Reincarnated as a Stupid Daug...

De DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... Mais

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 49

55.5K 3K 944
De DemLux_Pain

THIRD PERSON'S POV




Napaupo na lang si Heavenhell sa gilid habang iniisip ang pupwedeng mangyari kapag nagkaharap sila ni Javier ngayon. Lalo pa't hindi pabor si Janice na maging magkaibigan sila ni Lorraine kaya kapag nalaman ni Javier na naghihinala ito sa kaniya ay siguradong patay siya dito.




Alam kasi ni Heavenhell na aalamin lahat ni Javier ang tungkol sa kaniya kapag nagkataon at dahil dito ay malalaman niya rin kung anong relasyon meron siya sa kalaban nitong si Vile.




"Kyahh! This is crazy!", isip-isip nito habang ginugulo ang buhok.




"Milady, malapit na tayong magsimula... Teka, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Pira sa amo niyang mukhang nasisiraan na ng ulo dahil sa magulo nitong itsura.




Wala sa wisyong tumingin si Heavenhell dito at mahina na umiling, kaya lalong nag-alala si Pira sa sinagot nito.




"Dadalo pa ba kayo sa opening?" magalang na tanong ni Pira.




"No, mauna ka na. Alam mo naman siguro kung anong sasabihin mo kapag may nakakilala sa'yo diba?" seryosong tanong ni Heavenhell.




"Yes, milady."




"Good."




Pagkatapos nitong magpaalam ay tsaka naman pinagpatuloy ni Heavenhell ang pag-iisip, hanggang sa hindi niya namalayan ang paparating na problemang na siyang guguho sa mundo niya.





LORRAINE'S POV




I'm Lorraine Maxwell, 21 years old at kasalukuyan kong kasama ang aking best friend na si Janice para pumunta sa sumisikat na boutique ngayon. Actually, hindi pa siya nagbubukas kaya nang malaman ko na ngayon na ang opening nila ay agad kong sinama si Janice na busy sa pagti-training sa Military Department ng A.I.A.




Nabalitaan ko kasi na darating na ang  kanilang Annual Military Competition kung saan magkakaroon ng iba't-ibang battle na naka-depende sa category, kaya naman sa buong buwan ay lalong magiging busy si Janice.




Nalaman ko rin na kaya wala si Heavenhell sa school ay dahil din sa kanilang research presentation na gaganapin din next month. Kaya talagang nakakalungkot na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya bago siya umalis.




'*sigh* Kahit na minsan ay napapansin ko na ayaw talaga ni Heavenhell na lumapit sa'kin ay gusto ko pa rin siyang maging kaibigan. She's really weird!'




Noon ay marami akong naririnig na rumors tungkol sa kaniya na isa raw siyang kahihiyan ng pamilya Caventry. Halos lahat ng young nobles sa Atlante ay may alam kay Heavenhell dahil siya lang naman daw ang babaeng patay na patay sa young master ng Lucretius.




Noong unang beses na narinig ko 'yon ay hindi ko maiwasan na mamangha. Sino nga ba ang Lucretius? Well, sila lang naman ang pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Atlante at pati na rin sa buong mundo, kaya sino ang hindi matatakot diba?




Simula noon ay updated na ako sa mga kahihiyan kuno na ginagawa ng young lady ng Caventry. Bilang isang anak ng pamilya Maxwell ay may tungkulin ako na mapaganda pa lalo ang reputasyon namin, kaya noong makita ko lahat ng history ng nakakahiyang ginawa ni Heavenhell ay hindi ko maiwasan na mapalunok.




Sinong mag-aakala na ang young lady ng makapangyarihang pamilya na katulad ng Caventry ay makikipagsabunutan para lang sa lalaki. Idagdag mo pa ang baduy nitong pananamit na hindi ko alam kung saan niya pinagbibili ang mga 'to.




Iniisip ko na kapag ako 'yon ay siguradong mahihiya, and at the same time ay matatakot ako sa mga tinginan sa'kin ng lahat na para bang isa kang virus na hindi dapat lapitan. Gusto ko man siyang tulungan noon ay hindi ko naman magawa dahil sa napanghinaan ako ng loob.




Bali-balita rin kasi ang masama nitong ugali sa mga katulong niya kaya natakot ako na baka sigawan niya na lang ako bigla. Sa tatlong taon na pagsubaybay ko sa mga issue niya sa internet ay isang balita ang nagpagimbal sa buong Atlante.




"Lady Heavenhell Caventry finally signed the annulment contract of their engagement with the Lucretius."




Si Heavenhell na kilala ng lahat sa pagiging obsessed nito sa young master ng Lucretius ay pumirma na ng kontrata para matigil ang kasal? Kung may makakarinig lang non ay mapapasabi na lang sila na isa 'yong malaking kalokohan.




Nasa balita rin kasi na pabalik-balik ang attorney ng mga Lucretius sa Caventry Palace para papirmahin ng kontrata si Heavenhell, pero lagi itong umuuwi ng sawi. Kaya nang malaman ng lahat na talaga ngang pumirma na siya ay halos magulat ang mga young nobles sa nabalitaan.




Ayoko man maging tsismosa pero hindi ko maiwasan na mabigla sa nalaman. Bukod pa rito ay kapansin-pansin din ang mabilis na pagkalat ng mga issue tungkol kay Heavenhell na para bang may taong sinasadyang ipakalat ito.




Hmm... Well, I have an idea who is that person but I have no right to engage myself with their problems.




Naging tahimik ang buong social media nang dahil wala na silang mapag-tsitsismisan kaya nawala na rin sa isip ko ang mangyari. Pero sinong mag-aakala na makikita ko si Heavenhell sa A.I.A at talagang tinulungan niya pa ako sa mga bullies.




Talagang nagulat ako nang makita ko siya mismo sa harap ko at hindi ko maiwasan na mamangha sa kagandahan niya. Sino nga ang baduy? Sino ulit ang masama ang ugali? Dahil sa panahon na 'yon ay wala akong makita na masama sa kaniya.




'She's so perfect and kind!'




Ni minsan din na magkasama kami ay wala akong narinig na binanggit niya ang young master ng Lucretius na para bang hindi niya kilala ang taong hinabol-habol niya ng ilang taon. Kakaiba rin ang awra nito at wala akong nakikitang takot sa mga mata niya.




Noong umpisa ang inaasahan kong makikita ko sa mukha ni Heavenhell ay lungkot at pagod, pero hindi ko 'yon nakita na dumating sa punto na tinanong ko ang sarili ko kung siya ba yung napapanood ko sa mga videos at pictures sa internet.




'That's why I know that she's so strong and I want her to be my friend!'




I'm excited to see her again! Lalo pa't pumayag na si Janice na maging kaibigan namin si Heavenhell, kaya sisiguraduhin ko na makikilala niya na ang totoong Lorraine Maxwell.




"Good evening! I am so grateful to all of you that came here to witness the memorable day of our business journey. Well, I'll better stop saying anything now and just open the store for all of you to enjoy! Welcome our dear customers!" nakangiting sabi ng magandang babae na nakasuot ng corporate attire.




"Kyahh! Finally at mabibili ko na ang dress na nakita ko sa internet!"



"I'm excited! Let's go in!"



"Let's just enjoy shopping, okay?"



"Okay, honey."



"Dear, what do you want to buy?"



"Hmm... The dress there is beautiful!"



"Wow! Narinig ko na may promo daw sila kapag nakabili ka ng pasok sa price range ng store."



"Yeah! Kapag umabot yata ng certain amount yung binili mo ay makakatanggap ka ng extra product na nasa freebies section."



"They are so generous!"



"Oo nga! Nakita ko pa naman na magaganda yung mga items na nandoon!"



"Kung ganoon ay mas maigi na makakuha tayo ng freebies!"



"Yes! Yes!"




Pagkatapos ng ribbon cutting ay excited na nagsipasukan ang mga customers na kanina pa na naghihintay sa labas.




"Lorraine, what are you thinking?" tanong sa'kin ni Janice na nakatingin sa'kin ngayon.




"Sis, are you okay? Are you uncomfortable?" dagdag pa ni kuya Lawrence. Nakalimutan ko na kasama nga pala namin ang kuya ko at ang kuya ni Janice.




"Let's go home then." seryoso na sabi naman ni Kuya Javier na kinalunok ko.




Kahit ilang taon lang ang tanda namin sa isa't-isa ay talaga namang nakakatakot ang kuya ni Janice. Hindi ko nga alam kung paano naging sobrang close ang dalawa kahit na magkaibang-magkaiba sila ng gusto.




"You should go home by yourself, bro." sagot naman agad ni kuya habang nakangisi.




'Tsk! Boys are really so troublesome!'




"Let's go in, Janice." Sabi ko na lang at hindi na pinansin ang dalawa naming kuya na parang magpapatayan na sa sama ng tingin sa isa't-isa.




Pagkapasok namin sa loob ng store ay hindi ko maiwasan na mamangha sa disenyo neto. Hindi siya karaniwan na nakikita ko sa mga kilalang boutique sa buong bansa. Kumbaga mas moderno ang itsura at masasabi mo na talagang binigyan ng pansin ang arkitektura ng lugar.




"This place is not bad." Nakangiting sabi ni Janice sa gilid ko habang tinitignan ang ibang customers na masayang naglilibot at bumibili ng damit.




"This is too girly." malamig na komento ni kuya Javier nang makapasok sila ni kuya.




"Brother can you go somewhere and shut up?" nakangiting tanong ni Janice dito.




Hayys! Bilib din ako sa tapang nitong best friend ko para pagsalitaan ng ganiyan ang kuya niyang isa sa kinakatakutan ng young nobles sa buong Atlante.




"Hahahaha! Bro, your sister is annoyed because of your attitude. Tsk! Tsk! Look at me, my sister loves me so much that she personally invite me––" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni kuya dahil alam ko na maghahasik na naman siya ng kabaliwan.




"Shut up, kuya! Sinong nagsabing inimbita kita? Hindi ba ikaw mismo ang nagpumilit na sumama para mainis mo si kuya Javier?!" sigaw ko dito na kinatawa naman ni Janice sa gilid.




"Y--you? How could you say that to your brother?!" hindi makapaniwala nitong sabi habang nagkukunwaring nasasaktan.




"P--pfft! I'll go look around now. Fix your brother first!" natatawang sabi ni Janice atsaka umalis sa tabi ko para maglibot.




"H--hey! My god! Kids these days are so rude. Tsk! Tsk!" naiiling pang sabi nito.




"Manahimik ka, kuya! Kung makapagsalita ka akala mo naman ang tanda mo na, tatlong taon lang ang tanda mo sa'min, okay?!" inis kong sabi atsaka siya iniwan doon.




Bahala na ang baliw kong kuya dahil sa ngayon ay kailangan kong makahanap ng dress para kay Heavenhell.




'I'm sure she's going to be so pretty wearing my gift. Hihihi!' I giggled in excitement.





HEAVENHELL'S POV




"How's the store?" tanong ko kay Chiara nang makita ko siyang may dala-dalang pagkain.




"It's going well! Wow! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang daming customers ngayon sa shop natin! I'm really excited!" tuwang-tuwa na sabi ni Chiara nang malapag niya na ang pagkain sa lamesa.




"Mabuti naman kung ganoon." sabi ko na lang.




"Teka, may problema ba?" nagtatakang tanong nito. Nakita niya siguro na wala ako sa wisyo ngayon.




Well, sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa katinuan kung nandito sa store ang sworn enemy ni Vile diba?! Hayys! Isipin ko pa lang ay nai-istress na ako!




"No, I'm fine! Ahmm... M--may nakita ka bang dalawang babaeng maganda na may kasamang dalawang lalaki na gwapo?" tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa'kin nang marinig ang tanong ko, marahil ay iniisip niya kung sino ang tinutukoy ko. 




"Ahh hindi ko masyadong napansin sa dami ng tao sa baba. Bakit may problema ba sa kanila? Mga kriminal ba yung mga 'yon?" gulat niya pang sabi na parang may na-realize siya.




'Geez! Kung alam niya lang na mas masahol pa sa kriminal yung nakapasok sa store ay baka himatayin siya.'




"I'm just asking. You can leave me now and take care of the customers." sabi ko na lang.




"Yes, milady!"




Pagkalabas niya ay tsaka ako nagsimulang kumain ng snack na dinala niya. Akalain mo na sa sitwasyon na 'to ay makakakain pa ako na parang walang problema.




'Hindi naman siguro sila magtatagal sa store diba?' namomroblema kong tanong sa sarili.




Geez! Sinasabi ko na nga ba na sa tuwing lumalabas ako ay may nakakasalamuha akong problema ehh! Ang masama pa ay mapapaaga ang paghaharap namin ni Javier kung magkataon!




'Lord, huwag naman sana! Ayoko makaharap si Javier, mas maigi sana kung si Deyl na lang ang makita ko ngayon kaysa ang lalaking 'to.'




Kumpara kay Javier Gideon ay mas safe pang kasama si Spencer Deyl Leywin na kilala ng lahat sa pagiging playboy nito. Atleast kahit papaano ay kalandian lang ng animal na 'yon ang kahaharapin ko. Although nakakatakot ang kaharutan ng character ni Deyl ay mas nakakatakot pa rin si Javier.




Isipin ko pa lang na sa part na 'to ay kagagaling niya lang sa pakikipaglaban sa isa sa mafia organization sa bansang Terran ay kinakabahan na ako.




"Arghh! I really want to suicide now!" naiinis kong sabi habang sinasabunutan ang sarili.




Napatigil lang ako nang biglang mag-ring ang cellphone ni Heavenhell. Tinignan ko naman agad atsaka sinagot nang malaman kung sino ang tumatawag.




"Athanasia..." malamig na tawag nito sa'kin na kinalunok ko.




"Yes, father." kalmado kong sabi habang nakatingin sa glass window dito sa third floor.




"Where are you?"




Napakunot noo ako nang marinig ang tanong nito. Kailan pa siya nagkaroon ng pake sa anak niya? Hmm... I think I have an idea what is this all about. Tsk!




"That's not important, father. What do you need?" diretso kong sabi.




"You're quite sharp, Athanasia, and you've changed a lot. Well, get home and I'll discuss with you about something."




Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niya ng binaba ang tawag nang hindi man lang hinihintay ang sasabihin ko. Tsk! As if namang uuwi agad ako!




Isa pa, hindi ako curious sa kung anong pag-uusapan namin dahil may ideya na ako. Kaya bakit kailangan ko pang magmadali diba? Hehe!





"Arggh! I'm bored so let's go out! I just need to be careful to not meet them!" sabi ko sa sarili bago lumabas ng opisina.




Tutal exclusive ang third floor sa mga customers ay kampante akong naglalakad sa paligid habang nag-iisip-isip ng mga bagay-bagay na pwede ko pang gawin sa mundong 'to.




Kung tutuusin ay sa dami ng naiisip kong gawin ay hindi ko na alam kung paano ko pagkakasyahin ang maiksi kong oras bago dumating ang female lead. Syempre gusto ko bago pumasok sa eksena si Lilian ay may laban na ako kahit papaano.




Paano na lang pala kung bigla kong ma-offend ang female lead nang hindi ko namamalayan? Edi wala akong laban kung bigla akong pagtulungan ng mga male characters diba?!




Ang prayoridad ko ngayon ay magkaroon ng mataas na katayuan sa buhay para maprotektahan ang sarili ko mula sa kanila. Mahirap na at baka mapaaga ang ending ni Heavenhell kapag hindi ako nag-ingat.




Ngayon ay halos isang buwan na akong nakikitira sa bahay ng mga Caventry kaya mas maigi na magkaroon ako ng sariling condo at doon manatili habang inuumpisahan ang mga plano ko.




'Ang problema lang ay kung paano ako makakakuha ng permiso na umalis kay Lord Caventry. Hmm... What to do?'




Patuloy lang ako sa pag-iisip hanggang sa may mabangga akong poste. Shocks! Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namamalayan na may nababangga na pala ako. Iniwasan ko na lang ang pillar at nagsimula ulit maglakad.




'Te–teka? Bakit parang may mali? Kailan pa nagkaroon ng poste sa gitna ng daan?!'




"It's quite rude to leave like that, milady."




O_O




"H--huh?"





Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malamig na boses na nagpatindig ng balahibo ko. Nang ihaharap ko na ang sarili ay naramdaman ko na lang na bigla niya akong hinila at malakas na sinandal sa pader. F–fuck! That hurts!




"What are you doing here?" malamig na tanong ng manyak. Sino kaya ang animal na 'to at ang lakas ng loob na tanungin ang may-ari ng building kung anong ginagawa ko rito?!




"Kung ako sa'yo mas maigi na bitawan mo ko at lumayo-layo ka sa'kin! You pervert! Per––" napatigil ako sa pagsigaw nang maramdaman ang kamay nito sa bibig ko.




"Ge–geez! Kahit na mabango ang kamay ng hinayupak na 'to ay hindi ako makakapayag na ganituhin niya lang ako!"




Bigla tuloy akong nainis sa sarili ko dahil kanina sinabihan ko si Pira na huwag buksan ang ibang ilaw sa hallway ng third floor para hindi makaagaw pansin sa mga customers. Kaya ngayon ay nagsisisi na ako dahil hindi ko maaninag ang mukha ng animal na may hawak-hawak sa'kin.




"Shut up." malamig na sabi nito sa mismong tainga ko.




"Damn! Nasa mali ba akong pag-iisip kung sabihin kong napaka-hot pakinggan ang lalaking 'to?! Arghh! I'm going crazy!"




Pinilit kong gumalaw pero sadyang mas malakas siya sa'kin sa pwesto namin ngayon. Paano ba naman hawak niya yung dalawa kong kamay gamit lamang ang isa niyang kamay. Samantalang ang isa naman ay nakahawak sa balikat ko at dinidiin ako sa pader.




"Geez! May mali talaga sa posisyon namin pero hindi gumagana ang utak ko sa sobrang lapit niya sa'kin."




"Hmm... Nasaan kaya si Lady Athy? Bakit hindi ko siya nakita sa opisina?"




Nagliwanag ang mata ko nang marinig ang papalapit na boses ni Chiara, pero agad ding naglaho nang marinig ang malamig na banta ng lalaki.




"Shh! Stay quiet if you want her to live."




Napatahimik naman ako sa takot na baka totohanin niya ang sinabi niya at biglang patayin si Chiara. Although may laban ako sa lalaking 'to kung sakaling magsapakan kami pero hindi pa rin ako pwedeng magpakampante. Lalo pa't hindi ko alam kung siya lang ba mag-isa dito o kung may armas siyang tinatago sa katawan niya.




"I need to be careful."




"Mas mabuti pang tignan ko na lang sa baba baka naisipan niyang maglibot-libot."




Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang papaalis na si Chiara. Hayys! Mabuti naman at nakaalid na siya nang masimulan ko na ang pakikipagbakbakan sa lalaking 'to.




Nang igagalaw ko na ang paa ko para sipain siya ay mabilis naman niya 'tong nahawakan at dahil sa naka-dress ako ngayon ay mas ramdam ko ang init ng kamay niya sa binti ko.




"Damn! This is not good!"




"Y––you! Pervert! Get off me!" inis kong sigaw nang matanggal niya ang kamay niya sa bibig ko.




"You really want to claim that I'm a pervert huh? Let me show you then..."




Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang ang pagdiin ng patalim sa leeg ko kaya naman agad itong nagdugo. So this is the pervert he's talking about! I'm going to die here, hello?!




Nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin ay tsaka ko lang naaninag ang nakangisi nitong mukha.




'H–he's here?! T–this...'




"I wonder who has the guts to look at me awhile ago, so I just came here and look. I didn't expect it to be Eli's ex-fiancé."




"Y–you, let go... Please?" Kunwari ko pang nagpapaawa na sabi. Mas natatakot ako sa itsura nito kaysa sa pwede niyang gawin sa'kin ehh!




Hindi ko akalain na sobrang gwapo pala nito sa personal. Akala ko kasi sinobrahan lang siya ng description sa nobela ehh!




"My gosh, Carnelia! Hindi ito ang oras para humarot kaya tumino ka!"




Bago ko pa mapatino ang sarili ay nagulat na lang ako sa susunod na nangyari. Biglang yumuko si Javier at tsaka nilapit ang labi sa leeg kong dumudugo.




"You taste sweeter than I expected." Nakangisi nitong sabi habang dinidiinan ang hawak sa leeg ko.




"W–what the heck?! Vile, help me!"





_______________________________________

Dem's note: May mga errors pa kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Continue lendo

Você também vai gostar

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...