Places & Souvenirs - BORACAY...

By JasmineEsperanzaPHR

14.5K 844 62

"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? K... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16 - Ending

Part 8

720 50 1
By JasmineEsperanzaPHR

SA SILID na nakalaan sa kanya ay iniluha niya ang kalungkutang nakadagan sa dibdib. Ngunit higit na nakapanaig ang antok na humihila sa kanya. Nagising siya bandang alas dies ng umaga. Mabigat ang katawan niya nang bumangon. Hindi pa siya gaanong nakakabawi ng puyat at nakakahigit pa sa katamlayan niya ang nangyari ng nagdaang mga oras.

Nag-aayos na siya ng sarili nang gambalain ng mga katok. Napagbuksan niya si Uncle William.

"Mag-empake ka na. Uuwi na tayo," walang abog na wika nito.

Napakunot ang noo niya. Ang alam niya ay sa susunod na araw pa sila uuwi.

"Huwag ka nang tumingin pa. Kumilos ka na."

"Pero bakit?" wala sa loob na naitanong niya.

"Bakit? Nagtatanong ka pa. Wala tayong kontratang maiuuwi. Kasalanan mo iyon." May kumbiksyon sa tinig nito.

Lalo pa siyang nanlambot sa narinig. Wala siyang maisip na dahilan para sa kanya ibunton ang sisi kung hindi man nagkapirmahan ng kontrata ang mga ito. Subalit may ideyang umuukilkil sa isip niya. Hindi man niya iyon gustong pansinin ay tila lalo pang nagsusumiksik.

Kasalanan bang matatawag ang ipagkaloob niya ang sarili kay Andrew? O dahil hindi niya ipinagtapat dito ang pagiging dalaga niya sa tunay na kahulugan niyon?

Inayos niya ang mga gamit at naihanda na niya ang sarili sa mabilis na saglit. Bago siya lumabas ng silid ay ilang beses niyang pinuno ng hangin ang dibdib upang mapagluwag iyon.

Paglabas ng silid niya ay naroroon na at naghihintay sa kanya ang tiyo. Hinanap ng mga mata niya si Andrew. Maski paano ay umaasa siyang makakausap ito. Sa loob niya ay iniisip niyang hindi naman dapat na ganoon lang kadaling matapos ang tungkol sa kanila.

Subalit wala anino man ni Andrew doon. Sa halip ay housekeeper nito ang naroroon na tahimik lang na nagliligpit ng kalat.

"Nasaan si Andrew?" tanong niya. "U-uncle William, kakausapin ko siya kung---"

"Hindi na kailangan," agaw nito sa mahinang boses. "Hindi tayo magmamakaawa sa kanya kung ayaw niyang dumaan sa kumpanya natin ang mga kargamento niya. Marami pang ibang kliyente."

"Pero---"

"Enough," pakli nito at binuhat na ang bagahe. Bumaling ito sa housekeeper at maayos na nagpaalam.

"Uncle William, kailangang magkausap kami ni Andrew," pilit pa rin niya nang naghihintay na sila ng pagbubukas ng elevator.

"Para ano pa?" singhal nito. "Hindi ka niya gustong makita. Grow up, Rachel at harapin mo ang realidad. Hindi na siya interesado. Sa iyo o sa transaksyon namin."

Napailing-iling siya. Gusto niyang tutulan ang tinurang iyon ng tiyo subalit walang tinig na lumabas sa kanyang mga labi.

Tila wala siyang sariling isip at naging sunud-sunuran na lamang kay Uncle William. Nang makabalik sila ng Pilipinas ay ibayong bigat ang dala-dala ng kanyang dibdib.

Sa kabila ng karanasang iyon ay hindi pa rin siya agad na sumuko. Hinanap niya ang numero ni Andrew at ilang beses itong tinawagan sa opisina at flat nito sa Hongkong.

Kahit naglalaban ang pride at puso niya sa ginagawang iyon ay pinairal pa rin niya ang kagustuhang magkausap si Andrew. Naniniwala siyang mas madali siyang makakabangon kung mismong kay Andrew niya maririnig ang rejection nito sa kanya.

Wala siyang ideya kung iniiwasan lang ni Andrew ang mga tawag niya. Kung hindi ang sekretarya nito ang nakakasagot sa kanya ay answering machine. At alinman sa dalawang iyon ay hindi siya nag-abalang mag-iwan ng mensahe para sa binata.

At bagama't masakit sa loob niya, tinanggap na lamang niya ang sinabi ng kanyang tiyo.

Na hindi na interesado si Andrew sa kanya.


HALOS bahagya pa lang nakakatulog si Rachel nang gambalain siya ng mga katok. Alarmado kaagad ang pakiramdam niya. Nasa ibang lugar siya at hindi niya iniisip kung ano ang matinding dahilan upang may kumatok sa pinto sa dis-oras na iyon ng gabi.

Sa halip na tunguhin niya ang pinto ay nanungaw siya sa bintana. May sunog ba? tanong niya sa sarili. Ngunit payapang-payapa ang gabi sa Boracay. Tanging tunog ng mabining alon ang naririnig niya.

At umagaw doon ang tila nag-aapurang mga katok.

"Sino iyan?" tanong niya muna. Nakatitig siya sa kandado ng pinto. Secured naman iyon.

"Ako."

Hindi na kailangang mapikon siya sa sagot na iyon. Kilala na niya kung kanino ang boses na iyon ngunit wala pa rin siyang intensyong pagbuksan ito ng pinto.

"Go away, Andrew," taboy niya dito.

"Open this door, Rachel," sa halip ay sabi nito na puno ng awtoridad.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago tumalima.

"Bakit?" walang tonong tanong niya. Naibukas na niya ang pinto subalit nanatili namang nakaharang ang katawan niya sa awang na ginawa niya roon.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Andrew. "Relax, Rachel. Wala akong gagawing masama. Gusto lang sana kitang makausap. At ibigay sa iyo ang mga ito. Other than that, wala na akong iba pang interes."

Isang maliit na botelya ang ipinakita nito sa kanya. Wala siyang ideya kung ano iyon. At wala rin doon ang pansin niya. Mas matining sa isip niya ang kaprangkahang tinuran nito.

"Hindi kita pinagbuksan ng pinto para insultuhin ako. At kung may sasabihin ka sa akin, hindi ba iyon maaaring mamaya na lang pagsikat ng araw? Gaano ba iyon ka-importante para kumatok ka sa dis-oras ng gabi?" mataray na ulos niya.

Tila hindi naman apektado si Andrew ng pagtataray niya. Iniabot nito sa kanya ang botelya.

"Painkillers," anito. "Umaatake ang migraine mo, hindi ba?"

"Sino ang maysabi sa iyo?"

"Si Miss Bennet. Nakita ko siyang papaakyat sana rito. Nag-aalala siya dahil hindi ka naman daw nanghingi ng gamot sa ibaba. It's either may dala kang gamot o tinitiis mo lang."

"Akala ko magna-night out siya. Inaya pa nga niya ako."

"She did pero kaagad ding bumalik dito. Anyway, I offered myself na magdala dito ng gamot."

"Why?"

"I want to talk to you, that's why. Now, papapasukin mo ba ako, o hahayaan na lang na nakatayo dito. Any moment, may guest na maaaring mapadaan dito at marinig ang anumang pinag-uusapan natin."

"Kung naniniwala kang umaatake ang migraine ko, sa palagay mo ba makaka-us-ap mo ako nang matino?"

"Looking at you right now, I think lumipas na ang pinakamatinding atake kung nagkaroon man. I'm sure you're perfectly well para makausap."

"Inaantok na ako."

"I don't think so" kontra nito. "And Rachel, hindi ako aalis dito hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan sa isip ko. You owe me an explanation."

"Owe you?" mapakla niyang sabi. "Besides, nagkaharap na tayo kanina at nagkausap."

"Pag-uusap na ang tawag mo roon? For me, it's just a little introduction. Alam mo kung ano ang ibig kong tukuyin, Rachel. It's about the thing we have shared some six years ago."

"Kinalimutan ko na iyon," mabuway na sabi niya.

"Kinalimutan?" nang-aarok na sabi nito. "Mahirap yatang paniwalaan iyan. It was you first time. Madali bang makalimutan iyon?"

"Hindi," amin naman niya ngunit nang bitiwan niya ang salitang iyon ay sinikap niyang maging matatag ang tinig. "Pero sinikap kong huwag nang maalala pa ang yugtong iyon ng buhay ko."

"And you can't simply forget," kaswal na sabi nito.

Napabuntunghininga siya. "And so?"

Hindi niya naisip na ang isinagot na iyon ay para na ring pag-amin. A look of grim satisfaction darkened his face. At namalayan na lamang niya ang pagbaba ng mukha nito sa kanya.

Dapat ay dagli na niyang iniiwas ang mukha. Dapat ay umatras siya at pinagsarhan na lamang ito ng pinto. Subalit wala siyang ginawa maliban sa panoorin ang unti-unti nitong pagtawid sa distansya ng kanilang mga labi.

Matining pa sa alaala niya ang nakaraan nila ni Andrew. Subalit alinman sa halik na ipinaranas sa kanya nito noon ay hindi niya maikukumpara sa halik na ginagawa nito ngayon. His kiss seemed exploding violently on her senses. Tila nag-uunahang dumaloy ang kanyang dugo sa bawat ugat niya. At naramdaman na lamang niya na tila tinatakasan ng lakas ang kanyang mga tuhod.

Kung hindi pa sa maiingay na pagdating ng isang grupo ng turista ay hindi sila matitigilan. Gayunman ay hindi mabilis na lumayo sa kanya si Andrew. Kung paanong mabagal na tinawid nito ang pagitan ng kanilang mga mukha ay gayon din kabagal na lumayo ito.

"Rachel, after this kiss, sa palagay mo ba ay wala nga tayong dapat pag-usapan pa?" mahinang tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sa mga labi niya ay tila nararamdaman pa niya ang katatapos na halik nito.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin? Matagal ang anim na taong lumipas. Probably you are married now," mapait na wika niya.

"I was," matabang na sabi nito na ikinabigla naman niya.

Sa isip ni Rachel ay hindi miminsang pumasok doon na malamang na nag-asawa na si Andrew. Hindi naman imposible iyon ngunit sa dibdib niya ay masakit pa rin. At ngayong marinig mismo sa mga labi nito ay nadiskubre niyang lalo pa palang masakit.

"I'm a widower now," untag ni Andrew sa pananahimik niya.

Napatitig siya dito at inulit sa isip ang narinig. Totoo kaya iyon? At naniwala naman siya agad dahilan para ang sakit na pumuno sa puso niya ay dagli ring naglaho.

"Whatever," pagkuwan ay sabi niya. "Bakit ipinagpipilitan mo pang mag-usap tayo? Anong eksplanasyon pa ang kailangan mo? I was young and naïve. And inexperienced. Alam mo na iyon noon pero anong trato pa ang ginawa mo sa akin?" Hindi na niya napigil ang sarili at halos sumbatan na ito.

"Trato?" anito na tila nabigla. "Ano ba ang ine-expect mo? You should not be surprised by my reaction then."

Surprised was definitely not the word. She was stunned. And heartbroken. Ano pa ba ang dapat maramdaman ng isang inosenteng tulad niya noon kapag hindi nasiyahan sa kawalang-muwang niya ang isang lalaki.

"Alam kong disappointed ka sa akin noon."

"Disappointed?" marahas na ulit nito. "Iyon lang ang iniisip mong naramdaman ko?"

"Perhaps that's not the exact word. Pero wala akong alam kung ano ang salitang makakatukoy mismo sa naramdaman mo."

Matabang itong tumawa. "To think that you are a writer now," may pasaring na sabi nito.

"Matagal nang nakaraan iyon. Ano pa ang dahilan para pag-usapan ngayon?" sumusuko nang tanong niya.

Hindi na nagawang sagutin ni Andrew ang tanong na iyon. namalayan nilang papalapit sa kanila si Miss Bennet at larawan ng pag-aalala ang mukha.

"Are you okay now?" wika nito sa kanya matapos magpasintabi kay Andrew. "Inaabangan ko sanang bumaba si Sir Andrew. Nainip ako at nag-alalang baka grabe ang sakit ng ulo mo kaya—"

"Medyo lumipas na ang kirot," dahilan niya. Nasulyapan niya ang botelya ng gamot na nasa kamay pa ni Andrew. "Tinatanggihan ko na nga ang gamot kasi... kasi may baon din naman akong painkiller. But I appreciate your kindness, Miss Bennet." At sinsero ang ngiting ibinigay niya dito.

"Don't mention it. I hope to see you in the morning." Pumihit na ito upang tumalikod.

Iyon naman ang nakita niyang pagkakataon upang maitaboy na rin ang isa pang nasa harapan niya.

"Good night, Andrew," kaswal na sabi niya.

At mabilis na niyang isinara ang pinto. Maano ba kung mapagsabihan siya nitong bastos? Ito lang naman ang nakakita sapagkat nakalayo na rin si Miss Bennet.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

31K 1K 34
(unfficial teaser) Sino ang may sabing ang 'first love never dies' ay di totoo? Pwes, totoo iyon para kay Riddle. Dahil siya ang buhay na katotohana...
95K 3.2K 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoo...
4.4K 82 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa luga...
283K 5.9K 36
Si Dick. Isa lang ang babae na minahal niya nang husto---si Vera Mae. But Vera Mae broke up with him and married someone else. That left him hurt and...