Save the Best for the Least

By PrincessThirteen00

5.2K 512 251

After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to hi... More

A
Save the Best for the Least
Prologue
Chapter 1: Almost
Chapter 2: Aftermath
Chapter 3: Amnesia
Chapter 4: Always
Chapter 5: Arch
Chapter 6: Attention
Chapter 8: Afford
Chapter 9: Adore
Chapter 10: Argue
Chapter 11: Addicting**
Chapter 12: Abandon

Chapter 7: Acknowledge

268 33 4
By PrincessThirteen00

***

"A-ANO?" Anaise asked in disbelief as she stared at her best friend. Hindi nga siya nagkamali sa narinig na tanong pero hindi pa rin niya inaasahan na itatanong ng binatilyo iyon sa kaniya. "Ano naman klaseng tanong 'yan, Cal?"

"I just want to know, okay? May masama ba sa tanong ko?" Calyx raised a brow at her, trying to keep his cool as he stared at the beauty sitting close to her.

"I think . . . wala na sa 'yo kung may gusto ako sa kaniya o wala, 'di ba? Nanliligaw siya at"—Nagtaas ng hintuturo si Anaise malapit sa mukha ni Calyx—"ako ang nililigawan, hindi ikaw."

"I . . . " Napalunok si Calyx sa narinig na katotohanan. "I'm just looking out for you, Anaise. 'Di ba best friend mo 'ko? I should have a say in it."

Anaise rolled her eyes at him, still in disbelief. "Again, hindi ka naman nakinig sa akin noong binalaan na kita tungkol kay Alessa. Pero what did you do? You still acted on the whim, 'di ba? I hope you're not acting this way just because you don't like Archie. He's a good guy. You simply  need to know him better." Sumandal si Anaise at pinagkrus ang mga braso. "Mag-drive ka na. Gusto ko nang umuwi."

Napabuntonghinga si Calyx dahil sa pinagtapusan ng kanilang pag-uusap. Naaalala niya noon, mahaba ang pasensiya ni Anaise, ngunit kapag nawalan ito ng amor sa kausap, tatapusin ni Anaise kung ano man ang topic sa purong katahimikan. Umabot na minsan sa punto na hinayaan na lamang ni Calyx na balutin ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa dahil sa paglipas ng ilang sandali ay nagiging okay naman sila agad ni Anaise.

Perhaps it was one of the perks and advantages of being best friends since birth; they knew each other well. But it was also a significant disadvantage since they had been separated for a while.

He felt enstranged with Anaise. Parang si Anaise pa rin ang matalik niyang kaibigan ngunit dama niya na marami na rin ang nagbago a pagitan nila. 

Calyx didn't attempt to break the silence between them. Balak pa sana niyang ipasyal ang dalaga ngunit mas malakas ang kutob niya na mas kabisado pa ni Anaise ang lugar. Siya naman ang hindi pamilyar doon.

Hindi pa rin niya nakakausap nang maayos ang mga magulang buhat nang malaman niya ang sinapit ni Anaise. Maaga siyang umalis ng mansiyon at gabing-gabi na nang makauwi. Sa parehong pagkakataon, tulog na ang mga tao sa mansiyon.

Pagsapit nila sa harap ng mansiyon ng mga de Torres, napansin nila ang guwardiya na binubuksan ang gate. Sinilip ni Calyx si Anaise at pansin na salubong ang noo nito. Mukhang wala itong ideya sa nangyayari.

Pinarada ni Calyx ang sasakyan at agad bumaba si Anaise na hindi nagpapaalam. Nagmamadali naman na sumunod si Calyx at halos makalimutan pa ang pagsasara ng bintana ng sasakyan upang masundan si Anaise. Humahangos ang dalaga nang tumuloy sa mansiyon. Hinayaan din si Calyx na sumunod dahil kilala na rin ito ng guwardiya.

"Mom? Dad?" malakas na pagtawag ni Anaise pagpasok pa lang sa main door ng mansiyon.

"O, anak! You're here already?" Lumapit si Anaise at nagmano kay Vivian. Pababa naman ng hagdan si Lucas na dala ang baby bag ni Amelie. "Akala ko may date pa kayo ni Archie?"

"Sinundo po ako ni Cal sa university," ani Anaise at nilapag ang bag sa upuan.

"Hi, Tita!" Nagmano rin si Calyx sa ginang at binigyan din siya ng tapik sa balikat.

"Aalis ba kayo, Mom? Bakit bihis na bihis kayo ni Daddy at"—Tinuro ni Anaise ang baby bag na dala ni Lucas—"may bag kayo ni Amelie. Wala naman siyang check up today, 'di ba?"

"Kailangan lang namin pumunta sa kompanya. E ayaw naman namin na putulin ang date n'yo ni Archie kaya isasama na lang namin si Amelie," plaiwanag ni Vivian.

Calyx remained silent from behind. Hindi niya nagustuhan na parang boto sila kay Archie para hayaan si Anaise na makipag-date sa binata. It seemed as though they were giving Archie their blessings to date Anaise already.

"Ako na lang po ang bahala, Mommy. Nandito naman na 'ko."

"Sigurado ka ba, 'nak?" nag-aalalang tanong ni Lucas. "Gusto mo ba na magpatawag ako ng makakatulong sa 'yo sa pagbabantay? Wala naman kaso sa amin ng mommy mo na bantayan si Amelie."

That sounded a little off with Calyx. Kapatid naman ni Anaise si Amelie at hindi naman parang bata si Anaise para hindi pagkatiwalaan sa pag-aalaga ng bata. Marahil ay nais lang makasigurado ng mga magulang nila.

"T-tito, Tita . . . " Calyx interrupted, and all three turned in his direction.

"You're here?" nakataas ang kilay na tanong ni Lucas. It seemed like his father's best friend didn't even acknowledge his presence until he spoke.

"Bakit, hijo?"

"Ako na lang po ang tutulong kay Anaise sa pagbabantay kay Amelie kung gusto n'yo. Wala naman po akong plano ngayong hapon," pagpepresinta niya.

"No!" sabay na sagot nina Anaise at Lucas na lubhang kinagulat ni Calyx. Bakit kontra ang mag-ama na samahan niyang bantayan si Anaise? Hindi ba siya mukhang mapagkatitiwalaan?

"I think that's a great idea!" kasabay na usal naman ni Vivian na nangibabaw sa naging sagot ng mag-ama. "We'll just be away for an hour or two, then babalik kami agad ng Tito Lucas mo. Wala ka talagang pupuntahan, Cal?"

Umiling si Calyx. "Wala po, Tita."

"That's great! Bibili na lang kami ng pasalubong on the way," aniya at saka lumingon sa asawa. "We need to go, hon. Sila na ang bahala kay Amelie."

Calyx could see how unpleased his Uncle Lucas was. Mukhang kung hindi dahil sa Tita Vivian niya ay hindi siya hahayaan ng matanda na manatili roon. 

"'Pag nagkaproblema kay Amelie, tawagan n'yo lang kami."

"Pero—" kokontra pa sana si Lucas ngunit nahila na siya ni Vivian palabas ng bahay.

In the end, Anaise and Calyx were dumbfounded by how fast things suddenly happened. Basta ang alam lang nila, kailangang bantayan si Amelie.

"Anaise . . . " Calyx called before he saw Anaise taking a deep breath. She turned to him, and her hair swayed smoothly like a dance.

"You can go. Kaya kong bantayan si Amelie," nakangiti niyang usal.

Huminga nang malalim si Calyx. "I promised your parents, Anaise. Huwag ka nang magtampo r'yan."

Nilingon siya ni Anaise bago inirapan. "Wala akong alam d'yan sa sinasabi mo. Umuwi ka na lang. O 'di kaya, hanapin mo si Alessa o ang ibang babae na gusto mong patulan. Wala ka naman maririnig sa akin!" Akmang kukuhanin ni Anaise ang baby bag na binaba ni Lucas sa couch nang matapilok siya sa carpet na nasa harap nito.

"Shit!"

Mariin na pinikit ni Anaise ang kaniyang mga mata. Hinihintay ang impact ng kaniyang ulo sa sahig. Ngunit ilang segundo ang nakalipas at hindi nabagok ang ulo niya. At nang magmulat siya, nakapaibabaw si Calyx sa kaniya.

Nag-angat ng tingin si Anaise at ubod nang lapit ng mukha ni Calyx sa kaniya. Nakasuporta ang kamay ng binata sa kaniyang ulo kaya hindi siya nabagok sa sahig. Their faces were so close that both could feel their breaths up close.

"Ayos ka lang ba?" Calyx was catching his breath as he spoke.

Tumango-tango si Anaise at napalunok. Calyx had always been agile since he was an athlete, but she was surprised and impressed that he had not lost his touch. He was still unbelievably quick!

Huminga nang malalim si Calyx at napapikit. Halos magdikit din ang kanilang mga noo. Kapwa nagpipigil sila sa paghinga at pilit kinakalma ang tibok ng kanilang mga puso dahil sa kanilang distansiya.

Nang mag-angat ng tingin si Calyx, doon niya mas napagmasdan ang mukha ni Anaise. Katulad nang makita niyang muli ang dalaga—o kahit noon pa man na mga bata sila—hindi niya maikakaila na maganda si Anaise.

What made him not fall for her in the first place? Was it because they were childhood friends? Was it because of Alessa? Was it because of their families? He wasn't sure. 

But what he was sure of was that he was not going to blow off this second chance with him.

Maybe this time . . . perhaps . . . he could put a name to the eerie feeling occupying his chest that he had long locked away. Baka ngayon, hindi na siya maaari pang maging ignorante sa kaniyang nararamdaman. Wala na siyang ibang pagkakataon pa kung 'di harapin ang lahat.

Aminin? Ano ba'ng dapat niyang aminin? At kanino? Sa pamilya nila? Kay Anaise? O sa kaniyang sarili? Hindi siya sigurado roon. Pero ang nasisiguro niya ay hindi niya hahayaan na mapunta lang kung kanino si Anaise.

Calyx cleared the lump in his throat as he started at the beauty beneath her. He was mesmerized and had thought of kissing those lips . . . again. Bumaba ang mukha ni Calyx at kapwa pimikit na silang dalawa. Bago pa man lumapat ang labi nila sa isa't isa, naramdaman ni Calyx na biglang tinakpan ni Anaise ang bibig niya.

"I-I'm sorry, Cal. Mali 'to."

"Anaise . . . "

Napatakip din ng kaniyang labi si Calyx nang mapagtanto ang nangyari. He was just about to kiss his childhood bestfriend.

His drunken memories from that time arose. Hindi man ganoon kalinaw sa kaniyang alaala ang mga nangyari, hindi inaalis niyon ang katotohanan na minsan na silang nagkatabi.

Patunay na rin noong mga sandaling iyon ang naiwang marka sa kama ni Anaise at ang pagkakahuli sa kanila nina Lucas at Vivian. Hinahanap siya ng mga magulang dahil hindi siya umuwi nang gabing iyon.

Hindi maintindihan ni Calyx kung bakit biglang pinaalala sa kaniya ang mga oras na iyon. Nakaraan na at gusto na lang niyang bumawi sa kababata.  Hindi man niya maitatama ang nakaraan, may pagkakataon naman siyang ayusin ang kasalukuyan at hinaharap.

Magsasalita pa sana si Calyx upang mabura ang awkward na katahimikan na namayani sa pagitan nilang dalawa nang biglang nagulat sila sa pag-iyak ni Amelie mula sa kabilang silid-tulugan. They both chuckled. It seemed like Amelie knew they were in an awkward situation and needed help to get out of it.

***

Please don't forget to support by voting and leaving comments! Mas naka-i-inspire po magsulat 'pag may mga aktibo na sumusuporta! Thank ü!

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...