Fucker Series #6: YLLER

By Enaruol

34.1K 1K 643

Yller M. Newz is a renowned attorney and a bar top notcher, who would have thought that Attorney Newz who nev... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
Author's Note
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHPATER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 11

1.2K 64 45
By Enaruol

Note:

This is it pansit!

Pasensya na ngayon lang ulit ako nakapag update, sinisingit ko lang kasi sa time ko yung pagsusulat.

Salamat sa mga sumusuporta at patuloy na naghihintay.

Power!!!

-En

*****************

Bago mangyari ang nasabing sunog...

Tumunog ang telepono ng isang lalaki.

"Sir?"

"Gawin na ang plano. Sunugin niyo ang bahay at isama niyo sa pagsunog ang bata."

"Pero sir, ang nasa plano natin ay papalabasin lang nating patay ang bata"

"Hahaha... Anak siya ni Yller, hindi siya puwedeng mabuhay. Nag-uumpisa pa lang ako... Hindi lang ang batang iyan ang mawawala sa kanya. Umpisahan niyo na."

"Masusunod po"

Ramdam ng lalaki ang pagngiti ng kaniyang amo.

Samantalang sa loob ng Frisch Club, habang nakasuot ng earpiece si Hier ay narinig niya ang pag-uusap ng lalaking kumausap kay Claudia at ng tauhan nito.

Agad siyang tumawag sa kaniyang kaibigan na pinsan ni Blue

"Zico, give me some men. I need you to abduct a kid. I'll give you ten minutes to finish this."

"Hier, I want to remind you. I am the boss"

"Want to be the boss? Kill your father Zico. Then you will."

"Fuck you"

"The task is complete. There are cockroaches that wants to burn that house."

"Don't touch them."

"Get the kid in your lab, he's quite good seedling."

"Don't you dare fucker. He's my friend's son"

"Fine, finish your project as soon as possible.""

"Don't worry"

Naputol ang linya at agad na tumayo si Hier.

"Iiwan mo ako?"

Tiningnan ni Hier ang babae mula ulo hanggang paa. Nakita niya na medyo basa ang damit nito. Hintak niya ang kamay ng babae tiyaka lumabas sa club.

"Saan mo ako dadalhin"

"Shut up woman"

Umirap ang babae at nagpadala sa kagustuhan ni Hier.

"What is your name?"

"Ia"

"Full Name"

"Basta Ia, pwede mo rin akong tawaging Ria... Short term for Maria"

"So, you are Maria?"

"Oo"

"Your name sounds like holy"

"Nah, pano pa pangalan mo? Hier... Tagapagmana. "

Natawa si Maria sa sinabi niya at pakiramdam niya ay napakatalino ng linyang kanyang binitawan ngunit walang ekspresyon ang mukha ni Hier.

'tsk, di magandang kabonding... Kj'

Hindi na nagsalita si Maria habang pasakay sa loob ng sasakyan.

Nang makarating sila sa kanilang paroroonan, hindi agad sila bumaba at napansin niya na kakaiba ang lugar na iyon, medyo liblib at wala gaanong tao.

"Stay here, don't go outside unless you want to die"

"Ha?"

Hindi maintindigan ni Maria ang sinabi ni Hier. Hindi na nagsalita si Hier at lumabas ng sasakyan, pinindot niya ang isang buton at awtomatikong naglock ang pinto, miski si Maria na nasa loob ng sasakyan ay hindi nita mabuksan ang ointuan nito.

Sinundo si Hier ng isang matanda at sumakay sila sa isang magarang sasakyan.

'tangina, ibebenta niya ba ako? Aishhh.... Paano kung ibebenta niya ako? Paano kung iwan niya ako? Aishhh... Ria naman kasi, kapag pogi sama ka ng sama! Ang laki kong gaga.'

Namutla si Maria sa sitwasyong kinahaharap niya. Hindi niya akalaing iiwan siya mag-isa ni Hier sa loob ng kotse na nasa gitna ng kawalan, madilim at wala siyang maaninag sa labas.

Pakiramdam niya ay nasa isang nakakatakot na palabas siya. Pumikit si Mariah at hindi niya akalaing mapapadasal siya ng our father habang hinihintay ang pagbabalik ni Hier.

Samantalang si Hier naman ay pumunta sa laboratoryo niya. Ang lugar na kanilang pinuntahan ay isang sikretong lugar na tanging mga miyembro ng Jone's ang nakakaalam nito dahil dito ginagawa ang mga imbensyon niyang nakatutulong sa paglagon ng Jones sa larangan ng sandatahan at teknolohiya.

Nang makapasok siya sa loob ay nakita niya si Claud na nakaupo at nagbabasa ng libro, tila'y ang bata ang may ari ng buong laboratoryo.

"Who are you?"

"I am your father's Friend."

"Wala akong daddy. Patay na"

Walang gana si Hier na makipag usap, kung hindi anak ni Yller ang nasa harap niya ay baka itinapon niya na ang bata sa labas at ipakain sa bantay ng laboratoryo.

Hinatak ni Hier si Claud papalabas ng laboratoryo. Pagdating sa labas, sumakay ulit sila sa isang itim na sasakyan upang pumunta sa kotse ni Hier na nakaparada sa ibaba ng bundok.

Hindi alam ni Maria na inawan siya sa loob ng kotse na nasa paanan ng bundok dahil ang buong laboratoryo ni Hier ay nasa tuktok ng bundok.

Lumuwag ang paghinga ni Maria ng makita niya na lumabas si Hier sa kotse hatak-hatak ang isang paslit. Pumasok si Hier sa loob ng sasakyan, ganun din ang bata. Tahimik si Claud habang nakaupo sa likuran.

Habang nagmamaneho, tinawagan ni Hier ang ama ni Yller.

"Your grandson is in my hands."

Napangiwi si Maria sa sinabi ni Hier dahil para itong 'kidnapper' sa isang teleserye na kung saan huli na bago rumisponde ang mga kapulisan.

"Thank you, Gilbert will be at your place"

Alam ni Hier na itatago ng matandang Newz si Claud. Si Gilbert ay ang tauhan nito na kumikilos sa dilim. Iilan lang ang nakakakilala sa kanya, madalas siya ang tagalinis ng matandang Newz sa mga kaso nito.

"Okay"

Nakarating sila sa bahay ni Hier at nakita nila ang isang matandang nakangiti habang nakatayo sa tabi ng isang magarang kotse, si Gilbert.

Huminto ang kanilang sasakyan, naglakad naman si Gilbert papalapit sa kinaroroonan nila. Kumatok ito sa bintana at binuksan ito ni Hier.

"Sir Hier, ako si Gilbert."

"Oh, sige.... Bata-"

"I'm Claud"

Kumunot ang noo ni Hier, ayaw niyang kausap si Claud dahil naiirita siya sa bata lalo pa't pinutol nito ang pagsasalita niya. Sumenyas siya kay Gilbert na kuhanin nito si Claud.

Kumilos si Gilbert, umikot ang matanda upang makapunta sa gilid ni Claud, binuksan niya ang pinto at mabilis niyang kinarga ang bata.

"Salamat, Sir"

Tumango lang si Hier bilang sagot samantalang si Gilbert ay naglakad papunta sa sasakyan nito. Alam ni Claud na wala siyang kawala kahit pa magwala siya kung kaya't hinayaan niya na buhatin siya ng taong hindi niya kakilala.

Isinakay ni Gilbert si Claud sa sasakyan at nagmadaling pumunta sa harapan upang imaneho ito.

"Lolo"

"I'm just 50 years old"

"Bata pa lang ako, si mama wala pang thirty... Para ka ng papa ng mama ko kaya para na rin kitang lolo"

"Hahah, apo ka nga niya"

"Niya?"

"Oo, makikita mo rin siya. Ang tunay mong lolo"

"Papa ni mama?"

"Hindi, papa ng mama mo"

"Ahh... Okay. Ayoko yun, ikaw na lang lolo ko."

"Bakit?"

"Guwapo ako para maging apo niya."

"Hahaha... Alam mo bang ganyan din siya noon"

"Magkaiba kami. Gurang na siya bata pa ako. Walang noon, noon "

"Hahaha, ang kulit mo"

Lumuwag ang dibdib ni Claud dahil alam niyang hindi siya mamamatay at makikita niya ang kaniyang lolo.

"Lolo"

"Bakit?"

"Masama ba ang papa ko?"

"Hindi, mabait siya"

"Bakit galit sa kanya si mama ko?"

"Away mag-asawa"

"Anong asawa? Hindi pa Mrs. si mama ko. Ms ang tawag sa kanya "

"Kung hindi sila mag-asawa bakit ka nabuo?"

"Pag mag-asawa ba nagkakaroon ng baby? Paano paglaki ko? Hindi ako magkakaanak pag wala akong asawa?"

"Hahaha, oo."

"Sinungaling."

Tumingin si Gilbert sa salamin upang maaninag ang itsura ni Claud. Mukha itong natural na bata ngunit kakaiba ang talas ng paningin ito.

Nakarating sila sa isang bahay, nakita nila ang matandang Newz na nakaupo sa sofa.

"Apo"

Ngumiti si Claud sa matanda at niyakap ang kaniyang lolo. Alam ni Claud ang tungkol sa kaniyang lolo at sa ano ang nangyari sa kaniyang ina noon ngunit hindi ang panggagahasa ng kaniyang ama kay Claudia. Upang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kaniyang lolo, kailangang dumikit siya sa kaniyang 'suspect'

"Lolo"

Gustong maubo ni Gilbert sa kaplastikan ni Claud.

'kakaibang bata, kanina sinusuka niya si Sir ngayon akala mo matagal na silang nagkikita. Tsk tsk.'

"Grandson, I want to fix your family. Stay here, until your parents will reconcile"

"Talaga po?"

"Oo"

Mahahalata sa mata ng matanda ang nagbabadyang luha. Kinuha nito ang isang 'photobook'

"This is your daddy"

Pinakita ng matanda ang larawan nilang pamilya.

Napangiti si Claud, kamukhang kamukha niya ang kaniyang ama. Nagsimula ang larawan noong binyag ni Yller hanggang sa mag-isang taon, makatapos ng elementarya at sekundarya.

"Sandali!"

"This is my daddy?"

"Oo"

Nagulantang siya dahil ang abugadong tumulong sa kaniya ay ang tunay niyang ama.

"Bakit hindi niya sa akin sinabi?"

"Nagkita na ba kayo apo?"

"Opo, isa siya sa judge sa sinalihan ko pong contest."

"Apo, hindi alam ng daddy mo ang patungkol sayo"

"Bakit?"

"Itinago ka ng mommy mo"

"Bakit ako itinago ni mama? May kasalanan ba siya?"

"Parang ganun na nga, malaki ang naging kasalanan ng daddy mo sa mommy mo"

"Siya ba ang pumatay kay lolo?"

Nabigla ang matanda lalo pa't nakita niya ang pagtalim ng paningin ni Claud.

"Hindi, wala siyang alam sa nangyari sa lolo mo"

"Kung hindi niya alam, ikaw po ba lo? May alam ka po ba sa pagkamatay ng lolo ko?"

Ngumiti ang matandang Newz sa sinabi ni Claud. Hinawakan niya ang ulo nito.

"Apo nga kita."

Hindi sinagot ng matandang Newz ang tanong ni Claud. Umiinit ang kaniyang dugo dahil sa pananabik dahil kahit hindi lumaki sa pamilya nila ang apo ay matalas at magaling itong magtanong.

"Gusto mo bang maging abugado?"

"Ayoko po"

"Bakit"

"Hindi ko po alam"

"Claud, dito ka mag-aaral. Makakasama mo si Gilbert at Fe, sila ang tatayo bilang lolo at lola mo sa harap ng maraming tao. Lahat ng pangagailangan mo ay naandito, dadalawin kita ngunit hindi ganoon kadalas. May mga taong hindi ko kilala na gustong gumulo sa buhay niyo... Hanggat hindi maayos ang lahat hindi ka makakabalik. Delikado"

Alam ng matanda na matalas ang memorya ni Claud at naiintindihan siya nito kaya sinabi niya ang katotohanan sa bata.

"Okay po"

Inabot ng matanda ang isang itim na kard at alam ni Ckaud na naglalaman iyon ng pera.

"May maliit na kumpanya dito, nakapangalan sa iyo ang kumpanya. Ikaw ang nagmamay-ari ng kumpanya at si Gilbert ang namamalakad sa kumpanya dahil masyado ka pang bata. Lahat ng kita sa kumpanya, diyaan dumidiretso."

"Okay po"

Yumakap sa kaniya ang matanda at humalik sa kaniyang noo. Umalis ang matandang Newz upang walang makahalata sa kanyang mga kinikilos.

Umupo ng maayos si Claud at inutusan niya si Gilbert upang tawaging si Fe.

"Kayong dalawa ang magiging lolo at lola ko"

Tumango ang dalawa sa sinabi ni Claud. Pansin nila ang pagbabago ng bata, para itong matanda na nasa katawan ng isang paslit.

"Lola Fe, ikaw na bahala kumuha ng isang kasambahay dito. Lolo Gilbert, kumuha ka ng tao na magbabantay sa bahay"

Bahagyang yumuko ang dalawa sa sinabi ni Claud.

"Lolo Gilbert, samahan mo ako sa kuwarto."

Pumunta ang dalawa sa kuwarto, malaki ang kuwartong nakalaan para kay Claud. Umupo si Claud sa kama at umasta na parang isang kagalang-galang na lalaki.

"Lolo Gilbert may ipapagawa ako "

"Okay"

"Maglaan ka ng kuwarto dito sa bahay para sa akin, opisina. Turuan mo ako paano mag-asikaso sa kumpanya, kumuha ka ng sampung taong makakasama mo. Kaya akong protektahan, marunong silang pumatay kung kinakailangan"

Nabigla si Gilbert sa sinabi ng bata dahil walang bata na magsasalita ng mga ganoon. Hindi niya mawari kung bakit nakikita niya ang pinaka pinuno ng Newz sa ugali ni Claud, ang lolo ng matandang Newz.

Bata pa lang si Gilbert ay hinasa at tinuruan siya upang maging kanang kamay ng isang Newz. Ang butler ng Newz ay ang kaniyang lolo kung kaya't lahat sila ay namulat sa ganoong sistema. Nakita niya kung paano mamuno ang pinuno noon ng Newz, mautak at walang awa sa pagpatay dahil noon ay kabilang pa sila sa mga kilalang pamilya sa underworld.

Noon, ang Newz ay kasangga ng Jones sa underworld ngunit binago iyon ng ama ng matandang Newz kung kaya't pinalegal nito lahat ng kanilang transaksyon, kumpanya at kung ano pa man. Lahat na illigal na aktibidad ay pinutol nila, ngayon ang kalakip ng pangalan ng Newz ay hustisya.

"Lolo Gilbert"

Tumungin si Gilbert kay Claud at kakaibang ngiti ang ibinigay nito. Kinilabutan siya dahil ganoong ngiti ang ibinibigay ng mga Newz sa tuwing sila ay papatay.

"Ikuwento mo sa akin ang lahat. Kung ano ang nangyari kay mama at atorney Yller"

Napalunok si Gilbert, ilang tao na ang kaniyang pinatay ngunit tumatagos sa buto niya ang lamig na ibinibigay ni Claud kalakip nito ay ang takot...

"Masusunod po young master"

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
374K 9.1K 53
A story of a woman hiding her child to his ruthless ex-husband. A love, that end by letting her go just to protect her. Hiding the child for almost 6...
7.6K 6 70
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West