A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 15

446 23 58
By gereyzi

Chapter 15
Love you so

"Hala, Pupa, bakit ka naman nakikipagbreak?" Feliciano asked me. Inirapan ko sya before I continue walking. Ang mga schoolmates naman namin ay nakatingin sa aming dalawa while we're having a relationship argument.

"I just don't want to be with you anymore!" I shouted. Lahat ng schoolmates namin ang nag-stop dahil sa malakas kong sigaw sa hallway. "Just don't bother anymore na lang kaya?"

"Dahil ba sa nalaman ko kaya ayaw mo na?" he asked curiously. I pouted. "Pero kahapon mo lang ako sinagot, e!"

"And so? Basta let's breakup na! This is not healthy na!" I rolled my eyes. Iniwan ko na sa hallway ng grade five si Chano before pa nya ako habulin.

Hmp! I just hate it! Ayaw ko na may nakakaalam na ampon ako. Ang nangyayari kasi ay kinakaawaan nila ako kaya sila nagjo-join sa akin. I hate it kaya! They should be with me because they want to.

"Martial, I'll wait for you sa gate, ha? Usap tayo mamaya!" huling sigaw ni Chano bago ako makapasok sa room namin.

Whatever!

"Liah, ayaw ko ng breakup."

Mula sa pagtingin ko sa labas ng bintana ay nilingon ko si Chano.

Madilim, maulan, at mahangin sa labas. Ang mukha ko ay puno ng putik habang ang katawan ko naman ay may ilang mantsa na ng dugo. Kinailangan ko kasi kaninang tumakbo sa masukal na daan dahil hinahabol ako ng ilang parte ng BlackLeaf na hanggang ngayon ay patuloy pa rin kahit pinabagsak na ni Jacos iyon.

Hindi naman masakit ang ilang sugat sa tuhod at braso ko. Mawawala naman pati ito.

Sa ilang linggong lumipas, sinubukan ko namang magtiis at kumapit sa relationship namin ni Chano. I tried to reconcile, lahat. Sumama ako sa kanya at pilit na maging masaya, kaming dalawa lang. Sa loob din ng ilang linggo ay sobrang dami ng nangyari. Hindi lang sa akin kundi kila Astrid, Noelle, at Maria. I was there, silently praying for their fast recovery. Astrid's in America now, same as MM. Itong si Noelle ang hindi makita.

That night. That music festival was the worst. My soul was shattered. I was sexually harassed. In that damn crowd. I was raped. I told no one, hanggang ngayon. Wala akong mapagsabihan dahil alam kong ang lahat ng kaibigan ko ay naghihirap. Gusto... gusto ko na lang mamatay.

No one helped me. Nakita ng ilan ang pangyayari pero walang tumulong dahil magkakakampi sila at alam kong planado na yon. I was with Chano that night, nagkagulo noon dahil biglang kinuha si Astrid kaya sinabihan ko si Chano na tumulong kay Reego. Gusto ko man ikwento sa iba ay hindi ko magawa dahil para akong mamamatay sa pag-iisip kung paano na ako ngayon at kung paano nangyari yon.

I... I just didn't expect things. Ni hindi ko makayanan na isipin iyon. Hindi ko matanggap na ganoon sila. I loved this avenue. I loved this place, so dearly. Why is everything so messed up now?

"Liah..." nagmamakaawa nang lumuhod sa harapan ko si Chano.

I looked at him. I looked right in his eyes. It's sad. Wala akong maramdaman habang nakatitig ako sa kanya. Gusto ko meron. Ang kaso, hindi ko alam kung kahit ba sarili ko ay mahal ko pa. I'm dirty. I was touched and sexualized by someone I don't know.

Pakiramdam ko ay nag-cheat ako. Hindi ko naman ginusto yon. Hindi. Ang alam ko bago mangyari yon ay mahal na mahal ko si Chano kaya may saya sa puso ko noon kahit hirap na hirap na ako. Wala akong maunawaan ngayon, wala talaga akong maramdaman kundi sakit.

Life is fun and colorful if people aren't cruel.

"Just let me help you, please. Let me take care of you!" and then Chano cried again. All I can see in his eyes is pure love and hope while looking at me.

"Let me go, Chano..." bulong ko. "You have so many responsibilities. You have so bright future without me."

"You told me I have three queries, right? Can I ask you now? Chano, will you please let me go now?" dagdag ko.

"I love you so, Liah. Wag naman ganto," humihikbing sagot niya. Niyakap niya ako sa hita habang nakaluhod sa harapan ko.

Hinayaan ko siya at muling nilingon ang malaking bintana. Kitang-kita doon ang madilim na kapakigiran na ngayo'y basang-basa ng ulan.

"Chano, pakawalan mo na ako..." mariin kong sabi. I slowly removed his arms around me. Halos mapatalon ako nang biglang kumidlat sa labas. Ipinagpatuloy ko ang aking paglabas. Saktong tapak ko doon ay naramdaman ko ang napakalamig na patak ng ulan na ngayo'y naglilinis na madugo kong katawan. Sana buong pagkatao ko ay linisin na.

Three more steps, naramdaman ko na kaagad ang mainit na yakap ni Chano. He was hugging me from the back. Rinig na rinig ang iyak niya.

"Pumasok ka na. Malamig," I whispered. Naramdaman kong umiling sya. "Ibenta mo na rin yang bahay o di kaya'y ibalik kila dad."

"Let's tell this to your dad, Liah," he cried again. "Ibalik natin ang mga bata at mamuhay-"

"I returned them to the orphanage," agap ko.

Is it bad if I tell him he's being selfish for wanting me beside him and fix this together? But no. He knows nothing eventhough he's trying his best to save me. But nobody can save me. I can't even save me. No matter how much I pray. No one hears me. Kahit gaano ko pilitin ang sarili ko na paniwalain na may Diyos ay hindi ko magawa.

What's the saddest thing? Wala sa puso o isip ko ang paghihiganti.

"You... what?" biglang bumitaw sa akin si Chano at pilit akong iniharap sa kanya. "You're... you're kidding, right? Pupa?"

Nanatili akong nakatitig kay Chano ng mga oras na iyon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit kahit tinitingnan ko siyang umiiyak na ng sobra sa harapan ko. Gusto ko syang yakapin, may nagpipigil lang sa akin.

He loves the children so much. We both do.

"Liah, naman..."

A tear fell from me nang mapaupo na sa sementong malamig si Chano.

"Alam mo namang kapag ibinalik sila ay hindi na natin sila pwedeng bawiin... Liah, naman..." iyak nang iyak niyang sabi. "Sabihin mo kasi sa akin ang nangyayari para matulungan kita, nagmamakaawa na ako sa'yo!"

Umiwas na ako ng tingin kay Chano nang oras na yon. Parang mas dumagdag ang bigat sa puso ko.

"Liah, nandito naman ako. Yun ang pangako ko, di ba?" nagmamakaawang humawak sa kamay ko si Chano. Nanatili ang titig ko sa motor niyang basang basa na ng ulan ngayon.

"Give me your key," I said suddenly.

"What?"

"Your motor key, Chano," ulit ko. Nagtataka sya pero kinuha rin naman niya sa kanyang bulsa iyon at ibinigay sa akin. "We're gonna get them, Pupa?" hopeful nyang tanong. Hindi ko sya sinagot at iniwan na nakaluhod sa ulanan. Dumiretso ako sa motor at mabilis na binuksan iyon.

"P-pupa?" ani Chano at akmang lalapit na nang mabilis kong napaandar ang sasakyan palabas. "Pupa!" huling tawag niya bago ako tuluyang nakalayo.

Mabilis akong nakarating sa bahay ni Daddy. Hindi na ako nagtaka nang harangin ako ng mga gwardya at hindi pinapasok.

"Mommy, ilabas mo ang mga bata!" sigaw ko na. Ilang minuto ja ako sa labas at pinipilit silang papasukin ako pero talagang ayaw nila. "Mommy, lumabas ka dyan!"

"Ma'am Liah, please po, huwag na kayong manggulo-"

Ang isang gwardya na galing sa loob ng bahay na lalapit sana sa akin ay mabilis kong sinipa sa mukha. Tumilapon ito sa basang semento kaya nagkagulo na lalo sa labas.

"Ma'am, umalis na po kayo, please po. Ayaw namin kayong saktan!" pakiusap ng isa nang makuhanan ko sila ng baril at itutok sa kasamahan nila.

"Ilalabas nyo ang mga bata o ipuputok ko to sa ulo nya?" sigaw ko.

"Ameliah!'

Natigilan ako nang may sasakyan na dumating. Kaagad akong nagkapag-asa nang makita kong si Daddy ang bumaba mula roon. Akma akong lalapit sa kanya ng disappointed syang umiling.

"Stop this nonsense," mariin nyang sabi.

"But, Dad..." naguguluhan kong sabi. "Mom took my children -"

"You have no children, Liah," si Mommy na ngayo'y lumabas na ng bahay.

The moment na nilapitan sya ni Daddy ay nawalan na ako ng pag-asa. Ang kaninang hangin na wala lang sa akin ay naramdaman ko na ang lamig.

"Umalis ka na. Puro na kahihiyan ang nadudulot mo," Dad said once again. Nagtataka ko syang tiningnan.

"Daddy..." I was raped. That's what I'm about to say but was cut off with his words.

"You tried to harass Jan sexually, Liah," aniya. Malamig ang pagkakasabi niya. Umiling ako at akmang lalapit nang pigilan nya ako. "Just go away. Ang sakit-sakit, Liah."

"Dad, no, I didn't do that!" tanggi ko. Ang mga gwardya ay nag-umpisa na akong higitin nang tumalikod na si Daddy. Akmang papasok siya sa bahay nang muli akong nagsalita. "Just let Chano have the kids! Lalayo ako! Papayag akong ipakasal nyo sya sa iba!"

Ang kaninang mahaharas na tao ay lumuwag ang hawak sa akin bigla. Sabay naman akong nilingon ni Dad at Mom.

"Give them to him. Hinding-hindi ko na kayo gagambalain."

"As you wish..." Mom said with a smile. Si Dad ay nanatiling nakatitig sa akin. Nang makita kong pumatak ang luha nya ay umiwas na ako ng tingin. "We'll also tell him na sa iba ka na namin ipapakasal para hindi ka na guluhin."

"Okay..." lakas-loob kong sagot. "S-sige."

"Okay, layas na," ani Mommy. Sinenyasan pa niya ang gwardya na paalisin na ako, si Dad nama'y naglakad na ulit papasok.

"I didn't harass anyone, Dad!" pahabol ko bago ulit siya pumasok. "Kahit ikaw na lang maniwala sakin, nagmamakaawa ako!"

Hindi ako pinansin ni Daddy at nagpatuloy siya sa pagpasok kaya tuluyan na akong nawalan ng lakas. Tuluyan akong napaupo sa semento at pinanood ang malaking likod niya na ngayo'y nanatiling nakatayo sa may sala. He's crying hard while Mom's simply smiling.

Nang makaalis ako sa bahay nila Daddy ay nag-motor lang ako hanggang sa maubusan na ng gas iyon. Ang ulan ay tumila na rin. Bumaba ako ng sasakyan at pilit na inilibot ang aking paningon. Nasa tabing dagat ako kung saan may kasiyahang nagaganap kasabay ang malakas na tugtugan at makukulay na ilaw. Hindi ko alam ang pumasok sa aking isipan at pumasok ako sa resort na iyon. Sinigurado kong natatakluban ang mukha ko ng jacket na kahapon ko pa suot.

"Give me your hardest drink," sabi ko nang nasa counter na ako nang makapasok. Halos mahilo ako dahil sa ilaw at malalakas na tunog. Ang tao ay sobrang dami na akala mo'y wala nang bukas kung magsaya. "Give me three bottles."

Nang makapagbayad ako ay lumabas na ako ng bar. Tinahak ko ang dalampasigan para makahanap ng pwedeng pwestuhan. Nakarating ako sa may tubig at nagpilit na iakyat ang aking katawan sa malaki at malapad na bato. Nang makaakyat ay hinubad ko ang aking jacket at hinayaan iyong anurin ng alon.

I can feel the warm water on my foot. Rinig na rinig din ang hampas ng alon sa malalaking bato. Ang ulap ay grey dahil sa sinag ng buwan na unti-unti nang lumilitaw matapos ang matagal na pag-ulan.

I tried to open the bottle using my teeth. I made it.

"Argh!" daing ko nang dumugo ang labi ko dahil doon.

Hindi ko na ininda ang sugat ko sa labi at kaagad nang ininom ang alak. Unang lagok pa lang ay ramdam ko na kung gaano katapang iyon. Mabilis kong ininom nang sunod-sunod ang alak hanggang sa maramdaman ko na ang pagkahilo. Humiga ako sa bato at tinitigan ang buwan.

"But I love you so..." paggaya ko sa sinabi ni Chano kanina. Napangiti ako dahil doon bago ko naramdaman ang mabilis at sunod-sunod na patak ng aking luha. Parang ngayon ko lang naramdaman kung gano ako kasira.

"It hurts!" daing ko at muling naupo. I punched my chest with the hope that I'm gonna feel better after it. "It hurts so bad!" malakas kong sigaw. I punched it the hardest.

Tumayo ako at inis na inis na binato ang bote ng alak sa dagat. Matapos kong gawin yon ay muli akong nagbukas ng bote. "I fucking hate y'all!" muli kong sigaw.

"I hate you all! Now I wish I was never born!" I added. Rinig na rinig ko ang piyok at pamamaos ng boses ko. Masakit sa lalamunan pero pakiramdam ko ay nababawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.

"I never did that to Jan! I was the fucking victim here! I was sexually harassed!" I cried harder this time. "Totoo Ka ba talaga? Kung oo, bakit Mo ako hinayaan magkaganto? I prayed, You know that! I prayed!" nanghihina kong dagdag habang dinuduro ang langit.

"Nasaan Ka? Nasaan Ka ngayong kaylangan Kita?"

Inis na inis kong ibinato ang bote sa bato kaya nabasag iyon. Dahil doon ay napasilip ako sa tubig. Parang umiikot ang paningin ko dahil doon. Unti-unti, I made some steps through it. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pumunta ako sa gilid ng bato kung saan may malalim na parte ng dagat. Pakiramdam ko'y tinatawag ako noon. Pakiramdam ko'y doon ako tanggap.

Again, I made more steps. Kalahati ng paa ko ay wala nang inaapakan. Ang hangin ay napakalakas na tila kaya na akong tangayin.

"Ayaw ko na," humihikbi kong daing. "All I want is to get through this pero bakit hindi ko magawa?" bulong ko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumikit. I spread my atms widely. Dinama ko ang hampas ng alon at malakas na hangin. I'm about to take another step bago muli humangin ng malakas, tila hinampas ako sa mukha. Dali-dali akong napamulat dahil doon at kaagad natauhan. Mabilis akong umatras at nangingig na lumayo sa gilid ng bato. Agaw-hininga akong napatulala at napaisip sa aking nagawa.

I'm... I'm about to kill myself...

"Warrior attitude. As you should."

Natigilan ako sa pagkagulat nang may marinig akong nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko iyon pero hindi ko siya makita dahil sa mata kong puno ng luha at madilim na paligid.

"Miss..." tawag pansin niya sa akin. Hindi ako nakagalaw at ganon din naman sya. "I know life if very hard towards us. But always remember that ending the battles aren't just about ending your life."

"W-who... are you?" tanong ko at pilit siyang inaaninag. Akma akong lalapit sa kanya nang magtaas siya ng dalawang kamay at umatras.

"I heard everything you said. It's better if you don't know me. At least, I'm a stranger, right?" aniya. Pakiramdam ko'y ngumiti siya. "Pack all your things. Leave everything here. Whatever happens happened."

Magsasalita pa sana ako nang tumalikod na siya at nakapamulsa nagsimulang maglakad palayo. Nang makababa siya sa bato ay muli siyang humarap at kumaway.

"Make sure to save what's worth saving! You know who she is!" he said lastly before leaving with a light mood.

Matapos kong saglit na lumubog sa mababaw na parte ng dagat ay umalis na ako ng lugar na iyon. Mabilis akong naghanap ng convenient store at doon nakitawag. Mabuti na lang at walang nakakilala sa akin. Hindi ko rin naman kasi alam kung nasaa na ba ako.

"Oh my god ka!" umiiyak na salubong sa akin ni Bianca nang makarating siya sa pinuntahan kong tindahan. Mabuti na lang at alam niya ito. "Liah!" she added while crying hard.

"I'm... I'm okay," pilit kong sagot at muling tumulala sa kawalan.

"Anong okay? Baliw ka ba? Buong linggo kitang hinahanap kahit ayaw na nila akong samahan!" galit nyang sabi. "O, ito, wear this, bilis! Iuuwi muna kita-"

"Bianca, a-ayaw ko..." mabilis akong umiling at nakaramdam ng takot. Itinaas ko ang aking paa sa upuan at niyakap ang aking tuhod. "B-baka makita nila ulit a-ako. Ayaw ko!"

"Hey, hey, baby..." malambing na pagpapakalma sa akin ni Bianca. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge at iniharap sa kanya. "I'll bring you somewhere else. Doon ka muna sa condo ko. Walang makakakilala sayo ro'n."

Matapos ang usapan namin ni Bianca ay tahimik kaming pumunta sa condo nya. Hinayaan niya akong tahimik na umiyak nang umiyak buong byahe. Kitang-kita ko kung paano sya nagpakatatag para sa akin kaya mas naiiyak ako.

"Make sure to wash yourself properly," aniya nang papasok na ako sa kwarto. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa paliguan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad doon bago ako nahiga at natulog.

Dumaan ang ilang araw. Nagkulong ako sa condo ni Bianca habang siya ay inaayos ang mga papel ko. Silang dalawa ni Leandro ang nag-aasikaso sa akin. Sa mga araw na lumilipas ay hindi iyon natatapos na hindi ako naiyak. Kahit anong iyak ko ay hindi mawala yung pakiramdam na may nawala sa parte ng pagkababae ko na kahit sino ay hindi na maiibalik. I... I was saving it for Feliciano.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi kay Bianca ang totoong dahilan ng pag-iyak ko. Akala niya ay tungkol pa rin iyon sa bullying. No. Hindi ko masabi kahit kanino ang nangyari pero... may nag-iisang nakakaalam. Hindi ko kilala iyon kaya pakiramdam ko'y ayos lang dahil hindi rin naman niya ako kilala. Isang napakalaking kahihiyan noon kapag kumalat. I'd rather suffer alone.

"Liah, sinasabi ko sa'yo..." banta ni Bianca isang linggo makalipas nang pananatili ko sa kanyang condo.

"Love..." pigil ni Leandro sa kanyang pag-iyak.

"Babalik naman ako... kapag kaya ko," mahina kong sabi bago nagpatuloy sa paghahanda ng gamit. Pilit kong pinipigilan ang aking iyak dahil kanina pa umiiyak si Bianca. She even mentioned na araw-araw daw siya tinatanong ni Chano kung nasaan ako. Kalat na rin na cancel na ang engagement namin at hindi siya pumayag na ipakasal sa... kapatid ko.

Inihatid ako ni Bianca at Leandro sa airport. Sinigurado pa nilang walang nakakaalam ng pag-alis ko bukod kay Payton na siyang pilot ng sasakyan kong eroplano.

"Liah, fight your battle well," ani Leandro bago ako binigyan ng mainit na yakap. "You're a strong fighter, remember that."

"Mag-iingat ka, ha? Tawagan mo ako lagi. Bibisitahin ka namin. Saka yung address na binigay ko sayo ay ingatan mo yung papel," habilin ni Bianca at muli nang umiyak bago ako yakapin. "Liah, mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan!"

"I know," mahina kong tugon bago siya halikan sa pisnge. "Thank you so much," at umiyak na ako nang tuluyan.

Matapos ko magpaalam sa dalawa ay naglakad na ako papasok dala ang aking maleta. Kabang kaba ako kahit wala namang nakakakita sa akin. Pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin mag-isa pero kakayahin ko. I don't know what future I have there but I'll make sure I'll rise again.

"You can do it, Ameliah," sabi ko sa aking sarili bago pumasok sa eroplano.

"I love you so..." bulong ko habang nakatingin sa bintana ng eroplano na ngayo'y umaandar na.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...