No, But Yes

Door cactushoney

51 6 0

"Ang ganda sana pero dinaig pa 'yong siga sa kanto na palaging naghahanap ng gulo." -Jegs Aso't pusa; away wa... Meer

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 6

1 0 0
Door cactushoney

"WAG mong igalaw ang kamay mo. Baka itaas mo 'yan a, mahawakan mo 'to. Bahala ka dyan."

"Ang dami mong sinasabi. Bilisan mo na. Kadiri naman kasi 'yang ihi na mo."

"Bakit mo kasi hinawakan ang tayom?"

Hindi kumibo ang dalaga, tinakpan niya ng isang kamay ang mga mata niya habang mahigpit ang pagkakapikit. Naiisip niya pa lang kung gaano nakakadiri ang gagawin ni Jegs, nakakaramdam na siya nang pagbaligtad ng sikmura. Maraming pananakot na ginawa si Jegs, kaya napapayag siya nito na ihian ang palad niyang natusok ng tayom. Ngayon niya lang narinig ang ganitong klaseng bagay, kaya hindi niya sigurado kung pinagloloko lang ba siya ng binata o totoo na mawawala ang matulis na bagay na nasa palad nya.

"Ayan na... ayan na... ahhhhhh!"

"What the bur! Bakit ka umuungol?"

"Umuungol talaga? Hindi ba pwedeng umiihi lang?"

"Tapos na ba?"

"Oo tapos na."

Hinila ng dalaganag kamay niyang basa ng ihi ng binata. Tumalikod din siya para hindi niya makita ang nakadungaw na alaga nito. Hindi siya interesado, kaya wala siyang pakialam sa lalaki.

"Yuck, kadiri talaga." Hindi maipinta ang mukha ni Iza nang makitang basa ng ihi ang kamay niya, inilayo niya rin ito sa mukha niya dahil sa pandidiri.

"Yuck, yuck, yuck!" Iwinasiwas ng dalaga ang palad niya at napatakbo sa loob. Si Jegs naman ay tinawanan ito habang nakatingin kung paano ba mandiri ang dalaga.

"Akala mo ha, arte-arte ka pa." Umalog ang balikat ng binata.

Pinagpatuloy ni Jegs mag-isa ang pagkuha ng mga shells, habang tinatawanan ang dalaga. Ilang sandali lang din nang marinig niya ang makina ng bangka, napatingin siya sa gawi kung saan nanggaling 'yon. Nakita niya ang isang babae na bumaba mula roon. Nakasuot ito ng mahabang tela na tinatakpan ang mukha sa init ng araw.

"Sino 'yon?" tanong ng binata sa sarili. Kasunod nito nakita niya ang kaniyang ama at si Parshang na bumababa ng bangka. Hindi muna lumapit ang binata, pinagmasdan niya ang mga ito na papasok sa loob. Nagtataka siya kung may turista na ba, hindi naman din iyon kasing katawan ni Sandra, kaya malabo na ina ito ni Iza.

Bago sumunod sa loob, hinugasan muna ng binata ang kamay niya sa dagat. Ang tingin niya ay hindi maalis sa babaeng bisita nila. Wala naman siyang ibang kilala, kaya paano napunta ang babae na 'yon kasama pa ang kapatid at ama niya.

"Tay!"

Sa pagtawag niyang ito, napukaw niya ang atensyon ng tatlo. Natigilan din sila sa paglalakad. Sa puntong humarap sa kaniya ang babae, doon niya lang napagtanto kung sino ito.

"Valen?"

Ang pagtataka sa mukha ng binata kanina ay napalitan ng ngiti. Ibinaba niya rin ang timba na hawak niya at lumapit sa babae. Ang kaninang nakataklob sa ulo ni Valen, ay nagawa na rin niyang alisin.

"The one and only!" Inilahad ng dalaga ang dalawa niyang palad na para bang binibigyan ng titulo ang sarili niya.

"Uy, kamusta ka na? Anong ginagawa mo rito?" Lumapit ang binata para yakapin ang kaibigan.

Kababata ni Jegs si Valen, dito rin sa isla noon nakatira ang dalaga kasama ang kaniyang ina, pero noong sumapit ng sekondarya ang dalaga kinailangan nilang umalis sa isla para sa pag-aaral nito. Noon, tuwing bakasyon ay nasa isla ang dalaga para samahan si Jegs, ngayon na lang ulit siya nakapunta rito dulot na rin ng pag-aaral niya ng kolehiyo.

"Nakita namin siya kanina sa bayan, kaya inaya na naming sumabay. Mukhang dito rin naman ang punta," anang matanda.

Bumitaw sa pagkakayakap si jegs. "Dito ka muna ulit?"

"Oo. Bakasyon namin tutulungan ulit kitang kumolekt ng mga shells. Balita ko malapit na magbukas ang isla?"

"Kailangan niya talaga ng katulong maguha ng shlles, sinira ba naman ni Madam Rf lahat," sabat ni Parshang.

"Madam Rf?"

"Tinawag niyang Madam Rf si Iza, dahil red flag daw," sagot ni Jegs.

Ang hindi alam ng binata, nasa likuran niya langd din ang tinutukoy niyang Rf.

"So, red flag pala ang Rf?"

Halos mapatalon ang binata sa paglingon niya.

"Oppss... Labas ako d'yan, kuya." Si Parshang pa ang unang tumakbo palayo para lang hindi madamay sa magiging galit ng dalaga. Si Mang Hernan naman ay binitbit na ang mga pinamili niya sa bayan.

Dalawang babae ang pumapagitna kay Jegs.

"Siya ba si Rf?" Sa katahimikan ay nagtanong si Valen.

"At sino naman 'to?" tanong din ang naging tugon ni Iza, habang ang tingin niya'y bumababa-taas sa babaeng kaharap.

"Si Valen, kaibigan ko. Tapos Valen, si Mam Iza, anak ni Mam Sandra." Pagpapakilala ng binata sa dalawa, napapunas pa ang binata ng pawis na para bang nasa pagitan siya ng tensyon.

"Nasaan na ang phone ko?" Inilahad ng dalaga ang palad.

"Hindi pa tayo tapos, di ba? Marami ka pang gagawin, hindi ka pa nga nakakaisang araw."

Romolyo ang mga mata ng dalaga. "Ibalik mo ang phone ko, para maging maayos na ang lahat."

"Walang magiging maayos sa ugali mong ganyan. Kaya hanggat hindi mo naibabalik sa akin ang mga sinira mo, hindi mo makukuha ang phone mo."

May pang-aasar pa rin sa mga tingin ni Jegs, lalo na ang pagngiti niya. Sa pagtatalo ng dalawa, para bang nawala sa isipan ng binata na narito ang kaibigan niya. Nawala ang presensya ni Valen, dahil ang atensyon ni Jegs ay nasa babaeng kaaway niya.

"Anong nangyayari, Jegs?"

Saka lang naalala ni Jegs ang kaibigan nang magtanongi ito. Ibinaling niya ng tingin sa isa pang dalaga.

"Mahabang kwento. Basta lumayo ka sa disaster. Tara sa loob," inilahad ng binata ang daan.

Hindi na kumibo si Iza, nakahalukipkip lang siya habang nakatingin sa dalawa na naglalakad. Tumaas din ang isang kilay nang lingunin siya ni Valen. Unang pagkikita pa lang nila, mukhang may namamagitan na kaagad na galit.

"Hindi pa kasi ibalik ang phone ko."

Nakakabagot ang araw kapag hindi niya nakakaaway si Jegs, pero mas nakakabisit para sa kaniya kapag nakikita ang mukha ng binata. Walang paglagyan.

Sa paglingon ng dalaga sa baybay-dagat, napansin niya ang bangka na pinagsakyan ng tatlo pabalik sa isla. Dito ay nabuhayan siya. Saglit niyang nilingon ang mga kasama at napansin na walang makakakita sa kaniya kung sakali man na aalis siya.

"Manong, manong, wait! Wait manong!" Kinawayan niya ang mga lalaki. Sakto at napansin niyang may dalawang babae na kasabay ang mga ito, kung makakapunta siya ng bayan, baka mas madali sa kaniya na makauwi. Wala man siyang dalang gamit o cellphone, iisip siya ng ibang paraan para lang makauwi sa kanila.

Naisakatuparan ni Iza na makasakay sa bangka papunta sa kabilang isla. Higit limang oras na biyahe, nakakaramdam siya ng gutom, pero pilit na binabalewala ito. Bago makarating sa pampang ng kabilang isla, madilim na ang kalangitan. Sa suot na manipis na sando, napayakap ang dalaga sa sarili matapos maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin.

"Deretsyohin mo lang 'yan, miss. Makakarating ka na sa bayan. Doon mo na lang itanong ang terminal."

"Thank you, manong." Pilit na ngiti ang ibinahagi ng dalaga, nagbabakasakali na hindi na siya singilin pa ng lalaki.

"Bayad mo miss?"

Mariing napapikit ang dalaga at nag-iisip ng ibang paraan kung paano ba niya matatakasan ito.

"Aray..." Napayuko siyang hawak ang tiyan.

"Anong nangyayari sa 'yo, miss?"

"Naiihi na ako, sandali lang kuya. Saan ba ang banyo rito?" Pagapanggap niya.

Hindi nakasagot ang lalaki, inilibot niya ang paningin sa paligid.

"Hindi ako sigurado, banda roon sa kanan, tapos deretsyo ka lang."

"Sandali lang a, naiihi na ako."

"Sandali miss, magbayad ka muna."

Hindi pinansin ng dalaga ang lalaki, napatuloy siya sa paglalakad habang mariin na bumubulong sa saili. Kailangan niyang makatakas, wala siyang kahit na anong pera pambayad sa bangkero.

"Miss, sandali lang." Sa pagtatangka ng lalaki na hawakan siya sa balikat, natigil ito dahil sa isang ale na dumaan sa gitna nila. Sa pagkakataon na ito, nahanap ni Iza ang rason para tumakbo palayo.

"Hoy, miss, sandali!"

Nagpatuloy siyang tumakbo sa lupon ng mga magkakaibigang foreigner. Nagpanggap na parang mga kaibigan niya ito, hanggang sa tuluyan niyang nataguan ang bangkero. Pasulyap niyang pinagmamasdan ang lalaki habang pabalik sa bangka nila.

"Hay, salamat naman." Mariin niyang saad sa sarili, kasabay ang pagbitaw niya ng kampanteng hininga.

Nagsimula na siyang magtungo sa lokasyon na sinasabi ng bangkero. Hindi naman iyon gaanon kalayo sa isla na binabaan nila, kaya narating niya kaagad ang bayan. Ang problem, paano siya makakauwi kung wala manlang siyang pambili ng ticket?

Madilim ang kapaligiran, kakaunting liwanag lamang ng ilaw ang nagbibigay ng sigla sa magulong bayan. Maraming mga tao ang tila ba ngayon lang lumabas ng bahay. May mga turista, mga nagtitinda, at iba't ibang tao na nagmula sa iba't ibang estado ng buhay. Umiiwas si Iza sa mga taong makakasalubong niya, ang iba ay nakakabangga rin siya. Yakap ang sarili habang nag-iisip ng paraan kung paano makakauwi.

"Kung dala ko lang ang phone ko, edi sana nakauwi na ako."

Sa sitwasyong pinili niya, iisang lalaki pa rin ang sinisisi niya.

"Nagugutom pa ako."

Wala siyang ibang kilala, wala ring gustong tumulong sa kaniya.

Nagsimula nang humikbi ang daaga. Marahan din siyang umupo, habang inupunasan ang luha sa mga mata.

"Gusto ko na umuwi." Pauli-ulit na sinasabi sa sarili. Wala siyang pera, walang cellphone, kaya paano niya malalaman ang uuwian niya? Isa pa, hindi niya rin magawang makabalik sa isla na iniwan niya. Baka makita pa siya ng bangkero, at ano pang mangyari sa kaniya.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

381K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...