Taking Risks

Af czescadems

12.4K 138 57

Would you take the risks if you dated a basketball player? Kakayanin mo ba ang pagsubok na to? Is it even mea... Mere

Taking Risks
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

596 7 0
Af czescadems

Kiefer's P.O.V

"Paps, pahiram ng bola mo" sabi ni Von

"yoko nga. want it? better catch it" pabiro kong sabi kay Von

natawa naman agad si Von sa sinabi ko tas agad niya sinabi sakin na

"o sige ba, Ravena for threeeeee"

Nag acting ako na mag tethree points shoot at pinasa ko kay Von ang bola. Kaya lang, ulo ng babae ang nakasalo ng shoot ko.

Nung nakita ko na nahihilo na ata ang babae at pahulog na, agad agad naman akong tumakbo sakanya para saluhin.

"miss!" sabi ko, kinakabahan ako

hindi siya gumalaw. anak ng tokwa. patay tayo diyan. di joke. binuhat ko siya at agad ko naman siyang isinugod sa clinic. iniwan ko dun si Von na mag isa at ang bola ko sakanya. then sinabi ko na "see you later", hindi niya ata narinig pero nabasa niya ang bibig ko kaya tumango nalang siya.

Pumunta agad ako sa clinic at inilagay siya sa kama. nag tanong agad ang school nurse sakin na

"ano nangyari sakanya Kief?"

"pinasa ko kasi ang bola ky Von, kaya lang sa ulo niya ata nag shoot" pabiro ko sinabi at agad naman siyang tumawa. love kaya ako ng nurse namin, kung di naman lang ako gwapo hindi naman nila ako papansinin. di joke lang

nilagyan ng nurse ang ulo niya ng ice. bumukol daw eh. sorry lang nurse, di naman sinasadya.

I cutted my next periods para lang samahan ang babae nanatamaan ko ng bola. tinignan ko ang mukha niya. ang ganda ng mga mata niya kahit nakapikit, tsak na mas maganda ang mga ito kapag nakabukas.

di ko namalayan na nakatulog na paka ako sa "watchers chair" ng clinic. naramdaman at narinig ko nalang na may tumunog na "boom!" agad akong na gising and tumayo at tumakbo na pala ang babae sa CR.

sinundan ko siya pero malapit na sana ako magsalita kaso lang sinara niya na ang pinto. anantay ko nalang siya sa labas.

mabuti naman at lumabas na siya! akala ko dun na siya titira eh. hahahaha lol joke

'miss, okay ka na ba?" tinanong ko siya pero hindi naman ata to naka sagot sakin. marunong pa ba siya mag salita? o baka dahilan to sa pag tama ng bola sakanya. patay!

"ahh--"

yun lang talaga ma sabi niya? anak ng!!!!

tas bigla sumulpot ang school nurse, tinawag siya. Sab daw ang pangalan at tinanong siya kun gusto niya umuwi o kaya niya na ba o bla bla bla wala akong paki. si Sab lang naman ang gusto ko eh, di na kasama yung nurse dun! hahaha jk again

sumagot si Sab sa nurse!! yes nakakapagsalita pa siya! yes!

"ah okay na po ako, sige aalis na ako"

yun lang? ni di man lang niya ako tinignan? wala man lang "thank you Kief" oh baka hindi niya naman alam ano nangyari at baka hindi niya ako kilala. masundan nga

lumabasa siya sa clinic at lingon siya ng lingon. sunod naman ako ng sunod. di ko mapigilan sarili ko, kinausap ko nalang siya. oh wait, hindi naman talaga kausap eh kasi di naman siya agad agad naka sagot tumingin lang sakin

"so Sab pala pangalan mo? ganda ha."

hangin? nandiyan ka ba? kinakausap kita. ay teka nga muna parang hindi tama. Sab!! kinakausap kita. ano ba ako dito, multo? kanina pa naman ako nakasunod sayo ah

"ha? eh, ahh pano naging maganda eh sab lang naman yan" sabi niya at parang kinakain niya lahat ng sinabi niya. di bale nalang at least nagsalita. natawa nalang ako sakanya.

di siya tumitigil. ni di niya man lang nga ako tinignan nung sinabi niya yun. kaya naman na pagisipan ko na unahan siya at harangan ng daan.

huminto siya sa akin. nakatingin lang ang mga mata namin, tsaka ko naman sinabi na

"hi Sab, i'm Kiefer" nginitian ko siya agad.

"hi.. anong oras na ba?" WOW ANG EFFORT KO. di bale. tinignan ko relo ko

"9:15 palang. ano oras next period mo? kain tayo? o gusto mo mamaya nalang?" buti nalang may naisip akong paraan. nginitian ko siya ulit

"ha? bakit naman?" parang patay na bumangon pa ulit mag salita to si Sab ah.

"eh kasi kanina natamaan kita ng bola, dapat kay Von ko ipinasa kaso nga lang sinalo ng ulo mo. Muntik ka na sana matumba pero tumakbo ako at sinagip ka. pwede na ba maging superhero? tas tumawa lang ako.

nag bublush si Sab oh.

out of the blue sabi niya sakin "pwede mag tanong? pano ako nakapunta ng clinic?"

sinagot ko siya agad

"binuhat kita"

namumula ang mukha niya.

di siya nag salita

"sige na Sab, para makabawi naman ako sayo" ngitian ko nanaman siya

"oh sige, pero pwede mag lunch nalang? hinahabol ko kasi last period ko. lunch naman kasi kaagad tas wala na akong class after"

sobrang saya ko at umoo siya, agad ko sina bi na "tamang tama! wala rin ako class and pratice after!" wala, tuwang tuwa lang talaga ako

"oh sige, kita nalang tayo sa carpark. bye" umalis siya agad.

sa sobrang saya ko, sinundan ko siya. pero this time, di siya lumingon, dami pa naman kasing students na pupunta sa next class nila. tas pumasok siya sa class niya. hmmm dito lang naman pala classroom niya. sige aantayin nalang kita, Sab.

nag ring na ang bell wala pa rin si Sab. tumayo ako at pumunta sa classroom siya. Nakasandal ako sa pintoan at tinitignan ko lang siya habang inaayos niya ang mga gamit niya. tas may binulong ata kaibigan niya sakanya at napatingin siya sakin.

agad ko siya pinuntahan sa desk niya tapos kinuha ko ang bag niya at agad naman ako lumabas habang daladala ang mga ito.

Habang mag lalakad ako, hinabol niya ako, tapos sumigaw siya at sabi niya

"hoy bata! Ang bag ko!"

Natawa lang talaga ako. Ang ganda niya kasi.

"hoy bata? Haha Mas matangkad kaya ako sayo" tas namumula siya ulit. Kinikilig ba siya? Tumawa nalang ako

Nung nakarating kami sa kotse ko, pinagbukas ko siya ng pinto, agad naman siyang pumasok tapos i closed the door. Binulong ko agad sa sarili ko na "sana ito na"

Sa likod ako dumaan para hindi niya makita kung ano ko ka saya na pumayag siyang lumabas sa akin. I let it out bago akong pumasok sa kotse

Saka ko naman sinabi sakanya na

"sorry nga pala kanina ha, kung alam ko lang na ganito ka ganda ang matatamaan ko, edi sana ako nalang ang tinamaan. Nahulog kasi ako sayo"

Wala na, Kinilig na siya.

Pumasok sa ulo ko agad na kung siya narin man talaga ang mamahalin ko, sana.. Ay, hindi pala sana. Ipaglalaban ko talaga siya, hindi ko siyang iiwan. Magpapakatotoo na ako.

Sana nga lang hindi sirain ng tadhana ang kung ano man talaga ang mangyari sa amin.

End of Kiefer's P.O.V

__________________________________________________

Good morning world! <3

Hmm bat ang GV ko nagyon? Is it because of Kiefer? Bat naman kasi instant kung makapag react tong puso ko.

Biglang bigla nag vibrate phone ko

"from: My Panda <3

Goodmorning, boss! :) see you ;)"

Okay. Kabago bago ko lang siya inisip, ayun nag respond agad.

"to: My Panda <3

Sure ka ba na mag kikita tayo ngayon? :))"

Instant reply!!! Gahh

"from: My Panda <3

Sympre, bumaba kana kaya :)"

Ano daw? Ewan ko sakanya. Masyado pang maaga para sa mga ganyan ganyan, so di ko nalang siya muna nireplyan.

Please don't tell me na crush ko na si Kiefer. I always fall for boys first. But it takes time for me to decide. Ayoko na maging katulad kami ni Kiefer kay Thomas.

It's too early for class naman so bumangon at bumaba ako para kumain ng breakfast.

Pag baba ko, nanlaki ang mga mata ko..

Tangina.

Si Kiefer. Nasalamesa kasama ni mommy at Kuya Earl.

Ano naman ginagawa ni Kiefer sa bahay ko na kay aga aga.

Hindi pa ako nakapagligo, nakapagtoothbrush, nakapagsuklay, nakapagpalit. Nakadaster parin ako. Hassle ni Kiefer. Kahapon lang kami nag kakilala and then ganito na siya.

Pumunta nga sa bahay ko.. By suprise!!! Ni di man lang ako tinext.

"Sab, gising ka na pala. Halika kumain tayo, mamaya pa naman class mo" sinabi ni mommy sakin tapos nag smile lang siya.

Nung narinig ni Kiefer na tinawag ako ni mommy, agad siyang huminto sa kinakain niya at tinignan niya ako.

"Goodmorning, Sab. Kain tayo" ngumiti si Kiefer

Kay aga aga parang matutunaw ako.

"wait, aayos lang ako. Nakakahiya kasi hindi pa..."

I was about to finish my sentence when Kiefer interrupted me.

"di na, halika na dito. Kain tayo. Okay ka lang naman ah. Ganda mo"

NAKAKAHIYA. NANDITO PA SI MOMMY AT SI KUYA EARL. ANO BA KIEFER.

"oo nga Sab, let's eat" sabi naman ni Kuya Earl

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Kiefer.

"Sab, di mo sinabi sakin na magkakilala pala kayo ni Kiefer" sabi ni kuya

"dapat ko bang sinasabi sayo lahat na ginagawa ko sa araw araw?"

Tumawa lang silang tatlo sa sinabi ko.

"sympre, di mo nga sinabi sa amin na natamaan ka pala ni Kiefer ng bola kahapon at na miss mo mga subjects mo. Si Kiefer pa nag sabi sa amin ha, akalain mo yun, Sab? Tumawa si mommy sa sinabi niya

"eh kasi uhm.." kumain nalang agad ako.

Tingin ng tingin si Kiefer sa akin. Kinakausap niya sina Mommy at Kuya, aba aba aba. Parang good vibes sila lahat ah. And i'm here like a goes, being awkward and stuff.

Pagakatapos kong kumain, i excused myself and ran to my room. Bago ako umakyat sa kwarto ko, nilingon ko si Kiefer and then I winked at him. Which was a good sign for him knowing I like what he's doing.

It took me an hour and a half to get myself ready for school. I just wore my skinny jeans, a white loose shirt tapos my Red Keds. I just used my sling bag tas hinahawakan ko lang ang mga libro ko.

Pagbaba ko, nakita at narinig ko si Kiefer at Kuya Earl na magkausap. They were talking about basketball which i was never into so much. I didn't even know that Kiefer was playing too.

"Sab, did you know na Kiefer's a basketball player in Ateneo too?" tanong ni Kuya sakin at agad naman lumingon si Kiefer

"no" sabi ko. Ang sabaw ko palang kausap no.

"Bro, alis na kami. Baka malate si Sab. Thanks ha" pagpaalam ni Kiefer sa kuya ko.

"sige Bro, ingatan mo kapatid ko ha. Nagiisa ko yan" sabi ni Kuya kay Kiefer

Agad ako nag paalam ky kuya at lumabas ng bahay.

Paglabas ko sa gate, inunahan ako ni Kiefer para pag buksan ulit ng pinto. Pumasok naman ako kaagad tapos sinarado niya ang pinto at agad pumunta sa driver's seat.

"alam mo kung ano ka walang hiya ang ginawa mo?" tinry ko maging seryoso. Pinigilan ko lang sarili ko na tumawa.

Yung mukha ya parang nakakita ng aswang "Sorry, di ko kasi alam na ayaw mo yung ganon" pagpapaliwanag niya di ko na kinaya at tumawa ako ng malakas.

"joke lang :)))))"

Napalabas niya ang kanyang malalim na hiniga.

"akala ko kung ano ang ginawa ko." tsaka naman siyang ngumiti at umalis na kami at pumuntang Ateneo. Not that traffic naman kaya nakaabot kami sa school.

Nagpark na si Kiefer at agad niys pintay ang kotse. Kinuha niya bag niya sa likod ng driver and passenger's seat tsaka bumaba at pinagbuksan nanaman ako ng pinto. Pabukas niya, kinuha niya mga libro ko at hinintay niya ako makababa.

Siya lang naman ang nag dala pala ng mga libro ko papuntanh building. Nakakahiya pero hindi ko rin naman makukuha yun. Ayoko na umangal sakanya.

Nung makadating ako sa classroom, kinuha ko ang mga libro ko kay Kiefer tas sinabi ko sakanya na

"lumayas ka na, kahapon pa tayo mag kasama" pabiro kong sinabi ky Kiefer. Agad naman siya nag pout.

ang cute niya. Sana ganito siya forever. Hihi kinikilig ako

"kung di lang naman kasi kita gusto eh.. Wala sige, punta na ko class ko. Bye Sab" tapos ngumiti siya at agad na umalis.

Pumasok na ako sa class ko, buti nalang wala pa si prof.

Na feel ko na nag vibrate ang phone ko.

From: My Panda <3

Napangiti ako nung nakita ko yung name niya. Or should i say, name ko para sakanya. Hihi

"From: My Panda

Kamusta na ang boss ko? :) nakikinig kaya siya sa prof niyo or iniisip niya ako? di joke lang ;)"

Ay. Makapag assume naman tong si Kiefer, wagas ah

"to: My Panda <3

Hmmmm, isipin ko muna. =))"

Oh sige instant reply siya. Ang sarap ng feeling na agad mag reply si special someone.

Wait what did I just say? Friend. Friend lang talaga. For now. Hihi Di ko na nabasa ang text niya kasi agad namang pumasok sa room si prof nung e unlock ko ma sana phone ko.

Hay salamat na tapos na rin ang araw. Di joke. Kakatapos lang pala ng mga class ko. San naman kaya ako pupunta.

Alam ko na.

Pupunta nalang ako sa park. Ganda ng tanawin dun. May benches, tas malamig dun, yung tipong "paradise" pero small lang at nakakchill. Wala rin namang masyado tao dun, so dun nalang ko nagpunta.

Pagdating ko dun, walang tao. Yes! Solong solo ko ang park. Mas makaisip ako ng matino.

Inirelax ko ang sarili ko. Nakapikit rin ako.

Bakit kaya ginawa yun ni Kiefer.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na na fall agad ako sa kanya. Pero i know nung nakita ko siya, agad ko siyang na crush.

Di ko naman siya ganun ka kilala. Naalala ko sinabi ni Chloe kanina sakin nung nasa third period kami.

"Nako girl, mag ingat ingat ka diyan. Sikat yan. Phenom ng Pilipinas at ADMU. Madami ang humahabol baka di mo makuha"

Di ko nga alam na ganun ang title niya. Akala ko normal basketball player lang ng Ateneo, pero hindi. Hindi talaga nag sink in sakin ang sinabi ni Chloe.

Crush ko siya hindi dahil sikat siya or ano man. Crush ko siya kasi nung una ko palang siya nakita, na memerized ako.

Pero natatakot ako. Natatakot ako magmahal at masaktan ulit.

Hindi ko gustong gawin ni Kiefer sakin ang ginawa ng huling ex boyfriend ko sakin. Taga UST pa naman, basketball player pa.

Bat ang hilig ko sa basketball players?

Brother ko basketball player. Bestfriend ko basketball player. Ex ko basketball player. Ngayon na dumadamoves sakin basketball player.

Wait, dumadamoves agad? Assuming? Pero di, seryoso ako. parang alam ko kasi ang moves ni Kiefer na ganyan eh.

Gusto kong magisip pa.

Ayaw ko siyang mahalin para panakip butas lang. Pero sure ako sa sinabi ko na crush ko siya. di ko namainexpect na ganito ako ang effect ni Kiefer sakin. Madami din ako naging crush ah, pero hindi talaga eh.

Naremember ko agad ang sinabi ng ex ko sakin

"hindi kitang iiwan, this I promise" sabi niya.

Ngumiti lang ako sakanya. Kasi akala ko na totoo lahay nang mga sinasabi niya.

Dun ako na saktan, na nagkalabuan kami, tas na sira pa ang trust.

Yung nga sabi ng almost lahat ng tao eh, trust is really important in a relationship.

Di ko narealize na tumulo na pala ang luha sa mata ko.

Ang sakit na naalala ko pa yun. A year has passed na rin. The fact na nakamove on na ako, pero may something talaga na hindi mo mapakawalan.

may biglang umabot sakin ng panyo at sinabi niya, "eto panyo, kailangan mo yan" kinuha ko naman agad pero hindi ko na tinignan kung sino.

Tumabi siya sakin sa bench, pero pinagsiksikan niya lang ang sarili niya dahil naka Indian seat ako. Bigla ko naman inaayos ang pag upo ko.

Pagtingin ko sa tabi ko, nakangiti siyang tumitigin sakin.

Si Jeron.

Fortsæt med at læse