Pagsinta (Unang Tamis)

By isipatsalita

268K 16.7K 8.5K

Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita. More

TEASER
TAMIS 1
TAMIS 2
TAMIS 3
TAMIS 4
TAMIS 5
TAMIS 6
TAMIS 7
TAMIS 8
TAMIS 9
TAMIS 10
TAMIS 11
TAMIS 12
TAMIS 13
TAMIS 14
TAMIS 15
TAMIS 16
TAMIS 17
TAMIS 18
TAMIS 19
TAMIS 20
TAMIS 21
TAMIS 22
TAMIS 23
TAMIS 24
TAMIS 25
TAMIS 26
TAMIS 27
TAMIS 28
TAMIS 29
TAMIS 30
TAMIS 31
TAMIS 32
TAMIS 33
TAMIS 34
TAMIS 35
Mensahe para sa inyo
Special Mamon
Reference Image
Huling Sirit
Devin Francisco 1
Devin Francisco 2
Devin Francisco 3
Devin Francisco 4
Devin Francisco 5
Devin Francisco 6
Devin Francisco 7
Devin Francisco 8
Devin Francisco 9
Devin Francisco 11
Devin Francisco 12
Theme Song
Reprint? Yay or nyay?

Devin Francisco 10

648 66 8
By isipatsalita

Aray! 'nak ng pupu!

Ilang beses na akong napaso nitong pang-plantsa (basta 'yong flat iron) ni Aurea ng buhok. Nakisuyo kasi siya kanina sa aking kulutin 'yong ilalim na parte ng kaniyang buhok.

Sabi ko nga bakit hindi na lang curling iron ang bilhin niya sa Shopee tutal suki naman siya roon.

Ang galing nga n'ong dahilan niya, eh.

Ako naman daw kasi ang magpa-plantsa para sa kaniya. Hindi na raw niya kailangang bumili pa nang ganoon kasi kaya ko naman daw gawin ang pagkukulot ng kaniyang buhok gamit nitong pang-unat na 'to.

Wala naman akong magagawa dahil kaming dalawa lang naman ang tao rito at si Biskwit nama'y hindi pa gaanong ganap na tao. Nasa 10% pa lang ang pagiging human niya. Ni hindi pa nga marunong magsalita ng "Mommy".

Malamang ako lang talaga ang puwedeng gumawa nito.

"Powta, sakit na ng daliri ko, ah?" pagrereklamo ko sa kaniya habang sinisipat-sipat ko kung ayos na ba ang pagkakakurba ng buhok niya sa harapan at likod.

Tumawa naman ang bruha. "Sorry na. Gusto ko kasing maging pretty sa date natin."

Iyong nakakunot kong noo, bahagya nang kumalma. Nagsimula na rin akong mapangiti habang nakatingin ako sa pagmumukha niya sa malaking salamin.

Walang dudang maganda nga.

Nakatitig na rin siya sa akin. Nakangiti pa nga na parang kinikilig sa ideyang ilalabas ko siya ngayong araw ng Linggo.

Day off namin ni Inday tuwing Sunday kaya napagpasyahan kong mag-book kahapon sa isang 4-star hotel sa Tagaytay. Si William ang nang-sales talk sa akin tungkol sa Villa Ibarra na iyon.

Payapa raw kasi at hindi crowded ang lugar. Napaghahalataan tuloy na regular customer siya roon.

Siyempre, pinili ko 'yong pangmalakasan na ROMANTIC - Honeymoon Suite dahil may jacuzzi roon at may view pa ng Bulkang Taal.

Nag-request din ako sa hotel staff na maglagay ng mga white rose petals sa kama at sahig. Nagpa-set up din ako ng candlelight dinner with a twist. Hindi ko muna sasabihin sa inyo kung ano'ng pakulo ko.

Ganoon talaga. Kailan ba ako naubusan ng kalokohan?

Tinanggal ko na muna mula sa saksakan 'tong hair iron bago ko ipinatong sa ibabaw ng mesa.

Sunod akong lumuhod sa harapan ng misis kong nakasuot ng kulay pulang bestidang halos kalahati lang ng kaniyang hita ang haba.

Sleeveless iyon, mga p're. Hapit na hapit pa sa katawan kaya mas lumutang ang kurba ng kaniyang katawan.

Partida buntis pa 'to, ha?

Hinimas ko ang kaniyang magkabilang braso. "Lalamigin ka roon. May baon ka bang cardigan?"

Ilang beses itong tumango, ang tamis pa ng kaniyang ngiti. "Of course. May baon din akong long sleeves at pants in case gagala tayo sa madaling-araw."

Napataas ang sulok ng aking labi.

Aminado akong na-mi-miss ko rin 'yong pakiramdam na gumagala at nag-u-unwind nang wala masyadong iniisip.

Iyong tipong walwal lang mula umaga hanggang gabi tapos pag-uwi, kain tulog lang ulit.

Kung rich as fuck ako, ganoon lang ang gagawin namin ni Aurea araw-araw. Kaso "fuck" lang ang kaya ko kung kaya't magtitiis muna ako sa pagkayod bilang haligi ng tahanan.

Pero ngayon, deserve din naman naming mag-asawa ang magpahinga. Iiwan nga muna namin si Biskwit kina Mameh at Daddeh.

Por your inpormeysyon lang, walang comeback na mangyayari. Huwag kayong gumawa ng isyu dahil walang malisya iyon. Sadyang gusto nilang maka-bonding si Oreo.

Iyong mga magulang ko rin mismo ang nagsabing ipahiram muna namin si Biskwit sa kanila. Hindi naman namin puwedeng ipagdamot dahil nitong nakaraang linggo lang, nasa pamilya naman ni Aurea si bulinggit.

Kailangan nga lang nila ng mahabang pasensya dahil ipinaglihi sa ligalig ang batang aalagaan nila.

"Tara na? Ihatid muna natin si Oreo kina Mameh tapos mag-drive thru na lang muna tayo para hindi ka magutom paakyat ng Tagaytay," sabi ko bago ako tumayo't nag-unat ng mga braso.

Kinuha ko rin muna sa side table ang susi ng oto ko, wallet pati ang paborito kong shades. Napansin kong may papel na nakasingit sa ilalim ng picture frame namin ni Biswkit kaya agad kong kinuha iyon.

Nilingon ko si Au at nakita ko kung paano siya magpigil ng ngiti habang ako'y mukhang tangang napako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Parang gusto kong magmura bago ko siya lamutakin.

Ano kaya kung maghubad na lang ako sa harapan niya ngayon para makapag-quickie muna bago kami umalis pa-Tagaytay?

Pero seryoso, parang nag-init 'yong leeg ko dahil sa matamis na note na iniwan ng asawa ko para sa akin. Ngayon lang siya nag-effort magsulat nang ganito para lang pasalamatan ako sa paggamit niya sa katawan ko kagabi.

Tama ang nabasa ninyo. Siya ang gumamit sa akin, hindi ako.

Naalimpungatan na nga lang ako nang maramdaman kong may kakaibang nangyayari sa katawan ko. Akala ko nga'y nananaginip lang ako pero totoo palang may ginagawa sa akin si Auring.

Hindi ko na ide-detalye sa inyo dahil ayaw kong masabihan n'yo na naman ako ng bastos, manyak at pasmado ang bibig. Basta ang masasabi ko na lang ay

'rapbuhay ka, Devin!

"Uh, actually, hindi lang para sa kagabi 'yong note na iyan, Dev," panimula niya bago umiwas ng tingin, tila nahihiyang makipagtitigan sa akin. "Ano, kasi, uh, gusto ko lang mag-thank you kasi lagi mong ipinararamdam sa aking pretty ako at mabuti akong mommy kay Owwy."

Napakuskos na lang ako sa ilong ko habang nagpipigil na mapangiti.

Gusto kong sulitin 'yong ganitong eksena, eh. Madalas kasi pinagagalitan ako nito o kaya tinatarayan tapos sasabihan ng gago o kung ano pa ang maisip niyang sabihing negatibo kahit alam ko namang patay na patay din siya sa akin.

"Woy? Walang reaksyon talaga?"

Kita n'yo na? Ilang segundo lang ang validity ng kaniyang pagiging matamis sa akin.

Naglakad na ako papalapit sa kaniya dahil gusto ko siyang ikulong sa mga maskels ko. Inamoy ko pa ang kaniyang buhok bago ako yumuko at isiniksik ang mukha ko sa kaniyang leeg. Hawak ko pa nga 'yong note.

"Kita ko 'yong hirap mo para sa amin ni Owwy. Wala kang palya sa pag-aasikaso sa amin kahit minsan isang oras lang ang tulog mo. Kaya ayos lang kung gusto mong mag-destress at gamitin ang katawan ko kapag—aray, ang talas na naman ng kuko mo. Para ka nang si Pusa, eh."

Kinurot na naman kasi ako pero hinimas-himas naman niya ang likod ko pagkatapos.

"Same lang naman tayo ng effort para sa family natin. Kapag hindi ko na keri, ikaw 'yong gumagawa para sa atin. Kapag ikaw naman 'yong pagod na, uh, well, nag-i-insist ka pa rin namang gawin ang mga bagay-bagay for us. Kaya super thankful ako sa 'yo, Daddy. Super hands-on mo sa amin."

Nagkunwari akong suminghot at suminga sa kaniyang buhok kaya natawa na naman siya. Kumalas na rin ako sa yakapan dahil gusto ko lang titigan ang kaniyang maamong mukha.

Oo, maamo naman talaga ang mukha nito kahit minsa'y umaatake ang pagiging Miss Minchin. Kaya nga hindi ako natatakot kapag nagsisimula na siyang magalit o mainis, eh.

"Gusto ko lang makapagprovide nang maayos para sa inyong dalawa. Gusto kong maging kuntento kayo sa buhay na mayroon tayo." Kinamot ko muna ang kilay ko kahit hindi naman iyon makati. "Makita ko lang kayong masaya, buong-buo na ako."

Nangingilid na naman ang mga luha niya kaya inagapan ko na iyon sa pamamagitan ng halik.

Dampi lang ang nangyari dahil narinig namin ang malakas na pag-atungal ng anak namin sa kabilang kuwarto.

Gising na pala ang prinsipe. Ganda na naman ng timing, ano?

"Puntahan ko lang si maligalig. Check mo na lang 'yong mga dadalhin nating gamit. Babalikan ko na lang mamaya para i-load sa oto. Huwag kang magbubuhat nang mabibigat, ha? Pa-start-in mo na lang makina ni Because kung gusto mo tapos doon mo na lang ako hintayin," bilin ko bago ko iniabot ang susi ng oto sa kaniya.

Agad ko rin namang pinuntahan si Biskwit na kasalukuyang nakakapit sa kuna. Pulang-pula na naman ang buong mukha na para bang may nang-api sa kaniya.

"Sino ang umaway sa baby namin na iyan, ha?" pambe-baby talk ko bago ko siya buhatin at inangat sa ere.

Awtomatiko naman itong tumigil sa pag-iyak. Para na namang may dumaang anghel, tapos ako 'yong demonyo.

Kaya nga minsan nakaloloko 'tong batang ito, eh.

Kung puwede lang bumili ng remote para ma-mute namin siya kung kinakailangan, kaso wala kami ibang magagawa kung 'di magtiis.

Mukhang nasanay na rin naman ang mga tainga namin sa pagngawa nitong kyut naming chikiting. Saka hindi naman habambuhay ang pag-iyak nito.

Darating din ang araw na kami namang mga magulang niya ang paiiyakin niya dahil sa stress.

Subukan naman niya't ibabalik ko siya sa loob ng tiyan ng kaniyang ina.

Inamoy-amoy ko muna si Biskwit bago ko siya niyakap. Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa kuwarto namin ni Au nang biglang humilahid si Pusa sa aking binti.

"Mommy! Paano pala 'tong si Pusa?" malakas kong tanong pero hindi ko na siya nadatnan pagpasok ko sa kuwarto namin. "Mommy ko!"

"O? Makasigaw naman! Naririnig kaya kita!" mataray nitong sagot mula sa baba. Malay ko bang nakababa na agad siya.

"Si Pusa 'ka ko! Isasama ba natin 'to kina Mameh o iiwan na lang natin siya rito?"

Narinig ko ang mga yabag ni misis paakyat ng hagdan kaya pinahiga ko muna si Oreo sa kama namin bago ko inisa-isang tingnan ang mga bag na dadalhin sa Tagaytay.

Overnight lang naman kami roon pero kasing bigat na ng malaking bato 'tong isang bag ni Auring. Ako nga'y nagkasya na lahat ng gamit ko sa loob ng backpack, eh.

"'nak, tulungan mo nga si Papi magbuhat ng mga 'to," utos ko sa anak kong chill na chill lang sa paggapang sa may kama.

Tumingin lang ito sa akin bago ngumiti ng nakaloloko.

"Dalhin na lang muna natin si Pusa kina Tita Lallie kasi nakakaawa naman kung nandito lang siya. Baka magutom at baka masira iba nating things," sabi ni Au bago tumabi kay Biskwit at pinanggigilan ang mga pisngi nito.

"Mameh. Mameh ang itawag mo sa kaniya. Maka-Tita ka parang hindi mo iyon nanay, ah?" pagkokorek ko sa kaniya habang tinitingnan ang loob ng bag ni Aurea. "Nasaan 'yong black thong mo? Saka 'yong pula?"

Tinawanan niya ako. Seryoso naman ako. Gusto ko kasing baunin niya 'yon. Sayang naman ang pa-hotel kung hindi niya ako lalandiin nang matindi.

"Oh, em, gee. Nandiyan lang iyon. Baon ko pa nga 'yong cuffs at blind fold, eh."

Lumagkit ang tingin ko sa asawa ko. "'langya, may binabalak ka na naman sa akin, ha? Buntis ka na. Gusto mo bang maging kambal pa iyan?"

Humagalpak na naman siya ng tawa. "Ikaw? Dala mo ba 'yong neck tie mo?"

Napangisi ako. Alam na niya ang ibig sabihin ng ngising iyon.

Hindi niya talaga makalimutan 'yong matindi kong perpormans no'ng gabing medyo lasing ako dahil nagpainom ang katropa kong si Yuan Del Castillo nitong nakaraang buwan lang.

Naparami ang inom ko no'n dahil nagtatampo ako kay Au. Sunod-sunod kasi ang pagsusungit niya sa akin.

Ayaw ko kasi 'yong tatarayan ako nang walang dahilan o 'yong hindi sinasabi sa akin kung bakit.

Hindi naman kasi ako manghuhula. Puwede naman akong kausapin nang masinsinan. Mahalaga pati ang komunikasyon sa mag-asawa.

Para bang sabihin mo kung ano'ng isyu mo sa akin para magawan ko ng paraan at para makabawi. Hindi iyong aawayin mo ako't lalagpasan lang tapos matutulog tayo na hindi man lang nareresolba ang problema.

At dahil hindi nga ako mapagkimkim ng sama ng loob, naglambing ako kay Aurea pag-uwi ko no'ng gabing iyon.

Ayaw pa nga niya no'ng una. Tinanggihan niya ako dahil may amats nga raw ako.

Walang sali-salita akong naghubad ng mga damit bago ko binuksan ang kabinet para kunin ang kurbata ko't isinuot iyon.

Dahil dati akong nagtatrabaho sa Adonis, ipinakita ko kay Auring ang performance na hinding-hindi niya makalilimutan sa buong buhay niya.

At ngayon, hinahanap-hanap na niya iyon.

Pero ang kabanatang ito ay hindi lang tungkol sa landian at harutan.

"Au, pakikuha pala n'ong Red Puma ko saka iyong isang maliit kong bag doon sa trunk ni Because. Please?" malambing kong pakisuyo sa kaniya kahit alam kong tatamarin na siyang bumaba dahil kaaakyat lang niya.

Ngumuso siya bago humiga't yumakap kay Biskwit. "Puwedeng ikaw na lang kumuha later? Sabay-sabay na lang tayong bumaba, Daddy. Okay lang?"

Tumango ako. "Buksan mo na lang 'yong second drawer diyan sa side table natin."

Agad naman siyang bumangon para abutin ang pangalawang drawer. Medyo nahirapan pa nga siya sa pagbukas.

One... Two... Three...

"Oh, em, gee. Daddy!"

Sabi na, eh. Alam ko namang sisigaw 'tong asawa ko kapag nakita 'yong pakulo ko para sa kaniya. Sa totoo lang, sobrang simple lang ng bagay na iyon.

Mababaw lang kasi ang kaligayahan niya kaya kahit ano'ng ibigay ko sa kaniya'y ikinatutuwa niya talaga.

Inilabas niya mula roon ang portrait namin bilang isang pamilya (ako, siya at si Oreo).

Ilang linggo ang ginugol ko para lang matapos iyon. Sa talyer ko pa nga ginawa dahil hindi ako makadiskarte rito sa bahay. Lagi kasi kaming magkasama kaya maso-spoil ang surpresa kung ganoon.

Nakita kong nagpupunas ng mga luha si Auring bago niya inikot pabaliktad ang portrait na hawak niya.

Napahagulgol siya dahil makikita roon ang munti naming anghel.

Hindi na gaanong malinaw sa isipan ko ang itsura ng una naming anak dahil sobrang liit pa lang nito no'ng iniluwal ni Aurea. Iginuhit ko na lang kung ano'ng kaya kong alalahanin.

"Pakibasa nga para sa akin kung ano'ng nakalagay diyan, Au," pakiusap ko habang unti-unti ring bumibigat ang dibdib ko.

"I know Daddy's going to love you forever, Mommy. Love, your little angel," humihikbi-hikbi niyang sabi.

Nang magtama ang tingin namin, napangiti na lang ako. Hindi ako iiyak. Hindi talaga.

"'tangina, dati, tahanan lang kita. Ngayon, kayo na ang apartment ng buhay ko. Ang dami n'yo na, eh," pabiro kong banat pero agad ding sumeryoso ang mukha ko.

Kinuha ko si Oreo mula sa kama't kinarga bago ko nilapitan ang ilaw ng aming tahanan.

"Happy Anniversary, misis. Salamat kasi binibigyan n'yo ng direksyon ang buhay ko. Thank you talaga kay Bossing sa itaas dahil ibinigay ka Niya sa akin."

Yumuko ako para halikan siya sa pisngi kahit lasang luha iyon. Nakihalik din naman si Biskwit sa kaniya.

"Mahal kita, Au. Mahal ka namin nina Oreo, litol angel at Pusa. At may isa pang bagong magmamahal sa 'yo—si Cadbury natin."

Continue Reading

You'll Also Like

41.1K 2.2K 44
Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. Matindi at natatangi; malalim at nag-uuma...
19.8K 349 37
Kelsey Allison Sison x Zinc Keiser Monteverde SECOND INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: June 24, 2020. 5:51 PM DATE ENDED: January 14, 20...
28.3K 1.2K 22
Ashleigh fell in love with the man in her dreams. Alam niyang ang lalaki sa panaginip niya ay ang lalaking nakalaan para sa kanya. At wala na siyang...
177K 3.8K 100
Mula sa unang pahina hanggang sa wakas ng kwento ng unang libro.Walang ibang ginawa si Lisa kundi ang umalis at ang iwan si Jennie kahit na hindi nya...