Monalisa

De lhiamaya

1M 30.9K 6.4K

Edward Alejos Serrano and Monalisa Cruz story #TAGALOG #MATURE Mais

A/N
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
END
Special Chapter 1
Special Chapter 2

chapter 19

23.4K 680 123
De lhiamaya

Mona

PAGKATAPOS ng paguusap tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni sir Edward ay bumalik na ulit kami sa dati. Nabawasan na ang pagkailang ko sa kanya at sya naman ay ganun pa din, strikto at may pagkamasungit. Ngunit minsan di ko talaga maiwasang mailang. Madalas ko kasi syang nahuhuling nakatingin sa akin at mabilis naman syang iiwas. Gaya ngayon. Nag aalmusal sya sa sala at panay ang tingin sa akin.

Nilingon ko na sya mula sa pagba-vacuum. Mabilis naman syang nagbaba ng tingin at kumagat ng tinapay. Bumuntong hininga ako.

"May kailangan ba kayo sir?" Tanong ko.

Nag angat sya ng tingin sa akin habang ngumunguya. "Nag almusal ka na?" Sa halip ay tanong nya.

"Kanina pa po." Sagot ko at tinuloy na pagba-vacuum sa carpet. Dalawang beses ko kasing bina-vacuum to sa isang linggo.

"Anong inalmusal mo?" Tanong ulit nya.

"Kape lang po at tinapay."

Sabado kasi ngayon. At tuwing sabado at linggo ay hindi naghi-heavy breakfast si sir Edward dahil wala naman syang pasok. Kape at tinapay lang.

"Anyway, in-accept mo na ba ang friend request ko?"

Tiningnan ko sya at napakamot sa ulo. "Hindi pa po." Nag aalanganan kasi akong i-accept sya.

Nagsalubong ang kilay nya. "Bakit hindi pa?"

"N-Nakakalimutan ko po kasi." Palusot ko.

"Puwes mamaya i-accept mo."

Kumakamot sa ulo na tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Lately napapansin ko rin medyo nagiging demanding na sya sa akin. Pinagsasawalang bahala ko na lang. Amo ko sya eh.

Edward

SUMANDAL ko sa backrest ng leather chair at bumuntong hininga. Nilaro laro ko sa daliri ang hawak na ballpen. Kanina pa ako parang tamad na tamad sa trabaho at ngayon lang nangyari sa akin to. Ang isip ko ay naiwan at naglalakbay pa sa penthouse.

Ipinatong ko ang siko sa armrest at hinimas ng daliri ang ibabang labi. Fuck! Ano bang nangyayari sa akin? Ilang araw na akong ganito.

Nagsimula ito pagkatapos naming pagusapan ni Mona ang nangyari sa pagitan namin. Pakiramdam ko may responsibilidad na ako sa kanya. At paano nga talaga kung mabuntis sya? Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Nakaramdam ako ng pagkasabik. Posible naman talagang may mabuo sa ginawa namin ng gabing yun kahit isang beses lang nangyari yun. Wala kaming proteksyon lalo na ako.

Pumikit ako at tila naman tuksong bumalik sa isip ko ang naganap sa amin ng gabing yun. Kung paano ko sya malayang inangkin. Kung pa'no ako umungol sa sarap.

Uhg shit! Mabilis kong idinilat ang mata at napatayo ng tuwid. Napamura pa ako ng makitang bumukol ang harapan ng pantalon ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dinampot ang bote ng mineral at tinungga. Fuck! Bakit ba sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin noong gabing yun para akong tigang na mabilis maginit? This is not good! Hindi naman ganito mag-react ang katawan ko kapag naalala ko noon ang ginagawa namin ni Clea.

"Sir, nandito na po ang mga investor." Imporma sa akin ng sekretarya ko.

"Sige susunod na ko Lydia."

Tumango sya at muling lumabas ng opisina ko. Inayos ko naman ang sarili ko at pinahupa ang init na lumulukob sa katawan ko.

MATULIN PA na lumipas ang mga araw at linggo. Ganun pa rin naman ang routine ko sa araw araw. Maagang papasok sa opisina at diretso uwi agad pagkatapos ng trabaho. Kami ni Mona ay ganun pa rin naman. May kaunting pagbabago lang sa parte ko. Minsan kasi di ko maiwasang maapektuhan sa presensya nya at tila pa tuksong laging naglalaro sa isip ko ang nangyari sa amin na nagreresulta tuloy ng maalinsangan kong gabi. Ang hirap minsan magpigil.

"O basta ha, wag kung ano ano ang binibili nyo. Ikaw TanTan wag kang puro tsitsirya at soft drinks magka UTI ka nyan."

Dinig ko ang boses ni Mona na nasa kusina at may kausap sa cellphone. Tahimik akong lumapit sa kanya habang kinakalas isa isa ang butones. Nakaupo sya sa counter at nakatalikod sa sala. Mukhang kausap nya ang mga kapatid nya.

"Naku ate, noong isang gabi nga sumakit ang tiyan nyan."

"Yan ang sinasabi ko eh."

"Natatae lang ako nun kaya masakit ang tiyan ko."

"Eh pano kung ano ano ang kinakain mo."

"O tama na yan, makinig ka kay nanay at ate Paulina mo TanTan kundi babawasan ko ang baon mo."

Nangingiting pinakikinggan ko ang paguusap nilang magkakapatid. Isa ito sa mga bagay na hinahangaan ko sa kanya.  Mahal na mahal nya ang mga kapatid nya at ang mga ito ang lagi nyang inuuna. Kapag bagong sweldo ay ni hindi ko man lang sya nakitang bumili ng kung ano ano para sa sarili nya. Diretso padala sya agad sa pamilya nya. Hindi sya maluho at walang arte sa katawan. Naalala ko ang pangamba nya noong sabihin kong baka mabuntis sya dahil sa nangyari sa amin. Ayaw pa nyang mabuntis dahil paano nga naman ang mga kapatid nya na sa kanya lang umaasa. Pero kung sakaling mangyari nga yun ay hindi ko naman sya pababayaan.

"Ay ate andyan na yung amo mong pogi sa likuran mo."

Dinig kong sabi ng kapatid nyang babae na humahagikgik pa. Tumikhim naman ako at pinormal ang mukha. Natatarantang lumingon naman sya sa akin.

"Ay sir Edward nandyan na pala kayo." Bati nya sa akin at tumayo. Nagpaalam sya sa mga kapatid na mamaya na lang ulit sila mag uusap.

Tumango ako at pumasok sa kusina para tingnan ang niluto nya.

"Kakain na po ba kayo sir, maghahain na po ako." Aniya at sumunod sa akin.

Hindi ko sya sinagot at nilapitan ang isang kaserola. Kumunot ang noo ko ng makita ang laman. May sabaw at may dahon dahon na kulay pula ang tangkay may kasama ding piniritong isda.

"What's this?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ay ulam ko po yan sir, pero nagluto naman po ako ng humba para ulam nyo." Nakangiwinhy sabi nya sa akin.

Tumango tango naman ako. "Sige maghain ka na, magbibihis lang ako."

"Opo."

Lumabas na ako ng kusina at umakyat ng kwarto ko para magbihis at makakain na. Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang niluto nya.

"Hmm not bad." Komento ko ng matikman ang sabaw ng niluto nyang sinabawang pritong isda.

"Not bad talaga, paborito nga naming ulam magkakapatid yan eh." Pagmamalaki nya sa  akin.

Bago sa akin ang lasa pero hindi naman masama.

"Anong gulay to?" Tanong ko sa kulay green na dahon na may pulang tangkay na madulas.

"Alugbati po ang tawag dyan sir." Sagot nya sa pagitan ng pagnguya.

Sinubo ko naman ang gulay at nilasahan. "Taste weird." Komento ko.

Tumawa naman sya. "Sa umpisa lang weird ang lasa nyan pero kapag lagi nyo ng natitikman sumasarap na yan."

Tumango tango na lang ako. Nasasanay na nga ang panlasa ko sa paborito nyang ulam. Naging sunod sunod na ang subo ko at nakailang serving ng kanin. Kaya hanggang sa matapos na kaming kumain ay sabaw na lang at tinik ng isda ang natira. Ang humbang niluto nya ay kaunti lang ang bawas.

kinabukasan..

NAGMAMADALING bumaba ako ng hagdan habang binubutones ang polo. Bitbit ko na rin sa braso ang coat ko. Medyo tinanghali na kasi ako ng gising at may a-attend-an pa kami ng sekretarya ko na isang convention.

"Mona." Tawag ko sa kanya.

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto.

"Sir."

Nilingon ko sya sa likuran. Kalalabas lang nya ng kwarto nya. Kumunot ang noo ko ng mapansing namumutla sya.

"Ayos ko lang?" Nagaalalang tanong ko at nilapitan sya.

Tumango naman sya. "Opo, medyo mabigat lang ang pakiramdam ko."

"May sakit ka ba?"

"Wala naman -- amph!" Nagtakip sya ng ilong at bibig na tila nasusuka. "Ang baho ng pabango nyo sir." Sabi nya.

"What?" Bulalas ko sa sinabi nya at inamoy amoy ang sarili. Hindi naman ah! Hindi naman ako nagpapalit ng pabango at laging ito ang ginagamit ko. Araw araw nga nya itong naaamoy pero ngayon lang nya sinabi na mabaho. Hindi nga siguro maganda ang pakiramdam nya.

Bumuntong hininga ako. "Aalis na ako, may convention pa akong a-attend-an. Kaya mo bang mag isa?" Nagaalalang tanong ko.

Tumango sya habang takip pa rin ang ilong. Weird.  

"Opo kaya ko, wala naman akong sakit mabigat lang ang pakiramdam ko."

Ano bang pinagkaiba nun? Umiling iling na lang ako at tiningnan ang suot na relo.

"Fine, aalis na ko." Paalam ko sa kanya at saglit muna syang tinitigan bago tumalikod. Ewan ko ba kung bakit nitong nakaraang mga araw ay gusto kong titigan muna sya bago umalis.

Ang weird ko na rin.

*****

Continue lendo

Você também vai gostar

355K 13.1K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...