod na si Gazer na ngayon ay nilalagay na ang niluto sa isang malaking bowl.

Sinubukan kong ngumiti, "Who?"

Ilang segundo siyang hindi sumagot dahil nilapag niya muna ang bowl sa harap ko bago naupo. Siya na rin naglagay ng kanin at ng niluto niya sa plato ko bago ngumiti.

"I hope I won't offend you with my question." Nawala ang ngiti niya, siyang nagpakaba sa'kin pero winagli ko 'yung emosyong 'yun.

I nodded, "What is it?"

He cleared his throat, "How sure are you that your family is not hiding something, Ast?" 

Pinuno ako ng pagtataka sa tanong niya pero hindi naman ako na-offend. Nagtaka lang ako bakit napunta sa pamilya ko ang usapan gayong nasa investor naman 'yung una niyang sinabi. 

Dahil wala akong masagot ay pinili kong kunin ang kutsara at tikman ang hinain niya. Naglaway ako lalo sa lasa nu'n. Sobrang sarap ng luto niya.

"Astra, I'm so-."

"I don't know, Gaze." Putol ko sa sasabihin niya bago nilunok ang pagkain. 

Tinignan ko siya, "I don't know if my family's hiding something. Everything had been fine, from my Mother down to my Father, and everything. If they're hiding something, I guess they don't want me to worry."

"Alam mo bang magkakilala ang pamilya natin noon kung gano'n? Hindi ka naman mag-aalala sa gano'n so baka alam mo na pala."

Natigilan ako't napatingin sakanya nang nagtataka, "Ano?" 

Nginitian niya ako pero halatang pinilit niya lang 'yun dahil mukhang nagulat pa siya na hindi ko alam.

"You don't know." He said in a matter-of-fact tone.

Binaba ko ang kubyertos, "Anong ibig mong sabihin?"

"It's just that your family knows my family, Astra. Otherwise, your father wouldn't have felt comfortable with my father's urges to gamble more money. I just knew it when I talked to the old man Denuevo. I thought you knew everything." Kwento niya.   

Hindi ko na napigilan, kumain ulit ako at nilunok 'yun, "What did Sir Denuevo say?"

"He knew who the investor is."

Tuluyang nanlaki ang mata ko, "Sino? At papaano niya nalaman?"

"The investor is a Denuevo. Hindi siya pero kilala niya at mukha makikilala mo rin."

"His what?! Ano naman kasalanan ng tatay mo sa kadugo niya at ginagaws niya lahat ng 'to?!" Agad kong tanong.

"Listen to this story first." He sighed heavily.

"As what I was told, Tolliedo are one of the elite families in Visayas for owning half of the landfills and farms in the whole country. Madrigal, Denuevo, and Vuerreros, on the other hand, are one of the elite families in Luzon because of their intelligent men in the course or industry of business. All families are too powerful. They're not tainted with any shady business, they're just skilled and made for it. The idea is all of them are partners or friends, bestfriends even. With them combined, they're too strong."

"What does that got to do with the investor then? May nangyari ba kaya galit 'yung Denuevo na 'yan sa tatay mo at ginagamit niya tayo ngayon?" Takang tanong ko.

"Let me finish. This is a long story," Bumuntong-hininga siya, "Out of those four, the closest to become a family are the Tolliedos and Vuerreros. And Sir Denuevo told me that Avara and my father are the best of friends lalo na noong kabataan nila. Magkasundo sila lagi kaysa sa dalawa. Avara first met my father after all, then Lucas, and then si Kiko Denuevo."

Napaawang ang bibig ko, "Papaanong nadamay sila rito? Tita Avara never mentioned that to any of us. Now that I think about it, she never talked about her history. Not even our Tita or Titos, even my Mom and Dad never once told us. I even resented your Dad tapos-."

Nahigit ko ang hininga, "Hindi ko makita ang koneksyon, Gaze."

"That's why I asked you if your family is keeping something a secret. Akala ko alam mo pero mukhang hindi," He sighed again, "Looks like nobody told any of the next generations from theirs, hindi ikaw o kahit sino pa sainyo. And for all I know, something happened between the two families na naging dahilan bakit nawalan ng koneksyon ang mga Vuerrero sa Tolliedo, even your Tita Avara and my father weren't spared from the lost of connection."

My lips parted. I don't like where this is going.

Continuar a ler

Também vai Gostar

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
16.2K 1.2K 45
Things turned upside down when I started using that app.
411K 11.4K 24
Isla Azul Series #1 (COMPLETED) A loving family is like a dream come true for Savine, but after spending all her life wanting the validation of her p...
802K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...