Living Under The Same Roof

By vennwrites

2.6K 97 11

Adler Galen Lucenzo | Ashira Meshia Guanzon Date Started: September 06, 2022 Date Ended: More

Living Under The Same Roof
PROLOGUE
1
2
4
5
6
7
8
9

3

138 7 0
By vennwrites

"Paano ba 'to?" Mukha akong baliw na kinakausap ang sarili sa loob ng banyo habang nakatapis ang tuwalya sa buo kong katawan.

Hindi ko madesisyunan kung lalabas na ba ako o mananatili pa rito ng ilang minuto. Pinapakiramdaman ko kung wala ba si Galen sa sala nang makapunta na ako sa kwarto na hindi niya nakikita. Hindi pwedeng makita niya ako sa ganitong hitsura! Kung hindi ba naman ako shunga na nakalimutan ang damit na pagbibihisan ko sa loob ng kwarto!

Ba't ba kasi sinalubong ako ng kamalasan ngayong araw?

Napatigil ako sa pagbuntong-hininga nang marinig kong may kumalabog sa labas. Nanggaling ang ingay sa kusina, left side ng banyo. So, nasa kusina si Galen? Kung ganoon, puwede na akong lumabas dahil hindi naman nakatapat ang banyo sa kusina kaya malaya akong makakatakbo diretso sa kwarto.

Bago pihitin ang doorknob, sinigurado ko munang mahigpit ang pagkakatapis ko sa tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Dinala ko na rin ang damit na ginamit ko bago maligo, sinigurado ko pang walang naiwan.

Bumuntong-hininga muli ako para kumuha ng lakas ng loob bago pihitin ang doorknob nito. Nagbigay lamang ako ng maliit na awang na puwede kong pagsilipan sa labas.

Wala si Galen sa sala, wala rin siya sa hallway papuntang kwarto.

Mukhang nasa kusina nga siya.

Kinuha ko iyon bilang oportunidad upang pumuslit papunta sa kwarto.

Dali-dali akong lumabas at tumakbo.

Wala pa yatang sampung segundo ay nasa loob na ako ng kwarto ko.

Nagbuga ako ng malalim na hininga sabay sara sa pinto.

Nagbihis na rin ako kaagad nang makita kung anong oras na. Isang oras na lang ay start na ng first subject ko. Hindi pa ako kumakain, saka bibiyahe pa ako! Kailangan kong magmadali.

Akala ko ay mapapadali ang buhay ko rito kaysa noong nasa dorm pa ako, kung saan kailangan ko pang hintayin matapos maligo ang tatlo kong dormmate bago ako gumayak. Mas hassle pa pala rito kahit pa dadalawa lang kaming gagamit ng buong bahay. Eh, paano? Kailangan ko pang makipagtaguan para lang hindi magkaroon ng interaction sa kaniya dahil hindi ko na kinakaya ang mga kahihiyan na nagagawa ko.

Matapos kong maayos ang sarili ko, naglagay ako ng extra polo croptop sa bag ko para pagbihisan ko mamayang uwian. Balak ko kasing dumiretso sa coffee shop para ituloy ang naudlot kong application kahapon.

Kinuha ko na bag at phone ko.

Balak kong pumasok na at sa cafeteria na lang mag-almusal. Wala na rin naman akong oras para magluto pa. Bukas ko na lang pagsisilbihan ang Galen na iyon nang wala naman siyang masabi sa pagtira ko rito at nang may maganda naman akong magawa, para hindi na lang puro katangahan ko ang naiisip niya.

Pagkabukas ko ng pinto, halos lumundag ako dahil sa gulat.

"Ano ba! Hobby mo bang gulatin ako, ha?"

Nakatayo si Galen sa harap ng pinto habang nakasandal sa wall. Kanina pa ba siya rito? Tila sinasadya niyang hintayin ako sa labas ng kwarto.

So? Anong kailangan niya sa akin?

Nakabihis na rin siya at mukhang ready na ring pumasok dahil nakasabit na sa kaniyang balikat ang black shoulder bag nito. In fairness, ang expensive niyang tingnan sa maroon uniform and slacks na suot niya. Well, rich kid naman talaga siya, literal.

Poker face lang ang mukha nitong humarap sa akin. Iniabot nito ang kaniyang kamay na parang may hinihingi mula sa akin.

Ha?

Paano ko malalaman kung anong gusto niyang hingin kung hindi siya magsasalita?

Binigyan ko siya ng confuse look.

"My brown envelope."

Tatlong salita lang iyon pero parang labag pa sa loob niya magsalita.

"W-Wait," ani ko.

Pumasok akong muli sa kwarto at nagdiretso sa bookshelves na nasa tabi ng study table. Kinuha ko roon ang siningit kong envelope sa mga libro. Mabuti na lang at hindi ko ito tinapon dahil sa inis pagkatapos akong sabihan nu'ng manager ng coffee shop na balik na lang ako kapag maayos na ang desisyon ko sa buhay.

Bumalik ako sa harap niya saka iniabot sa kaniya ang envelope na hinihingi niya.

Agad niya naman itong kinuha.

Hindi agad siya umalis. Binuksan niya mismo sa harap ko ang envelope na iyon. Tiningnan niya ang mga nakagay na papel sa loob nito.

Anong akala niya? May kinuha ako roon?

Aanhin ko naman, aber?

Nang masigurado niyang wala ni isang nawawala sa gamit niya, sinarado na niya ito.

Bago siya humakbang, may hinabol pa akong tanong. "Ikaw ang nag-drawing at nag-design niyan?"

Hindi man lang siya tumigil at harapin ako upang sagutin ang tanong ko. Tinuloy niya ang paglalakad palayo sa akin.

"Isn't obvious?"

Sungit.

Nagsisi tuloy akong nagtanong pa ako. Ano ngayon? Nagmukha na naman akong engot sa paningin niya. Eh, talaga naman kasing obvious na siya ang nag-drawing at nag-design nu'n dahil in the first place, sa kaniya iyon. Isa pa, based sa suot niyang uniform, isa siyang Archi student. Malamang sa malamang, pag-drawing at pag-design ng bahay and other infrastructures ang ginagawa sa kurso na iyon!

Naiwan akong nakatayo sa kinaroroonan ko hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto.

Sumilip ako at saktong nakalabas na mula sa condo si Galen.

Siguro ay eight to nine o'clock din ang first subject niya.

Sinadya kong mag-stay muna sa loob ng condo kahit ilang minuto lang nang sa gayon, hindi ko siya makasabayan sa elevator at pati na rin sa pagsakay if ever na mag-commute man siya.

Nang mapakiramdaman ko namang nakalayo na si Galen, lumabas na rin ako.

May ilang estudyante akong nakasabay sa elevator, taga-ibang Universities nga lang. Bakas sa kanila na galing sila sa mga mayayamang pamilya. Halata naman, dahil afford nilang mag-stay sa well-known condominium na ito.

Pagkababa ko sa first floor, binilisan ko nang maglakad palabas. Mga sampung minuto rin ang kailangan kong lakarin papunta sa bus stop. Puwede namang magpara na ako ngayon ng taxi pero mas prefer ko ang bus dahil mas mura ang pamasahe.

Pakarating ko sa bus stop, ang siya namang pagdating ng bus.

Siyempre, nakipag-unahan ako para maka-secure ng upuan.

Hindi ko naman naging problema ang bus na sinakyan ko dahil nakiayon naman ang bilis ng pagpapatakbo ni Manong driver.

Malapit lang sa highway ang University namin kaya pagkababa ko mula sa bus, kailangan ko lang tumawid at ilang hakbang lang ay nasa harap na ako ng gate.

Akmang papasok na ako sa gate nang may sumigaw sa pangalan ko. "Asheng!"

Lumingon ako sa gilid ng gate. Doon ang waiting area ng mga estudyante na ayaw pang pumasok hangga't hindi pa dumarating ang kanilang kasabay.

Maraming estudyante akong kasabayan sa pagpasok kaya imbes manatiling nakatayo sa gitna ng daanan, mas pinili kong tumabi na muna.

Hindi na rin naman ako nag-aksaya ng oras sa paghahanap sa taong tumawag sa akin dahil siya na mismo ang lumapit sa akin.

"Jervy?"

Sinalubong niya ako ng isang ngiti.

"Tagal mo," pagrereklamo nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Hinintay mo ako?"

Halata naman na ang sagot pero gusto ko pa ring malaman ang sagot mula sa kaniya. Mas nakakakilig kaya kapag na-justify 'yong bagay na in-a-assume mo.

"Yes. I waited for almost thirty minutes," he answered.

Napakagat ako ng labi para mapigilan ang pagngiti.

Pinilit kong iwala ang kilig na nararamdaman ko.

"At ano namang nakain mo, ha?"

Kilala ko siya. Mabilis lang siya mainip kaya wala siyang mahabang pasensya para maghintay kahit wala pang isang oras. Kaya nakakapagtaka na nag-effort pa siyang maghintay rito sa labas kasama ang ibang mga estudyante.

Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Sabi ko naman sa 'yo, babawi ako."

I smiled. Hindi ko na napigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking labi.

"So, ibig sabihin ba nito ay sasamahan mo rin ako mamayang uwian sa unang araw ko sa trabaho?" paninigurado ko.

"Why not?" Hindi nito inalis ang pagkakatitig sa akin mga mata.

Mas lalo akong napangiti. "Tara na nga!"

Bago pa kami makaalis sa waiting area, napansin ko ang mga ibang estudyante na nagbubulungan. Idagdag pa ang kanilang ma-isyung mga tingin.

Akmang maglalakad na sana kami ni Jervy papasok nang may dalawang estudyante ang humarang sa aming dadaanan. Based sa suot nilang uniform, parehong Educ students silang dalawa.

"H-Hello, J-Jervy!" Hindi maitago ng babae ang kaba sa kaniyang pananalita. Hindi rin ito makatingin nang diretso sa katabi ko.

"Yes?" nagtatakang tanong ni Jervy.

Naghintay rin kami ng ilang segundo sa gustong sabihin ng dalawang estudyante na nasa harap namin ngayon.

"Uhm, I just want you to know that I like you, I mean we . . ." Tinuro ng babae ang kasama niya. "We like you," matapang na ani nito.

Napayuko ang kasama niyang babae dahil siguro sa hiya. Napansin ko pang namula ang pisngi nito. Halata sa kanilang dalawa na pareho silang pa-sweet girl, iyong girly na medyo mahinhin, ganoon pero despite that look, they have enough courage to confess their feelings.

Hindi ko in-expect ang tinuran niya kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanila ng kasama niya. Wala rin naman ako sa posisyon para mangialam o magsalita man lang.

Kaso hindi rin makapagsalita si Jervy. Hindi ko alam kung nabibigla pa ba siya sa ganitong klaseng confession. Dapat ay sanay na siya, sa dami ba naman ng nagkakagusto sa kaniya.

Upang mawala ang katahimikan sa pagitan namin, muling nagtanong ang babae.

"Gusto lang naming malaman if you're already into someone?" Pagkatapos niyang tanungin 'yon, pinasadahan niya ako ng tingin.

So, para saan ang tingin na iyon?

Hindi na rin nakatiis iyong isang babae, pati siya ay nagtanong na rin. Ang tanong na iyon ang nagbigay sa akin ng halu-halong emosyon. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o na-e-excite sa isasagot ni Jervy.

"Kayo na ba ni Ashira?"

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 441 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
392K 10K 47
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) That sexy maid.
12.1K 290 55
Si Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kay...
392K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...