Never Cry Murder

Serialsleeper által

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? Több

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 14: What really happened?

59.3K 3K 551
Serialsleeper által

Note : Italicized parts are flashbacks :)

14.

What really happened?

Third Person's POV

"Ecleo kahit ako pa ang Crimson Ripper, hindi parin ako ang gumahasa sa kapatid mo! Hindi naging biktima ng Crimson Ripper ang kapatid mo! Pinagmukha lang siyang isa sa mga biktima ng taong toong gumawa nun sa kapatid mo—ang principal!" Umiiyak na pag-amin ng matandang gurong duguan at basang-basa na ng ulan.

 

"Ecleo! Ecleo Tulungan mo ako!" Pagmamakaawa naman ni Zepp na duguan at takot na takot habang nakatali sa isang puno.

 

"Oo inaamin ko, ako ang pumatay sa Principal pero hindi ko sinasadyang may ibang matamaan at madamay! Ginawa ko lang ang dapat matagal ko ng ginawa!" Giit ng guro na bakas ang sinseredad sa bawat salitang binibitawan.

 

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ni Ecleo. Hindi niya inasahan ang katotohanang natuklasan. Nagulat siya dahil ang lahat ng mga pinaniniwalaan niya ay isa lang palang malaking kasinungalingan. Gaya ng iba, naloko siya ng taong lumapastangan sa kapatid niya.

 

"B-bakit mo ginagawa to?" Nauutal na sambit ni Ecleo habang hawak parin ang baril na nakatutok sa guro.

 

"Kasi kung hindi, sino?" Makahulugang sambit ng guro dahilan para maiyuko ni Ecleo ang kanyang ulo at mapapikit na lamang.

 

Humahagulgol na sinubukang magpumiglas ni Zepp, "Ecleo please! Parang awa mo na! Tulungan mo—" Hindi na natapos pa si Zepp sa pagsasalita dahil sa gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang unti-unting pagtalikod ni Ecleo mula sa kanya.

"Ecleo?" Lalong napahagulgol si Zepp, "Ecleo tulungan mo ako! Parang-awa mo na! Wag mong gawin 'to!"

Nagising si Ecleo na humahangos. Napatingin siya sa orasang nasa gilid lamang niya at nasapo niya ang ulo nang makitang madaling araw pa.

Napaupo na lamang siya sa kama dulot ng napanaginipang alaala ng nakaraan. Para tuluyang mawakli ito sa isipan ay nagtungo na lamang siya sa kusina at kumuha ng tubig mula sa ref.

"Maraming salamat." Walang emosyong sambit ni Sir Monterro kay Ecleo na siyang kasalukuyang nagmamaneho sa sasakyang inihanda niya sa pagtakas.

 

Napahawak na lamang si Ecleo ng mahigpit sa manibela, "Wala akong ginawa. Wala kang dapat ipagpasalamat." Walang emosyong sambit ni Ecleo saka napasulyap na lamang sa rearview mirror upang tingnan ang kalagayan ng duguan at walang malay na si Sisa na nasa likurang bahagi ng sasakyan.

 

"Mabuti siyang tao kahit kakaiba siya kung kumilos at magsalita. Tinurukan ko lang siya ng pampatulog. Wala kang dapat ipag-alala. Galos at bukol lang ang tinamo niya." Biglang sambit ng guro dahilan para mapabuntong-hininga ang naguguluhan at hirap paring makapag-isip na si Ecleo.

 

"Ginagawa lang natin ang tama. 'Wag kang magpapa—" Hindi na natapos pa ng guro ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang inihinto ni Ecleo ang sasakyan.

 

"Hindi mo ba ako narinig?! Wala akong ginawa! Hindi ako kagaya mo! Hindi mo ako kasabwat!" Pagdidiin ni Ecleo na nanlilisik na ang mga mata. Dahil dito ay napabuntong-hininga na lamang ang guro saka tumango.

 

"Teka, kung hindi ikaw ang Crimson Ripper, sino ang pumapatay?" Biglang bulalas ng naguguluhan paring si Ecleo.

 

Hindi kumibo ang guro na tila ba ayaw na niya itong pag-usapan pa. Sumulyap lamang ito sa kanyang relo.

 

"Tuturukan kita ng pampatulog. Ibababa ko kayo ni Sisa sa ospital. Kakalimutan mo ang nangyari at sasabihin mong wala kang ibang naalala bukod sa pagkakabangga ng sasakyan." Maotoridad na sambit ng guro.

 

"Teka sandali! Sino ang Crimson Ripper?!" Muling giit ni Ecleo.

 

"Hijo 'wag kang makikialam—'wag na kayong makikialam. Hindi ang Crimson Ripper ang dapat mong katakutan. Kung ayaw mong madamay o ang pamilya mo, lumingon ka sa ibang direksyon. Wala kang ideya sa kaya nilang gawin. Wag na kayong makikialam pa." Giit naman ng guro.

 

"Kung ganun sino?" Tanong pa ni Ecleo.

 

"Ang Programa..." Napatingin na lamang ang guro sa kawalan. Muling napabuntong-hininga ang guro at nasapo ang kanyang ulo, "Mabait si Zepp sa paningin nila kaya isang malaking kasalanan sa kanila ang nagawa ko. Dahil sa nagawa ko, hahanapin nila ako at paparusahan kaya ngayon pa lang lalayo na ako at magtatago. Ecleo mas ligtas kayo kung wala kang alam sa nangyayari sa lugar nato."

Marahas na naibato ni Ecleo ang hawak na baso nang muli na namang pumasok sa isipan niya ang alaala ng nakaraan.

Hindi na niya alam anong gagawin kaya isinuot na lamang niya ang itim na t-shirt at kinuha ang susi ng motorsiklong nasa ibabaw ng motorsiklo niya.

Mag-isa lamang si Ponzi sa pasilyo ng ospital kung saan naroroon ang Vending Machine. Matapos makabili ng kape ay babalik na sana siya sa kinaroronan ni Sisa nang mapansin ang pagdating ni Ecleo.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong sambit ni Ponzi nang salubungin ito.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Kamusta si Dustin?" Nag-aalalang sambit ni Ecleo.

"Hindi pa siya nagigising. Teka, kelan pa kayo naging magkaibigan?" Kunot-noong sambit ni Ponzi.

"Asan si Sisa?" Pag-iiba ni Ecleo ng usapan dahilan para lalong maguluhan si Ponzi.

"Andun." Sagot na lamang ni Ponzi.

Nang masiguradong walang ibang nakakarinig sa kanila ay muling nagsalita si Ecleo, "Ponzi may kakaibang nangyayari sa lugar na'to. Hindi ko naiintindihan pero isa lang ang nasisiguro ko, ibang tao ang gumawa nun sa kaibigan ni Sisa. Malakas ang kutob kong hindi iyon gawa ng Crimson Ripper." Giit ni Ecleo.

"Ano? Teka pre, ipaliwanag mo nga ng maayos?!" Kunot-noong sambit ni Ponzi.

"Tumigil na tayo sa paghahanap ng katotohanan. Wala na 'tong patutunguhan kundi kapahamakan lang. Hindi ko rin maintindihan pero ang mahalaga mailayo mo si Sisa sa lugar na'to dahil ito lang ang paraan para tumigil siya sa pangingialam. Hindi natin alam kung ilan o sino talaga ang mga demonyo sa lugar nato kaya bago pa man lumala ang lahat, lumayo ka na sa lugar nato at ilayo mo na si Sisa dito. Hayaan mo na ang pulis na lumutas nito." Paliwanag ni Ecleo kaya naiwan lamang sa kinatatayuan si Ponzi na labis ang pagkalito.

Inihinto ni Ecleo ang kanyang motorsiklo sa isang gasolinahan. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan niya.

"Sir okay lang kayo?" Biglang tanong ng isa sa mga trabahador kaya tumango-tango na lamang si Ecleo.

"Andiyan na naman si Manang. Sitahin niyo nga 'yan, mamaya tayo na naman ang mapagalitan ni Boss pag nakita niyang may nakadikit na naman na missing posters diyan." Narinig ni Ecleo na nagreklamo ang isa sa mga cashier.

"Hay, ba't ba kasi di niya matanggap na naglayas ang anak niya? Ang alam ko may pagka-talandi  yung anak niya eh, naging kaklase ko yun noong third year highschool ako." Sabi naman ng isa pa dahilan para sundan ni Ecleo ng tingin ang ginang na nagdidikit ng mga poster sa daan kahit na umagang-umaga pa.

"Pero grabe, dalawang taon na niyang ginagawa yan diba? Halos araw-araw siyang namimigay at nagpapakalat ng posters. Kawawa naman, asan nga kaya talaga ang anak niya? Hindi kaya nabaliw na yang si Ale?" Sabi pa ng isa.

Nakita ni Ecleo na nagtungo sa isang Karinderya ang ginang at sa di malamang dahilan ay sinundan niya ito.

Hindi maiwasan ni Ecleo na makaramdam ng awa nang makita niyang imbes na kumain ng agahan ay nagtungo lamang ang ginang dito upang mamigay ng missing posters at magtanong.

"Hijo nakita mo ba ang anak kong si Ada?" Hindi nakapagsalita si Ecleo nang maging siya'y bigyan din ng poster ng matanda. Awang-awa siya rito lalo na't minsan naring nawala ang kanyang kapatid matapos itong magahasa. Naalala niya ang pinagdaanan ng pamilya niya.

Hindi alam ni Ecleo anong sasabihin. Minsan na rin kasi niyang naging kaklase si Ada kaya kilala niya ito.

"Hijo pag makita mo siya sabihin mo agad na bumalik siya sa bahay ah?" Nakangiting sambid ng ginang na tila ba wala na sa sarili.

Ngumiti na lamang ng tipid si Ecleo at kinuha ang iilang mga poster na hawak ng ginang, "Tulungan na po kitang maghanap."

"Naku 'wag na. Baka gaya nila, magsawa ka ring tumulong sa paghahanap. Mas mabuting ako na, nag-iisang anak ko to eh. Di ako titigil sa paghahanap." Giit ng ginang pero hindi binitawan ni Ecleo ang mga papel.

Muling ngumiti si Ecleo at tumango-tango, "Tutulong rin po ako sa paghahanap sa kanila... Pangako."

***

Bago pumasok sa ospital ay kinuha muna ni Ecleo ang cellphone mula sa bulsa niya upang makausap ang mga magulang na naghihintay sa kanya.

"Pa, baka po matatagalan pa ang alis ko dito sa Crimson Lake. May research project po kasi na binigay sa akin bilang requirement." Pagsisinungaling ni Ecleo sa amang nasa kabilang linya.

"Ganun ba? O sige hijo mag-ingat ka diyan." Tugon ng kanyang ama.

"Pa, paano po kung may nagawa akong isang malaking kasalanan? Mapapatawad niyo po ba ako?" Biglang tanong ni Ecleo.

"Anong ibig mong sabihin? Teka anak? Nag-drugs ka ba?" Aligagang tanong ng kanyang ama kaya bahagyang napangiti si Ecleo at naiyuko na lamang ang kanyang ulo.

"Wala po akong ginawa." Makahulugan niyang sambit.

"Mabuti naman kung ganun. Alam mo ang mga magulang handang gawin ang kahit na ano para sa anak. Napakaliit ng kapatawaran sa kung anong kayang gawin ng magulang para sa kanyang anak." Paliwanag pa ng kanyang ama kaya mistulang gumaan ang kalooban ni Ecleo.

****

"Ecleo? Long time no see ah?" Nakangising sambit ni Dustin nang dumating si Ecleo sa kwarto niya.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noong huli tayong nag-usap?" Tanong ni Ecleo kaya agad nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

"Inuusig ka na naman ng konsensya mo sa nangyari kay Zepp?  Tangina pre, ganyan talaga yan. Welcome to the club. Nakikita mo na ba si Zepp?" Biro na lamang ni Dustin, "Umamin ka nalang kasi sa mga pulis habang maaga pa. 'Wag kang gumaya sa akin." Dagdag pa nito habang pinupunasan ng tela ang urn kung saan nakalagay ang abo ni Tammy.

"Yung tungkol sa Programa..." Giit ni Ecleo kaya nakunot ang noo ni Dustin.

"Ulol, wala ka namang pinaliwanag tungkol dun eh. Wala akong naintindihan. Ano ba yang programang yan?" Tanong na lamang ni Dustin.

"Hindi ko din alam pero malakas ang kutob kong may kinalaman ang programa sa pagkawala nila Sisa at Ada." Bulalas ni Ecleo dahilan para agad na mawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang sambit ng walang emosyong si Dustin.

"Hindi mo ba alam? Nawawala si Sisa." Sabi pa ni Ecleo

END OF CHAPTER 14.

Note: Andami pang questions but no worries guys, it will all be answered eventually :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Olvasás folytatása

You'll Also Like

9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
Fear Thy Pact bambi által

Rejtély / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
Our Deadly Pact bambi által

Rejtély / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...