The WANTED (Completed)

jenc1212 tarafından

2.1K 298 210

Isang simple, masaya, payapa at tahimik na buhay. Sinong hindi magnanais na magkaroon niyan? Ayan lang ang si... Daha Fazla

Prologue
The WANTED 1: Shadow in the dark
The WANTED 2: Dead body
The WANTED 3: Damara High Students
The WANTED 4: A warning
The WANTED 5: Secret Room
The WANTED 6: Goodbye
The WANTED 7: The Mysterious Guy
The WANTED 8: Miss Lindon?
The WANTED 9: Video
The WANTED 10: We are... WANTED?
The WANTED 11: Her
The WANTED 12: Meet Detective Risller
The WANTED 13: Memory
The WANTED 14: Game (Part 1)
The WANTED 15: Game (Part 2)
The WANTED 16: A Diary
The WANTED 17: Back to Home
The WANTED 18: Zien Kea Serra
Author's Note:
The WANTED 19: Katotohanan
The WANTED 20: Mors an Viva?
The WANTED 21: CCTV camera
The WANTED 23: The silver ring
The WANTED 24: Who?
The WANTED 25: A little moment
The WANTED 26: They're all hiding in low key character
The WANTED 27: Nightmare
The WANTED 28: His Love
The WANTED 29: Protecting You
Author's Note
The WANTED 30: The truth behind the past
The WANTED 31: The Book
The WANTED 32: Game of Death
The WANTED 33: Their Tears
The WANTED 34: Suffer
The WANTED 35: Do or Die?
Last Chapter
Epilogue
CHARACTERS
Author's Note

The WANTED 22: Suspicious

20 5 3
jenc1212 tarafından


—————————————
Chapter 22: Suspicious
——————————
~~~**~~~

VAN'S POINT OF VIEW:

Naririnig ko mula sa aking pagkakahiga ang ingay sa paligid. My head is really hurt. I don't remember what did they do to me. Ilang araw na ba ako dito? Dalawa, tatlo? Hindi ko na matandaan. Hindi ko rin matandaan kung bakit ako nandito.

Pulos puti at sobrang liwanag ng paligid. Mabaho rin ang amoy ng iba't-ibang klase ng gamot at kemikal na naamoy ko.

“He's awake.” Dinig kong sabi ng isang babae sa bandang gilid ko sa kanan.

“Okay, test him now.” Utos ng kung sino. Her voice is kinda familiar. I don't know when or where i heard her voice. Pero pamilyar sa 'kin.

May yabag na papalapit sa 'kin ngayon. Nasa bandang gilid ko siya. Sumasakit pa rin ang ulo ko. Sinubukan kong tumingin sa kan'ya. Naka suot siya ng mask kaya hindi ko makita ang itsura n'ya gayon pa man masasabi kong mukang nasa mid 40s siya. Nakasuot ng mahabang damit na puti. Suotan ng mga doktor.

Kahit na ka suot ng mask i see she smiled at me. Matamis na ngiti pero hindi masasabi kung mabait na tao o hindi.

“How are you feeling?” Tanong n'ya. Sinubukan kong magsalita. Bumubuka lang ang bibig ko pero walang lumalabas na salita. Sinubukan kong muli pero walang pa rin.

“Ung.” Mahinang ungol lang ang nagawa ko ng sinubukan kong muli. Mayroon siyang sinulat sa papel na dala n'ya. Dinig kong may sinabi siyang 'normal'.  Umalis siya at bumalik din, pagkabalik n'ya ay may tinurok siya sa 'kin dahilan para makatulog ako.

The next day i woke up ay hindi na gaano masakit ng ulo ko. Nakakaramdam ako ng pagkauhaw. Naririnig ko na naman ang ingay sa paligid at ang amoy ng gamot at iba't ibang kemikal. Ngunit hindi na ito kasing ingay noong huli akong nagising at hindi na rin kasing tapang ng amoy noon ang mga gamot.

“He's awake.”

“Okay, test him now.”

Ganyan ulit ang conversation na narinig ko.

“How are you feeling?” Tanong ng babae. I think she is a doctor. Nang sinubukan kong ibuka ang bibig ko at magsalita ay nagkakaroon na ako ng boses.

“I-I'm t-thirsty.” Nakita ko ang pagkagulat n'ya at napatingin sa paligid bago nagsulat muli sa hawak niyang papel.

“Gaano ka lakas ang naririnig mong ingay? Rate it 5-1.” Sambit niyang muli.

“3.” Tipid na sabi ko. Tumango siya pero bakas pa rin ang gulat sa muka. Gaya kanina ay sinulat n'ya iyon.

“Ang naamoy mo?”

“4.” Nagsulat muli siya sa papel. “Can you p-please give me a water?” Naglakad siya paalis at bumalik muli. Akala ko ay painumin n'ya na ko 'yun pala ay tinurukan n'ya akong muli kaya nakatulog ako.

Pangatlong beses na nagising ako ay mas lalo kong naramdaman ang pagkauhaw. Tuluyan na rin na wala ang sakit ng ulo ko.

“What the f*ck is happened?!”

“Maybe there's something wrong.”

“Not maybe, because there is really something wrong. May kulang o sobra. Pwede ring may mali kayong nailagay.”

“It means hindi pa ito perpekto.”

“But why this  f*cking happened?!”

“Calm down, let's see it for now.”

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari at pinaguusapan nila. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila. May mga lumalapit sa 'kin na mga naka mask at damit na puti. Sila 'ata ang mga naguusap kanina.

“How are you feeling.” Really? Paulit-ulit nalang ba? Bakit ba kailangan nila akong tanungin kung kamusta ang pakiramdam ko. Gusto ko ng tubig dahil uhaw na uhaw ako.

“I'm thirsty.” Narinig kong napasinghap sila sa narinig. Ano ba ang nakakagulat sa sinabi ko? Ah, siguro dahil ilang araw na akong hindi umiinom. Lagi nila akong pinapatulog.

Hindi sila umimik at tahimik lang na nakatingin sa 'kin. Sinusuri nila ako. Ano pa bang kailangan nila? Nauuhaw nga sabi—

Napatigil ako ng may senaryo na pumasok sa isipan ko.

F*ck! Ngayon ko lang naalala! Pilit n'ya akong pinasama sa kan'ya pinasakay sa dala n'yang sasakyan. Nagiinit ang ulo ko. Napakahayup n'ya! Siya ang pumatay sa girlfriend at kapatid ko! F*uck!

Napatingin ako sa taong nasa paanan ng hinihigaan ko. Ngayon pa lang ay gusto ko ng lapitan siya at patayin.

“You!” Nagulat ang lahat ng nandoon sa sigaw ko. Lalo na ang taong nasa harapan ko ngayon.

“Your motherf*cker!” Nakita kong naalarma sila ng makaupo ako at sinubukang siyang lapitan.

“You you kill my girlfriend and my sister!” Malakas na sigaw ko. “Wala silang ginawa sayo!” Alam kong kitang kita nila ang sobrang galit at pagkamuhi ko sa taong nasa harapan ko ngayon  Pilit akong kumakawala sa pagkakatali ko pero hindi ako makaalis sa higpit nito.

“Hayup ka!” Nagpapasag ako sa pagkakaupo. Papatayin kita! Wala kang awa! Wala kang puso!” Pinipilit ko pa rin siya abutin kahit alam kong hindi ko magagawa. Nagagalit ako sa kan'ya! Kinakamuhiaan ko siya! Salahat ng tao siya ang magaling magpanggap! Hayop at walang puso!

“Give me the injection!” Sigaw ng isa sa kanila ng makabawi sa pagkagulat.

Baliw ka na! F*ck you! Demonyo ka!” Napahagulgol ako kasabay ng pagsigaw at pagmura ko sa kan'ya. Masakit. Sobrang sakit na sandali n'ya lang tinapunan ng buhay ang dalawang taong mahal ko. At ang sakit na wala akong nagawa. I only want is to be with them. Pero bakit kailangan naman mangyari 'to.

Gusto ko siyang lapitan at saktan. Gusto kong gawin ang mga bagay na ginawa n'ya sa girlfriend at kapatid ko. Zychee is the girl i want to be with until the end. But she's gone. Wala na siya. Pati ang nagiisa kong kapatid wala na.

“Kill him now, wala na siyang silbe.”

Dinig kong sabi n'ya bago ako nakatulog.



JODIE'S POINT OF VIEW:

Habang abala ang lahat ay nagiisip na ako kung paano makikipagkita kay Philip. Kailangan kong makapag-isip ng paraan. Sigurado akong kanina pa siya naghihintay sa 'kin.

“Ahm, pwede mo ba akong samahan?” Tanong ko kay Zia.

“Ha? Saan?”

Napakamot ako sa ulo. Niihi ako.” Mahinang sabi ko. Napanguso naman siya at kalaunan ay pumayag na rin. Nagpaalam muna kami kila Detective Frin.

“Sige maiingat lang kayo.” Wika n'ya.

“Wait, i go with you.” Napalingon kami kay Tainy ng magsalita ito. Sinsabi ko na eh.

“Hindi na, kasama ko naman si Zia. At saka malapit lang naman 'yun. Babalik din kami agad.” Nagpumilit pa rin siyang sumama pero nakumbinsi ko rin sa huli.

Maliwanag naman sa daan dahil may ilaw sa pasilyo. Habang naglalakad ay iniisip ko na a kung ano ang mga sasabihin ni Philip. Kinakabahan ako.  Sa araw na 'to ay malalaman ko na ang lahat—Ang mga nangyari sa nakaraan. At kung bakit wala akong maalala.

Sa labas ng cubicle si Zia nagantay sa 'kin kaya hindi ako makapagisip ng ayos kung paano tatakas. Andito siya sa loob. Sinubukan kong mahanap na bintana pero wala naman. Sumilip ako sa labas ng cubicle kung nandoon si Zia. Nakita kong binuksan n'ya ang faucet at naghilamos.

Napabuntong hininga ako. “Tapos ka na?” Tanong n'ya.

“H-hindi pa.” Narinig ko siya tumawa.

“Sabi ko na eh, hindi na dapat ako nagtanong. Lagi naman kapag iihi ka parang isang balde 'yung inihi mo. Tagal mo best.” Nahuhulaan kong nakasimangot na naman siya.

Maya-maya narinig kong nagpaalam siya lalabas muna. “Labas lang ako sandali. Nagjejerbs ka na 'ata.”

Nakahinga maluwang ng lumabas siya. Lumabas na ako sa loob ng cubicle at nagtingi-tingin sa loob ng girls comport room. Malaki ito na kalahati ng isang class roon. May pitong cubicle. May malawak na salamin. May mga halaman sa gilid. May mga tissue at mga liquid soap pa. Isang bintana sa dulo lang ang nakita ko. Pero hindi naman ako kakasya doon.

Lumalakad ako palapit sa pinto para sana silipin si Zia. Binuksan ko lang muna ng kaunti pero hindi ko siya nakita sa tapat ng pinto. Lumabas na ako at nagpalinga-linga sa paligid.

Wala siya.

Ginawa ko ng tiyempo iyon para mapuntahan si Philip. Malamang na nadoon siya sa kung saan kami nagkausap noon. Sana naman hindi siya mainiping tao at maabutan ko pa siya. Maingat din akong naglalakad dahil baka may makakita sa 'kin. Baka makasalubong ko rin si Zia kaya kailangan kong maging alerto sa paligid.

Malamlam ang ibang ilaw na gumagana sa pasilyo. Iilan lang din ang nakabukas pero kahit na gano'n na kapag bibigay naman ito ng liwanag para makita ko ang aking nilalakaran. Pero ng muli akong humakbang ay napaatras ako pabalik at napatago sa pader na nasa gilid ko. Hindi ako kita dito mula sa aking puwesto. Malinaw pa ang mga mata ko kaya sigurado akong si Zia iyong nakita ko. Anong ginagawa n'ya dito at sinong kasama n'ya? Hindi ko 'yon makita dahil natatakpan n'ya.

“Hindi puwede.”

Sinubukan ko muling humakbang para mas marinig ko ang usapan nila ng kung sino mang kausap n'ya.

“Alam mo na makakatulong sa kan'ya 'to.”

“Pero hindi natin siya kailangang madaliin o pilitin. Hayaan mo na kusa niyang maalala.”

“Nagiging mangmang siya sa nangyayari. Paano n'ya malalaman ang nangyari sa nakaraan kung hindi mo siya bibigyan ng kahit clue manlang.”

H'wag mong pangunahan si Kenzo. Hayaan mong siya ang magsabi.”

“Kasama n'yo si Kenzo?”

“Oo at alam kong wala pa siyang nababanggit kay Jodie.”

Sa 'kin? Anong sasabihin ni Kenzo sa kin? At bakit ako ang pinag-uusapan nila? Si Zia, may alam din siya sa mga nangyari sa nakaraan. At bakit hindi ko kailangan na malaman ngayon?

Ang gulo-gulo. Ano bang gusto nila? Bakit hindi pa nila sabihin? Bakit kailangan pa nilang patagalin.

Napasilip ako sa pinagtataguan ko. Si Philip ang kausap ni Zia? Kung gano'n ay magkakilala sila.

“Sigurado naman akong malapit na ring bumalik ang alaala n'ya. Maghintay nalang muna tayo sa ngayon.”

“Hm, pero 'yung Diary saan mo ba nilagay?”

“Matagal na 'yon at sigurado akong wala na 'yon sa locker ko.”

“Noong pumunta ako abandonadong silid pumunta ako sa locker mo pero tanging litrato lang ang nakita ko.”

“Malamang na nakuha na 'yon. Nakaipit sa Diary ko ang susi ng locker dahil iniwan ko lang iyong hindi na ka-lock para sana makuha n'yo ni Gev. Pero mukang naunahan kayo at nahulog mula sa Diary ang litratong nakuha n'yo.”

“Picture ng Damara High at Class picture ng Batch 25, Section 4-D.

“Iyon nga.”

Batch 25, Section 4-D?

‹‹FLASHBACK‹‹

“Okay, Ready na ba?”

“Yes sir!”

“Okay, 1... 2... 3.. Smile!”

Lahat kami ay seryoso sa litrato na kinuha ni Sir Arman. Isang photographer. Isang ngiti na hindi umabot sa mata ang binigay namin.

“Mag post naman kayo. Like this oh.” Nag piece sign si Miss Lindon at ngumiti sa camera.

Napahagikgik kami ni Kean at Francheska habang nakapiece sign at nakaharap sa camera. Lahat  kaming Class 4-D ay masayang nakangiti sa pangalawang larawan.

Tumatawa habang nakaturo kami sa bawat isa ng makita nang kuha ni Sir Arman.

Ang class picture ng Batch 25, Section 4-D.

‹‹END OF FLASHBACK‹‹

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong sumakit iyon. Naglakad na ako pabalik sa girls comfort room habang nakahawak sa ulo ko at iniisip ang pumasok na eksena sa aking isipan.

Hindi maari. Bakit kasama ako sa batch 25? Batch 30 na ang Section 4-D sa kasalukuyan kaya bakit grade 10 ako sa panahong iyon kung kaparehong antas din ako ngayon? Ang gulo. Sobrang gulo.

Binuksan ko ang faucet at napahilamos. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. At muling nanumbalik ang sinabi sa 'kin ni Kuya Joe noon. Kasabay no'n ay napailing iling ako. Imposible.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas 'yon at nakangiting pumasok si Zia. Hindi ko alam kung bakit hindi n'ya sinsabi sa 'kin na may naaalala siya. Hindi ko pa rin maintindihan kahit nakinig ako sa usapan nila ni Philip. Isa pa 'yon, hindi na kami nakapag-usap na dalawa.

Kakaibang Zia ang nakita ko kanina. Hindi siya 'yung tahimik, mahinhin at isip bata. Kakaiba sa Zia nakilala ko at muling nasa harapan ko ngayon at nakasimangot. Bakit siya gan'yan? Kapag kami na ang kausap ay nag-iiba? Pero kapag kay Philip ay seryoso siya? Kilala ko nga ba ang babaeng nasa harapan ko? Siya nga ba 'yung kaibigan na na kasama ko? O, baka naman ang seryosong Zia ay ang Zia sa nakaraan? Nakakapanhinala na siya. Magiging normal pa ba ang kilos ko ngayong binabagabag ako ng kilos n'ya?

Napapitik siya sa harapan ko. “Uy, bakit ka nakatitig sa 'kin? May dumi ba ako sa muk—hala, yung gripo nakabukas pa.”

Doon ko lang naalala na hindi ko nga pala ito sinara. Napakamot nalang ako sa ulo ng maisara ko na. Inaya ko na siyang bumalik kung nasaan sila Detective Frin.

Pagkabalik ay nagtanong agad sila kung bakit ang tagal namin kaya sinabi ko nalang na sumakit ang tiyan ko.

“Are you okay now?” Tumango ako kay Tainy at ngumiti. Nag-alala na naman kasi siya sa 'kin. Napansin ko rin na nagsibalikan na sila Miss Lindon at ang mga kasama n'ya.

“Wait, do you smell something?” Tanong ni Ate Ami. Napakunot ang noo ko. Sinubukan kong amuyin ang paligid.

“Banda dito 'ata.” Sabi ni Kuya Ace. Nauna ng naglakad si Detective malapit sa isang silid. Papunta palang kami doon ay nakakaamoy na kami ng mabaho at malansa.

“Ano ba 'yon? Bakit gano'n ang amoy.”

“Baka naman may patay na daga.”

“O, baka may nabubulok pang basura d'yan hindi lang natapon.”

“Duh, malansa nga 'yung amoy.”

“Duh ka rin.”

“Shut up, Curt.”

Nang huminto kami sa pinto ng silid ay parang masusuka ako sa amoy. Napatakip kami ng ilong. “Nasa loob ba 'yun nanggagaling?” Tanong ni Miss Lindon.

Tumango si Detective Frin. “Dito nga nanggagaling 'yun.”

“Papasok ba tayo d'yan? Mukang hindi ko na kakayanin 'yung amoy.”  Dinig kong sambit ni Jim. Na-curious tuloy ako kung anong nasa loob. Puwede na patay na hayop nga iyon pero kakaiba ang amoy sa normal na amoy ng patay na hayop. Para itong may halong gamot. Ah, basta hindi ko maipaliwanag.

“Oh god!”

Nanlaki ang mga mata namin ng buksan ni Detective Frin ang pintuan at napaatras kaming lahat. Parang gusto kong maluha sa nakita. Siya si Jason Van Reld kung hindi ako magkakamali!


Comment down your reaction in this chapter. 💜

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

8.4K 178 23
Lahat tayo umaasang may FOREVER pero ang tanong may FOREVER nga ba talaga? lahat tayo gustong mabuhay ng matagal kasama ang mga taong malalapit saati...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
4.6K 1.7K 34
Jillian Ylesha Fuentes. Isang mabait at simpleng babae. Wala na siyang ibang pamilya bukod sa Daddy niya. Lahat ng mga bagay ay binigay na ng Daddy n...