Moonlights End Game (Fake Wor...

AeaeaMaeCaratao által

258 54 2

Masungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hin... Több

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Announcement
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 7

11 3 0
AeaeaMaeCaratao által

Ilang araw na, natapos na ang isang linggo pero hindi pa rin kami pinapansin ni Yam. Imposible namang topak lang, hindi naman siya ganyan magalit o magtampo. Para talagang bumalik na siya sa dati.

Ganun rin siya dati, mahirap magtiwala kasi minsan nang nagka-trust issue dahil tinraydor ng mga kaibigan niya noong highschool. Pati sa 'min hindi na siya nakikihalubilo, palagi siyang nakakulong sa kwarto niya, minsan nakikita naming umiiyak siya pero
dinadahilang napuwing lang.

Nasa tambayan ulit kami pero kaming tatlo na lang, tinext namin kanina yung isa kaso sabi niya may gagawin pa raw siya. Pati yung dalawa nagtataka na sa inakto ni Yam, wala naman kasi talaga kaming ginawa bigla-bigla nalang naging ganun pakikitungo niya.

"May communication pa rin kayo ni ano?" Tanong ni Kyle kay Jai. Kumunot naman ang noo ng isa.

"Nino?"

"Ex mo tanga"

Umiling naman siya, nilabas niya cellphone niya at nag-scroll. Boring naman, wala ang maingay, walang ka-vibe si Jai.

"Hoy pre tingnan n'yo sa gc dali, lumapag si Yam" kahit nagtaka sa sinabi ni Jai, binuksan ko pa rin ang RPA ko.

Godmother Yam: hoy bubuwagin na 'to, thankyou sa time and effort guys lovelots!!.

Nag-dagsaan ang mga tanong ng mga members pati si Kaia na parang walang pakealam nagtanong na rin. Ilang araw ko na pala 'tong hindi nakakausap.

"Bakit niya bubuwagin? Kung kelan solid na saka bubuwagin?" Takang-tanong ni Kyle na halata rin ang pagkadismaya sa ginagawa ng isa.

Godmother Yam: napag-usapan na namin ng founder at co-founder ninyo 'to. Kung gusto ninyo, gumawa nalang kayo ng bagong gc na kayo-kayo lang.

Wait what? Hindi niya nga kami sinabihan ni Jai tapos pinalabas niyang payag kami? What the...

Tumayo ako saka naglakad papalayo, hindi 'to pwede. Wala naman kaming ginagawa sa kaniya bigla nalang siyang nagbabago. Buti sana kung alam namin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan kaso hindi eh. Nagmumukha kaming tanga.

"Hoy pre saan ka pupunta?" Habol nila Jai, humarap ako sa kanila

"Hindi na pwede 'to pre, wala naman tayong ginawang mali bigla nalang siyang magkakaganyan? Pinagmumukha tayong tanga eh" Galit na sigaw ko bago naglakad ulit.

"Pigilan mo kaya?" Rinig ko pang bulong ni Kyle kay Jai.

"Hayaan mo nalang muna" sagot naman ng isa.



Nasa labas ako ng bahay nila Yam, tinext ko siya at sinabing lumabas pero ansabi niya umalis nalang raw ako kasi may ginagawa siya.

Na naman.

Wala akong choice kaya kumatok ako sa pinto nila, kailangan mo siyang makausap. Hindi naman pwedeng palagi niyang tinatakasan problema niya. Bumungad sa 'kin yung Mama niya.

"Si Yam, Ma?" Tanong ko kasabay ng pagmano.

"Ay teka tawagin ko lang sa kwarto niya, aalis kayo?" Masayang tanong ng Mama niya, walang kaalam-alam sa nangyayare sa anak niya.

Sinabi ko nalang oo para lang lumabas si Yam, naghintay ako sa labas. Hindi naman nagtagal lumabas rin siya. Suot niya yung hoodie na binili namin nung gabing nag-shopping kaming apat. Mugto ang mata niya na pilit tinatago sa pamamagitan ng pagtungo. Halata rin ang pagod sa itsura niya.

"Sabi ko 'di ba umalis kana?" Mahinang aniya. Partida hindi 'to kumakain, zero energy eh.

"Wag tayo rito mag-usap."

"Umalis ka nalang!"

"Sumunod ka nalang!"

Sinamaan niya ako ng tingin pero sa huli wala ring nagawa, pumunta ulit kaming tambayan naming apat. Sinubukan niya pang tumakbo pero dahil nga may kapandakan madaling nahabol.


Nang makita niya ang dalawa agad siyang umiwas ng tingin saka nagpumiglas, nakahawak ako sa kamay niya para hindi na ulit tumakbo.

"Bitawan mo nga ako!" Bulyaw niya sa 'kin pero tiningnan ko lang siya ng seryuso.

"Problema mo ba?" Tanong agad ni Jai, halatang nagpipigil lang rin ng galit.

"Wala!" Bulyaw ulit ng isa.

"Ano nga?" Pamimilit ulit ni Jai pero binulyawan lang ulit siya.

"Bakit mo ba kami nilalayuan, Yam?" Tanong ko rin.

"Wala nga 'di ba? Nakakaintindi naman siguro kay--"

"Wag mo kaming gawing tanga, potangina!!" Sigaw na rin ni Jai dahilan para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

"Akala ko ba magkakaibigan tayo? 'Kala ko ba solid tayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Maayos naman tayong apat ah? Nag-shopping pa nga tayo tas kinabukasan bigla ka nalang hindi namamansin. Ano ba kasing problema m--" Kalmadong tanong rin ni Kyle pero hindi natuloy kasi bigla na namang sumigaw si Yam.

"Lahat problema ko, ako, kayo, pamilya ko, lahat!" Sigaw niya saka kinweluyan si Kyle. "Bakit? May magagawa ka ba? May maitutulong ba kayo ha?!" Hinigpitan niya ang hawak dahilan para itulak siya bahagya ng isa pero hindi pa rin naman natinag.

"Paano kami makakatulong kung hindi ka naman namin nakakausap? Hindi naman kami manghuhula para malaman ang problema mo nang hindi mo sinasabi." Dagdag ni Jai, kalmado na rin pero halata ang pagtatampo sa boses.

"Kaibigan kuno pero naglilihiman" dagdag ko rin, sa 'kin naman siya bumaling.

"Kaibigan?" Tumawa siya ng sarkastiko. "Bullshit!" Bulyaw niya ulit saka bigla nalang napaupo sa paanan niya.

Nakatungo siya, tinakip niya ang dalawang palad sa mukha niya saka umiyak. Gumagalaw ang balikat niya, rinig na rinig ko rin ang pinipigilang hikbi niya.

Mas masakit yata 'to sa break up ah?

"Pagod na ako" bulong niya, halos hindi na namin marinig sa sobrang hina.

Napuno ng katahimikan ang paligid, iyak niya lang ang naririnig namin. Nakatalikod si Jai, nakapamulsa at nakatingin sa malayo, si Kyle naman hawak ang leeg niya, nakatingin rin sa malayo.

"Palagi nalang" pagbasag niya sa katahimikan, yakap niya na ang tuhod niya, nakatungo pa rin ay umiiyak. "Wala naman akong ginagawa bakit may karma? Nakakapagod na lahat" patuloy niya.

"Pwede ka namang magsabi sa 'min, hindi yung sinasarili mo nalang lahat" dagdag ni Jai. Awkward ng atmosphere, minsan lang sumeryuso 'tong dalawa.

Tumabi ako ng upo sa kaniya saka siya inakbayan, hinaplos-haplos ko yung likuran niya. Pinapatahan.

"You know what? Don't become so nice in this world where all are wearing a mask on their face fool you." Sabi ko, napaangat naman ang tingin niya sa 'kin. Puno ng luha ang mata niya, namumula na rin pati ilong niya.

Umayos siya ng upo, inayos niya rin pati sarili niya. Lumapit naman si Jai at Kyle, tumabi rin ng upo.

"Ayus lang 'yan pre, naiintindihan namin kung ayaw mo mag-open up sa 'min pero kapag hindi mo na kaya nandito lang kami" Si Kyle.

"Aminan tayo ng lihim, open forum tayo" suggest ni Jai.

"Sige pero bago 'yan bili n'yo muna akong pagkain, ilang araw na akong walang kain" sagot ni Yam, lihim kaming napangiti. Akala ko galit pa rin eh.

"Magka-ulcer ka sana kakapalipas mo" nag-cross fingers pa na sabi ni Jai pero pinakyuhan lang siya ng isa.

"Tuloy pa rin ba ang pagbuwag nung sbh?" Tanong ni Kyle.

Tumango naman si Yam, siya naman ang gumawa nun kaya wala rin kaming magagawa. Pwede naman kaming gumawa ulit ng isa pa kung gusto namin pero syempre iba pa rin ang orig.

Ako na ang nagpresentang bumili ng kakainin namin, pagbalik ko nagsasakitan na naman yung tatlo. Tumigil lang nang makita ang pagkaing dala ko. Pagkatapos nun hinatid namin si Yam sa bahay nila.


"Hoy matulog ka bruha, pag ikaw hindi natulog papasabugin ko 'yang bahay n'yo" banta ni Jai pero binelatan lang siya ng isa saka tumakbo papasok sa bahay nila. Syempre nagpasalamat muna siya.





Pagkauwi, nakabantay ulit sa 'kin ang nag-iisa kong guwardiya sibil. Istriktang mukha niya agad ang bumungad sa 'kin, kelan ba 'to babalik sa U.S?

"How many do I have to tell you, Theo--"

"Yeah I know, I know" putol ko sa sasabihin niya. Babalik na naman kami sa 'bawal lumabas' na 'yan.

"Then where have you been?" Istrikta niyang tanong, kakatakot naman 'to.

"Chill, Grandma. I'm just having fun with my friends" sagot ko.

"Don't talk to me that way, I am still your Grandmother, Theo." Makapangyaring sabi niya.

Sino ba kasing nagsabing apo kita?

Inaano 'tong matandang 'to. Sinasagot nga lang tanong niya nagagalit agad. Kapag hindi naman sumagot magagalit rin, kahit chinese lahi nito masasabi ko talagang nahawahan na 'to ng pagka-pinoy.

Napakamot nalang ako ng ulo saka umaykat sa taas para maligo ulit. Pagkatapos humiga ako sa kama at nag-online. Nakatanggap ako ng message galing kay Kaia, ayun na naman yung pagbilis ng pulso ko. Ginagayuma na yata talaga ako ng babaeng 'to eh.

From: Kaia Heciasyn
Message: Hi pawn kamusta?

Noong isang araw pa yun pero hindi ko nareplyan.

From: Kaia Heciasyn
Message: Bubuwagin talaga yun?

Kanina lang 'yan, dali-dali akong nagtype. Akala ko offline siya pero naka-off status lang pala kaya nakapagreply kaagad.


I missed her


Wait what? Hindi ah. Crap. Binabawi ko na. Last time na ini-stalk ko siya nainis ako, kasi sino ba namang hindi maiinis umasa ako sa sinabi niya na gusto niya ako tapos si Jai ang lagi niyang kausap? Si Jai pa tinatag niya sa mga post niya like what the fuck? Andito ako gagi. Minsan naiisip ko totoo ba talaga yung sinabi niya? Totoo ba talagang gusto niya ako o totoo yung hinala ko noon na pinagtitripan niya lang ako?


Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur.


To: Kaia Heciasyn
Message: oo yata?


From: Kaia Heciasyn
Message: Hindi ka sure pawn?


To: Kaia Heciasyn
Message: Ewan ko, busy rin kasi sa Real World eh


From: Kaia Heciasyn
Message: Ahh


Ayan na naman 'yang makapangyarihan niyang 'ahh'. Paboritong-paborito eh.


Sana lang mag-usap pa kami ni Kaia pagkatapos nito.






Happy reading:))

A/N:: Sorry bitin, sinadya ko 'yan. Sensya rin kung mabagal mag-ud, sinisimulan ko na kasi ang story ni Jai MWEHE.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

472K 37.4K 30
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
10.6M 246K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
812K 73.3K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
1.1M 28.3K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...