"I'll be right back once I closed the deal," assurance ni Aries kay Haven at hinalikan ito sa mga labi.
Tutungo na kasi ulit ito sa America at may aasikasuhin lang daw ito.
Iyon na raw ang huling pagpunta ni Aries overseas at magfo-focus na lang daw ito sa kanya at sa nalalapit na kasal nila pagbalik nito.
"Mag-ingat ka lagi 'dun," tipid ang ngiti na sabi niya.
Ngumiti ito. "Alam mo bang napakasarap pala ang pakiramdam ng may nag-alala sakin?"
"Syempre naman asawa kita at asawa mo ako,"
Ngumiti ito sa sinabi niya. "When I come back, get ready because we'll make love the whole day!"
Kinurot niya ito sa tagiliran na ikinatawa nito. "Kahit kailan talaga yan na lang lagi ipinagduduldulan mo sakin, hmp!"
"Paano kasi lagi mo na lang akong inaakit."
"Aba, mister hindi kita inaakit, ikaw tong kusang naaakit!" she said and roll her eyes.
Tumawa naman ito sa sinabi niya.
"Sort of."
"Sige na umalis ka na!" kunwari pinagtabuyan niya ito.
"I still don't want to leave you.
Sumama ka na kasi." umit nito at pinagsalikop ang dalawang kamay nila.
They really felt the love for each other.
"Ano ka ba baka hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo dun kung sasama pa ako sayo, atsaka magiging busy ka lang din 'dun, makaka-distract lang ako."
Huminga ng malalim si Aries.
"Hindi pa ako nakakaalis pero namimiss agad kita,"
Inayos niya ang kwelyuhan ng polo nito. "Dalawang araw ka lang namang mawawala." natatawang sabi niya.
"Pero ang dalawang araw na hindi kita makikita malaking torture na iyon sa akin,"
Pano naman kasi gabi-gabi siyang inaangkin ni Aries.
"Edi, tawagan mo ako kapag hindi ka na busy I'll wait your call! Basta ba no woman involve 'dun sa pupuntahan mo."
Hinawakan nito ang tungki ng ilong niya. "Sweetheart, I won't ever do that to you. Ikaw nga itong kinatatakutan kong iwan baka aaligid na naman sayo si Vince."
Natawa siya sa sinabi nito na hanggang ngayon pinagseselosan pa rin nito si Vince. Since nakaperma sila ni Aries ng kontrata kay Vince kaya tuloy-tuloy pa rin ang negosasyon nila dito.
"Ano? Hindi pa ba tapos ang drama niyo? Kanina pa kami inip na inip dito." maktol ni Chloe sa kanila na nasa loob na ang magkakapatid sa helicopter na maghahatid sa mga ito sa airport ng Manila.
Sabay-sabay na kasing babalik ang mga ito sa America. Limang araw din ang ginugol na bakasyon ng mga ito simula nung party.
Nakapag-paalam na din ang mga ito sa kanya at ayon nga si Aries na lang ang hinihintay ng mga ito para makaalis na.
"Ei, kung dalhin na kaya natin 'yang asawa mo." sabi ulit nito.
"Chloe, let them. Distances really matter. I miss my boyfriend too." si Tasha.
"Dude, come on, hurry up. I have someone to meet too." si Horace.
"Shut-up!" bulyaw ni Aries sa mga ito. "Can't you guys see? We're still busy talking here." inis na wika ni Aries.
Natatawa na lang siya sa mga ito.
"Don't mind them," sabi ni Aries.
"Sige na pumunta ka dun inip na inip na sila. Magkikita pa naman tayo pagbalik mo." pagtataboy niya kay Aries.
Muli isang mabigat na buntong -hininga ang pinakawalan nito bago siya hinalikang muli sa mga labi.
"Why, I have this feeling na hindi kita maaabutan dito pagbalik ko,"
Nangunot-noo siya sa sinabi nito.
"Guni-guni mo lang iyan. Hindi naman ako aalis ng mansion saka na lang pagbalik mo! Basta ba may pasalubong ako, hmp!" doon na ngumiti si Aries.
"Of course, wife! Just promise to wait for me."
Tumango-tango siya sa sinabi nito.
"Alright, I gotta go, I love you." sabi nito at muli nitong halikan ang mga labi niya.
"I love you too and take care." nakangiting tugon niya bago tuluyang pumasok ito sa chopper.
Lumayo na siya dito ng umandar na ang iyon at malungkot na tinatanaw na lang ni Haven ang asawa papalayo.
Ewan niya pero nami-miss agad niya ito.
She sighed heavily.
Sana mapabilis ang trabaho nito doon at ng makabalik agad ito ng Pilipinas.
Tinungo na muna niya niya ang Pavilion at sinariwa niya ang mga alaala sa kanya noong unang tungtong niya doon. Noong hindi pa maayos sa pagitan nila ni Aries.
Napangiti siya nang maalala ang mga iyon. Isa na lamang talaga na alaala iyon na kailanman nakatatak na lang sa kanya.
Possible pala na magkagusto sila sa isa't-isa. Isa na lang talaga ang problema ni Haven ay ang pagsasabi niya kay Aries ang totoo na siya si Emi.
"It seems that he is going by far..." napalingon si Haven nang marinig ang boses na iyon..
He was referring to Aries.
"AL..." mahinang bulong niya sa pangalan nito.
Hindi niya alam pero nakaramdam agad siya ng takot dito.
Pinasadahan niya ito ng tingin. Kuhang-kuha din talaga nito ang itsura ni Aries. Pero alam ni Haven na hindi si Aries ang kaharap niya.
"It's been a while since the last time I talked to you."
Pakiramdam ni Haven may hindi magandang gawin sa kanya si AL kahit nakakausap niya lang ito.
"W-wala naman dapat tayong pag-uusapan." she said casually.
Napaatras siya nang unti-unti itong lumalapit sa kanya.
Wala naman sigurong masamang gagawin ito dahil nasa loob sila ng msnsion?
"Why do I have this feeling that you're afraid of me?"
"Yeah, you're right takot pa rin ako hanggang ngayon dahil naaalala ko pa rin ang ginawa mo sakin noon." asik niya na nakataas ang isang kilay.
Ngumisi ito. "Kaya kong higitan si Aries and I can be your husband substitute. Bakit hindi ka sumama sakin? I am way better than your husband."
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Ibang-iba na talaga si AL hindi na ito ang batang nakasama nila noon. A sweet and caring pero kabaligtaran na iyon ngayon.
Dahil sa sinabi nito nagningkit ang mga mata niya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo!? Asawa ako ng kapatid mo!"
"In the very first place ako dapat ang umaangkin sayo ngayon,"
Nanginig siya sa sinabi nito.
"Kung naririnig ka ngayon ng kapatid mo hindi ko lang alam baka magbago pa ang tingin niya sa'yo."
"I don't care about my brother's opinion,"
Tumingin-tingin siya sa kanyang paligid na kung susugurin siya nito ay may sasaklolo sa kanya.
"Afraid?" sabi nito na tila napansin yata nito na natatakot siya.
"Marco..." bulong niya.
"Right, that name suits me well."
"A-ano ba ang kailangan mo!?"
"Bakit ibibigay mo ba ang gusto ko kapag sinabi ko sa'yo?"
Hindi siya sumagot.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na ikaw ang kailangan ko?"
Muling nagningkit ang mata niya sa sinabi nito.
Akmang magsasalita ulit siya ng tumunog ang kanyang cellphone.
Kinuha niya iyon sa kanyang bulsahan sa suot niyang coordinates at sinagot ang tawag.
Tumalikod siya kay AL
"Hello, sino 'to?" tanong niya sa kabilang linya.
Bagong numero lang kasi ang tumawag.
"Haven..." nanlamig ang katawan niya nang marinig ang tinig na iyon na kasinlamig din ng boses ng tumawag.
"E-Eloise, ikaw pala, kamusta?"
"Okay lang naman ako. Listen...I want to meet you tomorrow, mind if okay with you? Don't worry ipapasundo kita sa driver ko. I want to talk to you in private."
Galit pa kaya ito sa kanya?
"Sure, makakaasa ka makikipagkita ako sayo bukas." sabi niya. Sinabi nito kung anong oras sila magkikita bago nagpaalam na ito.
Ano kaya ang sasabihin nito bukas? Napahugot siya ng malalim na hininga at muling hinarap si AL.
Pero nang pagharap niya wala na ito.
Umalis na lamang siya sa Pavillion at pumasok na lang sa mansion.